Professional Documents
Culture Documents
Dela Cueva Series 3 My Playful Love
Dela Cueva Series 3 My Playful Love
by FeistyKontessa
Fate offered her a man, not just one but two. Ang isa ay ama ng anak ni Kisses at
ang isa naman ay gustong magpakaama sa bata.
Kung titimbangin niya ay mas matimbang ang laman ng puso pero mas matimbang doon
ang kapakanan ng kanyang anak na si CK lalo na kung hindi ayon ang tadhana sa laman
ng kanyang puso.
If both are offering love, will she choose the playful one over the man who's
sincere all the time, trying to cope with the times he wasn't there as a father to
his daughter?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
I N T R O D U C T I O N
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
PROLOGUE
Prologue
Flag girls surrounded Grieco Antonio. He wholeheartedly spreads his arms wide
open to hug the closest girls. Halata ang kilig sa mga mata ng mga babae nang
mapadikit sa katawan niya kaya ang ngiti niya ay nauwi sa makalaglag matris na
ngisi.
He's there for some shots after winning the race. Finally, he could go back
home after his trainings and all his effort. Sikat na naman siya hindi lang sa
mundo ng karera kung hindi sa mga babae. Nawala ang lahat ng pagod niya at puyat sa
pangangarera bago ang laban dahil sa tagumpay na nakamtan niya.
Pinisil niya ang baywang ng babaeng nasa kaliwa niya kaya agad itong tumingala.
"I'm free tonight." Maharot na sabi niya saka pasimpleng hinalikan ang babae sa
tainga.
"So?" tumaas ang isang kilay nito pero lalo siyang ngumisi.
"So let's slam bam 'til dawn." Kibit balikat niya at agad nitong nakagat ang
labi saka sumulyap sa kaumbukan ng suot niyang race suit.
The corner of his lips tips up, showing that cockiness and proud face. He's not
huge for Pete's sake. He's enormous and he knows that the woman will never say no
to his indecent proposal.
"What time?" anito nang mapansin yata na malaki ang hinaharap niya.
"10:00 PM." He whispered and smiled at the camera.
Humarap naman siya sa kabila at ang isang babae naman ang pinisil niya sa
baywang. Malamang na kung elastic ang mga braso niya ay lahat ng nakahilerang
babae, kaliwa at kanan ay aalukin niya ng sex.
"I'm free tonight." He said to the other girl.
"I know." Sagot nito. "I heard you. I'll be there, too, 10:00 PM." Ngumiti ito
at dinilaan ang sariling labi.
"Alright." Eco bobs his brow and smiled at the camera, showing one of his
finest smiles-the smile of the ultimate playboy, king of the road and king on the
bed.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Playful Love 1
Halos maihi si Krista Isabella nang tumama ang kutsilyo sa lintik na kahoy na
pinagkakatalian sa kanya. Pangatlong beses na iyon na pinasok niya ang trabaho sa
perya bilang target sa isang umiikot na board. Kung akala ng iba ay sa pelikula
lang iyon nakikita, pwes malaking pagkakamali iyon dahil nangyayari iyon sa totoong
buhay at nangyayari sa kanya sa mga oras na iyon.
She needs money. That’s her reason. Gumagatas pa si Czarina at may lagnat nga
ang bata kaya dumidilehensya siya ng pera para maipa-check up niya sa private na
duktor. Tatlong araw na ang lagnat at naaalarma na siya dahil tumataas iyon ng nasa
40 degrees Celcius.
She loves her daughter so much and Czarina is her life that’s why she’s willing
to risk her own for her daughter’s safety.
May sampung kutsilyo pa ang patatamain sa board kaya halos mausal niya ang Ama
Namin nang pabaliktad para lang pakinggan siya ng Diyos.
“Kisses! Si Czarina isinugod sa ospital ni Nanay! Bumaba ka na riyan, babae
ka!” Sigaw mula sa umpukan ng mga manonood at natitiyak niya na kay Evelyn ang
boses na iyon ng babae.
Ano?! Hindi niya malaman kung paano siya bababa sa lintik na spinning wheel
kaya sumigaw siya nang malakas. “Pakawalan niyo ako rito! Iyong anak ko!”
She yells and wriggles against the tight rope. Kumiwal-kiwal siya nang husto
pero hindi siya pinansin ng lalaking tumatarget sa kanya kaya hindi siya tumigil sa
pagsigaw.
“Idedemanda kita! Ayoko na! Itigil mo na! Pakawalan mo ako letse k—inaaaaay!”
Pumikit siya nang batuhin siya ng lalaki at tumama iyon sa pagitan ng mga singit
niya.
Kamuntik na ang kabuhayan niyang masaling.
“Pakawalan niyo ako!” Kisses screamed and in a blink of an eye, Ebs was already
on the stage.
“Pakawalan mo na, letsugas ka!” Hinampas na ng kaibigan niya ang ulo ng
lalaking kalbo gamit ang bag nito saka dumampot ng isang kutsilyo. “Itumba niyo ang
wheel mga walang hiya!” dinuro ng babae ang kutsilyo sa mukha ng lalaki kaya
napasunod ang mga side kick lalo na nang may sumigaw na lalaki sa mga taong
nanonood.
“Pakawalan niyo na kung hindi sasabog ang ulo niyo! Pulis ako!”
Nagawa pang luminga ng dalaga sa paligid para hanapin ang nagmamay-ari ng
mamalat-malat na boses na iyon pero buong-buo.
Wala siyang nakita na pulis doon pero nagpapasalamat siya sa kung sinong pilato
na iyon ang sumigaw, paraan para makatakas siya sa kinalalagyan niya.
Kahit na nangangatog ang mga tuhod ay pinilit niyang makapaglakad.
“Akin na ang bayad ko!” dumampot si Kisses ng isanlibong piso sa kahon na nasa
mesa at mukhang tatalupan siya ng buhay ng lalaki.
“Mamang pulis! Ayaw akong bayaran!” sigaw niya kahit na mangiyak-ngiyak siya
dahil sa sitwasyon ng anak niya.
“Bayaran mo! Ibigay mo lahat!” sigaw pa ng lalaki at ang mga tao naman ay
nagsisipag-alisan na kaya ang kahon na mismo ng binitbit niya.
Suot pa rin ang costume at may bola pa siya sa ilong ay wala siyang pag-
aatubili na hinila si Evelyn papaalis.
“Anong nangyari sa baby ko?” Umiiyak na tanong niya sa kumare niya na pinsan pa
niya.
“Hindi ko alam. Nanlupaypay na lang ‘yong bata kaya nataranta na si Inay.
Dinala niya kaagad sa PGH kasi maputlang-maputla at nagkumbulsyon. Bumigla raw ang
taas ang lagnat.” Ani Evelyn na ramdam din niya ang nerbyos sa boses nito.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
4-Stalking
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
8-Strong Woman
Playful Love 8
“Hi Kisses!”
Agad na napatigil si Kisses sa paglalakad nang maulinigan ang boses ng
transferee sa University. Isang linggo na ito sa unibersidad at simula nang
magkabungguan sila sa may basketball court ay hindi na siya tinantanan ng lalaki.
He's Hade, a rich guy from de LaSalle University. Balita niya sa kaklase niyang
si Hanna ay pinatalsik ang lalaki sa eskwelahan, pinatalsik ng sariling ama dahil
sa ugaling taglay. His father is one of the many wealthy men who founded that
exclusive school but Hade has a bad habit, a tantrum. That's what she heard. Simula
nang malaman niya iyon ay umiwas siya sa lalaki. Wala rin siyang balak na
makipagmabutihan dito kahit na noong nakaraang araw ay nalaman nito ang number niya
sa hindi malamang paraan. Malalaman pa lang niya dahil papasok pa lang naman siya
matapos ang tatlong araw na pag-absent dahil sa anak niya.
She decided to walk again and didn’t pay attention.
“Hey,” anito pa sa may gawing likuran niya saka hinawakan ang kanyang siko na
kaagad naman niyang iwinaksi.
“Ano ba?” angil niya kaagad.
Itinaas ni Hade ang dalawang kamay sa ere saka ngumisi. Nabibwisit siya sa aura
nitong parang kung sinong matinee idol kung maka-aura. Oo nga at pogi ito pero
hindi naman ito ang nag-iisang pogi sa mundo.
“Easy. You’re so allergic.” Maangas na naglakad ang lalaki kasabay niya pero
mas nilakihan ni Kisses ang mga hakbang.
Naiinis siya sa tuwing nakikita itong walang humpay sa pagkamay sa buhok na
parang ibinabalik ang dekada setenta. Naiinis siya sa pagiging cool nito dahil
halata naman niya na parte lang iyon ng kayabangan ni Hade. He has that sarcastic
look ang oozing with ego. Iba itong pumorma at ibang kumilos. Para itong bata kung
umasta at nabibwisit siya sa mga pasaring nito sa kanya, sa mga titig nitong parang
isang dakilang manyakis.
“Hindi mo man lang ako ni-reply when I texted you. You should rejoice.” Ani
Hade sa kanya.
Ano? Kaagad na bumagting ang tainga ng dalaga sa narinig. Ang kapal talaga.
Sukat doon ay napatigil siya at hinarap ang lalaki.
“Hindi ako kasing babaw ng mga babaeng isang linggo ng nagkakandarapa sa'yo.”
Duro niya sa pagmumukha nito.
Para itong isang lata na hindi tinablan ng salita niya. Ngumisi lang ang lalaki
at tumingin sa mga labi niya. “I wonder what that beautiful mouth could do,
Kisses.” Tila may halo na kahalayan ang tono ng boses ng lalaki na lalong nagpakulo
sa dugo niya.
Ang saya-saya pa naman niya dahil may trabaho na siya at nakapag-advance na
kaagad ng fifty thousand tapos hinarang naman siya ng isang balahura.
“It could kill.” She gritted her teeth and turned back.
“Then kill me.” Hade yells while chuckling. “Kill me in pleasure, baby!”
Hiyang-hiya siya sa mga estudyanteng nasa paligid nang magtinginan ang mga iyon
sa kanya. Alam sa buong eskwelahan na dating GRO ang ate niya dahil doon din iyon
nag-aral nang mapunta sa Maynila. Ipinagpapalit no'n ang katawan para magkaroon ng
pang-tuition at makapag-aral. May ilang taga-Masbate rin ang naroon noon na inabot
pa ang ate niya sa Polytechnic kaya kumalat ang balita na kapatid siya ng isang
mababang uri ng babae. Hindi rin niya maialis sa isip ng karamihan na ganoon din
siya pero binabalewala niya ang tsismis. Wala siyang pakialam dahil siya naman ang
nakakaalam ng totoo, kung sino siya at ano siya. Hindi niya hinuhusgahan ang
kapatid niya dahil naiintindihan niya ang naging sitwasyon niyon. Galing sila sa
hirap at naghihirap pa rin. Kung wala ng makapitan, kakapit na sa patalim para
mabuhay. Sumuko ang ate niya sa hamon ng buhay kaya ganoon ang napiling direksyon
pero siya ay hindi. She’s trying her best to remain strong and find ways how earn
money without trading her body.
Playful Love 11
Ang bugnot na mukha ni Eco ay napalitan ng isang ngiti nang matanaw niya si
Clive Axl na tumatakbo sa loob ng building ng airport.
“Daddy Eco!” Tumalon ang batang lalaki at tuluyang nagpakarga sa kanya.
Sa wakas ay nawala ang ikinaiinip niya at ang pagod na naramdaman nang yakapin
siya nang mahigpit ng inaak.
“Buddy! I miss you so much.” Nakangiting sambit niya.
Pagkatapos niyang pumunta sa ospital ay dumiretso na muna siya sa bahay at
naligo. He never expected receiving a call from Candice. Hindi kasi niya inasahan
na mapapaaga ang pag-uwi ng mag-ina para magbakasyon sa Pilipinas. He's expecting
them next week before his parent's anniversary but now they're here.
“I miss you, too Daddy. You haven't changed a bit. Magkamukha pa rin tayo.”
Anito pa saka tiningnan ang mukha niya kaya humalakhak siya.
Bumaling ang tingin niya sa babaeng naglalakad papalapit habang nakangiti.
Ngumiti rin siya nang pormal nang magkatitigan sila ni Candice. She looks three
times younger. She's still so very gorgeous and sexy as hell but he has no familiar
erection. Noon ay halos umalsa ang zipper ng pantalon niya kapag nagkakadikitan
sila pero ngayon ay hindi na; matagal ng hindi.
“Hi there, Duke.” bati nito sa kanya.
He offered his hand and she immediately held it. “Hi, Duchess.” Aniya naman
saka ito marahang hinila at hinalikan sa pisngi. “Namiss kita.” Bulong niya sa may
tainga ni Candice.
Yumakap maman ito nang mahigpit sa batok niya matapos na humagikhik. “I miss
you so much. I'm sorry for disturbing you.”
“You will never disturb me; not my Axl.” Tumingin si Eco sa mukha ng inaanak
niya.
Habang tumatagal ay nagmumukha na itong foreigner talaga. kamukha ito ng ama
pero huwag sanang magmana na drug abuser kapag lumaki na. He will not let it
happen; not as long as he lives. Aaminin niya na tumikim siya ng bawal na gamot
noong kabataan niya pero hindi niya hinayaan na malulong doon. He never made drugs
the center of his Universe because it's his family. He loves himself and doesn't
want to see him suffer ang looks like a douchebag. He will not let it happen to
Clive.
“Where to? Straight home or want to have dinner first?” Nagpalit-palit ang
tingin niya sa mag-ina na itinuring na rin niyang mag-ina niya talaga.
Bumuka ang bibig ni Candice pero nagsalita rin siya kaagad. “Dinner first. I
miss this young buddy of mine. Ihahatid ko kayo sa condo ko mamaya. Pagtyaan niyo
munang mag-ina dahil hindi ko pa napapalinisan.you know me. I don't want strangers
to touch what's mine. I authorize the person who must keep my place tidy. I'll
bring my...” He paused when he remembered Kisses.
Eco doesn't want to address that young lady as his cleaner. Kahit kailan ay
hindi niya tinawag ang janitor ng building niya na janitor. He addresses his
employees as, ‘employees’.
“My newly hired employee.” He added.
“Your personal janitor?” Umarko ang mga kilay ni Candice kaya umiling siya.
“Not like that. Let's just say that I trust her.” Kibit balikat ng binata saka
binitiwan ang kamay ng dating kasintahan para hilahin ang luggage nito.
“Her?” Usisa pa ni Candice.
Her. She's a woman. Yes.
“Yes.”
“Pangit malamang. wala ka namang empleyadang maganda.” natatawang sambit ng
babae kaya ngumiti lang siya.
Maganda, maganda sa paningin niya kahit na may anak na.
Hindi na siya umimik pa at hinalikan na lang sa pisngi si
Axl.
“I don't want you to get marry, Daddy Eco. I want Mom and me to be your babies,
not anyone else.” Masungit na palatak ng bata na pinagtawanan lang naman niya.
“Even if I get marry thousand times, it will never change the fact that you are
one of my babies. Your Mom is too old to become my baby. She doesn't fit any
longer.” Biro niya na ikinarolyo naman ng mata ng isa.
“I am not your baby bacause I am your duchess and you're my duke. It will never
change.” Nagpatiunang maglakad si Candice habang kumikendeng ang balakang at siya
naman ay sumunod na rin habang nakatingin sa maliliit nitong baywang.
Ngumiti siya sa isang grupo ng mga tao na alam niyang taga-media. Kilala siya
ng mga iyon dahil laman siya ng sports bilang isang kilalang racer sa buong mundo.
Eco waved his hand and winked. Agad na lumapit ang babae na may dalang camera
kaya tumigil siya sa paghakbang.
“Hi, Eco. Who is the kid? Such a cutie.” nakangising tanong ng babae.
Lumingon si Candice at hinagod ng tingin ang kausap niya.
“Oh God!” bulalas niyon. “It's Candice Smith! Can I have some pix?”
“Sure.” Sagot niya kaagad. Hinila niya sa baywang ang ex-girlfriend at idinikit
ang pisngi sa leeg niya ang ulo nito.
“You make a perfect family.” komento ng babae na ikinangiti lang niya.
Long time ago, he pictured them like that but he had moved on already. Best
friend na ang tingin niya kay Candice at hindi na ina ng mga magiging anak niya.
“Even your heights fit so well. This is so beautiful.”
Nagkatinginan sina Eco at Candice at napangiti siya nang lumipat sa labi niya
ang titig ng babae. In the end, he kissed her temple. Until that very moment, he
has pity for her. If she never fooled him, she's probably happy now. Kung siya ang
pinili nito ay baka ilan na ang anak nila at hindi sana nito naranasan na maiwanan
ng lalaki. Noon, siya ang iniwan pero bumalik dito ang lahat ng pait na naramdaman
niya nang iwan ito ng ama ni Axl. They're even now and he had let it go. He loves
Candice and it's all that matters. He loves her as a very special friend.
“I'm sorry but we have to go. I hope you got the best shots.” paalam na niya sa
babae na agad na tumango at kinamayan pa siya.
“So much for what I need in my item. Thank you, Eco. You're so very kind.”
“And gorgeous.” He added and chuckled.
Humagikhik din ang babae at si Candice naman ang kinamayan bago siya nito
hinila papaalis.
“You're so famous.” tumingala ito sa kanya at lumabi lang siya.
“You, too.” he commented.
“And you're happy mingling around, Grieco?”
“Yes.” napakibit balikat siya. Kuntento naman siya sa buhay niya sa ngayon at
wala naman siyang kailangan sa buhay.
He's not rushing things out. He's not running after marriage because he's sure
that what's destined would surely happen. Sa dami ng nangyari at nasaksihan niya sa
buhay ng mga kapatid niya ay alam niyang sa bawat tao ay may nakatadhana talaga.
His Kuya Enriel left Kendra and after how many years, the two collided, continued
the ruined romance. Ang kuya Hendrick niya ay babaerong masungit pero bigla na lang
na nasumpungan si Macy dahil sa isang bakasyon sa barko.
Siya wala pang gumugulo sa tahimik niyang mundo. Si Candice ay ilang beses na
nagbakasyon kasama siya pero hindi na nito magulantang ang buong sistema niya.
Patunay iyon na wala na siyang anumang damdamin para rito kaya nasisiguro niya na
wala pa sa mga dumaan sa kamay niya ang makakasama niya habambuhay.
“Wala ka pa bang balak na mag-asawa. We're getting old.” ani pa ng babae at
kung bakit naman natawa siya.
Sila ba ang tinutukoy ng ex niya?
“We are but I'm not yet ready to settle down. I still haven't met the right
one.” diretsong sagot niya.
Ramdam niya ang pagbuntong-hininga ni Candice. “Well, I am just waiting.”
ngumiti ito at kumislap ang mga mata.
Eco just playfully wiggles his forefinger and tsked. “That's bad, darling.
Tatanda kang dalaga. If I were you, start finding.”
“And I'd be glad if you two get marry. That lady back there is right. You look
so perfect, Daddy Eco. Haven't you seen it? That lady never noticed that I wasn't
your real son. She thought I am your son and I feel so the same.” Axl interjected.
Ibinaling na niya ang tingin sa mukha ng batang lalaki at hinalikan ito sa
tungki ng ilong. “I feel the same, buddy but when it comes to me and your Mom, we
don't really have something intimate. We're friends; really close friends and we
will end it there.” he answered.
Nalungkot si Axl pero mas mainam na alam nito ang totoo kaysa sa ang umasa ito
na magiging mag-asawa sila ng ina nito. Parati nitong iniuungot ang bagay na iyon
kahit na noon pa man pero ni minsan ay hindi niya ito pinaasa. Parati niyang
ipinaaalala na magkaibigan lang sila ni Candice at wala ng mas higigit pa roon para
sa kanya. For her, maybe there is but for him, there isn't.
“For you, but for me still not the end.” Candice smirked and beamed at her son.
“Right, baby boy? We will get Daddy Eco soon?” kinurot pa nito ang pisngi ng bata
na tumango naman kaagad at ngumiti rin.
“Duchess, don't start it.” he sweetly warned her and so she raised her hands.
“Okay. I'll keep it for myself.” she shrugged and walked forward like a
royalty.
Naiiling na bumuntong hininga na lang siya.
Saan nga ba sila nagsimulang dalawa? She's a brat until all their wealth ran
off when Candice's father had three mistresses. Namatay ang ina nito dahil sa
depression at ang ama ay isinalvage ng hindi kilalang mga lalaki. Hula ng Papá niya
ay dahil iyon sa pambababae ng matandang Smith kaya ipinapatay. Sinalo niya noon si
Candice at dahil yata sa bigla nitong pagbagsak ay napilitan itong kagatin ang
pagmo-modelo sa ibang bansa. He supported her because he knew what kind of girl she
was. She was a strongheaded lady. Hindi ito ang tipo ng babae na umaasa sa yaman ng
iba at tatawagin na kanya kaya nga hindi siya nito pinili noon kahit na mayaman
siya. Gusto nitong umangat sa sariling paraan pero napariwara pagdating sa
emosyonal na aspeto kaya yata napaglaruan siya.
But he's happy for her; really happy for her. He's not selfish. Naroon naman
ang suporta niya at hindi siya nagkulang kaya lang ay nagago pa rin siya sa bandang
huli. It's way better now. Kung walang third party, wala sanang Clive Axl. Mas
mahalaga ang buhay na nagawa ni Candice sa mundong ito kaysa sa damdamin niya noon.
She made a kid and he's happy for her. He had put his mind on that positive side of
thinking so he would never feel so upset; and he succeeded. He had moved on so many
years ago and contented.
™️
FK
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
15-Worried
Playful Love 15
"Playboy, my boy!" sigaw ng isa sa mga high school friends ni Grieco nang
pumasok siya sa shop ng kaibigan para i-check ang invitations na ipinapagawa niya
para sa anniversary ng kanyang mga magulang.
Si Alejandro ang isa sa mga nagmamay-ari ng malalaking computer shops sa buong
metropolis at nagbebenta ng mga branded computers and laptops. Iyon ang negosyo ng
lalaki nang maka-graduate ng Computer Engineering habang siya naman ay sa UK
natapos ng College. Distance never parted them. Buo pa rin ang tropang Playboy at
apat silang magkakaibigan doon.
"The invitations, are they done?" agarang tanong niya habang nakatingin sa
screen ng cellphone at naghihintay ng reply ni Kisses.
He had saved her number after she passed her resume. Hindi lang niya itinitext
ang dalaga dahil baka kung anu-anong kalokohan lang ang masabi niya but a while
back, he was forced to text her. He's worried.
She's beautiful and some men may look at her with obscene thoughts. Napakaikli
pa naman ng skirt ni Kisses at kaunting tuwad lang ay kita na ang pwet. He knows
his prority and it's Candice. Kaya nga hindi na siya nagpumilit na maihatid pa si
Kisses sa Polytechic dahil nagpasama si Candice sa salon. Nagpaalam lang siya na
sasaglit muna sa kaibigan niya pero binuntuan pa rin siya ng inaanak niya na si
Axl. Bantay sarado ito sa kanya pero hindi na lang niya pinapansin dahil ang akala
nito ay sila ni Candice ang magpapakasal sa hinaharap.
"Atat ka, kapatid. Come onand check one. Printing na lang ang kulang. I was
about to call you but here you are...and you're guarded. No pussy pounding for
sure." natatawang sabi ni Al sa kanya kaya sumulyap siya sa bata na hawak niya sa
kamay.
"No pussy pounding. Babawi ako kapag wala na." he winks at his best friend.
Tumawa lang ito at iginiya sila papunta sa private office ng lalaki.
Iniharap kaaagad nito sa kanya ang MacBook at ipinakita ang layout ng
invitation.
Unang tingin pa lang ay gusto na niya. Match ang kulay niyon sa motif ng
anniversary na red and black, black for men and red for women. Pula rin kasi ang
wedding gown ng Mamá niya.
"It's perfect." tiningnan niya ang mga pangalan ng mga special guests at tama
naman ang mga spelling. Tama rin ang venue at ang oras, ang pangalan ng Parish
church kung saan ang ama-amahan ni Macy ang magkakasal ulit sa mga magulang niya.
He felt excited as he stared at his perfect parents. Nothing changed between
the two love birds. Mahal na mahal pa rin ng Papá nila ang ina nila at lahat silang
magkakapatid ay idolo ang kanilang ama pagdating sa pagmamahal sa babae. Hindi sila
lumihis ng landas sa ugali ng isang de la Cueva dahil babaero ring di hamak ang ama
niya noon, kwento ng kanyang Mamá pero napaluhod sa babae nang mabuntis nang wala
sa oras si Margarita at itatakas ang panaganay kung hindi raw titino.
Marriage was his father's proposal and his mother accepted it with a little
doubt but now their love story turned so perfect.
"Babalikan ko mamaya lahat, kapatid. Ribbon is silver and so as the envelope."
aniya rito.
"No biggies. Nakahanda na ang manpower ko sa paglagay ng 500 invitations sa
sobre. I divided them by 10 and I would need 50 persons to fix them."
Napangiti siya at umiling. "Bilib talaga ako. Iba talaga ang galawang babaero."
biro niya sa kaibigan at sabay silang nagkatawanan.
"Leave three for you and the gang."
"Talaga. Mag-o-over the bakod kami kapag nakalimutan mo kaming bigyan."
Eco chuckled remembering their high school lives. Sabay-sabay silang tumatakas
para lang manigarilyo sa labas ng eskwelahan at magliwaliw kung saan-saan.
Palibhasa ay magaling na siyang magmaneho kahit na onse pa lang siya kaya kahit na
sundan sila ng mobile gwardiya ng University ay hindi sa kanya umuubra.
Malaya siya noon dahil nasa hacienda naman ang mga magulang
niya pero mga ilang oras kapag nabalitaan ay susulpot na lang sa condo nilang
magkakapatid sakay ang private plane para lang sermonan siya.
Those were his sweet escapes, curious what the world could offer, undecided
what he wanted but he grew up, leaving those habits behind, retaining the memories.
Parte lang iyon ng pagbibinata niya at kung may hindi man nagbago ay iyon ang hilig
niya na tumikim ng babae at maglandi kahit saan, kahit kailan. He had mastered
Business Administration along with his driving career and succeeded in both
aspects. The business course is for his parents and the driving career is for him.
Wala siyang iniwan alinman sa dalawa dahil ayaw niyang bigyan ng lungkot ang mga
magulang niya dahil hindi rin naman siya hinadlangan ng mga iyon sa gusto niya
kahit na dala niya noon ang lahat ng kita ng mga tsaa sa maintenance at pagbili ng
mga mamahaling sasakyan.
Napatigil siya sa pag-alala sa nakaraan nang tumunog ang cellphone niya.
Nagmamadali niya iyong kinuha dahil sa pag-aakalang si Kisses ang nagreply pero si
Candice iyon at hinahanap na siya kung nasaan siya.
He sighed.
Ang bwisit na babaeng 'yon hindi man lang mag-reply kung nasa eskwelahan na ay
nasa isang oras na ang nakalilipas simula nang isakay niya sa taxi. Tatanga-tanga
pa naman na kahit na ang sasakyan ay hindi alam kung paano bubuksan ang pintuan.
Baka mamaya ay ini-lock na 'yon ng driver sa loob at ginahasa na.
Gaddemit!
Tinalikuran niya si Al nang walang paalam habang hila si Axl.
"Hoy, saan ka pupunta?" takang tanong ng kaibigan niya.
"Just have to check on something." he just replied and walked away. Ni hindi
man lang siya nagpasalamat sa lalaki.
He hates women like Kisses. Para iyong isang babaeng walang pakialam sa mundo.
Ang lahat ng empleyada niyang babae ay may service gamit ang van ng Sanctuary dahil
ayaw niya na mababalitaan na may pinag-holdup o kaya ay may ni-rape na empleyada
niya kaya sinisiguro niya na makakarating ang mga iyon sa pupuntahan tapos hindi
lang siya papansinin ng isang Krista Isabella?
She's ignoring his text for Pete's sake!
"Where are we going, Daddy? You're such in a hurry." Usisa ng inaanak kay Eco.
Binuksan niya ang pinto ng kotse at halos isalya niya roon ang batang lalaki.
He looked at the kid and pointed his finger at his face. "Don't meddle, Axl. I
am mad and I don't want you interrupting my business. Just behave. Kahit magsumbong
ka sa Mommy mo na pinagalitan kita, hindi ako natatakot. I am a good man and you
know that. We still haven't talked about what you did to Kisses. I hate it when
you're being too harsh on anybody. You get me?" may kasungitan na kausap niya rito.
Hindi ito kaagad tumango at parang masama pa ang loob sa kanya.
"You get me?"
Finally, the boy nodded.
"It's about your Mom's credit and not yours. Whatever you do will reflect on
how she raises you." pangaral pa niya bago niya ito iniwan at isara ang pintuan.
Wala itong imik nang sumakay siya sa driver's side at parang naiiyak pa nga
kaya naawa naman siya. Baka napasobra siya ng sinabi.
"Hey," Eco rumpled Axl's hair.
Tumingin ito sa kanya at parang isang bata na napalo sa pwet.
"I'm not mad. I want you to realize things start today. It is not easy but you
have to try your best. Hindi maganda na ipinapahiya mo ang isang tao sa harap ng
iba lalo na kung babae siya." ulit pa niya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
20-First Kiss
Playful Love 20
Grieco Antonio casually stood and leaned on the jamb of the door, releasing a
deep sigh. Namulsa siya matapos na sulayapan ang oras sa kanyang relos na suot at
itinuon ang mga mata sa dalagang nakatalikod habang nakangiting nilalagyan ng laso
ang buhok ng isang bata sa sanctuary. Naghahanda ang mga bata para sa misa maya-
maya lang.
Ilang araw na ang lumipas at hindi sila nagkikita ni Kisses dahil lahat ng oras
niya ay ibinigay na muna niya kina Candice at kay Axl kasama ng paghanap niya sa
sarili. Kagabi ay sumalisi siya sa bar at as usual ay nagising na babae ang katabi
niya. Nilayasan niya iyon kaagad matapos ang isa pang round, tapos ay umuwi siya sa
bahay saka naligo at nagbihis.
He never heard something from Kisses after that day she and CK ate in their
house. Wala itong ni isang text message sa kanya pero alam niya na araw-araw itong
pumupunta sa opisina at naglilinis. Ang huling nilinis nito ay opisina raw niya sa
race school.
Magiging busy na rin siya dahil may mga ilang racers siyang personal na iti-
train pagkatapos ng wedding anniversary ng mga magulang niya kaya sumilip na siya
sa sanctuary para personal na makasama ang mga bata sa misa at makita rin si Kisses
na ang bilin niya kay Demi ay huwag papuntahin mag-isa roon kaya inihatid ng driver
ng kumpanya niya.
He sighed again; staring at the woman who never left his mind these past few
days. At times he's aching but he chose to ignore his lust. Kawawa ito kapag
pinairal niya ang galawang Grieco Antonio sa babae, mababastos ito sigurado kaya
mabuti na rin na dumistansya na muna siya ng ilang araw.
Pero nasaan ba siya ngayon?
Natiis siya nito na wala ni hoy ni hay pero natiis ba niya? He kept on
monitoring her through Demi and he admits that he's getting insane. Iba na ang tama
niya kay Kisses na ang huling araw na magkasama sila ay literal na parang naka-
plaka at paulit-ulit na nagpa-flashback sa kukote niya; her simple smiles, her
giggles, her frowning face and her cute sneers.
What the fuck has gotten into him?
Jesus! It must be admiration. He admires her--desires her. Kung magpapakita ba
siya ng interes ay paniniwalaan nito?
Demmit! Bakit parang nakakatorpe yata ang pumorma sa isang bente uno anyos na
dalagang ina? Mukhang mas mahirap pa itong pasagutin kaysa sa mga babaeng virgin sa
paligid.
"Si Papa Pogi!" tili ng isang bata nang maramdaman ang presensya niya kaya
napangiti siya nang sabay-sabay na magtakbuhan ang nasa kwarentang bata papunta sa
kanya.
His eyes remained looking at Kisses and when she turned around to smile at him.
Fuck! His heart congests and so as his balls.
She looks gorgeous. Mas maganda ito ngayon. Hindi ito nakauniporme pero naka-
long sleeves na lace na kulay itim at suot ang itim na salamin. Kisses looks hot,
so tempting in his very eye. Her face looks so relaxed unlike the very first day he
saw her. Balisa ito noon at parang problemado sa buhay pero ngayon ay mukhang
masaya ito at walang problema.
He's a part of that happiness and relaxed aura. He knew he did well and helped
her good.
Thank fucking God he did. He had saved another tummy from growling.
"Hi kiddos!" saglit niyang inalis sa paningin niya ang dalaga at binalingan ang
mga bata. "Papa Jesu is waiting inside the chapel. If you're done, hurry up now.
Susunod ako ro'n."
"Magmi-misa ka, Papa Pogi?" Tanong ni Sarah sa kanya kaya tumango siya.
"Of course."
Naghiyawan ang mga iyon kaya lalong lumapad ang ngiti niya. Siya ang kasiyahan
ng mga bata na iyon na minsan ay inalisan ng liwanag sa buhay pero pinilit niyang
ibalik. Kapag may nagkakasakit at ayaw magpaswero ay nagpapakita siya kahit na sa
video call lang noong nasa ibang bansa siya para sa karera niya. Para naman siyang
may dalang magic na napapapayag ang mga ito at hindi na kailangan na paulit-ulit pa
niyang pakiusapan. Malaki kasi ang tiwala sa kanya ng mga bata at ang tingin ng mga
ito sa kanya ay superhero.
™️
FK
Ps: 200 votes to proceed😂😂
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
21-Walk Away
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
22 - Overprotected
Playful Love 22
Father Jesu smiled at Eco when he stood, facing the old priest. Para na rin
niya itong ama dati pa kaya hindi siya naalangan sa lalaki.
"Shall I even wonder who kissed that young lady?" napangiti ito kaya nakagat
niya ang pang-ibabang labi.
Tapik sa balikat at iling ang isinagot ni Jesu sa kanya. "My son, my playboy
son."
He chuckled with that remark. Hindi naman niya iyon itinatanggi pero seryoso
siya sa interes niya kay Kisses.
"Can I pass today's mass, father Jesu? She's a bit..." he can't say mad.
Mukhang hindi naman galit si Kisses pero mukhang naguguluhan lang. "Confused and
she doesn't want to ride my car. Susundan ko lang sana, to make sure that she'll be
safe." paalam niya rito.
Tumabi ito sa pasilyo at inilahad ang braso papalabas. "The permission is
yours, iho. Sa Linggo ka na lang magsimba sa anniversary ng Mamá at Papá mo.
Magtataka pa ba ako ay isa kang de la Cueva, kapatid ng asawa ng Maria Crisanta ko
kaya alam ko ang karakas mo sa babae."
Napahalakhak ulit siya saka nagmano sa pari bago umalis. May utang na naman
siyang misa sa mga anak-anakan niya pero maiintindihan naman ng mga iyon ang
ginagawa niya.
Paglabas ng binata sa sanctuary ay natanaw niya si Kisses na papasakay na sa
Jeep kaya agad naman siyang sumakay sa kotse niya.
Tsk! She has a hard head.
Mukhang totoong mahirap na pasunurin ang dalaga kaya siya ang bubuntot doon
katulad noong una nang-i-reject ang alok niyang paghatid dito sa eskwelahan. May
ilang sasakyan ang nasa pagitan ng kotse niya at ng jeep na sinasakyan ni Kisses
kaya hindi niya matanaw ang dalaga. Ang ginawa niya ay pinilit niyang makapag-
overtake para lang sa huli ay madismaya.
He noticed a silhouette of a woman, standing in the middled of the vehicle.
Nangunot ang noo ni Eco at pinakamasdan ang bulto sa gitna ng mga kalalakihang
nakasabit sa may pinto ng sasakyan.
Is that my Kisses?
Lalo niyang idinikit ang unahan ng kotse sa may pwet ng jeepney at nang may
pumara ay tumigil din siya. Bumaba ang isang lalaki nakasabit kaya lumuwang ang
pintuan ng pampasaherong sasakyan.
"Putang ina!" napamura siya nang makumpirma na si Kisses nga ang naka-squat sa
may bandang gitna.
Anong tanga na hindi na lang nag-taxi?
Gigil na hinampas niya ang busina kaya naagaw niya ang atensyon ng dalaga. Her
brows tied in a knot when she noticed his car.
Umandar iyon ulit kaya sumunod na naman siya at walang tigil na binusinahan ang
sasakyan. He'll make her hop out of that vehicle and force her to ride in his car.
"Jesus, heaven's sake! What the fuck has gotten into your..." hinampas niya ang
manibela. "Your young fucking head?!"
Diniinan niya ang busina at hindi niya binitiwan hanggang sa parang naalarma na
ang mga sakay niyon. Maya-maya pa ay tumabi na ang jeep kaya tumabi rin siya saka
bumaba.
He's mad, no, he's pretending mad. Pinasungit niya ang mukha at diretsong
tiningnan ang dalaga habang nakapameywang.
"Baba!" he snapped.
Kumurap si Kisses at umawang ang mga labi pero maya-maya ay tumapang din ang
mukha.
Holy hell. Not now, sweetie. Huwag sana nitong patulan ang kunwaring galit
niyang hitsura. He just wants to scare her a bit but looks like she's ready to
fight with him.
"Alis!" she snapped back almost breaking his defenses but he gathered himself
and stands with his acting.
"Anong alis? Baba!" ulit niya. "Try me, baby. Irereklamo ko ang driver nito ng
overloading at sinisiguro kong maaabala ang lahat ng taong nakasakay dito. Baba!"
idinuro niya ang kalsada pababa kaya napalinga ang dalaga.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
23-Defender
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
27-Beauty
Playful Love 27
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
33-Playful Love
Playful Love 33
“Mabuhay ang reyna ng kahandahan!”
“Mabuhay!”
Kisses smiled as she remembered Demi and all Eco's employees. Iyon ang tukso sa
kanya ng mga iyon kanina nang pumasok siya sa opisina para maglinis at sa mga
sandaling iyon naman na papaalis na siya ay wala pa ring pagkakaiba ang tingin at
ngisi ng mga iyon.
“So, Miss Rapuzel haba ng hair, ano na ang real score sa iyo at sa aming
poging-pogi na boss?” pumangalumbaba si Demi at kanya-kanya namang lapitan ang iba
pang mga kababaihan sa mesa.
Parang sa isang iglap ay pinutakti na ang mesa ni Demi ng mga bubuyog.
The people's eyes are twinkling and she's happpy seeing how those people react
about the rumored romance of her and Eco's. Clearly, her friends aren't judging
her, critizising for being thier sexy and handsome boss’ newest apple of the eye or
maybe...flavor of the month?
“W-Wala naman.” kandautal na sagot niya sabay kamot sa ulo kasi naiilang siya
sa mga ganoong bagay. “Baka naman lilipas din iyon, ano. Huwag nga kayong assuming
na magtatagal.” nakabusangot na dugtong niya.
Hindi naman talaga siya umaasa kahit na ba sa pakiramdam niya ay may parte na
rin sa damdamin niya ang nauukupa ni Eco. Hindi iyon mahirap na magustuhan kasi
sobrang bait na tao at napakalambing, kaya lang iisa lang ang puso niya at mahirap
na isugal pa. Oo, duwag na kung duwag at mahirap na intindihin ang kalagayan niya
para sa mga taong may kakaibang tapang sa pakikipagrelasyon pero sino ba ang
masasaktan? Siya naman.
“Bruha ka, hindi mo siya kilala at ang babae na pa-charmingan niya sa loob ng
isang buong maghapon ay matagal na.” ani Demi sa kanya kaya halos lumuwa ang mga
mata niya.
Matagal na ba ‘yon? Isang buong maghapon lang ay matagal na para sa mga ito?
“Maghapon?” takang ulit ng dalaga na sabay-sabay na tinanguan ng mga kaharap
niya.
“Maghapon, as in. Hindi kami nagkakamali lang. Ang building na ito ay mag-
ooperate na ng matagal at umuuwi si Sir Ecs rito at naglalagi ng mga dalawang
linggo o isang buwan. Pinupuntahan siya rito ng mga babae niya at araw-araw ‘yon
iba-iba.” anaman ni Monina.
“A-Ano? H-Hindi ba siya nagkakasakit?” halos mapangiwi siya sa kaisipan na iyon
pero naghagikhikan lang ang mga babae.
“Hindi naman siguro kasi wala naman nga siyang nabubuntis.” agarang sagot ni
Demi. “Kaya nasasabi namin na seryoso siya sa'yo dahil ilang linggo na yata siyang
nagpapansin kaya lang parang ayaw mo sa kanya. Ayaw mo ba?” sumimangot ang balyena,
este sekretarya at parang nalungkot pa.
Ano ba ang mga babaeng kaharap niya at mga tsismosa? Uuwi na nga siya dahil
wala pa naman silang klase tapos ay na-interview pa siya na parang celebrity na
nasa hot seat.
“H-Hindi naman sa ayaw kaya lang si Grieco siya at si Kisses lang ako. Alam
niyo ang ibig kong sabihin at kahit na kayo ang lumagay sa katayuan ko ay matatakot
din kayo. Iyong sampung taon nga na magkarelasyon ay nagkakahiwalay, paano pa ang
ilang linggo lang tapos tulad pa niya ang lalaki?” rason niya pero sa isip niya ay
may sumaglit din na kaisipan na hindi na niya isinatinig pa.
At sa wala rin nag-uumpisa ang lahat.
Kung hahadlangan na niya ang pag-umpisa ng makulay na buhay pag-ibig niya,
makakaranas man lang ba siya na magmahal?
“Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, Kisses. Ang dami ring experience ng mga
kapatid niya sa love life.” Ani Demi. “Si Sir Enriel, childhood friend ang naka-
forever pero bago ‘yon ay nakasal muna siya sa ibang babae. Si Sir Hermès naman,
babaero ring tunay at tiniis daw na ma-in love kay Ma'am Macy kulit pero nauwi rin
sa kasalan ang lahat. Kung mapapansin mo, long term affair’ yong sa panganay at
short term naman ‘yong sa pangalawa. Depende naman ‘yon sa taong nagdadala, Kisses.
Ang samin naman ay mabait ka at mabait din si Sir Eco kaya bakit hindi niyo bigyan
ng chance’ yong sa inyo? Ang tapang niya na sumugal ha kahit na minsan na rin
siyang naloko ng babae.”
Tumango-tango ang iba at mukhang napagkakaisahan siya.
Kaya lang tama ang mga ito. Alam naman niya kung paano tumanggap ng opinyon ng
iba at kahit paano ay pahapyaw na rin na nabanggit ni Grieco sa kanya ang tungkol
kay Candice. Wala naman kasi sa hitsura no'n ang nananakit ng babae kaya lang paano
naman niya nasisiguro na hindi si Eco ang may kasalanan ay wala pa naman siya ng
mga panahon na iyon sa buhay ng binata.
“Naiintindihan naman namin na baka takot ka rin kasi minsan ka ng nasaktan sa
father ng anak mo pero kung kami ang tatanungin mo, oks na oks kami kay sir. Hindi
pa namin ‘yon nakitang nagkandarapa sa babae, sa'yo pa lang.” nakangiting sulsol
din naman ni Letty sa kanya.
“Sinong nadapa?”
Shit that voice! Mala-Thor ang dating ng boses na ‘yon na kahit nakapikit siya
ay alam na alam niya.
Nagsipagtakbuhan ang mga kababaihan sa kanya-kanyang mesa habang humahagikhik
at siya naman ay kukurap-kurap habang nakatingin sa binatang papalapit.
Kisses cleared her throat silently, gulping when she felt his heart beat raced.
She's not even like that before. She acts normal. She acts casual. She acts like a
regular employee and now her heart is not. Her body and mind might be acting the
usual Kisses but not her heart and its thumping.
“Mas pogi kayo sa morning, sir Eco.” bati ng isang babae at ngumiti naman ang
isa.
“Thanks, Joan.” kindat niyon at mukhang hindi pa nararamdaman ang presensya
niya dahil nakapilig pa ang ulo papakaliwa dahil inaaral sa pamamagitan ng tingin
ang opisina.
Ganoon lang parati ang naririnig niyang bati ng mga tao, na mas pogi pa ito sa
umaga. Siguro utos din nito iyon at may katotohanan naman nga.
Tahimik na pinag-aaralan ni Kisses ang hitsura ni Eco habang nakapameywang
itong naglalakad at palinga-linga. Bakit parang iba ang ilalim ng mga nito at
parang puyat?
Ay malamang kasi anniversary ng mga magulang niya, tanga. Uminom siya ng alak,
malamang.
Habang hindi pa siya nito nakikita ay walang humpay sa pagkabog ang dibdib
niya. Parang sa bawat segundo ay ilang pitik ang nadadagdag sa pulso niya. She's
starting to become so abnormal. She's familiar with it.
She's really starting to like Eco. Ganoon din siya noon kapag sinusulyapan ni
Clarence pero iba pagdating sa boss niyang mabait. Mas matindi ang pagpitik ng puso
niya at mas ramdam niya ang kaba na dati naman ay wala.
When he finally looked straight ahead, her heart then skipped a beat.
Hesusmaryosep! Para na siyang tanga.
Napangisi ito kaagad at kinagat ang pang-ibabang labi. He suddenly looked
bright and brilliant. Ang mga mata nitong may bakas ng puyat ay nagkaroon ng mga
buhay at parang ngumiti rin. She's not familiar with that kind of magical
transfromation of a man's aura but she sees it. Hindi siya nag-a-assume pero hindi
maitatago ni Eco ang saya sa mukha nito nang makita siya.
“Here you are, baby. Have you waited for me really?” he walked sexily but she
instantly frowned when Demi giggled.
Anong kapal naman nito ay na-traffic lang siya sa daldalan ng mga tao roon.
Hindi naman talaga niya binalak na hintayin ito.
“H-Hindi. P-Paalis na rin ako.” hindi lang salita niya ang nagkabuhol-buhol
kung hindi pati na ang hininga niya.
Ano ba ang nangyayari sa kanya? She's a good speaker and she never startles but
how come that she does now?
“Ow.” Eco nodded and pursed his lips, as if he doesn't believe her.
Bisit! Bakit hindi ito maniniwala ay totoo naman ‘yon?
“Come on in for a while and let me stare at you.” inakbayan
siya kaagad nito at hindi siya handa nang kabigin ang batok niya at hinalikan siya
sa ulo, hindi lang dalawa kung hindi maraming beses pa.
Inay ko!
Rinig na rinig niya ang hagikhikan sa paligid kaya naman hiyang-hiya siya.
Hiyang-hiya siya pero bakit ang puso niya ay parang kumakandirit sa tuwa?
“I'm so glad my baby had waited for me. Kaya mahal kita.” hinalikan siya nitong
muli sa ulo pero para siyang niyeluhan sa pagkakatayo at umusli ang mga mga mata.
Si Demi ay natilihan din nang masilip niya ang babae sa may kili-kili ni Eco.
Mahal daw siya nito? Mahal na siya nito? Kailan pa?
Susko ano ba ito? Mas lalo na lang na para na naman siyang nalito. Bakit parang
wala namang kaseryosohan ang pagkakasabi nito? Kung ang ibang lalaki ay naghahanda
na husto at nag-iisip ng magandang lugar o oras para magtapat, ang isang ito naman
ay parang hito na nanunulas sa bibig ang salita.
Para siyang dahon na naanod sa tubig nang ilakad siya ni Eco papasok sa opisina
at halos matumba pa siya nang bigla itong umikot papaharap sa mga empleyado.
“By the way ladies,” pukaw ni Eco sa atensyon ng mga naroon. “Kisses is my
girlfriend...”
Ngik! Tuluyan siyang napatingala kahit halos na ipit siya nito sa kili-kili. He
also looked down on her and winked.
“But nanliligaw pa lang ako.” patuloy nito na nagpatirik sa mga mata ng dalaga.
Oh Diyos ko, masama na ang tama niya sa ulo.
“Bagong style, Sir Ecs?” gatong naman ni Demi sa binata na pangisi-ngisi.
“Yes, that's the newest style of wooing a girl. You pull her. You kiss her and
claim her as your girl.” buong kayabangan na pagmamalaki pa nito pero narinig niya
ang patagong hagikhikan ng mga babae. “Di ba, bae?” he sexily bobbed his brows as
he glanced at her lips.
Wala siyang naapuhap na sagot dahil gulat na naman siya. Mabuti na lang at wala
siyang sakit sa puso kung hindi ay parati na lang siyang titimbuang dahil sa mga
pakulo ni Eco na parang sa tanga.
“Bagay na bagay naman kayo, sir Eco lalo na sa...height.” tumatawang biro naman
ni Joan sa kanila kaya pinandilatan niya ang babae.
“Height doesn't matter, Joan.” ani Grieco. “It will also fit in bed.”
Hasus ginoo! Nasamid siya sa sarili niyang laway nang magtawanan ang mga
empleyada at pati na rin ang binata ay natawa sa reaksyon niya. Ang lakas talaga ng
loob na magsalita ng ganoon at akala naman yata ay bibigay siya nang basta-basta.
O bakit hindi ba? Away kay Kisses ng isip niya. Kapag hinahalikan ka, may
nagagawa ka ba?
Bigla na lang siya nitong ipinasok sa opisina at iniupo siya sa sofa.
Eco stood in front of her; towering.
Para siyang bata na nakapatong sa mga hita ang mga kamay ay tinitingnan lang
ang bakulaw sa talukap ng kanyang mga mata.
Eco's studying her. Nakapameywang ito at pinagmamasdan siya nang husto. Ano
bang problema nito?
“Binibilang niyo ho ba ang balahibo ko sa katawan kaya ganyan kayong
makatingin?” hindi niya napigil na huwag itong sitahin.
Salamat naman sa Poon dahil hindi siya nautal sa pagtataray. He's literally
making her feel so weak. Her knees are shaky when he's around. Hindi naman ito
lindol pero niyayanig siya.
“I'm just looking at you. I miss you, you know.” Eco shrugs and scratches his
eyebrow. “I didn't see you for a couple of days.”
Oo nga. Nag-te-text lang ito at tumatawag pero wala naman sa kanya iyon. Pero
may mga sandali na naaalala niya ito bigla tapos ay napapangiti na lang siya. Wala
itong tigil sa pagkamusta sa anak niya at ang nakakatawa ay ilang minuto lang,
tatawag na naman ulit at ang huli nga ay Mama niya ang nakasagot. In fairness naman
dito ay kahit na siya ang gustong makausap ay game na game na makipagkwentuhan sa
nanay niyang baliw din naman paminsan-minsan.
“O-Oo nga.” sang-ayon na lang din niya.
“I've been to Zamboanga with Havana.” kaswal na sabi nito habang nakatingin sa
naka-pedicure niyang mga kuko.
Havana? Babae?
Agad na natuwid ang tingin ni Kisses sa binata na relax na relax naman sa
kinatatayuan.
Bakit naman parang sumikdo ang dibdib niya nang marinig na babae ang kasama
nito roon?
“Hindi ako nakapagpaalam. I was in a hurry to get back too soon.” He said as he
brought his eyes back to her face.
“Ah okay lang. Bakit naman kayo magpapaalam ay wala naman hong tayo? Kahit na
nga po sampung Havana ang kasama niyo ay wala naman akong pakialam. Saka sanay na
ho ako na babae ang kasama niyo. May bago ho ba roon, Sir Grieco?” She replied but
why does he she want to walk away?
Bigla na lang itong humalakhak kaha gusto niyang busalan ang bibig ng inggrato
gamit ang kamao niya?
“Don't be jealous, baby. I love you.” anito saka tumalikod at iniwan siyang
nakatanga na naman.
Ngayon nganga na naman siya at nawalan ng dila.
I love you raw.
Oo narinig ko. Hindi ako bingi.
Siya yata ang mababaliw mga ilang minuto pa.
“I didn't want you to worry. I just went there because I am planning to open a
new racing school and the property was actually owned by Havana's father. That's
the only site which will fit for the project. If you will ask me if we sleep
together...” he smiled as he sat on his chair.
Ah bisit!
Naghihintay din siya ng sagot.
“We didn't. I am faithful. Gwapo ako at habulin ng babae pero tapat ako.” his
grin turned wider, leaving Kisses out of thoughts.
Bakit ba ang dating ng mga kilos nito at pananalita ay parang ang layo sa
katotohanan? Para itong batang nakikipaglaro ang at mukbang lahat ng salita ay biro
lang.
“Uhm,” She cleared her throat. Mag-isip ka, utang na loob. Pakiusap niya sa
saril dahil talagang blangko ang utak niya.
Kumamot na lang siya sa ulo at pinahaba ang nguso nang ngumiti ito sa kanya.
“Minsan, nakaka-speechless talaga ang kagwapuhan ko.” Eco voiced out her face
turned sour.
Ang kapal.
“Uuwi na ako.” aniya na lang para makatakas na siya hindi rito kung hindi sa
biglang pagbabago ng tingin niya kay Grieco. She thought it was okay. She thought
it's okay not to have him around but now that they're in the same room, looking at
each other from time to time. It makes a huge difference than those days she
haven't seen him.
“No.” Eco pursed his lips and the corner tips up. “Sit here in front of my
desk.” utos pa ng binata habang binubusiklat ang ilang papeles sa mesa na inihanda
ni Demi kanina habang naglilinis siya.
“B-Bakit na naman?” pumiksi siya at noon ito napatigil sa ginagawa. His eyes
fixated on her legs.
“Just sit here. Do I have to give valid reasons for every request that I make?”
“That's a command.” she replied curtly.
“Please.” anito na nasundan ng buntong hininga at iba na ang tono kaysa sa
kanina. Sumimangot muna siya pero kahit na nag-aagaw man ang kalooban at ang isip
na sumunod siya sa gusto nito ay tumayo pa rin siya sa huli.
Walang imik si Eco na sinundan ang paghakbang niya habang nakatingin sa mga
hita niya. Binalewala niya ang mga titig na iyon hanggang sa makaupo siya sa harap
ng mesa ng binata na nangiti pa nang tingnan siya sa mukha.
“Anong gagawin ko rito?” clueless niyang tanong pero
binuklat na ulit nito ang mga papeles sa ibabaw ng mesa.
“Jist sit there.”
“And...?” umarko ang mga kilay ng dalaga.
“And I will look at you from time to time.”
Kisses jaws dropped. Is he dead serious?
“S-Seryoso ka?”
“Dead serious, bae.” he now glanced at her.
Unbelievable. Halos mapailing ang dalaga. Magtutunawan lang pala sila roon,
sana natulog na lang siya at nagkamuta pa. Ibinuka niya ang bibig para sana mag-
protesta pero itinaas na ni Eco ang isang kamay na may hawak na sign pen.
“Pumapatak ang metro mo, alam ko.” agarang sabi na nito sa kanya kaya hindi na
nalaglagag ang panga niya kung hindi nagkahiwa-hiwalay pa.
She's not going to say that thing.
“And I will pay you, overtime.” he added right away.
Sumiyo! Mukhang kwarta na ang tingin nito sa kanya at baka mamaya ay ipalit na
nito ang ulo niya kay Rizal sa piso.
“You will pay me for...n-nothing?” nalukot ang ilong ni Kisses at umiling na
naman siya.
“I will pay you for sitting in front of me for I will to look at you because I
miss you. I miss your face. I miss you. That's it. I miss you. Mahirap bang
intidihin ‘yon, baby ko o sadyang you really want to hear it over and over again?
Does it flatter you, sweetie? I miss you. Namiss kita kaya d'yan ka lang sa harap
ko. Te echo de menos, mi amor.” he grinned while signing the paper.
“Ano iyon?” paangil na tanong niya dahil baka minumura na siya nito.
“I miss you, my love.” balewalang sagot nito kaya natutop niya ang mukha at
pagod na pumangalumbaba.
My love raw... ngik, ngik, ngik.
Utas na siya sa lalaking ito. Halos gusto na lang niya na batukan ang sarili
dahil samo at saring emosyon na ang bumalot sa dibdib niya. Miss daw siya tapos
mahal pa ang tawag sa kanya. Hindi siya mahal, mura lang siya.
Talaga yatang pinagti-trip-an na siya nito at ginagawang laruan.
Kisses just surrendered and kept her mouth shut. She can never win over him.
Suko na ako. Umiling siya.
“You fell silent.” pansin ni Grieco tapos ay sumulyap sa mukha niya.
“Dito lang ako. Diyan ka lang. Sige lang, i-enjoy niyo na ang sarili niyo dahil
mamaya lang tunaw na ako.” sarkarstiskong sagot ng dalaga na ikinatawa naman ng
binatang nasa harap niya.
“We will talk after this.”
“We can talk while you're doing that. Bakit ho ba kapag sa inyo galing ang
salita and hirap paniwalaan?” sumimangot si Kisses at padaskol na sumandal sa
silya.
Likong-liko ang bibig niya at halos mag-isang linya na ang mga kilay.
“Like what, baby?” he asked, still busy with his papers. Painosente pa ito ay
alam naman ang tinutukoy niya.
Kagagaling lang nito sa pugad ng babae tapos sasabihin mahal siya?
“Like you...” she abruptly paused when he stopped signing his papers and looked
at her intently.
“What?” ngumisi ito na parang nasisiyahan na makita ang nakabalatay na
pagkalito sa mukha niya.
Now she hates herself for being so innocent. She's only giving Eco the most
wonderful time of his flirty life.
“L-Love m-me.” shaks! Nautal na naman siya at napaiwas pa ng tingin.
“Mahal naman talaga kita. Anong masama?” amin nito kaya muli siyang napatingin.
Bisit kang lalaki ka. Gusto niya itong suntukin kasi bakit ganoon lang dito
kadaling sabihin iyon? Hindi ba at mahirap iyon na sabihin ng isang lalaki? Bakit
ito ay parang binalahan ng kanyon ang bibig sa bilis na paputukin ang salitang
‘yon.
Humalukipkip ulit ang dalaga sa kinauupuan at totoong nilukot ang magandang
mukha habang nakatitig sa iisang bagay lang.
She noticed in her peripheral vision that Eco is looking at her with a very
faint smile on his lips.
Ang ginawa niya ay itinaas niya ang isang kamao at ipininid nang husto ang mga
labi pero hindi iyon tinapunan ng tingin, at ganoon na lang ang halakhak nito sa
loob ng opisina.
Napangiti na lang din siya sa kabaliwan nito. Sino bang hindi mapapangiti dahil
ang tanda na nito at ang laking tao ay parang ang kulit na sobra?
™️
FK
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
40-Together(Finale)
Playful Love 40
Across the corner of the room, Eco watches Kisses as she sleeps on the giant
bed. Halos nakalubog ito roon at himbing na himbing na ang tulog. It's been an hour
since they ascended together and she immediately tucked herself in bed. Siya ay
tumuloy kanina sa may balkon at ipinag-hanger ang mga damit nito dahil almoat 80
percent lang naman na natuyo ng dyer. No one spoke and maybe they're still cooling
the embience even more. Napansin niya kanina na nag-iisip ito at malamang na si CK
ang naaalala ni Kisses.
Tumalikod na lang din siya dahil baka sa sobrang awa niya ay mapauwi niya ito
nang wala sa oras, paano na ang gusto niya? He has phone but he will not offer her
to call her family. After a few more days, pwede na siguro pero hindi ang unang
araw at gabi na magkasama sila.
Bumaba siya kanina at kumain na lang kaya pagbalik niya ay tulog na ito. And he
started watching her, staring at her like she's the sole center of his world. Hindi
niya alam na ganoon siya tatamaan dito at para sa kanya ay makakaya niyang isuko
ang lahat basta makuha niya ang gusto niya.
He needs her answers. He needs clarity. Ramdam niya na may iba rito at hindi na
ito umiyak pa. Somehow he thinks that she might also like her by now. Nakakatulog
naman ito kaya ibig sabihin ay hindi ganoon kasama ang tingin nito sa kanya at sabi
nito kanina ay gwapo raw siya.
He grinned widely. Pra siyang ulol na nanginit ang pisngi kanina sa kusina
dahil doon.
He held her breath when Kisses moved.
Balot ang dalaga ng kumot pero alam niya kung anong nasa ilalim no'n. She's
nothing but his shirt. He wants to touch her but there's something that's holding
him back, respect. She's damn pure when he met her and he wanted to keep her that
way. Hindi niya ito ipapares sa mga babaeng nakilala niya noon na wala pang isang
oras ang lumipas ay nasa kama na sila, hubo at hubad.
Matitiis pa niya.
Damn! Tiisin mo pa talaga dahil kasama 'yon ng panata mo na ihaharap siya sa
altar na buo ang hymen.
Pero kung walang pag-asa ang ama niya at hindi iyon sumuko sa ipinaglalaban
niya ay mapipilitan siyang buntisin si Kisses para hindi na matanggihan ng Papá
niya ang magiging anak nila ng dalaga. That if Kisses wants him, too.
"Sir Eco...?" anang mamalat-malat na boses na pumukaw sa diwa niya.
Sir Eco na naman.
"S-Sir Eco, w-walang ilaw? M-Madilim." she said and now she sat on the bed.
Kita niya ito sa liwanag ng buwan na galing sa labas ng pintuan ng balkon
habang nakaupo siya sa may dilim.
"Sir Eco!" she sounded afraid now.
"Uhm? I'm just here." he replied.
Agad na pumihit ang ulo ni Kisses sa direksyon niya na parang pilit siyang
inaaninag.
"Call me Eco. Sir ka nang sir. Are you hungry?" he managed to ask, still not
moving. It's already 10:00 PM.
"B-Bakit walang ilaw? Brown o-out? W-Walang generator? W-Walang gas? Iyong
panty ko, t-tuyo na saka ano...b-bra?" parang nagpapanic pa ang tono ng boses ng
dalaga kaya ngumisi siya nang tuluyan.
"Ah bisit! Wag kang ngumisi. Nakikita ko ang ngipin mo. Bakit ba nand'yan ka?
Para kang bampira sa dilim." marahas nitong kinamot ang ulo.
"Don't dare invite me closer. You'll regret it forever, sweetheart. Yes,
blackout. We have to endure." pagsisinungaling niya na walang kuryente pero solar
naman ang gamit niya.
"Huwag mo nga akong takutin. Saka...alam ko naman na hindi mo ako aanuhin." she
hugged her legs and puts her chin on her knees.
"You trust me that much?" he asked again not moving his eyes away from her
silhouette.
She just hummed and gently nodded. "Hindi mo naman nga ako
inaano dati kapag naiiwan tayo sa bahay. Ibig sabihin wala ka rin gagawin sa akin
na hindi ko gusto."
"How about me? Do you like me?" segway. Fuck! That's not just his style bus
he's losing his mind when he's talking to this lady.
"Like?"
Tang ina! Tatalon siya sa balkon kapag hindi ang naging sagot nito sa kanya.
Kumabog ang dibdib niya sa paghihintay. Parang gusto niyang hilahin ang dila nito
para mapabilis ang pagsagot dahil natahimik ito ng saglit.
"H-Hindi yata tamang sabihin na like...lang." Kisses added and it was almost a
whisper.
Shit!
Napatikal ang likod ni Grieco sa sandalan ng sofa at parang gusto niya itong
dambahin sa kama pero nagpigil pa rin siya.
"W-What do you mean?" he cleared his throat to stop the thumping of his heart.
Damn her! He's falling even more.
"Dito ka nga. Hindi kita makita. Saka di ba pag-uusapan natin ang lahat kasama
ang resignation ko." inis na utos ng dalaga sa kanya kaya napilitan siyang tumayo,
bitbit ang panty nito na nasa ibabaw ng bilugang mesita sa may tabi ng upuan niya.
"I've told you that there's no resigning. It's final." kaswal lang na sabi
niya.
He touched the sensor near the headboard of the bed and so the whole place lit
up.
"Yey! May ilaw na!" tuwang-tuwa na napapikit si Kisses at kuntodo ang ngiti.
Para itong bata.
Tamad naman siya na naupo sa kama inabot dito ang mga undergarments. Mabilis
nitong kinuha ang itim na panty at talagang hindi siya napatikal ng tingin. She
wore it underneath the sheets and she smiled right after.
She looks pretty.
"So now, tell me about the resignation and the two hundred thousand pesos."
atat na sita na niya sa dalaga na nasa kabilang side ng kama.
Kisses eyes automatically flew to him, mouth hanging open and eyes widely open,
too. "A-Anong two hundred thousand?"
Now Eco finds the truth. Hindi talaga galing dito ang pera na ibinigay ni Demi
sa kanya. Totoong galing lang iyon kay Christiano at nakahinga siya nang maluwag.
If it was from Kisses, he'd be really insulted.
"I was insulted." he played his trick. "You think I was expecting payments for
the things that I have given?" kunwari ay masama ang loob niya pero laking gulat
niya nang dambahin siya ng dalaga at sapilitan na inalis ang sunglass niya.
Nagkatitigan na sila sa mata at ngayon ay umaapoy ang mga mata nito sa inis.
"Anong pera?! Wala akong ibinigay sa'yo na pera. Saan ako kukuha ng pera? Para kang
tanga!" angil ni Kisses pero nagpamukha pa siyang kawawa.
"Christiano gave the money to Demi soon after you filed your resig--"
"Ano?!" lalong lumuwa ang mga mata ni Kisses at galit ang bumalatay sa mukha.
"Ang lalaking 'yon. Wala akong sinabi na bayaran niya ang utang ko. Nasabi ko sa
kanya ang tungkol sa balak kong pag-resign para sa katahimikan ni CK at inalok niya
ako ng pera bilang tulong. Hindi ko tinanggap."
"Pero ibinigay pa rin niya. Ask him if you want. I'm not afraid. If he will
choose to lie about it, I have surveillance camera to prove that he went to my
office to give his piece of shit." umigting ang panga niya sa inis.
Pumapapel ang lalaking 'yon at akala yata ay utang lang ang nagdudugtong sa
kanila ni Kisses.
"Bakit niya gagawin 'yon? Sinabi ko ng ayoko. Ayokong magkaroon ng utang na
loob sa kanya." clueless na nakatitig ang dalaga sa kawalan at waring nag-iisip ng
dahilan.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
AN