You are on page 1of 2

Humigit kumulang isa’t kalahating taon nang magsimula ang pandemya ng COVID-19,

marami nang opisina, pabrika, kumpanya at establisyimento ang muling binuksan para sa
mabagal na pagbabalik ng kanilang mga empleyado at manggagawa. Noong mga nakalipas na
buwan ay maraming mga haka-haka at kumakalat na balita hinggil sa pagpapatuloy ng regular na
araw ng trabaho at ang mandatoryong pagbabakuna upang makabalik sa kani-kanilang trabaho.
Ngunit ayon sa departamento ng paggawa at pagtatrabaho (DOLE), walang gaanong bagay na
"no vaccine, no work policy" kahit na ang impormasyong ito ay dumaan sa maraming bayan at
lungsod. Bilang mga may-akda, personal kaming naniniwala na ang proseso ng pagbabakuna ay
isang kinakailangang bagay ngunit hindi sapilitan hanggang sa puntong makakaapekto ito sa
trabaho at negosyo ng isang tao. Alinsunod sa bagay na ito, narito ang aming mga pananaw at
kaisipan.

Ngayon at may mga bakuna ng isinulong, lahat ng trabahador ay maari nang


magpabakuna at bumalik sa kani-kanilang trabaho upang ganap na makabalik ang sitwasyon ng
ekonomiya sa loob ng ilang buwan. Noong nakaraang Marso, inilabas ng DOLE ang Labor
Advisory No. 3 Series of 2021 na nagsasabi na maaaring hikayatin ng mga employer ang
kanilang mga trabahador na magpabakuna. Ayon kay Buenafe, ang pagbabakuna ay hindi
sapilitan ngunit kinakailangan. Mahalaga para sa mga manggagawa na mabakunahan para sila’y
mapanatiling malusog at makamit din natin ang tinatawag na herd immunity, upang matiyak ang
mabilis na paggaling ng ating ekonomiya. Ayon din kay Ruben Torres, ang mga negosyo na
nagpapatibay ng “no vaccination, no work policy” ay nasa saklaw ng kinikilala bilang legal na
wastong paggamit ng kaukulang karapatan sa pamamahala. Siya na ring isinaad na sa
pagpapatupad ng patakaran, ang problema sa pag-aalinlangan ng mga Pilipino sa pagpapabakuna
ay maiibsan sapagkat ang mga tagapangasiwa ay may obligasyon na protektahan ang kanilang
mga trabahador laban sa panganib na pangkalusugan at pangkaligtasan.

Ilan sa mga empleyado ay may mga agam agam at takot pa rin sa pagpapa bakuna kontra
COVID-19 ngunit isa sa labis na dahilan ng kanilang pagkabahala  ay ang “ no vaccination, no
work policy “ na kung susuriing maigi ay wala namang legal na basehan. Sa kabilang banda ay
sumusuporta ang aming grupo upang hindi ipatupad ng mga employer ang polisiyang ito sa
kanilang mga empleyado sa kadahilanang  binigyang linaw ng DOLE na ang “ no vaccine, no
work policy “ ay hindi makatao at labag sa batas sapagkat sa Labor of Advisory  na inilabas
noong Marso, malinaw na bawal tanggalin sa trabaho o pagkaitan ng sahod, benepisyo at iba
pang karapatan ang isang manggagawa na ayaw pang mag pa bakuna. Binigyang diin ni
Secretary Silvestre Bello sa isang panayam na walang legal na basehan para pilitin ng employer
ang kanyang mga empleyado na magpabakuna  lalo na’t hindi natin kontrol ang supply ng
bakuna sa ating bansa at kahit na ang isang manggagawa ay mag pasya na magpabakuna, ito ay
matagal sapagkat kinakailangang dumaan sa maraming proseso. Tulad ng nakasaad sa RA 11525
naniniwala kami na ang vaccination card ay hindi itinuturing na mandatoryong kinakailangan
para sa edukasyon, trabaho, at iba pang katulad na layunin ng transaksyon ng gobyerno. Kaya
marapat lamang na bigyang atensyon ang mga kompanyang nagpapatupad ng “ no vaccination,
no work policy “ sa kanilang mga empleyado.

Samakatuwid, ayon sa mga datos na aming nakolekta ay hindi makatao at hindi dapat
isulong ang "no vaccine, no work policy" sa kadahilanang ito ay nagpapakita ng hindi pantay na
hustisya sa bawat mamamayang Pilipino. Hindi dapat mawalan ng trabaho at marapat lang din
tanggapin sa trabaho ang isang Pilipinong ayaw mag pa bukana sapagkat ang pag dedesiyon
tungkol sa pagpapabakuna kontra COVID-19 ay kasama sa karapatang pantao. Humigit
kumulang isa’t kalahating taon na ang nakalipas ngunit lugmok pa rin ang ekonomiya ng ating
bansa dahil umano sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at isa sa mga dahilan ay ang
mga empleyadong nawalan ng trabaho dahil lang wala pang bakuna. Paalala naman ng DOLE at
CSC na sa halip manakot, responsibilidad ng mga employer na bigyang linaw ang kahalagahan
ng bakuna. Hindi mawawala sa mga Pilipino ang takot at pangamba na mag pabukana ngunit
marapat lamang na wag nang madagdagan ang kanilang isipin at problema upang makakuha ng
trabaho o di kaya’y mawalan ng trabaho sapagkat ang bawat isa sa atin ay may kalayaan upang
mag desisyon para sa ating mga sarili. 

You might also like