You are on page 1of 2

Talakayin natin ang 

artikulo 13 ng Philippine Constitution. Ang arikulo 13 ay ang social justice and


human rights. At nasa section 3 ng artikulong ito ay tungkol sa labor ng mga tao. Ito ay ang pagbibigay
protection sa nga taong nagtatrabaho, local man or overseas, employed at organized ay bigyan ng
equality sa employment opporunities. Bigyan ng patas na decision sa lahat ng oportunidad sa trabaho.

SEKSYON 12.

(1). Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat na magkaroon ng karapatang
mapatalastasan ng kaniyang karapatang magsawalang-kibo at magkaroon ng abogadong may sapat na
kakayahan at Malaya na lalong kanais-nais kung siya ang may pili. Kung hindi niya makakayanan ang
paglilingko ng abogado, kinakailangan na pagkalooban siya ng isa. Hindi maiuurong ang mga karapatang
ito maliban kung nakasulat at s harap ng abogado.

(2). Hindi siya dapat gamitan ng labis na paghihirap, pwersa, dahas pananakot, pagbabanta o ano mang
paraan na pipinsala sa kanyang malayang pagpapasya. Ipinagbabawal ang mga lihim na kulungan,
solitary, ingkomunikado, o iba pang katulad ng anyo ng detendyon.

(3). Hindi dapat tanggapin na ebidensya laban sa kanya ang ano mang pagtatapat o pag-amin na nakuha
ng labag sa seksyong ito o sa seksyong labing-pito.

(4). Dapat na magtadhana ang batas ng mga kaparusahang penal at sibil sa mga paglabag sa seksyong ito
at gayon din ng bayad-pinsala at rehabilitasyon sa mga biktima ng labis na mga paghihirap o katulad ng
mga nakagawian, at sa kanilang mga pamilya.

Ang lahat ng tao ay magkaroon dapat ng sapat na karapatan upang maipagtanggol ang kanilang sarili
kung sila ay nasasakdal. Hindi sana kampihan ang iisang panig lamang. Hayaan na maipabatid nila ang
kanilang opinyon ukol sa bagay na nangyari. Litisin mabuti ang isang kaso upang makuha ang sapat na
katarungan. Pakinggan ang lahat ng tao na nais magbigay ng kanilang pahayag ukol sa kanilang mga
narinig at nakita na maaaring makatulong upang malutas ang kaso. Kung ninanais ng nasasakdal na
depensahan ang kanyang sarili laban sa mga pahayag ukol sa kanya ay hayaan na marinig o mapakinggan
ang kanyang panig. Ang nasasakdal ay magkaroon ng laya sa pagpili ng kanyang sariling abogado at
huwag siyang pangunahan. Kung wala siyang pera upang kumuha ng abogado ay dapat mabigyan pa rin
siya ng isa upang maibigay nito ang pahayag ng kanyang panig. Huwag ipagdamot sa kanya ang
karapatan na madepensahan ang kanyang sarili laban sa nagsasakdal sa kanya.

Ang sino mang tao na gagamitan ng labis na pananakit, pagbabanta at dahas ang isang nasasakdal ay
nararapat na mabigyan lamang ng karamptang parusa. Ito ay labag sa batas kaya kung sino man ang
nakitang ginagawa ito ay nararapat na isuplong sa pulisya upang mabigyan ng naaayon na parusa sa
kanyang ginawa.
Ang anumag sinabi o ipinahayag ng tumistigo laban sa nasasakdal ay hindi dapat agad gawing ebidensya
laban sa nasasakdal. Ito kinakailangan ng masusi at matinding paglilitis. Kinakailangan na siyasating
mabuti ang ipinayag ng tumitistigo kung ito ba ay pawang katotohanan o hindi. Hindi ito maaaring
gamitin na ebidensya laban sa nasasakdal kung hindi ba natatapos ang paglilitis kung ito ba ay totoo o
hindi.

You might also like