You are on page 1of 1

PUZZLE

Ang buhay natin ay parang puzzle

May mga tao tayong nakakasalamuha ng payapa

At meron din mga taong hindi natin mapakisamahan

Sa bawat piraso ay may iba’t ibang storya

May mga pagkakataong hindi kayo magtutugma

Pero hindi yun dahilan para ibahin ang iyong sulok

Ang kagustuhan natin ay parang piraso

Minsan sakto sa inaasahan

Minsan naman ay hindi nakikisama sa ating kagustuhan

Dapat marunong tayo maging matiyaga

Matuto tayong tanggapin ang katotohanan

Dahil sa dulo natin matatanggap ang matagal nating hiniling

Ang buhay natin ay hindi kumpleto

Sa patuloy na paglalakbay marami pang makokonekta

Mga pirasong walang makakapit

Mga pagkakataong sinukuan na natin

Hindi pa kumpleto ang buhay

Dahil darating pa lang ang oras na makokompleto ang ating piraso

You might also like