You are on page 1of 1

Nobyembre 20, 2019

ENGR. JUAN R. CAPUCHINO


Municipal Mayor
Naguilian Municipal Hall
AH26, Naguilian,Isabela

Mahal na Alkalde,

Sa kabila ng pagdiriwang ng bawat Naguileño sa inyong ika – 123 rd Founding Anniversary.


Ako ay malugod na naki – iisa sa inyong maligayang selebrasyon. Nawa’y ang pagdiriwang na
ito ay maging pagpapala at pagpapa-alala sa bawat sakripisyong inilaan tungo sa pag-unlad
ng ating mahal na bayan.

Pag – unlad, isang salita na minimithi ng bawat isa, isang salitang makapagbabago sa ating
kinabukasan, isang salitang nangangailangan ng pagkakaisa. Ating alalahanin na hindi
batayan ang kahirapan upang tayo ay manatili na lamang sa ibaba ng ating buhay,
determinasyon, pagsisikap, pangarap at pananalig lamang sa may kapal ang kailangan.
Walang imposible sa taong hindi sumusuko, at mas lalong walang imposible sa bayang
nagkakaisa.

Ang pagbangon natin kapag tayo ay nadarapa ay tama, ngunit mas tama lalo ito kapag
tinulungan natin ang kapwa nating bumangon sa mga pinagdaraanan nila; at diyan,
kaagapay niyo kami, ang Pamahalaang Panlalawigan, sa lahat ng tagumpay, lalong lalo na sa
bawat pagsubok at hamon na inyong pinagdaraanan at pagdaraanan sa bawat araw ng ating
buhay. Ating dinggin ang ihip ng ating panahon, ang bawat bulong, ang bawat sigaw nang
ating pinakamamahal na bayan. Ngayon, Ngayon na, ang tamang panahon upang ating
simulang tahakin ang landas tungo sa pag – asenso, pag – unlad at pagmamahal;
pagmamahal sa Diyos, sa Bayan, at sa kinabukasan ng bawat mamamayan.

Sama – sama nating balangkasin at tahakin ang pinapangarap nating pagbabago. Atin nang
simulan, mula sa ating mga sarili, nang maging tayo ang pagbabago sa minimithi nating
tunay na pagbabago. Ating aksyunan ang salitang “pag – unlad”, halina at makiisa, para sa
Bayan, para sa Isabela, para sa ating lahat.

Mabuhay at maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

HON. FAUSTINO “BOJIE” G. DY III


Vice - Governor

You might also like