You are on page 1of 15

WIKA


Ano-ano ang mga
bagay na
binabanggit ng
mga prayle at
banyagang
Iskolar tungkol
sa wikang
Tagalog?

2
⬗ Professor Apolinar Prale- madali raw matutong magsalita at
makaunawa ng Tagalog
⬗ Misyonaryong Kastila, 1618- “Ang Tagalog ay sinasalita at
nauunawaan din iyon ng ibang naninirahan sa ibang isla.”
⬗ Prayle Domingo Navarette- “Natutuhan kong magsalita ng
Tagalog nang walang ganoong hirap…”
⬗ Banyagang Iskolar- Napatunayan nila na ang Tagalog ang
siyang pinakamalawak na dayalek sa Pilipinas. Nakita ng mga
nagsusuri noon ang kahirapan sa ng pagsagawa ng bagong
wika, sapagkat ang paglago ng wika ayon na rin sa kanila’y
nangangailangan ng panahon.

3
“Mahusay na
gawing simula ang
Tagalog dahil sa
ito’y mayaman
kaysa sa ibang
Dayalek at mas
flexible. “

4
⬗ David J. Doherty- ang Tagalog ay may kapasidad na “maging behikulo
ng pagpapatuloy ng kulturang katutubo.”
⬗ Frank Blake- “Wikang Tagalog ang siyang nagbibigay sa yaman at
flexibility para sa pag-unlad ng panitikan.”
⬗ Henry Barlett (Pangulo ng Pamantasan ng Pilipinas)- “Ang heograpya
ay may malaking ginagampanan tungo sa pagpapatibay ng Tagalog,
pagkat iyon ang wika ng Maynila, na siyang sentro ng edukasyon,
kalakal, at politika.
⬗ Ibang Mananaliksik- Ang tagalog ay may mas malawak na base.
Malakas and potensyal para sa paglalapi, o pag-aasimila ng mga
salitang banyaga sa Tagalog. Samakatuwid,, madali itong makapag-
ugnay o makibagay sa ibang wika.

5

Paano nagsimula
ang ang
pagtuturo ng
wikang
Pambansa sa
mga paaralan?

6
KAUTUSANG TAGAPAGANAP BLG. 263

⬗ Abril 1, 1940
⬗ Inilagda ni Pangulong Manuel L. Quezon
⬗ Pag-iimprenta ng Diksiyunaryo at ng Balarila ng Wikang
Pambansa
⬗ Hunyo 19,1940
◇ Wikang Pambansa ay itinuro sa paaralang publiko
at pribado

7
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 1 s. 1940

⬗ Kalihim Jorge Bocobo


⬗ Ang wikang pambansa ay itinuro sa mga paaralang
sekundarya at normal

8

Paano naging
wikang ofisyal
ang Wikang
Pambansa?

9
Komonwelt Blg. 570

⬗ Hulyo 7, 1940
⬗ Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang wikang
ofisyal simula Hulyo 4,1946

10
Konstitusyon ng 1973

⬗ “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang


Ingles at Filipino ang magiging ofisyal na mga wika.”
⬗ Kasalukuyang konstitusyon ay nagtatadhana na “Para
sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga
ofisyal na wika ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t
walang ibang itnatadhana ang batas, Ingles.”

11

Ano ang desisyon ng
hukuman sa kaso
tungkol sa wikang
pambansa noong 1963
laban sa mga ofsyal ng
pamahalaan na
gumagamit at
nagpapalaganap ng
Filipino?

12
Pinawalang-saysay ng
Hukumang Unang Dulugan
ng Manila ang kaso na
sinang-ayunan ng
Hukuman ng mga
Pahahabol at ng Kataas-
taasang Hukuman

13
ANG DESISYON AY NAGSASAD, BUOK SA IBA PA, NA:
⬗ Hindi maipagkakaila na sa kasalukuyan ay mayroon
tayong wikang pambansana nilinang at patuloy na
nililinang na Tagalog ang batayan na ngayon ay
tinatawag na Pilipino..
⬗ Mahirap magtayo, madaling magwasak. Ang likha ng
isang henerasyon na pinaggugulan ng milyun-
milyong piso ay hindi maipagwawalang-bahala o
mawawasak sa isang kumpas lamang ng panulat.

14
Umuunlad ang wika sa pamamagitan ng
pagtanggap at paggamit ng bayan. Patuloy pa ang
proseso ng pagpapadalisay at pagpapayaman at hindi ito
mapipigil sapagkat patuloy na nagbabago ang isang
buhay. Hindi maikakailang paparami ang bilang ng mga
Pilipinong nakapagsasalita na ng wikang pambansa kung
ihahambing sa bilang noong nakalipas na salinlahi nang
pairalin ang Tagalog bilang batayan ng pambansang
wika.

15

You might also like