Professional Documents
Culture Documents
Teaching P. E & HEALTH Sir Bacnis
Teaching P. E & HEALTH Sir Bacnis
Iodized salt – Ang iodized salt ay isang klase ng asin na dinagdagan ng iodine.
Bagama’t ang ibang mga bansa ay gumagamit na ng iodized salt noong 1920s pa
lamang, naging laganap lang sa Pilipinas ang iodized salt noong 1995 matapos
maisabatas ang Salt Iodization Act.
Seaweed o halamang dagat – Ang seaweed o halamang dagat ay mayaman sa iodine
at antioxidants na nakatutulong upang makaiwas sa thyroid cancer. Ang pinaka-
popular na uri ng halamang dagat ay ang kombu kelp, wakame, at nori.
Pagkaing dagat – Maraming pagkaing dagat ang mayaman sa iodine gaya ng isdang
bakalaw, tuna, at hipon. Kumpara sa ibang isda, ang bakalaw at tuna ay mas
nakabubuti sa kalusugan sapagkat kaunti lamang ang taba ng mga ito pero
umaapaw sa iodine content. Ang hipon naman ay mas mayaman sa iodine kumpara
sa ibang shelled foods sapagkat mas naabsorb nito ang natural na iodine ng dagat.
Gatas at mga produktong gawa sa gatas – Ang gatas ng baka ay mayaman sa iodine.
Bukod dito, ang mga produktong gawa sa gatas gaya ng keso at yogurt ay
nakatutulong din sa pag-iwas sa bosyo.
Itlog – Ang itlog ay mas kilala sa protina nito, pero mataas din ang iodine content
nito. Ang iodine ng mga itlog ay matatagpuan sa pulang parte nito.
Muling paalala: bagama’t iminumungkahi na kumain ng pagkaing mayaman sa iodine,
dapat ito ay sapat lamang. Dahil kapag sobra ang iodine sa katawan, pwede pa ring maging sanhi
ito ng bosyo.
Masasabing may beke o mumps ang isang tao kapag sila ay nakitaan o nakararamdam ng
mga sumusunod na sintomas:
Pagkakaroon ng “chipmunk cheek” o namamagang pisngi (malapit sa tenga
at panga)
Pagkakaroon ng lagnat
Pananakit ng tenga at panga
Pananakit ng ulo
Pananakit ng kasu-kasuan
Pananakit ng tiyan
Pagkakaroon ng nanunuyong bibig
Pagdanas ng hirap sa paglunok
Pagkawala ng gana sa pagkain
Mabilis na pagkapagod
Hindi rin agad lumalabas ang mga sintomas ng beke. Maaaring abutin ng 14 hanggang 25
araw bago lumabas ang mga sintomas. Ang pagkakaroon ng beke ay hindi madaling ma-iwasan
sapagkat isa itong lubos na nakahahawang uri ng sakit. Makasalubong ka lamang sa daan ng
isang taong may beke ay puwede ka na agad magkaroon nito kahit wala kayong tunay na
interaksyon. Ganunpaman, hinihikayat ang mga sumusunod na pag-iingat upang hindi
magkaroon ng kondisyon na ito:
Pabakunahan ang mga anak ng MMR vaccine upang magkaroon ng immunity ang
katawan laban sa beke. Kadalasang binibigay ang unang dosage ng bakunang ito sa mga batang
nasa pagitan ng mga edad 12 at 15 buwan. Ang ikalawang dosage naman ay ibinibigay kapag
sumapit ang bata sa pagitan ng mga edad 4 at 6 na taon. Ugaliing maghugas ng mga kamay upang
mawala ang anumang virus na kumapit sa mga ito. Magtakip ng ilong lalo na kung may kasabay
na mga taong umuubo upang hindi malanghap ang kanilang mga bahing. Huwag muna lumapit
sa taong may beke upang hindi mahawaan nito. Ang pinakamainam na paraan ng pag-iwas ay
ang pagpapabakuna, subalit hindi ito rekomendado sa mga buntis, sapagkat maaaring malaglag
ang sanggol sa kanilang sinapupunan. Noong mga panahong hindi pa uso ang bakuna sa Pilipinas,
sinasadyang ipahawa ng mga magulang ang kanilang mga anak sa taong may beke upang hindi na
ulit magkaroon pa ang kanilang mga anak ng sakit na ito.
Ang pagkakaroon ng alipunga ay nagsasanhi ng panunuklap ng balat (flaking) ng paa,
pangangaliskis ng balat (scaling) ng paa, pangangati ng balat sa paa, pamumula, paghapdi,
at pagsusugat ng paa, at pangangamoy ng paa (na ang amoy ay humahawa sa medyas) ng
taong may alipunga. Ilan sa mahahalagang mga bagay na nakapagpapaiwas ng
pagkakaroon ng alipunga ang kalinisan sa katawan, malimit na paghuhugas ng mga
kamay, pagpapalit ng mga tuwalyang pampaligo o pamunas, madalas na pagpapalit ng
mga kumot o mga krema at anumang pambalot ng hinihigang kama, at palagiang
pagpapalit ng mga medyas.
3. Papaano mabibigyan lunas ang mga kakulangan sa mga sumusunod na vitamin A, C, D at E?
Ang Bitamina A ay isang kinakailangan na sustansya na hindi kusang nililikha ng
katawan, ngunit ito ay kailangan ng mga bata para mabuhay! 2. Nakukuha ito sa pagkain at
‘supplements’ — Ang mga pagkain na mayaman sa Bitamina A ay ang gatas ng ina, karne, isda at
gatas; luntian at madadahong gulay tulad ng espinaka o ‘spinach’, mapupula at kahel na gulay at
prutas tulad ng kamote, at carrots. Kung ang bata ay hindi makakain nang sapat ng mga ganitong
pagkain, ang pagbibigay ng dagdag na Bitamina A ay kailangan upang maiwasan ang kakulangan
ng Bitamina A (Vitamin A Deficiency o VAD). 3. Kung wala nito, magkakaroon ng kakulangan —
Tinatayang 190 milyon na mga batang edad 6 hanggang 59 na buwan sa buong mundo ang may
kakulangan ng Bitamina A sa katawan. Ang ganitong kakulangan ay maaaring maging sanhi ng
pagkabulag, mga sakit ng bata tulad ng pagtatae, impeksyon pagkatapos ng tigdas at iba pa. Ito
rin ay isa sa mga sanhi ng pagkamatay ng mga bata. Kaya ang paglutas ng kakulangan sa
Bitamina A ay isa sa mga kinakailangang elemento ng mga programa para sa kaligtasan ng mga
bata. 4. Magbigay ng Malawakang Suplementasyon upang mabawasan ang bilang ng mga
namamatay na mga Bata — Inirerekomenda ng World Health Organization na ang lahat ng bata
na may edad 6 hanggang 59 na buwan ay makatanggap ng pandagdag na Bitamina A kada 4-6 na
buwan kung sila ay nakatira sa mga bansang ang kakulangan ng Bitamina A ay isang malaking
problemang pangkalusugan. Ito ay paraan ng pag-iwas at hindi pagagamot upang mapuksa ang
kakulangan sa Bitamina A. Ang malawakang pagbibigay ng karagdagang Bitamina A ay
nakapagpapababa ng pagkamatay ng bata ng 24%.
Ang vitamin C o maririnig rin sa tinatawag na “Ascorbic Acid” ay isa sa mga bitamina na
kailangan ng ating katawan upang mapanatili itong malusog at malakas. Ito ay importante para
mapalakas at mapatibay ang ating immune system na ang tungkulin ay labanan ang mga
mikrobyo at free radicals na maaaring magdulot ng iba’t ibang sakit. Narito ang mga prutas at
gulay na sa mayaman sa Vitamin C na nararapat nating kainin; ampalaya, belle pepper, broccoli,
cabbage, cauliflower, dahoon ng gabi, malunggay, okra, patola, saluyot, sitaw, talbos ng iba’t
ibang uri ng kamote, bayabas, citrus fruits, guyabano, kaimito, kamatis at manga, beet root,
carrots, labanos.
Ang Vitamin D ay isang mahalagang bitamina na kilalang nakukuha mula sa sinag ng
araw at sa iilang mga pagkain. Tumutulong ito sa masmaayos na pagsipsip ng calcium sa katawan
na mahalaga sa pagpapatibay ng mga buto at ngipin. Malaki rin ang papel ng Vitamin D sa
paglago, paglaki at tamang pagkakahulma ng mga cells ng buto. Bukod pa sa mga nabanggit,
mahalaga rin ang Vitamin D sa pagkakabuo at paglago ng ilan pang mga cells sa katawan,
maayos na paggana ng mga kalamnan at neurons, pati sa pagpapatibay ng resistensya ng
katawan. ang Vitamin D ay hindi naman talaga nakukuha sa sinag ng araw bagkus kailangan ang
araw upang mabuo ang natural na Vitamin D sa katawan. Ang ultraviolet na nakukuha mula sa
sinag ng araw, sa oras na tumama ito sa balat, ay nakapagpapasimula sa pagbuo o synthesis ng
Vitamin D sa katawan. Narito ang mga pagkaing maaaring mapagkunan ng Vitamin D; cod liver
oil, tuna, salmon,gatas, margarina, sardinas, atay, pula ng itlog.
Ang Vitamin E ay isa sa mga mahahalagang sustansya na kailangan para sa mas maaayos
na paggana ng katawan. Isa rin itong antioxidant na tumutulong na protektahan ang mga cells at
tissue mula sa mga mapanirang free radicals. Matatandaan na ang mga free radicals ang
nagdudulot ng pagtanda ng katawan at nakakakontribyut din sa pagkakaroon ng ilang
karamdaman tulad ng kanser. Mahalaga rin ang Vitamin E sa pagpapalakas ng resistensya ng
katawan laban sa mga bacteria at virus, at pagpapasigla ng balat at mata. Dagdag pa rito, may
papel din ang bitaminang ito sa pagbuo ng mga red blood cells, pagtulong sa interaksyon sa
pagitan ng mga cells, at tumutulong pa para magamit ng katawan ang Vitamin K. Narito ang
pagkain na dapat kainin dahil mayaman sila sa Vitamin E; tokwa, spinach, mani, buto g
sunflower, abukado, hipon at mga talaba, isda, olive oil, canola oil, kalabasa.
TEACHING P.E & HEALTH IN THE ELEMENTARY GRADES
MODULE 4