You are on page 1of 4

KASUNDUAN SA PAGPAPAUPA NG BAHAY

TALASTASIN NG SINUMAN:

Ang kasunduan na ito ay ginawa nina:

_____________________________, Pilipino, may sapat na gulang at naninirahan sa


may patirahang sulat sa _______________________________. Dito ay
nagpapakilala ang NAGPAPAUPA.

_____________________________, may sapat na gulang, naninirahan sa may


patirahang sulat sa _____________________________, ito ay makikilala na
NANGUNGUPAHAN.

Ang salitang apartment o pintong inuupahan o inuupahan ay iisa ang ibig sabihin.

AY SUMAKSI:

1. Na ang NAGPAPAUPA ay may-ari ng isang pinto ng apartment sa


_______________ samantalang ang NANGUNGUPAHAN ay nag-alok na upahan niya
ang nabanggit na pinto at ito namay tinanggap ng una batay sa sumusunod na kundisyon.
2. Na ang kasunduan ay tatagal ng isang taon simula sa araw ng buwan ng paglipat.
3. Na ang bayad sa napagkasunduang pinto ng inuupahang apartment ay ________.
4. Ang buwanang upa ay gagawin sa pintong inuupahan at magbabayad tuwing ika
______ ng buwanang susunod.
5. Na ang deposito sa paglipat ay halagang ___________.
6. Na kung hindi man makapagbayad sa nasabing araw ng bayaran ang
NANGUNGUPAHAN ay puputulan ng tubig.
7. Na kung sakaling di magbayad ng upa ang NANGUNGUPAHAN sa takdang panahon
ng kasunduan o di kaya ay lumabag sa kasunduan na ito, may karapatan ang NAGPAPAUPA
na ipawalang saysay ang kasunduan na ito at hingin sa NANGUNGUPAHAN na lisanin o
iwanan ang pintong inuupahan.
8. Na ang lahat ng pangkaraniwang reparasyon sa pintong inuupahan na ang tanging
dahilan ay ang pang araw-araw na paggamit ng NANGUNGUPAHAN ay walang karapatang
singilin sa NAGPAPAUPA.
9. Ang deposito ay di maaaring makuha kung sakaling di sila tatagal ng isang taon
paninirahan sa nasabing paupahan.
10. Na ang bilang ng pamilyang NANGUNGUPAHAN ay hanggang _____ lamang.
11. NA ang NANGUNGUPAHAN ay pinagbabawalang gamitin itong apartment o alin
mang bahagi na ito, ay di maaaring paupahan sa iba na walang nakasulat sa pahintulot ng
NAGPAPAUPA.
12. Na ang lahat ng kagamitang kailangan ng NANGUNGUPAHAN sa kanyang
apartment ay kanyang sariling pananagutan.
13. Na ang NANGUNGUPAHAN ay hindi maaaring mag-alaga ng anumang hayup gaya
ng ibon, aso, pusa, atbp. sa loob at kapaligiran ng apartment.
14. Na ang NANGUNGUPAHAN ang siyang mananagot sa pagtupad ng mga regulasyong
pinatutupad ng pamahalang local at nasyonal.
15. Na ang NANGUNGUPAHAN ay hindi pinapayagang gamitin ang deposito sa
buwanang upa.
16. Na hindi pinapayagan ng NAGPAPAUPA na magkaroon ng bisita ang
NANGUNGUPAHAN na hihigit sa 5 araw.
17. Na kung sakaling naisin lisanin ng NANGUNGUPAHAN ang pintong inuupahan ito
ay magbibigay ng abiso o pasabing isang buwan.
18. Kung sakaling biglaan o sa hindi inaasahang pangyayari at kailangan lisanin ng
NANGUNGUPAHAN ang pintong inuupahan, may isang taon man o wala pa ang
NANGUNGUPAHAN, siya ay walang makukuhang anuman sa NAGPAPAUPA.
19. Na kung sakaling di makabayad, ang kasangkapan o anumang kagamitan ng
NANGUNGUPAHAN ay magiging prenda sa NAGPAPAUPA.
20. Na ang NAGPAPAUPA ay may karapatang dalawin ang nasabing paupahan mula
ikawalo ng umaga hanggang ika lima ng hapon.
21. Na kung sakaling pagkatapos ng isang taong pangungupahan ay mananatiling
maayos ang relasyon ng NAGPAPAUPA at NANGUNGUPAHAN at ipagpatuloy ang pagupa
sa nasabing pinto ang kasunduang ito ay babaguhin batay sa kasunduan ng dalawang panig.

Sa katunayan ng lahat ng ito, ang NAGPAPAUPA at NANGUNGUPAHAN ay lumagda


ngayong ika _____ taon _____.

_____________________________                        
____________________________
NANGUNGUPAHAN                                                                        NAGPAPAUPA

SINASAKSIHAN NINA:

_____________________________                           
_____________________________

PAGPAPATUNAY

REPUBLIKA NG PILIPINAS
LALAWIGAN NG CAVITE
BAYAN NG BACOOR
            Ngayong ika ____ ng _______________ taong kasalukuyan ay lumagda sa harap
ng mga nabanggit na tao ay ipinaalam nila sa akin na iyon ay kusang loob nilang salaysay.
            Ang kasulatang ito ay dalawang pahina kasama na rin ditto ang kinalalagyang
patunay at nilagdaang ng dalawang panig gayundin ang kanilang saksi sa lahat ng pahina.

            SINAKSIHAN NG AKING LAGDA AT SELYO NOTARYAL SA LUGAR AT PETSANG


BINABANGGIT SA ITAAS.

PERSONAL NA IMPORMASYON

PANGALAN: _________________________________________

TIRAHAN: _________________________________________

TELEPONO: ____________________________

KAPANGANAKAN: __________________

PANGALAN NG AMA: ___________________________________

PANGALAN NG INA: ____________________________________

HANAPBUHAY: _____________________________________

LUGAR: _____________________________

TEL: ____________________________

PANGALAN NG MGA KASAMA/ ANAK NA TITIRA:

1) _______________________________________

2) _______________________________________

3) _______________________________________

KARADAGANG IMPORMASYON:

PANGALAN: ________________________________
TIRAHAN: __________________________________

TEL: ________________________

KAUGNAYAN: ______________________

You might also like