You are on page 1of 4

Yunit I: Heograpiya at ang Pagsisimula ng Kasaysayan sa Daigdig

Aralin 3,4 at 5
LINGGO 3 at 4

Kasanayang Pagkatuto:
 Nakilala ang mga kultura ng mga rehiyon sa daigdig.
 Nasusuri kondisyong heograpiya sa panahon ng mga unang tao sa daigdig.
 Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa daigidg.
Panimulang Konsepto:
Isa ang HEOGRAPIYA sa mga salik na nakaaapekto sa daloy ng kasaysayan. Sa katunayan,
malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng isang
kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at
paglinang ng kultura ng tao.
Sa Yunit na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan. Maiisip kung
paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang kapaligiran upang
matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay.
Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang daan ang pagtatatag ng
maunlad na pamayanan at kanilang kultural na tinatawag na kabihasnan.
Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America, ay nag-
iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa lahat ng panahon at
nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan.

Aralin 3: Heograpiyang Pantao.


Tumutukoy ang heograpiyang pantao sa sangay ng heograpiya na nakatuon sa pag-aaral ng
mga tao at kanilang kinabibilangang komunidad. Kabilang din rito ang pag-aaral ng
ekonomiya, kultura, klima, at pag-aaral ng relasyon at kaugnayan ng tao sa kanilang
kapaligiran at lugar. Maaari ding tumukoy ang heograpiyang pantao sa sangay ng heograpiya
na inaalam kung ano-ano ang sanhi o paano nakaaapekto ang aktibidad ng tao sa ibabaw ng
lupa o sa kaniyang kinalalagyan.

Aralin 4: Ang Daigdig sa Panahong Prehistoriko

Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang


mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang homo
species (homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang
kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang
panahon.

May tatlong pangkat ng Homo Species na nabuhay sa daigdig at naging mga ninuno ng mga
kasalukuyang tao. Pag – aralan ang diyagram tungkol sa Teorya ng Ebolusyon ng tao mula sa
pagiging Ape hanggang sa paglitaw ng mga homo sapiens.
Aralin 5: Mga sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya


Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o “pagitan” at
potamos o “ilog”. Samakatuwid, ang Mesopotamia ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng
dalawang ilog”. na inaakalang lunduyan ng unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na
kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang
pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite
na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang
umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan.

Ang Kabihasnang Tsino


Ang kabihasnang umusbong sa China ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang
nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan. Nag-ugat ito halos apat na milenyo na ang
nakalilipas. Noon pa man, mithiin na ng mga Tsino ang pagkakaroon ng mahusay na pamamahala..
Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism,
ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino. Sa aspektong politikal, halinhinang nakaranas ang
China ng pagkakaisa at pagkakawatak – watak.

Sinaunang kabihasnan sa Ehipto


Isang sinaunang kabihasnan ang nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt na nasa hilagang-
silangang bahagi ng Africa. Ang kabihasnan sa Mesopotamia ay mas naunang nagsimula subalit
masasabing mas naging matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay
nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 B.C.E. at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong
milenyo. Batay sa mga ebidensiyang arkeolohikal, mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa nagsimula
ang kabihasnan sa Lambak ng Nile. Ang mga isinagawang paghuhukay sa Egypt ay patuloy na
nagpabago sa pananaw ng mga iskolar tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan nito. Sa pagtatapos ng
ika-20 siglo, natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timogng
kanlurang bahagi ng Egypt malapit sa hangganan ng Sudan. Tinatayang naroroon na ang paninirahang
bago pa sumapit 8000 B.C.E. Sinasabing maaaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang
nagpasimula sa kabihasnang Egyptian sa Lambak ng Nile.

PAGNILAY - NILAYAN!
Basahin at Pag-aralan ang Yunit I - ARALIN 3: Heograpiyang Pantao ,Pahina 29-42
ARALIN 4: Ang daigdig sa panahong Prehistoriko, pahina 45 – 55 at ARALIN 5: Mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig na matatagpuan sa Pahina 59 – 70 ng inyong batayang
aklat.
Panimulang Gawain: PAG TAPAT - TAPATIN
Panuto: Pagtapat tapatin ang deskripsyon sa Hanay A sa kanilang tinutukoy sa Hanay B. Isulat
lamang ang letra ng tamang sagot sa patlang na nakalaan.

HANAY A HANAY B

______________1. Ito ang pinakamaliit A. Wika


na lupalop ng Daigdig.
B. Home Sapiens
______________2. Ito ang mahalagang
batayan ng pagpapangkat sa buong
daigdig. C. Australia at Oceania
______________3. Ito ang panahon ng
D. Neolitiko
bagong bato.
______________4. Ang ibig sabihin nito
ay ang taong nagiisip. E. Mandate of Heaven

______________5. Ito ang tawag sa F. Dynastic Cycle


pang – angat at pag bagsak ng mga
dynastiyang tsina.
______________6. Ang pangkat ng G. Mesolitiko
taong ito ay tinatawag na noble people.
H. Aryan

Gawain sa Pagganap: “Scraftbook”


Panuto: Gumawa ng isang scraftbook ng pinagsama – samang impormasyon at larawan ng mga
mamamayan sa daigdig, ilagay rin ang kani – kanilang pananamit, paniniwala, pamumuhay, at
kultura. Maging malikhain sa pag – gawa. Maaring gumamit ng mga recyclable materials.

Krayterya
Kaangkupan ng Gawa --------------- 10 Puntos
Pagkamalikhain: ---------------------- 10 Puntos
Kalinisan: ------------------------------ 5 Puntos
Materyales ----------------------------- 5 Puntos
Kabuuan: 30 Puntos

Mga gabay na tanong:


1. Ano ano ang mga katangian ng mga mamamayang iyong itinanghal sa iyong scrafbook?
2. Bakit mahalaga na malaman ang kanilang paniniwala, pamumuhay, at kultura?
3. Sa paanong paraan naiiba ang iyong kultura sa kanilang kultura? Mabuti bai to o hindi?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V
DIVISION OF MASBATE
LICEO DE BALENO
J. Ramirez St. Poblacion, Baleno, Masbate
Email Address: liceodebaleno2016@gmail.com

SELF – INSTRUCTION INP

ARALING
ALAB – Kasaysayan ng Daigdig

WEEK 3 & 4
PANLIPUNAN 8
Quarter 1
Name of Student: __________________________________________________
Grade & Section: __________________________________________________
Home Address: ____________________________________________________
Subject Teacher: Kenneth D. Danao/Cora R. Bohol/ Cathy I. Maglente
Contact No.: Kenneth Danao – 09107710294/
Cora Bohol-09382617067/
Cathy Maglente-09129881124

“Act as if what you do makes a


difference. IT DOES”
GODBLESS!

You might also like