You are on page 1of 3

Katitikan ng Pulong ng Pangkat XII-Jupiter

Patungkol sa Plano ng Isasagawang Panukalang Proyekto

Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Palawan
Lungsod ng Puerto Princesa
Palawan State University – Laboratory High School

KATITIKAN NG PULONG NG PANGKAT XII-JUPITER PATUNGKOL SA PLANO NG ISASAGAWANG


PANUKALANG PROYEKTO NA GINANAP SA NEW IT BUILDING, PALAWAN STATE UNIVERSITY,
TINIGUIBAN HEIGHTS, LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA, PALAWAN NOONG IKA-22 NG AGOSTO
2017.

Mga Dumalo:

 Bb. Mikee Louissa Yañez - Pangulo ng SAMAFIL XII-Jupiter, tumatayong tagapangulo ng


pagpupulong
 Gng. Carmen S. Hernandez – Guro ng XII-Jupiter sa Asignaturang Filipino
 G. John Vincent C. Sibal – Ingat-yaman ng XII - Jupiter
 Bb. Denise C. Campillanos – Kasapi
 Bb. Kimverly Ricon – Kasapi
 G. Nathaniel R. Dandayan – Kinatawan at kasapi ng Sining Palawan sa SAMAFIL
 Bb. Genovee Angela Faye B. Acoy – Kasapi
 Bb. Anne Simonne R. Gayongan – Kasapi
 Bb. Swekie F. Burayag – Kasapi
 Bb. Celine Karel Dorotheo – Kasapi
 G. Carlo A. Acda – Kasapi
 Mga iba pang mag-aaral ng XII-Jupiter na naroon noong araw na iyon

Mga hindi dumalo:


 Mga mag-aaral ng XII-Jupiter na hindi pumasok noong araw na iyon
Ang pagpupulong ay ipinatawag ni Gng. Carmen Hernandez, ang guro ng XII-Jupiter sa
Filipino, sa ganap na 10:49 A.M. matapos ang pagtalakay ng aralin sa klase. Ito ay pinasimulan
sa pagbati ni Bb. Mikee Yañez, ang tagapangulo ng pagpupulong. Sa pamumuno niya, kanyang
ipinahayag ang paksa at layunin ng pulong na suriin ang mga nagawang hakbang ng magiging
panukalang proyekto ng buong pangkat.

Inilahad ng tagapangulo na magkakaroon ng badyet upang magawa ang layuning


magbigay-tulong para sa mga kabataang mag-aaral ng Abanico Elementary School. Pinaalala din
nito ang mga gagastusin sa ipinapanukalang gawain kasama na ang mga kagamitang pansining
at pagkaing ihahanda. Tinalakay naman ni Bb. Kimverly Ricon, ang mananalita ng isang grupong
nakaatang sa badyet, ang mga nai-canvass na halaga ng mga materyales mula sa NCCC sa
darating na programa. Kabilang sa mga naitalang bibilihin ay mga paintbrush, kagamitang
pangkulay, oslo paper, bond paper, yarn, at mga meriendang inumin at biskwits.

Nang maibigay ang mga presyo, nagmungkahi si Bb. Genovee Acoy na subukang tignan
at ikumpara ang mga bilihin sa iba pang tindahan. Bukod pa doon, nagrekomenda si G.
Nathaniel Dandayan na bumili ng mga garapon ng acrylic paint bilang pangkulay sa halip na tig-
iisang watercolor set sa bawat bata. Ayon sa kaniya, babahagiin ang pintura sa mga bata upang
mas makatipid. Ang mosyon na ito ay sinang-ayunan ni Bb. Denise Campillanos at iba pang mga
kasapi.

Makalipas ang ilan pang minuto,pinag-usapan ang mga bagay na dapat nang magawa
kagaya ng papel ng panukalang proyekto at mga liham. Sinabi ng tagapangulo na hindi pa basta
matatapos masulat ang papel dahil idadagdag palang ang natansyang magiging badyet at wala
pa ring mga sponsor na nakalap. Kaniyang pinaalala sa mga kasapi na dapat makabigay na ng
mga liham sa mga kinauukulan lalo na sa mga pipiliing sponsors nang sa gayon ay makalikom na
ng pondo para sa naturing na proyekto.

Dumako naman ang pagpupulong sa mga liham na ihahanda para sa proyekto. Kabilang
dito ang mga liham ng pahintulot na ibibigay sa principal ng Abanico Elementary School,
principal ng Palawan State University - Laboratory High School, Guhit Pinas Puerto Princesa City,
at sa mga magiging sponsor ng proyekto. Nagtanong ang tagapangulo tungkol sa progreso ng
pangkat ni Bb. Denise Campillanos sa pagsulat ng mga liham na nito. Ulat niya, tapos na nilang
mailathala at nakahanda na ang mga sinasabing liham.

Natapos ang pagpupulong sa ganap na 11:12 A.M. sa pangunguna ni Gng. Carmen


Hernandez na dadako na sa kaniyang susunod na klase. Ito'y pinangalawahan ng mga kasapi.

Inihanda nina:

Bb. GENOVEE ANGELA FAYE B. ACOY Bb. SWEKIE F.BURAYAG

Bb. ANNE SIMONNE R. GAYONGAN G. CARLO A. ACDA

Bb. CELINE KAREL DOROTHEO

Nagpatotoo:

Gng. CARMEN S. HERNANDEZ

Guro ng XII – Jupiter sa Asignaturang Filipino

You might also like