You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 8

IKATLONG MARKAHAN, MAIKLING PAGSUSULIT BILANG 3


1. Ano ang tawag sa panghihimasok, pag-impluwensya o pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang
mahinang bansa?
a. Imperyalismo b. Kolonyalismo c. Protectorate d. Sphere of influence
2. Anong instrumento sa paglalayag ang nagbibigay ng tamang direksiyon habang naglalakbay?
a. anchor b. astrolabe c. compass d. radar
3. Kailan nagsimula ang dakilang panahon ng Eksplorasyon?
a. ika-15 na siglo b. ika-16 na siglo c. ika-17 na siglo d. ika-19 na siglo
4. Ano ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalungad?
a. France b. Netherlands c. Portugal d. Spain
5. Bakit nabawasan at humina ang dating impluwensiya ng simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao noong ika-16
at ika-17 na siglo?
a. Dahil sa mga paglalahathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng bagong siyensiya.
b. Dahil sa ideya ni Thomas Hobbes na natural law at sa pagpapalimbag ng kanyang aklat na Leviathan.
c. Dahil sa mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga europeo mula sa bulag na paniniwala noong Middle ages.
d. Dahil sa makabagong ideyang pampolitika ng mga Pilisopo na marurunong sa sistematikong batas at analitikong
pangangatuwiran.
6. Paano nakatulong sa pamumuhay ng mga tao ang mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya noong panahon ng
Rebolusyong Industriyal?
a. Nagbigay daan sa mga kapitalista upang mas makilala sa industriya at kumita ng malaki.
b. Naging daan ito upang magkaroon ng malaking kita at mapaunlad ang kanilang katayuan sa buhay.
c. Nagdulot ng mas malalim na pagnanasa ng mga tao na mag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa.
d. Naging daan upang ang mga tao sa siyudad ay lumipat ng tirahan sa mga kabukiran at palawakin ang kasanayan sa
agrikultura.
7. Ano ang naging epekto ng industriyalismo na nagdulot ng pagbabago sa pamumuhay ng mga tao?
a. Nagkaroon ng maayos na pamamalakad sa pamahalaan
b. Nagbigay daan upang magkaroon ng pantay na katayuan sa lipunan ang mga mamamayan.
c. Dumagsa sa lungsod ang mga taong taga-probinsya na nagdulot ng pagdami ng tao at naging squatter.
d. Nabigyan ng pagkakataon ang mga bata na makapag-aral at matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa
pag-aaral.
8. Ano ang ibig sabihin ng linyang ito? “Totoy kumilos ka,baliktarin ang tatsulok at ang mga dukha ay ilagay mo sa tuktok”
sa awiting tatsulok ng Bamboo na may kinalaman sa rebolusyon?
a. Magkaroon ng pagbabago sa lipunan at pantay na karapatan sa mga dukha at mayayaman.
b. Magsumikap at magsakripisyo upang magkaroon ng pagbabago sa takbo ng buhay ng isang dukha na nasa ibaba.
c. Ang ayos ng istruktura ng lipunan ay mabaliktad kung saan ang nakararaming mahihirap ay siyang ilagay sa tuktok.
d. Magkapalit ng sitwasyon na nararanasan ng mga mahihirap sa ibaba at mayayaman sa tuktok.Upang masubukan din
ng mga mahihirap ang magbuhay mayaman.
9. Bakit tinawag ng Great Britain ang India na “pinakamaningning na hiyas” ng imperyo?
a. Dahil sa India natagpuan ng Great Britain ang kanilang mga pampalasa.
b. Dahil nang masakop ng Great Britain ang India lumawak at lumakas ang kanilang kapangyarihan dahil sa taglay na
yaman ng bansang ito.
c. Dahil sa India naging lubhang makapangyarihan ang pamahalaan at dinala ang mga kaisipan,kaugalian,edukasyon
at teknolohiya sa bansa.
d. Dahil napanatiling bukas ang pamilihan ng India upang makakuha ng mga hilaw na materyales at mapangalagaan
ang ekonomikong interes.
10. Ano ang naging epekto ng Kolonisasyon sa mga bansang nanakop?
a. Nagdulot ng pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng kolonya dahil sa impluwensyang kanluranin.
b. Naapektuhan ang kanilang pakikipagkalakalan sa mga karatig lugar na nagdulot ng kaunlaran sa kanilang bansa.
c. Nagkaroon ng pagbabago sa kapangyarihang kanilang tinatamasa dulot ng lumalaking bilang ng bansang
nasasakop.
d. Naapektuhan ang maraming aspekto ng kanilang buhay gaya ng pampolitika, pang- ekonomiya, panlipunan,
espirituwal at pang kultura.
11. Ito ay tumutukoy sa muling pagsilang o rebirth ng kulturang klasikal ng Greece?
a. kontra-repormasyon b. humanism c. renaissance d. repormasyon
12. Ano ang naging epekto ng kolonisasyon sa mga lupang nasakop?
a. Nagdulot ng pagtaas ng singil ng buwis sa mga tao na lalong nagpahirap sa mga ito.
b. Naging mahirap ang pamumuhay ng mga taong naninirahan sa lupang nasakop at naging alipin ng mga mananakop.
c. Nagkaroon ng union ang mga tao upang isulong ang kanilang karapatan at magising ang kanilang damdaming
nasyonalismo.
d. Nagkaroon ng pagbabagong pampolitika,pang-ekonomiya,panlipunan at pang kultura na ibinunga ng kolonisasyon
sa lupaing sakop.
13. Sa iyong palagay, bakit tinawag na panahon ng kaliwanagan ang Rebolusyong Pangkaisipan?
a. Dahil ito ay nagdulot ng pansamantalang katamikan at konserbatibong pamumuhay,
b. Dahil sa paniniwala ng mga pilosopo na may batas ang lahat ng bagay tulad ng pisikal na may likas na batas na
sinusunod
c. Dahil nakasentro ang ideyang ito na ang kaligayahan ay matatagpuan ng mga taong sumusunod sa batas ng
kalikasan.
d. Dahil nkasentro ang ideyang ito sa paggamit ng katuwiran sa pagsagot sa suliraning panlipunan, pampolitikal at
pang-ekonomiya.
14. Paano kaya nangyayari ang balance of power sa isang bansang may tatlong sangay ng pamahalaan?
a. kapag kontrolado ng mga sangay na ito ang mga mamamayan ng bansa.
b. kapag nagkakaroon ng pantay na paghahati at walang pang-aabuso ng kapangyarihan ng pamahalaan.
c. kapag ang bawat sangay ay nagbibigay ng pagkakataon na isagawa ang lahat ng kanilang naisin sa pamahalaan.
d.kapag nagkaroon ng kalayaan ang tatlong sangay na panghimasukan ang desisyon ng bawat sangay ng
pamahalaan.
15. Paano mo maipapakita ang damdaming nasyonalismo sa iyong bayan o bansa?
a. pagtangkilik sa mga produktong banyaga.
b. pagyakap sa kultura ng ibang lahi upang lalong yumabong at makilala.
c. pagtatanggol at pagsasakripisyo ng buhay para sa iyong bansa laban sa mga mananakop.
d. pagtanggap ng tulong mula sa ibang bansa upang malutas ang problemang kinakaharap ng iyong bayan.
16. Sa iyong palagay bakit kaya may mga taong nakahandang magbuwis ng buhay para sa kanilang bayan o bansa?
a. Upang maipakita ang tapang at lakas sa lahat para ika ay hangaan at tularan ng iba.
b. Upang maipakita ang masidhing pagmamahal sa bayan at maging idolo ng mga tao.
c. Upang mapangalagaan ang prinsipyong ipinaglalaban na magkaroon ng pagkakaisa at pagmamalasakit
d. Upang mabigyan ng parangal ang kanilang hirap at pagsasakripisyo upang makamit ang kanilang layuning kalayaan.

Para sa aytem 16-20. Tama o Mali: Suriin ang bawat pahayag.Makakatulong ang nakasalungguhit na mga salita sa
pagsusuri ng ideya sa bawat bilang.
17. I. Nooong ika-16 na siglo ang pag-unawa ng mga Europeo tungkol sa mundo at sansinukob ay batay sa aral ng mga
kristiyano at pilosopiya ni Aristitle.
II.Ang Rebolusyong Siyentipiko ay ang panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang
pagmamasi sa sansinukob.
a. Tama ang una at ikalawang pangungusap c. Tama ang unang pangugusap at mali ang ikalawang pangungusap
b. Mali ang una at ikalawang pangungusap d. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawang pangungusap
18. I. Ayon sa doktrinang manifest destiny may karapatang ibinigay ang diyos sa United States na magpalawak at
angkinin ang buong kontinente ng Hilagang America.
II. Ang protectorate ay pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa.
a. Tama ang una at ikalawang pangungusap c. Tama ang unang pangugusap at mali ang ikalawang pangungusap
b. Mali ang una at ikalawang pangungusap d. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawang pangungusap
19. I. Ang tagumpay ng America laban sa Spain ay nagdulot ng pagsakop sa Guam,Puerto Rico at Pilipinas.
II. Ang imperyalismo sa Africa at Europe ay naging daan upang makaranas ng pagsasamantala ang katutubog
populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga dayuhan.
a. Tama ang una at ikalawang pangungusap c. Tama ang unang pangugusap at mali ang ikalawang pangungusap
b. Mali ang una at ikalawang pangungusap d. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawang pangungusap
20. I.Ang mga Philosophes ang unang Europeong naniwala na maaaring umunlad kung gagamit ng makagham na paraan.
II. Isa sa itinuturing na maimpluwensiyang philosophes si Francois Marie Arouet na mas kilala sa tawag na Voltaire.
a. Tama ang una at ikalawang pangungusap c. Tama ang unang pangugusap at mali ang ikalawang pangungusap
b. Mali ang una at ikalawang pangungusap d. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawang pangungusap

You might also like