You are on page 1of 3

5 Makrong kasanayan

I. Pakikinig

– Ang pakikinig ay proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng


sensoring pakikinig at pag-iisip.

-Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais iparating ng taong


nagdadala ng mensahe. Ang pandinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na
tayo ay may ginagawa.

-45% ng oras ng tao ay nagagamit sa pakikinig. Ito ang unang natututunan ng tao.

Kahalagahan:

-Ito ay mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon kung ikukumpara sa


pagbasa.

-Nagsisilbi itong daan sa mabisang pagkakaunawaan.

-Sa pakikinig ay kailangan ng konsentrasyon sa pag-unawa at pagtanda ng mga


narinig.

II.Pagsasalita

-Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maipahayag ang kanyang


ideya,pinaniniwalaan at nararamdaman sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
nauunawaan ng kanyang kausap.

-30% ng oras ng tao ay pagsasalita. Ito ang ikalawang natututunan ng tao.

Kahalagahan:

– Naipapabatid sa kausap ang kaisipan at damdamin ng nagsasalita.

– Nagsisilbi itong kasangkapan upang magkaunawaan ang mga tao.

– Naiimpluwensiyahan at naaanyaya ang nakikinig.

– Naipapahayag sa madla ang opinyon at katwirang may kabuluhan na


papakinabangan ng bawat isa.

Mga Pangangailangan Sa Mabisang Pagsasalita

 Kaalaman
 Kasanayan
 Tiwala sa sarili
Kasangkapan:

 Tinig
 BIgkas
 Tindig
 Kumpas
 Kilos
Limang Kasanayan Sa Pagsasalita

 Pakikipag-usap
  pakikipanayam
  pagkatang talakayan
  pagtatalumpati
 Pakikipagdebate

III.Pagbasa

Kahulugan At Kahalagahan

– Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo. Pagbibigay ito ng


kahulugan sa mga sagisag/simbolo sa iyong kaisipan.

-Ito ay pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at


kaisipan sa mga simbolo (titik) na nakalimbag sa pahina.

-Ito ay susi sa malawak na karunungan.

-16% ng oras ng tao ay sa pagbasa. Ito ang ikatlong natutunan ng tao.

–William S. Gray, “Ang Ama ng Pagbasa”

Hakbang ayon kay Gray:

 Pagbasa sa akda
 Pagunawa sa binasa
 Reaksyon
 Asimilasyon
Uri ng Pagbasa

 Iskaning
 Iskiming
 Prebyuwing
 Re-reading
 Kritikal
 Analitikal
 Pagtatala
 Kaswal
IV. Pagsulat
– Isang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan ng tao sa pamamagitan ng mga
simbolo (titik).

-6% ng oras ng tao ay sa pagsulat. ito ang pinakahuling natututunan ng tao.

Kahalagahan

-makaaangat tayo sa iba

-makakasagot sa mga katanungang nakalimbag

Proseso ng pagsulat

 Pre-writing
 Organizing
 Pagsulat ng Draft
 Pagrerebisa
 Editing
 Pagsulat ng pinal na draft
Mga bahagi ng pagsulat

 Panimula
 Katawan
 Konklusyon
 Rekomendasyon

You might also like