You are on page 1of 11

FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG

CSSH-ABFIL
FILIPINO
Republic of the Philippines
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN: MARJENEL QUINCE C. CUNANAN, JOSELITO BALBIN, JOHN REY


BALAIS, KRISTINE ASHLEY LITANG, JOCELLE MARK DANTE SEKSYON: 012.2

PAMAGAT NG GAWAIN: ULAT-PAPEL NG IKAWALONG GRUPO PETSA: October 21,


2021

PAKSA VIII : PALABAYBAYANG PILIPINO

Mula Baybayin Hanggang Abakada.

Ang kasaysayan ng ortograpiya ng wikang Filipino ay maaaring ugatin mula sa sinaunang


panahong gumagamit ang mga Filipino ng katutubong paraan ng pagsulat na tinatawag
na baybayin. Inilimbag ang unang aklat sa Filipinas, ang Doctrina Christiana (1593), nang
may bersiyon ng mga dasal at tuntuning Kristiyano sa paraang baybayin. Nakahudyat na
rin sa libro ang isinagawang romanisasyon ng ortograpiyang Filipino sa buong panahon
ng kolonyalismong Espanyol.

Palabaybayang Pilipino

Tulad ng mga wikang Kastila at Inggles, mga simbolong romano ang ginagamit sa
palabaypayang Pilipino. Bawat makabuluhang tunog o ponema ay inirereprisinta ng isang
letra lamang kapag isinulat. Sa wikang Ingles, ang isang ponema na tulad ng halimbawa
nating /k/ ay maaaring ireprisinta ng higit sa isang letra, tulad ng makikita sa kanan:

• K sa kit
• Ch sa cholera
•Ck sa chick
•C sa car
•Qu sa squatter
•Que sa physique

Ang dating abakada ay binubuo ng 20 letra:


A,B,K,D,E,G,H,I,L,M,N,NG,0,P,R,ST,U,W,Y
Limang patinig : A,E,I,O,U
Labing limang patinig: B,K,D,G,H,L,M,N,NG,P,R,S,T,W,Y
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Ang 11 na letrang itinuturing na mga banyaga, kaya't hindi kasama sa 20 na letra sa


dating ABAKADA ay ang mga sumusunod:
C,CH,F,J,LL,Ň,Q,V,RR,Z.

Ang 11 na letrang banyaga ay tinutumbasan ng mga letrang nasa 20 na letrang


ABAKADA:
C = kscalesa cocinera - kalesa - kusinera
CH = tsscheque chinelas - tseke - sinelas
F = p- fiesta - pista
J = h-jota - hota
LL = lyybillar caballo - bilyar - kabayo
Ñ = ny- paño - panyo
Q = k- queso - keso
RR = r- barricada - barikada
V = b- ventana - bintana
X = kssexperimento texto - eksperimento - teksto
Z= S-zapatos- sapatos

Bagong ortograpyang pilipino

Ang tatawagin nating bagong alpabeto ay ang binago o pinayamang dating ABAKADA,
batay sa Memorandum pangkagawaran Blg. 194,s. 1979 ng kagawaran ng edukasyon sa
kultura noong Hulyo 30, 1976. ang mga tuntunin sa palabaybayang Filipino na isinasaad
sa nasabing memorandum ay pinagtibay ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa
noong Abril 1, 1976. Sa makatuwid, 31 ang mga letra sa bagong ortograpiyang Filipino.

Mga puna

Hindi tiyak ang kung ilang letra ang bubuo sa bagong ortograpiya. Hindi sinabi kung ano
ang itatawag sa mga letra. Hindi sinabi yung paano pagsusunod-sunurin ang mga letra.

Mga naging mungkahi


Sa bagong ortgograpiyang Filipino ay bubuuin lamang ng dalawampu't anim(26) gaya ng
sa ingles sa halip natatlongpu't isa (31) ang dalawampu't anim na letra ay tatawagin at
pagsusunud-sunurin na rin nang kung papaano sa ingles
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

HAL:
A /ey/, B /bi/, C /si/, D /di/, E /i/, F /ef/, G /dyi/, H /eyts/,
I/ay/,J/dyey/, K /key/, L /el/, M/em/, N /en/,/,0/0/,P
/pi/, Q/kyu/, R/ar/, S/es/, T /ti/, U/yu/, V /vi/, W
/dobolyu/, X /eks/, Y /way/, Z /zi/.

Mga naging mungkahi

Ang pagbaybay sa Filipino ay hindi na dapat maging papantig kundi ay patitik


Hal:
Bote ---/bi-oti-i/ at hindi /ba-o-ta-e/
Ibon----/ay-bi-o-en at hindi /i-ba-o-na/
U.P----/yu-pi/ at hindi /u-pa/

Sinasabi ng ilan, lalo na ng mga guro sa unang baitang, mas madaling matutong bumasa
ang mga bata kung ang ngalan ng mga titik ay ayon pa rin sa dating ABAKADA. Ang
dahilan ay sapagkat ang ngalan diumano ng bawat titik ay tulad na rin ng kung ano ang
basa. Kung iyon ay totoo, ang salitang baka, halimbawa, ay magiging bk na lamang
sapagkat ang /b/ ay ba at ang/k/ ay ka. Isa pang sinasabi ng ilan ay ito; kung ang A daw ay
/ey/ ang magiging ngalan, ang bata ay /bey-tey/ ang magiging basa. Anupa't ang bagong
alpabeto, bagama't konsistent pa rin, ay hindi na kasinghigpit ng dating ABAKADA sa
pag-asimila sa mga salitang hiram.

Madaling manghiram ng salita sa Kastila kaysa sa ingles sapagkat ang palabaybayan ng


Kastila ay konsistent din tulad ng Filipino
hal:
Caso=kaso
Queso=keso
Esquinita=eskinita
Circo= sirko
Curva=kurba
Sa Ingles ay hindi maari ang ganito sapagkat, gaya ng natalakay na, hindi konsistent ang
palabaybayan nito.
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Palapantigan

Ang pantig ay binubuo ng isang salita o bahagi ng isang salita na binibigkas sa


pamamagitan ng isang walang antalang bugso ng tinig. Bawat pantig sa pilipino ay may
patinig na kalimitan ay may kakabit na katinig o mga kanitig sa unahan, sa hulihan o sa
magkabila.

MGA PORMASYON NG PANTIG

1.P (Patinig) - pantig na binubuo ng patinig lamang, kaya't tinatawag na payak.


Hal:
•O-o
•A-a-sa
•Ma-a-a-ri
2.PK (Patinig/Katinig) -Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na katinig sa
hulihan
Halimbawa:
• Ok-ra
• Is-da
•ma-is
3.KP (Katinig/Patinig) - pantig na binubuo ng pantinig na may
tambal na katinig sa unahan, kaya't tinatawag na tambal una.
Halimbawa:
Ba-ba-e
Gi-ta-ra
ka-ro
4. KPK (Katinig/patinig/katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng
patinig na may tambal na katinig sa unahan at hulihan kaya
tinawag na kabilaan.
Halimbawa:
Su-lat
Bun-dok
Ak-lat
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

MGA PORMASYON NG PANTIG


Ngunit sa ngayon, dahil sa ang Filipino ay patuloy na umuunlad at samakatuwid ay
patuloy ring nagbabago, ang apat na pormasyon ng mga pantig na tinalakay sa naunang
pahina ay nadagdagan na ng mga sumusunod:
5.PKK (Patinig/Katinig/Katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
klaster sa hulihan.
Halimbawa:
Blow-awt
• Art
6. KKP (katinig-katinig-patinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
klaster sa unahan.
Halimbawa:
•Tse-ke

•Dra-ku-la
•Blu-sa

7. KKPK (Katinig/Katinig/Patinig/Katinig) - Ito ay pantig na


binubuo ng patinig na may tambal na klaster sa unahan at katinig sa hulihan.
Halimbawa:
•Plan-tsa
•Trum-pe-ta
•Trak
8. KPKK (Katinig/Patinig/Katinig/Katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na may
tambal na klaster sa unapan at sa hulihan.
Halimbawa:
•Nars
•kard
•Re-port
• 9. KKPKK (katinig-katinig-patinig-katinig-katinig) - Ito ay pantig na binubuo ng patinig na
may tambal na klaster saunahan at hulihan.
Halimbawa:
•trans-por-tas-yon
•tsart
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

ANG PAGPAPANTIG

Pagpapantig - ay paraan ng paghahati o pagbabaha-bahagi ng tunog sa isang salita. Ito


ay magkasamang tunog sa isang bigkas. Ginagamitan ito ng gitling (-). Bawat pantig ay
maaaring buuin lamang ng patinig lamang o pinag-samang katinig at patinig. Bibigkasin
lamang ang mga salita upang mas madali nating ito ipantig.

Mahalaga ang wastong pagpapantig sapagkat ito ay isang batayan upang mabigkas ng
maayos ang mga salita. Ang maayos na pagpapantig ay sumisimbolo sa kung papaano
ang wastong pagbigkas ng salita.

Mga Halimbawa:
tularan - tul-a-ran (x)
paaralan - pa-ar-a-lan (x)

a. Ang magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong inisyal, midyal, at pinal
na salita ay hiwalay sa mga patinig.

Mga Halimbawa:
aalis - a-a-lis
uupo - u-u-po
paano - pa-a-no
maaga - ma-a-ga
totoo - to-to-o
noo - no-o

b. Ang dalawang magkaibang katinig na magkasunod sa loob ng salita ay pinaghihiwalay,


katutubong salita man o hiram. Ang unang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at
ang pangalawang katinig naman ay sa patinig na kasunod.

Mga Halimbawa:
buksan - buk-san
tukso - tuk-so
pandak - pan-dak
pinto - pin-to
tuktok - tuk-tok
luksa - luk-sa
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Sa mga hiram na salita naman, ang magkasunod na katinig ay parehong kasama sa


kasunod na patinig.

Mga Halimbawa:
sobre - so-bre
pobre - po-bre

c. Kapag ang tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng salita,
ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling katinig
naman ay sa patinig na kasunod.

Mga Halimbawa:
eksperimento - eks-pe-ri-men-to
transkripsyon - trans-krip-syon

d. Kapag ang una sa tatlong magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng salita ay


letrang m o n at ang kasunod na dalawa pang letra ay alinman sa bl, br, pl, o tr, ang unang
katinig na m o n ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa naman ay sa
patinig na kasunod.

Mga Halimbawa:
asembleya - a-sem-ble-ya
alambre - a-lam-bre

e. Kapag mayroong apat na magkakaibang katinig na magkakasunod sa loob ng salita,


ang unang dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa
naman ay sa patinig na kasunod.

Mga Halimbawa:
ekstradisyon - eks-tra-dis-yon
eksklusibo - eks-klu-si-bo

Ang Pag-uulit ng Pantig

1. Ang patinig lamang ang inuulit kung ito ay unang tunog ng salitang ugat.

Mga Halimbawa:
aalis - a-a-lis
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

eekstra - e-eks-tra
asa - a-a-sa
alsa - a-al-sa

Sinusunod din ang tuntuning ito kahit may unlapi pa ang salita.

Mga Halimbawa:
mag-alis - mag-a-a-lis
umekstra - u-me-eks-tra

2. Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP (katinig-patinig), ang


katinig at ang kasunod na patinig lamang ang inuulit.

Mga Halimbawa:
basa; ba-ba-sa; mag-ba-ba-sa
lakad; la-la-kad; ni-la-la-kad
punta; pu-pun-ta
sulat; su-su-lat
prito; pi-pri-tu-hin

3. Kapag ang unang pantig naman ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KK (klaster na


katinig), mayroong dalawang paraan ang gagamitin. Ito'y batay sa kinagawian ng
nagsasalita o variant ng paggamit ng wika sa komunidad.

Una, inuulit lamang ang unang katinig at patinig.


plan-tsa; pa-plan-tsa-hin; mag-pa-plan-tsa
pri-to; pi-pri-tu-hin; mag-pri-pri-to

Pangalawa, inuulit ang klaster na katinig kasama ang patinig.


plan-tsa; pa-plan-tsa-hin; mag-pa-plan-tsa
pri-to; pi-pri-tu-hin; mag-pri-pri-to
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

KUDLIT

- Ito ay ginagamit kung may nawawalang letra o mga letra sa dalawang letrang
pinag-uugnay.

Halimbawa:
 Ako at ikaw = Ako’t ikaw
 Iba at iba = iba’t-iba
 Mayaman at mahirap = mayama’t mahirap
 Bayan at lungsod = baya’t lungsod

HIRAM NA SALITA

Marami sa mga salitang ginagamit natin ngayon sa pagsulat, pakikipag-usap, o ano pa


mang paraan ng komunikasyon ay mga hiram na salita. Ang ibig sabihin nito ay hindi sila
likas na mga kataga sa wikang Filipino pero ginagamit sila sa pakikipag-usap. Kadalasan,
ang mga salitang ito ay binigyan din ng sariling pagbabaybay ng mga pantig ng salita sa
Filipino. Marami sa mga salitang ito ay likas na ginagamit sa wikang Ingles at Kastila.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga hiram na salita sa wikang Filipino:

Kompyuter (Computer)
Iskor (Score)
Titser (Teacher)
Keyk (Cake)
Hayskul (High School)
Populasyon (Population)
Magasin (Magazine)
Telebisyon (Television)
Basketbol (Basketball)
Babay (Bye-Bye)
Breyk (Break)
Bilib (Believe)
Elementari (Elementary)
Interbyu (Interview)
Taksi (Taxi)
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Dyip (Jeep)
Nars (Nurse)
Manedyer (Manager)
Kostomer (Customer)
Ketsap (Ketchup)
Iskrin (Screen)
Traysikel (Tricycle)
Trapik (Traffic)
Pulis (Police)
Prinsipal (Principal)
Apelyido (Apellido)
Kwenta (Cuenta)
Siyempre (Siempre)
Pista (Fiesta)
Manika (Muneca)
Tuwalya (Toalla)
FIL121-ESTRUKTURA NG WIKANG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Mga Sanggunian

https://www.slideshare.net/shekainalea/ortograpiyang-filipino-65463925

https://www.coursehero.com/file/25344365/Palabaybayan-ng-Filipinodocx

https://www.scribd.com/presentation/478102738/Palabaybayang-Pilipino-2-0-pptx

Arnado, J. (2020, April 12). PAGPAPANTIG [Video]. YouTube.


https://youtu.be/RsyvdEZSbiM

Explore With MaReya. (2020, August 27). PANTIG – PAGPAPANTIG ng mga salita
[Video]. YouTube. https://youtu.be/aMtrnVnypu4

Reynaldo, A. (2012, September 14). Pagpapantig. Slideshare.net. Retrieved October 26,


2021, from https://www.slideshare.net/almareynaldo/pagpapantig

Rose ann II. (n. d.). Ang Pagpapantig. Scribd.com. Retrieved October 26, 2021, from
https://www.scribd.com/presentation/432648024/Ang-Pagpapantig

https://wordsimilarity.com/tl/kudlit

https://theworldnews.net/ph-news/hiram-na-salita-mga-halimbawa-ng-mga-hiram-na-salit
a-sa-filipino

You might also like