You are on page 1of 26

12

Filipino sa Piling Larang


(Tech-Voc)
Unang Markahan – Modyul 2:
Iba’t Ibang Anyo ng Sulating Teknikal-
Bokasyunal: Kahulugan, Kalikasan,
at Katangian
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Iba’t Ibang Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal:
Kahulugan, Kalikasan, at Katangian
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ana Melissa T. Venido, Salvacion N. Barot
Editor: Clinton T. Dayot, Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy,
Melle L. Mongcopa, Arlene L. Decipolo
Tagasuri: Ana Melissa T. Venido, Gelyn I. Inoy, Melle L. Mongcopa, Shem Don C. Fabila,
Clinton T. Dayot, Arlene L. Decipolo
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Renante A. Juanillo
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Rosela R. Abiera
Nilita L. Ragay, Ed.D Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
12

Filipino sa Piling Larang


Unang Markahan – Modyul 2:
Iba’t Ibang Anyo ng
Sulating Teknikal-
Bokasyunal:
Kahulugan, Kalikasan,
at Katangian
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Iba’t Ibang Anyo ng Sulating Teknikal-
Bokasyunal: Kahulugan, Kalikasan, at Katangian!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Iba’t Ibang Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal: Kahulugan,
Kalikasan, at Katangian!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
ALAMIN

Iba’t Ibang Anyo ng Sulating Teknikal-


Bokasyunal: Kahulugan, Kalikasan, at Katangian

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa


kahulugan, kalikasan at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-
bokasyunal (CS_FTV11/12EP-Od-f-42)

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta? Sa araw na ito ay may kawili-wiling


paksa na naman tayong tatalakayin. Tiyak kong makatutulong ito sa iyo
lalo pa’t hangad mo ang maging isang matagumpay na propesyunal sa
hinaharap. At ang daan tungo sa pagiging isang propesyunal ay may
kaakibat na mga gawain partikular na ang gawaing pagsulat gaya ng
business reports, flyers, memorandum, at iba pa.
Kaya sa modyul na ito, gagabayan ka kung paano
makapagsasagawa ng isang mahusay na anyo ng sulating teknikal-
bokasyunal upang mas mahubog ang iyong kakayahan at kasanayan, at
gawin kang mas handa sa pagharap sa mga mapaghamong mundo.
Halina’t simulan na nating lakbayin ang mundo ng teknikal-
bokasyunal na sulatin!

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:


1. Nakasusuri ang konsepto at kalikasan ng isang mga anyo ng sulating
teknikal-bokasyunal ayon sa kahulugan, kalikasan, at katangian
2. Nakasasagawa ng isang panimulang pananaliksik sa pamamagitan ng
pagsusuri kaugnay sa kahulugan, kalikasan, at katangian ng isang anyo
ng sulating teknikal-bokasyunal
3. Naisasagawa nang may kawilihan ang mga gawain kaugnay anyo ng
sulating teknikal-bokasyunal

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem sa ibaba. Piliin ang tamang
kaisipan na kukumpleto sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay naglalayong magbahagi ng


impormasyon at manghikayat sa ______________.
A. manonood C. mag-aaral
B. mambabasa D. mananaliksik

2
2. Karamihan sa mga teknikal na pagsulat ay tiyak at tumpak lalo na sa
pagbibigay ng ________________.
A. impormasyon C. detalye
B. panuto D. gabay

3. Mahalaga ring panatilihin ang pagiging payak, maiksi, at tiyak ng


pagkakabuo ng mga ilalagay sa manwal upang maiwasan ang
___________________.
A. kalituhan ng mga mambabasa
B. kaguluhan sa isip ng mga mag-aaral
C. kakulangan sa impormasyon
D. karaniwang pagkakamali

4. Katulad ng iba pang uri ng liham, ang mga sumusunod ang tinataglay na
mga bahagi ng isang liham pangnegosyo maliban sa isa.
A. bating pangwakas C. katawan ng liham
B. lagda D. dagdag sulat

5. Karaniwang nagtataglay ng mga larawan ang mga flyers upang higit na


makita ang ______________________. Makulay rin ang mga ito na
posibleng makatulong na makahikayat sa mga potensyal na gagamit o
susubok sa isang bagay na iniaalok o ipinaabot sa mas nakararami.
A. pagiging matibay ng isang produkto
B. biswal na katangian ng isang produkto
C. logo na ginagamit ng isang produkto
D. kakaibang branding ng isang produkto

II. Panuto: Baahin at unawain ang bawat kaisipan sa ibaba. Isulat ang TAMA kung
wasto ang pahayag at MALI naman kung hindi wasto.

1. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon ang isang manwal.


2. Nagsasaad ng panuntunan, kalakaran, at proseso ang isang manwal.
3. Hindi kailangan ng talaan ng nilalaman sa isang manwal.
4. Iisa lamang ang pormat na ginagamit sa pagsulat ng liham.
5. Hindi mahalaga ang paglalagay ng petsa kung susulat ng liham-pangnegosyo.

III. Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang mga pahayag.
Isulat sa iyong kuwaderno ang tamang sagot.

1. Ang flyer / leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng ________________.


2. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang _______________ ng
mga mamimili.
3. Ang _______________ ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang
nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang produkto o serbisyo.

3
4. Ang _______________ ay kalimitang mas mahabang uri ng promotional material
at may pagkakahati-hati ng mga impormasyong nakalagay rito.
5. Naglalaman ang ______________ ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon
sa larawan o ibig iparating na mensahe sa biswal na paraan.

Mahusay! Napagtagumpayan mo
ang unang hamon na inihanda para sa
iyo. Ngayon ay sisimulan na natin ang
isang makabuluhang talakayan upang
maging kawili-wili ang iyong karanasan
sa araw na ito.

TUKLASIN

GAWAIN 1

Panuto: Punan ng tamang kaisipan ang mga blangkong kahon hinggil sa mga paraan sa
paghahanap ng trabaho.

Mga paraan sa
paghahanap ng trabaho

4
SURIIN

PAGSUSURI

Mga tanong:
1. Kumusta ang iyong karanasan sa gawain 1? Ang mga nailista mo bang
mga paraan ang karaniwang ginagawa ng mga naghahanap ng
trabaho?
2. Sa tingin mo, makakahanap ka kaya ng trabaho kung susundin mo ang
mga paraan na iyong nailista?
3. Paano kaya makatutulong sa iyo ang gawaing iyong isinagawa sa
pagkatuto mo sa bagong paksang ating tatalakayin?

PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Kung ikaw ay naghahangad na maging isang matagumpay na propesyunal,


mahalagang malaman mo ang tungkol sa teknikal-bokasyonal na pagsulat. Kaya
simulan na natin ang talakayan.

Alam mo ba na…

Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay komunikasyong pasulat sa


larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng agham, inhenyera,
teknolohiya, at agham pangkalusugan. Karamihan sa mga teknikal na pagsulat ay
tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto. Ito ay payak dahil ang hangarin
nito ay makalikha ng teksto na mauunawaan at maisasagawa ng karaniwang tao.

5
Mahalaga na ang bawat hakbang ay mailarawan nang malinaw, maunawaan at
kumpleto ang ibinibigay na impormasyon. Mahalaga rin ang katumpakan, pagiging
walang kamaliang gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may angkop na
pamantayang kayarian. Ang teknikal na pagsulat ay naglalayong magbahagi ng
impormasyon at manghikayat sa mambabasa. Ito rin ay naglalahad at
nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa malinaw, obhetibo, tumpak, at di-emosyonal
na paraan. Ito rin ay gumagamit ng deskripsyong ng mekanismo, deskripsyon ng
proseso, klaripikasyon, sanhi at bunga, paghahambing at pagkakaiba, analohiya at
interpretasyon. Gumagamit din ito ng mga teknikal na bokabularyo maliban pa sa
mga talahanayan, grap, at mga bilang upang matiyak at masuportahan ang talakay
tekswal.

Dagdag pa nito, napakahalaga rin ng teknikal-bokasyonal na pagsulat sa


paraan ng pagsulat at komunikasyon para sa propesyunal na pagsulat tulad ng ulat
panlaboratoryo, mga proyekto, mga panuto, at mga dayagram. Ang teknikal na
pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya dahil dito ay nagbibigay ng
mahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto at
paglilingkod sa bawat industriya. Malaki rin ang naitutulong sa paghahanda ng mga
teknikal na dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya upang mapabatid ito nang
mas mabilis, episyente, at produktibo.

Hango mula sa: https://bit.ly/2Pd0aE8

Mga Halimbawang Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal

1. Manwal

Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t ibang impormasyon hinggil


sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga
detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura, at iba pang mga detalyeng
nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito. Komprehensibo ang nilalaman ng
isang manwal dahil naglalayon itong magpaliwanag at maglahad ng mga
impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa. Kalimitang nakaayos nang
pabalangkas ang mga nilalaman ng isang manwal na makikita sa talaan ng mga ito
at pormal ang ginagamit na wika. Maaari din namang magtaglay ng mga larawan o
di kaya’y tsart ang isang manwal upang maging higit na maliwanag ang paglalahad
ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng
pangangailangan. Dagdag pa rito, maaari ding magtaglay ng apendise o indeks
ang mga manwal.

Mahalaga ring tandaan ang mga sumusunod:


 Ang manwal ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin.
 Sa pagsulat ng manwal, mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak sa kung para

6
kanino ang manwal, kung sino-sino ang mga gagamit nito.
 Mahalaga ring panatilihin ang pagiging payak, maiksi, at tiyak ng pagkakabuo ng
mga ilalagay sa manwal upang maiwasan ang kalituhan ng mga mambabasa.
 Mahalagang bigyang-halaga ang nilalaman ng manwal, kung ano ang
pangunahing paksang tinatalakay nito.
 Kalimitang binubuo ang manwal ng pamagat nito na siyang maglilinaw kung
tungkol saan ang manwal. Mayroon din itong talaan ng nilalaman kung saan
nakalahad ang mga nilalaman ng manwal. Kadalasang nagtataglay rin ito ng
panimula upang

2. Liham-Pangnegosyo

Sa gitna ng makabagong teknolohiya ay hindi naman dapat isantabi ang


kaalaman sa pagsulat ng liham. Isa sa mga uri nito ay ang liham-pangnegosyo na
kalimitang ginagamit sa korespondensiya at pakikipagkalakalan. Katulad ng iba
pang uri ng liham, tinataglay rin nito ang mga bahagi gaya ng ulong-sulat, petsa,
patunguhan, bating pambungad, katawan ng liham, bating pangwakas, at lagda.
Nakatuon ang liham-pangnegosyo sa mga transaksiyon sa pangangalakal katulad
ng pagkambas ng halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan at liham
pag-uulat. Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham. Maaari ring
magtaglay ng kalakip ang mga nasabing halimbawa.

Mahalaga ring tandaan ang mga sumusunod:

 Ang liham o sulat ay nagtataglay ng mga impormasyon para sa patutunguhan.


Isinusulat ito ng isang indibidwal na may nais iparating sa pagpapadalhan ng
liham.
 Nag-iiba-iba ang paraan ng pagkakasulat ng liham batay sa kung ano ang layunin
nito kung kaya’t maraming iba’t ibang uri ng liham. Isa na rito ang liham-
pangnegosyo.
 Sa pagsulat ng liham-pangnegosyo, mahalagang tiyakin kung ano ang layunin
nito
 Maaari itong maging isang liham kahilingan, liham pag-uulat, liham pagkambas,
subskripsiyon, pag-aaplay, pagtatanong, atbp.
 Mahalagang bigyang-halaga ang nilalaman ng liham-pangnegosyo at ang iba’t
ibang bahagi nito.
 Kalimitang binubuo ang liham-pangnegosyo ng ulong-sulat na siyang nagtataglay
ng ahensiya o institusyong pagmumulan ng liham; petsa kung kailan isinulat ang
liham;patunguhan o kung kanino ipadadala ang liham;bating pambungad para sa
pagbibigyan ng liham; katawan ng liham na siyang naglalaman ng pinakapunto ng
liham; bating pangwakas para sa padadalhan ng liham; at lagda ng nagsulat ng
liham.
 Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng liham-pangnegosyo at maaaring

7
kakitaan ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa isang partikular na trabaho.

3. Flyers/leaflets at promo materials

Kalimitang ipinamumudmod ang mga flyers/leaflets at promo materials upang


makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang produkto o serbisyo. Bukod pa rito,
nagbibigay impormasyon din ang mga materyales na ito para sa mga mamimili o kung
sinumang makababasa ng mga ito. Kapansin- pansin din ang pagiging tiyak at direkta
ng mga impormasyong nakasulat sa mga ito. Hindi maligoy ang pagkakasulat at
impormatibo sa mga mambabasa. Ilan sa mga kadalasang nilalaman ng mga
flyers/leaflets at promo materials ay mga katanungan at kasagutan hinggil sa produkto
o ang mga batayang impormasyong may kinalaman dito.
Karaniwan ding nagtataglay ng mga larawan ang mga ito upang higit na makita
ang biswal na katangian ng isang produkto, makulay rin ang mga ito na posibleng
makatulong na makahikayat sa mga potensyal na gagamit o susubok sa isang bagay
na iniaalok o ipinaabot sa mas nakararami. Posible ring makita ang ilang mga
detalyeng may kinalaman sa pagkontak sa mga taong nasa likod ng pagbuo ng mga
nasabing materyales gayundin ang kanilang logo. May mga pagkakataon ding
pumapasok ang paglalaro sa mga salita at iba pang pakulo sa paglikha ng mga flyers
at promo materials upang higit na tumatak sa mga mamimili ang pangalan o kaya’y iba
pang impormasyon hinggil sa isang produkto o serbiyo. Makikita ito halimbawa sa
kanilang mga tag line.

8
Mga Gawain

Panuto: Tingnan ang mga halimbawang flyers. Suriin ang nilalaman na nakapaloob
sa flyers gamit ang nakalaang pormat.

Flyer 1

https://bit.ly/39Q6omT

Flyer 2

https://bit.ly/2D3PBRF

9
Flyer 1

Ugnayan ng mga
Nilalaman larawan at nilalaman Layunin ng flyer

Flyer 2

Ugnayan ng mga
Nilalaman larawan at nilalaman Layunin ng flyer

10
ISAISIP

Mahalagang tandaan na ang


teknikal-bokasyonal na pagsulat ay
isang kakayahan na dapat mong
malinang at matutuhan. Malaki ang
naitutulong nito sa paghahanda sa
iyong sarili tungo pagiging
matagumpay na indibidwal sa larangan
na iyong tatahakin. Dagdag pa nito,
napakahalaga rin ng teknikal-
bokasyonal na pagsulat sa paraan ng
pagsulat at komunikasyon para sa
propesyunal na mga pangangailangan.

ISAGAWA

PAGLALAPAT

Panuto: Panuto: Basahin ang isang halimbawang liham pangnegosyo. Tukuyin


ang kahulugan, katangian, at mga bahagi nito sa pamamagitan ng
pananaliksik at pagsusuri. Kopyahin ang inihandang pormat para sa
gagawing pagsusuri.

11
Liham Kahilingan
(Letter of Request)
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Pagsasaka
Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang Tubig

860 Quezon Avenue, Lungsod Quezon, Metro Manila 1103


Tel.No. 372-50-57 • 372-5042
FaxNo. 372-50-48 • 372-50-61

4 Mayo 2004

Kgg. ELISEA G. GOZUN


Kalihim Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
Visayas Avenue, Diliman
Lungsod Quezon

Mahal na Kalihim:

Ipagdiriwang po natin ang “FARMERS’ and FISHERFOLK’S MONTH” ngayong


Mayo 2004. Bahagi ng pagdiriwang ay para sa Kawanihan ng Pangisdaan at
Yamang Tubig (BFAR), Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Pangisdaan sa
Pilipinas (PFDA) at Proyekto sa Pangangasiwa ng Yamang Isda (FRMP) na
maging punong-abala ng “Fisheries Day Program” sa 19 Mayo 2004.

Ang aming tanggapan ay naghahanda ng ilang gawaing lalahukan ng


mahahalagang tauhan sa larangan ng industriya ng agri-aqua—ang mga
magsasaka at mangingisda. Tampok sa mga gawain bukod sa iba pa ay ang
demonstrasyon sa pagluluto ng isda, paligsahan sa paglulutong tilapia fillet,
paghuling tilapia sa tangke, karera ng hito, at paligsahan sa karera ng 150
alimango (mudcrab). Magsasagawa rin ng mga Lektyur/Seminar/Fisheries Clinique
sa aquaculture, pagdaragdag ng halaga pagkaani, at mga teknik sa pangingisda.

Kaugnay nito, hinihiling naming magamit ang isang bahagi ng lugar sa Ninoy
Aquino Parks and Wildlife, gayon din ang Gazebo Reception Hall para sa mga
binanggit sa itaas na gawain sa North Avenue, Lungsod Quezon sa 19 Mayo 19,
2004, 5:30 nu–6:00 nh.

Malaki pong karangalan sa aming pagdiriwang ang inyong pagdalo bilang isa sa
aming mga panauhing pandangal. Mataimtim kaming umaasa na ang aming
kahilingan ay bibigyan ninyo ng paborableng aksiyon. Maraming salamat sa pabor
na ito at sa mga nauna pa.

Matapat na sumasainyo
(Lgd)
MALCOLM I. SARMIENTO JR.
Direktor
12
KAHULUGAN KATANGIAN MGA BAHAGI
Ayon sa iyong Ayon sa iyong Ayon sa iyong
pagsusuri…. pagsusuri…. pagsusuri….

Ano ang liham Ano-ano ang mga Ano-ano ang mga


kahilingan? katangian ng isang bahagi ng isang liham
liham kahilingan? kahilingan?

Pamantayan sa Pagtataya

1. Kaugnayan at Kawastuan ng Sagot ----------------- 10 puntos


2. Organisasyon ng Kaisipan ----------------------------- 15 puntos
3. Kawastuhang Panggramatika ------------------------- 10 puntos

KABUUAN 35 PUNTOS

13
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

Panuto: Sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa isang
buong papel.

1. Bakit mahalagang matutuhan ang teknikal-bokasyunal na pagsulat?


2. Sa paanong paraan ito makatutulong sa iyo upang maging matagumpay
na propesyunal sa hinaharap?
3. Sa tingin mo, magiging madali ba ang mga pangangailangang
propesyunal kung gagamitin mo ang iyong kakayahan sa teknikal-
bokasyunal na pagsulat?

REFLEKSIYON

Ang husay mo! Ngayon upang subukin ang natutuhan mo sa araling ito,
dudugtungan mo lamang ang nasa kahon upang makabuo ng makabuluhang
pahayag. Tandaan na ang itatala mo ay ang mga konseptong may kaugnayan sa
modyul na ito.

Nang dahil sa araling tinalakay, nalinang ang kakayahan ko na…


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
________

14
TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem sa ibaba. Piliin ang tamang
kaisipan na kukumpleto sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Mahalaga ring panatilihin ang pagiging payak, maiksi, at tiyak ng


pagkakabuo ng mga ilalagay sa manwal upang maiwasan ang
___________________.
A. kalituhan ng mga mambabasa
B. kaguluhan sa isip ng mga mag-aaral
C. kakulangan sa impormasyon
D. karaniwang pagkakamali

2. Karaniwang nagtataglay ng mga larawan ang mga flyers upang higit na


makita ang ______________________. Makulay rin ang mga ito na
posibleng makatulong na makahikayat sa mga potensyal na gagamit o
susubok sa isang bagay na iniaalok o ipinaabot sa mas nakararami.
A. pagiging matibay ng isang produkto
B. biswal na katangian ng isang produkto
C. logo na ginagamit ng isang produkto
D. kakaibang branding ng isang produkto

3. Karamihan sa mga teknikal na pagsulat ay tiyak at tumpak lalo na sa


pagbibigay ng ________________.
A. impormasyon C. detalye
B. panuto D. gabay

4. Katulad ng iba pang uri ng liham, ang mga sumusunod ang tinataglay na
mga bahagi ng isang liham pangnegosyo maliban sa isa.
A. bating pangwakas C. katawan ng liham
B. lagda D. dagdag sulat

15
5. Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay naglalayong magbahagi ng
impormasyon at manghikayat sa ______________.
A. manonood C. mag-aaral
B. mambabasa D. mananaliksik

II. Panuto: Baahin at unawain ang bawat kaisipan sa ibaba. Isulat ang TAMA kung
wasto ang pahayag at MALI naman kung hindi wasto.

1. Hindi kailangan ng talaan ng nilalaman sa isang manwal.


2. Iisa lamang ang pormat na ginagamit sa pagsulat ng liham.
3. Hindi mahalaga ang paglalagay ng petsa kung susulat ng liham-pangnegosyo
4. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon ang isang manwal.
5. Nagsasaad ng panuntunan, kalakaran, at proseso ang isang manwal.

III. Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang mga pahayag.
Isulat sa iyong kuwaderno ang tamang sagot.

1. Ang _______________ ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang


nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang produkto o serbisyo.

2. Ang _______________ ay kalimitang mas mahabang uri ng promotional


material at may pagkakahati-hati ng mga impormasyong nakalagay rito.

3. Naglalaman ang ______________ ng mas kakaunting teksto at mas nakatuon


sa larawan o ibig iparating na mensahe sa biswal na paraan.

4. Ang flyer / leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng ________________.

5. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang _______________ ng


mga mamimili.

16
17
Panimulang Pagtataya:
I. II. III.
1. B 1. TAMA 1. Promotional materials
2. B 2. TAMA 2. makahikayat
3. A 3. MALI 3. Flyer/leaflet
4. D 4. MALI 4. Brochure
5. B 5. MALI 5. Poster
Pangwakas na Pagtataya:
II. II. III.
1. A 1. MALI 1. flyer/leaflet
2. B 2. MALI 2. brochure
3. B 3. MALI 3. poster
4. D 4. TAMA 4. promotional materials
5. B 5. TAMA 5. makahikayat
Gawain 1 (Mga posibleng sagot; pero nakabatay pa rin sa guro ang mga sagot na pwede
niyang tanggapin)
 Magbasa ng mga anunsyo sa mga posters
 Magbasa ng mga flyers at i-kontak ang mga kompanya na may job hriring na
 Sumulat at magpadala ng liham sa isang may-ari ng kompanya
 Magtanong sa mga kakilala na may job experience na
 Magsaliksik sa internet na iba pang mga may job hiring
Mga Gawain:
 Maaaring magkaiba ang sagot ng mga mag-aaral.
Paglalapat
 Maaaring magkaiba ang sagot ng mga mag-aaral. Gamitin lamang ang pamantayan sa
ibaba sa pagbibigay ng puntos.
Pamantayan sa Pagtataya
1. Kaugnayan at Kawastuan ng Sagot ----------------- 10 puntos
2. Organisasyon ng Kaisipan ----------------------------- 15 puntos
3. Kawastuhang Panggramatika ------------------------- 10 puntos
KABUUAN 35 PUNTOS
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Aklat
Jocson, Schedar D., Perez, April J., Santos, Corazon L. Filipino sa Piling Larang -
Tech-Voc: Patnubay ng Guro. Department of Education – Bureau of Learning
Resources (DepEd – BLR). Unang Limbag 2016.
Perez, April J., Santos, Corazon L. Filipino sa Piling Larang - Tech-Voc: Kagamitan ng
Mag-aaral. Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd
– BLR). Unang Limbag 2016.

Internet
Villa, Jerwin Gabriel. Teknikal Bokasyonal na Sulatin. Last modified June 26, 2017
https://bit.ly/2Pd0aE8
Rin Hair. Halimbawa Ng Flyers Tagalog. Accessed July 31, 2020.
https://bit.ly/39Q6omT
Pandayan Bookshop. Last Modified December 22, 2016. https://bit.ly/2D3PBRF

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like