You are on page 1of 9

Ang Filipino Bilang Wika ng Bayan

Ang Filipino bilang isang wikang pambansa ay nagsisilbing gabay para sa bawat
Pilipino na nasa iba’t ibang lugar sa Pilipinas na nagkakaunawaan sa kabila ng iba’t
ibang mga diyalekto. At bilang isang wikang pambansa, ito ay itinuturo sa lahat ng
paaralan sa Pilipinas. Pinag-aaralan ito sa layuning mahasa ang bawat Pilipino sa
paggamit nito. Ginagamit din ito sa pagsasagawa ng mga batas sa bansa. Ito rin ay
nagsisilbing simbolo ng ating bansa at ng ating sariling kultura. Wika ng bayan ito
dahil hindi lang ito para sa pakikipagtalastasan kundi ito rin ay ginagamit para sa
pagsasagawa ng pagtatanghal kagaya ng pagtula, dula, pagtatanghal sa teatro at
iba pa. Ito rin ay ginagamit sa pagsusulat ng mga nobela, kwento, sanaysay at iba
pang literatura na ginagawa sa Pilipinas. At ang mga pagtatanghal o paglilimbag
ng mga literatura ay hindi lang makikita sa isang lugar sa Pilipinas kundi makikita
rin ito sa iba’t ibang lugar ng bansa(https://brainly.ph>question

Ang Wikang Filipino Bilang Wika ng Karunungan at Pananaliksik

Ang Filipino ay wika ng karunungan at pananaliksik sapagkat ito ay itinuturo sa


mga paaralan upang mahasa ang bokabularyo ng mga mag-aaral o Pilipino. Ito rin
ang wika na ginagamit sa mga pagaaral o pananaliksik tungkol sa iba’t ibang mga
paksa na kung saan ay ibinabahagi sa mga kapwa Pilipino upang magkaroon ng
mahusay na kaalaman. Ang Filipino, bilang isang wikang pananaliksik ay
magsisilbing gabay upang ang bawat Pilipino ay mapahalagahan ang sariling
bansa, kultura, kasaysayan at mismong wikang
Filipino(https://brainly.ph>question)) (Ang sumusunod ay bahagi ng talumpati ni
Bernales (2016) para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa.) Sa isang
sanaysay noong 1972, sinabi ni Montemayor na The Filipino Nation was
introduced into the world of universality before it could develop its own
individuality. Makalipas ang sampung taon, si Constantino naman noong 1982 ang
nagsabi ng ganito: The most effective means of subjugating a people is to capture
their minds… The moulding of men’s minds is the best means of conquest. Sa
simula’t simula pa lamang, ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas ay isang
pamamaraan ng pagpapahinahon sa mga mamamayang noo’y nagtanggol sa
kanilang bagong-kamit na Kalayaan laban sa mananakop na nagpanggap na
kaibigan. Ang edukasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng pananakop ng Amerika ay
isang instrumento ng kolonyal na polisiya. Ang mga Pilipino ay kinakailangang
turuan bilang mabubuting kolonyal. Ang mga murang isip ay kinakailangang
hubugin upang makaayon sa mga ideyang Amerikano. Ang mga katutubong ideyal
na Pilipino ay untiunting naglaho upang matanggal ang mga huling banta ng
pagaaklas. Edukasyon ang nagsilbing pang-akit ng mga bagong panginoon at
panunaw sa nasyonalismong ginamit sa pagpapalaya sa mga naunang dayong
kapangyarihan. Sa ilalim ng mga nagdaang rehimeng kolonyal, tiniyak ng
edukasyon na ang pag-iisip ng mga Pilipino ay maging masunurin sa mga
panginoon. Kaya, sinamba ng mga Pilipino ang mga dayong mananakop. Hindi
tinuruan ang mga Pilipinong tingnan ang mga dayo nang obhetibo, ang sipatin ang
kanilang mga kabutihan at maging mga kasamaan. Ito ang nag-udyok sa mga
mamamayang Pilipino upang magkaroon ng baluktot na opinyon hinggil sa mga
dayong mananakop at maging hinggil sa kanilang sarili (Constantino,1996). Ang
kanilang naging wikang kasangkapan…wikang dayuhan! Ganito ang naging
paliwanag ni Constantino(1996) kung paano ang wika ay gumanap ng mahalagang
tungkulin sa edukasyon; Ang wika ay isang kasangkapan ng proseso ng pag-iisip.
Sa pamamgitan ng wika, ang pag-iisip ay nalilinang at ang pag-unlad ng pag-iisip
ay humahantong sa lalong pag-unlad ng wika. Ngunit, kapag ang wika ay nagiging
sagabal sa pag-iisip, ang proseso ng pag-iisip ay nahahadlangan at nagkakaroon
tayo ng kultural na pagbabantulot. Ang malungkot na katotohanan sa kasalukuyan
ay ito: Patuloy ang pagkabunsod ng ating proseso ng pag-iisip. Bunga ito ng
edukasyong makadayuhan, at wala nang iba pang malinaw na katunayan ng
pagkamakadayo ng ating kasalukuyang sistemang pang-edukasyon kundi ang
wikang banyaga sa edukasyon. Ito ang reyalidad sa kasalukuyan, sa kabila ng
pagbabanta ng atin mismong pambansang bayaning si Dr. Jose Riza,l may ilang
daan taon na ang nakalilipas. Sa akda niyang El Filibusterismo ay ganito halos ang
kaniyang sinabi: … Ano ang gagawin ninyo sa wikang (dayuhan)…? Papatayin niyo
lamang ang inyong pansariling katauhan at ilalantad ang iniisip sa ibang kaisipan.
Sa halip na gawing Malaya ang inyong sarili ay gagawin niyo lamang itong alipin…
Kapwa kayo nakalilimot na habang ang tao ay may sariling wika ay mayroon
kayong kalayaaan. Tulad ng tao na Malaya habang nakapag-iisip sa kanyang sarili.
Ang wika ang paraan ng pag-iisip ng tao. Sa kasalukuyan, hindi na maitatanggi ang
istatus ng wikang Filipino bilang isang wikang Pambansa. Ang wikang Pambansa
ng Pilipinas ay Filipino… patuloy na nililinang at pinauunlad salig sa mga umiiral na
wika sa Pilipinas at iba pang wika (Art.XIV, Sek. 6, Konstitusyon 1987). Isa ring
wikang opisyal ang Filipino ng ating pamahalaan. Nagsisilbi rin itong pambansang
lingua franca ng lahat ng mga Pilipino. Ngunit liban sa pagiging asignatura ng
Filipino at wika sa pananaliksik na ginagawa ng mga nagpapakadalubhasa sa
wikang Filipino, hindi masyadong napagtutuunan ng pansin at pagpapahalaga ang
Filipino bilang wika ng karunungan at wika ng pananaliksik sa lahat ng antas ng
pag-aaral. Sa katunayan, patuloy ang pakikipaglaban ng mga taliba ng wikang
Filipino upang mapanatili ito bilang asignatura sa kolehiyo. Reaksyon ito ng
maraming nagmamalasakit sa wikang Filipino sa bagong GE kurikulum ng
Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon na nagmamaliit sa wikang Filipino
bilang wika ng karunungan at wika ng pananaliksik. Dahil dito, malamang na
magkatotoo ang hula ni Almario (2006)… mauulit muli ang pagdarahop ng
napagyayamang kaalaman bunga ng gamit ng wikang sarili at babalik muli sa
antas ng kamangmangan dulot ng kawalan ng kakayahang magpahayag at matuto
sa sariling wika. Sa edukasyong kolonyal maisisisi ang hanggang-ngayong
pagdududa sa kakayahan ng wikang Filipino bilang wika ng karunungan at wika ng
pananalikisik. Ito ay sa kabila ng pagtuturo ni Padre Roque Ferriols ng Pilosopiya
sa Filipino at ng pagsasalin sa Filipino ni Hukom Cesar Peralejo ng Kodigo Sibil at
Kodigo Penal. Maalalang lumikha rin ng diksyunaryo sa kemika si Dr. Bienvenido
Miranda at Medisina si Dr. Jose Reyes Sytanco. May libro sa Ekonomiks si Dr.
Tereso Tullao,, Jr. May mga artikulong pang- Medisina rin si Dr. Luis Gatmaitan sa
Filipino. Itinuro naman ni Dr. Judith Aldaba ang Matematika sa Filipino. Hindi na
dapat pang pinagdududahan ang potensyal ng wikang filipino bilang wika ng
karunungan at ang likas na kakayahan ng Filipino bilang daluyan ng mga bagong
tuklas na kaalaman sa mga pananaliksik panlipunan. Kung kaya, panahon na
upang kilalanin at pahalagahan ang wikang Filipino bilang wika ng karunungan.
Ang suliranin ng kolonyal na edukasyon ay malalang-malala na lalo na sa mga
kabataan. Panahon na upang pakaisipin natin ang atiing sarili, ang ating
karunungan, ang ating kinabukasan. Dahil, samantalang hindi tayo kumikilos
tungo sa makabayang edukasyon at tungo sa paggamit nang lubos ng wikang
Filipino bilang wika ng karunungan, mananatili tayong isang bayang walang tiyak
na tunguhin at walang maaasahang pag-iral sa kinabukasan! (Mula sa aklat na
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina ni Bernales, 2019)

SALIKSIK O RESEARCH “investigation into and study of materials and sources in


order to establish facts and reach new conclusions”. (OxFord Concise Dictionary,
2006) RE nangangahulugan ng MULI “MATINDING PUWERSA” (mula sa Lumang
French) “MULING PAGHAHANAP” “ MATINDING MULING PAGHAHANAP”
“BAGONG MGA KONKLUSYON” (NEW CONCLUSION) ng Oxford SALIKSIK o
PAGSASALIKSIK “HANAPIN SA LAHAT NG SULOK” (buscar por todos los rincones,
Vocabulario nina Noceda at Sanlucar) - Pagtamo ng KARUNUNGAN Ang isinasaad
na “katunayan” at “bagong kongklusyon” sa depinisyon ng research ay kapuwa
nauukol s pagtamo ng karunungan- ng karunungang nakabatay sa mataimtim na
pagsusuri ng mga ebidensiya, sa isang banda; at ng karunungang
makapagsusulong sa estado ng kaalaman at makapagbibigay ng higit na matatag
na direksyon sa pananaw at pamumuhay ng tao. Kung nais pa nating maging tiyak,
sa pamamagitan ng saliksik ay nais nating matamo ang karunungan na kailangan
natin sa ating mga mithiing pambans, halimbawa, karunungan para sa
pambansang pagkakaisa at karunungan para sa pambansang kaunlaran. SALIKSIK
PAPEL SA PAARALAN Sa paaralan, pangunahing layunin ng kurikulum na magdulot
ng isang organisado’t komprehensibong patnubay upang maisaloob ng mag-aaral
ang isang matatawag na “KULTURA NG SALIKSIK” Sa “SIKSIK” ang higit na
problema ay kung gaano kahusay magagawa ng isang tao ang isang saliksik. Ang
buong pagsasanay sa paaralan ay may layuning maging matagumpay ang mag-
aaral sa paghahanap ng impormasyon, sa pagsusuri ng mga ebidensiya, sa
pagtuklas ng pinakamainam na paraan upang malutas ang isang problema o
makamit ang isang hangarin. SALIKSIK TUNGO SA PAGBABAGO Habang tumataas
ang edukasyon ng isang edukado, inaasahang tumataas din ang uri at antas ng
usaping ninanais niyang saliksikin at lutasin. Hindi rin siya basta sumusunod sa uso
o popular na kaisipan. Higit na masusi ang kaniyang pagtimbang sa mga
nagtutunggaling panig; higit siyang naakit sa mabibigat na argumentasyon. At
inaasahan siyang bumuo o bumigkas ng naiiba, at lalo na’y orihinal. Nagsasaliksik
siya alinsunod sa isang tinatawag na KISLAP-DIWA Ang KISLAP-DIWA ang tugatog
ng pananaliksik; ang inaashang pakinabang-personal man o panlipunan- mula sa
isang masigasig at mataimtimang proyektong pananaliksik. Kislap-diwa ang
biglang pagtanto sa totoong kalikasan ng bagay na pinag-aaralan o suliraning
sinisiyasat. Ito ang ina na lahat ng dakila kung hindi man napakamakabuluhang
paglikha at imbensyon sa kasaysayan ng sibilisayon. 2 Ang mas mahalaga ay ditto
nagmula ang salitang “HIMAGSIK” (HIM + BAGSIK) na noon pa’y nangangahulugan
ng “MOSTRAR PODER Y VALOR” (“magpakita ng lakas at tapang”). Taglay ng
kahulugang ito ng “HIMAGSIK” ang nais nating tugatog ng gawaing magsaliksik. Sa
maikling vsalita, nais nating ang saliksik ay totoong nagpapasiklab sa haraya upang
makapagsulong ng karunungan ng tao. Para sa ting particular na pangangailangan,
nais nating ang saliksik ay makapag-ambag sa karunungang Filipino. Ang tunay at
mataas na uring saliksik ay isang “himagsik” laban sa luma’t kairalan, isang
“himagsik” sa nakamihasnan at kumbensyonal na pag-iiisp, at nagtuturo ng bago’t
progresibong kaalaman at direksyong kailangan ng tao at ng lipunan sa isang
takdang panahon. Ano ang Pananaliksik? PANANALIKSIK ang pangkalahatang
tawag sa mga kaparaanang tumutukoy sa proseso ng pagsagot ng mga
makabuluhang tanong na maaring humantong sa pagkakatuklas ng bagong
kaalaman sa lahat ng bagay, mula sa ating material na realidad hanggang sa mga
pilosopikong tanong tungkol sa ating pag-iral. May apat itong bahagi: (1) ang
pagbuo ng makabuluhang tanong (2) ang paghahanap ng mga pamamaraan
upang masagot ang tanong; (3) ang pagsusuri ng nalikom na datos batay sa
idinisenyong pamamaraan; at, (4) ang pagharap ng kasagutan sa orihinal na
tanonmg sa madla.` ANG PANANALIKSIK BILANG KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKASYON; Pundamental sa pananaliksik ang kakayahang
pangkomunikasyon, lalo na ang maingat na paggamit ang wika para tukuyin ang
pisikalidad at katuturan ng bagay-bagay. Nagpapatuloy ito sa mas matataas na
antas ng pag-aaral sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral ng denotasyon at
konotasyon, o ng tiyak na kahulugan at mga kaisipang naikakabit sa isang salita sa
labas ng literal nitong gamit. Ang pagunawa sa denotasyon ng mga salita ay
lumilikha ng kapasidad para sa mga teknikal na kaalamang nanganagailangan ng
katiyakan –tiyak na kahulugan, tiyak na sukat o bilang, tiyak na hakbang at paraan.
Samantala, ipinahihintulot na kasanayan sa konotasyon ang paghasa sa
kakayahang lumikha ng mga ugnayan, mula sa simpleng tensiyon at tunggalian
hanggang sa mga sanhi at bunga at mga implikasyon ng isang bagay, gawain,
kaisipan, o pangyayaring sa iba’t ibang lugar at sa ibang panahon. Anuman ang
pundasyon ng wika, kailangan itong isakonteksto lagi ayon sa nagbabago-bagong
kondisyon ng lugar, panahon, at kaugalian. Nagsisimula ito sa mga tila payak na
konsepto ngunit maaaring lumitaw na mahigpt na konektado sa usapin ng
relihiyon, tradisyon, kasarian, nasyonalismo, uring panlipunan, identidad, at iba
pang tagtukoy ng mga kondisyong lilikha at lilikha ng kaibahan. Ang pagiging
kontekstwal at kultural ng komunikasyon ay magiging labis na kapaki-pakinabang
sa antas ng dalubhasaan. Sa puntong ito nagiging kritikal ang mga kakayahang
pangkomunikasyon sa pagsala ng iba’t ibang uri ng datos, impormasyon, palagay
at kuro-kuro na kailangang unawain, suriin at timabangin nang sabay-sabay, bago
isilid o ayusin sa loob ng umiiral ng mga kategorya ng kaalaman. Ang paglulugar
ng bagong karansan o di-inaasahang aplikasyon ng mga kaisipan sa isang disiplina
o propesyon ang nagiging pangunahing trabaho ng mag-aaral. Kaya’t kailangan ng
paglinang ng sapat na kakayahan 3 para maunawaan ang wika ng kaiyang
propesyon at ang imahinasyon para rebisahin ito ayon sa mga namamayaning
pamantayan, pangangailangan, at mga kondisyong nakaaapekto sa labas. Ang
Pananaliksik Bilang Saligan ng Iba’t Ibang Pagkatuto o Literasi Ang mabisang
paggamit sa wika ay dapat madagdagan ng pagkatuto o literasi sa ibang disiplina
upang makapagsagawa ng iba’t ibang uri ng pananaliksik. Kung tutuusin,
maraming literasi ang maaring malinang kung sistematiko lamang ang pundasyon
ng pag-aaral ng wika at panitikan. Para sa guro ng Filipino, nanganagahulugan na
kailangan nang lumagpas sa mga tradisyonal na dulog. Hindi lamang layon ng
literasi ang matutong magbasa at magsulat. Marami itong anyo na nagsisilbing
pananda ng interdisiplinaryong kapangyarihan ng bago at higit na pinalusog na
programang pangkomunikasyon at pampanitikan. Ilan sa mga literasing ito ay ang
sumusunod: a. Kapaki-pakinabang (functional). Ang abilidad na gamitin ang mga
batayang kakayahang pangkomunikasyon (pagbigkas/pasalita, pagbasa, pasulat,
pakikinig). Ito ang tradisyonal na konsepto ng literasi sa Filipinas sa kasalukuyan.
b. Simboliko. Ang abilidad na maunawaan ang pagpapahayag na gumagamit ng
mga sagisag, tayutay at iba pang uri ng komunikasyong simboliko para bumuo ng
kahulugan. Sa puntong ito, mahalagang bigyang-diin na ang isang mahusay na
programang pampanitikan ay hindi maihihiwalay sa pagtuturo ng wika. Sa wika
nagsisimula ang paghubog ng simbolikong imahinasyon na nagbibigay-daan sa
pagpapalalim at pagpapayaman ng diwa; c. Pang-impormasyon. Ang abilidad na
humanap, kumalap, sumuri at tumimbang sa bias at halaga ng anumang
impormasyon. Pundamental pa rin ito sa pananaliksik sa anumang larangan. Hindi
lahat ng impormasyong nakalimbag at ipinapalagay na totoo ay mayroong
kabuluhan at kawastuan. d. Biswal. Ang abilidad na bumuo ng katuturan at
kahulugan gamit ang iba’t ibang simboiismo sa labas ng mga sistematikong
pangwika, particular na sa mga kasangkapang biswal mula sa telebisyon hanggang
sa pagpaplano ng siyudad. Maari ding gamiting kasangkapan ang Filipino sa
pagturo ng mga usaping may kinalaman sa biswalidad (visuality) na nasusuri sa
mga tekstong biswal bilang bukal ng mga kaisipang kolektibo. e. Pansining. Ang
kakayahang bigyang pagpapahalaga ang sining hindi lamang bilang dekorasyong
kahali-halina. Makabuluhang magdulot din ng pagsusuri sa sining bilang
representasyon ng mga kuro-kuro at kaisipan. Maiuugnay ang produksiyong
pansining sa kritikal na komentaryo sa mga suliranin at usaping nakapaligid sa
kontekstong pinag-uugatan ng isang likhang sining; f. Pangmidya. Ang abilidad na
masuri ang iba’t ibang anyong pang-midya at Makita ang potensiyal at panganib
ng paglikom ng impormasyon mula dito. Bilang pinakalaganap na anyo ng
desiminasyon ng impormasyon noong nakaraang siglo, tahasang binago ng midya
ang paraan ng paglilikom ng impormasyon at pagbuo ng pampublikong opinyon.
Sa panahong ito ng mabilisang pagpapalit ng anyo ng midya bunga na rin ng mga
sunud-sunod na inobasyon ng teknolohiko, kailangang mahimay ang iba’t ibang
anyo ng impormasyon at masuri ang mga implikasyong pinalalaganap nito hinggil
sa identida, halagahan, katotohanan at kamalayan ng tao. g.Panteknolohiyang
Elektroniko o Dihital. Ang abilidad na gumamit ng computer at mga aplikasyon
nito para makalikom ng impormasyon o magamit para sa kapaki-pakinabang na
gawain. Katulad ng nabanggit hinggil sa literasing pangmidya tungkol sa bilis ng
pagbabagong teknolohiko, kailangan na ring suriin ang teknolohiya bilang sarili
niyang tekstong lumilikha ng iba’t ibang posibilidad ng identidad, kamalayan,
kamalayang kolektibo at kahulugan; 4 h. Pinansyal. Ang kakayahang humawak ng
salapi at unawain ang implikasyon ng paggamit nito sa iba’t ibang paraan, maliit
man o Malaki ang halagang kailangang ingatan. Binibigyang-diin ng naturang
pagkatuto ang pagpapayaman ng kritikal na kaisipan tungo sa kapitalismo at mga
proseso nitong namamayani sa ating lipunan sa kasalukuyan; i. Pangkalikasan.
Ang pagkatuto ng paglinang ng isang pamumuhay na nagsusuri sa mga limitasyon
ng mga likas na yaman. Kabilang na rin ditto ang pagsiyasat sa implikasyon sa
kalikasan ng mga nakasanayang pamumuhay mula sa paglubha ng temperature
hanggang sa pag-ubos ng mga pinagkukunan ng mga likas na materyales para
sustentuhan ang malawakang produksiyon. k. Pangkultura. Ang abilidad na
unawain ang kaibhan ng mga kultura at kilalanin ang mga historiko at panlipunang
kondisyong nagtatangi sa sariling kultura. Bagama’t lagging naririnig/nababasa n
gating mga mag-aaral ang salitang kultura, kakaunti lamang sa kanila ang
nakapagbibigay ng akmang depinisyon ng konseptong ito pagtuntong sa kolehiyo.
Ang pag-unawa ng kultura ay nagsisimula hindi sa iisang posisyon o kaisipan
lamang, bagkus mahalagang maipabatid na nagsisimula ang pag-unawa dito sa
negosasyon ng iba’t ibang kaibhan sa loob ng isang lipunan. Ang Pananaliksik
Bilang Pagsasanay sa Imahinasyong Sosyolohiko Gayundin, mahalagang
pundasyon ng pananaliksik ang pagpapatalas ng imahinasyong sosyolohiko
(sociological imagination). Isang mahalagang katangian ito para sa pag-uugnay ng
sarili sa mga nagaganap sa lipunan. Kapag nadevelop ito, nababatid ng mag-aaral
na ang mga suliraning nakakaapekto sa kanya ay may kaugnayan sa mga
pangyayari sa kaniyang paligid. Ayon kay C. Wright Mills: The sociological
imagination enabes its prossessor to understand the larger historical scene in
terms of its meaning for the inner life and the external career of a variety of
individuals. It enables him to take into account how individuals, in the welter of
their daily experience, often become falsely conscious of their social positions.
Within the welter, the framework of modern society is sought, and within the
framework the psychologies of a variety of men and women are formulated. Bu
such means the personal uneasiness of individuals is focused upon explicit
troubles and their indifference of publics is transformed into involvement with
public issues. Ang pormulasyong ng imahinasyong sosyolohiko ay hindi limitado sa
mga sosyologo o mga propesyonal na may karanasan sa mga agham panlipunan.
Isa itong kasanayang kailangang malinang sa kahit na sinong mananaliksik.
Nararapat na kusa itong makikita sa pagkakaroon ng mag-aaral ng malinaw na
imahen ng kaniyang lugar sa pamilya, komunidad, bayan at iba pang yunit ng
ugnayang panlipunan… Kaya kailangang himukin ang mga mag-aaral na
magsaliksik tungkol sa mga paksa at usaping malapit sa kanilang sariling
karanasan. Bukod nito, ang mag-aaral ay pipili ng paksang malapit sa kanila,
kailangan ang paglinang ng posibilidad na buksan ang pananaliksik tungo sa
pagbubuo ng diskurso sa halip na impormasyon. Diskurso ang paraan ng
pagtalaga ng kaalaman, sang-ayon sa mga namamayaning kalakaran sa lipunan at
anyo ng pagkakakilanlan at mga ugnayang ikinokondisyon ng naturang kaalaman.
Ang Pananaliksik Bilang Pundasyon ng Pag-unawa sa Kultura 1) Ang paglulugar ng
sariling mga interes sa higit na masalimuot na ugnayang panlipunan. 2) Paglinaw
ng mga usapin at suliraning nakaaapekto sa kaniya. 5 3) Ang pagpili ng kaalamang
angkop sa pagkilos niya sa sariling daigdig, komunidad o gawain. Ang lohika ng
field trip na pagbabalatkayong isang uri ng pamamasyal para sating mag-aaral.
Ang pamamasyal ay isang metapora para sa pag-obserba sa paligid. Bilang
pagdidiin, nais kong ulitin ang panimula kong punto. Pundamental ang
humanidades at agham panlipunan sa paglinang ng higit na maalam at bihasang
pananaliksik sa anumang larangan

You might also like