You are on page 1of 1

"HUWAG MONG SAYANGIN ANG PANAHON; ANG YAMANG NAWALA'Y

MANGYAYARING MAGBABALIK; NGUNIT PANAHONG NAGDAAN


NA'Y DI NA MULI PANG MAGDADAAN."

Huwag mong sayanging ang panahon

Huwag mong tangkaing kitilin o tapusin ang buhay na mayron ka


sapagkat ang buhay natin ay hiniram lang at ipinagkaloob ng buong
maykapal.

Oo! inaamin ko, na minsay sumagi narin sa isipan ko na hindi na ako


mahalaga sa mundong ito. Ngunit iniisip ko kung paano nalang ang
pamilya ko? Ang pamilyang umaasa sa bawat galaw at nakadepende sa
aking bawat paghinga.

Hindi man nating maibabalik ang panahon, mga panahong kahit piso
lang noon may halaga na. Mga araw noon na nasayang at tila lumipas
na at mapapasabi ka nalang “KAHAPO’Y NAGDAAN AYOKO NG
BALIKAN NANG HINDI NA MARAMDAMAN ANG AKING KABIGUAN”

Ang panahon ang hinihintay natin at hindi pagkawala ng buhay ang


kinikimkim natin sa tuwing tayo’y may problema at hindi na kinakaya
pa. Sa oras na panahon at oras ay masayang, ito’y dina maaaring
maibalik sapagkat ang nagdaan ay nagdaan na na hindi na mauulit at
maaaring balikan pa.

Marami na akong panahon na sinayang at sa kalaunay pinagisihan,


kaya nga naniniwala ako sa kasabihang “TIME IS GOLD” na ibig sabihin
na ang bawat oras ng buhay ay may mahalaga, mahalaga sa punto na
gumawa kana rin ng tama. Huwag nating aksayahin ang buhay natin
dahil maaring bukas ay hindi na natin masusumpungan ang araw na
nagdaan, maaaring bumalik ang mga pagkakataon ngunit ang panaho'y
hindi man muling magbabalik.

Prepared by; Rodel Villanda

You might also like