You are on page 1of 10

Napakahalaga ng isang wika. Ito’y nag uugnay ng sambayanan.

May sariling kasaysayan


an gating wikang pambansa, yulad din ng ibang wika. Ang kahalagahan ng wika ang nagging
patnubay sa pagtalunton sa masalimuot na landas tungo sa pagkakaroon ng wikang pambansa.
Nadama ng nasiring Pangulong Manuel L. Quezon kung gaano kahirap ang di-
pagkakaroon ng isang wikang pambansa noong siya’y pangulo na. Siya ang pangulo at kinatwan
ng bansang Pilipinas kapag naglalakbay sya sa mga lalawigan at nagsasalita sa mga Pilipino ay
kailangan niya ang isang interpreter. Nakakausap niya ang mga tao sa mga lalawigan katagalugan
ngunit kung nagpupunta siya sa Ilocos Sur, siya’y nagiging isa nang banyaga sa sariling bansa.
Napagluho ng Pangulong Quezon na dumating na ang panahon upang tayo’y magkaroon
ng isang pambansang wika. Tayo’y hindi magiging isang bayan hangga’t hindi tayo nagkakaroon
niyon, ayon sa kanya. Ang pangangailangang ito ang nagbunsod sa kanya upang sikaping tayo’y
magkaroon ng isang Wikang Pambansa na gagamitin ng lahat. Gumawa siya ng hakbangupang
maisakatuparan ang itinadhana ng ating Saligang Batas.
Paano ipinaliwanag ng mga delegado sa Komisyong Konstitusyonalng 1986 ang wikang
Filipino nang kanilang talakayin at pagtibayin ang tadhanang pangwika ng kasalukuyang
Konstitusyon.
Nakalahad sa Katitikan ng Pulong ng Komisyong Konstitusyonal (CONCOM) noong Setyembre
10, 1986 ang mga pahayag at paliwanag ng iba’t ibang delegado sa Komisyonng Konstitusyonal
na kabilang ang sumusunod:
a. Komisyonere Wilfrido Villacorta: “Ito po ang umiiral na wikang pambansa, at ang
nukleo nito ay Pilipino. . . sapagat ito ay isa nangmalaganap na umiiral na wika, na
Pilipino na P. Sinasabi rin natin na mayroong isang wikang umiiral na pinalawak at
pinaunlad na tinatawag na Filipino at ang pormalisasyon nito ay kailangang isagawa sa
sistemang pang-edukasyon at iba pa, subalit hindi nangangahulugan na dahil pa ito
formalisado ay hindi ito umiiral. Ito ay isang lingua franca.”
b. Komisyoner Ponciano Bennagen: “kailangan nating magkaroon ng isang medium ng
komunikasyong magbibigkis sa atin at iyon ay ang Filipino, na binigyang kahulugan
ng isang pangkat ng mga pantas sa wika at mga organisasyong pangwika bilang isang
lumalawak na version ng Pilipino.”
c. Komisyoner Francisco Rodrigo: “Itong Filiupino isang bagong kinatha o kakathaing
lenggwahe. Ito ay batay sa Pilipino. Palalawakin lamang ang saklaw ng Pilipino. Kaya
nga’t ang Pilipino ay batay sa Tagalog at ang Filipino ay batay sa Pilipino.”
Bago ito tinawag na Filipino, anu-ano ang mga katawagan p pariralang ginamit sa pagtukoy
sa wikang pambansa?
Ang unang pariralang ginamit sa pagtukoy sa wikang pambansa ay “pambansang
wika ng Pilipinasna batay sa Tagalog” sa bias ng Kautusan Tagapagpaganap Blg. 134 na
nilagdaan ng Pangulong Manuel L. Quezon noong Disyembre 30, 1937, alinsunod sa
rekomendasyon ng unang Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa batay batay sa mga
resulta ng mga pag-aaral ng Batas Komonwelt Blg. 184, s. 1936. Pagkaraan ng20 taon ng
paggamit at pagtuturo ng wikang pambansa, nilagdaan ni Kalihim Jose E. Romerong
Edukasyon at Kultura ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959
nag nag-aatas sa paggamit ng katawagang “Pilipino” sa pagtukoy sa wikang pambansa
upang maikintal sa wikang pambansa ang di mapapawing katangian ng ating pagkabansa.
“At ang Konstitusyon ng 1973 ay nagtatadhana na dapat magsagawa ng mga hakbang ang
Batasang Pambansa tungo nsa paglinang at formal na pagpapatibay ng isang panlahat na
wikang pambansa na tatawaging ‘Filipino’. . . At hangga’t walang ibang itinadhana ang
batas, Ingles at Filipino ang Magiging mga wikang ofisyal.”

Paano nag simula ang paglinang ng wikang Pambansa?


Nagsimula ang pormal na mga hakbang sa paglinang ng wikang Pambansa sa bias
ng Konstitusyon ng 1935 Artikulo XIV, Seksyon 3 na nagtatadhana na “Dapat magsagawa
ng mga hakbang ang Pambansang Asemblea tungo sa paglinang at pagpapatibay ng isang
wikang Pambansa na mababatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. “Kaugnay nito,
nanawagan ang Pangulong Manuel L. Quezon sa Pambansang Asemblea na magtatag ng
isang ahensya na magsasagawa ng mga hakbang para sa paglinang ng wikang Pambansa.
Bilang tugon sa nasabing panawagan, pinagtibay ng Pambasang assembles ang batas
Komonwelt Blg. 184 noong Nobyembre 13, 1936 na nagtatatag sa Surian ng Wikang
Pambansa na ang isa sa mga pangunahing tungkulin ay “pumili ng isang katutubong wika
na gagamiting batayan sa paglinang at pagpapatibay ng wikang Pambansa ng Pilipinas,
na pangunahing isasaalang-alang ng wika na higit na maunlad sa kayarian nito,
mekanismo, at panitikan at tiantanggap at gingamit ng higit na nakararaming Pilipino”.
Para sa layuning ito, hinirang ng Pangulong Quezon noong Enero 12, 1937 ang mga
sumusunod upang bumuo sa unang Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa: Jaime C. de
Veyra, Tagapangulo (Samar-Leyte), Cecilio Lopez, Kalihim at Pinunong Tagapagpaganap
(Tagalog); Felix B. Salas Rodriguez, Kagawad (HIligaynion); Santiago A. Fonacier,
Kagawad (Ilokano); Casiniro F. Perfecto, Kagawad (Bicol); Filemon Sotto, Kagawad
(Cebuano); at Hadji Butu, Kagawad (Tausug). Si Butu ay kumakatawan din sa mga wika
ng mga minoryang Pilipino.
Anu-ano ang mga bagay na binanggit ng mga prayle at banyagang iskolar tungkol sa wikang
Tagalog?
Isang prayle ang sumulat ng Barirala noong panahon ng Kastila na noon pa’y
nagkakaunawaan na ang mga taga-Pilipinas sa pamamgitan ng tagalog.
Sa pananaliksik naman ni Profesor Apolinaryo Parale, madali raw matutong
magsalita at makaunawa ng Tagalog:
Mula sa sinabi ng mga misyonaryong Kastila noong 1618, “Ang Tagalog ay
sinasalita at nauunawaan din iyon ng ibang naninirahan sa ibang isla.”
Mula naman sa sinabi ni Prayle Domingo Navarette, “Natutuhan kong magsalita
ng tagalog nang walang gaanong hirap…”
Mayroon naming mga banyagang iskolar na ngabigay ng kanilang paningin sa
Tagalog. Napatunayan nilang ang Tagalog ang siyang pinakamalawak na dayalek sa
Pilipinas. Nakita ng mga nagsusuri noon ang kahirapan ng pagsasagawa ng isang lubos na
bagong wika, sapagkat ang paglago ng wika ayon na rin sa kanila’y nangangailangan ng
panahon.
Mahusay nag awing simula ang Tagalog dahil sa ito’y mayaman kaysa sa ibang
dayalek at mas flexible. Nasabi ni David J. Doherty na ang Tagalog ay may kapasidad na
“maging behikulo ng pagpapatuloy ng kulturang katutubo.”
Nabanggit naman ni Frank Blake na ang wikang Tagalog ang siyang “wikang
nababagay sa yaman at flexibility para sa pag-unlad ng panitikan.
Si Henry Barlett, nagging pangulo ng Pamantasan ng Pilipinas, ang nagsasabing,
“ang heograpiya ay may malaking ginagampanan tungo sa pagpapatibay ng Tagalog,
pagkat iyon ang ginagampanan tungo sa pagpapatibay ng Tagalog, sapagkat iyon ang wika
ng Maynila, na siyang sentro ng edukasyon, kalakal at politika.
Ang iba naming mananaliksik ay nagsabing ang tagalog ang may mas malawak na
base. Malakas ang potensyal para sa paglalapi, o pag-aasimila ng mga salitang banyaga sa
Tagalog. Samakatuwid, madali itong makipag-ugnayan o makibagay sa ibang wika.
Paano nagsimula ang pagtuturo ng wikang Pambansa sa mga paaralan?
Sa bias ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940) na inilagda ng
Pangulong Manuel L. Quezon, na nagpahintulot din sap ag-iimprenta ng Diksyunaryo at
ng Balarila ng Wikang Pambansa, ang wikang Pambansa ay itinuro sa mga paaralang
publiko at pribado simula noong Hunyo 19, 1940. Bilang pagsunod sa nasabing kautusan,
iniatas ng Kalihim ng tuntunin at regulasyon. Sa pamamagtan ng Kautusang Pangatwiran
Blg. 1, s. 1940 ng Kalihim Jorge Bocobo, ang wikang Pambansa ay tinuturo sa mga
paaralang sekundarya at normal.
Paano nagging wikang ofisyal ang Wikang Pambansa?
Sa bias ng batas Komonwelt Blg. 570 (Hunyo 7, 1940) ang wikang Pambansa ay
ipinahayag bilang wikang ofisyal simula Hulyo 4, 1946. Ang atas na iyon ay inulit sa
Konstitusyon ng 1973 na nagsasaad na “Hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, ang
Ingles at Filipino ang magiging ofisyal na mga wika. “ at ang kasalukuyang Konstitusyon
ay nagtatadhana na “Para sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga ofisyal
na wika ng Pilipinas ay filipino at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, ingles.”
Ano ang desisyon ng hukuman sa kaso tungkol sa wikang Pambansa noong 1963 laban sa
mga ofisyal ng pamahalaan na gumagamit at nagpapalaganap ng Filipino?
Pinawalang-saysay ng Hukumang Unang Dulugan ng Maynila ang kaso na sinang-
ayunan ng Hukuman ng mga Paghahabol at ng Kataas-taasang Hukuman. Ang desisyon ay
nagsasaad, bukod sa iba pa, na:
Hidi mapagkakaila nasa kasalukuyan ay mayroon tayong wikang Pambansa na
nilinang at patuloy na nililinang na Tagalog ang batayan na ngayon ay tinatawag na
Pilipino. . . Mahirap magtayo, madaling magwasak. Ang likha ng isang henerasyon na
pinaggugulan ng milyun-milyong piso ay hindi maipagwawalang-bahala o mawawasak sa
isang kumpas lamang ng panulat.
Umuunlad ang wika sa pamamagitan ng pagtanggap at paggamit ng bayan.
Patuloy pa ang proseso ng pagpapadalisay at pagpapayaman at hindi ito mapipigil
sapagkat patuloy na nagbabago ang isang buhay. Hindi maikakailang paparami ang
bilang ng mga Pilipinong nakapagsasalita na ng wikang Pambansa kung ihahambing sa
bilang noong nakalipas na salinlahi nang pairalin ang Tagalog bilang batayan ng
pambansang wika.
Anu-ano ang mga legal na batayan para sa kasalukuyang pambansang awit o “Lupang
Hinirang” sa Filipino?
Noong mayo 26, 1956 inilagda ng Kalihim Gregorio Hernandez, Jr. ng Kagawaran
ng Edukasyon at Kultura ang kautusang Pangkagawaran Blg. 5 na nag-aatas ng pag-awit
ng binagong “Lupang Hinirang”. Kauganay nito, inilagda ni Direktor Benigno Aldana ng
kawanihan ng mga Paaralang Publiko ang Memorandum Blgt. 1 noong Enero 3, 1961 na
nagtatagubilin sa lahat ng mga kinauukulan na magsasagawa ng higit pang hakbang upang
mapalaganap ang pag-awit sa Pilipino ng Pambansang Awit. Noong Disyembre 19, 1963
inilagda ni Pangulong Diosdado Macapagal ang kautusang tagapagpaganap Blg. 60 na nag
aatas na “ang Pambansang awit ng Pilipinas ay dapat awitin sa mga titik lamang nito sa
wikang Pilipino sa alin mang pagkakataon, maging ditto o sa ibang bansa man.”
Ilang porsyento ng pupolasyon ng Pilipinas ang nakakunawa, nakbabasa, nakapagsasalita
at nakasusulat sa wikang Filipino?
Ayon sa sarbey ng Social Weather station at ng Ateneo de Manila university noong
Pebrero 1990, mga 90% ng mga mamamayan ang nakauunawa ng wikang Filipino, 88%
ang nakababasa nito, 83% ang nakakapagsalita at 82% ang nakasusulat. Batay sa datos ng
national Statistics Office noong 1990, mga 86% ng kabuuang sambahayan (household) ang
nakapagsasalita ng Filipino. Hango sa Mga Tanong at sagot tungkol sa wikang filipino –
KWF, 1996)
Ilan Pang Mahahalagang Batas
Tungkol sa Wika
1954 (Marso 26) Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na
nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29
hanggang Abril 4 taun-taon sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa.
Napapaloob sa panahonng saklaw ng pagdiriwang ang araw ni Balagtas (Abril 2).
1955 (Set. 23) Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nasusog sa
Proklama blg. 12 serye 1954 na sa pamamagitan nito’y inilipat ang panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taong simula sa ika-13 hanggang ika
19 ng Agosto.
1967 (Okt.24) Naglagda ang pangulong Ferdinand E. Marcos ng isang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96, na nagtatadhana ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng
pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
1968 (marso 27) Pinalabas ng kalihim Tagapagpagganap Rafael M. salas ang Memorandum
Sirkular Blg. 172 na nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.
96 bilang karagdagan ay iniaatas din na nag mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan
at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang
texto sa Ingles. Iniatas din na ang formularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno
at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
1968 (Agosto 5) Memorandum Sirkular Blg. 199 na pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael
M. Salas na nananawagan sa mga pinino at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga
seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika.
1968 (Agosto 6) Kautusang tagapagpaganap Blg. 187 na nailagdaan ng panulong Marcos na nag-
aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan na
gamitin ang wikang Pilipino hagga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa pagkaraan
nito, sa lahat ng ofisyal na komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
1969 (Agosto 7) Memorandum Sirkular Blg. 277 na pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap
Ernesto M. Maceda na bumabago sa Memorandum Sirkular Blg. 199 na nananawagan sa
mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa lahat ng pook ay masaklaw na
kilusang pangkapulungan sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa.
1970 (Agosto 17) Pinalabas ng kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum
sirkular Blg. 384 na nagtatalaga ng may kakayahang tauhan upang mamahala ng
komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan at iba pang
sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.
1971 (Marso 4) Pinalabas ng Kalihim tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandum
Sirkular Blg. 443 na hinihiling sa lahat ng tanggapang pamahalaan na magdaraos ng
palatuntunan sa alaala ng ika-183 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco (Balagtas)
Baltazar sa abril 2, 1971.
1971 (Marso 16) Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Kautusang tagapagpagganap
Blg. 304 na magpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang kanyang
kapangyarihan at tungkulin.
Ang mga kagawad ng Surian ang kakatawan sa sumusunod na mga pangunahing pangkat
linggwistiks: Bicol, Cebuano, Kapangpangan, Pangasinan, Samar-Leyte at tagalog at
Bubuuin ng sumusunod:
Direktor Panciano B.P. Pineda (Tagalog) ……………………………………..
Tagapangulo
Dr. Lino A. Arquiza (Cebuano) ……………………………………………..……….
Kagawad
Dr. Nelia Guanco Casambre (Hiligaynon) ……………………………………… Kagawad
Dr. Lorenzo G. Cesar (Samar-Leyte) ………………………………………………
Kagawad
Dr. Clodwaldo H. Leocadio (Bicol) …………………………………………….……
Kagawad
Dr. Juan L. Manuel (Pangasinan) ………………………………………………..….
Kagawad
Dr. Alejandrino Q. Perez (Pampango) …….......................................... Kagawad
Dr. Mauyag Tamano (Tausog; mga wika ng minoryang kultural) ……. Kagawad
Pangalawang Direktor Fe Aldave-Yap ………………… Kalihim at Punong
Tagpagpaganap
1971 (Hulyo 29) Memorandum Sirkular Blg. 488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Liggo ng Wikang Pambansa,
Agosto 13-19 (na ngayon ay “Buwan ng Wika”, Agosto 1-31).
1971 (Dis. 1) Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Kutusang Panlahat Blg. 17 na
ang panukalang Saligang Batas ng 1972 ay limbagin sa Pilipino at ingles sa Official Gazette
at mga pahayaganng may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebisito para sa
ratifikasyon ng Saligang-Batas noong Enero 15, 1973.
1972 (Dis.) Atas ng Pangulo Blg. 73 na pinalabas ng Pangulong Ferdinand E. Marcos na nag aatas
sa Surian ng Wikang Pambansa na ang Saligang-Batas ay isalin sa mga wikang sinasalita
ng may limampung libong (50,000) mamamayan alinsunod sa provision ng Saligang-
Batas. (Art.XV, Sec. 3 [1]).
1974 (Okt. 22) Pinalabas ng nanunungkulang Kalihim Tagapagpaganap Roberto V. reyes ang
pahintulot sa Surian ng Wikang Pambansa na pakapagdaos ng mga palingkurang
pagsasanay, seminar, gawaing kapulungan at iba pang kauring Gawain tungkol sa
bilingwalismo para sa mga pinuno’t tauhan ng lahat ng tanggapang pamahalaan, sa lahat
ng guro, propesor, pinuno’t tagapangasiwang mga paaralan.
1978 (Hulyo 21) Nilagdaan ng Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusan
Blg. 22, 1978, bilang karagdagan sa kautusang Pangkagawaran Blg. 25, na nagtatadhana
na ang Pilipino ay bahagi nan ang kurikulum na pangkolehyo. Simula sa unang semester
ng taong 1979 – 1980, ituturo ang anim nay unit ng Filipino sa kolehyo: Filipino I (3 Yunit)
Sining sa Pakikipagtalastasan (Communication Arts) at Filipino II (3 yunit) Panitikang
Filipino; Pahapyaw na ksaysayan at mga Piling Katha (Survey ang readings of Literature
in Pilipino).

TADHANANG PANGWIKA SA KONSTITUSYON NG


REPUBLIKA NG PILIPINAS, 1987
ARTIKULO XIV
Sek. 6 Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa sa salig na umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang
mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng
Kongreso dapat masagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at
puspusanng itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng ofisyal na
kumonikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7 Ukol sa lyunin ng kumonikasyon at pagtuturo, ang wikang ofisyal ng Plipinas ay Filipino,
at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, Ingles.
Ang wikang pangrehyon at pantulong na mga wikang ofisyal sa mga rehyon at
magsilbing pantulong na mga wikang panturo roon.
Dapat itaguyod nang kusa at opsyunal ang Kastila at Arabic.
Sek. 8 Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang pangrehyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9 Dapat magtatag ang kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang mga rehyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
1987 Pinalabas ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng edukasyon, Kultura at
Isports ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos ng paggamit ng Filipino bilang wikang panturo
sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng inglesn na nakatakda sa patakaran ng
edukasyon bilinggwal.
1987 Sa rekomendasyon ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (ang dating surian ng wikang
Pambansa), nilagdaan ng Kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon, Kultura at
Isports ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 na nagtatakda ng bangong alfabeto at
patnubay sa pagbaybay ng wikang Filipino.
1988 (Agosto 25) Nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang tagapagpaganap
Blg. 335 na nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensya, at
pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang
Filipino sa mga ofisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya.
1988 (Setyembre 9) Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Edukasyon , Kultura, at
Isports ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 84 na nag-aatas sa lahat ng ofisyal ng DECS
na Isakatuparan ang Kautusan Tagapagpaganap Blg. 335 na nag uutos na gamitin ang
Filipino sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.
1990 (Marso 19) Pinalabas ng Kalihim Isidro Cariňo ng Edukasyon, Kultura at Isports ang
Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang Filipino sa pagbigkas
ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin.

ANG MGA KAPANGYARIHAN, GAWAIN AT TUNGKULIN NG KWF


(Seksyon 14, Republic Act 7104)
a. Magbabalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa upang matiyak ang higit
pang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba
pang mga wika ng Pilipinas;
b. Maglagda ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang isakatuparan ang
mga patakaran, mga plano at mga programang ito;
c. Magsasagawa o makikontrata ukol sa mga pananaliksik at iba pang mga pag-aaral upang
isulong ang evolusyon, pagpapaunlad, pagpapayaman, at sa dakong huli’y
estandardisasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas.
d. Mapanukala ng mga patnubay at mga istandard para sa mga layuning linggwistiko at mga
expresyon sa lahat ng ofisyal na mga komunikasyon, publikasyon, textbook at iba pang
materyales sa pagbasa at pagtuturo;
e. Ganyakin at itaguyod sa pamamagitan ng Sistema ng mga insentibo, mga grant at award,
ang pagsulat at paglathala sa Filipino at sa iba pang mga wika ng pilipinas, ng mga
obrang orihinal, pati na mga textbook at mga materyales nareferensya sa iba-ibang
disiplina.
f. Lumikha at magpanatili sa komisyon ng isang division ng pagsasaling-wika na gaganyak
sa pamamagitan ng insentivo, magsasagawa at masiglang magtataguyod ang pagsasalin
sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas ng mahahalagang akdang historical at
tradisyong kultura ng mga grupong etnolinggwistiko, mga bata, resokusyon at iba pang
mga akdang lehislatibo, at iba pa;
g. Tawagan ang mgaalinmang departamento, byuru, opisina, ahensya o alinmang sector ng
pamahalaan o alin mang pribadong entity, institusyon o organisasyon para sa
kooperasyon at tulong sa pagpapatupad ng mga Gawain, mga tungkulin at mga
pananagutan nito, at;
h. Mangsiwa sa antas nasyunal, rehyunal at lokal, ng mga pandinig publiko, mga seminar, at
iba pang mga talakayang pang grupo upang alamin at tumulong sa paglutas ng mga
suliranin at mga isyung may kaugnayan sa pagpapalaganap at preservasyon ng Filipino at
iba pang mga wika ng Pilipinas.

GAWAIN 1
PANUTO: Gumawa ng isang Tula (Malayang Taludturan) na tumutukoy sa wika at
pagkakaisa ng mga Pilipino na may sampu (10) o higit pang taludtod.
Rubriks:

Nangangailangan
Napakagaling Magaling Katamtaman
ng pagsasanay
(10) (8) (6)
(4)

Napakalalim at Malalim at Bahagyang may Mababaw at literal


amakahulugan ang makahulugan ang lalim ang ang kabuuan ng tula.
kabuuan ng tula. kabuuan ng tula. kabuuan ng tula.
Gumamit ng Gumamit ng ilang Gumamit ng 1-2 Wala ni isang
simbolismo/pahiwatig simbolismo/pahiwatig simbolo na pagtatangkang
na nakapagpaisip sa mga na bahagyang napaisip nakalito sa mga ginawa upang
mambabasa. Piling-pili sa mga mambabasa. mambabasa. Ang makagamit ng
ang mga salita at May ilang piling salita mga salita ay di- simbolismo.
pariralang ginamit. at pariaralang ginamit. gaanong pili.
GAWAIN 2
PANUTO: Sagutan ang tanong.
1. Batay sa iyong nabasa, paano mo maipapaliwanag o maipapahayag sa mga tao na
kailangan natin ang Pambansang Wika?
2. Sumasang-ayon kaba na Tagalog ang naging basehan ng wikang Filipino at hindi ibang
dayalekto ng bansa? Pangatwiranan ang sagot.

You might also like