You are on page 1of 2

Andito na naman ako

Nakatulala, nakatingin sa sarili ko


Pinagdarasal na sana’y mag-iba ang pananaw ko
Mawala ang pangambang nabuhay sa aking puso

Andito na naman ako


Sa harap ng salamin, pinupuna ang mga kapintasan ko
Tinatanong sa sarili kung ba’t ganito ako?
Ba’t ganito ang tumatakbo sa isipan ko?
Ba’t ganito ang ginagawa ko?

Ngunit sa aking isipan, biglang lumitaw


Sa tamang panahon, ako’y mamamatay
Ang sabi nila, Maikli lamang ang buhay,
Kaya’t ating mahalin mga mahal natin sa buhay

Ngayon,
Ngayon ang panahon kung kailan pinako sa krus si Hesus
Sinalba ang buhay ng lahat pati na ang mga musmos
Kaniyang binuhat ang napakabigat na krus
Kaniya ring tinanggap ang mga latigo’t pagkagapos
Na siyang patunay na mahal niya tayong lubos

Ngayon,
Aking napagtanto
Na sa araw araw nating buhay, Siya’y gumagabay
Sa bawat problema’y, Siya’y nakaalalay
Laging nariyan pag Siya’y ating kailangan
Ngunit Kaniyang ginagawa’y ating binabaliwala’t nakakalimutan
Ang ating buhay, Ay sabi nga nila’y hiniram lamang
At sa tamang panahon Kaniya itong babawiin, alam mo yan
Kaya hanggang nabubuhay, iyong pahalagahan
Dahil diba sabi nga nila, ang buhay ay maikli lamang
Hindi natin alam kung kailan ang katapusan
Kung kalian matatapos ang buhay, na akala’y magpakailanman

Tatapusin ko ang tulang ito sa pagsasabi ng totoo


Habang ginagawa ko ito’y, may pangamba sa puso ko
Pangambang baka pagmulat ng mga mata ko
Nasa kabilang buhay na ‘ko
Wag naman oh Diyos ko!

You might also like