You are on page 1of 17

7

draft
Filipino
Unang Markahan – Modyul 2:
Mga Pahayag sa Pagbibigay ng
mga Patunay

Suriin
draft
Upang mapatunayan ang katotohanan sa mga pahayag, ebidensiya at datos ang
sagot. Sa pagpapatunay ng isang bagay ay mahalagang masundan ito ng
ebidensiya o datos. May iba pang pahayag na ginagamit. Halina’t basahin at pag-
aralang mabuti.

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay

May mga pahayg na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang

bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapagpatunay at

ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga

tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng

datos o ebidensya na lalo pang makapagpatunay sa katotohanan ng inilalahad.

Narito ang ilang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay:

1. May dokumentaryong ebidensiya- ang mga ebidensyang magpapatunay na


maaaring nakasulat, larawan o video.
2. Kapani-paniwala- ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensiya,
patunay at kalakip na ebidensiya ay kapani-paniwala at maaaring
makapagpatunay.
3. Taglay ang matibay na kongklusyon- isang katunayang pinalalakas ng
ebidensiya, pruweba o impormasyon na totoo ang pinatutunayan.
4. Nagpapahiwatig- hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang
ebidensiya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang
katotohanan.
5. Nagpapakita- salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay
totoo o tunay.
6. Nagpapatunay/katunayan- salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o
paniniwala sa ipinahahayag.
7. Pinatutunayan ng mga detalye- makikita mula sa mga detalye ang patunay
sa isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang
katotohanan sa pahayag.

Tayahin
draft
Kumusta? Umaasa ako na naging masaya ka sa aralin natin sa modyul na
ito.

Excited ka na bang malaman kung gaano ang naparagdag sa iyong


kaalaman? Maaari mo nang sagutan ang pagsusulit na ito.

Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang wastong pahayag na angkop gamitin sa
pagbibigay ng patunay. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Batay sa larawan na nasa ibaba, anong pahayag na nagbibigay ng patunay ang


maaaring gamitin dito?
A. Kinakitaan ang batang si Lance ng sipag sa paghuhugas ng kamay.
B. Nagpapahiwatig si Lance ng pagkainip dahil sa paghuhugas ng kamay.
C. Ang paghuhugas ng kamay ay palatandaan na nag-iingat si Lance upang
makaiwas sa Covid-19.
D. Malungkot si Lance habang naghuhugas ng kanyang kamay dahil
nanghihinayang siya sa tubig.

2. Aling pangungusap ang wasto ang pagkakagamit ng pahayag na nagbigay ng


patunay batay sa larawan na makikita sa itaas?

A. Nakatayo ang bata dahil nais niyang maglaro ng tubig.


B. Kapani-paniwalang nagugustuhan ng bata ang kanyang ginagawa.
C. Ang bata ay matiyagang naghuhugas ng kamay upang makaiwas sa sakit na
Covid-19.
D. Ang maayos na paghuhugas ng kamay sa loob ng 20 segundo nang bata ang
matibay na konklusyon na siya ay makaiiwas sa sakit na Covid-19.

11
draft
3. Aling pangungusap ang HINDI gumagamit ng pahayag na nagbibigay ng
patunay?

A. Ang pagtulong ng boluntaryo sa mga frontliners ay nagpapahiwatig ng


pagiging matulungin sa kapwa.
B. Umabot sa mahigit 10 milyong piso ang tulong mula sa ibang bansa para sa
mga biktima ng COVID–19 ay nagpapakitang likas na may kabutihang-loob
ng tao anuman ang kulay ng balat at lahi nito.
C. Sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Ivana Alawi at iba pang mga artista ay mga
buhay na patunay na ang mas mahalaga ang pagtulong kaysa sa anumang
karangalan.
D. May mga taong ayaw magsuot ng face mask dahil hindi nila gusto ang
disenyo nito.

4. Gumamit ng pahayag na nagbibigay ng patunay ang pangungusap na


_________________________.
A. Lumaganap ang sakit na COVID-19 at maraming nasawi bunga ng
kawalang-disiplina ng mga tao.
B. Mabilis labanan ang sakit kung magiging maniniwala sa lahat ng
nababasa sa online site.
C. Nagkasakit ang mga tao sa Wuhan, China dahil umuulan ng yelo kaya
sila nagkaroon ng ubo at sipon.
D. Ang pagpapalakas ng immune system ay sapat nang katibayan upang
malabanan ang COVID-19.

5. Nararamdaman natin ang mabagsik na epekto ng Global Warming kasabay ang


COVID-19, ipinahihiwatig nito ang pabago-bago ng panahon na nagpalala sa virus.

Anong salita ang ginamit sa pangungusap upang ipahayag ang isang patunay?
A. nararamdaman B. mabagsik C. ipinahihiwatig D. pabago-bago

6. Ayon sa mga nakalap na impormasyon ____________ nga ang matinding problema


tungkol sa COVID–19 ang nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Anong pahayag na nagbibigay ng patunay ang wastong gamitin upang mabuo


ang pangungusap?
A. katunayan C. kapani-paniwala
B. ebidensiya D. taglay ang matibay na konklusyon

7. Ginagamit ang pahayag na __________________ sa pagbibigay ng patunay.


A. sa kabilang dako C. tunay na tunay
B. sa aking palagay D.taglay ang matibay na konklusyon

8.Alin sa mga sumusunod na epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa ang


gumamit ng pahayag na nagbibigay patunay?

A. Ang mga manggagawang “no work, no pay” ay binigyan ng ayuda ng


DOLE patunay na sila ay may malasakit sa kalagayan ng Pilipino.

12
draft
B. Marami ang nawalan ng trabaho, nagugutom at walang makain kaya’t
sila ay namamalimos.
C. Napanatili ang presyo ng mga bilihin kaya’t sinamantala ito ng mga
maninininda upang makapagnegosyo.
D. Nangutang ang gobyerno ng Pilipinas ng malaking halaga upang ibigay
sa mga nangangailangang Pilipino.

II. Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng angkop na pagpili at paggamit


ng mga pahayag sapagbibigay ng patunay.

pinatutunayan ipinahihiwatig ipinakikita kapani-paniwala

taglay ang matibay na konklusyon mga dokumentaryong ebidensya

pinatutunayan ng mga detalye

9. Kitang-kita sa __________ nakuhang video na totoong nagmula sa bansang China


ang Corona Virus.

10. Ayon sa mga nakalap na impormasyon, __________ ang COVID-19 ay isang


pandemyang suliranin ng maraming bansa sa buong mundo.

11. __________ hinatulan ng hukom si Senator Koko Pimentel dahil sa paglabag sa


protocol kaugnay ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa
bansa.

12. Nagbigay ng isang buwang palugit ang mga bangko, paupahan at ilang ahensya
ng gobyerno sa mga taong may utang dito __________ bilang pagtupad sa
Bayanihan Heal As One Act na inilunsad ng gobyerno.

13. __________ ng sakit na ito na maraming tao ang apektado ang kalusugan lalo
na ang mga senior citizens.

14. Nagbigay ng malaking halaga ang China para sa mga biktima dulot ng
pandemyang COVID-19. __________ dito na handa silang tumulong anumang lahi o
identidad.

15. Ang paglulunsad ng mga site tulad ng facebookOfficialDOHgov,


DOHhealthypilipinas, twitter @DOHgovph, paglalabas ng pondo mula sa DOLE,
pamimigay ng pinasyal na suporta sa mga miyembro ng 4Ps, pamamahagi ng SAP
at iba pa ay __________ nabanggit na ilan lamang sa ginagawang hakbang ng
gobyerno laban sa COVID–19.

13
Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 7 Filipino
Topic: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Mark Lester M. Chico
Objective: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 7
Filipino ay inaasahang makapagtukoy ng di bababa sa limang uri ng
pahayag na ginagamit upang magbigay ng patunay.

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 HOST: Magandang araw sa mga ginigiliw naming mag-aaral ng ikapitong baitang!

4 Ito ang inyong paaralang panghimpapawid sa Filipino! Nagagagalak kami

5 na makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako ang

6 inyong lingkod, ____________ mula sa ______________.

7 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

8 HOST: Siguruhin ninyong kayo ngayo’y nasa isang komportableng lugar at

9 maayos na nakakapakinig ng ating broadcast. Matanong ko lang… kumain

10 na ba kayo? (PAUSE) Mabuti kung may laman ang inyong mga tiyan upang

11 maging alerto ang inyong pag-iisip at maayos na maunawaan ang ating

12 aralin ngayong araw.

13 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

14 HOST: Sa puntong ito, nais kong kunin ninyo ang inyong handout para sa leksyon

15 ukol sa Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay. Inuulit ko, ang

16 leksyon natin ngayo’y tungkol sa Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga

17 Patunay. Sige, kunin n’yo na ang inyong handout!

18 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

-MORE-
Mga Pahayag … 222

1 HOST: Bago natin simulan ang bago nating leksyon, halina’t alalahanin ang inaral

2 natin noong nakaraan. (REVIEW OF PREVIOUS LESSON)

3 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

4 HOST: Sana’y naalala pa ninyong lahat ang mga iyon ha? Ngayon naman, ating

5 alamin ang mga sagot sa nakaraan nating pagsusulit. Natatandaan pa ba

6 ninyo ang inyong mga isinagot? (PAUSE) Kung mayroon kayong kopya ng

7 inyong mga sagot, kunin nyo ito at tingnan natin kung ilan ang inyong

8 puntos! Sige, kunin n’yo na!

9 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

10 HOST: Para sa unang taanong… (REVEAL ANSWERS TO PREVIOUS QUIZ)

11 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

12 HOST: Ilan ang inyong tamang sagot? (PAUSE) Umaasa kaming nasagutan n’yo

13 nang mahusay ang ating huling pagsusulit. Mamaya, may maikling

14 pagsusulit ulit tayo. Huwag kayong mag-alala! Tiyak na masasagutan n’yo

15 iyong mabuti basta’t makikinig kayo sa ating leksyon. (PAUSE) O siya,

16 alamin na natin kung sino-sino ang nakakuha ng pinakamatataas na iskor!

17 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

18 HOST: Narito na ang mga topnotchers sa ating maikling pagsusulit ukol sa

19 _______________. (ANNOUNCEMENT). Binabati ko kayong lahat! Sa mga

20 hindi naman napasama ngayon, may tsansa pa kayo sa susunod! Kapit lang!

-MORE-
Mga Pahayag … 333

1 BIZ: MSC OUT

2 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

3 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

4 HOST: Ngayon ay handa na tayo para sa panibagong aralin! Game na ba kayo?

5 (PAUSE) Kung kailangan ninyong mag-banyo, gawin n’yo na iyan ngayon

6 dahil sa ilang saglit lang ay ihahatid na sa atin ng ating guro ang bago

7 nating leksyon!

8 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

9 HOST: Gaya ng nabanggit ko kanina, ang ating leksyon ngayong araw ay tungkol

10 sa Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay. Kunin n’yo na ang inyong

11 handout para rito upang masundan n’yo ang ating radio teacher na si

12 __________________. (PAUSE) Kung handa na kayo, narito na si Teacher

13 __________________ mula sa _____________________. Sa lahat ng nasa

14 ikapitong baitang, ito na po ang ating aralin bilang ______.

15 BIZ: MSC SEGUE TO

16 BIZ: LESSON ID

17 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
Mga Pahayag … 444

1 RADIO TEACHER: Magandang araw mga bata mula sa ikapitong baitang! Ako

2 ang inyong guro, ___________________. Kung noong nakaraan ay tinalakay

3 natin ang ___________, ngayon nama’y pag-uusapan natin ang

4 ____________. Inaasahan natin na pagkatapos ng leksyong ito ay kaya n’yo

5 nang magamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

6 Handa na ba kayo?

7 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

8 RADIO TEACHER: Kunin na ang inyong notebook at ballpen at magsisimula na

9 tayo.

10 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

11 RADIO TEACHER: Ang ating tatalakayin ay Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga

12 Patunay. Alam n’yo, upang mapatunayan ang katotohanan sa mga pahayag,

13 kailangang suportado ito ng ebidensiya at datos. Uulitin ko. Ang mga

14 pahayag ay nagtataglay ng katotohan kung ito’y may sapat na ebidensiya at

15 datos. Kumbaga, may iba pang pahayag na ginagamit upang patunayan ang

16 katotohan sa isang pahayag. Ipaliliwanag ko pa iyan nang mas maigi.

17 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
Mga Pahayag … 555

1 RADIO TEACHER: May mga pahayag o salaysay na ginagamit sa pagpapatunay

2 ng katotohanan ng isang bagay. Isipin n’yo. Kapag sinabi kong mabigat ang

3 bitbit kong mga libro, kailangan ko itong suportahan ng karagdagang

4 pahayag. Sa tingin ninyo, anong pahayag kaya ito? (PAUSE) Tama!

5 Puwedeng sabihin ko kung ilang libro ang dala ko. Sa ganitong paraan, mas

6 naliliwanagan ang taong nakaririnig ng pahayag kung gaano kabigat ang

7 dala kong libro.

8 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

9 RADIO TEACHER: Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo’y

10 makapagpatunay. Ang mga pahayag ding ito’y makatutulong upang

11 maging katanggap-tanggap ang ating paliwanag. O kaya naman, maging

12 kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na

13 ito’y dinurugtungan na rin ng datos o ebidensya na lalo pang

14 makapagpapatunay sa katotohanan ng inilalahad. Gaya sa aking halimbawa

15 kanina. Kung ibibigay ko ang bilang ng librong dala ko, mas mauunawaan

16 ninyo ang pakiramdam ko habang buhat ang mga ito. Kapag sinabi kong

17 mabigat ang dala kong mga libro, mas mararamdaman ninyo ang bigat

18 kapag sinabi kong may dala akong sampung libro. Lalo pang magiging

19 malinaw sa inyo ang bigat ng dala ko kung sasabihin kong may dala akong

20 sampung libro na tig-iisang dangkal ang kapal! (PAUSE) Nauunawan n’yo

21 ba?

22 BIZ: MSC UP AND UNDER

-MORE-
Mga Pahayag … 666

1 RADIO TEACHER: May mga uri ng pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng

2 patunay. Iisa-isahin natin ang mga ito. Una, dokumentaryong ebidensiya.

3 (PAUSE) Pangalawa, kapani-paniwala. (PAUSE) Pangatlo, taglay ang

4 matibay na kongklusyon. (PAUSE) Pang-apat, nagpapahiwatig. (PAUSE)

5 Panglima, nagpapakita. (PAUSE) Pang-anim, nagpapatunay o iyong

6 katunayan. (PAUSE) At pampito, pinatutunayan ng mga detalye.

7 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

8 RADIO TEACHER: Sige nga, sabayan ninyo ako at ulitin natin ang pitong mga uri

9 ng pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng patunay. Una, dokumentaryong

10 ebidensiya. (PAUSE) Pangalawa, kapani-paniwala. (PAUSE) Pangatlo,

11 taglay ang matibay na kongklusyon. (PAUSE) Pang-apat, nagpapahiwatig.

12 (PAUSE) Panglima, nagpapakita. (PAUSE) Pang-anim, nagpapatunay o

13 iyong katunayan. (PAUSE) At pampito, pinatutunayan ng mga detalye.

14 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

15 RADIO TEACHER: Tingnan n’yo sa inyong handout ang listahan ng mga ito.

16 Sundan n’yo ako habang tinatalakay natin ang bawat isa.

17 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

18 RADIO TEACHER: Ang una ay dokumentaryong ebidensiya. Sa isang pahayag sa

19 midya, mahalaga ang mga dokumentaryong ebidensiya. Ang mga ito ‘y

20 mga ebidensyang magpapatunay na maaaring nakasulat, o kaya’y iyong

21 aktuwal na makikita gaya ng larawan o video. (LESSON CONTINUES ON

22 EXPLAINING EACH OF THE 7 TYPES)

-MORE-
Mga Pahayag … 777

1 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

2 RADIO TEACHER: Muli, ang pitong mga uri ng pahayag na ginagamit sa

3 pagbibigay ng patunay ay ang mga sumusunod: Una, dokumentaryong

4 ebidensiya. (PAUSE) Pangalawa, kapani-paniwala. (PAUSE) Pangatlo,

5 taglay ang matibay na kongklusyon. (PAUSE) Pang-apat, nagpapahiwatig.

6 (PAUSE) Panglima, nagpapakita. (PAUSE) Pang-anim, nagpapatunay o

7 iyong katunayan. (PAUSE) At pampito, pinatutunayan ng mga detalye.

8 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

9 RADIO TEACHER: Sana’y naunawan na ninyo ang mga pahayag o salaysay na

10 ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay o pahayag.

11 Hanggang sa susunod nating leksyon, ako ang inyong guro sa himpapawid,

12 ______________ mula sa ________________, para sa Paaralang

13 Panghimpapawid sa Grade 7 Filipino. Kung may hindi kayo nauunawaan,

14 tutulungan kayo ng ating host na si ____________ para sa recap ng ating

15 napag-usapan. Galingan din n’yo sa ating maikling pagsusulit mamaya ha?

16 Salamat!

17 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS, CROSSFADE WITH THEME MSC THEN UNDER

18 HOST: Narinig n’yo si ______________ na guro ng Filipino mula sa _____________.

19 Talagang napakahusay n’ya, tama? (PAUSE) Natutunan natin sa kanya ang

20 tungkol sa mga pahayag o salaysay na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan

21 ng isa pang bagay o pahayag. (PAUSE) Enjoy, hindi ba? Recap tayo maya-maya

22 pagkatapos ng isang paalala.

-MORE-
Mga Pahayag … 888

1 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 HOST: Nagbabalik tayo sa ating Paaralang Panghimpapawid sa Grade 7 Filipino.

4 Kanina ay tinalakay natin kasama si ____________ and aralin ukol sa

5 pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay.

6 Balikan n’yo ang inyong mga notes at tingnan ang inyong mga natutunan.

7 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

8 HOST: Ibinahagi sa atin ni ____________ na may pitong… (PROVIDES A RECAP

9 OF THE RADIO TEACHER’S DISCUSSION).

10 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

11 HOST: O hindi ba? Kayang-kaya na natin ngayong gamitin ang mga ganitong

12 pahayag sa pagsulat ng sarili nating teksto gaya ng balita, video, at iba pa.

13 Magagamit na rin natin ito upang sipatin ang mga nababasa, naririnig, at

14 napapanood natin sa iba’t ibang uri ng midya. Sa madaling salita,

15 matutulungan tayo nitong alamin kung may kaakibat bang pagpapatunay

16 ang mga pahayag na nakukuha natin sa araw-araw.

17 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

18 HOST: Ngayong tapos na ang ating leksyon, oras na para tasahin o sukatin ang

19 ating kaalaman ukol sa aralin sa mga pahayag na nagpapahiwatig ng

20 katotohanan. (PAUSE)

21 BIZ: MSC OUT

22

-MORE-
Mga Pahayag … 999

1 BIZ: QUIZ MSC THEME UP FOR 6 SECONDS AND THEN UNDER

2 HOST: Kunin n’yo na mula sa inyong kits ang quiz form. Punan n’yo ang mga

3 puwang na kinakailangan. Isulat ang inyong pangalan, seksyon, at petsa

4 ngayong araw. Ang petsa ngayon ay __________. Huwag ding kalimutang

5 isulat ang bilang ng aralin kung para saan ang maigsing pagsusulit na ito.

6 Aralin bilang ________ ang inyong isulat. (PAUSE) ‘Yan, tama ‘yan!

7 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

8 HOST: Handa na kayo? Itabi na muna ang inyong mga notes at makinig mabuti.

9 May limang tanong lamang tayong sasagutan. Isulat ang titik ng tamang

10 sagot. Hinga nang malalim. Kayang-kaya n’yo ito! Game na?

11 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

12 HOST: Para sa unang tanong, magbibigay ako ng isang pahayag. Tutukuyin n’yo

13 ang salitang ginamit sa pangungusap na siyang nagpahayag ng isang

14 patunay. Uulitin ko. May isa akong pahayag na babasahin. Kailangan

15 n’yong tukuyin ang salitang ginamit upang magbigay patunay. (PAUSE)

16 Narito ang pangungusap. (PAUSE, THEN SPEAK SLOWLY) Nararamdaman

17 natin ang mabagsik na epekto ng Global Warming kasabay ang COVID-19.

18 Ipinahihiwatig nito ang pabago-bago ng panahon na nagpalala sa virus. Muli,

19 narito ang pangungusap. Pakinggan n’yong mabuti. Nararamdaman natin ang

20 mabagsik na epekto ng Global Warming kasabay ang COVID-19. Ipinahihiwatig

21 nito ang pabago-bago ng panahon na nagpalala sa virus.

-MORE-
Mga Pahayag … 101010

1 BIZ: STINGER IN

2 HOST: Ang tanong, anong salita ang ginamit sa pangungusap upang ipahayag ang

3 isang patunay? (PAUSE) Mula sa pangungusap, anong salita ang ginamit

4 upang ipahayag ang isang patunay? (PAUSE) A. nararamdaman (PAUSE)

5 B. mabagsik (PAUSE) C. ipinahihiwatig (PAUSE) o D. pabago-bago. Anong

6 salita ang ginamit sa pangungusap upang ipahayag ang isang patunay?

7 (PAUSE) A. nararamdaman (PAUSE) B. mabagsik (PAUSE) C.

8 ipinahihiwatig (PAUSE) o D. pabago-bago. Isulat n’yo ang titik ng inyong

9 sagot.

10 BIZ: MSC UP FOR 10 SECONDS THEN UNDER

11 HOST: Ikalawang tanong… (HOSTS CONTINUES QUIZ UNTIL 5TH ITEM)

12 BIZ: MSC OUT

13 HOST: D’yan nagtatapos ang ating maigsing pagsusulit. Nasagutan n’yo ba lahat

14 ang tanong? (PAUSE) Siguruhing napunan n’yo ang mga puwang na

15 kailangang sagutan ha? Kung may tanong kayo o nais linawin, isulat n’yo

16 na rin ang mga ito. Isama n’yo na rin ang inyong mga pagbati o kaya ay

17 mga request. Puwede rin ang mga request ng kantang nais n’yong marinig

18 sa ating paaralang panghimpapawid. Pagkatapos ay dalhin n’yo ito sa

19 (HOST PROVIDES INSTRUCTION ABOUT SUBMISSION OF QUIZ

20 FORMS).

21 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

22 BIZ: PLAY SONG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

-MORE-
Mga Pahayag … 111111

1 HOST: Narinig natin ang awiting _______ ni __________. Request ‘yan ni

2 __________ mula sa seksyon ___________. Kung may request song din kayo,

3 isulat lang sa ating feedback form. Uulitin ko, huwag n’yong kalimutang

4 ipasa ang inyong quiz at feedback forms sa __________.

5 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

6 HOST: Ngayon naman, babasahin ko ang inyong mga tanong at pagbati. (HOSTS

7 READS AND PROVIDES ANSWER TO QUESTIONS; READS GREETINGS

8 AND FEEDBACK; PROVIDES REACTIONS)

9 BIZ: MSC OUT

10 HOST: Isang leksyon na naman ang ating natapos. Upang mas maunawaan n’yo

11 pa ang ating aralin ukol sa mga pahayag na nagbibigay patunay, basahin

12 n’yo ang pahina bilang _______ ng inyong mga modules. Nakalakip din

13 d’yan ang isang sanayang gawain sa pahina bilang ________. Maaari n’yo

14 itong sagutan at gawin upang mas mahasa ang inyong galing sa _________.

15 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

16 HOST: Hihintayin din ng inyong mga guro ang inyong text message ukol sa

17 ___________. Ipadala n’yo ito sa numerong nakalagay sa inyong kits. (HOST

18 CAN ALSO READ THIS IF PROVIDED) Kung kaya, puwede ring

19 magpadala ng e-mail o kaya ay mensahe sa Facebook. (HOST PROVIDES

20 DETAILS).

21 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

-MORE-
Mga Pahayag … 121212

1 HOST: Ang susunod nating aralin ay ukol sa ___________. Siguruhing tumutok sa

2 ating paaralang panghimpapawid tuwing ________________. Hanggang sa

3 muli, ako si _____________. Laging tandaan, mag-aral nang mabuti. Ito ang

4 susi natin tungo sa isang masaganang bukas. Paaalam!

5 BIZ: MSC UP THEN OUT

-END-

You might also like