You are on page 1of 23

PAGLIKHA NG “AKWARYUM NI FLORANTE” BILANG ISANG MALIKHAING

KAGAMITANG PANTURO: ISANG PASALAYSAY NA ULAT

nina

NERISSA S. CARAIG

SHAIRA S. TALANIA

BSED4-4FILIPINO

1
PAGLIKHA NG “AKWARYUM NI FLORANTE” BILANG ISANG MALIKHAING
KAGAMITANG PANTURO: ISANG PASALAYSAY NA ULAT

Introduksyon

Ayon kay Gng. Evangeline Castillo isang guro ng


sekundarya sa Filipino 10:
Ang kagamitang panturo ang nagsisilbing biswal ng mga
mag-aaral upang mas madaling maunawaan ang tinatalakay
na paksa sapagkat mas matututo ang mga mag-aaral ng may
larawan at iniinterpret ng guro sa mga mag-aaral ang
tinatalakay. Mahalaga ang kagamitang panturo sapagkat ito
ang nagsisilbing susi sa kaisipan ng mga mag-aaral upang
mas lalong maunawaan ang pinag-aaralan at ang
pinakahalimbawang kagamitang panturo na nagiging daan ng
pagkatuto ng mga bata ay ang isang guro na nakatayo sa
harap ng klase at nagtuturo ng lubos husay. Sa proseso ng
pagtuturo ng kagamitang pantuturo gagamitin ito ng guro
upang ipakita sa mga mag-aaral at magkaroon ng motibasyon
ang mga mag-aral ng maging kasigla-sigla ang talakayan.

Sa kahulugan ni Gng. Evangeline Castillo ipinapakita dito ang


kahalagahan para sa kanya ng isang kagamitang panturo na malaki ang tulong
sa kanyang pagtuturo sapagkat sa mga ginagamit niya na kagamitang panturo,
natutulungan ang mga mag-aaral upang maging bukas ang isipan nila sa
paksang tatalakayin.

Ayon naman kay Alieh R. Apan. Isang kolehiyong mag-aaral ng


Palayan City Institute of Technology.

Ang kagamitang panturo ang nagsisilbing tulong sa mga mag-


aaral upang mas lalong maunawaan ang tinatalakay. Kailanman
sa isang guro hindi nawawala ang kagamitang panturo dahil
nagsisilbing anino ito ng pagiging epektibong tagapakinig sa mga
aralin. Mahalaga ang kagamitang panturo dahil hindi lang
natutulungan nito sa pagkatuto ang bata, natutulungan ding
maging malikhain sa iba’t ibang mga bagay ang isang mag-aaral
kung kaya’t dahil sa kagamitang panturo nalilinang ng isang mag-
aaral ang mundo ng imahinasyon na kung saan malaking tulong
sa pagkatuto ng isang bata.

2
Ang kagamitang panturo ang isa sa mga pinakamahusay at
pinakamagaling na kagamitan na magsisilbing gabay ng guro at mag-aaral tungo
sa mundo ng lubusang pagkatuto na maaaring maging inspirasyon ng mag-aaral
upang malinang ang sariling kakayahang intellektuwal. Intektwal na magsisilbing
mabilisang pag-iisip o malawakang kaalaman sa isang tatalakaying
paksa.Importante ang kagamitang panturo lalo na sa mga elementarya dahil mas
natututo ang mga bata sa kanilang nakikita na kung saan gumagana ang
imahinasyon nila na natututo sila. Nagagawa nila ang kanilang nakikita sa pang-
araw-araw na buhay. Sa kagamitang panturo na nakikita ng mga bata
nakakapag-isip sila ng malawak ang malaliman o tinatawag na kritikal na pag-
iisip ng bata na kung saan nakakakuha ng ideya sa mga kagamitang nakikita.

Layunin ng kagamitang panturo na ito na pinamagatang “akwaryum ni


Florante at Laura” (mga pangunahing tauhan ng Florante at Laura ni Francisco
Balagtas) na ipakita ang mga pangunahing tauhan ng obra ni Balagtas na
pinamagatang Florante at Laura, maipapakita ng kagamitang panturo ng ito ang
kakaiba at malikhaing mga patapong kagamitan ay magagamit bilang isang
kagamitan sa pagtuturo ng Florante at Laura. Lubos na mauunawaan ng mga
mag-aaral ang akda at mabilis na matatandaan ang mga pangunahing tauhan
sapagkat ito’y may biswal ang nagsisilbing simbolo ng mga tauhan mula sa
munting akwaryum. Akwaryum ang naisip na gawin, sapagkat kasing ganda ng
ilalim ng dagat ang akda, kapupulutan ng kabibe na magsisilbing dagdag
kaalaman sa nag-iingay na hampas ng dagat ng isipan. Maiisa isa ang mga
tauhan sapagkat makikilala kaagad ang mga tauhan sa kagamitang panturo.
Matutukoy ang mga patapong kagamitan na makagagawa ng mas magandang
kagamitang panturo tulad ng isinagawang akwaryum ni Florante at Laura na
gawa lamang sa mga kagamitang walis tambo, garbage bag, paper plate,
pakpak ng manok at kandila.

3
Katawan

Mahusay na pinag-isipan ng mga nagdadalubaha sa asignaturang Filipino


ang nasabing kagamitang panturo upang maging kaaya-aya o kaakit akit sa
mata ng mga mag-aaral. Nagsama ang ideya ng dalawang magkagrupo upang
makabuo sa isipan ng isang kakaibang kagamitang panturo na makakatulong sa
pagiging epektibong tagapakinig ng mga mag-aaral sa isang tatalakaying aralin.

Magkasamang binuo ng dalawang magkagrupo ang proposal na kung


saan maraming mga ideya ang pumapasuk sa isipan habang pinaghahandaan
ang balangkas ng gagawin. Masusing inaral inayos ang mga iba’t ibang ideyang
nasa isipan ng mga oras na iyon upang maging organisado ang nasabing
konseptwal na balangkas ng gagawing kagamitang panturo.

Ang mga materyales na ginamit sa pag-gawa ng kagamitang panturo ay


walis tambo, garbage bag, paper plate, pakpak ng manok at kandila, ang iba
pang materyales tulad ng glue, glue stick, glue gun, kartolina, karton, makukulay
na papel, gunting, lapis at ruler. Ang walis tambo ay magmumula sa patapong
tambo sa bahay, ang garbage bag ay hihingin mula sa tabing paupahang bahay,
gayundin ang paper plate ay hihingin sa kapitbahay, ang mga feathers o pakpak
ng manok ay binili sa pandayan bookshop sapagkat mahirap makahanap ng
pakpak ng manok na hindi nakakabit sa alagang manok at ang ibang pakpak
naman ay kukunin mula sa ginamit na biswal eyd na pinangdemo ng aking
kaibigan noong nakaraan semestre at ang kandila ay magmumula sa ginamit na
pinangtulos sa puntod ng yumao ngunit ito’y mapapakinabangan pa sapagkat
hindi pa nauubus o nauupus.

Ang paraan ng pagbuo ay ,una, mangongolekta muna ng mga gagamitin.


Matapos mangolekta aalisin ang lahat ng materyales na hindi na
mapapakinabangan pa sa pag-gawa ng akwaryum ni Florante at Laura.
Halimbawa aalisin ang tangkay ng walis tambo, lilinisin ang paper plate at ang
garbage bag ay lalaban at patutuyuin. Aalisin ang konting dungis ng mga kandila
upang hindi masama sa gagawing akwaryum.

4
Ang karton ang magsisilbing patigas ng akwaryum at ang garbage bag
ang magsisilbing damit ng karton, ang walis ng tambo ang magsisilbing damo
damo o halaman ng akwaryum, ang kulay pilak ng paper plate ang magsisilbing
paso sa loob ng akwaryum, dudurugin ang iba’t ibang kulay ng kandila at
pakukuluan at gagawing tinta sa pagpinta ng palasyo ang feathers o pakpak ang
magsisilbing dagdag na palamuti sa loob ng akwaryum. Ang mga kartolina at
makukulay na papel ang magsisilbing guhitan ng mga larawan upang maging
kaaya aya at kasabik sabik sa mga mag-aaral.

Sa paraan ng pag-gamit ng kagamitang panturo. Ang maliit na animo


akwaryum ng kahariang albanya ang magsisilbing motibasyon o pag-ganyak ng
guro, na magtatanong ang guro kung ano ang nakikita sa loob ng kaharian at
kung ano ang simbolo ng kaharian na nasa loob ng akwaryum. Sa gayon
maiuugnay ng guro ang akwaryum na may kaharian sa tatalakaying mga
pangunahing tauhan ng Florante at Laura. Ipapaliwanag ang mga tauhan nang
nasabing akda ni Francisco Baltazar. Ang mga larawan din ang maaaring
maging ebalwasyon ng tauhan ng akda.

Ang mga nagastos sa nasabing ginawang kagamitang panturo ay ang


plastic cover na pinangcover sa buong akwaryum 15 pesos, cheat board 12
pesos, glue 25 pesos, glue stick 10 pesos, abaka string 18 pesos, feathers o
pakpak 11 pesos, puting papel 5 pesos at makukulay na papel 20 pesos na may
kabuuang nagastos na 116 pesos.

Sa araw ng eksibit, hindi naming kaagad ng dinala ng kagrupo ko


sapagkat titignan daw muna namin ang ibang eksibit kung maganda rin ba o
panget yung samin. Nung nakakita kami ng kamuka naming pakahon na ginawa
rin sabi namin sa isa’t isa may laban din ang ginawa naming ngunit maliit lamang
para madaling buhatin kung gagamitin na kagamitang panturo lamang. Nung
nilagay na sa lamesa ang gawang eksibit, tinititigan namin yung samin kung
kapansin pansin ba. Ayun napagtanto namin na kapansin pansin din pala ito at
mahusay ang aming naisip na konsepto kahit na literal lamang ang aming paksa.

5
Sa resulta na eksibit maayos naman naming nairampa sa kolehiyo ng
Edukasyon ang nasabing kagamitang panturo at marami rin ang mga
nakapansin dito. Naisakatuparan naman ng grupo na ipakita sa kolehiyo ng
Edukasyon ang nasabing kagamitang panturo.

Kompyutasyon ng Rubriks

Teybol 1. Kompyutasyon ng Sagot sa Bawat Kraytirya

KRAYTIRYA 5 4 3 2 1 KABUUAN
1. Maisasakatuparan nito ang IIIII- IIIII- II=2 38
layunin na tulungan ang mga IIIII- III=8
mag-aaral sa pag-unawa ng IIIII-
leksyon. IIIII-
IIIII-
III-
=28
2. Nakagaganyak ito sa pisikal IIIII- IIIII- I=1 38
na anyo pa lamang. IIIII- IIIII-10
IIIII-
IIIII-
IIIII-
II=27
3. Akma ang laki at konsepto IIIII- IIIII- III=3 I=1 38
nito sa tinatarget na mag- IIIII- IIIII-
aaral. IIIII- =10
IIIII-
II=22
4. Naglalaman ito ng mga IIIII- IIIII- III=3 38
kapaki-pakinabang na datos IIIII- II=7
na nakatutulong sa pagtalakay IIIII-
ng aralin. IIIII-
IIIII-
III=28

6
5. Ang mga bagay na IIIII- IIIII- II=2 38
nakaguhit o disento nito ay IIIII- IIII=8
may kinalaman sa paksa ng IIIII-
aralin. IIIII-
IIIII-
III=28
6. Magagamit pa ito ng paulit- IIIII- IIIII- II=2 38
ulit. IIIII- IIIII=10
IIIII-
IIIII-
IIIII-
=25
7. Matibay ang pagkakagawa IIIII- IIIII- 38
nito. IIIII- IIIII-
IIIII- =10
IIIII-
IIIII-
III=28
8. Madali itong dalhin. IIIII- IIIII- 38
IIIII- II=7
IIIII-
IIIII-
IIIII-
IIIII-
I=31
9. Masining ang pagkakalikha IIIII- IIIII- II=2 38
nito. IIIII- II=7
IIIII-
IIIII-
IIIII-
IIII=29
10. Gawa ito sa mga IIIII- IIIII- III=3 38
kagamitang kadalasang IIIII- IIII=9

7
patapon at nasa paligid IIIII-
lamang IIIII-
IIIII-
I=26
11. Mura ito ngunit maganda. IIIII- IIIII- III=3 38
IIIII- II=7
IIIII-
IIIII-
IIIII-
III=28
12. Maganda ang IIIII- IIIII- II=2 38
presentasyon nito sa eksibit. IIIII- III=8
IIIII-
IIIII-
IIIII-
III=28

*n= 36 estudyante at 4 na guro

Teybol 2. Resulta ng Bawat Kraytirya

KRAYTIRYA RESULTA PASYA


1. Maisasakatuparan nito 5=28 5= Lubos na kapansin-
ang layunin na tulungan 4=8 pansin
ang mga mag-aaral sa 3=2 4.=Kapansin-pansin
pag-unawa ng leksyon. 38 tao 3= Medyo kapansin-
pansin
2. Nakagaganyak ito sa 5=27 5= Lubos na kapansin-
pisikal na anyo pa 4=10 pansin
lamang. 3=1 4.=Kapansin-pansin
38 tao 3= Medyo kapansin-
pansin
3. Akma ang laki at 5=22 5= Lubos na kapansin-

8
konsepto nito sa 4=10 pansin
tinatarget na mag-aaral. 3=3 4.=Kapansin-pansin
2=1 3= Medyo kapansin-
pansin
38 tao
2=Kapansin-pansin ng
kaunti
4. Naglalaman ito ng mga 5=28 5= Lubos na kapansin-
kapaki-pakinabang na 4=7 pansin
datos na nakatutulong sa 3=3 4.=Kapansin-pansin
pagtalakay ng aralin. 38 tao 3= Medyo kapansin-
pansin
5. Ang mga bagay na 5=28 5= Lubos na kapansin-
nakaguhit o disento nito 4=8 pansin
ay may kinalaman sa 3=2 4.=Kapansin-pansin
paksa ng aralin. 38 tao 3= Medyo kapansin-
pansin
6. Magagamit pa ito ng 5=25 5= Lubos na kapansin-
paulit-ulit. 4=10 pansin
3=2 4.=Kapansin-pansin
38 tao 3= Medyo kapansin-
pansin
7. Matibay ang 5=28 5= Lubos na kapansin-
pagkakagawa nito. 4=10 pansin
38 tao 4.=Kapansin-pansin

8. Madali itong dalhin. 5=31 5= Lubos na kapansin-


4=7 pansin
38 tao 4.=Kapansin-pansin

9. Masining ang 5=29 5= Lubos na kapansin-


pagkakalikha nito. 4=7 pansin
3=2 4.=Kapansin-pansin
38 tao 3= Medyo kapansin-
pansin

9
10. Gawa ito sa mga 5=26 5= Lubos na kapansin-
kagamitang kadalasang 4=9 pansin
patapon at nasa paligid 3=3 4.=Kapansin-pansin
lamang 38 tao 3= Medyo kapansin-
pansin
11. Mura ito ngunit 5=28 5= Lubos na kapansin-
maganda. 4=7 pansin
3=3 4.=Kapansin-pansin
38 tao 3= Medyo kapansin-
pansin
12. Maganda ang 5=28 5= Lubos na kapansin-
presentasyon nito sa 4=8 pansin
eksibit. 3=2 4.=Kapansin-pansin
38 tao 3= Medyo kapansin-
pansin

Sa Teybol 1, makikitang inilagay namin ang kraytirya at kung ilan din ang
sumagot ng 5,4,3,2,1, dito mismo naming tinally ang mga sumusunod, kung
tutugma ba ang nagrate ng kraytirya, at ang kabuuang bilang ay kung ilan ang
sumagot na mag-aaral at guro. 38 lamang ang kabuuan sapagkat ang dalawang
rubriks na kulang ay nasa dalawang guro na si Maa’m Bj at Sir Mark.

Sa Teybol 2, nilagay muli namin ang kraytirya at ang resultang nilagay ay


kung ilan ang sumagot ng mga sumusunod na numero 5,4,3,2,1 sa bawat
kraytirya na kung saan nilagay muli naming sa ilalim ang kabuuang bilang ng
sumagot na guro at mag-aaral. Sa pasya naman nilagay namin kung ano yung
nasa resulta, kung numero 5 ibig sabihin lubos na kapansin-pansin, 4 kapansin-
pansin, 3 medyo kapansin-pansin at 2 kung kapansin-pansin lang ng kaunti.

Kalakasan at Kahinaan ng Kagamitang Panturo

10
Isa lamang ang may nagsulat ng kalakasan ng kagamitang panturo. Ayon
kay GPE. Singit na isang Faculty sa Departamento ng Filipino. Ang kalakasan ay
kaaya aya sa mata ngunit ang kahinaan at kakulangan ng kagamitan ay maliit
para sa isang klase.

Ayon naman kay Maa’m Nenita Fabrigas na isang Faculty din ng


Departamento ng Filipino. Ang kahinaan at kakulangan ng kagamitang panturo
naming ay ang pagiging maliit kung sa isang klase parehas sila ng nilagay ni
GPE Singit.

Wakas

Maraming mga katanungan ang gumugulo sa isipan habang ginagawa


ang kagamitang panturo halimbawa na lamang kung paano magiging epektibong
kagamitan sa pagtuturo ng mga estudyante ngunit nasagot naman na ito na
maaaring ipaliwanag muna ang mga pangunahing tauhan at ilahad ang
kagamitang panturo upang makita lahat ng mga mag-aaral dahil maliit lamang
nga ito kung kaya’t kinakailangan ilapit ng guro sa mga mag-aaral upang
lubusang makita ang nasang kagamitang panturo.

Sa pag-gawa ng kagamitang panturo natutunan ng grupo na nararapat


isaalang alang ang mga mag-aaral kung matututo ba sila o hindi o kung may
makukuha ba silang aral sa isang kagamitang panturo, pangalawa hindi dapat
basta gumawa lamang ng kagamitang panturo dapat din iniisip mabuti ng isang
guro kung paano magkakaroon ng motibasyon ang isang estudyante para may
kasigla sigla na mag-aral o makapagpokus sa paksang tatalakayin at kung
paano rin magiging kaaya-aya sa mata ng mga mag-aaral ang isang kagamitang
panturo. Pangatlo dapat lubusang pinaghahandaan ang pag-gawa, pinaplano ng
buong puso at isipan. Kailangan kapag gumagawa ng isang kagamitang panturo
sinasamahan ng puso o pagmamahal upang maging maganda ang resulta ng
kagamitan. Isa pa sa natutuhan ng grupo nasa kagamitan panturo pala kung
paano matututo ang isang mag-aaral, kung paano kapupulutan ng mensahe at

11
kung paano magkakaroon ng aplikasyon sa tunay na buhay ang ginawang
kagamitang panturo para sa mga mag-aaral.

Kaisipang natutuhan na dapat lahat ng ginagawa ay sinasamahan ng


pagmamahal dahil ang propesyon na kinatatayuan mo ngayon ang bubuo at
huhubog ng kamalayan ng marami pang bata. Sa pag-gawa ng kagamitang
panturo mabuting pagtuunan ng pansin unang una ang gagawing kagamitan
para sa mga mag-aaral. Sa nabuo naming kagamitan ay naging inspirasyon
ngayon ng isang bata na nasa baitang lima, hiningi niya ito sa akin upang pag-
aralan at basahin ang obra na Florante at Laura ng dahil sa kagamitang panturo
na nagawa namin, naging daan din ito upang maging interesado ang batang ito
na basahin at unawain ang obra, kung kaya’t ngayon ay sinisimulan na niyang
binabasa ang obra sapagkat kapupulutan ito ng marami pang aral na magagamit
sa araw na araw na buhay ng isang bata, o mga tao.

Repleksyon

Ukol sa Kurso

Sa kurso maraming kang matutuhan na bubuo ng iyong pagkatao at mas


lalo mong makikilala ang iyong sarili kagustuhan, kung ano ang nais mo sa
buhay, at kung nasa tamang landas ka bang kinahihiligan mo. Dito marami
kaming natutunan na kung ano ano na dumagdag sa libro ng kaalaman namin
bilang isang nagdadalubhasa sa asignaturang Filipino. Nakita namin kung gaano
kaganda at kayaman ang Pilipinas sa larangan ng literatura o panitikan,hindi
parin napag-iiwanan ang bansang Pilipinas sapagkat isa tayo sa

12
pinakamayaman at mapagmahal na tao sa sariling yaman ng bansa naging
mapagmahal kami sa bayan sapagkat walang ibang magmamahal sa wika at
bayan kundi ang ating mga sarili lamang. Dito sa kurso tinulungan kaming
tuklasin ang sariling wika na dapat minamahal ng buong puso. Kung kaya’t narito
kami sa kurso na ito dahil mahal namin ang sariling atin at tarang linangin at
pagyamanin ito upang may ipapamana tayo sa susunod na henerasyon.

Ukol sa Guro

Ang pagiging Guro ay hindi ganun kadali, marami ka munang


pagdadaanan at lulusutang karayom bago ka matawag na isang kapita-pitagang
guro. Guro ang humuhubog ng kaalaman ng isang bata. Dito napagtanto namin
na napakahusay at saludo kami sa aming mga guro na walang sawa sa
pagtuturo upang sa ikabubuti ng sambayanan. At marami kaming natutunan na
nagpabago ng mga pananaw sa iba’t ibang mga bagay. Natulungan na maging
tunay na tao at maging makatotohanan sa lahat. Kung kaya’t saludong saludo
kami sa lahat ng mga gurong bumuo ng aming isipan, kakayahan, abilidad sa
maraming bagay.

Ukol sa mga Gawain ng kurso

Maraming Gawain ang kurso ngunit kinakailangan ito para sa aplikasyon


ng lahat ng natutunan kung may natutunan ba talaga ang isang mag-aaral sa
mga tinalakay na paksa. Sa mga Gawain makikita mo ang iba’t ibang klase ng
tao o mag-aaral, may makikita kang negatibo at positibo na kung minsan
nagiging dahilan pa ng hindi pagkakaintindihan dahil sa iba’t ibang mga pananaw
sa buhay. Isa sa mga Gawain ng kurso na bumuo ng aming pagkaguro ay itong
pag-gawa ng kagamitang panturo, naipakilala namin ang kanya kanyang mga
galing at sariling kakayahan at maraming natutunan na dapat isaalang alang sa

13
pag-gawa para sa mga tuturuan mga bata na bubuuin sa aming mga kamay ang
isang produktibong mahusay na mag-aaral.

APENDISE

Proposal

I. Pamagat

Akwaryum ni Florante at Laura


(Tauhan ng Florante at Laura ni Francisco Balagtas)

II. Layunin

14
Layunin ng kagamitang ito na ipakita ang mga pangunahing tauhan ng
obra ni Balagtas na pinamagatang Florante at Laura, maipapakita ng kagamitang
panturo ng ito ang kakaiba at malikhaing mga patapong kagamitan ay
magagamit bilang isang kagamitan sa pagtuturo ng Florante at Laura. Lubos na
mauunawaan ng mga mag-aaral ang akda at mabilis na matatandaan ang mga
pangunahing tauhan sapagkat ito’y may biswal ang nagsisilbing simbolo ng mga
tauhan mula sa munting akwaryum. Akwaryum ang naisip na gawin, sapagkat
kasing ganda ng ilalim ng dagat ang akda, kapupulutan ng kabibe na
magsisilbing dagdag kaalaman sa nag-iingay na hampas ng dagat ng isipan.
Maiisa isa ang mga tauhan sapagkat makikilala kaagad ang mga tauhan sa
kagamitang panturo. Matutukoy ang mga patapong kagamitan na makagagawa
ng mas magandang kagamitang panturo tulad ng isasagawang akwaryum ni
Florante at Laura na gawa lamang sa mga kagamitang walis tambo, garbage
bag, paper plate, feathers at kandila.

III. Mga Materyales

Ang mga materyales na gagamitin ay walis tambo, garbage bag, paper


plate, feathers at kandila, ang iba pang materyales tulad ng glue, glue stick, glue
gun, kartolina, karton, makukulay na papel, gunting, lapis at ruler. Ang walis
tambo ay magmumula sa patapong tambo sa bahay, ang garbage bag ay
hihingin mula sa tabing paupahang bahay, gayundin ang paper plate ay hihingin
sa kapitbahay, ang mga feathers naman ay kukunin mula sa ginamit na biswal
eyd na pinangdemo ng aking kaibigan noong nakaraan semestre at ang kandila
ay magmumula sa ginamit na pinangtulos sa puntod ngunit ito’y
mapapakinabangan pa sapagkat hindi pa nauubus.

IV. Paraan ng Pagbuo

Ang una ay mangongolekta muna ng mga gagamitin. Matapos


mangolekta aalisin ang lahat ng materyales na hindi na mapapakinabangan pa
sa pag-gawa ng akwaryum ni Florante at Laura. Halimbawa aalisin ang tangkay
ng walis tambo, lilinisin ang paper plate at ang garbage bag ay lalaban at

15
patutuyuin. Aalisin ang konting dungis ng mga kandila upang hindi masama sa
gagawing akwaryum.

Ang karton ang magsisilbing patigas ng akwaryum at ang garbage bag


ang magsisilbing damit ng karton, ang walis ng tambo ang magsisilbing damo
damo o halaman ng akwaryum, ang kulay pilak ng paper plate ang magsisilbing
paso sa loob ng akwaryum, dudurugin ang iba’t ibang kulay ng kandila at
pakukuluan at gagawing tinta sa pagpinta ng palasyo ang feathers o pakpak ang
magsisilbing dagdag na palamuti sa loob ng akwaryum. Ang mga kartolina at
makukulay na papel ang magsisilbing guhitan ng mga larawan upang maging
kaaya aya at kasabik sabik sa mga mag-aaral.

V. Paraan ng Pag-gamit

Ang maliit na animo akwaryum ng kahariang albanya ang magsisilbing


motibasyon o pag-ganyak ng guro, na magtatanong ang guro kung ano ang
nakikita sa loob ng kaharian at kung ano ang simbolo ng mga kabibeng nasa
loob ng akwaryum. Sa gayon maiuugnay ng guro ang akwaryum na may
kaharian sa tatalakaying mga pangunahing tauhan ng Florante at Laura.
Ipapaliwanag ang mga tauhan nang nasabing akda ni Francisco Baltazar. Ang
mga larawan din ang maaaring maging ebalwasyon ng tauhan ng akda.

Mga Larawan

Mga Materyales

16
Una

Butasin ang Kahon sa apat na bahagi tulad ng nasa larawan.

17
Pangalawa

Ibalot sa kahon ang Garbage bag upang magsilbing damit ng kahon, at lagyan
ng papel ang baba upang pagtayuan ng mga pang disenyo.

Pangatlo
Ihanda ang mga pangdisenyo, ang kandilng dinurog at pinakuluan ang nagsilbing
pangpinta sa mga ginuhit na larawan

18
Pang-apat

Ang Paper plate ay nagsilbing dahon at paso. Ang walis naman ng tambo ay
naging halaman sa paso.

Pang-lima

Idikit na ang mga disenyo

19
20
AKWARYUM NI FLORANTE AT LAURA

21
Ukol sa mga Proponent

Nerissa S. Caraig

Isinilang siya noong Setyembre 21, 1996,


ikalawa sa tatlong anak nina Vilma S. Caraig at
Warlito S. Caraig ng Doña Remedios Trinidad,
Bulacan.

Nagtapos siya sa mababang paaralan ng Akle


Elementary School at sekundarya naman sa
Akle National High School. Ipinagpatuloy ang
kanyang pag-aaral sa tersyarya sa Central
Luzon State Universi ty na kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary
Education ng nagdadalubhasa sa asignaturang Filipino at nasa ika-apat na taon
na sa kasalukuyan sa kolehiyo.

Shaira S. Talania

Isinilang siya noong Enero 21,1997,


panganay sa anim anak nina Celso O. Talania
at Barbara S. Talania ng Popolon, Palayan
City, Nueva Ecija.

Nagtapos siya sa mababang paaralan ng


Calawagan Elementary School at sekundarya
naman sa Eatern Cabu National High School.
Ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa
tersyarya sa Central Luzon State University na
kumukuha ng kursong Bachelor of Secondary Education ng nagdadalubhasa sa
asignaturang Filipino at nasa ika-apat na taon na sa kasalukuyan sa kolehiyo.

22
23

You might also like