You are on page 1of 19

Gampanin at

Sangkap ng
Retorika
Retorika!
01
Gampanin ng
Retorika
Gampanin ng Retorika

1. Nagpapaluwag ng Daan para sa


Komunikasyon - may mga bagay na
hindi natin masabi nang
diretsahan kaya gumagamit tayo
ng retorika.
Gampanin ng Retorika
● 2. Nagdidistrak - dahil sa pakikinig natin sa
iba, nakalilimot tayo sa ating gawain at
kinukuha nito ang ating atensyon. Pinag-iisip
tayo sa paksa. Pinagkokonsentreyt tayo sa
bagay na binabanggit. Pinahihina ang ating
latitude sa pagpili. Kinokontrol nito ang
depinisyon na ibinibigay natin para sa isang
gawain; halimbawa, "ang inyong abuloy sa
simbahan ay di kawalan sa inyong materyal na
yaman kundi ito'y kontribusyon ninyo sa
langit."
Gampanin ng Retorika

● 3. Nagpapalaki/Nagpapalawak -
para itong intelektwal
algebra. Humihingi ng
pahintulot na ikunsidera ang
bagong solusyon sa problema.
Iniexpand nito ang pananaw ng
tagapakinig-pinararami.
Gampanin ng Retorika

● 4. Nagbibigay Ngalan ito ang


mga tao, hayop, bisikleta,
bato ay dumating o
ipinanganak nang walang
"label. " Dahil sa retórika
binibigyan sila ng mga
katawagan.
Gampanin ng Retorika
● 5 Nagbibigay Kapangyarihan - dahil sa
retórica, maraming mga tahimik at
konserbatibong tao ang naging prominente dahil
sa kagalingang magsalita. Ang kapangyarihang
sosyal (social power) ay ibinigay sa kanila ng
lakas ng retórika. Ang mga matatalinong ideya,
malalim na paniniwala at idolohiya ay
pinagmumulan din ng kapangyarihan at
kalakasan. Kabilang na rito ang mga
paniniwala, konsepto at teorya ng mga
sinaunang pilosopo at paham.
Gampanin ng Retorika
● 6. Nagpapahaba ng Oras pinahahaba nito
ang oras upang ang panahon ay kumilos sa
paghilom ng mga sugat ng lipunan. Ito ang
winika ni Martin Luther King nang sinabi
niyang, "Mayroon akong panaginip.. na
minsan isang araw, dito sa Alabama, ang
mga maiitim at mapuputing batang paslit
ay maghahawak-kamay bilang magkakapatid.
Mayroon akong pangarap ngayon."
02
Mga Sangkap ng
Retorīka
Mga Sangkap ng Retorīka
● Ang kaisipang gustong ipahayag. Ito ang
pangunahing dahilan kung bakit nais nating
magpahayag. may mahalaga tayong kaisipang nais
ipahayag.
● Ang pagbuo o organisasyon. Ang pagkakaroon ng
lohika ay mabisang paglalahad. ito ay
kumakatawan sa kakayusan ng pagkakabuo.
● Ang estilo ng pagpapahayag. Ito ay nagbibigay
diin sa ikatlong bahagdang may kaugnayan sa
istilo. ang anyo o kaayusang akda o kompOsisyon
ay nakasalalay sa mga para-paraan ng
pagpapahayag. Hindi lamang Sa kawastuan ng
balarila kungdi maging sa panitikan.
Kahalagahan ng
Maretorikang
Pagpapahayag
Retorika!
Kahalagahan ng Maretorikang Pagpapahayag
Dahil bawat tao ay nag-aangkin ng likas
na kakayahang magsalita, dapat lamang na ang
angkin niyang kakayahang ito ay sadyang
mapaunlad nang mahusay na magamit at lubos na
mapakinabangan. Ito'y maisasakatuparan lamang
kung mamahalagahin ng tao ang kabatirang
panretorika kung saan ang dalawang (2)
kakayahan sa pagpapahayag (pasalita at
pasulat): Ito ay batay sa pag-aaral ni
Arrogante (2003) sa kanyang aklat na Retorika
sa Mabisang Pagpapahayag
Kahalagahan ng Maretorikang Pagpapahayag
● Ang kakayahang linggwistika na ang bawat
aspektong pangwika: ang palatunugan
(ponolohiya), ang palabuuan ng salita
(morpolohiya), at ang sintaksis
(gramatika) ay masusing pinag-aaralan, sa
gayon, ang paggamit ng wika, ang
pinakainstrumento sa pagpapahayag, ay
magiging matatas, masining, at mabisa.
Kahalagahan ng Maretorikang Pagpapahayag

● Ang kakayahang komunikatibo na


bukod sa maingat, maayos, at
magandang paggamit ng wika, ang
matalino, maguniguni, at
malikhaing pagsasabuhay nito sa
bawat sitwasyong kinalalagyan ng
tao ay napangyayaring nmatagumpay.
Kahalagahan ng Maretorikang Pagpapahayag
Higit pang mahuhusto ang pag-angkin sa mga
kakayahang ito kung maretorikang pagpapahayag sa
mahahasang mabuti ang kasanayan sa pamamagitan nang
pagsasagawa nito saan mang kinalalagyang larangang
pinagpupunyagian.

Bukod sa paghubog sa maintensidad na katangian


ng boses at magilas na pagsasalita, sa malawak na
taglay na bokabularyo, maangkop at masining na pagpili
ng mga salitang gagamitin sa pagsusulat, ang pagiging
matapat sa pagpapahayag ay mapalulutang at
makakagamayan.
Kahalagahan ng Maretorikang Pagpapahayag
Mangyari, ang sinseridad, mapasapasalita o mapasapasulat
na pagpapahayag, ang isang katangiang pang estilo na
hindi dapat ipasawalang-bahalang sinuman nang maging
makatotohanan ang pagpapahayag dahil dito namumuni ang
katapatan at dito maaaninag ang kaluluwa ng nagsasalita o
nagsusulat, gayundin, dito natataya ang kanyang pagkatao,
at dito nakasalalay ang kanyang tagumpay. Ayon nga sa
bukambibig na sabi-sabi ng mga Pilipino: Ang nagsasabi ng
tapat, nagsasama nang maluwag. Anupa't ang sinseridad
kapag inaangkupan ng mga kaalanmang panretorika tulad sa
paggamit ng mga natural na idyomang kilala sa kultura,
nmasasalaming tiyak dito ang pagkalahi ng tagapagpahayag.
Itinatagubilin
din ang ilang
paalala sa
maretorikang
pagpapahayag:
Itinatagubilin din ang ilang
paalala sa maretorikang
pagpapahayag:
● Kahalagang panrelihiyon napahihikayat ang
iyong tagapakinig na mananatili sa kanyang
paniniwala at huwag lumipat ng sasamahan.
● Kahalagahang pampanitikan -ang mga manunulat
ay may responsibilidad na palutangin ang mga
kahalagahang makakatulong sa pagpapalawak ng
karanasan.
Itinatagubilin din ang ilang
paalala sa maretorikang
pagpapahayag:
● Kahalagahang pang-ekonomiya - ang sinumang
nagnanais na umunlad ang kanyang buhay ay may
puhunang kailangan gampanan at ito ay palaguin ito.
Taglay ng maretorikang pang-akit sa mga nagnanais
na makakumbinsi.
● Kahalagahang pampulitika marami sa mga matagumpay
ngayon sa larangan ng pulitika ay likha ng
personalidad at popularidad. Ang maretorikang
pahayag ang isa sa pangunahing puhunan upang
makakumbinsi ng mga taong boboto sa isang
kandidato.

You might also like