You are on page 1of 1

February 24, 2020

Question 76: Bakit ang Diyos ay naging tao okay Hesus?

“Para sa ating mga tao at para sa ating kaligtasan Siya ay pumanaog mula sa kalangitan.”

Kay Hesukristo, ipinagkasundo ng Diyos ang mundo sa kanyang sarili at iniligtas ang sangkatauhan mula sa pagkakakulong sa kasalanan.
“Luhbhang mahal ng Diyos ang sangkatauhan, kaya ibinigay Niya kahit na ang Kanyang Bugtong na anak”. Kay Hesus, nagkatawang tao ang
Diyos, nakibahagi sa makamundo nating oag – aari, sa mga pagdurusa natin, sa kamatayan natin, at nagging kaisa natin maliban sa kasalanan.

Question 77: Ano ang kahulugan kapag sinabing si Hesus ay ang totoong Diyos at totoong tao?

Kay Hesus, ang Diyos ay naging isa sa atin at naging ating kapatid; Hindi Siya tumigil na maging Diyos gayundin ang maging Panginoon. Ang
Konsilyo ng Chalcedon noong taong 451 ay nagturo na ang kabanalan at pagkatao ni Hesukristo ay iisa lamang, “walang mga dibisyon at
pagkalito”.

Ang simbahan, sa loob ng matagal na panahon, ay nagkaroon ng suliranin tungkol sa kung paano ipapahayag ang relasyon sa pagitan ng pagiging
Diyos at pagiging tao ni Hesukristo. Hindi kompetisyon ang pagiging tao ni Hesus sa isa’t – isa na maaring dahilan upang isipin na si Hesus ay
kalahating tao at kalahating Diyos. At hindi rin totoo na ang pagiging Diyos at tao ni Hesus ay nakakalito. Ang Diyos ay nagkatawang – tao kay
Hesus. Hindi lamang ito kaanyuan (Docetism) ngunit magkaibang katauhan si Kristo, isang tao at isang Diyos (Nestorianism). At di rin totoo na kay
Hesus, ang likas na katauhan ay mapasama nang ganao sa pagka – diyos (Monophysitism). Salunggat samga sinasabi ng mga erehiya (heresies),
ang simbahan ay naniniwala na si Hesukristo ay sa parehong pagkakataon ay tunay na Diyos at tunay na tao. Ang kilalang pormula na “walang
paghahati at pagkalito” (Konislyo ng Chalcedon) ay hindi ipinapaliwanag ang isang bagay sa mababaw na pag – unawa ng tao sa halip, ito ay
naglalagay ng hangganan ng pananampalataya. Ito ay nagpapahiwatig na ang “landas” tungo sa misteryo ng pagkatao ni Hesukristo ay maaring
pag – aralan.

Question 78: Bakit nauunawaan lamang natin si Hesus bilang isang “misteryo”?

Si Hesus ay umaabot sa Diyos; samakatuwid hindi natin siya maiintindihan kapag tinanggal natin ang hindi makitang banal na katotohanan.

Ang nakikitang bahagi ni Hesus ang napakaraming katotohanan na makapangyarihang naipamalas ngunit naiintindihan lamang natin ito bilang
isang MISTERYO. Ang mga halimbawa nito ay pagiging Bugtong na Anak, ang Pagkakatawang – tao, ang Pagpapakasakit, at Muling Pagkabuhay
ni Kristo.

Question 79: Si Hesus ba ay may kaluluwa, isip, at katawan gaya ng tao?

Oo. Si Hesus ay “gumawa gamit ang kamay ng tao, nag – isip gaya ng tao. Siya ay kumilos gaya ng tao at sa puso ng isang tao, Siya ay
nagmahal.”

Ang pagkatao ni Hesus ay buo at nilalaman nito ang katotohanan na si Hesus ay nagtataglay ng kaluluwa at nalinang sa aspetong sikolohikal at
ispiritwal. Sa loob ng kanyang kaluluwa ay ang pagkakakilanlan Niya bilang tao at ang Kanyang espesyal na malay sa sarili. Batid ni Hesus at ang
Kanyang makalangit na Ama sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, kung saan hinahayaan niyang gabayan Siya nito sa bawat sandalin ng Kanyang
buhay.

Question 80: Bakit birhen si Maria?

Kalooban ng Diyos na bigyan si Hesukristo ng isang tao na ian ngunit ang Diyos mismo bilang Kanyang Ama, dahil nais niyang gumawa ng
bagong simula na galing sa Kanya at hindi sa gawang makalupa.

Ang oagkabirhen ni Maria ay hindi tulad ng mga lumipas na kwento sa mitolohiyya ngunit ito ay mahalaga sa buhay ni Kristo. Siya ay ipinanganak
ng isang babae ngunit walang amang tao. Si Hesukristo ang simula ng bagong kabanata sa mundo na itinalaga ng Kataas – taasan. Sa Ebanghelyo
ni Lucas, tinanong ni Maria ang anghel “Paano mangyayari ito, ngayong wala akong asawa. Sumagot ang anghel, “Ang Banal na Espiritu ay
sasainyo”. Kahit na ang Simbahan mula sa sinaung panahon ay nahusgahan sa paniniwalanh ito hinggil sa pagkabirhen ni Maria, patuloy ito na
naniniwala na ang kanyang pagkabirhen o pagkadalisay ay tunay at hindi lamang basta isang simbolo.

You might also like