You are on page 1of 2

Ang Batanes ay lalawigan sa Hilagang Luzon, ito ay kabilang sa Cagayan Valley o Rehiyon II.

Binubuo ito sampung


pulo ngunit tatlo lamang ang maaaring tirahan at ito ay ang isla ng Batan, isla ng Sabtang, at isla ng Itbayat.

KULTURA

Ivatan ang tawag sa mga naninirahan sa Batanes, Ivatan din ang tawag sa kanilang wika.

Ang mga Ivatan ang matatawag na pinakamatanda na naninirahan sa Pilipinas.

Ang mga ninuno ng mga Ivatan ay sinasabing sa Taiwan nagmula noon pang 3500 na taon na ang nakakaraan.

WIKA

May pagkakaparehas ang kultura ng Ivatan sa mga tribu sa Lan Yu (Timog Taiwan), dahil sa wika ng mga tribu sa
Lan Yu na tinatawag na Yami na may pagkakahawig sa wikang Ivatan.

KABUHAYAN

Mangagawa ng Bangka at Manlalayag ang mga pangunahing kabuhayan ng mga Ivatan noon. Hanggang sa
nagkaroon din sakanila ng mangangaso, magsasaka, at mangingisda.

KLIMA

Maulan sa Batanes na umaabot sa pinakamababang araw na walo ang tinatagal ng ulan at dalawangpu’t isa naman
ang pinakamahabang bilang ng araw ang tinatagal ng ulan.

Ito ay dahil kabisera ang Basco ng hulinh himpilan ng panahon kaya’t madalas ay maulan dito.

Ang tag-araw ay tuwing Abril hanggang Hunyo. Ang tag-lamig naman ay Disyembre hanggang Pebrero.

MGA TANAWIN SA BATANES

Mga Bundok at Dalampasigan:

Valugan Beach

Mt. Riposed Mga Tradisyunal na Bahay:

Mt. Iraya Savidug

Mt. Matarem Chavayan

Rapang du Kavuyasan Nakanmuan

Mt. Karobooban Sumnangan

Duvek Bay Diura

Vuhos Marine Reserve Raele

Tukon Hedgegrows
EKONOMIYA

75% sa mga Ivatan ay magsasaka at mangingisda. Ang mga natira ay nagtatrabaho sa gobyerno at mga pribadong
kompanya.

Bawang at bakahan ang pangunahing pinagkakakitaan sa Batanes

Ang mga Ivatan ay nagtatamin din ng mga kamote baging, kamoteng kahoy, gabi at ang bihirang uri ng putting uvi.

Ang tubo ay tinatanim upang makagawa ng palek, isang uri ng katutubong alak at suka.

You might also like