You are on page 1of 41

Maikling Kuwento

Ang Maikling Kuwento…


Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng
Maikling Kuwento ay isang akdang pampanitikang
likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa
isang tunay na pangyayari sa buhay.
Ang Maikling Kuwento…
Ay isang kathang pampanitikan na may sariling
kaanyuhan at kakayahan na ang pangunahing layunin ay
lumibang sa pamamagitan ng isang makapangyarihang
paglalahad ng isang maselang pangyayari sa buhay ng
tao na siyang pinakakaluluwa nito.
Ang Maikling Kuwento…
Ito ay nababasa sa isang tagpuan,
nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may
kaisahan.
Bahagi ng Maikling
Kuwento
Simula/Panimula
Lubhang mahalaga ang bahaging ito
sapagkat dito nakasalalay ang kawilihan ng
mambabasa.
Pambungad na bahagi ng maikling
kuwento na tatawag ng pansin ng
mambabasa.
Simula/Panimula
Kinapapalooban ito ng mga sumusunod:
a. pagpapakilala sa tauhan
b. pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng
mga tauhan.
c. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng
damdaming palilitawin sa kuwento.
d. paglalarawan ng tagpuan
Saglit na Kasiglahan/Pagkakapukaw
 Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo
ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.
 Pamukaw-siglang pangyayari na gigising
sa interes ng mambabasa; na siyang
nagsisilbing unang pahiwatig sa suliraning
lulutasin sa kuwento.
Suliranin/Tunggalian
 Problemang haharapin ng tauhan.
 Pagpipingkain ng dalawang magkalabang
lakas na bunga ng maigting na suliranin sa
kuwento na siyang hahawak sa interes ng
mambabasa upang ipagpatuloy ang
pagbasa o basahin ang kuwento.
Kasukdulan
 Sa bahaging ito unti-unting naaalis ang
sagabal, nalulutas ang suliranin, dito natutukoy
ang katayuan ng pangunahing tauhan kung siya
ay mabibigo o magtatagumpay.
 Kaigtingan ng pagpipingkian ng dalawang
magkalabang lakas na siyang magiging
kaganapan ng nag-uumigting na interes ng mga
mambabasa.
Kakalasan
 Tulay sa wakas.
 Kinahinatnan ng pagtutunggalian ng
dalawang magkalabang lakas na
siyang nagbibigay-kalinawan sa
suliraning nagpakilos at nagpagalaw sa
kuwento.
Wakas
 Naihahatid ng may-akda ang mensahe sa
bahaging ito. sa wakas ng kuwento.
 Kaganapan ng kalinawan ng suliranin na
siyang mag-iiwan ng kakintalan at bisa sa
diwa’t kamalayan ng mga mambabasa na
siyang nagsisilbing tatak at kaangkinan ng
may-akda.
Sangkap ng
Maikling Kuwento
Tagpuan
 Tumutukoy ito sa pook o lugar
na pinangyarihan ng kuwento.
 Naglalarawan ito ng ginagalawan
o kapaligiran ng mga tauhan.
Paksang Diwa
 Pinaka kaluluwa ng maikling
kwento.
 Pinag-ugatan ng mga
pangyayaring tatalakayin sa
kuwento.
Kaisipan
 Mensahe ng kuwento.
Panahon
 takdang saklaw ng
kaganapan ng mga
pangyayari.
Tauhan
 Naglalahad o naglalarawan ng mga
pangyayari.
Ang nagbibigay buhay sa kuwento,
makikilala sila sa kanilang panlabas na
kaanyuan- pisikal at pananamit, kilos na
magpapahiwatig ng kanilang ugali at
diyalogo.
Banghay
 Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Bahagi ng Banghay
Simula
Suliranin
Saglit na kasiglahan
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas
Banghay
Kasukdulan

Wakas
Tema o Paksa
 Ito ang sentral na ideya sa
loob ng kuwento o ang
mahalagang pangkaisipan ng
akda.
Iba pang Sangkap
ng Maikling
Kuwento
Paksang Diwa
 Ito ang pinakadiwa ng katha.
Ito ang pang- isipang iniikiran ng
maliliit na himaymay ng katha at
nabubuo ng manunulat ang kasiyahang
pandamdamin at pangkaasalan sa
mambabasa.
Himig
 Ito ang maglalantad sa kulay ng kalikasang
pandamdamin ng kuwento.
Maaring masaya ang kuwento o kaya’y
malungkot, mapanudyo, mapagpatawa at
maromansa.
Paningin
 Ito ang pananaw na pinagdaraanan ng mga
pangyayari.
Matutukoy ng isang mambabasa ang iba’t ibang
sangkap ng akda sa pamamagitan ng paningin.
Sa pamamagitan ng paningin, makikilala ng
mambabasa ang inilalahad na lugar, panahon at ang
relasyon ngn mga tauhan.
Salik ng Maikling
Kuwento
Kapaunahan
 Ang mga panagunahing
tauhan ay ang siyang
pinakaugat ng maselang
pangyayaring inilahad.
Kaganyakan
 Tinatawag ding isang saglit na
kasiglahan sapagkat ito ang
nagpasidhi sa damdamin at
pagnanasa ng manbabasa upang
ipagpatuloy ang pagtunghay.
Kabanghayan
 Ang pagkakasunod-sunod ng
mga naaayong pangyayari na
mabilis ang kaganapan at
pagkaklahad ay ayon sa istilo ng
manunulat.
Tunggalian
 Ito ay tinatawag na gusot o buhol.
Uri ng Tunggalian
Tao laban sa sarili
Tao laban sa tao
Tao laban sa kalikasan
Tao laban sa lipunan
Kasukdulan
 Isang bahagi ngunit salik ding
matatawag.
 Ito ang pinakamasidhing bahagi dahil
dito nakasalaylay ang kaalaman ng
mambabasa sa sasapitin ng mga tauhan
sa bandang huli.
Uri ng Maikling
Kuwento
Kuwento ng Katutubong Kulay
 Binibigyang diin ang
kapaligiran, pananamit ng mga
tauhan, uri ng pamumuhay at
hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook.
Kuwento ng Pakikipagsapalaran

 Nasa balangkas ng
pangyayari ang kawilihan o
interes sa kuwentong ito.
Kuwento ng Kababalaghan

 Mga di- kapani-paniwalang


bukod pa sa mga katatakutan
ang siyang daan ng kuwentong
ito.
Kuwento ng Tauhan

 Ang interes ng diin ay nasa


pangunahing tauhan.
Kuwento ng Katatawanan

 Ang diin ng kuwentong ito ay


magpatawa at bigyang aliw ang
mga mambabasa.
Kuwento ng Pag-ibig

 Tungkol sa pag-iibigan ng
pangunahing tauhan at ang
katambal niyang tauhan
Kuwento ng Kapaligiran

 Ang paksa ay mga pangyayaring


mahalaga sa lipunan, kadalasan
patungkol sa kalikasan.
Kuwento ng Madulang Pangyayari
 Binibigyang diin ang
kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o
nakapagbago sa tauhan.
Kuwentong Pakikipagsapalarang
Maromansa
 Nasa balangkas ang kawilihan sa halip na
sa mga tauhan ang kawilihan, sa mga kawil
ng mga pangyayari ang siyang bumabalot sa
pangunahing tauhan.

You might also like