You are on page 1of 1

Globalisasyon, Susi sa Hinaharap

Ang globalisasyon ay katagang ginamit ng ilan upang ilarawan ang lumalawak na pandaigdig na
interdependence ng mga tao at mga bansa sa isat-isa. Isa itong mekanismo na mabilis ng interaksyon at
integrasyon sa pagutan ng kompanya, bansa, o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng
kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon. Maituturing uto na
panlipunang isyu dahil sa tuwirang epekto niyo sa hamon ng pamumuhay at perenial na institusyon
tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan dahil sa ang mga ito ay may mahahalagang
gampanin ng pagbabago. Ngunit paano nga ba mapapaunlad ang ekonomiya gamit ang anyo ng
globalisasyon?

Ayon kay Heraclitus, "ang pagababago lang ang permanente sa mundo". Ang pagbabago sa mga
importanteng institusyon at mga gawain ang makakapag-angat ng kalidad ng buhay. May maraming
benepisyo ang hatid ng pagbabago o globalisasyon. Kung kaya't marapat itong oanatilihin. Tulad pag-
ibayo ng pagtuturo sa eskwela ng negosyo at pagsisimula nito, paunlarin ang turismo sa pamamagitan
ng byaheng lokal, pagbukas ng bank account ng mga bata sa paaralan, pagtangkilik sa produktong gawa
ng kapwa Pilipino, pagsuporta sa proyekto ng pamahalaan sa usaping tax at price hike, pagkontrol ng
populasyon para masuportahan ang anak sa pinansyal na pangangailan at pagbubukas ng negosyo
upang maibsan ang unemployment rate. Sa usaping Multinational at Transnational Companies ay may
malaking ambagan naman sa pagdating sa import substitution, export promotion, dagdag na trabaho,
malaking ambag na buwis ng kompanya, paggamut ng makabagong teknolohiya, pagdami ng
produktong pagpipilian sa presyong abot kaya, at nagpapaganda ng repustasyon ng bansa.

Ang mga benepisyong ito ang magtutulak ng bansang Pilipinas na umagat sa hinaharap. Ang oagbabgong
ito ang magtuturo sa mga nagtutlungang tao kung paano epektibong napapamahalaan ang kompanya at
bansa. Magiging makabuluhan ang pag-impok sa pagbabago dahil ito ang daan sa kalidad ng buhay na
madaling masuportahan ang mga pangangailan.

You might also like