You are on page 1of 5

Wenceslao “Bintao” Quinito Vinzons 

(born Wenceslao Quinito Vinson, September 28, 1910 –


July 15, 1942) was a Filipino politician and a leader of the armed resistance against the Japanese
occupying forces during World War II. He was the youngest member of the 1935 Constitutional
Convention. Among the first Filipinos to organize the guerrilla resistance after the Japanese invasion
of the Philippines in 1941, he was executed by the Japanese Army.eth Paltrow and Brad Pitt visitist'

EARLY LIFE AND EDUCATION

Vinzons was born in the town of Indan, Camarines Norte to Gabino Vinzons y Venida and Engracia
Quinito y Elep. He was the grandson by paternal line of Serafín Vinzons, who was Chinese, and of
Baldomera Venida, and by maternal line of Rosalío Quinito and Cipriana Elep He was baptized on
October 5, 1910 by Marciano Bamba at Saint Peter the Apostle Church in the same town, and his
godfather was Ángel Anz. He graduated valedictorian from his local high school, and proceeded to
study at the University of the Philippines in Manila.
While at the university, Vinzons gained fame as a student leader. A member of Upsilon Sigma Phi,
Vinzons would be elected president of the student council and editor-in-chief of the Philippine
Collegian. He was also known for delivering an oratorical address entitled Malaysia Irredenta, where
he advocated the unification of Southeast Asian nations with a common Malay origin. The piece won
him the Manuel L. Quezon gold medal for excellence.
Vinzons obtained his law degree from the University of the Philippines College of Law in 1932, and
placed 3rd in the bar examinations of the following year.

POLITICAL CAREER

After graduation, Vinzons, along with Narciso J. Alegre and Arturo M. Tolentino (a future senator
and Marcos-era vice-president) founded a political party, the Young Philippines Party, which
advocated the grant of Philippine independence from American rule. After the passage in 1934 of the
Tydings–McDuffie Act which laid the groundwork for independence, Vinzons successfully sought
election that same year as a delegate together with Baldomero M. Lapak representing Camarines
Norte to the 1935 Constitutional Convention tasked with drafting a new constitution. As a member of
the Convention, he was instrumental in prescribing Tagalog as an official language of the Philippines.
At 24, he was the youngest delegate, and the youngest signer of the 1935 Constitution.
During the 1935 presidential elections, Vinzons actively campaigned for the presidential bid of former
president Emilio Aguinaldo, the main challenger to then-Senate President Manuel Quezon. Vinzons'
efforts helped Aguinaldo carry Camarines even though Quezon won the presidency. Following
Aguinaldo's defeat, Vinzons put on hold his political career, opting instead to become the president of
a mining corporation based in his home province.
Vinzons resumed political life in 1940, when he was elected governor of Camarines Norte. The
following year, he successfully ran for election to the National Assembly, representing the lone district
of Camarines Norte. His service in the legislature was interrupted by the Japanese invasion of the
Philippines in December 1941.

GUERRILLA ACTIVITIES AND EXECUTION

Within days following the arrival of the Japanese forces in the Philippines, Vinzons began to organize
armed resistance in the Bicol region against the invasion army, which had arrived in the region on
December 12, 1941. He commandeered all the rice warehouses in Camarines Norte, and ordered the
confiscation of explosives used in the province's gold mines for use against the Japanese army. By
December 18, 1941, he would lead a raid against a troop of Japanese soldiers in Basud, Camarines
Norte. His guerrilla forces soon grew to around 2,800 strong, and in May 1942, Vinzons would lead
these forces to successfully liberate the provincial capital of Daet. It is said that between December
1941 and May 1942, Vinzon's troops, armed with poisoned arrows among others, were able to kill
around 3,000 Japanese soldiers. As a result, the capture of Vinzons became a prime objective of the
Japanese army.
With the help of a former guerrilla-turned-informant, Vinzons was seized by the Japanese military
together with his father on July 8, 1942. He refused to pledge allegiance to his captors, and was
brought to a garrison in Daet. It was there, on July 15, 1942, that Vinzons was bayoneted to death
after refusing one final entreaty to cooperate with the Japanese forces. Shortly thereafter, his father,
wife, sister and two of his children were also executed by the Japanese.

TRIBUTES

Wenceslao Q. Vinzons is hailed as the "Father of Student Activism in the Philippines".


Vinzons' hometown of Indan was renamed Vinzons, in his memory, as was an elementary school in
Manila. The student activity center of the University of the Philippines campus in Diliman was named
Vinzons Hall in 1959. Vinzons Hall also houses the offices of the Philippine Collegian.
Senator Richard Gordon, an admirer of Vinzons and himself a former UP student council and
youngest Con Con delegate of 1972, commissioned sculptor Sajid Imao for a bust in his honor at
Vinzons Hall as part of rehabilitation efforts by the UP Student Council in 2009.
Several of Vinzons' relatives embarked on political careers. Fernando Vinzons Pajarillo was related to
Wenceslao and had been elected congressman and governor, for many terms. Wenceslao's son was
a one-time governor. His daughter Rannie Vinzons-Gaite was once member of the Provincial Council.
The current lone legislative district of Camarines Norte is currently served by a descendant, former
BIR Commissioner and now Representative Liwayway Vinzons-Chato.
A three-act musical on Vinzon's life, entitled "Bintao", was staged at the University of the Cordilleras
in January 2008.
Wenceslao Vinzons
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Wenceslao Quinito Vinzons (28 Setyembre 1910 – 15 Hulyo 1942) ay isang politikong Pilipino at lider ng
mga gerilya laban sa mga puwersang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa siya sa unang nag-
organisa ng paglaban sa mga Hapones nang sumalakay sila noong 1941.[1] Ipinapatay siya ng mga Hapones
noong 1942. Siya rin ay kilala bilang "Dakilang Bayani ng Bikolandia."[2]

Buhay at Edukasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Selyo para kay W. Vinzons


Ang lumang bahay ni W. Vinzons sa Daet, Camarines Norte

Bantayog ni W. Vinzons sa harapan ng Kapitolyo Probinsyal ng Camarines Norte


Si Vinzons ay ipinanganak sa bayan ng Indan, Camarines Norte. Nakatapos siya ng balediktoryan sa lokal na
mataas na paaralan at pumunta ng Maynila upang mag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas.
Habang nasa unibersidad siya, si Vinzons ay naging sikat na lider ng estudyante. Isa siyang miyembro ng
Upsilon Sigma Phi. Siya rin ay mahahalal bilang pangulo ng lupon ng mga estudyante at punong patnugot ng
Philippine Collegian. Kilala rin siya sa pagbigay ng isang talumpati na may pamagat ng "Malaysia Irrendenta",
kung saan pinamunkahi niya ang pagkakaisa ng mga bansa sa Timog Silangang Asya na may
pinagmulang Malay[3]. Ginantimpala siya ng Gintong Medalya ni Manuel L. Quezon ng Kagalingan.
Nakuha ni Vinzons ang kaniyang degree sa Batas mula sa Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Batas noong
1932 at pumangatlo siya sa pagsusulit sa bar nang sumunod na taon.

Politika
Pagkatapos ng patatapos niya, kasama sina Narciso J. Alegre at Arturo Tolentino, itinaguyod nila ang isang
bagong partido kung tawagin ay ang "Young Philippines Party". Pinapamunkahi ng partido na ito ang
kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos. Pagkatapos mapasa ang Batas Tydings-McDuffie, nahalal
bilang delegato si Vinzons sa pagkatawan sa Camarines Norte sa Kumbensiyon ng Saligang Batas ng 1935.
Bilang miyembro ng Kumbensiyon, mahalaga siya sa pagmumuhkahi ng Tagalog bilang pambansang wika ng
Pilipinas. Siya ay ang pinakabatang delegato at ang pinakabatang lumagda sa Saligang Batas ng 1935.
Kumampanya si Vinzons para sa pagkahalal ni Emilio Aguinaldo sa pagkapangulo. Pangunahing katunggali ni
Aguinaldo si Manuel L. Quezon, Pangulo ng Senado noon. Napalalunan ni Aguinado ang Camarines sa tulong
ni Vinzons, pero natalo pa sila kay Quezon. Pagkapos ng halalan, tumigil sa politika si Vinzons at naging
pangulo ng isang korporasyong pagminina sa lalawigan niya.
Bumalik sa politika si Vinzons noong 1940 at nahalal siya bilang punong-lalawigan ng Camarines Norte.
Nagtagumpay siya sa halalan sa Batasang Pambansa. Kinakatawan niya ang Nag-iisang Distrito ng Camarines
Norte. Naantala ang paglilingkod niya sa lehislatura nang sumalakay ang mga Hapon sa Pilipinas noong
Disyembre 1941.[4]

Gawaing gerilya at pagbitay


Ilang araw pagkatapos dumating ang mga Hapon sa Pilipinas, bumuo si Vinzons ng isang samahan laban sa
mga Hapon sa buong Kabikulan. Sinamsam ni Vinzons lahat ng mga taguan ng bigas mula sa isang Intsik na
negosyante sa Camarines Norte[4] at sinamsam din lahat ng mga pampasabog sa lalawigan para gamitin ito laban
sa mga Hapon. Noong 12 Disyembre 1941, pinamunuan niya ang isang pagsalakay sa mga sundalong Hapon
sa Basud, Camarines Norte. Lumaki ang mga sundalong gerilya sa bilang 2,800, at sa 1 Mayo 1942,
pinamunuan niya ang matagumpay na paglaya ng kabisera ng lalawigan na Daet[5]. Mayroong mga bulong-
bulongan na sa kalagitaan ng Disyembre 1941 at Mayo 1942, naka-armado ang mga sundalo ni Vinzons ng mga
nakakalasong palaso at naka patay sila ng higit sa 3,000 na sundalong Hapon. Naging pangunahing tudlaan ng
mga Hapon dahil dito.
Nadakip si Vinzons ng mga Hapon kasama ng kanyang ama noong 8 Hulyo 1942. Nahuli si Vinzons dahil sa
kaalaman na binigay ng isang impormante na isang dating gerilya.[6] Tumanggi si Vinzons na pangakuan ng
katapatan sa nakahuli sa kanya at dinala sa kampamento ng Hapon sa Daet. Dito sa Daet, sinaksak si Vinzons
ng isang galit na sundalong Hapon noong 15 Hulyo 1942 sa dahilang sa tuluyang pagtanggi ni Vinzons sa
pagpapangako ng katapatan sa Hapon.[2] Pagkatapos ng pagpatay kay Vinzons, sumunod ang ama, asawa,
kapatid na babae at dalawa sa anak niya.[2]

Mga Parangal
Ang bayan ng Indan, kung saan siya pinanganak, ay pinangalan sa kanyang alaala. Pati din isang mababang
paaralan sa Maynila. Ang student activity center ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman ay pinangalan Vinzons
Hall noong 1959. Sa Vinzons Hall nakalagay ang mga opisina ng Philippine Collegian.
Pumasok ang ilan sa mga kamag-anak ni Vinzons sa politika. Ang pamangkin niya na si Liwayway Vinzons-
Chato ay nagsilibing Tagapangasiwa ng Kawanihan ng Rentas Internas sa pamahalaang Aquino. Nahalal si
Liwayway Vinzons-Chato sa parehong katungkulan na inupuan ng kanyang tito na bilang congresista ng
Camarines Norte noong 2007.

Talambuhay ni Wenceslao Vinzons


Pinili ni Wenceslao Vinzons ang mamatay na nagmamahal sa bayan kaysa yumuko sa mga Hapon at ipagbili
ang karangalan.

Si Wenceslao na naging Gobernador at tinitingalang lider ng mga gerilya sa Bicol ay isinilang noong
Septyembre 28, 1910 sa Camarines Norte. Matalino siyang anak nina Gabino Vinzons at Engracia Quinito.
Naging masigasig na estudyante si Wenceslao mula pagkabata. Tinapos niya ang elementarya sa maliit na
bayan ng Indan at naging valedictorian siya ng Camarines Norte High School.

Ang buhay sa kamaynilaan ay totoong pakikipagsapalaran. Ipinakita ni Wenceslao ang talino niya nang
makapasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas. Inihalal siya dito bilang presidente ng Student Council at tinanghal
na Editor-in-Chief ng Philippine Collegian. Tinapos niya sa nasabing unibersidad ang Bachelor of Laws.

Noong 1933 ay pumangatlo siya sa bar examination. Ang kagalang-galang na katauhan at ang tayog ng kaisipan
ay naging puhunan niya upang maging delegado siya sa Constitutional Convention noong 1934. Sa gulang na
23, nahalal siya bilang namumukod tanging kabataan sa larangan ng pulitika.

Ang pagiging pulitiko at tagapaglingkod sa bayan ay nagkakaugnay. Kapag nagtagumpay ka sa pulitika ay higit
na malawak ang maitutulong mo sa mga tao. Ito ang naging panuntunan ni Wenceslao kaya batang-bata pa lang
ay tumulong na siyang sumuporta sa mga lider kandidato ng bansa. Sa labanang Aguinaldo bersus Quezon
bilang pangulo, masigasig niyang ikinampanya si Aguinaldo. Sa init ng kabataan ni Wenceslao, may mga
pagkakataong nadadarang siya sa sining ng pagtatalumpati kaya nahahabla sa libelo at sedisyon. Sa
sistematikong pagpapaliwanag niya sa hukom ay lagi at lagi siyang naaabswelto.
Ang katapatang maglingkod sa bayan ang naghatid sa kaniya upang mahalal na Gobernador ng Camarines
Norte noong 1940.

Nang dumating ang mga Hapon noong 1941 ay nanawagan si Wenceslao sa mga boluntaryong nais sumama sa
grupo ng mga gerilyang itinatag niya. Naniniwala siyang kailangan ang sariling sikap upang labanan ang mga
mandirigmang kaaway ng bayan. Bilang isang tunay na lider, gusto niyang pangalagaan ang mga kababayan na
nasasakupan sa mga oras ng kagipitan. Ipinag-utos ng Gobernador sa lahat ng may nakaimbak na palay at mais
na mamahagi ng mga produkto sa bawat pamilyang nangangailangan nito. Pinagbawalan niya ang mayayamang
mangangalakal na huwag magtamasa ng sobrang tubo sa anumang bagay na ipinagbibili nila. Ang mga may
karamdaman naman para sa kaniya ay dapat lang kaagad malunasan ng libreng gamot at instrumentong
pangmedisina lalo na sa panahon ng giyera. Para kay Wenceslao, kung sa panahon ng kapayapaan ay
tumutulong ang gubyerno, lalo itong dapat mamuno sa pag-abot ng kamay sa oras na dinidigma ang mga tao. Sa
panahon ng labanan, pinagbuklud-buklod ng Gobernador ang mga damdamin ng mga kababayan niya.
Pinagsama-sama niya ang mga puso ng mga gerilya. Maraming kaaway na napatay ang mga tauhan ng abugado.
Napalawak niya sa buong kabikulan ang mga tagasunod niya. Sa pakikipagtulungan sa iba pang pinuno ng
karatig lalawigan ay nakatikim si Wenceslao ng maraming tagumpay sa digmaan. Isa rito ang pagsalakay niya
sa mga kulungang panlalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur at Sorsogon kung saan pinakawalan niya
ang maraming Pilipino at Amerikanong nabihag dito.

Ang pasaning krus ay dumating kay Wenceslao nang ituro siya ng isang Makapiling nagngangalang Villaluz
bilang lider ng mga gerilya. Sa sobrang galit ng mga Hapon ay pinarusahan ang Gobernador. Tinakot siya ng
mga kaaway na papatayin daw kung hindi ibibigay ang listahan ng mga kasamang gerilya na nagsisipagtago sa
mga liblib na pook. Inalok ng mga Hapon ang Gobernador na bibiyayaan ng maraming handog itaguyod lang
nito ang "Co-Prosperity Sphere" na itinitindig ng mga singkit. Bigo ang mga Hapon sapagkat nanindigan ang
makabayang nagmamahal sa pagka-Pilipino ng mga Pilipino. Sa sobrang galit ni Major Tsuneoka Noburo ay
binayoneta ng Hapon ang Gobernador na ikinasawi nito.

Ang katapangan ni Wenceslao Vinzons sa panahon ng kapayapaan at digmaan ay kabayanihang dapat hangaan
ng sambayan. Sa panahon ng digmaan, kinalimutan niya ang sariling kapakanan maitindig lamang ang
minimithi nating kalayaan. Iyan ang totoong kadakilaan.

Pinoy Edition © 2021 - All rights reserved.

You might also like