You are on page 1of 2

GAWAING PAMPAGKATUTO BLG.

3
FILIPINO 7
UNANG MARKAHAN

Pangalan:_________________________________________ Baitang 7:_____________Petsa:__________ Iskor:__________

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


Nakikilala ang mga retorikal na pang-ugnay.
Nagagamit ang mga retorikal na pang-ugnay sa pamamagitan ng editoryal na panghikayat.

A. Panuto: IKAHON ang mga retorikal na pang-ugnay na ginamit sa bawat pangungusap. Dalawang puntos
bawat bilang.

1. Nasuot mo na ba ang damit na regalo ng iyong ninang?


2. Naghahabulan sa bakuran ang aso at pusa ni Wesley sa labas.
3. Nais kung pumasok sa trabaho ngunit may sakit ako.
4. Ang kalikasan ay kailangang pangalagaan para sa ikabubuti ng lahat.
5. Masyadong tahimik ang mga daan ngayon dahil sa pandemiya.
6. Gusto nang umuwi ng mga tao sa probinsiya subalit hindi pa maari ay dahil mapanganib.
7. Ipinatupad niya ang panukalang ito para sa mga mamayang kanyang sinasakupan.
8. Gigising ako ng maaga bukas para maumpisahan ko na ang labada.
9. Sinugurado ng pamahalaan na makararating ang tulong para sa mga mamamayan.
10. Ang Rehiyon IV ay isa sa mga masaganang rehiyon sa buong bansa.

B. Panuto: Gamitin ang mga salitang nakapaloob sa kahon at punan ang bawat patlang upang makabuo ng
pangungusap na nanghihikayat.

Naniniwala akong Talagang Tunay na Ngayon na Ito na

1.______________malalagpasan natin ang krisis na kinakaharap natin ngayon sa tulong ng ating Panginoog Diyos.
2. ______________mahirap ngunit sa kabila ng mga ito ay hindi pa rin tayo pinababayaan ng Maykapal.
3. ______________lahat tayo ay magagawa anuman ang estado mo sa buhay na ito.
4. ______________ang ating simula kaya kung maaari sana ay malugod itong tanggapin at sundin.
5. ______________at simulan na natin ang pagbabago.

PANGWAKAS NA GAWAIN
Panuto: Humanap ng larawan at gumawa ng editoryal na naghihikayat gamit ang mga wastong pang-ugnay at
maayos na pagsasalaysay o paglalahad. Gawing gabay ang rubriks na makikita ibabang bahagi. Idikit ang
napiling larawan sa itaas na bahagi ng sagutang papel at isulat sa ibaba nito ang iyong editorial. Gawin ito sa isang
malinis na intermediate paper.

RUBRIKS
PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHANG
Pag unawa Malinaw nailahad ang opinyon patungkol sa larawan upang
suportahan ang mga paliwanag. 8
Wasto at makatotohanan ang impormasyon. Nakabatay ang mga
Nilalaman nilalaman sa tinalakay na paksa.
15
Sumunod sa mga pamantayan sa pagsulat ng editoryal na
Teknikalidad nanghihikayat tulad ng tamang paggamit ng mga pang-ugnay at
maayos na naipapahayag pagsasalaysay o paglalahad
7
KABUUAN 30
I. Panuto : Tukuyin kung TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag tungkol sa katangiang dapat taglayin ng
TRAVEL BROCHURE.
________1. Maaring kakitaan ng tagline.
________2. Naglalaman ito ng maraming artikulo, mga balita at impormasyon sa mga mambabasa
________3. May iba't ibang disenyo na nakakaakit sa mga turista
________4. Nagsisilbi itong gabay ng isang turista upang mahanap ang isang lugar na nais puntahan
________5. Naglalaman ito ng mga impormasyon tungkol sa isang lugar.

II. PANUTO:Isulat sa patlang ang TAMA kung ang mga pahayag ay nagsasaad ng katotohanan tungkol sa
pananaliksik ng isang proyekto at MALI naman kung hindi nagsasaad ng katotohanan.
________1. Upang makakakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas.
________2. Maaring kumuha ng impormasyon sa dyaryo o magazine sa pananaliksik.
________3. Ang pananaliksik ay isang panghuhula lamang.
________4. Layunin ng pananaliksik ang makakuha ng solusyon sa isang problema.
________5. Ang pagsasaliksik ay hindi nangangailangan ng tamang datos.
________6. Ang pananaliksik ay isang ordinaryong problema na madaling lutasin.
________7. Upang mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na namumuo sa isipan ng isang tao.
________8. Bahagi ng pananaliksik ang bibliograpiya.
________9. Ang pagsasalisik ay nangangailangan ng panahon.
________10. Nakakapagpalito sa mga mambabasa.

Inihanda ni:

APRIL JOY B. PIAMONTE


Guro III

Sinuri ni:

OSCAR DUKE D. BAHIO IV


Gurong Tagapamanihala

You might also like