You are on page 1of 15

3I

PAG-UNLAD NG WIKA
GAMIT ANG
SALITANG HIRAM
Para sa Learning Strand 1 – Filipino Ikaanim na Baitang

0
PAUNANG SALITA

Maituturing ngang isang natatanging bansa ang Pilipinas batay sa pagkakaroon nito ng iba't
ibang wika. Hango sa ating mga ninunong unang sumambit ng mga katagang sinasalita natin
ngayon, masasabi nating matagumpay ang pagrereserba ng ating wika. Ngunit sa pagdaan ng
panahon, maraming aspeto ang nakaapekto sa ating sinasalita. Sa kadahilanang yumayabong ang
teknolohiya at kahit na ibang wika ay atin na ring sinasali. Gayunpaman, umusbong ang ating
pamamaraan sa paghihiram mula sa iba't ibang etniko at dayuhang wika. Mula sa ating wikang "
Pilipino " na may dalawampung letra lamang, nadagdagan ito walo at naging wikang " Filipino ".
Marahil may mga haka-haka na sa patuloy na panghihiram ng ibang wika, maaring mawala at
maglaho na lamang ang ating kasarinlan. Posible kaya ito? Ngunit may iba lamang naniniwala sa
ating wika ay nagpapayaman lamang sa pamamagitan ng panghihiram. Ito raw ang nagpapayabong
ng sa bokabularyo ng ating wika. Sa pag-aaral na ito, susuriin ang mga hiram na salita mula sa
itinuturing na wikang unibersal, ang wikang Ingles. Kalakip na dito ang mga salitang walang
katumbas sa Filipino at kung paano ito nakakatulong sa pagpapaunlad at pagpapayaman sa ating
wikang pambansa.

Ano-ano ang mga matutuhan mo sa Modyul na ito?


Pagkatapos ng aralin na ito ay inaasahanna ikaw ay:

LAYUNIN:
Nabibigyang-kahulugan ang salitang hiram.
Nasusuri ang pangunahing diwa ng sanaysay ng may paninindigan.
Nagagamit amg malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang
natutuhan sa aralin,mga salitang katutubo,salitang hiram at mga salitang dinaglat.
Napapahalagahan ang wastong paggamit ng mga makabagong kagamitan.

1
LEARNING COMPETENCY
Nabibigyang-kahulugan ang salitang hiram
LS1CS/FIL-PS-PPA-AEMT-18
Nababasa ang mga salitang hiram na natutuhan sa aralin at sa ibang asignatura
LSICS/FIL-PB-PPA-BP/AEMB/AEMT/ASMB/ASMT-48
Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang
natutuhan sa aralin,mga salitang katutubo,salitang hiram at mga salitang dinaglat
LS1CS/FIL-PU-PPA-AEMB/AEMT-7

Pagganyak: Pagkilala sa mga salitang hiram.


Wow! Ang ganda
naman ng lugar na
Napakaunlad ng ito. Ang dami na
aming pamayanan. talagang pagbabago
Nagsusulputan ang , high tech na talaga.
mga skycapers at
moderno ang mga Ano kaya ang
sasakyan. ginagawa ng
mommy ko.
Sana mahiram
ko ang
computer niya.

2
PAKSA: Pag-unawa sa mga Salitang Hiram at Pagtukoy sa Paksa sa Binasang
Salaysay

TUKLASIN
Ang pagbabagong nagaganap sa ating paligid ay nakakabuti lamang
kung nagdudulot ito ng pag-unlad sa ating buhay at sa bansa. Pansinin
ang larawan sa ibaba.

https://www.google.com/search?q=picture+of+philippines&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=duv
9QrW7y270fM%252CBayp21G6bCSQ6M%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kQRbzwkewpZnuTdbHgrkRGi_pTj4Q&sa=X&ved=2ahUKEwiI0KjZlI3tAhVkF6YKHdH0DgAQ9Q
F6BAgCEGk&biw=1366&bih=657#imgrc=bP3YXZK2NLMTpM

a. Anong mga pagbabagong nangyayari sa ating bansa na iyong


napansin?
b. Ano ang naidudulot na maganda nito sa ating mga
mamamayan?
c. Bakit kailangan na magkaroon ng mga pagbabagong ito?

3
GAWAIN 1

Tingnan ang mga larawan sa ibaba.


Ano-ano ang mga ito? Iyong pangalanan.

GAWAIN 2

Anong mga makabagong kagamitan ang nakakatulong sa iyong pag-


aaral? Paano?
Mayroon ba kayong dalang mga makagabong kagamitan?

4
ALAM MO BA NA…
Napakabilis ng mga pagbabagong nagaganap sa Pilipinas. Sabay sa
pag-unlad ay ang pag-unlad din na ating wika, kung saaan natuto
tayong maghiram ng salita. Ano nga ba ang hiram na salita?
Pag-unawa sa mga Salitang Hiram

Marami sa mga salitang ginagamit natin ngayon sa pagsulat, pakikipag-


usap, o ano pa mang paraan ng komunikasyon ay mga hiram na salita.
Ang ibig sabihin nito ay hindi sila likas na mga kataga sa wikang Filipino
pero ginagamit sila sa pakikipag-usap.
Ano ang tawag sa mga salitang naka salungguhit na matatagpuan sa teksto?
Ang mga salitang hiram ay mga salitang bahagi ng wikang Filipino na kinuha sa
wikang dayuhan katulad lamang ng Ingles, Kastila, at iba pa.
Sa mga ibang babasahin, may mga nababasa tayong mga salitang hiram na
ginagamit sa mga pangungusap. Kalimitan nating mabasa ay nasa wikang Ingels at
binabaybay natin ito sa ating salita.

SALITANG HIRAM BAYBAY-FILIPINO KAHULUGAN


1. Cake Keyk Pagkain
2. Ballpen Bolpen Panulat
3. Basketball Basketbol Uri ng libro
4. Taxi Taksi Sasakyan
5. driver drayber Nagmamaneho ng
sasakyan

May mga salitang hiram din na hindi na binabago ang baybay


SALITANG HIRAM KAHULUGAN
1. bag Lalagyan ng gamit
2. aircon Ginagamit upang lumamig sa loob ng silid
3. parlor Lugar na pinag-aayusan
4. coach Taong nagtuturo ng sports
5. shampoo Panglinis ng buhok

Pagtukoy sa Paksa sa BInasang Salaysay


Ang pangunahing diwa ay ang paksa ng seleksyon o pangyayari. Kapag naibigay
mo ang pangunahing diwa ng isang seleksyon, nangangahulugan ito na naintindihan o
naunawaan mo ang iyong binasa o ang binasa ng guro.

5
SAGUTIN NATIN ANG MGA SUMUSUNOD NA KATANUNGAN!

PAGBABAGO
Malaon nang minimithi ng bawat Pilipino ang makitang maunlad at maayos ang
ating bansang Pilipinas. Kung kaya’t pinag-iibayo ng pamahalaan ang pagpapaunlad ng
iba’t ibang aspekto ng pamumuhay.
Matatagpuan na sa PIlipinas ang mga teatro, museu, paaralang Pangmusika at
pansining aklatan, at mga tindahang namamahagi ng mga likhang-sining ng mga
Pilipino. Makikita na rin sa ating bansa ang maunlad na sistema ng transportasyon at
komunikasyon. Matatagpuan dito ang mga pinakabagong underpass, na dinaraanan ng
mga sasakyan at overpass naman para sa mga tao. Ang layunin nito ay upang
mabigyan ng solusyon ang malubhang suliranin ng trapiko. Halos lahat ng tahanan ay
may serbisyo ng kuryente at tubig.
Ang mga kasangkapang kailangan araw-araw ay mga makabago na rin tulad
ng computer , floor polisher , tablet, washing machine , at ang teleponong
ginagamit ay mayroon ng Caller I.D . Dito malalaman ang numerong tumawag sa
iyo. Kung ikaw ay nasa labas naman ng bahay o kaya’y nasa loob ng sasakyan,
maaari kang gumamit ng telepono sa pamamagitan ng cellphone . Sa paglaganap
ng mga smart phones ay mas madali na sa mga user ang magsurf sa intenet .
Gayundin ang paggamit ng mga social apps kagaya ng facebook , twitter , youtube ,
at Instagram.
Sa paaralan ay marami na ring makikitang pagbabago na lalong
makakatulong sa pag-aaral tulad ng calculator na nagagamit sa matematika , pag-
aaral ng computer na nagagamit sa paggawa ng mga proyekto at term paper ,
xerox machine , at printer na nagagamit sa pagkopya ng mga nasaliksik na aralin.

Ganyan kabilis ang mga pagbabagong nagaganap sa bansang Pilipinas.


1. Tungkol saan ang tekstong nabasa?
2. Ano ang mensahe o impormasyong nais nitong iparating?
3. Paano inilalarawan ang mabilis na pagbabagong nagaganap sa bansang
Pilipinas?
4. Isa-isahin ang mga pagbabagong nagaganap sa paaralan.
5. Ang pagkakaroon ba ng mga makabagong kagamitan ay nagpapakita ng
maunlad na bayan? Panindigan ang sagot.
6. Ano-ano ang mga makabagong kagamitan ang gusto mong maaaring
makatulong sa kaunlaran sa bansa?
7. Ano-anong mga salita ang may salungguhit?

6
8. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?

GAWAIN 3
(Upang masagot ang Gawain 3.A at 3.B, basahin at unawaing mabuti ang
Sanaysay 1 at 2.)

Sanaysay 1. MALIIT NA PAGMIMINA, MALAKING PROBLEMA


Maraming pook sa Pilipinas ang mayaman sag into kaya’t maraming Pilipino ang
nagmimina rito at kumikita sila. Ngunit gumagamit sila ng asoge o mercury upang
matanggal ang ginto sa kinatataguang bato. Lason sa lamang-dagat at sa tao ang
asoge. Gulugod at utak ng tao ang inaatake ng asoge. Sa dami ng nagmimina ay tone-
toneladang asoge ang natatapon sa ng abatis at ilog na gamit sa pagmimina ng ginto.
Maiisip mo ang panganib sa asogeng ito sa mga mamamayan.

Sanaysay 2. SI APOLINARIO MABINI


Tinawag na Dakilang Lumpo si Apolinario Mabini. Lahit siya ay may kapansanan,
marami siyang nagawa sa bayan. Nagsilbing utak siya ng himagsikan. Iginalang siya ng
mga Amerikano dahil sa angking talion. Nanungkulang tagapayo siya ni Pangulong
Aguinaldo. DInakip siya ng mga kawal-Amerikano at ipinatapon sa Guam, Noong 1903
namatay siya sa sakit na kolera sa kanyang bahay sa Nagytahan, Maynila.

3.A. Panuto: Isulat ang mga salitang hiram mula sa sanaysay. Isulat ang katumbas na
salita sa Wikang Filipino kung mayroon. Kung wala ay kahulugan lamang ang
ilagay.Gayahin ang pormat at isulat sa loob ng tsart.sa inyong sagutang papel.

SALITANG HIRAM BAYBAY-FILIPINO KAHULUGAN

3.B. Panuto: Sabihin ang paksa ng seleksyon.

7
1. Sanaysay 1 _________________________________________
2. Sanaysay 2 _________________________________________

PAGLALAPAT
GAWAIN 4
Panuto: Pumili ng isang selekyon (Seleksyon 1 o Seleksyon 2),gamit ang
pormat, punan ito ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Seleksyon 1
Nalalapit na ang araw ng exam ni Lando at ng kanyang mga kaklase niya.. Dahil
sa pandemya . Ito ay sa susunod na linggo na. Naisip niyang mag-aral ng mas maaga
upang hindi magsabay-sabay ang kanyang mga aaralin. Nang sumunod na araw, dahil
sa pandemya ay ibinigay na ng guro sa mga magulang ang dapat pag-aaralan para sa
nalalapit na eksamin ng mga mag-aaral. Tuwang-tuwa si Lando pagkat naaral na niya
ang mga ibinigay na dapat pag-aralan ng kanyang guro. Kaunti na lamang ang kanyang
pag-aaralan.
Araw ng eksamin, mabilis nasagutan ni Lando ang pagsusulit na ibinigay ng
guro. Pagdating ng resulta ng eksam, tuwang-tuwa si Lando pagkat nakakuha siya ng
pinakamtaas na marka sa buong klase!

Seleksyon 2
Nagkaroon ng pagbaha sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyo. Kitang-
kita ang mga lubog na bahay at mga kagamitang nasira. Nakita ng mommy ni Joan na
may nakapaskil na panawagan sa mga mag-aaral ng Mababang Paaralan ng San
Roque na kung sino man ang maaaring magbigay ng anumang tulong ay dalhin laman
sa opisina ng kanilang principal. Pagdating na mommy niya galing paaralan ay
ipinaalam niya ito kay Joan. Hinalungkat nila ang mga damit na hindi na kasya sa kanila
at inilagay sa isang kahon. Naglagay rin siya ng mga delata at noodles pantawind
gutom. Kina-umagahan ay dinala ng mommy ni Joan sa opisina ng kanilang principal
ang mga ito. Laking pasasalamat naman ng principal sa kanya sapagkat malaki na ang
maitutulong ng mga dala nilang donasyon. Nang dahil sa krisis ng pandemya,
pinagbawalan si Joan na pumunta sa paaralan dahil siya ay menor de edad pa.

8
Seleksyon 1 (Maaaring Seleksyon 2)
Paksa
Salitang
Hiram

TANDAAN MO
Ang mga salitang hiram ay mga salitang nanggaling sa iba’t ibang mga
dayuhang pumunta dito sa ating bansa na kalimitan na nating nagagamit
sa pang-araw-araw na nating pakikipag-usap o talakayan. Binago man
ang baybayin o hindi, mahalaga ang mga salitang hiram sapagkat
makatutulong ito sa pagpapayaman ng ating bokabularyo o talasalitaan.
Sa tulong ng mga katanungang: “Tungkol saan ang tekstong napakinggan?”, “Ano ang
mensahe o impormasyong nais nitong iparating?” at sa tulong ng pamagat ng
teksto/seleksyon ay maipaliliwanag mo ang paksa ng sanaysay o teksto na iyong
narinig o nabasa sa pangungusap.

ANO-ANO ANG IYONG MGA NATUTUHAN?

PAGSUBOK NG KAALAMAN

Panuto: Magtala ng limang salita na ginagamit sa mga makabagong


panahon at gamitin ito sa pangungusap.

Halimbawa: Hiram na salita: Facebook- Halos lahat ng kabataan ay may Facebook


account na, kahit hindi pa sila umaabot ng 18 taong gulang.
1.
2.
3.
4.

9
5.

GAWAIN 5
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay sa isa’t kalahating papel gamit ang

mga lima hanggang sampung salitang hiram.

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY.


Nangangaila-
PAMANTAYAN Napakagaling Magaling Katamtaman ngan ng
(20) (10) (8) (6) pagsasanay
Kabuuan (4)
Puntos
Napakalalim at Malalim at Bahagyang Mababaw at
Kahulugan ng makahulugan makahulugan may lalim ang literal ang
Sanaysay ang kabuuan ng ang kabuuan ng kabuuan ng kabuuan ng
(10) sanaysay. sanaysay sanaysay. sanaysay.

Paggamit ng Gumamit ng 5 o Gumamit ng 4 Gumamit ng 3 Gumamit ng 2 o


Hiram na salita higit pang hiram na hiram na hiram na isang hiram na
(10) na salita. salita. salita. salita.
.

PASASALAMAT

Taos-pusong pasasalamat ang aking ipinaabot sa mga sumusunod na indibiduwal,


tanggapan at sa iba pang naging bahagi sa aking pagsasagawa sa modyul ng Filipino.
Pasasalamat din sa walang humpay na suporta,tulong at kontribusyon upang
mapagtagumpayan ang pagsagawa ng modyul na ito.

10
Kagawaran ng Edukasyon, Dibisyon ng Negros Oriental
SENEN.PRISCILLO P. PAULIN, CESO V
Tagapamahala ng Sangay

ADOLF P. AGUILAR
Pangalawang Tagapamahala ng Sangay

FAY C. LUAREZ, PhD, EdD, TM


Pangalawang Tagapamahala ng Sangay

RACHEL B. PICARDAL, EdD


SGOD Chief

DONRE B. MIRA, EdD


Education Program Supervisor in ESP, ALS

JOY EMILY A. TANIO


Education Program Specialist in ALS

FRANCIS C. AUSTERO
Education Program Specialist in ALS

KARL CREDO, EdD


Education Program Specialist in ALS

NORLITA NEMENZO, EdD


Education Program Specialist in ALS

ARLENE A. PEPITO
Education program Specialist in ALS

MARIO Y. KITANE
Manunulat

11
CHRIS MAR B. KITANE
Tagaguhit

SINOPSIS

Sa kabuuan ng pag-aaral na ito,nauunawaan na ang paghiram ng mga salitang


Ingles at iba pa tungo sa Filipino ay may maraming mga kondisyon at paraan. Nalaman
natin na ito ay ipinapaliwanag ang suliranin ng mga mungkahing paraan sa
paghihiram ng mga salitang Ingles at iba pa. Samakatuwid, alam natin ang mga salita
ng wikang Ingles at iba pang banyagang wika ay may mga salitang hiram na walang
katumbas sa Filipino ngunit nasuri ang paraan ng panghihiram ng mga salitang hiram
ay nakadagdag kaalaman sa mga Filipino at lalo pang napapayaman ang Wikang
Filipino.

Author: MARIO Y.KITANE


Nakapagtapos ng Bachelor of Elementary Education with
Specialization in Social Science sa Negros Oriental State University
– Siaton Campus. Kasalukuyang nagtuturo bilang Alternative
Learning System Coordinator/Guro sa Alternative Learning System
na nakapaloob sa mga lugar na nasasakupan ng Ikalawang Distrito
ng Siaton.

Ilustrador/Layout Artist: CHRIS MAR B. KITANE


Kasalukuyang nag-aaral sa ikatlong taon sa kolehiyo sa AMA
Computer College.

12
ANSWER KEY

Tuklasin
a. Posibleng sagot: Nagtataasang mga gusali. Makabagong sasakyan
b. Iba’t-ibang kasagutan.
c. Iba’t-ibang kasagutan.
Gawain 1: Iba’t-ibang kasagutan.

Gawain 2:
1.Posibleng sagot: Computer/laptop/Android Phone, internet, headset,
Cellphone/ mobile phone
2. Cellphone/ mobile phone
Alam Mo Ba Na
Kaya Ko ‘To!

1. Pagbabago sa pamayanan.
2. Mas madaling mapaunlad ang iba’t ibang aspekto ng pamumuhay sa
pamamagitan ng makabagong teknolohiya.
(Tanggapin ang kahalingtulad na sagot.)
3. Nagsusulputan ang matataas na mga gusaling pinaglalagyan ng iba’t ibang
opisina na gamit ang makabagong teknolohiya upang mapadali at mapagaan
ang mga Gawain.
4. Maaaring isagot:
a. Mayroong desktop/computer, laptop o printer, smartphones na
maaaring gamitin ng mga mag-aaral sa pag-aaral.
b. Paggamit ng Xerox machine o printer na nagagamit sa pagkokopya sa
mga nasaliksik na aralin.
c. Calculator
5. Maaaring sagot:
Oo, dahil sa makabagong kagamitan madaling matatapos ang mga
Gawain na may kalidad
(Tanggain ang kahalintulad na sagot.)
6. Kompyuter at iba pang makabagong kagamitan.

13
GAWAIN 3 A.
Salitang Hiram Baybay-Filipino Kahulugan
Mercury Asoge

Cholera

Assignment

Computer

Internet

Basketball

Gym

3.B. Paksa
1. Sagot: Pagmimina, nakakasira ng buhay at pamayanan.
2. Sagot: Hindi hadlang ang kapansanan upang mapagsilbihan ang bayan.
GAWAIN 4
Seleksyon 1: Paksa: Mag-aral ng maigi upang buhay ay mapabuti
Salitang hiram: Exam Resulta Marka
Seleksyon 2: Paksa: Sa panahon ng kagipitan at sakuna dapat lahat ay mag-
tulungan upang mapawi ang kalungkutan at kahirapan.
Salitang hiram: Principal Noodle

Pagsabok sa Kaalaman.
Salitang hiram at gagamitin sa pangungusap. (Maaaring mag-iba-iba ang sagot.)
(Halimbawang sagot.)
1. Sa Google ako naghahanap ng mga kasagutan sa aking takdang-aralin.
2.
3.
4.
5.
Gawain 5: (Maaaring mag-iba-iba ang sagot.) Susundin ang rubrics sa pagmamarka.

14

You might also like