You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay ng Zambales
Distrito ng Masinloc
PAARALANG ELEMENTARYA NG STA.RITA
Taunang Paaralan: 2018-2019
106897

PALATUNTUNANG PAGTATAPOS 2019

RAMEL D. RIVERA, LPT JEFFREY N. ELAD, LPT


Tagapagdaloy ng Palatuntunan

I. PAGBIBIGAY HUDYAT SA PAGSISIMULA NG PALATUNTUNAN

Ramel: Ang Palatuntunang Pagtatapos ng Paaralang Elementarya ng Sta. Rita ay magsisimula na.
Inaasahan na ang Pagtatapos ay magtatagal ng dalawang oras, kaya bago natin simulan ang
seremonya, ipinapakiusap ko na kung maari ay ilagay natin ang ating mga telepono o cellphone sa
silent mode at panatilihin po natin ang katahimikan at iwasang mag-ingay kapag ang pagpapakilala ng
mga magsisipagtapos ay nagsimula na.

II. PANIMULA

Jeffrey: Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat. Ang araw ng pagtatapos ay sadya nga namang
araw para magsaya sa kadahilanang ito ang hudyat para sa pagsasara ng naturang pag-aaral sa
nasabing antas. Ang pagtatapos ay patunay na nakamit niyo na ang lahat ng sakripisyo at paghihirap
sa pakikibaka sa larangan ng akademya.

Ngayong araw, isa nanamang kasaysayan ang unti-unting mabubuksan kasabay ng pagsasara
ng taunang pampaaralang 2018-2019. Mga kaibigan, malugod ko po kayong tinatanggap sa
Pagtatapos 2019 sa Paaralang Elementarya ng Sta. Rita

III. PROSESYONAL AT PAGPASOK NG MGA KULAY

Ramel: At sa puntong ito, malugod ko pong ipinapakilala ang mga hanay ng magsisipagtapos papunta
sa kanilang mga puwesto.

Mga Ginoo at Binibini, tumindig, ang pagpasok ng mga kulay

IV. PAGPASOK NG MGA MAGSISIPAGTAPOS AT MGA MAGULANG

Jeffrey: Ito na, bigyang pagpupugay ang mga magsisipagtapos kasama ng kanilang mga mahal na
magulang para sa Taunang Pampaaralan 2018-2019. Ang mga magsisipagtapos ay binubuo ng
dalawang pangkat, Ang Grade VI Venus na pinangungunahan ng kanilang gurong tagapatnubay, Sir.
Nestor E. Vengua, Dalub-guro I at ang Grade VI Mars naman na pinangununahan ng kanilang gurong
tagapayo , walang iba kundi si Bb. Rhea E. Ermita, Guro II.

V. PAGPASOK NG MGA OPISYALES NG PAARALAN, PANAUHING PANDANGAL


AT IBANG HANAY NG KAGAWARAN/OPISYALES

Ramel: Bigyan naman po natin ng pagpupugay ang pagpasok ng mga dekalibreng miyembro ng
edukasyon sa pangunguna ng namumukod tanging ina ng Distrito ng Masinloc, Kgg. Connie Atrero

2019 Graduation Ceremony Script-Tagalog Translation Pahina 1


Peñaloza, ang pinakamahusay na pinuno ng paaralang ito, Kgg. Sir. Diosdado B. Sison, at ang mga
gurong bumubuo sa kalidad ng edukasyon sa institusyong ito, sa ating masiglang panauhing
pandangal ngayong araw, sa mga opisyales ng barangay, sa mga opisyales at kinatawan ng PTA, mga
magulang, bisita at kaibigan.

VI. PAGTAWAG NG PANSIN, LUPANG HINIRANG, PANALANGIN AT MGA AWIT

Jeffrey: Ang Palatuntunang Pagtatapos ng Paaralang Elementarya ng Sta. Rita ay maayos at handang
handa na. inaanyayahan po namin ang lahat na magsitayo bilang pagbibigay pugay sa ating watawat
ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-awit ng ating Pambansang Awit at susundan nito ng Rehiyon III,
Zambales Hymn at Masinloc Hymn sa kumpas ng ating kinatawan ng Musika, Kgg. Espher M.
Batnag, Guro I.

Manatili po tayong nakatayo bilang pagbibigay pugay, pananampalataya sa ating Poong Maykapal sa
pangunguna ni Kgg. Rhea D. Dalusong, Guro I

VII. PABATID

Ramel: Sa mga hanay ng magsisipagtapos ngayong araw, kapita-pitagang mga bisita, sa mga
opisyales ng PTA, sa mga guro, mag-aaral, pamilya at mga kaibigan. Ako po si Ramel D. Rivera,
Guro II at Jeffrey N. Elad, Guro II, ang inyong mga tagapagdaloy ng palatuntunan. Unang una sa
lahat, kami po ay nagpapasalamat sa mga kawani ng Working Committee na naglaan ng sobra sobra
nilang oras sa pagpaplano para sa araw na ito at sa mga iba pang mahahalagang tao na tumulong at
magorganisa para sa napakahalagang okasyon na ito. Sa inyo po mga maams at sirs, maraming
salamat po.

VIII. PAMBUNGAD NA PANANALITA

Jeffrey: Atin pong tinatawagan ang May Mataas na Karangalan na si ____________________ para
sa kanyang pambungad na pananalita. Bigyan natin siya ng masigabong palakpakan.

IX. PAGPAPAKILALA NG MGA MAGSISIPAGTAPOS AT PAGPAPATUNAY

Ramel: At ngayon, ang pinaka hihintay na pagkakataon para sa kaganapan ngayong araw na ito ay
mabubuksan na at mabibigyan na ng pagpapatibay at pagpapatunay. Saksihan po natin ang
pagpapakilala ng mga magsisipagtapos mula sa ating tagatala, sa pagpapatunay ng ating tagatala, ang
nag-iisang Prinsipal II ng Institusyong ito, Si G. Diosdado B. Sison ,gayundin ang pagpapatibay ng
pagtatapos na isasagawa ng ating nag-iisang Tagapamasid Pampurok ng Masinloc, Kgg. Connie
Atrero Peñaloza kasabay ng kanyang mensahe para sa mga magsisipagtapos.

Maraming Salamat po Madam sa isang mensaheng punong puno ng inspirasyon.

X. PAGPAPAKILALA SA PANAUHING PANDANGAL

Jeffrey: Ang pagtatapos ngayong araw na ito ay dinaluhan ng isang espesyal na tao na sa ilang
sandali lamang ay ibibigay na ang kanyang mensahe tungkol sa ating mga magsisipagtapos at sa mga
mahal na mga magulang na rin. Para tuluyan nating malaman ang kanyang pinagmulan, tinatawatagan
po natin sa entablado ang nag-iisang Guro II ng Grade V Marcos sa katauhan ni Mdm. Lee F. Gacutan
upang ipakilala ang ating 2019 Guest of Honor and Speaker.

(Mensahe ng panauhing pandangal)

Ramel: Akin pong tinatawagan ang ating PSDS, Mdm. Connie Atrero Penaloza, ang ating Prinsipal,
G. Diosdado B. Sison at ang ibang bisita kasama na rin po ang mga gurong tagapayo ng dalawang

2019 Graduation Ceremony Script-Tagalog Translation Pahina 2


pangkat ng Grade VI na pumarito sa entablado para ibigay ang sertipiko ng pagkilala sa ating
panauhing pandangal.

Maari na rin po tayong manatili sa ating kinatatayuan sapagkat igagawad na po natin ang kanilang
mga KATUNAYAN at Mga Medalya at Mga Sertipiko

XI. AWARDING OF DIPLOMAS, CERTIFICATES AND MEDALS TO THE


GRADUATES

Jeffrey: Ang Sertipiko ng Pagtatapos ay isa sa mga nahahawakang patunay na ikaw ay nagtapos na sa
nasabing antas ng edukasyon. Ito na ang araw na ang lahat ng pinagpaguran niyo ay makukuha niyo
na.

Umpisahan natin kay ( tawagin ang pangalan ng mga bata sa listahan )

Ramel: At ngayon, ang pinakahihintay ng mga magulang at magsisipagtapos, dumako na po tayo sa


paggawad ng mga medalya at sertipiko sa mga may karangalan at mga piling magsisipagtapos.

XII. PANUNUMPA NG KATAPATAN

Jeffrey: Sa linyang ito, tinatawagan ko po si _________________________ may mataas na


karangalan upang pangunahan ang panunumpa ng katapatan.

XIII. AWIT NG PAGTATAPOS

Jeffrey: Ang musika ay ekspresyon ng ating kaluluwa, pinapadaloy nito ang ating mga emosyon at
pinaparamdam nito ang bawat gawat ng oras. Sa pamamagitan ng kanta, nagbibigay ito ng
kalakasanpara harapin ang bawat pagsubok sa buhay, ngayon ating pakinggan ang kanilang awit ng
pagtatapos na pinamagatang ________________.

XIV. PASASALAMAT SA MGA MAGULANG

Ramel: Ang kanilang inawit ay sadya nga namang maganda , ang mga himig nito ay nakakaantig sa
ating mga puso. Sa puntong ito, ang batch 2019 ay hindi mararating ang kanilang mga adhikain at
pangarap sa bukas kung wala ang mga taong mahal nila sa buhay na umaaalalay sa likod nila. Ang
mga magsisipagtapos ay gusting kunin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang kanilang mga
magulang.

XV. MENSAHE NG PASASALAMAT

Jeffrey: Ang salitang Maraming salamat ay sadya nga namang napakasarap pakinggan . Sa
pagkakataong ito, tinatawagan ko po sa entablado si ____________________________ may mataas
na karangalan para sa mensahe ng pasasalamat.

Maraming salamat sa isang napakagandang mensaheng iyong inihandog.

Mahalagang Anunsyo………………..

XVI. RESESYONAL

Ramel at Jeffrey: Ang nasabing pagtatapos ay dumating na. Bukas panibagong pagsubok at
oportunidad ang naghihintay sa inyo mga magsisipagtapos na susubukin kayo para maging isa kayong
metatag at mahusay na indibidwal.

2019 Graduation Ceremony Script-Tagalog Translation Pahina 3


Jeffrey: Kasabay ng pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, sana naman makabalik sila sa paaralang
ito na may dalang karangalan.

Ramel at Jeffrey: Muli , sa mga mahal nating panauhin ngayon, dito nagtatapos ang Palatuntunang
Pagtatapos sa Paaralang Elementarya ng Sta. Rita. Ito po si Ramel D. Rivera at Jeffrey N. Elad.
Maraming salamat po at maligayang pagtatapos. Ang resesyunal.

( Ang pagtatapos)……….

2019 Graduation Ceremony Script-Tagalog Translation Pahina 4

You might also like