You are on page 1of 12

Senakulo

Written by J. R. Antonio

I – Pambungad

(Entrance: baliw)

Baliw: Nalalapit naaaaaaaa!Nalalapit na ang paghuhukooooom! Malaaaaapit nang dumating ang Panginoon! Ang tunay at
nararapat na maghahatoool sa ating lahat! Magsisi na kayo. Ikaw, Ikaw. Magsisi na kayoooooooooooooo! Diyoooos
koooo! Diyos kooooo! Maawa kayoooooo!

(Exit: Baliw, Entrance: Huwan Bautista at 3 makasalanan)

Juan Bautista: Magsisi at talikdan ang masasamang gawain. Ikaw! Magsisi kayo sapagkat nalalapit na ang pagdating ng
Panginoon.

Makasalan 1: Pagdating? Kung gayon sino ka?!

Makasalan 2: Ikaw ba si Elias? Ni ang Kristo?

Juan: Hindi, hindi ako ang Kristo. O si Elias.

Makasalan 3: Kung gayun ikaw ang propeta?

Juan: Hindi rin.

Makasalanan 1: E sino ka nga?!

Juan: (Sisigaw) Ako ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang! Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon!

Mkslnn2: Bakit ka nagbibinyag kundi ikaw ang Kristo, o si Elias o maging ang Propeta??

Juan: Sa tubig lang ako nagbibinyag. Ngunit nasa inyong kalagitnaan ang isang hindi ninyo nakikilala. Darating siyang kasunod ko,
ngunit hindi man lamang ako karapat-dapat magkalag ng sintas sa kanyang panyapak.

Mkslnn3: Sino siya Juan?

Juan: Siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.


(Exit: Juan)

II – Papasok sa Herusalem
(Naglalakbay kasama ang alagad, hihinto na Makita si Magdalenang sumasayaw, pinagtitinginan ng mga kababaihan)
(Sasayaw si Magdalena ng nangaakit.)

Tao 1: Malanding babae! Alam nang buong bayan ang baho mo! Hahaha!

Tao 2: Nakakadiri ka! ‘Wag mo kaming dikitan at baka mahawa pa kami sa iyong kasalanan. HAHAHA!

Tao 3: Nakarumi mong babae, Pagmasdan mo ang iyong suot. Habang buhay kana sa putik na iyong kinasasadlakan.

T1: Ano pang ginagawa mo? Umalis ka na ditto!


T2: Umalis kana!

Senakulo Page 1
T3: Alis! Alis!

(Pagtutulungan, pagtutulaktulakan, sasabunutan at itutulak. Pupulot ng bato, aambang babatuhin nila si Magdalena.
Mapapadapa sa paanan ni Hesus.)

Hesus: Kung sino man sainyo ang walang bahid ng kasalanan ay siyang una bumato sa babaeng ito.

Magdalena: Panginoon patawad po sa lahat ng mga kasalanan ko. Binahiran ko ng dungis ang aking pagkatao.Patawad! Patawad
Panginoon, nakasakit ako sa kalooban mo!!

Hesus: Sa iyong pagkakasala, ika’y pinatawad na. Ikaw ngayo’y sumunod at mag bagong buhay.

(Exit: Hesus, Entrance: Palaspas Dancers)


(May mga taong may bitbit na palaspas, sasayaw)

(Papasok si Hesus sa templo kasama ang alagad at tagasunod)


Hesus: Ibigin mo ang iyong Diyos Ama ng buong puso, isip at kaluluwa. Ibigin naman ninyo ang inyong kapwa, gaya ng inyong
sarili at gaya ng pag-ibig ko sainyo.
(Tuwang tuwa ang mga tao, Susunod kay Hesus)

(Exit: Lahat)

III – Mga Hudyo at ang Taksil na Alagad

(Entrance: Annas, Kaypas, tatlong taong bayan at 2 kawal)


Tao1: Isang hangal! Ginulo ang aming paninda sa Herusalem na bahay raw na kaniyang Ama?

Tao2: Isang kahangalan! Sino ba siya upang gawin sa amin iyon?

Tao3: Ang suwail! Dapat siyang iligpit!


Kaypas: Matagal nang inaasam-asam iyan.

Annas: Kung gayon bakit wala ka pang ginagawang hakbang?

Kaypas: Sapagkat magkakagulo ang mga tao. Huwag sa kapistahang ito!

T2: Diba kayo na ang nagsabi na mabuti ng mamatay ang isang tao para sa lahat?

T3: Kaysa guluhin tayo ng isang Romano!

Kaypas: Tama kayo! Pero…

T1: Wala ng pero-pero! Ngayon na ang tamang pagkakataon upang gawin iyon, gayung may nagnanais na tayo’y tulungan..

Kaypas: Tulong? Sino ang nagnanais tumulong?

T3: (Hihilahin si Hudas.) S’ya po!

Kaypas: Diba’t alagad ka ni Hesus?

Hudas: Aaaaaah! Wag na wag niyong mabanggit ulit ang kaniyang ngalan. Lalo lamang kumukulo ang aking dugo!

Annas: Tumiwalag ka na ba sa kanya?

Senakulo Page 2
(Magbubulung-bulungan ang mga tao)

Hudas: Sa turing ay hindi pa po, pero sa damdamin ay matagal na. Sawang sawa na ako sa kanyang pangaral! Oo, inaamin ko,
noong una napaniwala nya ko. Pero lumipas ang panahon, hindi sya kumilos. At nang lapitan sya ng makasalanang
babae, at hugasan ang paa ng mamahaling pabango. Sabi ko’y “sukdulan na ito!” Kung ipinagbili ba ang pabango at
ibinigay sa mahirap! Pero hindi ako kinatigan ng Hesus na iyan. Kundi ang babaeng makasalanan!

KAYPAS :Magagawa mo siyang, ipagkanulo?

HUDAS : Bakit po hindi?

KAYPAS: Sinusubukan mo lang kami, isa kang espiya!

HUDAS : Hindi po!

Kaypas: Kung hindi? Anong mapapala mo sa alok mo na ito?

Hudas: Pilak! Tatlumpung pirasong pilak!

Annas: Malinis may katapat na kabayaran.

Kaypas: Ngunit kailan?

Hudas: Ngayon, ngayong gabi. Pagkatapos ng kanyang hapunan, huling hapunan.


(Exit: Hudas, tao ant kaypas annas)

IV – Huling Hapunan

Hesus: Matagal ko nang inasam na makasalo kayo bago ako maghirap. Sinasabi ko sa inyo mula ngayo’y hindi na ako kakain o
iinom nitong katas ng ubas hangga’t dumarating ang kaharian ng Diyos.

Hudas: Sino sa amin ang tatanghaling pinaka-dakila?

Santiago: Hanggang ngayon ba’y pagtatalunan pa rin natin iyan?

Hesus: Ang pinakadakila ay siyang lumagay sa mababa. Ang namumuno ay siyang maglilingkod.
(Kukunin ni Hesus ang inihandang palangganita at magsusuot ng balabal. Huhugasan ang mga paa ng mga alagad.)

Bartolome: Ba-bakit po Panginoon?

Hesus: Pahintulutan ninyong hugasan ko ang inyong mga paa.

Juan: Pa-pati m=po ako Guro?

Hesus: Lahat kayo.


(Susunod si Pedro)

Pedro: ‘Wag Panginoon.

Hesus: Ngunit Pedro , lahat sila nahugasan ko na.

Pedro: Marumi po ang aking paa. Ako po ang dapat maghugas sa inyong paa.

Senakulo Page 3
Hesus: Pedro, Pedro, hindi mo nauunawaan ngayon ang aking ginagawa ngunit pagkaraan nito’y mauunawan mo din. Kung hindi
mo ako pahihintulutang hugasan ang iyong mga paa, patuloy kang magiging marumi gaya nito.

Pedro: Kung gayon Panginoon, hugasan ninyo maski ang aking kamay at ulo.

Hesus: Ikaw ay malinis na. Malinis na kayo. Ngunit hindi ang lahat sainyo! (titingin kay Hudas) Hindi lahat!

Santiago: Ngunit hindi ko nauunawaan kung bakit siyang Panginoon natin ay siyang naghuhugas ng ating mga paa.

(Huhugasan ang paa ni Hudas)

Hesus: Maputik ang paa mo anak, idalangin mong hindi ka iihatid ng mga ito sa tukso.

Hudas: Marami akong nilakad. Sa putik man o dugo… ang paa’y susunod.

Algd1: Ang ginagawang ito ng ating Panginoon ay isang dakilang halimbawa.

Hesus: Ang tawag ninyo sa akin ay Panginoon, pero ako ang naghuhugas sa inyo. Ito nawa’y inyong tularan.

Mga Alagad: Mangyari nawa Panginoon.

Hesus: Tunay na pagkain ang aking laman. At tunay na inumin ang aking dugo. Ang kakain at iinom nito ay mananatili sa akin at
ako naman sakanya.

Felipe: Mabigat ang mga salitang binitawan ng guro, mahirap maunawaan.


(Magdadasal si Hesus.)
Hudas: Kalokohan! Pwede ba niyang ipakain sa atin ang kaniyang laman?

Hesus: Tanggapin ninyong lahat ito’t kanin, ito ang aking katawan na ihahandog para sainyo.
Tanggapin niyong lahat itong inumin, ito ang kalis ng aking dugo, ng bago’t walang hanggang tipan ang aking dugong
ibubuhos sainyo at para sa lahat sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.

Hudas: Walang katuturan ang kaniyang mga pinagsasabi!


(Magbubulong bulungan ang mga algad.)

Hesus: Naiiiskandalo kayo paano pa kaya kung masasaksihan ninyo ang pag-akyat ng anak ng tao sa kaniyang Amang nasa langit?
Sa hapag na ito, kasalo ko ngayon ang taong magkakanulo sa akin. Ngunit nakakapangilabot ang sasapitin ng
magkakanulo sakanya.

Tomas: Anong ipagkakanulo Panginoon? Sino sa amin ang gagawa niyon?

Juan: Ngunit Panginoon, sino ang inyong tinutukoy?

Hesus: Ang ipagsasawsaw ko ng tinapay, ay siya na nga! (Sasawsaw ng tinapay at ibibgay kay Hudas)

Hudas: Guro? A-ako?

Hesus: Gawin mo na ang dapat mong gawin. (Magbubulungan ang mga alagad at aalis si Hudas) Kayo ay nanatiling kasama ko,
kayo ay kakain at iinom kasalo ko at luluklok sa mga trono upang mamahala sa labindalawang akan ng israel.

Pedro: Panginoon, nalalaman po ninyo ang aking katapatan. Ako’y handang magpabilanggo at mamatay kasama niyo.

Senakulo Page 4
Hesus: Pedro… Pedro… Tandaan mo, bago ang pagtilaok ng manok sa araw na ito ay tatlong beses mo akong itatatwa.

Pedro: Ngunit Panginoon-

Hesus: Halina at samahan ninyo ako sa bundok Olibo, sa halamanan ng Getsemani upang manalangin.

V – Sa Hardin ng Getsemani

Hesus: Maiwan muna kayo dito at mananalangin ako sa dakong pa roon. Manalangin din kayo upang maiwas kayo sa tukso.
(Lalayo si Hesus. Luluhod sa isang malaking bato at mananalangin sa Ama.)

Hesus: Diyos ko! Diyos ko! (Umiiyak ng dugo. Pawis na pawis) Iligtas mo ako sa saro ng paghihirap! Ngunit hindi ang kalooban ko
ang masunod kundi ang kalooban mo ang maganap sa akin.
(Lalapit si Hesus sa natutulog na si Pedro at mga alagad.) Natutulog kayo? Hindi ba kayo makakapagpuyat kahit ilang oras man
lamang? Masigasig ang Espirito ngunit ang laman ay mahina. Bumangon kayo. Oras na para ang anak ng tao ay
ipagkanulo sa mga kamay ng makasalanan. Lumakad na tayo at paririto na sila.

Vi – Pagdakip

Kawal1: Paano naming masisiguro kung siya na nga yon?


Kawal2: Madilim ang gabi, baka siya’y makapuslit.
Hudas: Ito ang tatandan ninyo. Kung sino ang aking hahalikan ay siya niyong dakpin. (makakasalubong si Hesus)
Hesus: Magandang gabi! Sino ang hinahanap ninyo?
Kawal2: Si Hesus. Hesus ng Nazareth!
Hesus: Ako nga si Hesus Nazareno. (Hudas almost bend his knees.)
Kawal1: Ikaw nga ba si Hesus Nazareno?
Hesus: Sinabi ko na sa inyo, ako nga. (Titingin kay Hudas) (Magtatangkang umalis si Hudas ngunit pipigilan ng mga kawal at
ihaharap kay Hesus)
Hudas: Magandang gabi po guro! (Hudas hahalik kay Hesus)
Hesus: Hudas ipinagkanulo mo ba ang anak ng tao sa isang halik?
(Palilibutan ng kawal si Hesus. Haharap si Pedro.)
Pedro: Layuan ninyo siya! (Tatagain ni Pedro ang tainga ni Malko)
Malko: Aaaaaahhhhhh! Ang tainga ko!
Hesus: Pedro ibalik mo ang iyong tabak sa lalagyan. Ang gumagamit ng tabak ay sa tabak din mamamatay. (Tatanguan si Pedro,
aalis. Pagagalingin ang tainga ni Malko.)
Kawal: Ang dami mong sinasabi! Hala! Dalhin iyan kay Anas! ( Maiiwan si Malko, tulala. Hindi makapaniwala sa mga nangyari)
Malko! Halika na! (susunod)

VII – Sa harap ng mga Hukom


Annas: Ikaw nga ba ang hari? Ang makapangyarihan kaysa sa mga Hedeo? Nas’an ang iyong mga alagad? Sinu-sino sila? Sa tema
ng iyong pananalita ay nais mo kaming palitan. Mangusap ka Hesus! Nais kitang makilala. Na kay Kaypas ang
kapangyarihan ngunit ako ang kanyang pinakikinggan! Kaya’t kung nais mong gumaan ang iyong sistensya, sa akin ka
makiusap. Magpakilala ka na!

Hesus: (Calm Voice) Hayagan akong nangangaral sa sinagoga. Wala akong ikinubli sa kahit sino. Tanungin mo ang mga nakarinig
alam nila ang aking sinasabi.
Kawal: (sasampalin si Hesus) Ganyan ka sumagot sa pari?
Hesus: (Titingin sa kawal) Kung masama ang aking sinabi, patunayan mo. Kung mabuti, bakit hinampas mo ako?
Annas: Walang saysay itong kausap! Dalhin niyo na siya kay Kaypas! Tignan ko ang iyong galing!
(dadalhin kay Kaypas.)
Kawal: Magbigay galang sa pinakamataas na pari!
Kawal2: Siya si Hesus, ang Nazarenong mapanggawa ng gulo!

Senakulo Page 5
Kaypas: Ikaw? Ikaw si Hesus Nazareno? At sinasabi nila na ikaw ay isang hari?
Kawal3: Kung ikaw ay hari? Nasaan ang iyong kaharian? HAHAHA! (Magtatawa ang lahat)
Kaypas: Hindi ba’t ikaw ay anak ng isang hamak na karpentero lamang?
Kawal2: Kung ikaw si Elias, bakit hindi ka magsalita?
Kawal: Ipagtanggol mo ang iyong sarili
Hesus: Lagi akong nagsasalita sa bahay ng aking Ama. Ipagtanong niyo sa mga taong nakikinig sa akin.
Kaypas: Sabihin mo sa amin Hesus na taga-Nazereth,, ikaw ba ang sinasabing tagapagligtas at anak ng Diyos na buhay?
Hesus: Ako nga! At makikita niyo ang anak ng tao na nakaupo sa kanan ng Diyos Ama at bababa mula sa alapaap ng langit.
Kaypas: Ano ba ang sakdal niyo sa taong ito?
Saksi1: Nilabag niya ng batas! Siya sampu ng kanyang mga algad ay kumain ng trigo sa araw ng pamamahinga!
Saksi2: Anong masama roon? Diba’t si Haring David mismo’y kumain ng tinapay na laan sa Diyos? Ang masama’y magpagaling ng
may sakit sa araw ng pamamahinga!
Saksi3: Walang kwentang sakdal! Kapag ang tupa mo’y nahulog sa hukay, sa araw ng pamamahinga, hindi ba’t kukunin mo rin
iyon?
Saksi1at2: Ang yabang naman nito!
Saksi3: Iyang Hesus na yan, ay nakasilamuha sa mga makasalanan.
Saksi4: Paratang na ba iyan? Ikaw man ang mangagamot, sinong lalapitan mo? Yung may sakit o yung magaling? Siya ay
nagpapalayas ng espiritu sa ngalan ng Diyablo!
Saksi1: Pwede ba ‘yon? Sarili mong kampon palalayasin ng amo?
Saksi5: Narinig ko sinabi niya na gigibain niya ang templong ito, at itatayo sa loob lamang ng tatlong araw.
Saksi6: Oo! Pinalabas niya na isa siyang madyikero! Maitatayo bas a loob ng 3 araw ang templong itinayo sa loob ng apatnapung
taon?
Kaypas: Wala ka bang maisasagot sa kanilang mga paratang? (Tahimik pa rin) Inuutos ko sa’yo sa ngalan ng Diyos na buhay!
Sabihin mo sa amin, ikaw ba ang Kristo? Ang anak ng Diyos?
Hesus: Ikaw na ang nagsabi! Ako nga!
Kaypas: (ihuhulog ang hawak sa pagkagulat) Nilait niya ang Diyos! Narinig niyo ang kanyang mga winikang kalapastanganan. Ano
ngayon ang inyong pasya?
Mga saksi: Kamatayan! Dapat siyang mamatay! Dapat siyang mamatay!
Kaypas: Bawal sa ating mga hudyo ang maghatol niyon, kaya;t dalhin siya sa Gobernador!

VIII – Si Pedro at Hudas


(makikita si Hesus na bitbit ng mga kawal)
Pedro: Kaawa-awang Hesus! Sinong magaakalang totoo ang kanyang mga winika?
Babae1: Hindi ba’t is aka sa alagad ni Hesus?!
Pedro: Aba! Baka ho Nagkakamali kayo?!
Babae2: Hindi! Hindi ako maaaring magkamali! Nakita kitang kasama niya!
Babae3: Oo, kasama ka nga ni Hesus na taga Nazareth. Ang taong ito’y kasama niya!
Pedro: Hindi! Hindi ko alam ang inyong mga sinasabi! Hindi ko siya nakikilala!
Babae4: Sa tono nang iyong pananalita, ikaw ay taga Galilea! Ikaw ang tumaga sa tenga ni Malko! Walang duda ikaw nga ay
alagad niya!
Pedro: Isinusumpa ko! Hindi ko siya nakikilala! (Tatakbo palayo, Magtatago sa pader. Titilaok ang manok. Mapapaisip)
Pedro: Diyos ko! (umiiyak) Ano itong nagawa ko? Angkan ni Satanas! Ako ay masama pa kay satanas! Si satanas ay lumabag sa
Diyos, ngunit ako, may tatlong beses kong itinatwa ang Anak ng Diyos! Patawad, Diyos ko! Patawad, Panginoon!
(Lalapit si Maria kasama si Juan kay Pedro)
Maria: Pedro! Simon! Sabihin mo sa akin. Anong ginawa nila sa aking anak?
Pedro: Ina, (yayakapin si maria na nanghihingi ng simpatya) Labis-labis ang paghihirap ng iyong anak. Akon a kanyang tapat na
alagad, ay tatlong beses siyang iitinatwa. Itinantwa ko siya Ina!
Maria: Pedro, manalig ka! Ipagdasal ka niya, sa iyongpagsisiikaw’y kanyang patatawarin.
Pedro: ‘Wag Ina! Hindi ako karapt-dapat. Patawad Panginoon patawad! Pinagsisihan ko na lahat. (Tatakbo palayo)
(Papasok si Hudas sa mga saserdote)
Hudas: Mga gurooooooo! Mga gurooooooooooo!
(aawatin ng mga guwardya)

Senakulo Page 6
Annas: Ano bang ingay iyan!?
Hudas: Heto! Heto ang inyong pilak. Bawiin ninyo.
Kaypas: Bawiin ang pilak?
Hudas: Palayain niyo na si Hesus! Nagkasala ako sa taong walang kasalanan!
Kaypas: Hindi na naming iyan problema.
Hudas: Parang awa nyo na., Oo, ako’y nagdurusa na! At ikaw Kaipas ay magdusa na rin! Pinagtaksilan ko ang Anak ng Diyos,
ngunit ikaw ang magpapapatay! Ayan!! Kunin mo ang iyong maruming salapi. (Hudas throws the money ) Ayan!
Subuan mo ng pilak ang maitim mong kaluluwa….Sa bawat piraso ng pilak ay inilagay ko ang aking sumpa!..sumpa ng
isang kaluluwang napaligaw! Ng Taomg pumatay sa Anak ng Diyos!!
Annas: Nauulol ka na ba? Ngayong nahatulan na siya ng kamatayan? Kung nasa liwanag ay lumalaban sa leon, ngunit sa dilim ay
natatakot sa dagang bubwit!
Kaypas: Wala kang kwentang tao! Lumisan ka na sa harap ko baka ang iyong dugo ay kumalat dito sa templo!
(aalis si kaipas at annas kasama ang mga alagad!)(Moment ni Hudas)
Hudas: Kaibigan!? Tinawag niya akong kaibigan? Siguro ang buong angkan ni Satanas ay nagdiriwang na ngayon, sila’y
humahalak-hak. Bakit pa ako nabuhay? Bakit pa ako naging tao? Bakit ba hindi ako hinithit ng dagat? O nilamon ng
lupa? Bakit hindi pa ako namatay at maglaho? Kaibigan! Kaibigan!? HA-HA-HA! Kaibigang taksil sa kaibigan? Saan ako
tatakas? Saan ako tutungo upang makapagtago sa kataksilan? Sa Ama? Sa anak ng Diyos? Hindi sa mundo, sapagkat
siya’y naririto! Hindi sa langit, dahil siya nama’y naroroon! Hindi sa libingan, sapagkat kasusuklaman at iluluwa ako ng
lupa ang aking bangkay! Wala akong pag-asa. Walang pag-asa!!!!!

IX – Ang Pagharap kay Pilato


Kawal1: Magbigay pugay sa kagalang galanganag Ponsio Pilato!
Pilato: Anong sakdala niyo laba sa taong ito?
Pariseo: Hindi po naming siya dadalhin dito kung hindi siya kriminal!
Pilato: Kung gayon hatulan niyo siya ayon sainyong batas!
Kaypas: Hindi kami maaring maghatol ng kamatayan.
Pilato: Ano ba ang kasalanan niyan?
Kaipas: Ginulo niya ang bayan!
Annas: Tutol sya sa pagbubuwis kay Ceasar
Kaipas: Siya raw ang kristong Hari!
(Lalapit kay Hesus)
Pilato: Hari? Ikaw nga ba ang hari ng mga Hudyo?
Hesus: Kusa mo ba itong itinatanong o may nagsulsol saiyo?
Pilato: Hindi ako ang nagdala saiyo rito, kundi kalahi mo. Ano bang ginawa mo ?
Hesus: Hindi rito ang kaharian ko, kung rito ang kaharian ko lumaban na sana ang aking mga tauhan at hindi ako pinaubaya sa
mga hudyo.
Pilato: Kung gayon hari ka nga?
Hesus: Ikaw na ang nagsabi. Isinilang ako upang magpatunay sa katotohanan.
Pilato: Katotohanan? HAHAHA! (Tatawa) Wala akong nakikitang kasalanan sa taong ito!
Taongbayan: Diba kasalanan ang manggulo? Galing pa iyan sa Galilea!
Pilato: Kung gayon, sakop siya ni Herodes! Dalhin niyo siya sakanya!
X –Herodes
Kawal2: Haring Herodes, kayo na raw po ang maghatol sa taong ito.
Herodes: Hesus? Hesus! HAHAHA! Aking kababayan! Matagal ko ng inaasam-asam na ika’y makita. Magaling ka raw mag himala?
Sige nga? Aliwin mo kami! Nais kong gawin mong tinapay itong bato. O kay paulanin mo? Hahaha! Ano pang hinihintay
mo?
Kawal3: Wala yatang dila ang taong iyan!
Herodaes: Baka pinutol na ni Pilato! Hindi uubra sa aking iyan! Madali akong magalit! Pero sa kabilang banda. Bakit ko
pagaaksayahan ng panahon ang isang nasisiraan ng ulo? Anng dapat sakanya’y damitan ng kapang nararapat sa isang
kulang sa pagiisip. (Susuotan na sarili kapa) Saganang akin wala siyang kasalanan maliban sa pagiging sira-ulo!
HAHAHA! Ibalik iyan kay Pilato!
XI – Barabas, palayain! Hesus, ipako sa krus!

Senakulo Page 7
Pilato: Walang kasalanan ang taong ito. Yan ang pasya naming ni Herodes. Gayunman, masyado kayong mapilit. Maari kong
palayain ang kahit na sinong bilanggo na nais niyo. Si Barrabas? Na isang pusakal, mamatay tao? At napatunayang
sumira sa katiwasayan ng bayan?
Taung bayan: Si Barrabas! Palayain si Barabas! Palayain! Palayain si Barrabas!
(Papalayain si Barrabas!
Pilato: Wala akong nakikitang dahilan upang patayin ang taong ito. Kaya’t paparusahan ko na lamang siya bago palayain!
Punong Kawal: Ihandan na ang mga hagupit!
Kawal3: Handaa na!
(hahagupitin ng hahagupitin)(Ipuputong ng kawal2 at kawal1 ang korotang tinik)
Kawal2: HAHAHA! Tunay ka ng hari!
Kawal1: Mahal na hari! Ang hari ng mga hudyo!
Punong Kawal: Sabi ko hagupitin, hindi patayin!
(Ilalabas si Hesus)
Pilato: Masdan niyoa ng inyong hari!
Mga tao: Wala kaming ibang hari kundi si Cesar! Ipako siya sa krus! Ipako si Hesus!
Pilato: Ang hatol ko’t sintensya’y ukol sa kanyang pagkakasala. Sa kanya’y ipapasan krus ng kamatayan. At kung dumating man sa
lupang Golgota, ipako’t iparipa, sa gitna ng dalawang palamara! (Kukuha ng palangganita at maghuhugas kamay)
Walang bahid ng kanyang dugo ang aking mga kamay! Kunin nyo na siya. Wala akong pananagutan sa kamatayan ng
taong iyan.
Mga tao: Pananagutan namin at ng aming mga anak at mga apo ang kanyang kamatayan! Ipako siya sa Krus!
XII – Pagpasan sa Krus
Taongbayan: (SpeechChoir) Nariyan na! Si Hesus! At Ipako sa krus! Nariyan Na! Si Hesus! At ipako sa krus!
Hestas: Isa kang baliw! Bakit hahalikan mo ang krus na maghahatid sa iyo sa kamatayan! (Magtatawanan ang mga saserdote)
Kawal2: Tumigil kayo! Sulong!
(Unang bagsak) (Mary, John, Magdalene)
(Freeze all cast except for the actor who deliver the line)
Maria: Anak ko! Hayaan mo ako tulungan ka! (Umiiyak) Hayaan mong tulungan kita!
Hesus: Ina, hayaan mong maganap ang plano ng Diyos.
Maria: (Umiiyak!) O ilaw ng aking mata! Ano ang iyong sala? At ikaw ay ginanito nila? Yaong krus na iyong pasan bunso, iyong
bitawan at kita’y hahalikan. Aaakuin ko na ang lahat-lahat ng hindi ko makita ang iyong pagdurusa.
Kawal2: Tumayo ka riyan!
(magpapatuloy sa paglalakad)(Freeze)
Maria: Mananatili ba ‘ko rito? O dapat akong lumisan? May lakas pa ba akong makita ang aking anak na nahihirapan? (Umiiyak)
Juan: Kapag hindi niyo siya hinintay, baka lalo nyo po siyang tangisan.
(Act)
Kapitan: Mga bulag na ba kayo? Nakikita niyong hindi na nya kaya, hala tulungan niyo siya!
Kawal1: Ikaw? Isa kang pagano hindi ba?
Simon: O-Opo. (TakoT)
Kawal1: Tuluungan mo ang taong ito! Anong pangalan mo?
Simon: Si-simon, Simon Cireneo po!
Kawal1: Sige buhatin mo na ang krus at tulungan mo siya!
(Lakad konti)
(Ikalawang bagsak) (Veronica)
(tatakbo palapit si Veronica na may dalang mangkok ng tubig at birang o bimpo.)
Babae: Veronika! Huwaaaaaaaaaag!
Vrnk: Panginoon,(umiiyak) tulutan niyo ang aking palad. Sa iyong mukhang kahapis-hapis ipunas ang birang kong sakdal-linis.
Hesus: Tigilan mo na ang iyong pagtangis. Lumapit ka at punasan ang aking pawis.
Kawal2: Hala! Bumangon ka lampa! Baka di ka na umabot sa patutunguhan mo!
(Freeze)
Vrnk: Tignan niyo! Bumakat ang kanyang mukha sa aking birang!
(ikatlong pag bagsak)(Mga taong bayan at kababaihan ng herusalem)
Taongbayan: Nariyan na si Hesus at ipako sa krus! Nariyan na, nariyan na, si Hesus! At ipako sa krus! (habang poinagbabato)
aawatin ng mgga kababaihan)

Senakulo Page 8
Babae2: tumigil kayo! Tumigil!
Babae1: Wala bang makapipigil nito? Pigilan niyo sila!
Babae3: Panginoon, ano ang iyong pagkakasala. Hindi na ba sila nawa?
Hesus: Kababaihan ng Herusalem. Wag ninyo akong tangisan. Ang tangisan ninyo ay ang inyong mga anak at ang inyong mga
sarili. Darating ang panahon, na sasabihin niyo, mapapalad ang mga babaeng baog at mga dibdib na hindi pinasasuso,
sapagkat hindi nila dadanasin ang galit ng Diyos.
Kawal3: Tayo! Tumayo kayo! (paghahampasin si Hesus)
Simon: Tigil! Tumigil! Layuan niyo siya! Kapag hindi niyo siya tinigilan hindi ko na bubuhatin ang krus na iyan.
Kawal2: Sige na! Tulungan mo na sya! Sulong!
(Huling bagsak)
Simon: Haring makapangyarihan, malapit na tayo. Naririto na tayo sa kalbaryo.
XIII – Sa Krus
(Si Hesus nakapako sa Krus)
Annas: Nasan na ang iyong kahambugan?
Kaypas: Iniligtas mo ang iba, ngunit hindi mo mailigtas ang iyong sarili? Hala! Gamuting mo ang iyong sugat. Kung ikaw nga ang
anak ng Diyos!
(first word)
Hesus: Amaaaa! Patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.
TB: Poon ko…ang unang salita mo.
Inilaan sa mga kaaway
Mamamatay ka na lang ay sukat pang naglaan
Ng pag-ibig at pagpapatawad sa dapat ay kamuhian.

Hestas: Hindi ba’t ikaw ang hari ng Israel? Bumaba ka at nang kami ay maniwala!
Dimas: Huwag mo siyang gambalain Hestas! Tayo ay nagkasala kaya nararapat lamang sa ating ang kaparusahan ngunit ang
taong ito. Hindi ka naman tunay na baliw hindi ba? Kaibigan, ang lahat ng ito’y isa lamang masamang panaginip. Sa
gitna ng kaluwalhatian ay magugulantang silang lahat.
Hestas: Isa ka pang baliw Dimas! HAHAHA! (Titingin si Hesus kay Dimas at ngingiti)
Dimas: Ayan! Tignan mo! Nangingiti siya! Sinabi ko saiyo Hestas, ibig niyang masabing siya’y A nak ng Diyos. (umiiyak) Kaibigan,
huwag mo kong kalimutan pag naghahari kana.
nd
(2 word)
Hesus: Tunay kong sinasabi sa’yo. Sa araw na ito, makakasama kita sa paraiso.
TB: Isang magnanakaw, pinangakuan ng paraiso! Ano pa kayang higit na patunay. Na naparito ka upang sagiping kaming
makasalanan…

Dimas: Hindi! Hindi ka baliw! Huwag mo akong titigan ng ganyan, naging masama ako. Hindi moa lam kung gaano ako kasama.
Hindi, alam mo nga pala ang lahat. Wag mo ako iwan Panginoon. Patawarin mo ako! Panginoooooon!
Maria: Anaak koooooo! Tulutan mo rin akong mamatay kasama mo!
(3rd Word)
Hesus: Babae, narito ang iyong anak. Juan, narito naman ang iyong Ina!
TB: Panginoon, sa salita mong iyan.
Inihahabilin sa isa’t isa
Ang ina at lagad
Ginawa mo rin si Maria bilang Ina naming lahat.

Maria: Mamahalin ko siya gaya ng tunay kong anak.


Juan: Aalagaan ko ang iyong Ina, Panginoon.
(Kulog)
(4th word)
Hesus: Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan?!
TB: Poon ko, walang Elias na sasagip sa yto..
At ditto sa kalbaryo, ang Diyos na wari’y nagtago.

Senakulo Page 9
Ngayon ay tunay ngang masasabi.
Na walang sakit ang tao.
Na di muna dinanas ni Kristo.

Kawal2: Tinatawag niya si Elias!


Kaypas: Tignan natin kung sasagipin siya nito! HAHAHA!
(4th Word)
Hesus: Ako’y nauuhaw!
Juan: Patawad Panginoon. Wala akong magawa.
TB: Huwan, hindi tubig ang kanyang kailangan.
Kundi, pag-ibig! Pag-ibig ng tao.
Na tuwirang nagtaksil at nagkanulo.
(Espongha na may lamang alak ipapasubo)
(6th Word)
Hesus: Naganaaaap naaaaa!
TB: Tapos na ang kanyang tungkulin
Ginawa na nga ang loobin ng Diyos Ama.
Na tao’y tutubusin
Maria: Anaaaaaaak ko! Aking bunso!
Juan: Panginooon!
Magdalena: Panginoon!
Hesus: Ama ko! Sa mga kamay mo, inihahahabilin ko ang aking espiritu!
(Sounds- Lightning and thunder)
Taongbayan:
(Song first)
Anong saklap itong sinapit. Mula sa bayubay ng krus.
Tatlong matatalas na pako, ang bumaon sa ‘yong kamay at paa
(Poem)
Anong saklap itong sinapit. Mula sa bayubay ng krus.
Tatlong matatalas na pako.
Ang binaon saiyong mapagpalang kamay at paa
Binatak ang braso upang magkasya sa butas ng kahoy!
Panaghoy! Panaghoy! Panaghoy!
Sumisingaw ang init sa tanghaling tapat. Magkahalong dugo at pawis ang pumatak sa tigang na lupa
Patawrin mo kami Panginoon. Patawad!

(Ibababa ang mga magnanakaw. At si Hesus) (pieta)


Maria: (Song)
Oh anak ko, hayaan mo akong iduduyan ka sa bisig ng Panginoon.
Oooh. Iduduyan ka sa king pagmamahal.

(entrance baliw)
Baliw: Nalalapit na! Nalalapit na ang paghuhukom! (Takot) Ang pagdating ng Panginoon. Dito sa ating bayang makasalanan.
KAliwa’t kana ang patayan. (Malungkot) Giyera sa iba’t ibang bansa. Siraan ng mga pulitiko. Away ng relihiyon at
pamahalaan. (Tatawa) Sino nga ba ang tunay na mapalad kayong mga taong nagbubulag-bulagan sa trahedya ng
kasalukuyan o (Iiyak) kami mga baliw na hindi natatakot na ipakita ang nangyayaring kaguluhan. Nalalapit na ang
panahon ng paghuhukom! (HAHAHA) Magbago ka na (Galit) at ikaw. At ikaw pa. pati ikaw! Dahil ang pagbabago ay
magsisimula sa’yo, sa akin, sa atin. (HAHHAHA)

Ending:
Song (Hesus by ASIN)

Main Cast

Senakulo Page 10
Cast
Extras
Wardrobe
Stage Crew
Lights men
Technical
Props men

Acknowledgement

Saint Joseph the Worker Parish


SJWP Parish Commission on Youth – Senakulo Script
Parish Commission on Youth of Lipa City, Batangas
Koro ni San Jose
ASIN

“To God be the Glory”


COPYRIGHT © 2014 ST. JOSEPH THE WORKER PARISH – COMMISSION ON YOUTH, MEYCAUAYAN, BULACAN

COPYRIGHT © 2012 PARISH COMMISSION ON YOUTH OF LIPA CITY, BATANGAS

THE EVENTS, CHARACTERS, ETC. DEPICTED IN THIS SCRIPT IS BASED ON HOLY BIBLE AND CITATIONS AND SOURCES. ANY SIMILARITY TO OTHER SCRIPT, MOVIE, PHOTOPLAY, PLAY ETC. IS PURELY COINCIDENTIAL

OWNERSHIP OF THIS MOTION PITURE IS PROTECTED BY COPYRIGHT AND OTHER APPLICABLE LAWS, AND ANY UNAUTHORIZED DUPLICATION, DISTRIBUTION OR EXHIBITION OF THIS KIND OF ART COULD RESULT AS CRIMINAL PROSECUTION AS WILL AS CIVIL
LIABILITY

Senakulo Page 11
Senakulo Page 12

You might also like