Professional Documents
Culture Documents
Ano Ang Dapat Nating Taglayin Upang Maging Malikhain
Ano Ang Dapat Nating Taglayin Upang Maging Malikhain
Ano ang malikhain o makathaing pagsulat? Ano-ano ang mga kaibahan nito sa iba pang
anyo ng pagsulat tulad ng teknikal o akademikong pagsulat?”
· memoir
· awtobiyograpiya
· nobela
· maikling kuwento
· tula
· personal na sanaysay
· epiko
· kanta o awit
Kasiya-siya ang pagbasa ng mga malikhaing akda. Isa itong sining na pumupukaw sa ating
damdamin at isipan habang binibigyan tayo ng iba’t ibang anggulo upang sipatin ang ating
sarili at ang ating kapaligiran. Nagbabasa tayo ng tula at kuwento dahil may nakukuha
tayong kakaiba sa pagbabasa sa mga ito, ang kasiyahan na hindi karaniwang nakukuha
mula sa ibang uri ng sulatin.
· akademikong sanaysay
· artikulo sa diyomal
· tesis o disertasyon
· pamanahong papel
· report
· korespondensiya opisyal
· konseptong papel
· posisyong papel
· memorandum
· mungkahing saliksik
Isa rin sa mga kahingian sa isang teknikal na akda ang pagkakaroon ng mas estriktong
estruktura sa pag-aayos ng mga ideya. Kailangang mayroon itong simula, gitna, at wakas.
Prosidyural ang ganitong uri ng pagsulat. Organisado ito at may sinusundang pormula.
Hindi din maligoy ang paglalahad sa teknikal na sulatin; kailangang tukuyin agad ng awtor
ang nais niyang sabihin. Nasa antas na literal ang pagbasa sa mga ganitong akda.