You are on page 1of 15

NOT 9

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6
Karapatan at Tungkulin ng Mamimili

(design your own cover page

)

Department of
Education ● Republic of the Philippines

1
Modyul 6
Karapatan at Tungkulin ng Mamimili

Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tatalakay sa mga karapatan at tungkulin mo

bilang isang mamimili. Ang mga gawain at teksto na inihanda ay inaasahang
gagabay sa iyo upang malaman mo kung papaano maipagtanggol ang iyong
mga karapatan at magampanan ang mga kaakibat mong tungkulin bilang
isang mamimili.

Alamin

Pamantayan sa Pagkatuto: Naipagtatanggol ang mga karapatan at

nagagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili. (AP9MKE-Ih-18)

Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. natutukoy ang mga karapatan at tungkulin bilang isang mamimili;
2. nakapagbibigay ng mga paraan upang maipagtanggol ang mga
karapatan bilang mamimili; at
3. napapahalagahan ang kamalayan sa mga karapatan at tungkulin ng
mamimili.

2
Subukin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa gawaing kwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa tungkuling maipahayag ang sarili at kumilos upang

makatiyak sa makatarungang pakikitungo.
A. Mapanuring kamalayan
B. Pagkilos
C. Pagmamalasakit sa panlipunan
D. Kamalayan sa kapaligiran

2. Aling karapatan ang makatitiyak na ang kapakanan ng mamimili ay

lubusang isinasaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang
patakaran ng pamahalaan?
A. Karapatang dinggin
B. Karapatan sa kaligtasan
C. Karapatang pumili
D. Karapatan sa patalastasan

3. Ito ay tumutukoy sa tungkuling magtatag ng samahan upang magkaroon ng

lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang kapakanan ng
mga mamimili.
A. Pagkilos
B. Pagkakaisa
C. Kamalayan sa kapaligiran
D. Pagmamalasakit na panlipunan

4. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na

kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga
desisyong
pangmamimili.
A. Karapatang sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili
B. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan
C. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
D. Karapatan sa malinis na kapaligiran

3
5. May mga mapanlinlang at madayang patalastas, mga etiketa at hindi wasto
na gawain na naglipana ngayon. Aling karapatan ang maaari mong
gamitin upang ipaglaban ang iyong sarili laban sa mga gawaing ito?
A. Karapatang pumili
B. Karapatan sa kaligtasan
C. Karapatang dinggin
D. Karapatan sa patalastasan

6. Halos lahat na mga kilalang produkto ay may patalastas, sa iyong palagay,

bakit nahihikayat ang mga tao na bumili ng mga produktong ito? A. Dahil sa
maganda ang patalastas.
B. Dahil gustong gayahin ang nakita sa telebisyon.
C. Dahil ineendorso ng mga sikat na artista.
D. Dahil sa murang halaga at may kalidad.

7. Mahalagang humingi ng resibo sa bawat produktong bibilhin. Papaano ito

makatutulong sa gobyerno sa pangongolekta ng buwis?
A. Isa itong pamamaraan na makalikom ng buwis sa mga negosyante
na panustos ng pamahalaan para sa pampublikong paglilingkod. B.
Dito kumaha ang gobyerno ng salapi para sa ilegal na gawain.
C. Basihan ito sa pangongolekta ng malaking taripa.
D. Malaman ng pamahalaan ang mga mandaraya.

8. Bawat mamimili ay may karapatan na malaman ang impormasyon sa

kabuuan ng isang produkto na gustong bilhin. Sa paanong paraan mo
maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
A. Pag-aralan ang nasa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon
ng produkto.
B. Pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang biniling
produkto.
C. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto bibilhin.
D. Gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang
kapaligiran.

9. Nagkalat ang mga huwad na produkto sa pamilihan. Paano maiiwasan ang

pagbili nito?
A. Bumili ng produkto na ineendorso ng sikat na artista.
B. Maging tapapagtangkilik ng imported na produkto.
C. Kailangan maging mapanuri, matalino, at alertong mamimili.
D. Bumili sa mga kilalang department store.

10. Ibinalita sa telebisyon na bawal ang pagkain ng tahong dahil sa “red

tide”. Bilang isang responsableng mamimili ano ang dapat mong gawin?
A. Ipagkalat sa social media ang balita na bilhin ang tahong
B. Isumbong sa kinaukulang ahensya ng pamahalaan
C. Hikayatin ang mga kakilala na huwag bumili at kumain ng tahong
4
D. Ipagwalang bahala ang balita sa telebisyon

Aralin
Karapatan at Tungkulin ng
Mamimili
1

Balikan

Sa nakaraang modyul, napag-aralan mo ang mga salik na

nakakaapekto sa pagkonsumo. Ibigay ang limang salik at isulat ito sa bawat
petal ng flower web.

5
Salik na Nakakaapekto
sa Pagkonsumo

Tuklasin

Larawan-Hula!

Suriing mabuti ang mga larawan na nasa ibaba. Magtala ng karapatan

at tungkulin ng mga mamimili na ipinapakita sa bawat larawan. Isulat ang sagot
sa gawaing kwaderno

Karapatan:________________
_________________________ _________________________
_________________________
_________________________
Tungkulin:_________________
_________________________ _________________________
6
_________________________
________
http://www.publicdomainfiles.com/show_file.ph
p?id=13505553621468

Karapatan:____________________ _______________________________

EXPIRE _______________________________

_______________________________
_______________________________
Tungkulin:_____________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
https://www.flickr.com/photos/tsausawest/8508 _____________________________ 069576

Karapatan:____________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
Tungkulin:_____________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_____________________________
https://www.google.com/search?q=product%20
dangerous%20to%20environment

Suriin

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and

Industry) ay naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging
gabay sa kanilang transaksyon sa pamilihan.

WALONG KARAPATAN NG MAMIMILI

7
1. Karapatan sa Pangunahing
Pangangailangan
May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit,
masisilungan, pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at
kalinisan upang mabuhay.
https://www.piqsels.com/en/search?
q=family+eating+at+the+table

2. Karapatan sa Kaligtasan
May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka
laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa
iyong kalusugan.
https://pixabay.com/vectors/insecticide-insect-pest-killer-
37424/

3. Karapatan sa Patalastasan May karapatang mapangalagaan

laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga
etiketa at ibagawinpang. Itohindiay kailangangwasto at
malamanhindi matapatng mgana mamimili upang maiwasan ang
pagsasamantala ng iba.
https://www.pikist.com/free-photo-
sadpy

4. Karapatang Pumili
May karapatang pumili ng iba't ibang produkto at paglilingkod sa
halagang kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pribadong kompanya man,
dapat na magkaroon ka ng katiyakan sa kasiya siyang uri at halaga ng
produkto nila.

https://www.andersen.af.mil/News/Features/Article/415718/andersen-prepares-for-series-of-tropical-storms/

5. Karapatang Dinggin
May karapatang makatiyak na ang
kapakanan ng mamimili ay lubusang
isaalang-alang sa paggawa at
pagpapatupad ng anumang patakaran
ng pamahalaan.

https://www.wallpaperflare.com/listening-upset-hands-on-head-ear-hearing-woman-young-wallpaper-afput

8
6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa ano mang Kapinsalaan
May karapatang bayaran at
tumbasan sa ano mang kapinsalaan na
nagbuhat sa produkto na binili mo. May
karapatan kang mabayaran sa ano
mang kasinungalingan o mababang uri
ng paninda o paglilingkod na ibibigay o
ipinagbibili kahit na ito ay sa
pagkakamali, kapabayaan o masamang
hangarin.
https://www.flickr.com/photos/carbonnyc/5747629074

7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili.

May karapatan sa consumer
education, nagtatanong at
nagtatanggol sa iyong karapatan. Ito ay
nagtataglay ng karapatan sa
katalinuhan at kaalaman na
kinakailangan upang makagawa ng
hakbanging makatutulong sa mga
desisyong pangmamimili.

https://www.flickr.com/photos/30478819@N08/49518590646

8. Karapatan sa Isang Malinis na

Kapaligiran
May karapatan sa kalayaan,
pagkakapantay-pantay at sapat na
mga kalagayan sa buhay na
nagbibigay pahintulot sa isang
marangal at maayos na pagkatao at
ikaw ay may malaking pananagutan na
pangalagaan at pagbutihin ang iyong
kapaligiran para sa kalusugan at
kinabukasan ng ating saling lahi.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Girls_on_a_Picnic_(6760195675).jpg

Ang kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay nagpalaganap rin ng limang

pananagutan ng mga mimimili.

9
LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI

https://pxhere.com/en/photo/1583859

1.
Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging
listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga,
at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating
ginagamit.
https://www.publicdomainpictures.net/en/view-image.php?image=56311&picture=woman-with-magnifying-
glass

2.
Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang ating
sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang
pakikitungobahala, patuloy.
Kungtayongtayo'ypagsasamantalahanmananatili sa
pagwawalangng mgamandarayang mangangalakal
https://freesvg.org/office-guy-silhouette

3.
Pagmamalasakit na Panlipunan - ang
tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating
pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang
mamamayan, lalonglalo na ang pangkat ng maliliit o
walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal,
pambansa, o pandaigdig na komunidad
https://www.publicdomainpictures.net/en/view-image.php?image=184520&picture=silhouette-of-old-people

4.
Kamalayan sa Kapaligiran - ang tungkuling
mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng
hindi wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan
natin ang ating likas na kayamanan para sa ating
kinabukasan.
https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Young-plant/83924.html

5.
Pagkakaisa - ang tungkuling magtatag ng
samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating
kapakanan.
https://pixabay.com/vectors/search/teamwork/

10
Pagyamanin

Karapatan mo, Ipaglaban mo!

Ipagpalagay na ikaw ay nahaharap sa isa sa mga sitwasyong

nababanggit sa ibaba. Pumili ng isang sitwasyon at gawan ng letter of
complaint na ipararating sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, ang Food
and Drug Administration (FDA) na tumutulong upang maisulong ang kapakanan
ng mamimili hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot,
pagkain, pabango, at make-up. Isulat ang sagot sa gawaing kwaderno.
1. Lip tint na naging sanhi ng pamamaga ng iyong labi
2. Expired na de-latang pagkain na naging sanhi ng pagsakit ng tiyan
3. Body lotion na naging sanhi ng pagkasunog ng iyong balat
4. Expired na gamot na naging sanhi ng paglala ng karamdaman

May 28, 2020

Undersecretary Rolando Enrique D. Domingo, MD, DPBO

Director General
Food and Drug Administration
Muntinlupa City, Philippines

Dear Undersecretary Domingo,

_______________________________________ _______________
______________________________________________________
___________________________________________________ ___
______________________________________________________
______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

Lubos na gumagalang,

_________________ (pangalan)

11
Isaisip

Sitwasyon-Aksiyon!

Ang mga sitwasyon sa ibaba ay nagpapakita ng paglabag sa mga

karapatan at tungkulin ng isang mamimili. Basahing mabuti at magmungkahi
ng mga paraan kung paano mo maipagtanggol ang iyong sarili sa mga
sitwasyong nabanggit. Isulat ang sagot sa gawaing kwaderno.

1. Nakabili ka ng double dead na karne ng manok.

______________________________________________________________

2. Pumunta ka sa parlor para sa hair rebonding at nasunog ang iyong buhok.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Bumili ka ng isang kilong isda ngunit kulang ito sa timbang.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

12
Isagawa

Islogan – Gawa!

Gumawa ng islogan na may sampung (10) salita batay sa temang

“Karapatan at Tungkulin ng Mamimili, Susi sa Pag-unlad ng Bansa”. Isulat ito sa
gawaing kwaderno at gawing gabay ang kraytirya sa ibaba.

KRAYTIRYA PARA SA PAGGAWA NG ISLOGAN

1. Kaangkupan sa Tema …………………………………40%

• Ang islogan na ginawa ay naaayon sa temang

“Karapatan at Tungkulin ng Mamimili, Susi sa Pag-unlad
ng Bansa”
2. Orihinalidad……………………………………………..40%

• Ang islogan ay nagpapakita ng abilidad na maging iba at malikhain.

3. Kalinisan at Kaayusan ng Islogan ……………………20%
• Ang presentasyon ng islogan sa kabuuan ay malinis at
maayos.

Kabuuan ……………………………………………….100%

Buod
Natalakay sa modyul na ito ang mga karapatan at tungkulin ng mga
mamimili. Sa paganap sa mga gawain, nakamit ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:

• Natukoy ang mga karapatan ng mamimili: karapatan sa pangunahing

pangangailangan, karapatan sa kaligtasan, karapatan sa patalastasan,
karapatang pumili, karapatang dinggin, karapatang bayaran at tumbasan sa
ano mang kapinsalaan, karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong
mamimili, at karapatan sa isang malinis na kapaligiran.
• Natukoy din ang mga tungkulin ng mamimili: mapanuring kamalayan, pagkilos,
pagmamalasakit na panlipunan, kamalayan sa kapaligiran at pagkakaisa.
• Nakabagbigay ng mga paraan upang maipagtanggol ang mga karapatan bilang
mamimili.
• Napahalagahan ang kamalayan sa mga karapatan at tungkulin ng mamimili.

13
Tayahin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa gawaing kwaderno.

1. Ito ay tumutukoy sa tungkuling maipahayag ang sarili at kumilos upang

makatiyak sa makatarungang pakikitungo.
A. Mapanuring kamalayan
B. Pagkilos
C. Pagmamalasakit sa panlipunan
D. Kamalayan sa kapaligiran

2. Aling karapatan ang makatitiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang

isinasaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng
pamahalaan?
A. Karapatang dinggin
B. Karapatan sa kaligtasan
C. Karapatang pumili
D. Karapatan sa patalastasan

3. Ito ay tumutukoy sa tungkuling magtatag ng samahan upang magkaroon ng

lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang kapakanan ng
mga mamimili.
A. Pagkilos
B. Pagkakaisa
C. Kamalayan sa kapaligiran
D. Pagmamalasakit na panlipunan

4. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na

kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga
desisyong pangmamimili.
A. Karapatang sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili
B. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan
C. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
D. Karapatan sa malinis na kapaligiran

5. May mga mapanlinlang at madayang patalastas, mga etiketa at hindi wasto

na gawain na naglipana ngayon. Aling karapatan ang maaari mong gamitin
upang ipaglaban ang iyong sarili laban sa mga gawaing ito?
A. Karapatang pumili
B. Karapatan sa kaligtasan
C. Karapatang dinggin
D. Karapatan sa patalastasan

14
6. Halos lahat na mga kilalang produkto ay may patalastas, sa iyong palagay,
bakit nahihikayat ang mga tao na bumili ng mga produktong ito? A. Dahil sa
maganda ang patalastas.
B. Dahil gustong gayahin ang nakita sa telebisyon.
C. Dahil ineendorso ng mga sikat na artista.
D. Dahil sa murang halaga at may kalidad.

7. Mahalagang humingi ng resibo sa bawat produktong bibilhin. Papaano ito

makatutulong sa gobyerno sa pangongolekta ng buwis?
A. Isa itong pamamaraan na makalikom ng buwis sa mga negosyante
na panustos ng pamahalaan para sa pampublikong paglilingkod. B.
Dito kumaha ang gobyerno ng salapi para sa ilegal na gawain.
C. Basihan ito sa pangongolekta ng malaking taripa.
D. Malaman ng pamahalaan ang mga mandaraya.

8. Bawat mamimili ay may karapatan na malaman ang impormasyon sa

kabuuan ng isang produkto na gustong bilhin. Sa paanong paraan mo
maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
A. Pag-aralan ang nasa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon
ng produkto.
B. Pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang biniling
produkto.
C. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto bibilhin.
D. Gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang
kapaligiran.

9. Nagkalat ang mga huwad na produkto sa pamilihan. Paano maiiwasan ang

pagbili nito?
A. Bumili ng produkto na ineendorso ng sikat na artista.
B. Maging tapapagtangkilik ng imported na produkto.
C. Kailangan maging mapanuri, matalino, at alertong mamimili.
D. Bumili sa mga kilalang department store.

10. Ibinalita sa telebisyon na bawal ang pagkain ng tahong dahil sa “red

tide”. Bilang isang responsableng mamimili ano ang dapat mong gawin?
A. Ipagkalat sa social media ang balita na bilhin ang tahong
B. Isumbong sa kinaukulang ahensya ng pamahalaan
C. Hikayatin ang mga kakilala na huwag bumili at kumain ng tahong
D. Ipagwalang bahala ang balita sa telebisyon

15

You might also like