You are on page 1of 20

Ang Daan ng Krus

(Live Station Of The Cross)

Panimula: Pagpapaliwanag ng Gawain) Ang Via Crucis (Daan ng Krus) o Pag-listasyon ng Krus ay isang
debosyon gawaing pangsimbahan na kung saan ginugunita natin ang hirap at sakit na tiniis ni Hesus, ang
ating Diyos at Manunubos, na patungo sa kalbaryo upang maibalik lamang ang tao sa pagmamahal ng Diyos
Sa giving ito. pagninilayan nating mabuti ang kanyang dinanas sa mga lansangan ng Jerusalem upang
mabatid ang dakilang pag-ibig ng Diyos para sa atin at ang bigat ng kasalanang ating nagawa sa Kanya

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN: Panginoong Hesus, naway sa pag listasyon ng krus naming ito ay lubos
naming maunawaan at maramdaman din ang naramdaman mo. Sa pagtanaw ng utang na loob sa ginawa
mong ito, pinagsisihan namin ang aming mga kasalanan at mabago namin ang anumang gawaing
nakapagbigay ng bigat, sakit at hirap na dinanas mo upang matubos kami sa kasalanan. Pinupuri ka namin at
pinasasalamatan sa ginawa mong mga paghihirap para sa amin. Batid namin ang iyong dakilang pagmamahal
sa amin. Dahil sa pag-ibig mo kami ay buong pusong nagsisi sa mga salang nagawa naming dahil ang lahat
ng ito ay labag sa ivong kalooban

N. Lahat po tayo ay magsiupo at sariwain natin ang mga paghihirap ng Panginoong Jesus.

PAGHAHANDA

SCENE 1
(Disyerto – Paghahanda)
Lalaki: Hesus! Apatnapung araw at apatnapung gabi ka ng nag-aayuno. Para san? Para san Hesus! Para sa
isakng kalokohan? HAHHAHAHHA

Pagmasdan mo nga ang iyong sarili! Hinang hina, gutom na gutom! Nakakaawa! Kaawa awa ka Hesus!
(Tawa….)

Kung tunay ngang ikaw ang anak ng Diyos, bakit ‘di mog awing tinapay ang mga batong ito, upang maibsan
ang kumakalam mong sikmura!! (tawa… )

Hesus: Nasusulat, hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig
ng Diyos!

Change scene (lightings) – BGM


Lalaki: Kung totoo ngang ikaw ang tunay na pinakamamahal na anak ng Diyos, bakit di ka magpatihulog
upang maipakita ang iyong pagtitiwala sa iyong Amag tiyak na sasaklolo sayo! Tumalon ka! Tumalon ka na
Anak ng Diyos! (Tawa… )

Hesus: Nasusulat din naman, huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos

(effects – putong ng gintong korona- BGM-Light)

Lalaki: Ibibigay ko sayo ang lahat ng kapangyarihan at kayamanan ng mundo upang di mo na maranasan ang
paghihirap na nakaabang sayo! ‘Yan ay mapapsayo kung ikaw ay sasamba sa akin. (Tawa… )

Hesus: Lumayas ka Satanas, sapagkat nasusulat, ang Panginoong Diyos lamang ang dapat mong sambahin
at siya lamang ang dapat mong paglingkuran.

(bagsak- lalapit ang 2 anghel)

SCENE 2
(Palaisdaan – calm BGM)

Andres: Simon! Satiago! Nakita na naming ang Mesiyas

Santiago: Sino naming Mesiyas ang nahanap Ninyo?

Simon: Andres, ang mabuti pa ay tumulong na lamang kayo sa pangingisda

Hesus: ikaw si Simon, na anak ni Juan, Pedro ang ipapangalan ko sayo. Sumunod kayong lahat sa akin at
kayo’y gagawin kong mangingisda ng mga tao

-----
(Naglalakad)

Tomas: Panginoon! Panginoon! Panginoon! Susunod po ako sa inyo.

Hesus: May lungga ang mga asong gubat at may pugad ang mga ibon. Ngunit ang anak ng tao ay wala man
lamang matutulugan o mapagpahingahan. Tanggapin niyo ang inyong kapatid.

(yakap)
----
(next scene)

Santiago Alfeo: Panginoon! Panginoon! Nais ko din pong sumunod sa inyo, subalit uuwi muna po ako para
ipalibing ang aking ama.

Hesus: Sumunod ka sa akin at ipaubaya mo sa mga patay ag paglilibing sa kanilang mga patay

(yakap) Tanggapin ninyo ang inyong kapatid.

(yakap)
------

Simon Cananeo: Guro! Guro! Susunod din po ako sa Inyo! Ngunit magpapaalam muna po ako sa aking
pamilya.

Hesus: Kung sino man ang nag-aararo at laging lumilingon ay hindi karapat dapat sa paghahari ng Diyos!
Tanggapii inyo ang inyong kapatid.

----

Hesus: Felipe, sumunod ka sa akin!

Felipe: Opo, Panginoon!


-------
Felipe : Bartolome! Bartolome! Natagpuan ko na! Natagpuan ko na si Hesus na taga-Nazareth. Siya ang
intutukoy ni Moises sa kasulatan at gayon din ng mga propeta.

Bartolome: May magmumula bang mabuti sa Nazareth?

Felipe : Halika’t tingnan mo!

Hesus: Masdan Ninyo ang tunay na Israelita , siya’y hindi mandaraya.

Siya’y hindi mandaraya! Bago ka pa nila tawagin ng ganyan ay nakilala na kita. Noong ikaw ay nasa ilalim ng
puno ng Igos.
Bartolome: Guro, kayo po ang anak ng Diyos! Kayo ang hari ng Israel

Hesus: Mananampalataya ka ba dahil sa sinabi kong ikaw ay nakita ko sa ilalim ng puno ng Igos? Mas
makakakita ka pa ng mas higit kaysa rito. Tanggapin Ninyo siya. (yakap)

------

Mateo: Kulang pa ito ahh, ano pang mga ari-arian ang maipapaglingkod mo?

X1: Meron na lamang po akong isang alagang kambing

Mateo: Sige, kuhanin mo!

X2: ------

Mateo : Hindi ako tumatanggap niyan!

X2: Ito lamang po ang mayroon kami! Walang wala na po talaga kami! Walang wala na po talaga kami!

Hesus: (dadagdagan ang kulang) Mateo, sumunod ka at maglingkod sakin!

Mateo : (tititig) Opo, Panginoon!

Tayo na sa aking tahanan at ipaghahanda ko kayo g isang piging.

--------
Tech team-maghahanda ng piging
(sa piging)

Judas Tadeo: Guro, nais ko pong making sa inyong aral at sumunod sa inyo.

Hesus: Ako ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga, ang sinumang manatili sa akin, at ako sa kanya ay
siyang mamumunga ng masagana, sapagkat wala kayong magagawa kug kayo’y hihiwalay sa akin.

Judas Iscariote: Guro! Nais ko pong maging alagad ninyo.

Hesus: Ano ang pangalan mo?

Judas Iscariote: Judas po! Judas Iscariote!

Hesus: Kung patuloy kayong susunod sa aking mga aral, tunay ngang kayoy mga alagad ko. Makikilala ninyo
ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.

----

Scene 3

PALASPAS
(Darating si Hesus kasama ang mga Apostol.Sasalubungin ng mga tao na may dalang palaspas.)

Pariseo 1: Ngayon ko lamang nakita na ganito kaligalig ang pagdating ng mga tao dito sa Jerusalem. Marami
ang sumusunod sa taong iyan.

Eskriba 1: At sino naman ang taong iyan?


Pariseo 3: Si Hesus ng Nazareth, Kamahalan. Dumarami ang kanyang mga taga-sunod sapagkat sila’y
namamahangha sa mga himalang ginagawa niya.

Pariseo 2: Nangangaral din siya at nagpapagaling ng may sakit. Nakakakita ang mga bulag at nakakalakad
ang mga pilay pati ang mga ketongin ay kanyang pinagaling. Ito mismo ang nakita ng aking mga mata.

Eskriba 2: Sinubukan na naming siyang silungin ang aming mga nalalaman sa mga kautusan at batas ni
Moises. Ngunit alam na alam niya ang kanyang mga isasagot. Ilang beses niya pa kaming pinahiya at
sinabihang mga ulupong at mapag balat-kayo.

Pariseo 3: HAHAHA! Kahibangan! Bula ang propeta. Ilan na ba ang iyong nasabing mapagpanggap na
propeta?

Pariseo 1: Ang alam ko’y kakaiba ang Hesus na ‘yan. Lumalakad sa ibabaw ng tubig at pumupigil ng unos sa
lawa.

Pariseo 3: Naniniwala ka na ba sa kanya?

Pariseo 1: Kakaiba ang kanyang mga aral. Tinawag niyang dakila ang mga bata. Mapapalad ang mga aba at
dukha ang inuusig.

Pariseo 2: Nakikihalubilo siya sa mga publikano at mga makasalanan. Nagtuturo siya sa mga Sinagoga at
nagtuturo sa araw ng Sabath at ang matindi pa rito nagpapatawad siya ng mga kasalanan o kung may
darating na unos sa ating pamamahala sa bayang ito.

Eskriba 2: Kapag nagpatuloy pa ang ganyang pagkamangha ng mga tao, mukhang may sisiklab na
himagsikan.

Pariseo 3: Mapanganib nga ang taong iyan. Kailangan nating magmasid at bantayang maigi ang kanyang
mga gawa.

Pariseo 3: Grrr! Hindi natin dapat palampasin ang kalapastanganan ng Hesus na ‘yan!

Pariseo 1: Panahon na para matigil ang kahibangang bumabalot sa bayang ito.

Pariseo 2: Kailangan na itong malaman ng buong Sanhedrin. Tayo na kay Caiphas.

---

Mga Pariseo at Eskriba: Shalom Aleykhem, Kamahalang Caiphas.

Caiphas: Magandang gabi! Maaari bang ipaalam Ninyo sa akin ang matinding dahilan upang magtipon tayo
sa ganitong oras ng gabi?

Pariseo 3 : Isang nakakabahalang kaganapan na hindi na dapat pa nating ipagpabukas pa! Ang kaganapang
si Hesus ng Nazareth.

Caiphas: Hesus ng Nazareth? Narinig ko na nga ang pangalang iyan.


Gaano bang kalaking suliranin ang taong ito at kailangan pa ninyong gambalain ang pamamahinga ng lahat?
Ano bang ginawa niya?

Pariseo 1: Gumagawa ng kababalaghan ang taong ito! Kung siya’y pababayan natin, mananampalataya sa
kanya ang lahat.

Pariseo 2: Paparito ang mga Romano at wawasakin ang ating templo at ang ating bansa.
Caiphas: Kung gayon, utusan ang mga kawal na dakpin ang taong iyan! Sampu ng kanyang mga alagad.
Eskriba 1: Patawad mahal na kamahalan, tinangka na naming ipahuli ang Hesus na ‘yan, subalit siya’y
lubhang mailap.

Eskriba 2: Ang mga taga-sunod na rin niya mismo ang humahadlang sa pagkakataong masusukol na namin
siya, maging ang ilan sa ating mga kawal ay nahuhumaling na rin sa kanyang mga aral, kaya hindi na nila ito
madakip.

Caiphas: Mahal na Eskriba, mukhang nasusubok na ang iyong kakayahan na pakilusin ang ating mga tauhan.
Kaya mo pa ba? O kailangan na nating magtalaga ng iba?

Eskriba 2: Suba…

Caiphas: (Senyas ng kamay, pinatigil)

Pariseo 3: Hindi mo ba nakikita! May kakayahan ang Hesus na iyan na paikutin sa kanyang mga kamay ang
taumbayan. Hihintayin pa ba natin na ipitan niya laban sa atin ang mga mananampalataya?

Pariseo 1: Hayagan ang kanyang pambatikos sa ating mga lingkod ng Diyos, Kamahalan. Pinagbabantaan
niya ang mga tao laban sa atin, tayo raw ay mapag-imbabaw, at mga ulupong.

Eskriba 2: Sinabi rin niyang gigibain niya ang templo at gagawa ng bago para sa kanya!

Pariseo 2: Siya raw ang pagkaing nagbibigay buhay, ang bukal ng tubig na papwi sa lahat ng pagka-uhaw.
Magtatayo raw siya ng kaharaian para sa mga makasalanan at mga maysakit.

Pariseo 3: Ang lahat ay kaya niyang gawin sapagkat ayon sa kanya, siya raw ang anak ng Diyos.

Caiphas: Kalokohan! Isang bula ang propetang Hesus na iyan.

Pariseo 3: Sabihin ninyo sa lungsod ng Sion, masdan mo, dumarating ang inyong Hari, siya’y
mapagkumbaba, nakasakay sa isang asno, sa isang bisiro, bisiro ng isang asno. Nasaksihan ba Ninyo ang
kaganapan ng si Hesus ay naparito sa Jerusalem para sa pista ng Paskuwa? Kung paanong salubungin siya
ng napakaraming taong naglatag ng mga balabal sa kanyang daraanan, nagwagayway ng mga palspas bilang
pagpupugay sa kanilang hari. MABUHAY ANG ANAK NI DAVID! Pagpalain ang dumarating sa bayan ng
Diyos. PURIHIN ANG DIYOS! PURIHIN SI HESUS!

Caiphas: Kamatayan! Kamatayan ang dapat sa Hesus na iyan!

Eskriba 1: Mawalang-galang na po maawaing lingkod ng Diyos, mawalanggalang na po mahal na Caiphas.


Labag sa ating kautusan na ahatulan ang isang tao ng hindi muna nililitis at inaalam kung ano ang ginawa
niyang kasalanan, hindi ba?

Eskriba 2: Hindi ba’t kayo’y mga taga-Galilea rin? Magsaliksik kayo’t wala kayong makikitang propetang
magmumula sa Galilea.

Pariseo 3: Hindi na mahalaga iyan! May mga taong handang magpatunay laban sa Hesus na iyan.

Caiphas: Ngayon, ipinaguutos kong dakpin ang hesus na iyan upang humarap sa paglilitis, sa salang
pagpapanggap na Hari, pagsisimula ng paghihimagsik, isinasakdal din siya sa salang pagpapanggap na anak
ng Diyos!
Tapos na ang pagpupulong na ito.

---
Pariseo 3: Magaling! Ang kailangan na lamang nating gawin ay pagplanuhang Mabuti kung paano natin
madadakip ang hesus na ‘yan.
Pariseo 1: Hindi natin maaring dakipin sa Hesus sa harap ng kanyang mga alagad, ipagtatanggol siya ng mga
ito!

Pariseo 2: Magiging matagumpay lamang ang ating gagawing pagdakip kung ito’y maikukubli natin sa
kadiliman ng gabi.

Caiphas: Saan naman tayo makakahanap ng taong makapagbibigay ng mga impormasyon tungkol kay
Hesus, Kailanagn natin ng isang taksil.

(Papasok ang isang kawal at magbibigay pugay)

Sundalo: May isa pong nais makipag-usap sa inyo. Isa raw po siya sa mga alagad ni Hesus.

Judas Iscariote: Ang pangalan ko po ay Judas Iscariote. Ano po ba ang maibibigay Ninyo sa akin kung
maipagkakanulo ko si Hesus ng Nazareth?
(Aalis si Pariseo 2 at kukuha ng pilak)

Pariseo 3: Tingnan mo nga naman, kahit kaila’y sa kasaysayan ng tao ay di masisiguro ang tiwala ng isang
samahan mayroon pa ring lilitaw na ahas na tutuklaw sa tamang pagkakataon.

Pariseo 1: Narito na ang kasagutan sa inyong katanungan mahal na Caiphas. Ang pagkakataon na mismo
ang gumagawa ng paraan upang mawasak ang paghari-harian ng Hesus na iyan.

(Darating si Pariseo 2 at ihahagis ang pilak.)


(Sasaluhin ni Judas at aalis)

Scene 4
“PAGHUHUGAS NG PAA”

Simon Pedro: Guro! Kayo po ba ang maghuhugas ng aking mga paa?

Hesus: Hindi mo mauunawaan sa ngayon ngunit mauunawaan mo din pagkatapos.

Simon Pedro: Hinding-hindi ko po pahuhugasan sa inyo ang aking mga paa.

Hesus: mali bang hugasan ko ang iyong mga paa? Wala kang bahagi sa akin.

Simon Pedro: Kung gayon po’y hugasan na rin po Ninyo ang aking mga kamay, at pati na rin ang aking ulo.

Hesus: Ang nakapaligo na ay hindi na kailangan pang hugasan pa, sapagkat siya’y malinis na. At kayo’y
malinis na, subalit hindi lahat.

Unang Istasyon
“ANG HULING HAPUNAN”

Narrator: Bisperas na ng Paskuwa, alam ni Jesus na dumating na ang panahon ng Kanyang paglisan sa
sanlibutang ito upang bumalik sa Ama. Mahal Niya ang Kanyang mga alagad sa sanlibutang ito. At ngayo'y
ipakikita Niya kung hanggang saan ang Kanyag pag-ibig sa kanila

Jesus: Malaon ko nang inaasam-asam na makasalo Ko kayo sa Hapunang Pampaskuwang ito. Halina't
magsiupo kayo.
Jesus: Ang tinapay na ito ang Aking katawan na ihahandog para sa inyo at para sa lahat. Kunin ninyo at
kanin. Sinasabi ko sa inyo, hindi Ako muling kakain nito hanggang sa ito ay maganap sa kaharian ng Diyos.

Jesus: Ang sarong ito, ang Aking dugo ng Bago at Walang hanggang Tipar na ibubuhos para sa inyo at para
sa lahat, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Kunin ninyo ito at inumin. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala
sa Akin. Sinasabi Ko sa inyo na hindi na Ako muling iinom ng alak na mula sa ubas hanggang sa araw na
inumin Ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos.

Hesus: Sinasabi ko sa inyo! Isa sa inyo ang magkakanulo sa akin

Bartolome: Ako po ba Panginoon?

Felipe: Juan itaong mo sa guro kung sino ang kayang tiutukoy.

Juan: Guro, sino po ba nag tinutukoy nyo!

Hesus: Ang kasabay kong sumawsaw sa mangkok, sya ang magkakanulo sa akin. Papanaw ang anak ng tao,
ayon sa nasususlat, nguit sa aba ng nagkanulo sa kanya, mabuti pang hindi isinilang ang taon iyon.

(Sabay na sasawsaw) (magkakatinginan ang lahat) ( Tatakbo si Judas)

Judas: Guro! Ako po ba?

Hesus: Ikaw na ang Gawin mo na ang gagawin mo Judas.

(Tatakbo si Judas)

Hesus: Huwang kayong mabalisa, manalig kayo sa akin, sa bahay ng aking ama ay maraming silia. Paparon
ako at ipaghahanda ko kayo ng matitirhan. Paparito akong muli at isasama ko kayo sa kinaroroonan ko.

Tomas: Panginoon hindi po namin alam kung saan kayo paroon, paanong malalaman namin ang daan.

Hesus: Tomas, Ako ang daan, ang katotohanan at ang buhay, walang makakapunta sa ama kundi sa
pamamagitan ko.

Simon: Saan po kayo pupunta Panginoon?

Hesus: Simon! Simon, makinig ka, hiniling ni satanas, at ipapahintulot naman sa kanya na kayog lahat ay
subukin ngunit idinalangin ko na wag lubusang mawala ang inyong pananampalataya, at kapag nagbalik loob
ka na, patatagin mo ang iyong mga kapatid.

Simon: Panginoon! Handa po akong mamatay at makulong kasama ninyo!

Hesus: Pedro sinasabi ko sayo, bago tumilaok ang manok sa araw na ito, makatlo mo akong itatatwa, Isang
bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, mag ibigan kayo, kung kayo’y mag-iibigan, malalaman ng lahat na
kayo’y mga alagad ko.

Tech team- aalisin ang piging


Tech team- Set up ng bundok

Pagninilay: Panginoong Jesus, talos Mo ang kahinaan ng tao. Nalalaman Mo ang pangangailangan naming
lagi Kang alalahanin. Kami, Panginoon, na madaling makalimot, kaya rin naman madaling kaming manghina.
Ang pagdiriwang ng Huling Hapunan ay isang larawan ng hangarin Mo: ang tanggapin Ka, sa Iyong katawan
at dugo, upang maging bahagi ng aming buhay, sapagkat Ikaw ang Tinapay ng Buhay.
Ang huling Hapunan din ang inyong alaala upang kami ay mamuhay bilang magkakapatid sa iisang
Katawan, iisang Angkan, at iisang Simbahan. Ang Banal na misa nawa'y laging magpaalala sa amin na kami'y
hindi maaaring nag-iisa sa pagsunod sa Iyo. Maging masigasig nawa kami sa pagsimba nang taos sa loob at
hindi pakitang-tao lamang at akayin ang iba na makisalo sa lyo sa Banal na Misa, na siyang tugatog ng aming
buhay-Kristiyano.

Ikaw ang aking Panginon, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.

Ama Namin...

Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na walang hanggan maawa po kayo sa
amin at sa buong mundo (3x). Amen.

Ikalawang Istasyon
"SA HALAMANAN NG GETSEMANI"

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, Panginoong JesuKristo.


S. Sapagkat sa pamamagitan ng krus ay sinakop mo ang mundo.

Narrator: Pagkatapos ng hapunan, isinama ni Jesus ang kanyang mga alagad sa bundok ng Olibo sa isang
lugar na tinatawag na Getsimani upang doon manalangin ngunit sinama niya sina Juan, Santiago't Pedro sa
may kalayuan.

Jesus: (sa walong alagad) Dito muna kayo't mananalangin Ako. (kina Juan, Santiago at Pedro) Sumama kayo
sa Akin.

Jesus: Ang puso Ko'y tigib ng hapis at halos ikamatay ko ito. Maghintay kayo dito't magbantay.

Jesus: (nananalangin) Ama! Ama ko! Mapangyayari Mo ang lahat ng bagay. Alisin Mo sa Akin ang sarong ito
ng paghihirap. Gayunman, hindi ang kalooban Ko kundi ang kalooban Mo ang masunod.

(*Bumalik si Jesus sa tatlong alagad at ginising ang mga ito.)

Jesus:(sa tatlong alagad) Natutulog pa ba kayo at nagpapahinga? Dumating na ang oras na ipagkakanulo ang
Anak ng Tao sa mga makasalanan. Tayo na! Narito na ang magkakanulo sa akin.

Judas Iscarote: Magandang Gabi po Guro! (hahalik kay Jesus)

Jesus: Ipinagkanulo mo ba ako Judas sa isang halik? Gawin mo na agad ang pakay mo.

Sundalo1: Dakpin ang taong iyan!

Pedro: Huwag ninyong hawakan ang aking Guro! (tatagain si Malko)

Hesus: Pedro! Isalong mo ang iyong tabak , ang gumagamit ng tabak ay sa tabak din mamamatay.
Ako si Jesus, kung ako ang kailangan nyo, huwag na ninyong idamay ang aking mga kaibigan

Sundalo 2: Dakpin ang Taong iyan!

Tech team – alisin ang setup, set up for palasyo

Pagninilay: Tulad naming ay nararamdaman Mo ang takot sa Paghihirap. Marami ka pa sanang magagawa at
matutulungan ngunit dumating na ang takdang oras. At sa pagdating ng oras na ito, tila isang pakikipagbuni
ang unawain kung bakit dapat humantong ang lahat sa kamatayan.
Kami rin, Panginoon, ay natatakot kung dumating ang paghihirap sa aming buhay. Kapag may pagtitiis
ay pilit naming ibinabaling ang aming pansin sa makapagbibigay sa amin ng kaligayahan. Anong dalas na
kahit sa aming pagdarasal ay kami pa rin ang umiisip kung ano ang makabubuti at makatutugon sa aming
problema sa halip na isaalang-alang ang makabubuti ayon sa paningin Mo.

Tulungan mo kami, Panginoon, na matulad sa Iyo. Patatagin Mo kami sa pananalig na hindi Mo kami
kinalilimutan, na tapat ang lyong pag-ibig. Ipagkaloob, Mo sa amin ang tapang na tanggapin ang mga bagay
na di na maaring baguhin, at karunungang Makita ang Iyong pagpapala sa bawat yugto ng aming buhay, lalo
na sa panahon ng pagtitiis. Masabi ko nawa lagi, "Hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban Mo ang
Masunod."

Ikaw ang aking Panginon, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.

Ama Namin...
Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na walang hanggan maawa po kayo sa
amin at sa buong mundo (3x). Amen.

Ikatlong Istasyon
"SI HESUS SA HARAP NG SENADRIN"

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, Panginoong JesuKristo.


S. Sapagkat sa pamamagitan ng krus ay sinakop mo ang mundo.

Narrator: Dinala si Jesus sa palasyo ng pinakapunong Saserdote na si Caiphas upang doon ay litisin.
Naroroon din ang mga Saserdote, Eskribas at Pariseos.

Caiphas: Ikaw ba si Jesus na wika'y hari ng mga Hudyo at anak ng Diyos?

Jesus: (Nanatiling tahimik)

Caiphas: Sumagot ka! Ikaw ba ang nangangaral ng mga walang kwentang bagay na siyang magliligay sa mga
tao?

Jesus: Hayagan akong nagsasalita sa madla. Lagi Akong nagtuturo sa mga sinagoga at templo. Wala akong
sinasabing palihim. Bakit ako ang tinatanong ninyo, ang tanongin ninyo ay ang mga taong nakaririnig sa akin.

Punong Sundalo: (sasampalin si Jesus) Lapastangan ka! Hindi dapat ganyan ang pagsagot sa Pinakapunong
Saserdote.

Hesus: Kung may sinabi akong masam, patunayan mo, ngunit kung tama ang aking sinabi bakit mo ako
sinampal?

Pariseo #1: Mahal na Caiphas, tunay na ang taong ito ay sinungaling. Sinabi niyang kaya niyang gibain ang
templo at itayo sa loob ng tatlong araw.

Caiphas: Kabaliwan! Isang malaking kasinungalingan! Magagawa Mong gibain at itavo muli ang templo sa
loob ng tatlong araw gayong ilang libong taon ito bago naitayo. Bakit hindi ka magsalita at ipagtanggol ang
iyong sarili. (sa mga Sasedote, Eskribas at Pariseos) Ayaw nang magsalita pa ng taong ito. Kung siya'y
hahatulan, anong hatol ang nais niyong igawad sa kanya?

Pariseo #2: Ang konseho ng Sanhedrin ay matagal nang nakapagpasya tungkol sa bagay na iyan. Hatulan
siya ng kamatayan.

Eskriba #1: Subalit wala tayong sapat na ebidensya upang hatulan siya ng kamatayan.
Pariseo #1: Ngunit kung hindi pa natin siya hahatulan ay baka kalabanin tayo ng mga taong naniniwala sa
kanya.

Eskriba#2: Papaghimalain mo siya. Sa gayo'y masasabi nating ang kapangyarihan niya'y hindi mula sa Diyos.

Caiphas: Maari nga iyon. Ngunit papaano kung hindi siya naghimala?

Pariseo #2: Dalhin natin siya kay Pilato.

Caiphas: Hanggang ngayon ba'y wala ka pa ring balak magsalita. Sige! Kung talagang anak ka ng Diyos at
ikaw ang Mesiyas na tagapaligtas, maghimala ka. Gawin mong matamis na alak ang tubig na ito. (iaaro ang
baso sa mukha ni Jesus at pagkaraan ng ilang segundo ay iinom) Pwee! (Ibubuhos sa mukha ni Jesus ang
tubig)
Kalapastanganan! Kayo na mismo ang nakasaksi ng kalapastangang ito sa Diyos.
Ano ang inyong hatol sa kanya?

All: Kamatayan para sa Hesus ng Nazareth

Caiphas: Dalhin Siya kay Pilato.


-----

Babae 1: Diba’t kasama ka ni Jesus na taga Nazareth

Pedro: Wala akong nalalaman sa sinasabi mo.

Lalaki 1: Ang lalaking ito ay kasama ni Jesus na taga Nazareth. Nakita ko sya sa templo.

Pedro: Isinusumpa ko, talagang di ko nakikilala ang taong iyan.

Babae 2: Talagang isa ka nga sa kanila, sa punto mo pa lang ay talagang taga Gailea sya!

Pedro: Parusahan man ako ng Diyos kung nagsisinungaling ako, talagang hindi ko nakikilala ang taong iyan.

(Dadaan si Jesus kasama ang mga kawal)

(BGM) (Manok)

-----

SPOTLIGHT (PEDRO VS. JUDAS)

Nakakalunod..
ang hirap huminga..
Ang dilim na bumabalot sa buong katawan sumasakal sa buong kaluluwa,
Hindi makapiglas ang nanghihinang diwa.
Aasa pa ba? Sa kung ano ang natitira
Kakapit sa hangin, sa katiting na natitira.

Tatlong beses!
Tatlumpong pirasong pilak,
Itinatwa ko ang aking kaibigan.
Ipinagkanulo ko ang aking kaibigan.

Jesus: Simon, ikaw si Simon na anak I Juan, ang ipapangalan ko sayo ay Pedro. Sumunod ka sa akin, at
gagawin kitang mamalakaya ng mga tao.
(Pedro Spotlight)

Jesus: Judas, kung patuloy kang susunod sa aking mga aral, tunay ngang ikaw ay alagad ko. Makikilala mo
ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sayo.

(Judas Spotlight)

Judas & Pedro : (iyak, hagulhol) Panginoon ko! Anong nagawa ko! Isa akong (duwag/taksil)

Pedro: Nasaan na ang akig pangakong ipagtatagol Ka hanggangg sa aking kamatayan?

Judas: Na di ko mawari? Bakit? Bakit! …. Juan! Filipe! Mateo!, nasaan na kayo mga kaibigan ko!

Pedro: Oo nga! Isa akong duwag, hindi ako karapatdapat tawaging Pedro! Hindi ako karapatdapat na
tawaging kaibigan.

Judas: Punong puno kayo ng pagpapanggap, magaalay ng handog sa templo, maglilingkod daw ng walang
kapalit, pero ang totoo, nagaagawang makapuwesto sa kanan man o kaliwa. Hindi ba’t gawaing
mapangimbabaw yan? Parepareho tayong susunugin sa templo!

Pedro: Akayin ako pabalik, sakaling dalhin ako ng pagkakataon, yakapin ako muli ng iyong awa! Panginoon!
(iyak) Patawarin nyo akong lahat! ( hagulhol) (iyak) kanino ako lalapit? Sinong aking tatawagin?

(lalabas si Maria)
(unang lalapitan si Judas, tatakbo palayo si judas)
(sunod na lalapitan si Pedro, Yayakap si pedro at magsisisi)

(Judas Spotlight, pagkamatay ng bigti)

Pagninilay: Panginoong Jesu-Kristo, ang lyong kabutihan ay binigyan nila ng kulay upang silang mga nasa
katungkulan ay manatili. Ikaw ay naging isang panganib, para sa mga ayaw magbago ng kaugalian. Bunga ng
inggit at galit, ang mga pinuno ng bayan at punong saserdote ay gumawa ng paraan upang Ikaw ay
mahatulan. Ikaw ay kanilang pinagbintangan ng kasinungalingan dahil ang pinahayag Mo ay katotohanan.

Kami'y nahihiya sa Iyo, Panginoon, sapagkat mabibilang kami sa mga taong nagpapahirap sa Iyo dahil
sa aming kawalan ng paninindigan sa katotohanan.

May pagkakataong natatakot kaming patuluyin ang Iyong Salita sa aming buhay dahil baka
nangangailangan ito ng pag-iwan sa mga tao at bagay na aming pinakamamahal.

Ang kawalang paninindigan ng Iyong mga alagad ay tila isang salamin sa amin dahil sa kawalan namin
ng paninindigang sundan Ka, ang Iyong mga aral at halimbawa. Sa pagwawalang bahala sa karapatan ng iba,
sa kawalan ng pakialam sa nangyayari sa aming kapaligiran, dahil ayaw naming masaktan, ayaw naming
mahirapan, ayaw naming may masabi ang iba sa amin.

Tulungan Mo kami, Panginoon, na maging matatag sa aming pananampalataya at sa kabutihan.


Turuan Mo akong unawain ang kapwa at manindigan sa katotohanan.

Ikaw ang aking Panginoon, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Ama Namin...
Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na walang hanggan maawa po kayo sa
amin at sa buong mundo (3x). Amen.
Ikaapat na Istasyon
"ANG PAGHAMPAS KAY HESUS AT PAGPAPATONG NG KORONANG TINIK"

N. Sinasamba at pinupuri Ka namin, Panginoong Jesukristo.


S. Sapagkat sa pamamagitan ng krus ay sinakop mo ang mundo.

Narrator: Dahil sa hindi mapatunayanang mga bintang sa kanya, si Jesus ay dinala sa harap ng Gobernador,
si Pilato.

Caiphas: Mahal na Gobernador, dinala namin sa harap ang taong ito na nagngangalang Jesus. Hinihiling
naming siya'y iyong parusahan

Pilato: Anong sakdal ninyo laban sa taong iyan?

Caiphas: Siya'y nagpapanggap na anak ng Diyos at ayon sa ating kautusan, ito'y sang malaking pagkakasala.

Pariseo 2: Siya rin ay nangangaral ng mga walang kwentang bagay na siyang nagliligaw sa mga tao.

Pariseo 1: Sinabi rin ng taong iyan na kaya niyang gibain at itayo muli ang templo sa loob lamang ng tatlong
araw.

Pariseo 3: Magtatayo raw siya ng isang kaharian para sa makasalanan at may sakit.

Caiphas : Hatulan mo siya ng kamatayan.

Pilato: Oo. Alam kong iyon ang nasa kautusan, ngunit nasa kautusan din ang isipin at siyasating mabuti ang
taong nagkasala. Ang gusto ninyo'y hatulan ko agad siya ng kamatayan, ngunit hindi yata matuwid na ipapatay
ko ang isang taong walang kaimik-imik.

Caiphas: Bakit pa natin hihintaying magsalita ang Taong iyan. Hindi ka ba naniniwala sa aming habla. Kaming
mga Pariseo at Saserdote ay batid mong matutuwid at lihis sa kasalanan.

Pilato: Alam ko ang bagay na iyan, ngunit hindi ko basta-basta hahatulan ang taong walang kasalanan.

Caiphas: Ngunit siya nga ay nagpapanggap na Hari ng mga Hudyo. Ito'y isang paglapastangan sa Diyos at sa
Ceasar, alam mo iyan Gobernador.

Pilato: Tama na! (kay Jesus) Narinig mo? Narinig mo ang sakdal nila laban sa iyo, Sumagot ka. Saan ka
nanggaling. Alam mo bang kaya kitang palayain o kaya'y ipapako sa krus.

Jesus: Kaya mo lamang magagawa ang mga bagay na iyan sapagkat pinagkaloob sa iyo ng Diyos ang
kapangyarihang iyan, kaya't mabigat ang kasalanang nagdala sa akin dito

Pilato: Ah! Kung gayo'y isa ka ngang hari.

Jesus: Ang kaharian ko'y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinakipaglaban
sana ako ng aking mga alagad at hindi ipinagkanulo sa mga Hudyo.

Pilato: Kung gayo'y isa ka ngang hari.

Jesus: Kayo na ang may sabing ako'y isang hari. Ito ang dahilan kung bakit ako pinanganak at naparito sa
sanlibutang ito, upang magsalita tungkol sa katotohanan.

Pilato: (kay Caiphas) Wala akong makitang kasalanan sa taong iyan.


Caiphas: Ngunit siya'y gumawa ng gulo, dapat lamang siyang mamatay!

Pilato: Tama na! Ang mga tao ang magdedesisyon ng bagay nayan. Nakaugalian natin na tuwing araw ng
paskwa ako'y nagpapalaya ng isang bilanggo, papipiliin natin ang mga tao kay Barabas at Jesus. Ang pipiliin
ng tao ay palalayain at parurusaliin ang maiiwan.

Pilato: Mga minamahal kong mamamayan ng Hudeya, may kaugalian tayong tuwing araw ng Paskwa, ako'y
nagpapalaya ng isang bilanggo, sino ang gusto ninyong palayain ko sa dalawang ito?

Claudia: Huwag kang makialam sa taong iyan na walang kasalanan, sapagkat kagabi, pinahirapan ako ng
aking panaginip tungkol sa kanya.

Pilato: Wala na akong magagawa pa. Ang nasabi ko'y nasabi ko na. Hindi ko na ito mababawi pa.

Claudia: (aalis)

Pilato: Sino ang gusto ninyong palayain ko, si Barabas o si Jesus na tinatawag ninyong Kristo?

Taong bayan (nakararami): Si Barabas! Si Barabas ang nais namin! Si Barabas!

Taong bayan (iilan): Si Jesus! Palayain si Jesus! Si Jesus!

Pilato: Ngunit itong si Barabas ay isang mamatay-tao't makasalanan at si Jesus naman ay walang ginawang
mali, sa halip ay tinutulungan pa kayo.

Caiphas: Ngunit nangako ka na palalayain mo ang sinumang piliin ng mga tao.

Pilato: Oo! Oo, alam ko. Ano ang gusto ninyong gawin sa taong ito, si Jesus na tinatawag ninyong Kristo?

Taong bayan (nakararami): Ipako sa Krus! Ipako ang taong iyan! Ipako sa krus

Taong bayan (iilan): Huwag! Malinis ang taong iyan! Huwag!

Pilato: (sa utusan) Ikuha mo ako ng tubig. (naghugas ng kamay) (sa mga tao) kung kamatayan ng taong ito
ang nais ninyo, bahala kayo. Naghugas na ako ng aking mga kamay sa harapan ninyo. Wala na akong
pananagutan sa pagkamatay ng taong iyan. (*aalis na si Pilato)

Caiphas: Pananagutan naming at ng aming mga anak ang kamatayan ng taong iyan. (dinala ng mga sundalo
si Jesus sa _____ at hinampas ang likod at kanilang pinutungan ng koronang tinik.)

P. Sundalo: Mabuhay ang hari ng mga hudyo.

Pagninilay: Panigoon, naranasan Mo ang sakit sa katawan ng paghampas sa iyo at ang sugat na dulot ng
koronang tinik na pinutong sa iyong ulo. Naranasan Mo ang hapdi sa puso ng pagyurak sa iyong dangal at
pag-insulto sa lyo. Wala silang habag, walang awa. At pag-aakala pa ng iba sa kanila ay ginawa nila ang
makatarungan.

Anong tapang ang Iyong ipinamalas, Panginoon! Tiniis Mo ang lahat upang maganap ang iyong misyon
bilang Mesiyas. Ipinakita Mo na ang katapatan ay handang isaalang-alang ang lahat para sa minamahal,
handing magtiis, handang magbata.

Kami'y marupok, Panginoon. Sa gitna ng hirap at sakit ay madali kaming mawalan ng lakas, matangay
sa kalakaran ng mundo. At kung kami'y nasasaktan, hindi kami mapalagay hanggang hindi namin naigaganti
ang sakit na aming nararanasan. Sa sandaling gumawa kami ng masama sa kapwa, Ikaw ang aming
hinahampas. Kung kami'y walang habag sa kapwa, Ikaw ang aming tinatanggihan.

Ikaw ang aking Panginon, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.

Ama Namin...
Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na walang hanggan maawa po kayo sa
amin at sa buong mundo (3x). Amen.

Ikalimang Istasyon
"ANG PAGTANGGAP SA KRUS"

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo.


S. Sapagkat sa pamamagitan ng krus ay sinakop mo ang mundo.

Narrator: Ayon na rin sa hatol sa kanya, pinasan ni Jesus ang krus niya patungong golgota.

P. Sundalo: Hayan ang iyong krus. Pasanin mo ito patungo sa iyong katapusan.

Pagninilay: Panginoon, nakabibingi ang iyong katahimikan sa gitna ng gulo at ingay ng mga tao, ang
katahimikan Mo ay nakaugat hindi sa takot kundi sa kababaang loob. Sa gitna ng kaguluhan ang sukli Mo'y
kapayapaan.

Ano nga ba ang iyong lihim at saan galing ang lyong lakas? Ngayon ay aming lubos na nauunawaan
na ang iyong katapatan sa Ama ay di-matitinag. Tinanggap Mo ang krus nang walang pasubali sapagkat talos
Mong ang lahat dito sa buhay ay may kanya-kanyang layunin. At ang lahat ng layunin ng Diyos ay Mabuti.

Ikaw ang nagsabi na sinumang sumusunod sa Iyo ay dapat tumalikod sa sarili at dapat pasanin ang
kanyang krus. Gawaran Mo kami, Panginoon, ng lakas na harapin ang krus ng aming buhay na walang iba
kundi ang mga pananagutan namin, ang mga problema at pagsubok na ngayon ay aming kinakaharap.
Tulutan Mo kami na huwag manghinawa sa pagtupad ng lyong mga aral, sa paggawa ng mabuti, sa
paglilingkod sa lyo at sa aming kapwa, at pagtitwala sa lyo.

Ikaw ang aking Panginon, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.

Ama Namin...
Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na walang hanggan awa po kayo sa amin at
sa buong mundo (3x). Amen.

Ikaanim na Istasyon
"ANG PAGKASUBASOB NI JESUS"

N. Sinasamba at pinupuri Ka namin, Panginoong Jesukristo.


S. Sapagkat sa pamamagitan ng krus ay sinakop mo ang mundo.

Narrator: Dahil sa bigat ng krus na Kanyang dala at sa pagod dahil sa ginawang pagpapahirap sa kanya, siya
ay nasubasob sa lupa. Dumagan sa Kanya ang krus na halos ikadurog ng kanya buto.

(*nadapa si Jesus)

Pagninilay: Panginoong Jesu-Kristo, buong loob Mong pinasan ang krus, at hindi Mo inalintana ang bigat nito.
Naglakad Kang pasan ang mabigat na kahoy na krus na halos ikabali ng Iyong balikat. Nagpaltos ang Iyong
balat na nagsimulang sumugat dahil sa mabigat na krus na lyong pasan.
Tulad ng sinumang tao, dumanas Ka ng panghihina ngunit hindi nagkaroon ng puwang sa Iyo ang
kasalanan. Naranasan Mong maging bata, nagbinata hanggang sa pagtanda. Naranasan Mo ang matuwa at
malungkot, ang magutom at mabusog. Nakadama Ka ng kapaguran bilang tao na kahit na ang bigat ng krus
ay naging labis sa angking lakas ng Iyong katawan. Ngunit pinasan Mo ng buong puso, dahil sa Pag-ibig sa
Ama, at sa aming mga makasalanan.

Kami naman Panginoon ay mahina at marupok. Madali kaming nadadapa sa kasalanan. Tulungan mo
kaming maging malakas at matatag. At kung kami man ay mapasubasob sa kasalanan, akayin. Mo kami sa
pagsisisi, upang muling makatayo at makasunod sa Iyong yapak. Talos kong hindi Mo nais ang sinumang tao
ay mapahamak. Kaya nga akayin mo Mo kami upang pagsisihan, ikumpisal at talikdan ang mga kasalanan na
naglalayo sa amin upang ikaw ay makapiling.

Ikaw ang aking Panginon, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.

Ama Namin...
Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na walang hanggan maawa po kayo sa
amin at sa buong mundo (3x). Amen.

Ikapitong Istasyon
"TINULUNGAN SI HESUS NI SIMON CIRENEO"

N. Sinasamba at pinupuri Ka namin, Panginoong Jesukristo.


S. Sapagkat sa pamamagitan ng krus ay sinakop mo ang mundo..

Narrator: Dahil sa bigat ng krus ay muling nadapa si Jesus. Nakita ng mga sundalo na hirap na hirap na si
Jesus kaya't kumuha sila ng isang lalaking maaring tumulong sa Kanya upang buhatin ang krus.

Sundalo: Hoy ikaw! Oo ikaw. Lumapit ka dito at tulungan mo siya.

Simon: Ako? Bakit ako? Marami namang iba d'yan.

Sundalo: 'Wag ka na magtanong pa. Basta tulungan mo na lang siya.

Pagninilay: Panginoong Jesu-Kristo, bumigay ang Iyong lakas sa bigat ng krus na lyong pasan. Nangamba
ang mga sundalo na baka hindi Mo na marating ang lugar na Iyong pagpapakuan kaya't nang makasalubong
nila ang isang lalaking ang ngalan ay Simon, pinilit nilang sa kanya ipapasan ang Iyong krus, sa una’y mabigat
para sa kanya dahil sa siya'y pinili at inutusan lamang. Labag sa kanyang kalooban ang pasanin ang krus at
magdusa dahil sa wala naman siyang dapat pagdusahan. Ngunit ng Makita ni Simon Cireneo ang Iyong
mukha at kalagayan, siya ay nahabag. Ang hirap ay napalitan ng pinaghalong habag at tuwa.

Tulad ni Simon, marami kaming pinasan sa aming buhay. Ang pananagutan sa tahanan, sa hanap-
buhay o pag-aaral, sa aming Simbahan at pamayanan. Madali kaming magdamdam at magalit kung
dinaragdagan pa ang aming mga pasanin. Ngunit kapag bukal sa aming puso ang aming ginagawa at hindi
iniinda ang sariling kaginhawahan, nakatatagpo kami ng kaligayahan dahil ikaw ay nasasalamin namin sa mga
taong aming nakakasalamuha at pinaglilingkuran.

Pag-alabin Mo sa aking diwa ng pasasalamat sa mga taong nagpapagaan ng aming pasanin,


kalungkutan, alalahanin at problema. Ituro Mo sa amin ang maging mulat sa kalagayan ng iba, lalo na sa
nangangailangan.

Ikaw ang aking Panginon, ngayon at magpasa walang-hanggan. Amen.

Ama Namin...
Banal Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na walang hanggan maawa po kayo sa amin at
sa buong mundo (3x). Amen.
Ikawalong Istasyon
"NASALUBONG NI HESUS ANG MGA BABAENG TAGA-JERUSALEM"

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo.


S. Sapagkat sa pamamagitan ng krus ay sinakop mo ang mundo.

Narrator: Sa kanyang paglalakbay patungong golgota, nakasalubong niya ang mga babae ng Jerusalem na
nananangis.

Jesus: Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo Akong tangisan. Ang tangisan ninyo ay ang inyong sarili
at mga anak. Tandaan ninyo: darating ang mga araw na sasabihin nila, mapapalad ang mga baog, ang mga
sinapupunang hindi nagdalang tao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso. Sa mga araw ding iyo'y sasabihin
ng mga tao sa mga bundok, gumuho kayo sa amin at sa sa mga burol, tabunan ninyo kami! Sapagkat kung
ganito ang ginawa sa kahoy na sariwa, ano pa kaya ang gagawin sa tuyo?

Pagninilay: Panginoong Jesu-Kristo, sinalubong Ka ng mga babaing nananangis sa lyong naging kapalaran.
Umiiyak sila dahil sa Iyong kaawa-awang kalagayan at sa paghihirap na lyong dinaranas. Hindi nila
matanggap na ang isang katulad Mo na gumawa ng mabuti ay magdusa. Ngunit sa halip na kahabagan mo
ang lyong sarili ibinaling mo ang iyong pansin sa kanila. Pinagbalaan Mo sila sa mga mangyayari kung ang
kasalanan ay mananatili sapagkat talos mo ang darating na kapahamakan.

Kami ma'y naaawa sa Iyo sa tuwing makikita naming ang larawan ng isang nakapakong Kristo.
Nahahabag kami sa lyong masakit na kalagayan. Ngunit ngayon namin napagtanto na hindi kami dapat
tumangis sa iyo kundi sa aming mga sarili dahil kami ang nagkukulang sa Iyo. Ang aming kasalanan ang
nagpapabigat sa Iyong Pasang krus.

Turuan mo kaming matagpuan ang Iyong pakikipiling sa aming puso at sa katauhan ng aming kapwa.
Ipaunawa Mo sa amin lagi ang iyong mapagpatawad ng pag-ibig na marunong umunawa.

Ikaw ang aking Panginon, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.

Ama Namin...
Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na walang hanggan maawa po kayo sa amin at sa buong
mundo (3x). Amen.

Ikasiyam na istasyon
"SI HESUS AY INALISAN NG MGA DAMIT AT IPINAKO SA KRUS"

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo.


S. Sapagkat sa pamamagitan ng krus ay sinakop mo ang mundo

Narrator: Nang makarating sila sa golgota, ang mga sundalo ay hinubaran at inihiga si Jesus sa krus upang
doon ay ipako. Ang kanyang mga damit ay ipinagsapalaran nila upang malaman kung kanino ito mapupunta.
Habang si Jesus ay nakapako, siya ay tinuya ng mga eskriba at pariseo

Jesus: Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa!

Pagninilay: Panginoon, anong sakit ang Iyong naramdaman nang alisan Ka ng damit. Dahil dito ay muling
nabuhay ang mga sugat sa Iyong katawan na dulot ng hampas at hagupit ng mga tampalasan; ang balikat na
nabugbog dahil sa bigat ng krus. Ang lahat nang ito'y Iyong tiniis, habang ang Iyong damit ay kanilang pinag
sapalaran.

Huwag Mo kaming tulutang maging bulag sa mga nangyayari sa aming paligid tulad nang mga taong
nagbubulagbulagan sa sinapit Mong paghihirap sa kamay ng mga sundalo. Himukin Mo kaming dumamay at
tumulong sa kalagayan ng iba, ang magbigay ng pag-asa, ang magkaloob ng patawad at pang-unawa. Pawiin
Mo sa amin ang pagiging mapagbalat-kayo.

Sa panahong ito na ang takbo ng mundo ay mapasarap sa luho ng buhay, turuan Mo kami ng diwa ng
pagtitimpi at huwag maging alipin ng aming layaw at laman.

Ikaw ang aking Panginon, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.

Ama Namin...
Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na walang hanggan maawa po kayo sa
amin at sa buong mundo (3x). Amen.

Ikasampung Istasyon
"PINATAWAD NI JESUS ANG ISA SA MGA MAGNANAKAW"

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo.


S. Sapagkat sa pamamagitan ng krus ay sinakop mo ang mundo

Narrator: Nang maipako si Jesus ay itinayo siya sa pagitan ng dalawang magnanakaw. Doon siya ay tinuya
ng isa sa kanila.

Hestas: Hindi ba't ikaw ang mesiyas? Kung gayon iligtas mo ang iyong sarili pati na kami

Dimas: (kay Hestas) Tumahimik ka! Hindi ka ba natatakot sa iyong mga sinasabi. Marapat lamang na tayo ay
parusahan dahil sa ating mga nagawang pagkakasala ngunit ang taong ito ay malinis at walang nagawang
kasalanan. (kay Jesus) Jesus patawarin mo ako at sana ay alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.

Jesus: Sinasabi ko sa’yo, ngayon din ay isasama kita sa paraiso

Pagninilay: Panginoong Jesukristo, hindi lamang pasakit sa katawan ang lyong dinanas ngunit pati na ang
pasakit sa kalooban bunga ng pag-alimura ng mga tao tulad ng isa sa dalawang magnanakaw na ipinako
kasama Mo. Ang ituring Kang isang saların kasama nila ay dagdag na pasaning Iyong tiniis para sa
sangkatauhan.

Nakadarama kami ng kakaibang kaligayahan tuwing aming aalalahanin ang ginawa Mong
pagpapatawad sa magnanakaw na humiling sa lyo na siya'y isama Mo sa paraiso. Ang tagpong ito ay
nagdudulot sa amin ng pag-asa at kasiguruhan na kami'y, hindi Mo tatanggihan sa sandaling kami'y lumapit sa
lyo at magbalik-loob na kami'y lyong tatanggapin, kahit na ano pa man ang aking nakaraan. Kung ako lamang
ay pakukupkop sa lyo.

Naririto po kami at nagpapaampon sa Iyo. Maghari ka sa aming buhay at gawin kaming alipin ng iyong
pagmamahal. Baguhin Mo ang aming palalong puso.

Ikaw ang aking Panginon, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.

Ama Namin...
Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na walang hanggan maawa po kayo sa
amin at sa buong mundo (3x). Amen.

Ikalabing-isang Istasyon
"ANG MAHAL NA BIRHEN AT SI SAN JUAN SA PAANAN NG KRUS"

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo.


S. Sapagkat sa pamamagitan ng krus ay sinakop mo ang mundo
Narrator: dumating si Maria, ang ina ni Jesus, si Juan na kanyang alagad at si Maria Magdalena. Hinayaan
silang lumapit sa krus. Doon ay inihabilin ni Jesus ang kanyang ina sa kanyang alagad.

Jesus: (kay Maria) Babae, hayan ang iyong anak, (kay Juan) anak hayan ang yong Ina

Pagninilay: Panginoong Jesu-Kristo, sukdulan ang paghihirap na lyong tiniis sa kamay ng mga sundalo at sa
pagdusta ng mga tao. ngunit ang Makita na may mga nakikiisa sa lyong kalagayan, lalo na ang Iyong
pinakamamahal na Ina, ay sapat na upang maibsan ang hirap at sakit na ipinataw sa lyo. Kaya naman
ipinagkaloob Mo sa kanya na pati na ang buong sangkatauhan na kinakatawan ni San Juan, ay kanyang
alagaan. Pinasasalamatan ka namin nang walang hanggan sa pagbibigay Mo sa amin ng isang ulirang ina.

Ikaw ang aking Panginon, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen

Ama Namin...
Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na walang hanggan maawa po kayo sa
amin at sa buong mundo (3x). Amen.

Ikalabing dalawang Istasyon


"ANG PAGKAMATAY NI JESUS SA KRUS"

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo.


S. Sapagkat sa pamamagitan ng krus ay sinakop mo ang mundo

Jesus: Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan.

Jesus: Akoy nauuhaw

("painumin gamit ang ispongha)

Pariseo 1: Hindi ba’t ikaw ang gigiba ng templo at muling magtatayo nito sa loob lamang ng tatlong araw.
Paano mo ito gagawin ngayon? HAHAHA! Iligtas mo ngayon ang iyong sarli! HAHAHA!

Caiphas: Kung ikaw nga ang anak ng Diyos HAHAHA! Bumaba ka diyan sa Krus. HAHAHA! Iniligtas ang iba
ngunit ang sarili ay hindi mailigtas. HAHAHA!

Pariseo 2: Hindi ba’t ikaw ang hari ng Israel? Kung gayo’y bumaba ka diyan sa krus at maniniwala kami sa’yo.

Pariseo 3: Nananalig siya sa Diyos at sinasabi niyang siya ang anak ng Diyos. Iligtas ka ng Diyos kung
talagang iniibig ka niya

Jesus: Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.
Eli Eli Lama Sabachthani

Pariseo 3: Shhh! Pakinggan Ninyo, tinatawag niya si Elias. HAHAHA! Tingnan natin kung darating si Elias
para iligtas siya. HAHAHA!

Jesus: Naganap na!

Jesus: Dominus In manus Tuas Commendo Spiritum Meum

Jesus: Ama sa iyong mga kamay, inihahabilin ko ang aking espiritu

("iyuyuko ang ulo at mamamatay, magkakagulo ang mga tao dahil sa lindol at bagyo)

Sundalo: Tunay ngang Anak ng Diyos ang Taong iyon.


('pieta pagkatapos manalangin.)

Pagninilay: Panginoon, ang pag-ibig mo'y lubhang napakadakila. Totoo ang sinabi mo noong una, "Wala nang
hihigit pa sa pag-ibig ng isang nag-aalay ng kanyang sariling -buhay para sa kanyang kaibigan." Ngayon ko
natatalos ang katunayan ng pag-ibig mo sa sangkatauhan, sa amin na isang makasalanan. Sa oras ng iyong
dakilang pagpapakasakit, ang namumutawi sa iyong labi ay kapatawaran sa mga taong umalipusta sa ivo

Naganap ang lahat ng ito dahil sa hangarin Mong tubusin kami sa kasalanan. Nauhaw Ka, hindi sa
tubig o alak kundi sa aming pagmamahal, sa aming pagbabagong buhay, sa aming pagbabalik loob.

Sa ginawa Mong ito, Panginoon, nahihiya kami dahil sa aming kawalan ng pagpapahalaga sa Iyong
ginawa Sa kabila ng pag-ibig Mong inialay, ang sukli ko'y kasalanan. Sa halimbawa ng lyong pag ibig,
ipinangangako ko na sisikaping ibigin ang aking kapwa, at maging tunay na alagad Mo. Hindi ko hahayaang
masayang ang Kaligtasang naganap sa Kalbaryo para sa amin. Tulungan Mo kami na maging wagas pag-ibig,
pag-ibig na hindi makasarili, marunong magtiiis at magtiyaga hanggang wakas.

Ikaw ang aking Panginon, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen

Ama Namin...
Banal na Diyos, Banal na puspos ng kapangyarihan, Banal na walang hanggan maawa po kayo sa amin
at sa buong mundo (3x). Amen.

( ibababa si Jesus sa krus at ihihiga sa kalungan ni Maria. Pagkatapos ay uusad ang prosesyon)

Ikalabing tatlong Istasyon


"SI HESUS AY INIHATID SA LIBINGAN"

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo.


S. Sapagkat sa pamamagitan ng krus ay sinakop mo ang mundo.

Narrator: Nang magtatakipsilim na, dumating si Jose na taga Arimatea. Hiningi niya kay Pilato ang bangkay ni
Jesus upang ilibing.

Maria: (nagdadalamhati)

Pagninilay: Panginoong Jesu-kristo, nakikinita namin ang kalungkutang bumalot sa mga taong naroroon nang
Ika'y ibinaba mula sa krus. At di sila nag-aksaya ng panahon. Nais nilang Ikaw ay mailibing kaagad dahil ang
mga Judio ay magsisimula na ng Araw ng Pamamahinga. Dali-dali ka nilang inihugos, at sumandaling
napahilig sa bisig ng iyong inang lumuluha at kagat labing hinaplos ang Iyong mukha, at ang mga kaibigan Mo
at ilang mga babae ay nagtulong-tulong na ibalot Ka. At sa bagong libingan na inukang bato, Ikaw ay inilibing.

Ikaw ay tunay na naging payak at dukha hanggang kamatayan. Simula nang Ikaw ay isilang sa daigdig
na ito, wala Kang lugar na matatawag na lyo kundi nakihiram ka ng iyong pagsisilangan: isang sabsaban, pag-
aari ng mga hayop. Hanggang sa iyong kamatayan, wala Ka ring tinuring libingan, kundi kinakailangang
pahiramin ka upang ikaw ay may mapaghimlayan, Ikaw na kung tutuusin ay may-ari ng lahat sa mundo at sa
kalangitan, ay naging payak at nabuhay sa kahirapan.

Kami ngayo'y tinuruan Mo na makita na ang kahulugan ng buhay ay wala sa dami ng ari-arian, na ang
kapayapaan ay wala sa kayamanan. Ang kapayapaan ay wala sa kayamanan at luho ng mundo, kundi nasa
pananampalataya at pagsunod sa Iyo. Pukawin Mong lagi ang aming gising na isipan at kalooban na aming
lugod na mauunawaan ang lyong buhay at halimbawa sapagkat nasa Iyo lamang ang kapanatagan ng aking
kaluluwa.

Ikaw ang aking Panginon, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.


Ama Namin...
Banal na Diyos, Banal na puspos ng Kapangyarihan, Banal na walang hanggan maawa po kayo sa
amin at sa buong mundo (3x). Aren.

Ikalabing-apat na Istasyon
"ANG MULING PAGKABUHAY NI HESUS"

N. Sinasamba at pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo.


S. Sapagkat sa pamamagitan ng krus ay sinakop mo ang mundo

("Pagkabuhay)

Pagninilay: Aleluya! Panginoong Muling Nabuhay, natupad ang lyong pangako noong, una - na Ikaw ay
muling mabubuhay pagkatapos ng tatlong araw. Ang malagim na nangyari sa Kalbaryo ay napalitan ng
kaningningan ng maluwalhating pagkabuhay Mo. Ang luha ay napalitan ng ngiti. Sa Iyong muling pagkabuhay,
naging pag-asa Ka't tagumpay ng sangkatauhan.

Ang pagkabuhay Mo, Panginoon, ay bumabago sa aming pagkatao na tila pagyanig ng dulot ng lindol
sa lyong libingan noong Ika'y muling nabuhay. Ang aming dating makitid na pananaw at makasariling asal ay
hindi na namin maari pang panindigan kung Ikaw ang nais sundan. Ang makamundong pamumuhay ay hindi
maaaring isabay kung landas Mo ang aming tatahakin. Kaya naman ang samo namin sa Iyo ay buksan Mo
ang libingan ng aming lumang pagkatao at buhayin mo ang isang bagong pagkatao na nakasalig sa Iyo.

Tulutan Mong maibigay ko sa iba ang Iyong pag-ibig sapagkat iyan ang habilin Mo sa lahat ng Iyong
alagad. Matuto nawa akong dumamay nang walang hinihintay na kapalit na anuman. At higit sa lahat ay
panatilihin Mo ako sa kagalakan na Ikaw lamang ang makapagbibigay.

Ikaw ang aking Panginon, ngayon at magpasawalang-hanggan. Amen.

Ama Namin...
Banal na Diyos, Banal na puspos ng kapangyarihan, Banal na walang hanggan maawa po kayo sa amin
at sa buong mundo (3x). Amen.

'HULING PANALANGIN’

Panginoon, makita kaya namin ang nais naming Makita sa landas na tinahak mo buhat sa tahanan ni Pilato
hanggang dito sa iyong libingan? Makita kaya namin ang aming sarili at ang aming mga kapatid nang Iyong
makatagpo sa gitna ng daan? Sino nga kaya ang aming hinahanap sa aming paglalakbay sa buhay? Ang amin
kayang sarili… O Ikaw? Sino ang aming nais makatagpo sa dulo ng aming landas, ang aming sarili na nag-
iisa, O Ikaw na kasama ng lahat mong hinirang? Sinabi Mo Panginoon na maliban kung ang butil ng binhi ay
mahulog sa lupa at matanim ito'y hindi sisibol, hindi magbubunga. Kami ang tinutukoy Mo, Panginoon,
sapagkat Ikaw rin ang may sabing hindi mabuti sa tao ang manatiling nag- iisa. Inilagay mo kami sa isang
pamayanan upang sama-sama naming tahakin ang landas na iyong dinaanan, sama-sama naming tuklasin
ang iyong katotohanan. Igawad Mo sa amin ang biyayang matamo ang mga bunga ng Iyong pagkamatay at
muling pagkabuhay nang makilala namin at maisabalikat ang aming pananagutan sa isa't isa sa buong
sambayanan.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like