Professional Documents
Culture Documents
Kabayanihan NG Katutubo at Moro - Pinoy Weekly
Kabayanihan NG Katutubo at Moro - Pinoy Weekly
(https://www.facebook.com/pinoyweekly.org)
(https://twitter.com/pinoyweekly)
(https://instagram.com/pinoyweekly/)
(https://pinoyweekly.org/feed/)
search
Ang hindi masyado nababanggit na mga bayani ng pakikibaka para sa kalayaan ng Pilipinas
laban sa mga Espanyol.
I
sa sa pinakamalaking imbensiyon ni Rodrigo Roa Duterte noong 2016 eleksiyon
para presidente ay ang sinabi niyang mayroon siyang mga ninunong Moro na
Maranao.
Dahil binasbasan daw ng Diyos upang mamuno ang hari ng Imperyo. Pero hindi ito
tinanggap ng maraming nanatiling malalayang komunidad ng Moro at katutubo,
pagkat naging matagumpay si-lang lumaban sa dayuhang mananakop. Kayat ang
istorya ng Moro at katutubo ay istorya ng tagumpay sa pagdepensa sa katutubong
lupa, kalayaan at kabihasnan.
Ugat ng Islamophobia
Panahon na upang alamin natin ang ugat ng tunggalian at hindi pagkakaunawaan sa
matagal na panahon ng mga Muslim at Kristiyano sa ating bansa. Pangunahing
layunin ng sanaysay na ito na kilalanin ang makasaysayang pakikibaka ng Moro.
Binibigyan din natin ng pagpupugay ang kanilang malalayang komunidad na
matagumpay na lumaban sa buong panahong kolonisasyon ng Espanya sa Pilipinas
mula 1521 hanggang 1898.
Bukod dito, ang iba pang direktiba o Papal Bulls mula sa Vatican ay ang Romanus
Pontifex (ni Pope Nicolas V, 1455), at ang Inter Caetera (ni Pope Alexander VI,
1493), na naglinaw pa sa patakarang ito ng pandaigdigang pananakop at habang-
buhay na pang-aalipin sa ngalan ng Diyos. Ang mga Papal Bulls na ito na naging ubod
ng pandaigdigang batas sa Europa, ay kinikilala pa ring mga batas sa Amerika,
Canada, U.K. at Australia, bilang Doctrine of Discovery, o ang Regalian Doctrine ng
ilang bansa para sa pagresolba sa mga isyu ng lupang ninuno.
Islam sa Pilipinas
Nagsimula ang pagdating ng Islam sa mga pulong dagat ng Southeast Asia noong
tinaguriang “Golden Age” ng Islam.
Sa panahong ito, nagkaisa ang maraming Muslim sa iba’t ibang Arabong bansa at
hilagang Aprika at napaatras at napalaya ang maraming lupaing kontrolado ng
imperyong Romano at Persian, at isinailalim sa kontrol ng mga Muslim na
caliphates (sa imperyong Umayyad at Ottoman). Nakontrol nila ang pandaigdigang
mga daungan na ginagamit ng mga mangangalakal na taga-India sa matagal na
panahon.
Umugat ang Islam sa Malaysia at Indonesia noong ika-12 siglo nang ang Hari ng
Kedah na dating Hindu’y nagpalit ng pananampalataya sa Islam. Iba pang
kumbersiyon sa Islam ang sumunod mula sa mga pamilyang royal sa Malacca at
Sumatra noong 1267. (Sarangani, 1977)
Mula roon, kumalat ang Islam sa Brunei at Sulu at sa malawak na isla ng Mindanao
sa huling kuwarto ng ika-13 siglo. Inuugat ang Sultanato ng Sulu sa pagiging hari ni
Rajah Baginda sa kalagitnaan ng ika-15 Siglo, at ang pag-aasawa niya ng galing sa
angkan ng mga Tausug. Naging manugang na lalaki ni Baginda si Sharif-ul-Hashim
Abubakar na naging unang Sultan ng Sulu noong 1451. Ito’y halos isang daang taon
bago sinakop ng Espanyol ang ating kapuluan. Bandang taong 1500, nang namahala
ang Brunei sa pamumunong Islam sa mga isla ng Southeast Asia, umabot ang
kumbersiyon sa Islam sa ilang dalampasigang mga lugar ng Luzon.
(https://pinoyweekly.org/wp-content/uploads/2021/06/Screen-Shot-2021-06-16-at-
1.50.46-PM.png)
Mga mandirigmang Moro.
Ang Moro
Sinimulang gamitin ang terminong Moro, mula sa salitang Moors, ng mga taga-
Iberian Peninsula sa Espanya at Portugal para tukuyin ang mga Muslim na sumakop
sa kanila ng halos 800 taon sa ilalim ng Umayyad Caliphate. Ang Moors ay tinawag
din na Saracens ng mga Papa ng Vatican na nagpasimuno ng Holy Crusades. Walang
etnolohikong halaga o kahulugan ang terminong Moors dahil galing sa mga
mamamayang Berber ng North Africa (kasalukuyang Morocco), mga Aprikanong
Black at Arabo ang mga hukbong Muslim na sumakop sa mga Espanyol. Hindi
nahirapan ang Moors sa paglawak sa dating mga teritoryo na bahagi ng imperyong
Roman at Persian dahil kusang niyakap ng populasyon ang Islam.
Pauna na rito ang masamang hatol ng mga Kristiyanong indio (Filipino) laban sa
Moro’y pinairal ng mga pangkulturang palabas sa panahon ng Espanyol tulad ng
dulang “Moro Moro”. Ang dulang ito’y pinapalabas sa mga paaralan, at sa mga
piyesta sa bawat bayan ng buong Pilipinas na sakop ng Espanyol. Dito sa dula sa
entablado, nag-eespadahan ang Kristiyanong nakaputi at Morong Muslim na
nakaitim. Siyempre, laging panalo ang Espanyol, tulad ng mga inaasahan ng mga
nanonood na lalong magagalit sa mga Muslim. Tinanim sa ganitong mga kultural na
palabas ang masamang imahe ng Moro sa mata ng mga Kristiyano.
Natigil lang ang mga krusada nang magdesisyon ang mga puwersa ng Muslim na
tumawid ng Mediterranean mula sa Hilagang Aprika at lusubin at sakupin ang halos
kalahati sa timog ng Espanya. Ginamit nila ang estratehiyang opensibong pagsalakay
(“the best defense is an offensive attack”) na pinakamabisang depensa. Napatunayang
epektibo ito dahil mula noon, natigil ang mga Krusada ng mga taga-Europa na
umaatake sa Gitnang Silangan. Mapapansing ang taktikang ito na ginamit din sa
Mindanao ng mga Moro laban sa Espanyol sa pamamagitan ng mga atake nila na
umaabot sa mga base-militar ng Espanyol sa Bikol, Ilokos at maraming bahagi ng
Bisaya. (Mallari, 1986; Nguyen, 1994)
Bahagi ng propaganda ng mga Espanyol itong estatwa at ang moro-morong dula laban
sa mga Muslim sa Mindanao na hindi nila masupil at hindi mapailalim sa kanilang
kolonya sa Pilipinas. Pinalalim pa ang masamang kahulugan at propaganda laban sa
Muslim na Moro na kalaban ng mga Espanyol sa pamamagitan ng katagang “moro-
moro”. Hanggang sa ngayon, manloloko/mapagkunwari at mapanlinlang pa rin ang
pakahulugan nito. Sa propagandang ipinalaganap, masamang kalaban ng Kristiyano
ang mga Moro.
Pero nasa malaking pulo ng Mindanao at Sulu kasama na dito ang Palawan at Basilan
ang sentro ng Moroland. Ang mga nagkawil sa lahat ng Moroland ay ang tinatawag na
“thalassocracy”– isang lipunan at sistemang batay sa pandagat na gawain, lalo na ang
pangangalakal gamit ang dagat, na sinimulan noong mas maagang sibilisasyon ng
Hindu sa buong rehiyon.
Digmaang Moro-Espanyol
Ang mga Digmaang Moro-Espanyol ay mga digmaan para ipagtanggol ang mga
lupang Moro laban sa pananakop ng mga dayuhang kapangyarihan. Sasakupin ng
sanaysay na ito ang unang yugto lang ng tinaguriang “Moro wars” sa panahon ng mga
Espanyol mula 1521 hanggang 1898. Di ko isinama sa sanaysay na ito ang ikalawang
yugto ng mga kolonyalista na “Moro wars” noong panahon ng kolonyal na okupasyon
ng Amerika (1899-1946).
Noong una, nakapagtayo ang mga Espanyol ng base militar na tinawag na Fort Pilar
sa Zamboanga, pero noong 1665, lumusob ang mga mandirigmang Tausug ni Rajah
Bungsu na nagtaboy sa mga Espanyol para lisanin ang kanilang kutang bato. Aktibo
kasing ginamit ng mga Espanyol ang Fort Pilar sa Zamboanga bilang luksuan para
umatake sa Sultanato ng Sulu at mga Morong mangangalakal. Isa ring dapat banggitin
ay si Sultan Badar-Uddin ng Sulu. Noong 1720, nakipagsanib-puwersa siya sa
Sultanado ng Maguindanao na kinabibilangan ng 3,000 mandirigma sa 104 na
paraw (katutubong bapor) upang lusubin ang mga kutang Espanyol sa Zamboanga.
Humantong ang paglusob na ito sa isang Tratadong Pangkapayapaan noong Dec. 11,
1726. Sa naturang tratado, nangako ang Espanyol na hindi mag-ooperasyong militar sa
mga Sultanatong Moro. Ang mga Tratadong ito’y laging na lang linabag ng mga
Espanyol na gustong angkinin ang lupa ng Moro at akuin sa kumbersiyong Kristiyano
ang mga Moro.
“Ikaw ay pupunta sa mga pulo ng Sulu at Mindanao kung saan mo papaluhurin yang mga pinuno nila at kanilang
mga mamamayan, upang sumunod sa ating Hari.” (Majul, 1999)
Dalawang beses na tinangka ni Figueroa na paluhurin ang Moro. Pero hindi siya
nagtagumpay. Noong 1596, sa labanan sa bunganga ng isang ilog sa Cotabato, napatay
siya sa engkuwentro sa pangkat nila Datu Ubal. Dito natapos pansamantala, ang mga
naitalang unang malakihang operasyong militar ng Espanyol sa Mindanao.
(https://pinoyweekly.org/wp-content/uploads/2021/06/sultan-kudarat.jpg)
Sultan Kudarat. Wikimedia Commons
“Kapag tayo ay susuko sa mga Espanyol, makakalimutan natin ang ating kalayaan na ipinamana sa atin ng ating
mga ninuno. Ibebenta natin ang sarili sa pagkaalipin sa kanila upang magsilbi sa mga dayuhan. Tingnan ang mga
rehiyon na sumuko sa mga dayuhan. Tingnan ang kanilang kahabag-habag na buhay. Nakakaawa ang kundisyon ng
mga Tagalog at ng Bisaya na kahit mga pinuno ay pinagbabalisakan ng mga Castillian. Magtulungan tayo sa
pakikilaban sa kanila. Ang lahat ng lakas ng aking Sultanato, pinapangako ko sa inyo, ay gagamitin natin upang
kayo ay ipagtatanggol.” (Majul, 1999)
Kinilala si Sultan Kudarat bilang lider Moro na kahit galing siya sa Sultanato ng
Maguindanao, matagumpay na nagbigkis siya sa mga datu ng Lake Lanao laban sa
mga puwersang Espanyol na noong una’y nakapasok sa ilang bahagi ng Lake Lanao.
Ang pinagkaisang puwersa ng mga Moro sa pamumuno ni Sultan Kudarat, kasama na
ang ilang panlabas na pangyayari na yumanig sa Espanya, ay nagresulta sa pag-atras
ng mga puwersang Espanyol at iwanan na muna ang Mindanao at mga pulo ng Sulu
mula noong 1663 hanggang 1718. Ipinakita ni Sultan Kudarat na sa pagkakaisa ng mga
mandirigmang Moro, kaya nilang protektahan at ipagtanggol ang lupaing Moro laban
sa dayuhang kontrol. Nananatiling isa sa pinakamahuhusay na lider Moro si Kudarat
na nabuhay noong panahon ng kolonyalismong Espanyol sa ating kapuluan.
Malungkot sabihin na karamihan sa mga Pilipino ngayo’y hindi alam kung sino si
Kudarat, at kung ano ang kanyang ipinaglaban.
(https://pinoyweekly.org/wp-content/uploads/2021/06/amay-pakpak.jpg)
Rebulto ni Amai Pakpak. Wikimedia Commons
Pagsapit ng 1894, ang bagong upong Gobernador-Heneral Ramon Blanco naman ang
personal na namuno ng kampanya militar sa Lanao sa pamamagitan ng paggamit ng
mga bakal na bapor pandigma na inorder pa sa mga British sa Hong Kong. Ang mga
barkong pandigma sa operasyong-militar ang S.S. Heneral Blanco, S.S. Corcuera,
S.S. Heneral Almonte at S.S. Lanao na may dalang awtomatic na mga masinggan
na gawa rin sa Inglatera. Sa operasyong militar ni Gobernador Heneral Blanco noong
Marso 10, 1895, lumusob ang malaking puwersang Espanyol na 5,000 sundalo laban
kay Amai Pakpak at ang kanyang mga mandirigma na nagdepensa sa Cotta Marahui.
Dalawang beses na ginawa itong paglusob.
Kaya nang lagdaan ang Treaty of Paris noong 1899 sa pagitan ng Amerika at Espanya,
ang Moro ay labis labis na 300-taon malaya pa at matagal nang may pagpapasiya-sa-
sarili. Ito ay kahit na sa mga ginuhit na mapa ng Espanyol, isinama nila sa kanilang
mapang kolonisasyon ang buong Mindanao, Palawan at Sulu. Kahit na ang Mindanao
at Sulu’y wala sa epektibong kontrol ng kolonisasyon, isinama ito sa Pilipinas na
binenta ng Espanyol sa Amerika noong Disyembre 10, 1898 sa Treaty of Paris sa
halagang $20 Milyon, para sa paglipat ng “soberanya” sa Amerika.
Ginamit ang dokumentong ito ng Amerika para ipakitang legal din ang pag-angkin
nila sa buong Mindanao, Sulu at Palawan bilang bagong kolonisador ng ating bansa.
Sa panig ng Espanya, sa pamamagitan ng Tratadong Paris, pinalabas nilang naging
bahagi ng kolonya nila sa nakalipas na higit sa 300 taon ang Mindanao at Sulu, at
pinalabas din na kontrolado pa nila at hindi ng mga rebolusyonaryong puwersa ni
Heneral Emilio Aguinaldo ang BUONG Pilipinas gayong ang Intramuros na lamang
ang nalalabing nasa epektibong kontrol ng mga Espanyol. Hindi talaga masikmura ng
mga Espanyol na sila ay matagal nang tinalo ng Moro sa 300 taon. At hindi rin
masikmura ang katotohanan na bunga ng Rebolusyong 1896, ang kanilang mga
puwersang Espanyol ay tinalo ng mga minamaliit nilang mga “Indio”, na para sa
kanila ay mababang uri.
Sa katunayan, naglagda din ang Espanya ng ilang Tratado sa mga Sultanato ng Sulu at
Maguindanao: katulad ng Tratadong Sultan Kudarat-Lopez noong Hunyo 24,1645 at
1648, at ang Tratadong Rajah Bungso-Lopez ng 1646. Dahil sa mga Tratado ng Moro-
Espanyol, nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan mula 1663 hanggang 1718 sa
katimugang bahagi ng Pilipinas, kung saan lalong lumago ang pangangalakal at
komersiyo ng ekonomiyang Moro. Ang mga perlas ng Sulu’y mataas ang presyong
nabebenta lalo na sa Tsina. Kasabay dito ang pag-usbong ng agrikultura at
pangingisda sa erya ng Moro. Ang mga tratadong ito’y nagtakda ng dominyon at
pagkilala sa mga Sultanato ng Maguindanao, Buayan at Sulu at mga kolonyal na
posesyon ng Espanya sa Visayas at Luzon. Kahit na ang U.S. ay pumasok sa isang
Tratado ng Kalakal at Komersiyo noong 1842 sa namumunong Sultan ng Sulu at Sabah
na si Mohammed Jamalul Kiram I.
Nalagot ang Tratado ng Moro- Espanya noong 1719 nang umatake ang Espanyol upang
bawiin ang kuta nila sa Zamboanga. Di nagtagal, inatake din ng Espanya ang Jolo mula
Zamboanga kung saan sinunog ang ilang cotta sa Jolo. Itong operasyong-militar na ito
ay nilahukan ng 9,000 sundalong Espanyol at mga Kristiyanong “indio” sa
pamumuno ni Kapitan Heneral Jose Malcampo. Sinamahan sila ng 400 Cagayanos
sa pamumuno ng prayleng Agustinian na si Ramon Zueco. Pero di nagtagal, nabawi
din ang Jolo ng mga walang takot na mandirigmang Tausug.
Noong July 22, 1878, pumasok ang Haring Espanyol na si Alfonso XIII sa isang
Tratado ng Kapayapaan at Pagkakaibigan sa Sulu Sultanate. Dito sa huling tratado,
pinayagan ng Sulu Sultanate na “magtayo ang Espanya ng isang maliit na garison na
may 15 acres sa bayan ng Jolo” upang magbigay ng sekuridad sa mga Europeong
mangangalakal. Pero sa labas ng pader ng mga kutang militar ng Espanyol, ang
naghahari ay ang Sultan. (Kho, 1972) Sinundan ito ng Treaty of Conciliation ng 1888
sa pagitan ng Hari ng Espanya at ng Sultan ng Maguindanao na si Rajah Buayan para
tapusin ang pangmatagalang labanan ng dalawang panig. (Majul, 1999). Obserbasyon
ni Hurley na “ang Espanya’y di maka-kolekta ng buwis o tribyut mula sa Moro, at sa
katunayan, ang conquistadores pa ang nagbayad sa Moro mula sa kailaliman ng
kanilang mga bulsang pinagyaman ng kanilang ninakaw sa Mexico at Peru.” (Hurley,
1936)
Ang mga tratadong ito sa pagitan ng Espanya at mga sultanatong Moro ay nagbigay ng
epektibong pagkilala sa soberanya at awtoridad ng mga Sultanatong Sulu at
Maguindanao.
Pagkilala din ang mga ito sa namumunong awtoridad ng estado ng mga Sultanato.
Kaya, naghari ang mga Espanyol sa Luzon at Visayas lamang, ngunit pati ito ay laging
nare-reyd ng Moro. Sa katunayan, ang Royal Decrees na nilagda ni Reyna Isabella II
ng Espanya noong Hulyo 30, 1860 at ang Royal Decree noong Hulyo 15, 1896, at ang
Maura Law noong 1893 na nagbigay ng mga gabay sa organisasyon ng pamahalaang
munisipal ng Espanya sa Pilipinas, ay para lang sa Luzon and Visayas, at hindi
kasama ang mga teritoryong Moro sa Mindanao, Sulu at Palawan. (Buat, 2008) Ang
tawag ng mga kolonisador na Espanyol sa halos buong Mindanao noon ay “La Tierra
de el Moros” o Lupain ng mga Moro. (Majul, 1999) Sa ating naging ikalawang
pinakamalaking pulo ng bansa, nakapagtayo lang ng ilang maliliit at kalat-kalat na
kuta ang mga Espanyol sa ilang tabing-dagat na parte ng Mindanao. Takot gumala o
maglibot ang mga Espanyol sa labas nitong mga malalayong kuta, dahil madalas din
silang ireyd ng mga Morong mandirigma.
Kahit noong una’y malisyoso ang orihinal na paggamit ng salitang “Moro” ng mga
Espanyol, dahil sa digmaang Moro-Espanya, nagkaroon ng maipagmamalaking
kahulugan para sa mga kapatid nating mga Muslim. Ang Moro, o BangsaMoro (Moro
Nation) ay nagkaroon ng makasaysayang kahulugan na matapang, tapat sa adhikain
at hindi sumusuko sa mga Kolonyalistang kalaban ng mga mamamayang taga-
Mindanao. Pinalawak ng Moro ang salitang matapang na dati ay kahulugan lamang ng
salitang Tausug. Kaya, ipinagmamalaking ginamit ito ng MORO National Liberation
Front (MNLF) at MORO Islamic Liberation Front (MILF) sa ika-20 siglo. (Abbahil,
1984; Tan, 1992; Che Man, 1989; Simbulan, 1992) Katapangan at matagumpay na
pagdepensa sa ating mga lupain, kultura at komunidad laban sa dayuhang mga
kolonyalista.
(https://pinoyweekly.org/wp-content/uploads/2021/06/bagobo-family.jpg)
Lumang larawan ng pamilyang Bagobo/Lumad.
Sundin natin ang payo ng ating istoryador na si Cesar Majul na maraming naisulat
ukol sa Moro Sultanates at Moro Wars, na ang “pakikibakang Muslim ay dapat ituring
na mahalagang bahagi ng namana nating kamalayan sa kasaysayan at ng pakikibaka
para sa kalayaan…at bahagi ng pakikibaka ng buong bansa.” (Majul, 1999) Nagtayo
sila ng mga malalayang komunidad at sona ng kalayaan sa ating mga kapatagan,
bukid at mga kabundukan — na hindi magapi ng dayuhang imperyo. Sila ang
nagpapaala sa atin na meron tayong mga ninuno na nakibaka laban sa kolonyalismo,
nag-alay ng buhay at dugo para idepensa ang kalayaan at pagpapasya-sa-sari, at
nagtagumpay.
Bibliograpiya:
Abbahil, Abdulsiddik A. (1984) “The Bangsa Moro: Their Self-Image and Inter-group Ethic Attitudes”. Dansalan Quarterly
(Marawi City, Philippines) 5 (4): 197-250 (July)
Admad, Aijaz (1982) “400-Year War – Moro Struggle in the Philippines.” California: Southeast Asia Chronicle, 82:1
Che Man, W.K. (1989) “The Bangsa Moro and the Philippine Nation” JEBAT (Kuala Lumpur) 17:83-96.
Guingona, Teopisto (1981) “Historical Survey of Policies Pursued by Spain and the U.S. Towards the Moros in the
Philippines”. Dansalan Quarterly (Marawi City, Philippines) 2(3) 165-208 (April).
Hurley, Vic (1936). Swish of the Kris: The Story of the Moros. Cerbero Books, 2010 edition.
Isidro, Antonio (1976), “Muslim Filipinos and Islam” Mindanao Journal (Marawi City, Philippines) 3(2) 45-58 (October-
December)
Kho, Madge, (1972) “The Bates Treaty”, Philippine Update. www. philippineupdate.com
Kiefa, Thomas M. (1984) : “Sulu Tausug Polity Circa 1840”. Solidarity (Manila) 5(100): 75-79.
Madale, Abdulla T. (1976) “Educational Implications of Moro History”, Mindanao Journal (Marawi City, Philippines) 3(1)
89-97 (July-Sept.)
Majul, Cesar Adib (1999) Muslims in the Philippines. Quezon City: University of the Philippines Press.
Majul, Cesar Adib (1966) “The Role of Islam in the History of the Filipino People”. Asian Studies. 4:303-315.
Mallari, Francisco (1986), “Muslim Raids in Bicol, 1580-1792” Philippine Studies (Quezon City) 34: 257-286, 3rd
Quarter.
Nguyen H. Chiem (1994) “Moro Piracy During the Spanish Period and its Impact”. Southeast Asian Studies Tonan Ajia
Kenkyu (Kyoto) 31(4:345-384) March.
Parreno, Earl. (2019) Beyond Will and Power – A Biography of President Rodrigo Roa Duterte. Lapu Lapu City,
Philippines: Optima Typographics.
Reid, Anthony (1984) “Islamization and Colonial Rule in Moroland”, Solidarity (Manila) 5 (100): 64-74.
Rodil, B.R.(1988) A History of the Moro People and the Lumad Communities of Mindanao and Sulu in questions and
Answers. Iligan: MSU-IIT.
Rodil, B.R. (1993) The Lumad and Moro of Mindanao. London, UK: Minority Rights Group.
Rodil, B.R. (2004 edition) The Minoritization of the Indigenous Communities of Mindanao and the Sulu Archipelago.
Davao City: Alternative Forum for Research in Mindanao, Inc. 174pp.
Saber, Mamitua (1979) “Maranao Resistance to Foreign Invasions” Philippine Sociological Review (Manila) 27(4): 273-
282 (October)
Saber, Mamitua (1986) Battle of Marawi 1895 and Other Historical Notes. Marawi: University Research Center, Marawi
State University.
Saleeby, Najib M. (1977) “Laws of the Moros”, Mindanao Journal (Marawi City, Philippines) 3(3-4): 219-258 (Jan.-
June)
Sarangani, Datumanong (1977) “Islamic Penetration in Mindanao and Sulu”. Mindanao Journal (Marawi City,
Philippines) 3(3-4): 29-53) Jan.-June.
Scott, William Henry ( 1994 ) Barangay: 16th Century Philippine Culture and Society. Quezon City: Ateneo de Manila
University Press.
Scott, William Henry (1984) “Crusade or Commerce? Spanish-Moro Relations in the 16th Century” . Kinaadman
(Cagayan de Oro, Philippines) 6:111-116.
Scott, William Henry (1979) “Class Structure in Unhispanized Philippines” Philippine Studies. 27:137-159. (2nd
Quarter)
Scott, William Henry (1972) “The Creation of a Cultural Minority” sa The Igorot Struggle for Independence. Quezon City:
Malaya Books Inc.
Silva, Rod D. (2011) Two Hills of the Same Land: Truth Behind the Mindanao Problem. Iligan City, Lanao del Norte:
Mindanao-Sulu Critical Studies and Research Group. Originally published 1979, updated Sept. 2011.
Simbulan, Roland, editor (1992) “The Bangsa Moro Peoples Struggle for Self-Determination: Towards An Understanding
of the Roots of the Moro People’s Struggle”. Philippine Development Forum 6(2)
Southeast Asia Resource Center (1983) Special Issue on Cultures of Resistance. Southeast Asia Chronicle, 92, Dec.
1983.
Tan, Samuel K. (2005) Surat Sug: Letters of the Sultanate of Sulu, V. I & 2 Manila: National Historical Institute of the
Philippines.
Tan, Samuel K. (1992) “ A Perspective on the Bangsa Moro Armed Struggle”. Diliman Review (Quezon City, Philippines)
40(4): 19-25.
Tan, Samuel K. (1987) A History of the Philippines. Quezon City: U.P. Department of History.
Tiamson Alfredo T. (1976) “Notes on Moro Bibliography” Mindanao Journal (Marawi) 3(1): 65-88 July-September.
Tuazon, Bobby, editor (2008). The Moro Reader. Quezon City: Center for People Power in Governance.
Ugarte, Eduardo F. (1992).” Muslim and Madness in Southern Philippines” Journal of Philippine Studies (Honolulu,
Hawaii, U.S.A.) 19:9-11. Fall.