You are on page 1of 102

[ The Billionaire's Maid [Completed] ]

-------------------------------

[ 1 Prologue ]
-------------------------------

This is a work of fiction. Names, characters, events are just product of the
writer's imagination. Any resemblance to actual person or event is purely
coincidental.
All rights reserved 2015. No part of this story may be reproduce in any form or by
any electronic or mechanical means including information storage and retrieval
systems without permission in writing from the writer.
Chapter 24 and Epilogue is in private mode, must follow the writer. (must be a
follower). thanks! 
This is the edited version of TBM from 2015. It is way better than before, if you
had read it back then, you can reread it again for I add new scenes and fix
grammatical errors. Enjoy reading! Thanks :)---
Nilapag ko sa harapan niya ang niluto kong agahan bago siya pumasok sa kanyang
opisina. Tinitigan niya muna ako nang mariin bago bigyang pansin ang inihain ko sa
kanyang harapan. Hindi ko alam kung ano bang klaseng tingin ang binibigay niya sa
akin ngayon, basta ang alam ko lang sa tuwing tinititigan niya ako nang ganyan,
tila ba nanlalambot na agad ang mga tuhod ko.
May kakaiba sa bawat titig niya niya na tila ba sinasabing hindi ka pwedeng
magkamali kapag siya ang kasama mo. Para akong isang yelo na nalulusaw kung siya
man ay tumitig. Ay mga nararamdaman din akong hindi maipaliwanag at kung minsan ay
hindi ko talaga maintindihan.
Napaigtad ako sa tunog ng mga pinggang nabasag. "How many times do I have to tell
you, that for fucking once, you have to properly serve me as I am your boss!" Sigaw
niya na nakapagpatindig ng mga balahibo sa aking mga braso at binti. Aaminin ko
nakaramdam ako ng kaunting takot nang dahil doon.
"Hindi nga kasi ako marunong magluto diba?!" Pabalik kong sigaw sa kanya. Anong
akala niya? Kahit sa tuwing tititigan niya ako nang ganyan na para bang pinapatay
niya na ako, hindi ako magpapatinag. Hinding-hindi ako magpapatalo sa kanya. "Bakit
hindi ikaw ang magluto? Diba magaling ka? Eh di ikaw ang gumawa!" Tinaasan ko siya
ng kilay at halata naman sa kanya ngayon ang labis-labis na pagtitimpi.
"Why can't you fucking learn how to cook? You're my maid!" Bulyaw niya pa ulit sa
akin. Napatingin din sa amin yung iba pang mga katulong dito at trabahador, ang
ilan pa sa kanila ay nagkumpulan sa di kalayuan habang nakikinig sa aming
pagtatalo. Sa aming pagtatalo na nakasanayan na ng lahat.
Ang sakit sa tainga sa tuwing sinasabi niyang katulong niya ako, na personal maid
niya ako. Totoo naman iyon pero nakakababa na ganito ang kinahantungan ko. Na hindi
dapat ganito, kasi marami pa akong pangarap na higit pa rito.
Ang aga-aga ang init ng ulo niya. Nakakasira ng umaga! Wala na rin namang bago kaya
nasanay na lang din ako sa ganitong sitwasyon naming dalawa.
"Excuse me lang po Sir! Hindi lang ako ang katulong mo rito! Bakit kasi gustong-
gusto mong sa akin nagpapaluto?! Eh wala nga akong alam sa pagluluto!" Singhal ko
ulit sa kanya! Wala na akong pakialam kong sesantihin niya ako ngayon. Mas mabuti
nga iyon eh. Bakit kasi pinagpipilitan niya laging ako ang magluto gayong may
personal chef naman siya, kumpleto naman sa high-tech na gamit ang buong mansion na
ito.
Matagal ko nang gustong umalis dito! Kung hindi lang dahil diyan sa kontrata na
pinirmahan ko noon ay sana nakaalis na ako sa mansion ng nakakainis na Cray Laxer
Del Valle na ito! Binabanggit ko pa lang ang pangalan niya ay naiinis na talaga
ako.
Hindi naman siya ganito dati. Sa pagkakatanda ko...okay pa naman kami? Medyo?
Napabuntong hininga ako, hindi rin pala talaga kami magkasundo noong mga bata pa
lang kami.
"Mas maganda ito." Turan niya sa akin ng tumitingin kami ng paint brush kasama si
nanay na siyang yaya rin ni Laxer. Napailing ako at sandaling ngumuso.
"Mas maganda ito." Kumuha ako ng ibang paint brush. Tinaasan niya ako ng kilay bago
kumunot ang noo.
"Sino bang gagamit? Diba ako?!" Hinawakan siya sa balikat ni nanay. Napangisi ako.
"Oh ayan na! Bayaran mo na! Sa susunod wag ka nang magtatanong sa akin kung alin
ang mas maganda, kung kokontrahin mo lang din ang opinyon ko." Inirapan ko siya.
"Nay, bibili lang po ako ng ice cream, nag-iinit ang dugo ko sa isang yan."
Nginisian ko siya, na siyang lubusang kinairita niya. Ayaw na ayaw niyang ginagawa
ko iyon sa kanya.
"Anak, Cray...Tigilan niyo na yan. Hindi magandang palagian ang pag-aaway niyo,
dapat nagkakasundo kayo palagi. Paint brush lang yan oh." Natawa ako nang bahagya,
wala na kasing magagawa si Laxer, kapag si mama na mismo ang sumuway sa aming
dalawa. Lagi niya kasing sinusunod si mama. "Halika na rito Cray, at ikaw naman
Art...bumalik ka agad." Napangiti agad ako nang dahil doon.
"Opo nanay." Si Laxer ay natahimik lamang sa isang tabi. Pakiramdam ko tuloy ay
nanalo ako sa kanya. Nang medyo nakalayo na ako ay humarap ako sa kanya na hanggang
ngayon ay nakatingin pa rin pala sa akin habang nakakunot ang noo. Kainis, ang
gwapo pa rin kahit sa malayo na... "Bleh!" Pang-aasar ko sa kanya at nagmamadaling
tumakbo palayo para makabili ng ice cream.
"What the hell Jearri! Nakikinig ka ba? I am here talking to you and you're spacing
out?" Inis nitong sabi sa akin. "Nagsasayang lang ako ng pinapasweldo sayo!" Dagdag
pa nito. Tila nagpantig ang tainga nang dahil sa sinabi niya. Akmang hahampasin ko
na siya pero may mabuting hangin pa naman sa akin ang pumigil. Porke't bilyonaryo
kasi ay napakayabang na akala mo siya ang nagmamay-ari nitong mundo!
Hindi lahat ng bagay mabibili mo gamit ang pera. May mga bagay na kailangan mong
paghirapan na hindi gumagamit ng pera. May higit pang mas mahalaga sa pera at mga
material na bagay, at iyon dapat ang binigyan ng malaking pagpapahalaga.
"Damn it! You're just going to fry a fucking bacon and egg, sinunog mo pa! Yun na
nga lang pinapaluto ko sa'yo hindi mo pa magawa nang maayos!" Mas lalong nadagdagan
yung mga katulong, driver, hardinero at kung sino-sino pang nagtra-trabaho rito sa
mansion na nanonood sa pagtatalo naming dalawa.
Gusto kong isumbat na may personal chef siya na hayaang siya na lamang ang magluto
para sa kanya pero paniguradong idadahilan niya na naman na ako ang personal maid
niya at ito ang trabaho ko, ang pagsilbihan siya.
Ang mga nakikinood sa pagtatalo namin. Sanay na sanay na 'yang mga 'yan, sa araw-
araw ba namang gumising ako rito at pagsilbihan 'tong Cray na 'to wala na siyang
ginawa kundi ang sigawan, bulyawan ako! Para bang wala na akong ginawang tama.
Natigilan ako sandali, totoo namang wala na akong ginawang tama. Akala ko kasi kung
sakaling inisin ko siya at hindi pagsilbihan nang maayos ay papalayasin niya ako
rito sa mansion pero itong isang 'to wala atang balak na palayasin ako.
Sa tuwing mas gagalitan ko siya ay pakiramdam ko na mas lalo lamang akong
napapalipat sa kanya.
Nakakainis! Bakit kasi maagang kinuha si nanay eh? Hindi ko lang talaga matanggihan
yung pakiusap niya sa akin na tanggapin na lang na maging personal maid nitong
lalaking inalagaan niya simula pagkabata. Isama pa yung 5-year contract na
pinirmahan ko bilang personal maid niya.
Sa laki ba naman ng utang ko sa kanya noong panahong patuloy na ginagamot si nanay
dahil sa brain tumor. Marunong naman akong tumanaw ng utang loob dahil iyon ang
itinuro ni nanay pero sa isang tulad niyang hindi ko talaga makasundo ay
nahihirapan lamang ako lalo.
At simula rin pagkabata ay magkasama na kami, pero wala siyang ibang ginawa kung
hindi ang inisin, asarin at awayin ako, kaya ayaw na ayaw ko sa kanya. Masyado
siyang papansin, at masyado niya ring pinapansin ang bawat galaw at mga ginagawa
ko.
Mas matanda siya sa akin pero kung makipag-away ay parang mas immature pa sa akin.
Okay naman sana, kasi sumusweldo naman ako ng tama mula sa kanya kahit wala naman
akong tamang ginawa. Ang tanging gagawin ko lang ay maging personal maid niya sa
loob ng limang taon.
Limang taon na sa bawat isang taon ay pakiramdam ko na isang daang taon ang
katumbas nito.
Matapos lamang talaga ang limang taon na iyon ay bayad na ako sa pagkakautang ko
mula sa kanya. Kaso hindi ko lang maatim na pagsilbihan siya lalo na't hindi kami
magkasundo sa maraming bagay.
Sobrang magkasalungat kaming dalawa. But I never believed in opposite do attracts,
we are an exception on that one. We don't attract each other, we repel though we
are total opposites.
"Eh di humanap ka nang papalit sa akin!" Wala na atang katapusan 'tong pagsisigawan
naming dalawa.
Napatingin naman siya sa ibang trabahador na kanina pa nanonood sa pagtatalo at
pagsisigawan namin. Sinamaan niya ng tingin ang mga ito kaya naman nagsialisan
silang lahat. Napabuntong-hininga na lamang ako. Pati sila ay nadamay sa
pinaggagagawa ko.
"Artzell Jearri Lacsamana!"Mariin niyang tawag sa buong pangalan ko. Habang dahan-
dahang papalapit sa akin at kasabay nito ang pilyong ngiti na gumuhit sa kanyang
mukha.
Naramdaman kong muli ang matinding kabog ng dibdib ko. Maging ang tuhod ko ay
nangatog bigla pero pinilit kong umatras papalayo. Papalapit siya habang ako naman
ay paatras.
Nanlaki ang mga mata kong nang mapasandal ako sa may dingding. Patay! Tuluyan na
nga siyang nakalapit sa akin, na-corner niya na ako. Nag-iwas ako ng tingin sa
kanya dahil hindi ako makapag-isip nang maayos. Mariin niyang itinukod ang kanyang
magkabilang kamay sa dingding at tinitigan ako sa gamit ang isang nakakalusaw na
tingin.
Pinilit kong i-level ang tingin ko sa kanya pero sadyang nadi-distract ako sa
kagwapuhan niya. Aminado naman akong gwapo siya, yun ang bagay na hindi ko naman
maipagkakaila katulad na lang ng kagaspangan ng ugali niya.
At ganito ba naman kalapit sa akin na kulang na lang ay halikan niya ako, paano pa
ako makakapag-concentrate nito?
Pinagmasdan ko ang kabuuhan ng mukha niya, ang haba ng pilikmata niya ang mas
nagpapaganda sa mga mata niya, matangos din ang ilong niya. Sakto lang ang kaputian
niya, tama lamang para sa built ng katawan niya, napadako naman ang tingin ko sa
jaw line niya na masasabi kong perpekto ang pagkakahulma nito na mas nagsusumigaw
ng kakisigan niya at yung mga labi niya, tamang-tama lang ang pagka-pula. Ang buhok
niya na medyo magulo ngayon ay mas tila nagbigay ng highlight sa buong mukha niya.
Maaliwalas tingnan pa rin ang mukha niya subalit hindi mo pa rin maikakaila ang
kakaibang awra mula sa kanya.
He stands tall and handsomely professional announcing that you should respect him.
He is intimidating, not just to me but I'm sure to everyone who'll get the chance
to meet him.
Kinagat ko ang lower lip ko. "Ano bang problema mo?" Tanong niya sa isang
nakakaakit na tono. Napalunok ako nang dahil doon. Nang-aakit ba siya?! Bakit ba
siya ganito kalapit sa akin?! Hindi na talaga ako makagalaw nang maayos dahil
kaunting galaw ko lang ay baka magtama ang aming mga labi.
"N-nakakainis k-ka!" Nauutal kong sabi sa kanya. Para akong nahihirapang huminga
dahil sa paghahabol ko ng aking paghinga. "A-alam mo namang hindi ko kayang
pagsilbihan ka nang m-maayos... p-pero bakit ito pa ang hiniling mo?" Gusto ko nang
magmura. Bakit ba nauutal ako?!
Nakita ko ang pagngisi niya.
"I just want you to serve me... what's wrong with that, Baby? Hmm..." He bit his
lower lip. I swallowed hard, damang-dama ko ang pagkabog ng dibdib ko. Sinabi pa
niya ito malapit sa aking tainga na halos muling nagpatindig sa aking mga balahibo.
Mahihimatay pa ata ako.
Kinakabahan ako sa sobrang lapit namin sa isa't-isa, na parang pinagpapawisan na
ako kahit naka-centralized aircon naman 'tong mansion.
Ano ba 'to? Bakit uminit?!
"Serve? Eh ayoko nga!" Tinulak ko siya nang malakas pero hindi siya natinag.
"Maghanap ka na lang ng iba! Tutal, bilyonaryo ka naman... Kayang-kaya mo yun at
bakit ka ba nagtitiyaga sa akin?!" Sigaw kong muli sa kanya. Kahit sobrang lapit
namin sa isa't-isa, hindi naman ako bad breath kaya okay lang.
"I. Only. Want. You." Dahan-dahan at mariin niyang sabi. "Tell me, baby what's hard
to understand?" Nagulat ako nang bigla siyang mag-walk out habang inis na inis na
niluluwagan niya ang kanyang necktie.
Naiwan akong nakaawang ang bibig dahil sa sinabi niya. Mukhang nagalit ko ata siya
nang sobra. Mukhang wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang pagsilbihan siya
nang maayos besides I'm the billionaire's maid.
Siguro nga mas mabuting pagsilbihan ko siya nang maayos at baka sakaling ang 5
years contract namin ay mabawasan ng kahit isa o dalawang taon man lang. Magiging
personal maid niya lang naman ako. Wala namang mahirap doon. Pero may isang bagay
ako na kinatatakot, na alam na alam ko sa sarili ko.
Pero hindi na kami tulad ng dati. Magkakabata man kami pero ngayon malayo na talaga
kami sa isa't-isa. He grown up to be a great young man while me I'm stuck with the
same old me. And I don't even know if I did grow.
Napabuntong-hininga ako, iniisip ang panibagong bukas na siya na naman ang
pagsisilbihan ko.
I used to be his childhood friend. Now he turned to be the youngest billionaire of
our generation. That makes me the billionaire's maid. And that made me feel like I
shouldn't cross the boundaries and walls I've built between us. It's just me,
Jearri, nothing so special... and he is Laxer, the billionaire.
Napahawak ako sa dibdib ko habang nadarama ang ritmo ng pagtibok ng puso ko. Dear
heart, please know your limitations.

[ 2 ChapterOne ]
-------------------------------

"Ayan pa! Linisin mo rin 'to. Ito pa. Oh bakit may alikabok? Linis ba ang tawag mo
rito? Bakit ang dumi pa rin?" Sa sunod-sunod na utos at reklamo niya, hindi ko na
alam kung alin o ano ang dapat kong unahin.
Nakakainis! Alam niyo yun, napagdesisyunan ko na ngang maging mabuting personal
maid niya, sinamantala naman ng nakakainis na lalaki na 'to!
"Wait lang po Sir ha. Hinay-hinay lang po pwede?" Binigyang diin ko ang salitang po
at Sir. Nakakabanas at nakakairita siya. "Ang daming reklamo. Ikaw na magaling.
Ikaw na kaya ang maglinis nito." Bulong na sinigurado kong hindi niya narinig.
Hilaw akong ngumiti sa kanya at nang mag-iwas siya ng tingin ay tsaka ako lihim na
umirap sa kanya. Nagmake- face na rin ako.

"You're my personal maid, so better act one." Mariing sambit niya rin na mas lalong
nakapagpa-init lamang ng ulo ko.
Ipamukha ba naman sa akin na maid ako! Sapakin ko na kaya 'to. "Parang ito lang
hindi mo pa magawa nang maayos, sayang naman ang binabayad ko sa'yo." Sige pa
ipamukha mo pa, paulit-ulitin mo lang. "I shouldn't have hired you in the first
place. Tsk. Childish." Nagpantig ang tainga ko, muntik ko nang maihagis ang basahan
sa kanya.
Bakit ba kasi laging ang mali ko na lang ang nakikita niya? Bakit parang wala na
akong nagawang tama?  Kung sana nakapagpatuloy ako ng pag-aaral ko, kung sana
naabot ko ang pinapangarap kong kurso sa kolehiyo.
"Alam mo ang unfair mo! Bakit sa ibang maid, ang bait mo naman tapos pagdating sa
akin... argh! Wag na nga lang." Napanguso na lamang ako at sinimulan ko na ulit ang
paglilinis ng kwarto niya. Oo! Kwarto niya ang nililinis ko, grabe lang diba? Alam
ko namang malaki at malawak 'tong kwarto niya pero grabe wagas lang kung makapag-
utos!
Magpalit nga lang ng bed sheet ng King sized bed niya ay hirap na hirap na ako. Ito
pa kayang buong kwarto na lang lagi na lang niyang pinapalinis.
Akala mo naman isang taon 'tong hindi nalinis, eh kulang na lang araw-arawin niya
ang pagpapalinis ng kwarto niya. In short, kung kailan niya man ma-tripan.
Hindi ko na mabilang kung ilang buntong-hininga at irap ang nagawa ko.
"Nakakapagod...nakakainis." Bulong ko nalamang pero sinadya ko na ring iparinig sa
kanya.
"Let's make a deal." Natigilan ako nang bigla siyang nagsalita. Ano na namang deal
'yan? Dalang-dala na ako sa contract na yun tapos may deal pa. "Stop making that
expression..." Ano raw? Anong expression? Eh wala naman akong ginagawa rito, ni
hindi nga ako nagma-make face sa harap niya eh. Ang gulo niya talaga! "You're too
obvious. I bet you already killed me... in your mind." The what? Kailan pa naging
mind reader ang isang 'to?
"Buti alam mo..." Bulong ko. Mukhang hindi niya naman narinig o baka naman
nagpatay-malisya lang siya at umaktong walang narinig.
Umirap ulit ako. Wala na akong pakialam kung makita man niya.
"So as I was saying, let's make a deal." Sabi niya na parang siguradong-sigurado
siya na papayag nga ako sa deal na 'yan.
"Hoy Laxer! Nasaan ka ba?" Napakunot naman siya ng noo. Nagulat ata nang tawagin ko
lang siya sa name basis. "Diba nasa Pilipinas naman tayo? Pwede bang tigil-tigilan
mo na 'yang pag-e-english mo." Kasi naman eh, masyado lang kasing maganda yung
accent niya at naiinis ako. Damn. Why am I being so pointless now?
Don't get me wrong, marunong at nakakaintindi naman ako ng English. Ayan tuloy
napa-english pa ako.
Hindi lang ako nakapagtapos ng college kasi first year college ako noong
sumakabilang-buhay na si nanay, kaya hindi na rin ako nakapagpatuloy sa pag-aaral.
Isama niyo pa na naging personal maid ako nitong si Laxer. Oo minsan 'yan na lang
tawag ko sa kanya lalo na pag naiinis ako sa kanya at wala namang kaso 'yun... wala
naman kasi siyang pakialam sa akin.
There's nothing special about me.
Tatlong taon lang naman ang agwat naming dalawa. He's only 23 but he's now a well
known billionaire. Who wouldn't anyway? He's the youngest. Iba talaga ang nagagawa
ng sariling katalinuhan at kayamanan mula sa kanyang mga magulang.
Siya lang naman ang nagmamay-ari o nagpapatakbo ng chains of hotels and resorts,
restaurants dito sa bansa. Ang alam ko may iba pa siyang negosyo kaso hindi ko na
rin maalala pa kung ano yun.
Pinipilihan siya ng sikat na investors maging ang mga taong nagsisimula pa lang sa
negosyo.
Sikat ang lahat ng yun at makita mo pa lang ang sign o logo na D.V. (short for Del
Valle) ay alam mo nang pagmamay-ari niya ito.
Nakakapagtaka lang kasi minsan nandito lang naman siya sa mansion at ang gagawin
niya lang naman ay pumirma ng sandamakmak na mga papers... ayun kumikita na agad
siya.
Sa dami ba namang nagkakandarapang mag-invest sa lahat ng pag-aari niya. May social
life pa kaya ang isang 'to?
Basta mayaman siya! Laman din siya lagi ng mga business magazines with the caption
The Youngest Businessman of Our Generation. Napag-uusapan na rin ang pagiging
mayaman at batang businessman niya, kasunod na rin dito ang pagiging gwapo niya, na
tila ba perpekto talaga ang pagkakahulma sa hitsura at katawan niya.
Nabasa ko po ang isang quoted statement sa isang interview niya from a business
magazine. Laxer, even his name's shouting his elegance and riches. A young man who
had been blessed with all the good tbings in life, he has everything in life normal
people would always hope to haves someday.
Kasi kahit ako aaminin kong natatalinuhan at nagagwapuhan ako sa kanya. Magandang
mukha, katawan na mas nadepina ng abs niya. Paano ko nalaman? Minsan ay nakikita ko
siyang nagswi-swimming. basta hot and richest bachelor of today's generation siya!
Pero ayoko talaga sa ugali niya. Sabi nga nila you can't have it all... Kahit ilang
beses mang sabihin ng lahat ng magazine na featured siya na 'nasa kanya na ang
lahat' ay hindi pa rin talaga.
"Nakikinig ka ba? Ayan na. Nagtatagalog na ako. Happy now?" Bumalik naman ako sa
aking katinuan dahil mukhang napahaba pa ata ang pag-iisip ko tungkol sa kanya. Hay
naku! Nagtatagalog na raw pero may halo pa ring English.
"Ha? Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.
"What the fuck! Jearri! I've been talking here about that stupid deal, and then
you'll just ask what is it as if you never listened at all!" Bulyaw niya sa akin!
Ayan na naman siya. Nag-english at nag-mura na naman siya. Naku naman!
Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin na tumingkayad para mai-level ko ang
sarili ko sa katangkaran niya.
Tiningnan ko ang mukha niya na puno ng pagtataka. Hindi ko na halos mamalayan na
ako na pala mismo ang naglalapit ng mukha ko sa mukha niya.
Magkasalubong pa ang dalawang kilay niya, pero hindi man lang nito nabawasan ang
kagwapuhan niya. Jearri talaga oh!
Tila nagkaroon ng sariling utak ang katawan ko. Hindi ko na halos pag-isipan ang
bawat galaw na ginagawa ko.
Hinawakan ko ang magkasalubong niyang kilay gamit ang dalawa kong daliri at inalis
ang pagkakasalubong nito. Nagulat naman siya kasi napansin kong namula ang tainga
at nanlaki ng kaunti ang medyo singkit niyang mga mata.
"Shit! Let's talk about that deal some other time." Mukhang ngayon niya lang na-
realize ang ginawa ko at ayun nag-walk out na naman ito habang ginugulo ang buhok
niya na parang inis na inis siya sa kanyang sarili.
Napangisi ako. Mukhang naapektuhan siya sa ginawa ko.
Nang matapos kong linisan ang kwarto niya. Ilang oras din yun, kasi sinigurado ko
talagang wala na siyang maipipintas pa, bumaba na ako at hinanap siya sa buong
mansion.
Napakalaki at napakalawak naman kasi nitong mansion, modern mansion kasi ito.
Hinahanap ko siya kasi... kasi sasabihin ko sa kanyang tapos na akong maglinis ng
kwarto niya. Alas sais na pala. Medyo madilim na.
Nagtungo ako sa may swimming pool. Bakit ang dilim naman ata rito ngayon?
Nakalimutan bang i-turn on ng trabahador ang ilaw dito?
Ang creepy naman. Parang may mga matang nagmamasid sa akin.
"Boo!"
"Ay palaka!" Eksaktong pagkalabas ng salitang ito sa bibig ko dahil sa gulat ay
siya ring pagkadulas ko pero...
Mabuti na lang at nasalo agad ako ni Laxer. Ginulat ba naman ako!  Parang bata.
Kaso hindi rin ata niya nakayanang i-balance pa kaming dalawa at nakapulupot pa ang
braso niya sa baywang ko, mahigpit. Sobrang higpit na hindi ako mahuhulog o 
makakabitiw pa sa kanya, kaya lang ay pareho pa rin kaming nahulog sa swimming
pool.
Napayakap naman ako ng todo sa may batok niya sa kadahilanang takot akong malunod
dahil hindi naman ako marunong lumangoy.
Sinubukan kong igalaw-galaw ang mga paa ko para lamang makalutang ako kahit
papaano.
Mas hinigpitan ko ang kapit sa batok niya at baka malunod ako. This is one of my
fears, being in a swimming pool.
"Easy baby!" Tingnan mo 'tong bwisit na 'to! Ang lakas talagang mang-asar eh.
Hinampas ko yung abs—ay shit! Bakit yung abs pa niya ang nahampas ko? "Chansing
pa." Sabay ngisi pa niya. "But don't worry baby you're free to touch me." Sabay
kindat pa niya sa akin.
Minsan talaga mahirap sabayan ang ugali niya.
Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Pakiramdam ko'y kasing pula na ako ng
kamatis ngayon. Gusto ko na lamang maglaho ngayon.
"Ang bastos mo!" Hahampasin ko na dapat siya ulit sa may abs--- mabuti na lang
napigilan ko pa, baka kung ano pang lumabas sa bibig ng isang 'to eh. "Bitiwan mo
nga ako." Binitiwan nga ako, nagkukumahog naman ako sa paglangoy nang ma-realize
kong hindi pala ako marunong lumangoy.
Pilit kong ginalaw galaw ang paa ko para lumutang ako.
Napapikit ako dahil sa matinding kaba at takot. Ayoko pang mamatay! Malulunod na
ata ako. May pangarap pa rin naman ako sa buhay.
"La---xer!!!" Sigaw ko na halos makainom na ako ng tubig mula rito sa swimming pool
dahil sa paglitaw-lubog nitong ulo ko.
Nahihirapan na rin ako. Parang kakapusin na rin ako ng hininga... parang hindi ko
na kaya---
"Shit!" Naramdaman ko na lamang bigla ang mga bisig niyang nakayakap sa akin. "Glad
I caught you." Bulong niya habang nakayakap siya sa akin.
Hindi ko na maipaliwanag pa ang nararamdaman ko.
Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Bakit kaya? Hindi na ako makapagsalita
kasi naghahabol pa ako ng hininga samahan pa ng mabilis na tibok ng puso ko at
malakas na kabog ng dibdib ko... baka dahil sa kaba ko kanina na akala ko ay
katapusan ko na.
"Ikaw kasi binitawan mo ako. Tapos ang bastos mo pa." Pagbibiro ko sa kanya.
Sinubukan ko na lamang idaan sa biro ito.
"I was just joking. So hindi ako bastos. I just love seeing your face turning red.
And I'm sorry if I let you go... ang mahalaga naman binalikan pa rin kita." Seryoso
ang pagkakasabi niya na parang may iba pa siyang pahiwatig.
Anong nangyari sa kanya? Sinipat ko ang noo niya para damhin kung mainit ba ito.
"May lagnat ka ba?"
I have never thought I would be this close to him again one day.
"Wala akong lagnat. Halika na nga, baka ikaw pa ang magkasakit diyan. Mawalan pa
ako ng maid." Ayun! So in the end, sarili pa rin pala niya ang iniisip niya.
Kikiligin na dapat ako eh, naudlot pa. May mga bagay talagang panandalian lamang.
Ayun na yung moment eh, nasa gitna kami ng swimming pool, kaming dalawa lang---
Jearri stop! Nakakaloka 'tong mga naiisip ko.
Inalalayan niya akong makaahon sa swimming pool. Nice gentleman naman pala, kahit
papaano. "Yung tungkol sa deal---" Hindi ko na natapos ang dapat sanay sasabihin ko
kasi ayun, dire-diretso siyang nag-lakad paalis. Hays! Binabawi ko na yung sinasabi
ko! Hindi siya gentleman!
Pinagmasdan ko ang pag-alis niya hanggang sa unti-unti na siyang nawala sa paningi 
ko.
Napayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig habang papasok ng mansion. Hindi
ko na rin nalaman kung saan man pumunta si Laxer, at wala na rin akong pakialam pa.
The less I care the more I won't be attached. I'm just saving myself from future
heartbreaks.

[ 3 ChapterTwo ]
-------------------------------

"Manang, I'll be on a three-day business trip kaya hindi po ako makakauwi." Narinig
kong paalam ni Laxer kay Manang Agnes, siya ang matalik na kaibigan ng aking nanay
at kasabayan niya si nanay na magtrabaho rito.
Simula pagkabata ay lumaki na akong kasama si nanay at Manang Agnes, walang tatay,
wala na... hindi ko alam kung buhay pa siya o patay na. At wala na akong pakialam
kung alin man doon ang kalagayan niya, iniwan niya kami na hindi pa man ako
nasisilang sa mundong ito.
Sometimes, I don't really get it. Bakit hindi kayang panindigan ng iba ang
sinasabing pagkakamali noong kabataan nila? Bakit kailangang may umalis? It's the
man and woman united to be responsible for their actions. Hindi yung bata yung
nadadamay sa sinasabing pagkakamali nila. Hindi yung bata ang nagdadala ng lahat.
Hindi na kasi dapat ginawa kung sa umpisa ay hindi naman pala kayang panindigan.
But then again, I'm still thankful that my nanay gave birth to me. Kahit wala na si
tatay sa amin, ay ayos lang dahil sa nanay ko pa lang ay nakuntento na ako.
Pero minsan, hiniling ko rin na sana makita ko siya, kahit alam kong imposible.
Naalala ko pa noon, sa tuwing ibibida ng mga kaklase ko ang mga tatay nila ay
tumatahimik na lamang ako sa isang tabi, pero minsan hindi na talaga maiaalis sa
akin kung anong pakiramdam nang may tatay. Na sana ay mayroong maghahatid sundo sa
akin sa eskwela noong bata ako.
"Cray, sabay na kayo ni Jearri. Baka mag-away na naman kayo ah." Bilin ni nanay
nang umupo ako sa tabi ni Laxer sa backseat. Tumango naman si Laxer kay nanay at
tsaka ngumiti, masunurin naman kasi 'tong si Laxer sa mas matanda sa kanya, lalong-
lalo na kay nanay.
Nagpaalam na kami kay nanay bago nito isara ang pinto ng kotse nila Laxer. "Ang
swerte mo kay yaya." Kumento niya habang natigil ang kotse sa traffic. Medyo
nagulat pa ako roon dahil ito ang unang beses na hindi pang-aasar ang binungad niya
sa akin.
"Bakit gusto mo na ring maging nanay ang nanay ko? Ayos lang, para maging
magkapatid na tayo." Pang-aasar ko sa kanya. "Para may kuya na ako." Dagdag ko pa,
ngumisi ako sa kanya.
"Shut up. I won't take you as my little sister." Inis na turan nito sa akin.
"Ayokong maging kapatid ka. Hindi pwede." Mariin ntiong sabi at hindi na niya ako
kinausap pa pagkatapos noon. Nagtataka ko siyang tinitigan pero hindi man lang siya
lumingon sa akin.
Naalala ko lang bigla ang pangyayaring iyon. Hindi kasi ako kinausap ng dalawang
araw noon ni Laxer. Ang laki rin ng problema niya minsan eh. Nag-angat ako ng
tingin Kay Laxer. Wala raw siya ng tatlong araw, natahimik ako. Tatlong araw.
Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko. Ano ba kasi 'tong nararamdaman ko?
Medyo inayos niya pa yung necktie niya at nagsimula nang maglakad papuntang garahe.
Umaasa akong magpapaalam siya sa akin. Natawa ako sa naisip ko. Bakit naman niya
kasi gagawin yun? Imposibleng gawin niya yun.
This feeling is just so weird. Why am I feeling this way?
Humugot ako ng malalim na hininga.Akmang tatalikod na sana ako nang maramdaman ko
ang paglapat ng kanyang mainit na palad sa aking braso.
"We'll talk about the deal when I get back." Aniya nang makaharap na ako sa kanya
at sa unang pagkakataon ay sumilay sa kanyang mukha ang isang pagkatamis-tamis na
ngiti, dahilan kung bakit ginantihan ko rin siya ng kaparehong ngiti. "Take care.
I'll be gone for a couple of days, but I'll be back." Malambing niyang sabi sa
akin. "Stop being stubborn, baby..." Kinindatan niya ako at mapang-asar pang
ngumisi sa akin.
Seryoso! Anong nakain nito ngayon? "Bye." At ayun iniwan niya akong nakaaawang ang
bibig dahil sa pagkabigla. Hanggang sa ang awtomatikong gate na lamang na ngayo'y
kusang nagsasara ang napansin ko. Nakaalis na siya. Gulantang pa rin ako sa saglit
na pangyayaring iyon.
"Jearri hija, ako na lang ang magpapalit ng mga bedsheets ni Cray." Ani Manang
Agnes. Ako lang ba ang tumatawag na Laxer sa kanya? Kasi halos lahat ng trabahador
sa mansion ay Sir Cray ang tawag sa kanya.
"Manang Agnes ako na lang po." At ngumiti ako sa kanya. Wag kayong mag-isip ng kung
ano riyan, sadyang masipag lang ako ngayong araw at wala rin naman akong gagawin
kasi nga wala si Laxer.
Bakit kaya hindi niya ako sinama, personal maid niya naman ako ah? Okay Jearri, wag
kang demanding! Napabuntong-hininga na lamang ako.
Nitong nakaraan kung ano-ano na lang talaga ang naiisip ko.
"Sigurado ka?" Kung dati'y labag na labag sa loob ko sa tuwing uutusan ako ni Laxer
na magpalit ng bedsheets niya ngayo'y nagbago na.
Hindi ko rin kasi maipaliwanag itong nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw.
Parang ang bilis pa nga ng mga pangyayari.
"Opo." Magalang kong sagot sa kanya at tumango na lamang siya. Kinuha ko na ang mga
pamalit na bedsheets at tumungo na sa kwarto ni Laxer.
Napatingin ako sa mga picture frame na nakapatong sa isang table. Puro family
picture naman ito at solo picture niya simula pagkabata.
Bata palang kasi ay alam ko nang balang-araw ay titingalain siyang parang isang
bituin sa langit. It may sound deep pero yun ang totoo.
Even during his teenage life, marami na talagang nagkakagusto sa kanya. Well, for
others he was that one perfect man, yung matalino at mukhang seryoso. It was proven
ages ago but I don't think now...marami na kasing nagbabago.
Dati'y payatot pa nga siya at ngayo'y parang isang model na ng isang clothing
brand. Bakit ko ba siya masyadong pinuro simula nitong nakaraang araw lang? Parang
hindi naman ako ito.
Mas gumwapo siya dahil sa toned body niya ngayon, halatang inaalagaan ang katawan.
Hala! Ano ba 'tong ginagawa ko?! Hindi ko maiwasang isipin siya. Ang mga bagay na
tungkol sa kanya.
Dapat ay pinapalitan ko na ang bedsheets niya ngayon, pero heto at iniisip ko siya.
Nakakapanibago.
Nang matapos kong palitan ang bedsheets niya ay tumungo ako sa office niya rito sa
mansion. Ewan ko ba, lagi kasi akong pumupuslit dito para dumiretso sa bookshelves
niya.
Para na rin kasing library 'tong office niya rito dahil sa dami ng libro na tungkol
sa business. May mga libro rin namang hindi related sa business kagaya ng mga
romance, action English novels na may sariling bookshelf.
"May bago kaya siyang biniling libro?" Tanong ko sa sarili ko habang ini-scan ang
mga libro. Mukhang wala pa, nabasa ko na kasi lahat ng nandito. Mahilig akong
magbasa ng English novels at pangarap ko na balang araw ay magkaroon ako ng
ganitong bookshelves, puno ng mga paborito kong libro.
Naku! Kung nakapagtapos lang sana ako ng pag-aaral.
Pero nag-iipon naman ako ngayon kasi next school year ay balak kong ipagpatuloy ang
pag-aaral ko. Second year college na ako kung saka-sakali. Hindi pa nga lang ako
nakakapag-paalam kay Laxer, sana lang talaga'y hindi siya sumpungin ng kasamaan
para payagan niya ako.
As others would say education is something that no one can steal or take away from
you. Mas maganda kasi ang may natapos, may sariling degree balang araw. It is just
right for everyone to go walk on a stage and receive a diploma. Hindi dapat
pinagkakait sa lahat ang magkaroon ng chance na makapagtapos ng pag-aaral. Hindi
hadlang ang kahirapan para makapagtapos, if you have dreams go reach it, set goals
all the time.
Palabas na ako ng office niya kasi wala na naman akong gagawin pa rito nang
mapansin ko ang isang picture frame na namukod-tangi sa lahat.
Picture naming dalawa noong mga bata kami, nakaakbay siya sa akin habang nakangiti
ng malapad samantalang ako ay nakakunot ang noong nakatingin sa kanya.
And then I think my heart just skipped a beat.
Ngayon ko lang 'to napansin, marahil siguro ay nakatago ito ng bahagya mula sa iba
pang picture frames, mapapansin mo lamang kasi ito kung pagmamasdan mong mabuti.
Napangiti na lamang ako kasabay ng pamumula ng aking mukha.
Makalipas ang tatlong araw ay nakauwi na rin si Laxer mula sa kanyang business
trip. Dire-diretso lamang itong nagtungo sa kanyang kwarto, marahil ay pagod na
pagod ito sa naging business trip nila.
Naalala ko tuloy yung picture frame na nakita ko sa office niya.Hindi ko na lamang
siya iinisin kasi mukhang wala siyang gana at pagod na pagod pa.
Mag-a-alas sais na ng gabi nang makita ko siyang pababa ng hagdanan. "Jearri..."
Bigkas niya sa aking pangalan na sa hindi malamang dahilan ay nagpatibok ng mabilis
sa aking puso. "Let's talk... about the deal." Ay oo nga pala! May deal pa nga pala
kaming dapat pag-usapan na wala man lang akong ka-ide-ideya kung ano ba iyon.
"Hmm... ngayon na ba?" Medyo nag-aalangan kong tugon sa sinabi niya.
"Yeah." Simpleng sagot niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa simpleng sagot
niya ay tila nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa parte ng puso ko.
"Okay." Ang awkward naman nito. Hindi ako sanay. Mas nasanay pa ako sa sigawan o
bulyawan naming dalawa eh.
"Come with me." Sabi niya at sinundan ko naman siya. Mukhang pabalik kami sa kwarto
niya. "Lock the door." Awtomatiko naman akong nagtakip ng aking dibdib. I crossed
my arms over my chest.
"We're not going to do what you are thinking." Naramdaman ko naman ang pamumula ng
aking mukha. Nakakahiya! "Just lock the door." Pag-uulit niya.
Sinunod ko na lamang ito, baka kung ano pang isipin niya.
"Ano ba kasing deal 'yan?" Medyo iritadong tanong ko sa kanya. Wow Jearri, bigla ka
na namang tumapang!
"Come here." Umupo naman ako sa tabi niya. "Be nice to me." Ha? Ano raw? "For 3
months, just be nice to me and I'll set you free. I'll disregard your 5-year
contract as my personal maid and you're free to go..." Nanlaki naman ang aking mga
mata. Seryoso ba ito? Hindi naman ito joke time diba?
"I'm dead serious." Mukhang nabasa niya ata yung iniisip ko.
"Hmm... 3 months?" Tumango-tango siya. 3 months, kakayanin ko kaya yun? "Kung
magiging mabait ka sa akin eh di magpapakabait ako sayo."
"It still depends, Jearri." Hala! "I'll still treat you how I treat you from the
beginning, but you have to be nice to me this time." Ang unfair naman nito!
"Ayoko, ang unfair mo!" Bulyaw ko sa kanya at tumayo na ako mula sa gilid ng kama
niya kung saan kami umupo kanina. Dire-diretso na akong palabas ng kwarto niya ng
maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang mga kamay sa aking braso.
"Artzell Jearri Lacsamana." Banggit niya sa pangalan ko na may halong pagbabanta.
Napahinto naman ako.
Aba! Kahit palagi ko siyang sinisigawan dumarating pa rin yung puntong tumitiklop
talaga ako pagdating sa kanya pero bihirang-bihira lang naman iyon. "Uulitin ko
yung deal, you'll just have to be nice with me within 3 months then that's it,
you're free to go. Anong gusto mo... manatili sa tabi ko for 5 years? Alam ko
namang bagang-baga ka na sa akin. Alam ko ring pinapatay mo na ako sa isipin mo.
That's why I'm giving you a choice. Accept the deal or stay with me for 5 years."
At ngumisi siya.
"Unless you like staying with me for the next coming years..." May halong panunuya
sa boses niya kaya napakunot ako ng noo.
"Eh hindi ka naman magiging mabait sa akin. Ano yun pakikisamahan kita ng sobra-
sobra kahit napipilitan lang naman talaga ako?" Hindi ko maiwasang mapairap na
lang. His deal is pointless.
"Exactly. You got my point, baby..." Sabi na eh! "That would be challenging. I'll
see kung hanggang saan ang patience mo." At ngumiti pa talaga siya sakin.
"No way." Seryoso kong tugon sa kanya.
"Why not? Does that mean you really wanted to be with me?" Pang-aasar niya ulit sa
akin. Ang kapal talaga ng mukha ng isang 'to.
"Oo na sige na!" Ngumisi na naman siya. Kainis! Napilitan pa tuloy ako.
"So deal?" At dahan-dahan pa siyang lumapit sa akin hanggang sa naramdaman ko na
lamang ang pinto sa aking likuran.
"Hmm... d-deal." Medyo naiilang kong sagot sa kanya.
Ang lapit ng mukha niya sa akin at amoy na amoy ko na rin ang pabango niya. Ang
bango niya!
"Our deal will start tomorrow." Aniya at nang akala ko'y aalis na siya. "But before
that... let's seal our deal with a kiss." Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang
paglapat ng aming mga labi. Isang dahan-dahang halik na naging dahilan ng
panghihina at panglalambot ko.
Agad akong napahawak sa kanyang batok bilang suporta dahil pakiramdam ko'y
mahuhulog na lang ako bigla... nakakabaliw ang paraan ng kanyang paghalik na tila
ba eksperto na siya sa ganitong bagay.
Namalayan ko na lamang ang pagtugon ko sa bawat paghalik niyang palalim ng
palalim... nakakaadik. "That's it for now baby. It's sealed then." Pagkasabing-
pagkasabi niya nun ay iniwan niya na lamang ako habang nakaawang pa ang aking
bibig.
At tsaka ako natauhan. Shit! First kiss ko yun! Teka...did I just kissed him back?
Napahawak ako sa aking labi. Realization hits me... Kasabay nito ang mabilis na
tibok ng puso ko. I have no idea why I kissed him back!
"By the way, I assumed you're now liking it. You kiss me back, baby..." Napag-igtad
pa ako nang bumalik pala siya at dumiretso sa kama niya.
Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "A-akala ko aalis ka..." Hindi ko iyon
intensiyon na iparinig sa kanya.
Napansin ko ang pag-iling niya habang nakangisi. Aminado naman akong gwapo siya
pero mas gumwapo-gwapo siya sa paningin ko.
"I think I'll get addicted to your kisses." Seryoso niyang sabi na naging dahilan
ng matinding kabog ng dibdib ko. "Shit. Binabaliw mo ako lalo sayo." Nanlaki ang
mga mata ko. Masyadong biglaan na hindi ko alam ang dapat sabihin ko.
"Ano bang pinagsasabi mo?! Para kang bata!" Pinilit kong magsungit. Tsaka ko siya
tinalikuran para maitago ang pamumula ng buong mukha ko.
"I'm just kidding." Aniya. Alam kong seryoso siya nang sabihin 'to. Bakit kasi may
mga tao na lagi na lang tini- take as a joke, ang ibang bagay.
But then I realized jokes are half meant and yet that doesn't mean I'll have the
reason to assume.
[ 4 ChapterThree ]
-------------------------------

Ilang oras na ba akong nakatitig sa kisame? Hindi talaga ako makatulog. Bakit kasi
kailangan pa akong halikan ni Laxer! Ayan tuloy, hindi na mawawala sa isip ko, at
aminado naman akong natugunan ko iyon. I tried hard to resist him but it's just too
impossible. The way he kisses me made my knees tremble that I end up kissing him
back.
Ala una nan ang tingnan ko kung anong oras na nga ba. Maaga naman ako kung matulog
pero ngayon ay mukhang hindi na ata ako makakatulog pa, o kung makatulog man ako ay
paniguradong kulang na kulang pa mula sa tamang oras nang pagtulog.
"Jearri, hija... Gising na. Baka pag-initan ka na naman ng ulo ni Cray niyan."
Napabangon naman agad ako. Kapag minamalas ka nga naman. Nakatulog nga ako, na-late
naman ako ng gising. Hindi ko na tiningnan pa ang sarili ko sa salamin. Nag-
toothbrush na lang ako nang mabilisan, wala nang suklay-suklay pa. Ngayon pa naman
ang simula ng deal mukhang masisira ko pa.
"Good morning Sir Laxer." Napadako naman ako ng tingin sa mga labi niya... yung mga
labing yun... Jearri magtigil ka nga! Napailing na lang ako at paulit-ulit na
sinuway ang ang aking sarili sa aking pag-iisip.
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko para maayos kong maisagawa ang deal na ito.
Ano bang goal ko para sa deal na 'to? Ang simpleng tingnan, 3 months na pagiging
mabait na personal maid sa kanya, and I will be free. Am I really not free? O baka
may gusto lang akong takasan. Sa buong buhay ko, hindi ko maikakaila na minsan din
akong napalapit sa kanya. Na alam ko, kapag tinuloy ko pa ang lapit ay baka mahulog
na ako nang tuluyan.
Natauhan ako mula sa pag-iisip nang bigla siyang tumikhim.
Agad din akong nag-angat ng tingin sa kanya.
"Where's my coffee?" Tanong niya sa akin na hindi man lang ako tinatapunan ng
tingin. Nakatuon lang ang atensyon niya sa dyaryo na mukhang siya na naman ang
laman.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting pagka-inis. Matapos niya akong halikan ay
ganun na lamang iyon sa kanya? Okay. Saan naman nanggaling yun? Napabuntong-hininga
ako. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?
"Wait lang po sir." At dali-dali na akong nagtimpla ng kape niya. Kainis! May
coffee maker naman siya pero ako pa ang gustong pagtimplahin. "Sir ito na po."
Nilapag ko na ang cup of coffee sa table. Hindi pa rin inaalis ang tingin sa
kanyang binabasang dyaryo. Magsama kayo niyang dyaryo.
Nakasimangot akong aalis na sana nang nakuha niyang muli ang atensiyon ko.
"Saan ka pupunta?" Humarap ako sa kanya at laking gulat ko nang bigla siyang tumawa
nang pagkalakas-lakas kamuntikan pa niyang maibuga sa akin yung kapeng ngayo'y
iniinom niya na pala. May dumi ba ako sa mukha? Mukha ba akong clown at kung
makatawa 'tong Laxer na 'to ay wagas. "Bakit ang pangit mo?" Ano raw?
Ramdam ko ang matinding pamumula ng mukha ko nang dahil sa tanong niya.
"Aba't--- Hehe... Salamat po sir." Mabuti at naisaisip ko agad ang naging deal
namin. Kailangan ko palang magpakabait sa kanya. Ngumisi pa talaga. Nang-aasar ba
siya?
"You're welcome. Pero ang pangit mo talaga. Grabe 'no? Pinagpuyatan mo talaga yung
eyebags mo. Hanga ako sa'yo. Ang galing mo!" Sinabayan niya pa ng tawa na aakalain
mong parang hindi naman bilyonaryo 'tong kausap ko ngayon.
Hindi siya matapos-tapos sa pagtawa. Aba't namumuro na 'to sa akin ha! Pinagtri-
tripan talaga ako nito. Pilit akong ngumiti sa kanya. Ang akala niya siguro ay
magpapatalo ako sa kanya. No way! Kailangan ko lang namang lunukin ang pride ko
rito. In three-month time I'm not gonna see you again.
"Ganun po talaga Sir. Kung gusto mo talagang makamit ang gusto mo. Pinagpupuyatan
yun at pinage-effort-an ng sobra." Ngumisi naman ako sa kanya. Akala mo ha!
Pasalamat ka, nakapag-ipon ako ng maraming pasensiya para rito.
Kasalanan mo kaya 'to! Hindi ako nakatulog dahil sayo...ani ko sa aking isipan.
"Oh, I see..." Ang sarap tumawa. Akala niya siguro ay madadaan niya ako sa mga
pang-aasar niya. Sanay na sanay na ako sa kanya, sa mga pang-aasar, pang-aaway at
pangungulit niya, wala nang bago roon.
"Dapat pala pagpuyatan at pag-effort-an kita nang sobra? Now I know." Pinagsalikop
niya ang dalawang kamay niya at pinatong ang baba niya rito. Napanganga naman ako
sa sinabi niya, nakita ko pa ang pagngisi nito.
Hindi ko na nga namalayang umalis na pala siya. I felt my cheeks blushed. Ayokong
umasa pero bakit ganito yung nararamdaman ng puso ko?
Para akong ewan na nakatunganga lang dito sa kwarto niya habang nakaupo sa gilid ng
kama niya. Nakakainis! Bakit naging ganito ang epekto niya sa akin? Hindi pa rin
kasi maalis sa isipan ko ang sinabi niya. Totoo kaya yun? Syempre hindi, wag ka na
kasing umasa. Nakakainis ang gulo! Makapag-linis na nga lang.
Halos apat na oras akong naglinis ng kwarto niya. Hindi naman talaga apat na oras
pero nakadalawang ulit ako ng paglilinis dahil tila lumulutang ako habang ginagawa
ko ito.
Napakunot ako ng noon ang bumalik na ako sa katinuan ko. Bakit ba kasi araw-araw
kong nililinis 'tong kwarto niya? Hindi na naubusan ng kalat. Hindi ba siya
marunong mag-organize? Kung saan-saan nakalapag yung mga papeles niya sa trabaho.
Pero roon sa office niya rito ay sobrang organized niya naman, minsan talaga
napapaisip na lang ako kung nanadya ba siya.
Nakakapagod na talaga, matutulog muna ako rito, mamaya pa naman siguro uuwi yun.
Humilata ako sa kama niya, nanliit ako dahil sa king sized bed na ito. Sinigurado
ko naman na hindi nagusot ang bedsheet nito, dahil maingat akong humiga rito.
Ang bango naman ng unan ni Laxer at ang tigas... Ang tigas?! Napamulat ako ng aking
mga mata at sa sobrang gulat ko ay naitulak ko si Laxer pero dahil ang malas ko ay
sabay pa kaming nahulog sa kama. "Ouch!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang
awkward na position naming dalawa. Nakapaibabaw ba naman ako sa kanya.
Hindi ako makapagsalita at ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko ngayon. Hindi
ako mapakali.
Tatayo na sana ako kundi dahil sa gulat ko nang mabilisan niyang binaliktad ang
position namin, siya naman ngayon ang nakapaibabaw sa akin.
Naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng mainit niyang katawan sa akin? Shit. Bakit
ang init niya? Literal na mainit. Sinipat ko ang noo niya at grabe! Ang taas ng
lagnat niya, nakakapaso ang init niya. Nakakapaso ang init niya ngayon, at alam
kong hindi iyon normal.
"Laxer..." Ang hirap naman nito. Ang bigat pa naman niya. "Laxer... sandali lang.
Bumangon ka muna." Pero parang wala siyang naririnig, kaya wala na akong nagawa
kung hindi hayaan ang ganung posisyon naming dalawa.
"Hmm... just hug me. It's so cold, baby..." Namula naman ako sa sinabi niya. Hug
daw? Para naman akong naging obligado para yakapin siya. Kaya sinunod ko ang sinabi
niya at niyakap ko na lamang siya. "It's really cold... hug me tight, baby
please..." Parang batang pakiusap niya sa akin. Gustuhin ko mang yakapin pa siya
nang mas mahigpit pero ang bigat niya na talaga.
"Laxer, sandali lang..." Pinilit ko siyang iangat. Grabe! Ang bigat niya naman.
Dahan-dahan ko siyang binuhat, pero hindi naman buhat na buhat kasi nga hindi ko
siya kaya.
Pinilit kong ihiga siya nang maayos sa kama. Kalahati pa lang ng katawan niya ang
nahihiga ko nang bigla niya akong hilahin kaya na- out of balance ako at dumiretso
ang mukha ko sa abs niya. "Laxer, umayos ka muna ng higa." Nalilito na ako sa dapat
kong gawin. Paano ba ito?
"Shhh... just shut up and hug me." Masungit niyang sabi. Grabe! May lagnat na nga
nagagawa pa niyang magsungit. "Hug me, it won't take that long." Mukhang wala na
akong magagawa pa. Hindi niya ata alam kung anong pinagsasasabi niya ngayon.
Niyakap ko siya at mas hinigpitan niya pa ito. Dinig na dinig ko ang pag-tibok ng
puso niya. Ganun din ako. Ang bilis ng pagtibok ng puso at kabog ng dibdib ko. Para
akong ewan na naghahabol ng hininga. I'm breathless.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nang tuluyan. Dahan-dahan kong minulat
ang aking mga mata at laking gulat ko nang maayos na akong nakahiga at may kumot
pa. Teka? Nasaan na si Laxer. "Tss. As far as I remembered, ako yung may lagnat
dito." Masungit niyang sabi habang nakaupo sa sofa niya. He looked intently at me.
Dahilan nang pagka-ilang ko sa titig niya.
"Excuse me lang po Sir. Ikaw nga 'tong 'hug me... hug me...' kanina riyan eh. Sus!
Di mo naman kailangang magpanggap na nilalagnat para lang mayakap ako." Ngumisi ako
sa kanya at umalis na sa kama niya.
"Na-enjoy mo nga ata masyado ang abs ko." Natigilan naman ako at naramdaman ko ang
pamumula ng aking pisngi. "Your cheeks said it all." A smirk was plastered on his
face.
Mas lumawak pa ang ngiti niya. "At isa pa hindi ako nagpapanggap na nilalagnat."
Alam ko naman yun. Nang-aasar lang talaga ako. "Kasi kung hindi ako nilalagnat,
hindi ako magtitiyagang magpayakap sa taong hindi pa naliligo." Halos lumubog ako
sa matinding kahihiyan. Hindi pa pala ako naliligo. Nakakahiya talaga! Mas lalo
lamang akong pinamulahan ng pisngi. Hindi na ako makatingin pa sa kanya nang
diretso. Bakit ba nakalimutan ko pang maligo?
"Uh... S-Sige po Sir." Hindi na ako makatingin pa sa kanya sa sobrang kahihiyan.
Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kwarto niya habang nakatungo.
"Don't worry, naligo ka man o hindi... walang namang nagbago---" Hindi ko na
narinig pa ang mga huling salitang sinabi niya kasi paniguradong panglalait at
pang-aasar na naman yun. Nakakahiya talaga! Napapalo ako sa aking noo. Ang lakas pa
ng loob kong magpayakap sa kanya ngayong hindi pa ako nakakaligo. Inamoy-amoy ko
ang sarili ko. Hindi naman ako mabaho! Ang lakas niya talagang mang-asar kahit
kailan.
"Manang Agnes... mabaho po ba ako?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya nang
magkasalubong kami. "Hindi pa po kasi ako naliligo." Nahihiya kong sabi sa kanya.
"Hindi naman hija." Nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman. Okay na yung asarin
niya akong hindi naligo pero ang mabaho ay paniguradong hindi ko matatanggap.
Nagpaalam na ako kay Manang Agnes na maliligo muna ako. Halos inabot na ako ng
isang oras sa pagligo. Nang makapagbihis na ako ay bumaba na rin ako agad kasi
paniguradong may iuutos na naman si Laxer.
"Hija. Sabi ni Cray, sa kwarto na lang daw siya kakain. Nilalagnat kasi yun. Ikaw
na lang magdala nito sa kanya at narito na rin ang gamot niya." Sus! Kanina nga
parang okay na okay na siya habang inaasar ako eh.
"Sige po." Kinuha ko na ang pagkain ni Laxer kasama ang gamot nito at dinala sa
kwarto niya. Kumatok muna ako tsaka binuksan ang pinto.
"Sir Laxer ito na po ang dinner mo." Nilapag ko na ang pagkain niya sa may table
malapit sa kama niya. Paalis na ako ng kwarto niya nang...
"Subuan mo ako." Nag-iwas agad ako ng tingin.
"'Pag ba po nilalagnat nawawalan po ng mga kamay?" Sarkastikong tanong ko sa kanya.
"Hindi naman. Pero gusto kong subuan mo ako." Napairap ako nang hindi siya
nakatingin. Para namang may choice pa ako. At yun na nga, tahimik ko na lamang
siyang sinubuan ng pagkain. Noong una ay wala pa itong ganang kumain. "Okay na. I
really don't have an appetite." Aniya. Kunot-noo akong tumingin sa kanya.
"Hindi yan pwede Laxer." Natigilan siyanang tawagin ko lamang siya sa kanyang
pangalan. "Kailangan mong magpalakas at kumain. Ubusin mo 'to, hinanda pa 'to ni
Manang Agnes para sayo. Kung hindi ka magpapagaling ay matatambakan ka lang ng
trabaho at---" Natigilan ako nang lumapat ang labi niya sa pisngi ko. Mabilisan
lang iyon pero hindi agad ako nakapag-react.
"Yes po boss. Ayokong magalit ka eh." Aniya na may halong pang-aasar. Natahimik na
lamang ako hanggang sa maubos niya ang hinandang pagkain para sa kanya. Pinainom
ko na rin siya ng gamot pagkatapos niyang kumain.
"Okay na po Sir. Magpahinga ka na po." Paalis na sana ako nang hawakan niya ang
kaliwang kamay ko, parang may kuryenteng dumaloy sa kamay naming dalawa. Nilagay
niya ang kamay ko sa noo niya habang nakahawak pa rin siya rito. "Mainit pa ba?"
Napatitig naman ako sa kanya at nailang na naman ako bigla.
"H-hindi n-na masyado." Bakit nauutal pa ako? Abot-abot na lamang ang kabang
nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag, nalilito na naman ako sa dapat kong
maramdaman.
"Eh ito?" Pinatong niya naman ang kamay ko sa pisngi niya.
"H-hindi na rin masyado." Ano ba 'to? Bakit nauutal pa rin ako?
"Eh ito?" Ngayon nama'y dinala niya ang kamay ko sa may leeg niya. Umiling na lang
ako kasi baka mautal na naman ako kapag sumagot pa ako.
"Last, how about this one?" Nagulat ako nang ilagay niya ang kamay ko sa dibdib
niya, sa tapat ng puso niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya at ganun din ako.
Pakiramdam ko'y pulang-pula na ako ngayon. "Mabilis ba ang tibok nito?" Tumango ako
at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Naririnig mo ba ang sinisigaw nito?" Ha? Sumisigaw
ba ang puso niya?
"H-hindi..." Sagot ko.
"Hindi mo ba naririnig ang pangalan mo?" Napabitiw naman ako bigla sa pagkakahawak
niya.
Sinungalin ako kung hindi ko aaminin na kinikilig ako sa kahit corny at simpleng
banat niya. Natigil lamang ako sa pag-iisip nang makarinig ako nang tawa mula sa
kanya.
"Your face! It's priceless!" Jusko. Pinagtri-tripan na naman ako. Pero bakit ganun,
hindi ako nainis para kasing may kumirot sa may parte ng puso ko.
Bakit parang ang sakit? Umasa kasi... Umasa nga ata talaga ako.
Hindi mo talaga maiiwasang umasa minsan lalo pa't kung may nagbibigay sayo ng
dahilan para umasa. But in the first place, sa'yo pa rin naman kung aasa ka man o
hindi. Kung bibigyan mo ng kahulugan ang simpleng bagay na ginagawa niya para sa'yo
o hindi. Hindi naman masamang umasa kung may aasahan, pero dapat alam mo ang
posibleng mangyari kapag nagpatuloy kang umaasa...masakit kasing umasa sa wala.
Napabuntong-hininga na lamang ako.
"Tapos ka na diba? Aalis na ako. Magpahinga ka na. Hindi na naman masyadong mataas
ang lagnat mo." Seryoso kong sabi sa kanya at tahimik na lamang akong lumabas sa
kwarto niya.
And as for me I know my limitations, but I won't deny that I'm a bit hurt. Kinda.
Ang babaw ko naman, bakit ganun? Hindi na ako nasanay na lagi naman akong inaasar
ni Laxer. Alam kong may nagbago...ayokong alamin kung ano man ito.

[ 5 ChapterFour ]
-------------------------------

Votes and feedbacks are highly appreciated. Don't be a silent one. Heheheh God
bless! <3 All the love!
---

Sinubukan kong umiwas muna kay Laxer kasi pakiramdam ko ay hindi na tama 'tong
nararamdaman ko. It was never right for a maid to fall for his boss. Boss-worker
relationship is a serious matter to talk about. This is what I am always afraid the
most, to fall for someone I have no idea I'm actually, already falling with.
Hindi ko lang talaga matanggap na parang nasaktan ako nung pinagtripan niya pati
ang damdamin ko. Jokes are half meant. And I'm that affected, why? For some reason,
na-realize ko na oo lumalalim na at hindi na dapat higitan pa. I should know where
I stand in his life, I'm just a maid nothing more, nothing less.
Nakakapanibago sa totoo lang. Ang babaw lang kasi, dati naman wala akong pakialam
sa pang-aasar o pangtri-trip niya kasi nilalabanan ko rin ito ng pang-aasar. But
things will really change no matter how you try to keep it the usual way. Hindi mo
na mamalayan ang pagbabago, coz things will change either for good or worst.
Nakakainis kasi 'yang deal na 'yan, nagpapakabait tuloy ako nang sapilitan. Alam ko
namang hindi dapat ako umasa kasi masasaktan lang ako at wala naman talaga akong
dapat asahan. Pero hindi talaga maiiwasang umasa lalo pa't palagi ka niyang
binibigyan ng rason para umasa.
May magpapaasa sayo, pero hindi mo naman talaga dapat asahan pa. Sasabihin ng iba,
kasalanan ng umasa kasi umasa siya, o di kaya naman ay kasalanan ng nagpapaasa kasi
paasa siya. But to think twice, both parties are at fault. Walang nagpapaasa kung
walang aasa, walang aasa kung walang nagpapaasa, that's it. Kung wala naman kasi
talagang nararamdaman, huwag nang magpaasa, kung alam mo naman hindi sigurado ang
nararamdaman, huwag nang umasa.
Bakit kasi ganun may mga taong ipaparamdam sa 'yo na meron, na okay lang ang umasa
kasi may aasahan ka talaga. Paulit-ulit na lang yung ganito, na minsan mapapaisip
ka na lang kung dapat ka pa bang maniwala, kung tama pa bang maniwala.
Magbibigay ng senyales, hanggang sa unti-unti kang maniniwala, hanggang sa unti-
unti ka na namang naniwala. Pero darating yung isang araw na mapapag-isip mo na,
mali ang umasa...na hindi ka na dapat umasa.
Na dapat tama na. In this world we should be always aware of limitations. Na may
mga bagay na hindi talaga natin kayang abutin, dahil may ibang bagay na nakatakda
sa atin. Pero sa mundo kasing 'to, hindi na talaga mawawala ang paasa at umaasa,
kasabay nito ang may nasasaktan kapag nagmamahal.
This is how life and love could get complicated most of the time.
Pero kung iisiping mabuti, masasabi natin ito pero mahirap nang gawin. Why? Because
we tend to follow our heart all the time and forget that we have to use our brain
as well. If you'll love someone, follow your heart but take your brain with you.
"Hija... pinapatawag ka ni Cray." Napabuntong hininga ako. Kung kailan mo gustong
umiwas tsaka naman lapit nang lapit. Kung sabagay paano nga naman ako iiwas, nasa
iisang mansion lang naman kami.
"Bakit daw po?" Tanong ko kay Manang Agnes.
"Wala siyang sinabi eh. Basta pinapapunta ka niya run." Naku talaga! Baka may
kalokohan na namang pinlano yun.
"Sige po. Nasa office po ba siya?" Tumango naman si Manang Agnes kaya tumungo na
ako sa office ni Laxer. Kumatok muna ako bago pumasok, dahan-dahan kong binuksan
ang pinto.
"Sir Laxer pinapatawag niyo raw po ako?" Kaso pagkapasok na pagkapasok ko ay
nakapatay ang ilaw sa office niya. Baka naman pinagtri-tripan niya na naman ako.
Sinasabi ko na nga ba!
"Sir Laxer." Muli kong tawag sa kanya, pero wala namang sumagot. Makaalis na nga
baka kasi umakyat na 'yon sa kwarto niya.
Naku! Mukhang pinagtri-tripan na naman ako nun. Kainis! Palabas na ako sa office
niya nang maramdaman ko ang paglapat ng isang kamay sa aking balikat. "Waaahhhhh!"
Pinaghahampas ko kung sino man 'tong humawak sa akin dahil sa sobrang takot ko.
"Ouch! Hey! Ouch! Stop." Doon ko lang na-realize na si Laxer pala 'tong
pinaghahahampas ko dahilan para mapatigil ako.
"Hala sorry. Sorry." Sa sobrang pagkataranta ko hinawakan ko yung parte ng katawan
niya na pinaghahahampas ko. "Sorry talaga...Sorry...Masakit pa ba?" Napatigil ako
nang ma-realize ko na hindi na pala tama. Nakalapat ang dalawa kong kamay sa
kanyang magkabilang pisngi. Tatanggalin ko na sana ang aking kamay kaso laking
gulat ko nang hawakan niya ang aking kamay ng kanyang mga kamay.
Kumbaga nakapaibabaw ang kanyang mga kamay sa aking mga kamay habang nakalapat ito
sa magkabila niyang pisngi.
Sinubukan kong alisin kasi naiilang na ako kaso mas lalo niyang hinigpitan ang
pagkakahawak dito. At laking pagkakamali ko nang tumitig ako sa kanya. Hindi ko na
kasi maalis pa ang pagkakatitig ko sa kanya na tila ba parang nahi-hipnotismo ako
ng bawat tingin niya.
Napadako ang tingin ko sa kanyang mga labi. Yung mga labing umangkin sa first kiss
ko. He had these soft lips, way too attractive. Hindi ko maiwasang mapatitig doon.
Bahagya akong napalunok, at pilit na nag-iwas ng tingin. Ayokong mag-isip ng kung
ano man. Hindi dapat, mali iyon. Siguro ay iniisip niyang madali akong babae na
basta na lang bumibigay sa halik niya. Hindi ko rin kasi maipaliwanag kung bakit
pinagbibigyan ko siya.
"Are you avoiding me?" Bumalik ako sa aking katinuan nang marinig ko ang kanyang
boses. Inalis niya na ang aking mga kamay sa kanyang pisngi subalit hindi pa rin
niya inaalis ang pagkakahawak dito. Hindi talaga ako mapakali kung ganito siya
kalapit sa akin ngayon.
Nahihirapan na akong huminga sa sobrang lapit namin sa isa't-isa, ang lakas pa nang
kabog ng dibdib ko. He's always leaving me so breathless. Naninikip ang dibdib ko
sa maayos na paraan, kung posible man iyon. May mga bagay pala talagang kahit anong
pilit mong maghanap ng paliwanag ay hindi mo pa rin maipapaliwanag.
"Ha? B-bakit naman kita iiwasan?" Great. Just great. Parang binigyan ko na rin siya
ng ideya na totoo nga yung sinasabi niya.
Sino ba naman kasing hindi mauutal at kakabahan, eh sobrang lapit ng mukha namin sa
isa't-isa idagdag niyo pa ang magkahawak naming mga kamay. "Tsaka... pwede bang
bitiwan mo na nga yang kamay ko." Medyo napataas pa ang tono ng boses ko.
"I will... unless you tell me the reason why you're avoiding me." Seryosong sabi
niya sa akin. Bahagya niyang nilapit ang labi niya sa may bandang tainga ko. Para
siyang bumubulong pero sapat na para marinig ko.
"Hindi naman kita iniiwasan ah." Nakatungo kong sabi ko sa kanya. Hindi ko pala
kayang makipagtitigan sa kanya.
"Pati ba naman ang tingin ko sa'yo ay iniiwasan mo." Ako lang ba 'to? Pero bakit
parang may lungkot sa paraan ng pagkakasabi niya nito. "Huwag mo naman akong
baliwin nang ganito." At halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. "I'm going
crazy about this. Damn." Nagtiim-bagang pa ito. Napalunok ako. Ngayon ko lang
siyang nakitang nagkakaganito.
Binabaliw ko siya?
"Hindi nga kita iniiwasan." Sinubukan ko siyang titigan ulit nang matagal at iyon
ang pagkakamali ko dahil eksaktong pagtingin ko sa kanya ay naglapat ang aming mga
labi sa ikalawang pagkakataon.
Gusto ko siyang itulak pero tinraydor na naman ako nitong sarili ko. Dahil aminin
ko man o hindi gusto ko ang paraan ng paghalik niya. Isang halik na ngayo'y
pinaparamdam sa akin kung gaano ako ka-espesyal. Marahan, maingat... Then it will
be a mix of soft and hard kisses. Gusto ko na lamang maglaho dahil kinain ko na
naman ang mag sinabi ko kanina, myself is such a traitor!
Nanlalambot ang mga tuhod ko sa bawat halik niya dahilan para mapahawak ako sa
kanyang batok. Mas idiniin niya pa ang sarili niya sa akin. My hands went over his
hair, muntik ko na siyang masabunutan. Jearri please wake up! Hindi dapat ganito!
Hindi dapat...mali ito, mali na naman.
"Kung babaliwin mo lang din ako, dapat ikaw din. Baby, you have to be fair..."
Halos kapusin ako ng hininga nang bahagya siyang tumigil at sinabi ang mga salitang
iyon. That was almost in between our kisses.
"This is your punishment for avoiding me. I don't want you avoiding me ever again.
Got it?" Para naman akong wala sa sariling tumango-tango sa kanya. Nakaawang pa rin
ang bibig ko nang tumigil siya sa paghalik. Nakakahiya ka Jearri! Sermon ko sa
sarili ko at pilit na lamang nag-iwas ng tingin.
I hear him cursed. Napakunot ako ng noo.
Hanggang sa iniwan na niya ako at doon ko lang na-realize lahat ng nangyari.
Napatakip ako ng mukha ko. Kinuha niya na ang first kiss ko pati ba naman second
kiss. Pinalo ko ang noo ko dahil sa nawawala na lang ako lagi sa sarili sa tuwing
nandiyan sa malapit sa akin. Hindi ko maipaliwanag pero kakaiba na talaga itong
nararamdaman ko. O ayaw ko lang talagang kilalanin itong nararamdaman ko.
Hanggang sa nakahiga na ako't lahat ay hindi pa rin ako makatulog! Jusko! Paano ba
naman ako makakatulog kung hindi maalis sa isip ko yung mga nangyari kanina. Hindi
nga ako makapaniwala na nangyari yun. Laxer, bakit ka ba tambay ka nang tambay sa
isipan ko.
Pumunta na lang muna ako sa kusina para uminom ng tubig. "Ay kabayo!" Kamuntikan ko
pang mahulog 'tong baso na may tubig. Paano ba naman nandito rin pala si Laxer.
"Can't sleep?" Hindi ako tumingin sa kanya at tumango na lang ako. Hinugasan ko
muna yung baso at nagdesisyon akong bumalik na sa kwarto namin. "Still avoiding me
huh?" Hala lagot! Hindi ko naman intensyong iwasan ulit siya sadyang nakakailang
lang talaga.
"Hindi kita iniiwasan." Tinitigan ko naman siya sa kanyang mga mata at siya naman
'tong umiwas ng tingin sa akin. Napangisi ako nang tila nagkaroon ako ng isang
magandang ideya ngayon.
It's payback time.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ikaw naman ang pagtri-tripan ko ngayon. Ramdam
ko namang sinusukat niya ako at heto naman ako nahuhulog pa rin sa bitag niya, na
hindi naman dapat.
"Oh bakit iniiwasan mo ang pagkakatitig ko sa'yo?" Paatras siya nang paatras
samantalang ako palapit nang palapit sa kanya. Hanggang sa napasandal siya sa
dingding.
You're trapped! I smirked at him. "W-why would I?" Hindi siya makatingin sa akin at
halatang nakakaramdam siya ng kaba ngayon. Gusto kong matawa pero labis na labis na
lamang ang pagpipigil ko.
"Talaga? Eh bakit nauutal ka?" Kinulong ko siya gamit ang dalawang kamay ko. Bale,
nakatukod ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid niya.
Kahit madilim ay halata ko pa rin na naiilang siya. Ngayon alam na niya yung
naramdaman ko kanina. "I don't want you avoiding me ever again. Got it?" Ginaya ko
pa yung paraan nang pagkakasabi niya kanina. Napangisi lamang ako lalo. Natatawa na
talaga ako. Pero dahil hindi ko na kaya ay umalis na lang ako sa harapan niya.
Matutulog na nga ako.
At bago pa ako makahakbang, nanlaki ang aking mga mata nang ako naman ang sinandal
niya sa pader habang hawak niya ang dalawang kamay ko. He pinned me on the wall
while both of my arms are raised. He tightened his grip on my arms. "You're
playing with me baby...I don't want that." He stated with full of confidence. Bakit
parang nang-aakit naman siya ngayon? "If you want me to punish you, you're free to
ask for it. I know you want it so bad." Aba't ang kapal talaga ng mukha ng isang
'to.
"Wag kang assuming!" Singhal ko sa kanya.
"I'm not assuming, just stating a fact baby..." Bakit ba baby na ang tawag niya sa
akin ngayon? Nakakailang! Naramdaman ko na naman ang paglapit ng mukha niya sa
aking mukha ko. Hahalikan na naman ba niya ako? Ayan na! Palapit na talaga nang
palapit ang mukha niya sa akin.
Jearri itulak mo siya! Bakit ba kasi ang traydor na lang lagi nitong sarili ko?!
"Let's save that third kiss some other time." At iniwan na naman niya akong
nakaawang ang bibig. This is so frustrating!
"Hoy!" Singhal ko nang mapansing hindi pa naman siya tuluyang nakakaalis. Nakakita
ako ng basahan at agad dinampot ito. Hinagis ko sa may batok at eksaktong humarap
siya kaya nasapul talaga siya. "Pwede ba! Wag mo akong pinaglalaruan! Akala mo
nakakatuwa ha? Hahalik-halik ka riyan tapos pamumukhain mo ako---"
Namilog ang mga mata ko nang sa isang iglap ay nakapako na naman ako sa pader.
Madilim ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "I want you to remember the deal."
Dahan-dahan niyang sabi sa akin. "Remember it baby..." Halos dumikit na ang labi
niya sa may tainga ko.
Napapikit ako nang mariin. Padalos-dalos talaga ako. Nakakahiya na naman 'tong
ginawa ko. Saan ba napupunta 'tong utak ko at nawawala tuwing si Laxer ang kaharap
ko.
"Sorry." Naramdaman ko pa lalo ang hininga niya sa may bandang leeg ko. Para akong
sumali sa takbuhan at naghahabol ako ng hininga dahil sa matinding kabog ng dibdib
ko. "S-sorry, naalala ko na."
"Shit." Bahagya siyang lumayo sa akin. "Stop making me go so crazy about you. Baka
sa susunod ay hindi ko na talaga mapigilan pa ang sarili ko." Nakita ko ang
pagtaas-baba ng dibdib. Ramdam ko rin ang kabog ng dibdib niya.
"Ano bang pinagsa-sabi mo?" Hindi ko maiwasang mautal na naman. Nakita kong muling
umaliwalas ang mukha niya tsaka marahang umiling. Biglaan niyang nilapit ang mukha
niya sa mukha ko, na siyang kinagulat ko na naman.
"Your lips." Ngayon ko lang napansing nakaawang ang bibig ko. "Nothing." Umiling
siya at mariing pumikit. Hinilot niya rin bahagya ang sentido niya. Bakit parang
namromroblema na siya ngayon?
"Okay ka lang?" The sound of my voice is so hopeful. Hindi ko lubos maisip na may
ganito pala akong boses, masyadong malambing!
Nawala ang kunot sa noo niya at nangibabaw naman ang ngisi sa mga labi niya. "I
told you let's save the third kiss." Aniya tsaka ko marahang naramdaman ang
paglapat ng labi niya sa noo ko. Iniwan niya ako roong tulala, at hindi
maintindihang mabuti ang nangyari. Ano bang ibigsabihin nito? Tama pa ba 'tong mga
nangyayari? Nalilito na ako.
Sa labis na pagkagulo ng isipan ko dahil kay Laxer ay tumakbo na lamang ako pabalik
sa kwarto. Napasandal ako sa pinto, pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko, sobrang
bilis. Baka mahulog ako.

[ 6 ChapterFive ]
-------------------------------

Hiyang-hiya akong lumapit sa kanya at inilapag ko sa kanyang table ang mga papers
na pinakuha niya sa akin sa kanyang kwarto. Nakatungo na nga lang ako habang
nilalapag ang mga ito. "May kailangan pa po ba kayo Sir?" Umiling siya habang ini-
scan yung mga papers na binigay ko sa kanya. Paalis na sana ako nang... "Stay."
Nagtataka akong lumingon sa kanya kasabay nito ang pagsasalubong ng mga kilay ko.
"Ha?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. I always get my mind blank whenever he's
near.
"Just stay here." Seryoso niyang sabi sa akin samantalang ako ay gulong-gulo pa
rin.
"Bakit po?" Awtomatiko ko namang tinakpan ang aking dibdib. Aba! Hindi naman
porke't nakadalawang halik na siya sa akin ay papayag na akong mangyari yun...
"We're not going to do whatever you're thinking...again." Seryoso pa niyang sabi sa
akin. Nadagdagan tuloy ang kahihiyang kanina ko pa nararamdaman. Hindi na ako
makatingin pa nang diretso sa kanyang mga mata.
"Just stay with me." Naramdaman ko naman ang pamumula ng aking mukha. Nakita ko pa
siyang ngumisi. Natuwa siguro ang loko nang mapansin niyang nag-blush ako. Kainis!
Sinong hindi mamumula sa sinabi niya?
Dapat na ba akong umasa? What a stupid question to ask! Parang sinasampal na nga
ako paulit-ulit ng katotohanan na hindi dapat talaga akong umasa.
"Pero kasi... sasamahan ko pa si Manang Agnes mamalengke." Palusot ko sa kanya.
Please lang gusto ko na talagang makalabas dito. Nakasanayan na naming sa palengke
mamili ng mga gulay at fresh meat and fish kaysa sa supermarket dahil iyon ang
gusto ni Laxer.
Kung tutuusin ay hindi naman talaga sobrang pihikan ni Laxer sa mga pagkain, kung
anong ihahain mo sa kanya ay kakainin niya, maliban na lang tuwing nang-iinis ako
at sinusunog ko talaga na sadya ang mga niluluto ko na para sa kanya. At isa pa,
masarap magluto ang personal chef niya na kahit siguro ang mumurahing ingredients
ay magagawa niyang pang high class na restaurant ang dating at lasa.
"I'll go with you." Ano raw? "Just give me 30 minutes to finish this." Hala!
Seryoso ba talaga siya? "I'm serious." Aniya na parang nabasa niya ang naging
tanong ko sa aking isipan.
Bakit kasi kailangan ko pa siyang samahan dito? "May iuutos pa po ba kayo?"
Naiilang na kasi ako na nakaupo lang ako rito sa sofa sa office niya samantalang
siya ay sobrang abala sa paper works na tinatapos niya. Ang iba ay pinipirmahan
niya lang naman, namamangha talaga ako, his signature may cost hundred thousand to
millions.
"Aalis na ba tayo?" Talagang seryoso siya na sasama sa amin na mamalengke. I bet he
won't stay there that long. Hindi pa nga ata siya nakakapunta sa palengke.
"Magpapalit lang po sana ako ng damit." Maaga kasi akong naligo ngayon. Nahiya
naman kasi ako kay Laxer. Mamaya'y asarin pa ako niyan na mabaho kasi hindi pa
naliligo. Lagi naman kasi akong naliligo sadyang sumakto lang nung nagkalagnat siya
na hindi pa ako nakakaligo.
"Naligo ka na ba?" Aba't ngumisi pa siya. Halatang-halata ang pang-aasar sa tono ng
boses niya.
"Hoy! Ang kapal mo! Naligo ako 'no! And F.Y.I maaga akong naligo!" Nakakapikon na
talaga. Hindi na ako makapagtimpi pa.
"Easy baby." Ngumisi pa siya ulit at tsaka mariing tumitig sa akin.
"Leche ka! Wag na wag mo akong tawaging baby!" Bwisit na 'to! Nakakaasar. Paasa!
Nakakainis talaga yung mga paasa.
"The deal." Para naman akong biglang natauhan. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo
at sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. "Should I remind you about the deal
again?" Bulong niya sa akin na halos dumampi na ang mga labi niya sa aking tainga.
Nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok at braso. Ramdam na ramdam ko kung paano
dumaloy ang hininga niya pababa sa may leeg ko. Hindi ako mapakali dahil doon at
nakaramdam na naman ako ng paghuhuramentado ng buong sistema ko.
"Naalala ko pa naman. Hindi mo na kailangan pang ipaalala sa akin. Magpapalit lang
ako ng damit." Dali-dali kong sabi sa kanya at lumabas na ako sa office niya. Agad
kong sinara ang pinto. Napasandal ako rito at napahawak ako sa dibdib ko.
Naghahabol ako ng hininga matapos ang tagpong iyon.
Nagpalit ako ng damit. Nagsuot na lamang ako ng simpleng blue T-shirt at maong
shorts. Bumaba na agad ako kasi baka masermonan na naman ako nI Laxer.
"You're really wearing that?" Bungad niya sa akin nang makababa na ako. "Don't wear
shorts."
"Anong gusto mo? Mag-maong pants ako? Eh sa palengke lang naman tayo pupunta."
Natahimik agad ako pagkatapos. Wrong words. Kainis! Ang hirap namang maging mabait
kung ganyan ang inuugali niya. "Okay na 'to. Nasaan na nga pala si Manang Agnes?"
Pag-iiba ko ng usapan.
"She's not coming with us." Nanlaki naman ang aking mga mata sa kanyang sinabi.
"Let's go." At hinila niya na ako papuntang parking area nitong mansion.
Hindi na niya pinansin pa ang ibang trabahador na napatingin sa amin.
"Teka. Wag mong sabihing magdadala ka ng kotse?" Nakarating na kami rito sa parking
area. Mahilig talaga siya sa mga sasakyan dahil halos lahat ng limited edition at
pinakamahal na kotse ay meron siya.
"Why not?" Narinig ko na lamang ang pagtunog ng kotse niya na senyales na bukas na
ito at pwede nang sakyan. Pero seryoso? Sa palengke lang kami pupunta tapos naka-
kotse pa? Hindi naman gaano karami ang bibilhin naming dahil marami pang stock dito
sa mansion, dahil halos lahat ng kasambahay ay araw-araw ay namamalengke. Bawat
araw ay may naka-assign kung sino ang mamalengke, lalo na kapag fresh meat and
vegetables ang kailangan.
"Magco-commute tayo." Sabi ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. Mukhang hindi niya ata gusto ang aking ideya. "There's no way
in hell I would do that." Seryoso niyang sabi. Bahala siya riyan. Napairap na
lamang ako dahil mukhang mag-iinarte siya.
"Okay. Magco-commute ako. Sumakay ka riyan sa kotse mo. Hanapin mo na lang ako sa
palengke." At ayun iniwan ko na siya kaso sinundan niya pala ako.
"Wait you can't be alone..." Seryoso na naman niyang sabi. Ano bang problema nito?
"Pumili ka magco-commute ka kasama ako o mag-isa ka sa kotse mo?" Magrereklamo pa
sana siya kaso para siyang nawalan nang pag-asang manalo sa akin kaya sumuko na
lamang.
"You left me with no choice at all. Fine... I'll go with you." Nagulat ako nang
pinagsalikop niya ang aming mga kamay, unti-unting humigpit ang pagkakahawak niya
sa aking kamay.
"Teka nga." Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa akin kaso mas lalo pa
niya itong hinigpitan. "Kailangan ba talagang magka---"
"Shut up." Okay. Muli akong napairap. Ang sama talaga nito.
"Ang dami ng jeep na dumaan hindi pa ba tayo sasakay?" Napabuntong-hininga ako.
Kanina pa niya tinatanong 'yan. Eh sa wala pa ngang dumadaang jeep na byaheng
palengke. Kainis! Hindi makapaghintay.
"Maghintay ka kasi. Puro ka naman reklamo eh." Inis kong sabi sa kanya, tinitigan
niya ako nang masama at ganun din ang ginawa ko sa kanya pero hindi pa rin niya
tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Ayan na sakay na tayo." Pumara ako ng jeep at una niya muna akong pinasakay. Medyo
kaunti pa lang ang sakay nitong jeep. Habang bumabyahe kami, tahimik lang kaming
dalawa at hanggang ngayon hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Hinayaan ko na
lamang.
Huminto ang jeep at may apat na lalaki ang sumakay. Mukha pang mga tambay sa kanto.
Napansin ko rin ang isang babaeng katapat namin na nakatitig sa kanya. Iba yung
ngiti sa mga labi niya. Mukhang namumukhaan si Laxer.
May isang babae na kumuha pa ng cellphone para kunan siya ng litrato. Nang mapansin
niya akong tumitig sa kanya ay agad niya ring tinago ang cellphone niya. Bumaba ang
tingin niya sa kamay naming dalawa ni Laxer at napa-ismid siya.
Gusto ko na lamang matawa, akala niya siguro ay girlfriend ako ni Laxer.
Naramdaman ko na mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Laxer sa aking kamay kaya
naman napatingin ako sa kanya, laking gulat ko nang masama siyang nakatitig sa apat
na lalaking katapat namin.
Nakakatakot, para siyang mangangain ng buhay. At ang mas kinagulat ko ay... "Stop!
Ito po ang bayad." Biglaang nagpreno ang driver ng jeep nang dahil sa boses ni
Laxer. Halata ang inis sa boses nito at kulang na lang ay magdugtong ang kilay nito
dahil sa pagkakainis sa hindi ko malamang dahilan.
Napanganga na lamang ako sa gulat. Litong tumingin kay Laxer at tsaka sa driver.
Kumuha ng cash sa wallet si Laxer. Inabot niya yung one-thousand pesos sa driver at
tsaka niya ako hinila pababa ng jeep. Teka! May sukli pa yun ah! Tsaka wala pa kami
sa palengke.
"Hoy! Ano ba! Balak mo bang lakarin ang palengke mula rito?! Ang layo pa kaya non!"
Singhal ko sa kanya. Kahit pilitin kong magpakabait sa kanya ngayon ay hindi ko
magawa.
Nakakainis na kasi! Ang gulo niya palang kasama.
"I told you not to wear shorts." Binitawan niya ang kamay ko. "Did you see how they
look at you?" Nalaglag ang panga ko sa gulat. Halatang-halata ang pagkairita sa
boses ni Laxer.
"Anong gusto mo, mag-gown ako? Bakit ba kasi ang init ng ulo mo?!" Hindi ko na
naiwasang singhalan pa siya ulit. Ayoko na munang isipin 'yang deal na 'yan. Bahala
siya.
"Fuck shit!" Ginulo-gulo pa niya ang buhok niya, halatang- halata talaga ang inis
niya sa nangyari. Bagay din pala sa kanya ang messy hair. Muntik ko nang matampal
ang sarili ko dahil nagawa ko pang isipin iyon. "I just hate how they look at you."
Bulong niya pero narinig ko naman.
Hindi rin siya makatingin nang diretso sa akin. Hindi ko maintindihan kung nahihiya
ba siya o kung ano man. "They can't fucking look at you that way." That was his
deep serious tone of voice. Kinabahan ako nang dahil doon.
"At bakit naman?" Mahina kong tanong sa kanya, akala ko ay hindi niya ito narinig
pero humarap siya sa akin na para bang sobrang frustrated talaga siya.
"Because you're mine." At parang sa isang iglap nawala lahat ng inis ko sa kanya.
Bakit ganoon? Bakit sobrang daling sabihin para sa kanya ang ganoong mga salita. Na
parang hindi ako aasa kung ganito siya sa akin, na para bang normal lang na sabihin
iyon. "What's mine is only mine... Fuck this cliché line...but you are seriously
mine." Bulong niya pa.
Seryoso ba siya? "Umuwi na tayo." Hinawakan niya na naman ang kamay ko at hinila
ako papalapit sa kanya. Hindi ko alam ang dapat na maging reaksyon. How can he
claim I'm his..when in fact wala naman akong kasiguraduhan sa kung ano ba kaming
dalawa.
"I'm not yours." Napatitig naman siya sa akin. Tukso talaga 'tong mga titig niya sa
akin.
"You're mine." Pag-uulit niya nang malapitan sa akin, amoy na amoy ko pa ang
pabango niya. Magsasalita pa sana ako kaso hinila na niya ako patawid sa kabilang
daan pabalik sa mansion. Agad siyang pumara ng jeep at sumakay na kami. Walang
imikan at wala na rin akong nagawa sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
Hanggang sa makarating na kami ng mansion ay hindi na ako nakapagsalita.
Sinusubukan kong i-digest ang mga sinabi niya kanina. I'm his?... Dapat ba akong
kiligin o ano? Pero mukhang mali ata lahat ng iniisip ko. Hindi totoong sa kanya
ako.
It's not right to own someone you don't actually own to begin with. Not because you
like someone, ay may karapatan ka nang angkinin siya. She's not an object to be
owned.
Bumalik ako sa katinuan nang makita ko kung sino ang nasa harap namin ngayon.
Mukhang pinapaasa niya lang talaga ako dahil may isang babaeng papalapit sa amin
ngayon... dahilan para bitiwan ni Laxer ang kamay ko.
My heart ache after that.
"My God! Cray! I miss you so much!" At parang may kung anong tumusok sa may parte
ng puso ko. My heart seriously aches for no specific reason. Hindi ko malaman kung
ano ito.
"I miss you too." Ang mga salitang nagdulot sa akin ng mas matinding pagtusok sa
parte ng puso ko. Parang paulit-ulit pa nga, dahan-dahan pa ang pagtusok kaya
parang mas masakit. Bakit kasi ganito na kung akala mo ay okay na may panibagong
dadating para subukan ka.
Hindi ko dapat 'to maramdaman. Hindi dapat ako masaktan... kasi sa umpisa pa lang.
Walang kami at kailangan ma'y hindi magkakaroon ng kami.
At sa isang iglap ay parang nawalan na naman siya ng pakialam sa akin. Sa isang
iglap naglaho ang pag-asa ko... akala ko kasi mutual na. Kasi oo, nahuhulog na ata
ako sa kanya. Nahuhulog ako lalo sa kabila nang pagkainis ko sa kanya.
At habang hindi pa ako hulog na hulog ay dapat mapigilan ko na itong nararamdaman
ko. Hindi kasi pwede. Sobrang imposible. Hinintay kong lingunin niya ako pero hindi
niya nagawa. His eyes on her, he doesn't care about my existence anymore. But do I
have a choice anyway? Ano ba naman ako sa buhay niya? There's nothing special about
me.
This is not self-pity. Pero iyon naman talaga ang totoo, ang lahat ng ito ay hindi
magtatagal. Once the deal is done, I can just leave and have a normal life without
having someone like him in my life.
He's a billionaire. His signature worth a million. Mine? I don't know...I have no
idea. Mahirap makipagsabayan sa tulad niya. But I can't be his personal maid
forever. I have to reach my goals in life also...
I want to be successful someday. And having this kind of feeling for him, I know
for sure I'll be able to pass through this...I'm still young I guess? To feel
something deeper for him. And I don't think he's a man who's willing to commit to
one woman for a lifetime.
I want a man who will be proud of me and I want a man who will treat me as his one
and only. Lahat naman ay iyon ang gusto, yung ituring kang reyna ng lalaking
panghabambuhay mo, yung lalaking sisiguraduhin sa'yo na ikaw lang talaga ang
mamahalin niya. At mukhang hindi si Laxer na iyon ang para sa akin, masyadong
lumalayo na ang estado namin sa isa't isa. I know where I should be placed, far
away from him.
Ayokong umasa sa bagay na pareho kaming walang kasiguraduhan. 

[ 7 ChapterSix ]
-------------------------------

"Kamusta ka?" Tanong ng babaeng ito kay Laxer. Ewan ko pero naiinis talaga ako.
Uunahan ko na kayo hindi ako nagseselos, hindi rin ako sa babaeng kausap ngayon ni
Laxer naiinis. Ang akin lang naman ay 'wag naman sana niya akong pagmukhaing parang
wala lang sa kanya ang existence ko rito. Kanina, hindi niya ako mabitaw-bitawan,
ngayong may iba nang kaharap ay halos makalimutan na ako.
Bakit ba kasi may mga taong mabilis makalimot? Bakit may mga taong nakakalimutan
yung existence mo kapag may kasama na silang iba? Bakit pakiramdam ko
pinagsisisiksikan ko lang ang sarili ko rito. Bakit kasi may mga ganyang tao?
Ipaparamdam sa umpisa na mahalaga ka pero bibitiwan ka rin naman pala.
Alam ko namang personal maid niya lang ako pero grabe lang na sasabihin niyang sa
kanya ako tapos ganito naman, sa kanya ako kapag ako lang anag kasama niya tapos
kapag may ibang babae na ay nakakalimutan niya na agad na sa kanya talaga ako.
Although I said earlier, na hindi tamang mang-angkin ng tao dahil hindi naman siya
bagay na dapat angkinin, but to think that he made It clear to you made my heart
ache for it.
"I'm good." Ngumiti pa siya sa babaeng ito samantalang ako ay lagi niyang
sinisermonan. Hindi ko maiwasang irapan siya nang hindi niya nalalaman. Tila
nagkakaroon ng espasyo sa may sikmura ko at hindi ko maipaliwanag kung bakit
ganito. Lagi na lang ganito, nawawalan ako ng rason kapag siya na ang pag-uusapan,
nawawalan ako ng dapat idahilan kasi nabablangko na naman ako.
"By the way. Mom told you right? I'll be staying here." Did I hear it right? She'll
be staying here?
"Yeah." Tumango-tango naman si Laxer. Padabog kong nilapag yung juice at sandwich
na hinanda ni Manang Agnes. Sabay pa silang napatingin sa akin. Bakit kailangang
sabay pa sila? Kailangan bang sabay? God. I sounded so bitter. Nakakahiya itong
iniisip ko na hindi naman nadadapat.
Umalis na lang ako kasi baka kung ano pang masabi ko. Kasi naman! Mas lalo pa tuloy
nadagdagan ang inis ko sa kanya. Pero hindi naman kasi talaga ako nagseselos, ang
akin lang sana kung wala naman siyang balak saluhin ako ay hindi niya na ako
pinapaasa pa.
Mapapasabi ka na lang na hello Laxer, I exist.
"Hija kung nakakapagsalita lang 'yang basahan baka kanina pa nagreklamo 'yan."
Napatingin naman ako sa basahan na hawak ko ngayon. Gusot-gusot na halos malapit
nang mapunit. Parang naawa naman ako sa sinapit nung basahan, wala itong kamuwang-
muwang at nadamay pa nga.
"Hehehe..." Napailing na lamang sa akin si Manang Agnes.
"Jearri." Nilingon ko si Laxer at sinamaan ko siya ng tingin. Wow lang! Buti alam
niya pa rin ang pangalan ko. Nagngingitngit na naman ako sa kaloob-looban ko.
"Pakisamahan naman si Shantal doon sa katabing kwarto ng kwarto ko." Hindi ko
maiwasang magdamdam. Naaalala niya lang ako kapag uutusan. "Stop pouting." Nag-iwas
ako ng tingin sa kanya.
"Bakit hindi ikaw ang sumama sa kanya?" Tsaka ko siya bahagyang tiningnan. Tinaasan
ko pa siya ng kilay. "Tutal naman. Magkatabi naman kayo ng kwarto." Hindi ko
sinasadyang makapagtaray sa kanya pero kusang lumalabas na ito talaga sa akin.
"What did you just say?" Medyo tumaas ang tono ng boses niya. Hindi ko babawiin ang
sinabi ko. Manigas siya riyan. "Okay. Look. I still have things to finish. Please
baby...Don't be jealous." Naging malamyos ang tono ng boses niya.
Marahan niya akong hinawakan sa aking magkabilang braso. Puno ng pagsusumamo ang
boses niya ngayon. Pero gaya ng sinabi ko, hindi talaga ako nagseselos. I wanna
laugh at myself for telling this a couple of times. Sino bang pinapaniwala ko rito?
"Hindi ako nagseselos! Wag kang assuming!" Halos pasigaw kong sabi sa kanya.
Lumalabas na talaga ang sobrang pagkairita ko sa kanya.
Hinawi ko ang mga kamay niya. Nakita kong dumaan ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Hey. It's really nothing." Mas hinapit niya pa ako sa papalapit sa kanya. Bahagya
niyang inayos ang takas na buhok sa may pisngi ko, tsaka siya mariing tumitig sa
akin. Hindi ko maiwasang mapanguso.
Pilit akong lumayo sa kanya. Sa tuwing gagawin ko yun, he'll hold me tighter.
"Sorry na...Please don't get mad baby..." Panunuyo niya sa akin. Hindi ko rin alam
kung dapat niya ba talaga akong suyuin, dahil wala namang kami. He's not my
boyfriend, I'm not her girlfriend.
"Hindi nga ako nagseselos." Giit ko pero mukhang wala siyang balak man lang
pakinggan ito. Napairap ulit ako.
"Your tone of voice says it all." Pang-aasar nito. Ngumisi pa siya at iniwan pa
talaga ako. Kainis! Hindi nga ako nagseselos! Bakit naman ako magseselos? Okay
fine! Yes, I'm jealous and I hate to admit that I'm really jealous. So jealous of
her, that she could laugh with him. That she could stay beside of him for too long.
Ako? Hindi, kailangan kong dumistansiya dahil palayo na nang palayo ang agwat
naming dalawa. Life could really be so unfair sometimes.
"Uh... Thank you nga pala." Ani Shantal nang matapos ko siyang tulungang mag-ayos
sa magiging kwarto niya.
"Walang anuman." Ngumiti siya sa akin kaya naman ngumiti ako sa kanya. Mukhang
mabait naman pala 'tong si Shantal. Nahiya tuloy ako sa mga naisip ko tungkol sa
kanilang dalawa ni Laxer kanina. Nalaman ko rin na close pala sila ni Laxer dahil
lagi silang magkasama tuwing magbabakasyon ang pamilya ni Laxer sa America. Naalala
ko noon. Halos ilang buwan ding nagbabakasyon sina Laxer sa America, mga buwan na
walang nang-aasar sa akin.
Dapat nga sa America na rin titira si Laxer kasama ang mommy at daddy niya kaso mas
pinili niyang manatili na lang dito habang pinapalago pa lalo ang kanilang
negosyon. Hindi na nakakapagtaka na tanyag na siyang bilyonaryo dahil sobrang focus
talaga siya sa kanyang mga ginagawa, at kung gaano kapulido ang mga bagay-bagay na
ginagawa niya.
"May tanong ako. What time ba natutulog si Cray?" Ngayon ko lang napansin na may
accent pala ang pagsasalita niya. Na-adapt na siguro ang way ng pagsasalita sa
America.
"Depende kasi yun sa dami ng inaasikaso niya." Hindi ko rin naman talaga alam, kasi
wala naman talaga akong pakialam sa mga ginagawa niya sa totoo lang, nalalaman ko
lang naman ang mga ginagawa niya kapag may mga inuutos siya. Nitong mga nakaraang
araw lang ako nagkaroon ng pakialam dahil panay ang lapit niya.
"Ganun ba? Do you think it'll be fine if I bring him a cup of coffee in his
office?" Napatingin ako sa orasan. Maga-alas otso na rin pala.
"Okay lang naman siguro." Bahagya pa akong ngumiti sa kanya.
"Right. Can you come with me? Ipagtitimpla ko siya ng coffee. I used to do that
when he's having a vacation in States few years ago." Napasimangot ako sa hindi
malamang dahilan, at naiinis akong naging ganun ang inaasta ko ay halata namang
mabait talaga itong si Shantal.
Sinamahan ko siya sa kusina at pinanood ko na lamang siyang mag-timpla ng kape.
"I'm sure he'll like this." Sabi niya nang matapos na siyang magtimpla ng kape.
Sinamahan ko na rin siyang maglakad patungo sa tapat ng office ni Laxer. "Thank you
talaga." At pumasok na siya sa office ni Laxer. Ramdam kong tila may tumusok sa
parte ng puso ko. Kung ano man iyon ay hindi ko inalam pa, o marahil ay alam ko na.
It somehow pained me.
Gaano kaya siya katagal sa loob? Papalabasin kaya agad siya ni Laxer? O magkwe-
kwentuhan pa sila? Ginulo ko ang buhok ko. Kasi naman bakit ko ba iniisip ang
ganoong mga bagay. Paano kung may gusto na pala talaga sila sa isa't-isa? Hindi na
nakakapagtak iyon dahil parang close na close talaga sila.
Wala lang pala ako, kung ganoon nga talaga. Muntik na akong mahulog sa mga salita
niya. Mga salitang walang kasiguraduhan. Sa kinikilos naman kasi ni Laxer ngayon
ay mukhang gusto niya nga si Shantal. Napabuntong-hininga ako, sana hindi na lang
niya sinabi yun sa akin kanina.
Napabangon agad ako nang maaninag ko ang sinag ng araw sa maliit naming bintana
rito sa kwarto namin. Hala! 10 AM na. Masesermonan na naman ako nito. Late na naman
akong nagising pero kailangan ko munang maligo. Masesermonan pa rin naman ako kaya
mas mabuti nang maligo na nga muna talaga ako.
"Hahaha! You still remember that? Actually... it's your fault kaya. Hinabol kaya
kita that's why nadapa ako. Hindi ako lampa." Nagpapa-cute na sabi ni Shantal.
Maganda naman kasi talaga si Shantal at halatang galing sa mayamang pamilya. Hindi
rin nakakairita sa tainga ang tono ng boses niya kahit conyo siya.
Habang ako ay isang personal maid lamang ni Laxer. Okay. Ano 'to? Why am I even
comparing myself to her? Marangal pa rin naman ang trabaho ko, walang dapat ikahiya
pero gusto ko talagang makapagtapos ng pag-aaral, noong bata pa lang ako ay marami
na akong mga pangarap. Hanggang ngayon ay may oras pa naman ako para matupad ang
mga iyon.
"Oh Jearri. You're awake na. Good morning." Ngumiti siya sa akin kaya bahagya rin
akong napangiti sa kanya.
"Good morning po ma'am." At napatungo na lamang ako. Nahiya ako bigla. Ang ganda't
bait niya pala talaga. "Good morning po Sir." Tumango lang sa akin si Laxer.
Palihim akong umirap, may tila bumubundol sa dibdib ko, pinaghalong iritasyon at
sama ng loob ang nararamdaman ko para sa kanya. At kahit anong gawin kong iwas para
hindi ito maramdaman ay sumisikip pa rin ang dibdib ko.
"Nga pala Jearri. Sasama ako kay Laxer sa company niya and sa labas na rin kami
magdi-dinner. Pasabi na lang kay Manang Agnes." And that hit me. They can go
outside or go on a date whenever that want too. They can do things they wanted to
do, without being judge by the people around them. Kung ako siguro ang kasama ni
Laxer ay marahal pinag-usapan na kami.
"Sasabihin ko po." Matipid kong sagot sa kanya.
"Thanks Jearri. Okay na Cray. Let's go na para mas makapag-bonding pa tayo."
Tuwang-tuwa na sabi ni Shantal sa kanya.
"You might just get bored there. I have a lot of meetings to attend to." Ikinawit
ni Shantal yung kamay niya sa braso ni Laxer. Hinayaan lang ito ni Laxer. Ang
sakit! Oo na masakit! Sobra. Masakit na ma-realize na bagay pala talaga sila.
"Of course not. You're there naman. I know you love me that much and you won't
allow me to get bored right?" Hindi ko na kaya pang pakinggan ang usapan nila.
Dumiretso na lamang ako sa garden nitong mansion. Paasa siya. Pero kasalanan ko pa
rin naman yun kasi sa umpisa palang umasa na ako na hindi naman talaga dapat.
Alam ko naming posibleng mangyari ito pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko sa
totoong nararamdaman ko. We just can't fake our feelings.
Papasok na ako sa kwarto niya para sana maglinis nang biglang may humila sa braso
ko. "Come with me." Aniya kaya nagpatianod na lamang ako sa paghila niya.
"Teka nasaan siya Shantal?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Urgent, she won't come with me." Simpleng sagot niya tsaka ako pinasakay sa
passenger's seat. Siya rin ang nag-ayos ng seatbelt ko kaya sandali siyang
napalapit sa akin. Ilang segundo akong nagpigil ng paghinga dahil doon... dahil sa
sobrang kaba.
"Anong gagawin ko roon?" Hindi na siya muling sumagot pa. Ang sungit! Napansin ko
rin ang isang black na kotseng nakasunod sa amin mula sa rearview mirror.
Paniguradong mga bodyguard niya ito.
Nang makarating kami sa company ay halos manliit ako sa hitsura ko. Wearing maong
shorts and plain white v-neck shirt binuhol ko yung laylayan dahil medyo malaki ito
sa akin. Naka-slippers din ako. Gusto kong umuwi na lang dahil alam kong
inappropriate ang suot ko. "Laxer uuwi na ako." Pero mas hinapit niya pa ako
papalapit sa kanya. Sa tingin ko'y hinihintay niya lang ang bodyguard niya.
"You're staying. You're not leaving." Seryoso niyang sabi kasabay nito ang
pagdating ng mga bodyguard niya. Inabot niya sa bodyguard ang car keys at ang iba
naman ay sinundan ang paglalakad namin.
Tumungo na lamang ako nang mapansin ang mga matang nakatitig sa amin. Nang
makarating ako sa opisina niya ay laking gulat namin na si Shantal ay nandoon na.
Nakaupo sa swivel chair ni Laxer. Siya rin ay nagulat sa aming dalawa, bahagyang
lumayo sa akin si Laxer. Tila sumikip ang dibdib ko nang dahil doon.
"It was cancelled." Panimula ni Shantal. "I told them I already have plans with
you. And since I know naman na umalis ka na sa mansion, dumiretso na ako rito."
Ngumiti siya sa aming dalawa. Samantalang ako ay natahimik na lamang. I was
planning to just leave but I don't know how, or what to do next.
"You're with Jearri pala." Aniya, tila naninimbang.
"May inutos lang po si Sir. Pero aalis na rin po ako." Agaran kong sabi. Tumingin
sa akin si Laxer nang may pagbabanta sa susunod kong gagawin. "Sige po, babalik na
po ako sa mansion." Umalis na ako nang makapagpaalam na sa kanila. Umasa ako na
hahabulin ni Laxer pero hindi ito nangyari. Kumirot ang parte ng puso ko.
Okay lang. Sino ba ako para habulin niya? Ang mali lang talaga ay umasa ako. Nang
makabalik ako sa mansion ay ginugol ko na lamang ang oras ko sa paglilinis ng
kwarto niya.
Nang matapos kong linisin ang kwarto ni Laxer ay nahiga muna ako sa kama niya
saglit. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Ang dami kong gustong sabihin pero
bakit ganun? Hindi ko magawa. Kasi natatakot ako na baka mas lalo lang akong
masaktan sa magiging sagot niya.
Hindi ko namalayan na nakatulog na naman pala ako sa kwarto niya. Hala maga-alas
onse na pala ng gabi. Patayo na ako nang mapansing nasa kabilang gilid pala siya ng
kama niya. Ang laki naman kasi nitong kama niya. Tulog na ata siya.
"Hoy Laxer. Tulog ka na ba? Mukhang tulog ka nga. Alam mo ba kung bakit late akong
nagising kanina. Buong gabi ko kasing iniisip kung ano bang meron sa atin.
Nakakainis ka kasi eh. Sabi mo sayo ako pero may mahal kang iba. Paanong hindi ako
aasa eh ikaw na yung kumuha ng first at second kiss ko. Ano ba talaga ha? At oo
nagseselos ako! Nagseselos ako kasi parang wala ka nang pakialam sa akin noong
dumating si Shantal." Sandali akong tumigil. Nanggigilid na ang mga luha ko.
Kailangan ko itong pigilan.
"Ganun na lang ba yun? Ang unfair mo naman eh. Bakit kailangan mo pa akong paasahin
kung may mahal ka na palang iba? Bakit ako pa?" Hindi ko na namalayang tuluyan na
palang bumabagsak ang mga luhang kanina pa nagbabadya mula sa aking mga mata.
"Ayoko na. Huli na 'to. Hindi na ako aasa pa." Malungkot kong sabi sa kanya at
tumayo na ako.
"Please don't."Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis.
"Baby...don't be jealous." Tumayo na rin siya at hinawakan niya ang magkabilang
pisngi ko. "Don't be. I'm all yours." At sa isang iglap parang nawala lahat.
Nawala lahat ng inis ko sa kanya. "I'm only yours, baby..." Ang mga salitang ito
ang naging dahilan kung bakit ako mas lalong naiyak. "Shhh.. stop crying. Look, I'm
sorry. It's just that you were so damn beautiful when you get jealous..." Ngumisi
siya at hinampas ko siya sa braso. Nagawa pa talagang mambola ng loko. Napanguso na
lamang ako. "You're tempting me again."
"Ha?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.
"Wala. Ang ganda mo sabi ko." Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko dahil
sa sinabi niya.
"At mas maganda ka kapag naiinis, nagba-blush, nagagalit at nagseselos. Kasi kahit
ano atang gawin mo mas lalo ka lang gumaganda." Quotang-quota na sa pambobola ang
isang 'to. Pero aaminin ko. Kinilig ako. Sobra. Hinapit niya ako palapit sa kanya
at tsaka niya ako niyakap nang mahigpit.
Can I just live with this forever?

[ 8 ChapterSeven ]
-------------------------------

"Hoy Laxer. Tulog ka na ba? Mukhang tulog ka nga. Alam mo ba kung bakit late akong
nagising kanina. Buong gabi ko kasing iniisip kung ano bang meron sa atin.
Nakakainis ka kasi eh. Sabi mo sayo ako pero may mahal kang iba. Paanong hindi ako
aasa eh ikaw na yung kumuha ng first at second kiss ko. Ano ba talaga ha? At oo
nagseselos ako! Nagseselos ako kasi parang wala ka nang pakialam sa akin noong
dumating si Shantal." Sandali akong tumigil. Nanggigilid na ang mga luha ko.
Kailangan ko itong pigilan.
"Ganun na lang ba yun? Ang unfair mo naman eh. Bakit kailangan mo pa akong paasahin
kung may mahal ka na palang iba? Bakit ako pa?" Hindi ko na namalayang tuluyan na
palang bumabagsak ang mga luhang kanina pa nagbabadya mula sa aking mga mata.
"Ayoko na. Huli na 'to. Hindi na ako aasa pa." Malungkot kong sabi sa kanya at
tumayo na ako.
"Please don't."Hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako sa pag-alis.
"Baby...don't be jealous." Tumayo na rin siya at hinawakan niya ang magkabilang
pisngi ko. "Don't be. I'm all yours." At sa isang iglap parang nawala lahat.
Nawala lahat ng inis ko sa kanya. "I'm only yours, baby..." Ang mga salitang ito
ang naging dahilan kung bakit ako mas lalong naiyak. "Shhh.. stop crying. Look, I'm
sorry. It's just that you were so damn beautiful when you get jealous..." Ngumisi
siya at hinampas ko siya sa braso. Nagawa pa talagang mambola ng loko. Napanguso na
lamang ako. "You're tempting me again."
"Ha?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya.
"Wala. Ang ganda mo sabi ko." Naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko dahil
sa sinabi niya.
"At mas maganda ka kapag naiinis, nagba-blush, nagagalit at nagseselos. Kasi kahit
ano atang gawin mo mas lalo ka lang gumaganda." Quotang-quota na sa pambobola ang
isang 'to. Pero aaminin ko. Kinilig ako. Sobra. Hinapit niya ako palapit sa kanya
at tsaka niya ako niyakap nang mahigpit.
Can I just live with this forever?
"Jearri! Hey! Wake up." Napabangon ako nang may ngiti sa aking mga labi. Huli na
nang ma- realize kong nanaginip lang pala ako, akala ko ay totoo para kasing totoo
talaga.
"Panaginip lang pala." Napasimangot na lamang ako. Nakakainis naman! Dapat hindi na
lang ako ginising ni Laxer eh. Nasira tuloy yung maganda at nakakakilig kong
panaginip. Ayun na eh! Nagka-aminan na kami, napurnada pa.
"You were smiling while sleeping tapos ngayon biglang naging ganyan ang hitsura
mo." Nakakunot ang noo niyang sabi sa akin. "I bet you're dreaming about me."
Ngumisi siya, halatang-halatang may pinagmamalaki na naman siya sa akin sa
pagmamagitan nang pang-aasar niya.
"Oo. Kaya lang sinira mo." Wala sa sarili kong sabi sa kanya. At huli na naman nang
ma-realize ko na narinig na pala niya. Minsan talaga dapat tinitikom ko na lang
'tong bibig ko at kung ano-ano pa ang lumalabas. Sigurado akong nasiyahan na naman
'tong Laxer na 'to.
"So what is it all about?" Curious niyang tanong sa akin. Nagsalubong ang kilay ko
nang dahil sa tinanong niya. Seryoso ba siyang gusto niya talagang malaman o nang-
aasar na naman siya?
"Psh. Ang chismoso mo! Wala yun." Napairap na lamang ako. Makaalis na nga lang.
Bakit ba kasi lagi na lang akong nakakatulog dito? Tinalikuran ko na siya at nang
sanay hahakbang na ako, agad din naman niyang hinawakan ang kamay ko. Nakadama ako
na parang bigla akong nakuryente, hindi masakit pero nakapagpabilis ng tibok ng
puso ko.
"I won't let you escape. So... care to tell me what it is all about?" Seryoso
niyang sabi sa akin. Kinilabutan ako sa titig niya ngayong magkaharap na kami nang
tuluyan.
"Wala nga. Bakit ba ang kulit mo?" Nakakainis naman kasi! Sinira na nga niya yung
panaginip ko eh. "Bitiwan mo na nga ako---" He cut me off by kissing me on my lips.
One sudden kiss. Hindi ako makagalaw dahil sa pagkabigla sa nangyari. Napakapit pa
ako sa laylayan ng damit niya. Ang bilis ng pagbaba-taas ng dibdib ko nang dahil sa
matinding pagkabigla.
"You're not going to tell me? Or I'll kiss you until I get tired." What the!
Seryoso ba siya? I cannot imagine. Jusko. Ano bang nangyayari kay Laxer at ganito
siya kakulit ngayon?
" Napanaginipan kita! Nag-confess tayo ng feelings sa isa't-isa." Natahimik naman
siya na parang tinitimbang ang biglang katahimikang bumalot sa aming dalawa.
"It won't happen. It's just a dream." At para akong binuhusan ng isang timba ng
nagyeyelong tubig.
"Teka nga! It won't happen? So para saan yung mga halik na yun?" Bigla naman akong
sumabog dahil sa inis. Ang tagal ko na ring tiniis na kimkimin ang tungkol dito
pero hindi ko rin pala kayang itago. Darating kasi tayo sa punto na mapapagod
tayong umintindi para sa iba. "Pinapaasa mo lang ba ako? Bakit porke't nahalikan mo
na ako, magkakagusto na ako sayo?" Taliwas ang mga sinabi ko, pero ayoko naming
ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya. Pero totoo naman, nahulog na nga ako sa kanya
eh.
"You kissed me back." He stated.
"Anong klaseng rason 'yan Laxer? Are you out of your mind? Why would you kiss a
girl you never liked?" Naiiyak na ako nang dahil sa inis ko sa kanya. "Paasa ka!
Nakakainis ka!" Pinagsasapak ko ang dibdib niya. Pilit naman siyang umiilag.
"Hey! Stop!" Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Bakit ganito parang bigla akong
nanghina sa pagkakahawak niya sa akin. At sa isang iglap ay may mga luhang kumawala
sa aking mga mata. Ang sakit! "I didn't mean it. Hindi ko intensyon na paasahin ka.
I just don't---"
"Leche ka talaga! Paasa! Bwisit ka!" Sinubukan ko ulit siyang pagsasapakin pero mas
hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko.
"I'm sorry... but I don't do commitment. It's not my thing." Parang may kung anong
kumuha sa lakas ko. Nanlalambot ako.
"It will never be." At iniwan niya ako dito na naguguluhan. Mas lalo akong
napahagulgol sa pag-iyak. All this time, naniwala ako... umasa ako. Tangina lang!
Totoo nga! Kabaliktaran ng panaginip ang nangyayari sa realidad. Hindi dapat ako
nahulog, hindi dapat ako umasa. Kasalanan ko 'to eh. Umasa kasi akong sasaluhin
niya.
Bumalik ako sa kwarto namin na namumugto pa rin ang mga mata ko. Naghilamos muna
ako nang tawagin ako ni Manang Agnes. "Hija, kay Ma'am Shantal ata 'tong kwintas.
Nakita ko sa sala kanina. Pakibigay na lang sa kanya." Pinilit ko na lamang ngumiti
sa kanya at kinuha ko ang kwintas.
Napatingin ako sa orasan, 9:35 PM na, gising pa kaya yun? Bahala na nga. Umakyat
ako papunta sa kwarto ni Shantal. Napatingin naman ako sa kwarto ni Laxer na katabi
lang ng kwarto niya. Parang hindi ko na ata maaatim na pumasok ulit doon.
Kakatok na sana ako nang...
"La—xer" I heard her moan. Alam ko kung ano ang pwede kong masaksihan sa oras na
buksan ko 'tong pinto, pero tanga na yata ako at mas pinili ko pang buksan 'tong
pinto. "N-Nakikiliti ako... La-xer..."
At iyon ang mas nakapagpadurog ng puso ko. Yung puso kong nadurog na kanina ay mas
durog na durog na ngayon.
I was broken and was broken even more. I saw them making out... at alam ko na kung
anong susunod pa dun. Ang tanga-tanga ko talaga! Mas sinasaktan ko lang ang sarili
ko. Napatingin ako kay Shantal. In an instant, our eyes met. Agad kong dahan-dahang
sinara ang pinto. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hinahabol ko na rin ang hininga
ko, naninikip ang dibdib. Shit! Ang sakit! Sobrang sakit!
I must have seen it before. He likes her, she likes him. And it hurts me even more
thinking about it. Bakit ba ako nag-expect ng sobra kay Laxer. Oo, magkababata kami
pero ang totoo niyan... He is a secret. He is a mystery. Wala akong masyadong alam
sa kanya. Puro bangayan, asaran at pagtatalo ang natatandaan ko sa aming dalawa. He
knows how to perfectly hide his feelings and emotions, and from the very start he
had been a big secret, he had always been.
Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko. Oo nag-alarm ako ng sobrang aga! Hindi rin
naman kasi ako makatulog ng maayos. Masyado kasing maraming nangyari kahapon.
Naligo na muna ako at inayos ang aking sarili.
"Good morning po Ma'am, Sir." Pinilit kong maging normal at mukhang nagawa ko naman
ito ng maayos.
Tumango lang silang dalawa sa akin. Mukhang napagod ata kagabi. At parang na-
awkward-an din sa akin si Shantal, siguro kasi dahil sa nagtama ang tingin naming
dalawa kagabi habang nagme-make out sila. Napakagat na lamang ako ng labi sa naisip
ko.
"Shit!" Nagulat ako nang makitang natapunan ng mainit na kape ang suot ni Laxer
ngayon. Paano nangyari yun? Napabuntong-hininga ako.
"Oh my God!" Dali-dali namang pinunasan ni Shantal ang natapunang damit ni Laxer.
"Hmm... Jearri, pakuha naman ng bagong damit si Laxer." Nahihiya niyang sabi sa
akin. Tumango na lamang ako at sinunod ang iniutos niya sa akin.
Awkward nga talaga. Sinunod ko naman ang utos niya. Papasok na ako sa kwarto ni
Laxer nang matigilan ako. Naalala ko na naman yung nangyari kahapon.
'I'm sorry... but I don't do commitment. It's not my thing.' Mga salitang binitiwan
niya kahapon. I'm not asking for commitment... pero bakit kailangan niyang sabihin
sa akin yun. Ang gulo niya. Isa siyang malaking sekreto. Kumuha na ako ng bagong
damit na masusuot niya. As if I have a choice.
Bumaba ako at naabutan ko silang naglalampungan. Get a room! Padabog kong nilapag
ang damit ni Laxer sa harapan niya. "Thanks Jearri. Sorry about last night."
Nilalaro pa nito ang mga daliri niya... Mas naging awkward. Kasi naman bakit
kailangang ngayon niya pang i-bring up yung topic na yun eh nandito pa naman si
Laxer at halata sa mukha niya ang pagtataka.
"Sorry?" Nagtatakang mukha ni Laxer ang nasisilayan ko ngayon.
"Hmm... Kasi she saw us. Uh... you know." Nahihiyang sabi ni Shantal na ngayo'y
pulang-pula na ang mukha.
"Don't worry. Normal lang naman yun para sa dalawang taong nagmamahalan." I
emphasized the last word. Napatingin naman sa akin si Laxer.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ginulo niya pa yung buhok niya. Ano bang problema
nitong isang 'to? "Nga pala, nakita ito ni Manang Agnes sa sala kahapon. Baka sa'yo
'to."
"Ah kasi..." Magsasalita pa sana si Shantal kaso natigilan siya. "Anyway, thanks
for giving this back to me." Aniya nang iabot ko sa kanya ang kwintas.
"Nga pala Sir Laxer. Let's forget the deal." Nagulat naman si Laxer at si Shantal
naman ngayon ang nagtataka. "Gusto kong mag-aral ulit at sana po pumayag kayo.
Kapalit ng pag-aaral ko, ang pananatili ko rito at pagsisilbi sa inyo hanggang
maka-graduate po ako. Magpapakabait na rin po ako sa inyo kahit wala yung deal na
yun. Hanggang maka-graduate po ako magiging mabuting personal maid niyo po ako."
Tuloy-tuloy kong sabi sa kanya. Nag-cross fingers ako. Sana naman pumayag siya,
kahit medyo awkward na rin kaming dalawa ngayon sa isa't-isa.
"Okay. Ako nang bahala sa papasukan mong university." He walked out and left me
here dumbfounded.
Totoo ba 'to! Salamat sa mabuting nilalang na sumapi sa katauhan ng walang puso at
paasang bilyonaryong 'yon. Mag-aaral na ako! Makakapagtapos na ako ng pag-aaral!
Sa kabila ng mga nangyari, may magandang mangyayari pa pala sa akin. Napangiti ako
sa kabila ng sakit na nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon.
"Laxer...I mean Sir...wala ka bang hihinging documents sa akin?" Isang araw na
hindi siya gaanong busy. Kinausap ko siya tungkol sa pag-aaral ko. Nakakapagtaka
kasi na wala man lang siyang hininging mga dokumento mula sa akin. Kaya ko naman
kasing mag-ayos ng mga iyon sa madaling panahon.
"I already settled everything." Sagot niya na hindi man lang lumilingon sa akin at
nakatutok pa rin siya sa papel na kanina pa niya binabasa.
"Okay. Thank you." Ani ko at nanghanda sa paglabas sa kwarto.
"I have conditions." Nakakunot ang noo kong nag-angat ng tingin sa kanya. "Don't
entertain boys." I almost rolled my eyes, mabuti na lamang at napigilan ko pa.
"Okay. It won't happen anyway. Mas matanda pa ako sa mga 'yon. I'm sure ate na lang
nila ako." Pagdadahilan ko sa kanya. May punto rin naman ako, hindi rin naman
paghahanap ng boyfriend ang ipinasok ko roon, gusto ko talagang makapagtapos ng
pag-aaral, para magkaroon na ako ng hakbang patungong mga pangarap ko.
Mas mariin siyang tumitig sa akin ngayon, sa totoo lang ay nalilito na naman ako sa
inaasta niya ngayon. "Bahala ka na nga." Inis siyang lumabas sa office niya
samantalang nalaglag na lamang ang panga ko rito.
Ano bang problema niya? Bigla-bigla na lamang maiinis at aalis. Paalis na sana ako
nang bigla siyang bumalik at hinila ako payakap sa kanya. "If that's the case, I
still won't allow it." Naguguluhan akong napayakap sa kanya. Ito na naman. Umaasa
na naman ako pero kailangang pigilan.
"Hindi ko na alam kung saan ilulugar ang sa ating dalawa. Hindi ko na alam kung
saan ko ilulugar ang sarili ko sa'yo. Kaya please lang, kung wala ka rin namang
balak saluhin ako ay mabuting bitiwan mon a lamang ako. Sa ating dalawa kasi,
maniwala ka man o hindi pero mas masasaktan ako..." Ani ko, habang nagtutubig na
naman ang mga mata ko. Dahan-dahan niyang niluwagan ang pagkakayakap sa akin.
Nang tuluyan niya nang alisin ang pagkakayakap niya sa akin ay naglakad na ako
palabas ng office niya. Tumakas ang luha sa mula sa aking mata na agad ko ring
pinalis para walang makakita. Mas magandang bitiwan mo na lang kung wala kang balak
hawakan panghambuhay. 

[ 9 ChapterEight ]
-------------------------------

"You come with me." Tsaka niya inabot sa akin ang sandamakmak na mga paper works
niya. Hindi na ako nagreklamo o ano pa man at sumunod na lamang sa kanya.
Magkatabi kami sa backseat ngayon pero nasa pagitan naman ang mga paper work. May
espasyo kumbaga habang siya nakatingin lamang sa bintana at ako naman ay nag-iwas
ng tingin tumingin na lang din sa may bintana.
May mga nakakaalam na naman na personal maid ako ni Laxer, kaya hindi na nagtaka
yung iba kung bakit niya ako kasama ngayon. Sa elevator, kung saan para sa CEO
lamang ay hindi sana ako sasama sa kanya pasakay. "You are with me, so better stick
with me." Tsaka niya ako hinila papasok sa elevator.
"Hindi kami pwedeng sumabay sa elevator kasama ang CEO, nasa company rules yan
Sir." Ani ko na hindi nag-aangat ng tingin sa kanya, nasa top floor ang opisina
niya kaya medyo matagal kami sa elevator dahil maraming palapag ang kumpanya niya.
"You don't work here, you are working for me." Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na
sandali siyang tumingin sa akin. Hindi na ako nakipagtalo pa at tumango na lamang.
Simula noong nangyari sa amin noong isang araw ay naging ganito na lamang ang trato
naming sa isa't-isa.
Tama lang din naman na ganito ang maging trato niya sa akin. Hindi ko na magagawang
umasa pa. But then my heart won't stop calling for his name.
Months passed, and we get used to this Boss-Maid relationship. Today's the first
day of my class at a prestigious university. Si Laxer ang nag-ayos ng lahat kaya
hindi na ako nakapagreklamo pa, mas gusto ko kasi sanang kahit sa isang simple at
hindi ganoon ka-sikat na university ako makapagtapos, ang mahalaga maka-graduate
ako sa kolehiyo.
I can't be the billionaire's maid forever.
Mahalaga na makapagtapos ako at makahanap nang mas magandang trabaho. Hindi sa
minamaliit ko ang pagiging maid pero may mga pangarap din ako, at alam kong lahat
naman tayo ay may kanya-kanyang pangarap. It's just right to fulfill those.
"Ihahatid na kita." Aniya nang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Sa ilang buwang nakalipas, everything went back to normal. Mabuti na lang at hindi
kami gaanong nag-aaway o nagtatalo, naging kaswal na lamang ang lahat sa pagitan
naming dalawa. Sobrang awkward na namin sa isa't-isa. I can't even shout at him, I
can't complain anymore. Wala nang bangayan, asaran, inisan. The silence over the
mansion is making me crazy, it's just that I'm not really used to it. Pero mas okay
na yun, cold treatment from him, malaking tulong yun para maglaho lahat ng feelings
ko sa kanya.
But I was wrong, as much as I wanted to erase these feelings of mine for him in
just a second, I cannot... I'm still falling this hard for him.
"Hindi na po Sir." Magalang kong sabi sa kanya. Kinuha ko na yung bag ko. Paalis na
sana ako nang makita kong pababa ng hagdan si Shantal. She looks so beautiful today
in her white fitted dress above the knee. Nakaka-intimidate and I've never been
intimidated this way before.
What if, I wasn't born poor, what if hindi kami pinabayaan ni tatay, what if me and
Laxer meet the other way around. God. Why do I have to think this way? Ganito ba
ganito na lang ang nagagawa ng pag-ibig?
"Sige na Jearri, sumabay ka na sa amin." She had this sweet smile again. Sweet
smile that's hard to resist. Ngayon alam ko na talagang wala kaming pag-asa ni
Laxer. Dapat kasi hindi na lang ako nag-assume, dapat hindi na lang ako umasa o ang
mas maganda dapat hindi ko na lang siya nakilala.
"Hindi na po Ma'am." Bahagya akong ngumiti sa kanya, ni hindi ko nga kayang
tumingin sa kanya ng ganun katagal. Ito pala yun, yung magkakaroon at magkakaroon
tayo ng insecurity kahit ayaw natin. But then, it's wrong to have insecurity...at
paniguradong hindi naman 'to magtatagal.
I just thought what if I have her life, I guess everything would be easy. "If you
don't want to, then fine." Padabog akong iniwan ni Laxer at sinundan naman siya ni
Shantal. Nalaglag ang panga ko nang dahil sa ginawa niya. Galit ba siya? Nakakahiya
lang naman kasing ipagsiksikan yung sarili ko sa kanilang dalawa.
Lumabas na ako ng mansion at naglakad papuntang bus station, nadaanan pa nga ako
nung mamahaling kotse ni Laxer pero ni hindi man lang ata ako napansin, dire-
diretso lang itong nagmaneho. At parang may tumusok sa parte ng puso ko, paulit-
ulit na lamang na ganito.
10 AM ang unang class ko. First year college ako noon pero hindi ko natapos ang
first semester. Sayang nga kasi scholar ako noon, kaso noong sumakabilang-buhay si
nanay, wala na akong choice kung hindi ang tumigil muna pansamantala sa pag-aaral.
Scholar ako noon kasi grumaduate akong Valedictorian noong high school at ganoon
din nung elementary. Living without my mother was my weakness. Sobrang hirap akong
mag-adjust noon. Every time that passed without my mother beside me, kills me
slowly and painfully at the same time.
Siguro kasi nasanay ako na lagi siyang nandiyan para sa akin and now that she's
gone, I tried my best to become independent, kahit sobrang hirap sa umpisa. But
eventually nasanay na rin ako, dahil na rin yun kay Laxer, mas tumindi kasi ang
bangayan at asaran namin ni Laxer nung nawala na si nanay.
Nakatulong yun sa akin kasi pakiramdam ko kahit puro asaran lang ang ginagawa namin
noon ay nakukumpleto na ako, nakakasanayan ko na ang bawat ingay na nagpapaalala sa
akin na hindi ako nag-iisa. At ngayon boss-maid relationship na lang ang meron
kami, it feels so alone. I hope I didn't fall this hard, he didn't even catch me.
Namalayan kong may tumabi sa akin, hindi ko na lang siya nilingon at sinandal ko na
lamang ang ulo ko sa bintana nitong bus habang naka-earphones ako. Ilang oras din
yung naging byahe ko.
Naglakad-lakad lang muna ako dito sa field ng university kasi isang oras pa naman
bago ang una kong klase. Nanood ako ng training ng soccer team, ang galing naman
nun, halos laging siya ang nakaka-goal. Napansin kong napatingin siya sa direksyon
ko after ng practice nila. Tumingin naman ako sa ibang direksyon at nang lingunin
ko siya kausap niya na yung ibang players.
30 minutes before my first class, I decided to find my room. Mabilis ko naman itong
nahanap kasi binigyan ako ng school map to familiarize myself here.
Pumasok ako sa classroom at wala pang tao. Ang creepy naman dito. Nakinig na lang
muna ako ng music.
Hanggang sa may limang lalaki ang pumasok, they aren't wearing uniforms, naka-
jersey sila. Sila yung ilan sa players ng soccer team nitong university.
Napansin ata nilang nandito ako, umupo kasi ako sa dulong upuan. Natahimik naman
sila at nagtama ang mga mata namin nung lalaking tumingin sa direksyon ko kanina
nung nasa field ako.
"Ang ganda niya mga pre." Rinig kong sabi nung isa sa mga players.
Tumango-tango naman yung iba pero itong isang nakikipagtitigan sa akin, still
wearing his serious look. Umiwas na lang ako ng tingin. He's totally creeping me
out.
Nagsidatingan na rin yung iba pang magiging kaklase ko. At laking gulat ko nang
sunod-sunod na tumayo yung mga players ng soccer team at lumipat sa last row. Medyo
inusog ko pa ng kaunti yung upuan ko. Tumabi kasi sa akin yung lalaking nagsabing
ang ganda ko.
At dahil first day of class, wala munang lesson, heto na naman tayo sa walang
kamatayang introduce yourself.
"Kindly introduce yourself, age, and hobby and please tell us also your ideal
partner." Ay kailangan may ganun pa? Ideal partner...
"We'll start with Mr. Acosta." Tumayo yung Acosta na tinawag nung professor namin.
Oh, siya pala yun. Pinagmasdan ko ang likuran niya habang naglalakad papunta sa
unahan, Acosta 7, yan yung nakalagay sa back part ng jersey niya. Seryoso siyang
tumayo sa unahan, napansin ko namang parang kinikilig halos lahat ng babae rito.
Mukhang sikat 'tong si Acosta.
"Kyron Josef Acosta, 18, hmm... hobby, guess it's obvious, my ideal partner..."
Nag-isip muna siya sandali. "Someone who cannot look directly into my eyes that
long." Pagkasabi niya nun ay nilingon niya ang direksyon ko, our eyes met... but I
cannot look directly into his eyes that long, so I managed to avoid his gaze. Wait?
What? I cannot look directly at his eyes that long?
Naramdaman ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Anong nangyari? Bakit bigla akong
kinabahan?
"Next, Ms. Lacsamana." Hala! Ako na pala, bakit parang ang bilis naman ata. Tumayo
na ako at diretsong naglakad papunta sa unahan. Tiningnan ko muna ang bawat isa sa
kanila, hanggang sa napatingin ako kay Josef, pero umiwas din naman agad ako.
"Hi..." I'm not really good at this. "Hmm... I'm Artzell Jearri Lacsamana, 20 years
old. I love reading books, romance novel to be exact. My ideal partner..."
Napahinto ako sandali. Ideal partner? "Someone who... always makes fun of me."
What? Halata namang nagulat silang lahat. Ako rin kasi ay nagulat. "I mean...
someone who always fights with me." Wait.... Hala. Ano ba 'tong pinagsasasabi ko.
"Someone who... hmm... someone who always shouted at me, someone I hated the most."
Okay. I know this is weird. Hindi ko alam kung bakit ito ang lumalabas sa bibig ko
ngayon.
"So, you do believe in 'the more you hate, the more you love' thing." Sabi ni
Josef. Nagtawanan naman yung mga classmates ko.
"Not really." Nagsitahimik naman silang lahat. "Para kasi sa akin, mas okay na yung
magbangayan, mag-asaran, magsagutan, mag-away araw-araw... kasi maingay... And that
would only mean I'm not alone because it's slowly killing me when I felt alone. I
prefer noise than silence. I don't wanna feel alone anymore." With that, dire-
diretso akong bumalik sa pwesto ko.
Napatulala naman silang lahat. Hindi ko na alam ang sasabihin ko ngayon. First
impression lasts pa naman. Bakit kasi may ideal partner pang kailangang sabihin?
"What you say wasn't an ideal partner." Josef concluded.
"It is." Humarap ako sa kanya. Bakit kasi kailangan pa niyang makialam.
"It's my own kind of ideal partner." Actually, dinescribe ko lang naman si Laxer,
what we are before, kasi ngayon ang dami ng nagbago. Never in my life, naisip kong
magiging awkward kami sa isa't-isa ni Laxer. Maybe because commitment isn't really
his thing, but until now I don't get it, I never asked for any commitment.
"You're weird." A smirk was plastered on his face. Tila binabasa niya rin ang nasa
isipan ko. Nanliit ang mga mata ko, gusto kong iparating sa kanya na hindi niya ako
mababasa kahit anong gawin niya.
"Yes I am." Seryoso kong sabi sa kanya. Bakit ba kailangan niyang makialam sa mga
sinasabi ko? Ngayon ko lang siya nakilala at ganoon din siya sa akin.
"Weird." Kailangang paulit-ulitin? "But I like weird." May nabuong ngisi muli sa
kanyang mga labi. Napailing na lamang ako.
"Therefore, you like her." Sabi naman nung isang player ng soccer team.
"Ang lakas mo captain." Dagdag pa nung isang player at nadagdagan pa lalo ang
kantyawan nila. Nakaramdam ako ng kahihiyan at alam kong pulang-pula na ang pisngi
ko ngayon, hindi dahil kinikilig ako kundi dahil sobrang nahihiya talaga ako. Hindi
ko naman inasahan na ganito ang magiging first day ko.
"Bilis mo talaga Capt!" At nagtilian pa yung mga babae. Okay. I didn't see it
coming. Really.
"You can't really like someone that fast." It wasn't my intention na iparinig sa
kanya iyon pero narinig niya pala.
"It's my feelings and miss you can't do anything about this." Aniya sa seryosong
tono, I'm not being judgmental, but I don't think he's a boy who'll take girls
seriously. And hello he's younger than me. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil
nakakahiya na rin ang mga tinging pinupukol sa amin. I felt irritated and conscious
by the way he looked at me right after that.
"I'm interested. Really." Hindi ko alam kung sobrang taas lang ba talaga ng
confidence niya o sadyang gusto niya lang makakuha ng mas higit pang attention.
"I'm not. So please don't." Hindi ako nagbalik sa pag-aaral para maghanap ng
boyfriend o ano, not because I still like Laxer, but I really need to finish my
studies first. I still have dreams to reach and goals to fulfill.
"I'll make you then. Soon." He winked at me before looking at the front. I don't
think it's a good idea na mapalapit sa kanya. Binalik ko na ang atensiyon sa aming
professor. I noticed him still looking at me kaya minabuti ko na lamang na huwag na
talaga siyang pansinin. Sa tingin ko ay nang-aasar lang din naman kasi siya.
Napabuntong-hininga ako habang sinusulat ang mga requirements. Nilingon ko siya sa
unang pagkakataon. He's smirking at me! I glared at him.
Nagkibit siya ng balikat, nilagay niya ang kamay niya sa ilalim ng baba niya. Nang-
aasar nga siya! Kasi ngayon ay tinititigan naman niya ako, na wala siyang pakialam
kung may mga nakatinging iba sa kanya.
"Pre, baka matunaw." I almost rolled my eyes at them. Napag- trip-an pa talaga ako.
"She's made to be mine anyway." Muntik na akong mapatayo dahil sa hindi na talaga
ako makapag-concentrate. Hindi ba siya naiilang sa mga ginagawa niya? Sana ay
habaan pa ako ng pasensiya, lalo pa't kaklase ko siya. Hindi ko na lamang siya ulit
nilingon at sa halip ay mas pinagtuunan pa ng pansin ang prof namin.
Buo na ang attention ko nang may papel na bumagsak sa may harapan ko ito. Galing
kay Josef! "Sana kapag naging tayo na, ganyan din kabuo ang atensiyon na ibibigay
mo sa akin" nakayumos ko pa lalo ang papel nang mabasa ko ito. Damn. Ang lakas
niyang mang- trip.
"I'm dead serious miss." Pabulong niyang sabi, hindi ko namalayan na sobrang lapit
na pala niya sa akin. "I'll do whatever it takes to have you, mine. Mine alone."
Linyahan 'to ng mga playboy. At hindi ako naniniwala sa kanya.
I rolled my eyes at him. Binato ko pabalik sa kanya ang papel. At mukhang tuwang-
tuwa siya sa naging reaksyon mula sa akin. Napailing na lang ako. He's still young
and carefree. At hindi mangyayari ang sinabi niya.
I'm already made for someone who can't be mine, cheers to that. That's how
everything work. Not all the time you can really have something or someone, no
matter how you wanted it so bad.

[ 10 ChapterNine ]
-------------------------------

Nang umalis na ang professor naming ay panay pa rin ang kantyaw sa aming dalawa,
lalong-lalo na ng mga kaibigan niya. I never dreamed of having this so much
attention I'm getting now. Nakakainis kasi! Kung weird ako sa paningin nitong
Acosta na 'to! Mas weird siya!
Sasabihin niyang gusto niya ako, well indirect yun, pero halata naman masyado kasi
lahat sila naintindihan yung nais niyang iparating. How was that even possible kung
ngayon niya lang ako nakilala?
Nagpakilala pa isa-isa 'tong mga kaibigan niya sa akin. Dahil sa bilis ng mga
pangyayari, ni isa wala akong natandaan sa mga sinabi nilang pangalan sa akin.
"Saan ka maglu-lunch? Sabay ka na sa amin." Sabi nitong--- okay. Hindi ko talaga
natandaan ang pangalan niya.
"Tsk. Back off." Inakbayan naman ako nitong Acosta na 'to pero agad ko rin namang
tinanggal ang braso niya sa balikat ko. Why so fast? Akala niya ba madadaan ako sa
paganyan-ganyan niya? Napailing na lamang ako.
Napansin kong natawa yung mga kaibigan niya sa ginawa ko pero naging seryoso ulit
sila nang samaan sila ng tingin ni Acosta. Ano ba 'yan! Ang formal naman, puro
naman ako Acosta. Josef na lang. Hindi rin kasi kami close para tawagin ko siyang
Josef.
"Sige mauna na ako sa inyo." Ayoko rin namang sumabay sa kanila kasi paniguradong
sa pangmayamang restaurant sila kakain, may baon kasi akong lunch, dahil ginto
talaga ang mga pagkain dito sa sobrang mahal. Yung mineral water na 10 pesos lang
naman talaga ay 75 pesos dito, asan ang hustisya diba? May suggested retail price
naman pero over pricing naman sila masyado.
Nagmadali na rin akong lumabas sa classroom para hindi na nila ako maabutan pa.
Nilakihan ko ang bawat hakbang ko at hindi na sila muling nilingon pa. Umupo ako sa
may ilalim ng puno malapit sa field. Walang masyadong tao rito ngayon. Napaisip
tuloy ako kung totoo bang gusto ako ni Josef. Imagine kakakilala niya lang sa akin
tapos gusto na raw niya ako. Mas weird talaga siya.
Kumain na lang muna ako, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ayoko na ring isipin
pa ang nangyari.
"You're alone." Tumabi pa talaga siya sa akin. Ang kulit din naman pala niya. Bakit
niya ba ako sinusundan? Ganoon na lang ba ka-weird ang tingin niya sa akin?
"What do you want?" Tinabi ko sa gilid yung lunch box ko. "You know what Mr.
Acosta, if you're just making fun of me, I'm not in the mood, kaya tigilan mo na
'to." Napairap na naman ako nang dahil sa pagkairita ko talaga sa kanya.
"But you said it was your ideal partner." Napa-face palm na lang ako. Tunay na bata
pa talaga ang isang 'to.
"Pwede ba, wag ako. Please lang." Tumayo na ako para makaalis na sana. But when I'm
about to leave he suddenly grabbed my hand. That made me stop from walking away.
"I like you and I mean it." And before I could react he left me here hanging.
Nakita ko ang malalaking hakbang niya palayo matapos niya itong sabihin. Natawa na
lamang ako. Mukhang nahiya siya sa akin, dahil nakita kong pulang-pula ang tainga
niya.
Aalis na rin sana ako nang makita ko siyang kumaripas patakbo pabalik sa akin.
Namumula ang buong mukha niya ganoon din nang sobra-sobra ang tainga niya nang mas
makita ko ito nang malapitan. Kinuha niya ang isang kamay ko at ipinwesto ito sa
dibdib niya, sa tapat ng puso niya.
"Nahihiya ako." Natawa ako. "Nababaliw na rin ang puso ko sa pagtibok nang dahil
sayo." Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko rin kasi alam kung ano
ang ire- react ko. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya. At tila
naging kakaiba rin ang pagtibok ng puso ko.
Kaba. Kinakabahan ako at hindi ko mawari ang tamang dahilan para rito.
Natapos ang klase ko na asar na asar ako. Ang kulit-kulit ni Josef. Parang kanina
lang ay nahihiya siya sa akin pero ngayon ay sobrang kulit na naman niya.
Nakakaasar! Blockmate ko ba naman. Jusko! Ilang buwan ko siyang makakasalamuha,
kakayanin ko ba yun? Hindi na ako ginalang eh mas matanda ako sa kanya ng 2 years.
Humugot ako ng isang malalim na hininga.
"May sundo ka ba?" Tanong niya sa akin habang hinihintay kong bumukas 'tong lift ng
elevator. Ang tagal naman. I badly wanted to escape from him. Parang nung una ang
seryoso niya tapos ngayon ang playful naman ng dating niya.
Malakas ang kutob ko na pinagtri-tripan niya lang ako. Napabuntong-hininga ako, may
mga tao talagang walang magawa sa buhay. May mga taong gustong gawing katatawanan
na lang ang buhay mo. Bumukas lift ang elevator. "Sige mga pre una na kami!"
Nagulat ako nang umakbay siya sa akin kaya agad naman akong napalayo sa kanya.
"Sige Capt! Solong-solo mo na siya." Oh my God! Kami lang dalawa sa loob ng
elevator? No way! Agad-agad akong bumaba gamit ang hagdan. Kulang na lang ay
tumakbo ako pababa ng hagdan.
Namilog ang mga mata ko nang mapansin kong nakasunod pala ito sa akin.
"Ano ba! Hindi ka na nakakatuwa." Nakaamba akong susuntukin siya dahil sa
pagkairita ko sa kanya. Halos magdugtong na siguro ang mga kilay ko ngayon.
"Hey... okay. I'll stop. Mga siraulo talaga yung mga yun. Psh." I knew it,
napagkatuwaan lang nila ako. Kainis! Nadamay pa ako. "Anyway, pasensiya ka na. Mga
baliw talaga yung mga yun. I didn't mean to scare you." Mukhang seryoso naman siya
sa pagkakataong ito.
"Bakit kasi kailangan niyo pa akong pagtripan?" Kumunot ang noo niya.
"Hindi ka namin pinagtri-tripan." Sabi niya sa akin. "Mukha man akong bad boy sa
paningin ng iba, mukha man akong hindi nagseseryoso sa paningin nila. Pero sa
babaeng gusto ko, seryoso ako. Seryosong-seryoso." He looked straight into my eyes.
Napanganga ako. Hindi dahil sa kinilig ako dahil ramdam na ramdam kong totoong
seryoso nga siya.
Okay. Speechless talaga ako. Kasi naman. Malay ko bang seryoso talaga siya. "Wala
naman akong pakialam kung maniwala ka o hindi ang mahalaga... gusto kita." Hindi ko
na talaga alam ang sasabihin ko. Paanong magkakagusto ka nang ganoon kabilis kung
hindi mo pa naman nakikilala ng lubusan ang gusto mo?
"You don't like me." I look directly into his eyes. But I can't look at him that
long. Bakit hindi ko kaya? "You don't like someone in just one day." Pagdadahilan
ko sa kanyan, umiling-iling siya nang dahil sa sinabi ko. "You just like the
feeling of liking me. You think I'm different? I'm not. I'm just a normal
girl...I'm just like the others. And I guess you just like chasing now, because
you're always being chased." Dagdag ko pa.
I hope he'll be enlighten. You don't like someone in just one day. It's a process.
Yes, mararamdaman mo yung feeling na compatible kayo but not unless you've known
each other for a longer time, that will be the time na masasabi mong gusto mo
talaga siya.
"It's my own way of liking someone. So, don't judge me just because I like you that
fast...because I'm telling you I'm so damn serious here." And he left me here
dumbfounded again. Nang makabalik na ako sa katinuan ko ay tsaka lang ako natauhang
umalis na rito.
Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. If he's really serious, paano
nangyari yun? Nakakapagtaka lang kasi talaga.
Nagulat ako nang pagbaba ko ay may isang magarang sports car ang huminto sa tapat
ko. Natigilan ako sa pag-iisip tungkol sa kanya. Pinagtitinginan ang magarang
sports car na iyon.
"Get in." Sabi niya nang ibaba niya ang bintana ng kanyang sasakyan. "Ihahatid na
kita." Dagdag pa niya nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. At nang hindi na
siya makapaghintay ay bumaba na siya mismo sa kotse niya.
"Look. Hindi ako masamang tao. Ihahatid lang talaga kita." Sincere niyang sabi sa
akin. Naniniwala naman ako kaso hindi ba parang masyadong mabilis? At bago pa man
ako makapagsalita, someone grabbed my hand and the next thing I knew nasa loob na
ako ng isang pamilyar na kotse.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano ba! Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot tapos manghihila ka pa?" Tumaas pa
ang tono ng boses ko.
"Hindi ka nagpahatid sa akin kanina tapos sa kanya magpapahatid ka?" So
sinusumbatan niya ako ngayon? Bakit sino bang kasama niya kanina? Nagngingitngit na
naman ako sa kaloob-looban ko.
"At least siya, ako lang ang ihahatid." Oh my God. Why did I sound so bitter? Nag-
iwas agad ako ng tingin sa kanya. Mukhang naintindihan niya agad ang ibig kong
sabihin. Napangisi ako pero agad din itong nawala nang humarap siya sa akin at
diretsong tumingin sa mga mata ko.
"You're jealous." He concluded.
"I'm not... wala naman akong karapatan." And that hit me. Wala akong karapatan.
Nakakainis lang na pinaparamdam niya sa aking meron kahit wala naman talaga... at
hindi kailanman magkakaroon.
"Stop hanging out with that guy..." Kung makapag-utos naman 'to parang ang dali-
dali lang ng pinapagawa niya.
"He's my blockmate. I can't avoid him." Sabi ko sa kanya. Hindi na ako tumitingin
sa mga mata niya.
"Ipapalipat kita sa ibang section." Napakunot ako ng noo. Bakit parang ang dali
lang sa kanya ng mga bagay-bagay. Oh well, he's a billionaire... what do you
expect?
"Wag na. Okay na ako sa section na yun." Sabi ko naman sa kanya.
"Fine, just avoid that guy." Hindi ko na lang siya pinansin. Nagulat ako nang
lumapit siya sa akin para ayusin ang seatbelt ko. Sobrang lapit at hirap na naman
akong makahinga kapag ganito siya kalapit. Bumibilis kasi agad ang tibok ng puso
ko, nanghihina pati ang mga tuhod ko.
He always has this kind of effect on me.
Pinaandar na niya ang kotse niya. Tahimik lang kaming dalawa buong byahe. Guess
we're back again to the normal us, boss-maid kind of relationship.
Nakakalungkot kapag naiisip ko yun. Ganito kasi sa mga drama, yung langit siya ,
lupa ako ang tema. Dati di naman ako naniniwala sa ganun. Imposible kasi. May mga
palabas o kwento talagang paaasahin ka, yung akala mo magkakatao, but in reality...
Hindi naman talaga.
"Hindi kita maintindihan." Sabi ko sa kanya nang huminto ang kotse niya, naka-red
kasi yung ilaw sa stoplight. "Ano bang nangyari sa atin? Bakit naging awkward? Ako
lang ba 'to?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
"You will never understand me." Nag-iwas siya ng tingin sa akin.
"I will, just let me understand you." At umandar nang muli sasakyan. Hindi na ulit
siya nagsalita.
"Ihinto mo 'tong kotse." Seryoso kong sabi sa kanya. "Ihinto mo nga sabi eh!" Sigaw
ko at hininto naman niya ito. "I'm so done with all your shits. Alam mo, ang gulo
mo! Ngayon pinaparamdam mo sa akin na may pakialam ka sa akin pero ang totoo wala
naman talaga. Bakit lagi mo na lang akong pinapaasa, kung wala naman talaga?"
Nagbabadya na naman ang luha ko sa gilid ng aking mga mata. Pilit kong iwinawaksi
yung sakit na nararamdaman ko pero hindi ko ito magawa. It hurts so bad.
"I told you I don't do commitment." Mariin niyang sabi sa akin.
"I'm not asking for a commitment, Laxer, I never did!" Singhal ko sa kanya dahil sa
sobrang pagkainis ko. Pinalis ko ang luhang kumawala sa aking mga mata.
"You like me?" Natigilan ako sa tanong niya. "You're falling for me? If yes, stop
falling for me, I cannot catch you." Now I get it. Hindi talaga kami pwede, why did
I expect so much that it will turn to something that I want?
"Then stop making me feel you like me as well. Wag kang mag-alala, hindi na ako
aasa. Bukas, wala na 'to. Bukas hindi na kita gusto... personal maid mo lang naman
ako diba?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Wala naman akong kwenta para sayo.
Hindi ako mayaman, hindi ako maganda, lagi lang tayong nagbabangayan, nag-aasaran,
nagsisigawan. Hindi pwedeng magkaroon ng tayo, hanggang ikaw at ako lang. I'm sorry
if I fell, I'm sorry... nakalimutan kong hanggang personal maid mo lang ako." At
may mga luhang nagsimulang bumagsak sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan pa.
Kagaya ng pagbuhos ng ulan ang pagkahulog ko sa kanya, hindi ko mapigilan, mahirap
ding pigilan.
"Minsan nga... naisip ko, what if I wasn't born poor, what if we met the other way
around... sa pagkakataon bang 'yon pwede nang magkaroon ng tayo at hindi na lang
ikaw at ako?" Hindi siya nagsalita. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.
Sa inis ko ay bumaba ako sa kotse niya.
Ang sakit. I was rejected by him indirectly. Mas masakit palang maisip na hindi
niya masabi sayo ang totoo, na hindi pwede...na hindi siya magkakagusto sa akin.
"Jearri!" I heard him shout my name. Hindi ko na lamang ito pinansin. I ran away
from him. I ran under the pouring rain. My heart is aching so bad. Hindi ko na alam
ang gagawin ko. Guess it is...I was rejected, and he is my first heartbreak.

[ 11 ChapterTen ]
-------------------------------

Nagising akong parang binibiyak ang ulo ko. Shit! Sobrang sakit ng ulo ko. "You're
awake." Hala! Bakit siya nandito? Nasaan ako? "Guess you can't remember. You
fainted last night." Seryoso niyang sabi sa akin pero alam kong may halong pag-
aalala ito.
"You were running under the pouring rain until I saw you... I saw you crying."
Medyo napailing pa siya. Mariin siyang tumingin sa akin, tila tinitimbang ang
magiging reaksyon ko.
"Sorry and thank you." 'Yan na lamang ang sinabi ko. Hindi na naman ako makatingin
sa kanya nang diretso nang dahil sa pang-aabalang nagawa ko. Nakakahiya na
kailangan pang humantong sa ganito. "Teka, hindi ka pa ba papasok?" Nagtatakang
tanong ko sa kanya dahil napansin kong hanggang ngayon ay nakapambahay pa rin siya.
"Hindi tayo papasok. I'll take care of you." Parang may kung anong saya akong
naramdam. No one takes care of me except for my mother. Ang saya kaya sa pakiramdam
na may nag-aalaga sayo. "You're smiling now..." Ngumiti rin siya sa akin.
Natigilan ako. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Kung paano siya ngumiti at magseryoso
ulit. May naalala ako sa kanya pero hindi ko naman masabi kung ano? Or sino... Teka
lang, parang may kamukha 'tong si Josef... hindi ko lang masabi kung sino. Mas
tumitig ako sa kanya. "Sa ginagawa mong 'yan, mas lalo akong mahuhulog niyan." Agad
akong napaiwas ng tingin at pilit nag-isip ng pwedeng sabihin sa kanya.
"Para kasing nakita na kita dati pa. Sorry..." Naiilang akong tumingin sa kanya.
"Thank you ulit." Pagpapasalamat ko ulit para naman mawala na yung awkwardness sa
aming dalawa.
"Hmm... can you walk? May breakfast na kasi sa baba. Or gusto mo dalhan na lang
kita rito?" Umiling naman ako, ang kapal naman ng mukha ko kung magpapadala pa ako
ng pagkain dito.
"Kaya ko na naman, masakit lang talaga ang ulo ko..." Nagulat ako nang bigla siyang
lumapit sa akin at sinipat ang noo ko. Pinakiramdam niya ito.He's seriously
checking if my forehead's hot.
"Mukhang bumaba na ang lagnat mo. You're literally hot last night." Napailing
siyang muli. Sino ba kasing matinong maliligo sa ulan na ganoon kalakas tapos
pagabi na? Hindi ko na nga natandaan kung saan ako dinala ng mga paa ko.
Ang tanga ko talaga sa parte na yun. Ang lakas ng loob kong magpaulan, eh mukhang
may bagyo pa ata kagabi. "Halika na, baba na tayo... masamang pinaghihintay ang
pagkain." Ngumiti ulit siya sa akin. Nakakahawa pala talaga ang bawat pagngiti
niya. Akalain niyo yun may side pala siyang ganito, kung kasi first impression ang
pagbabasehan para talaga siyang bad boy at babaero. Ang sama ko naman na pinag-
isipan ko siya nang ganun. Parang pinakita niya na rin kasi sa akin ang lahat ng
sides niya, maging maganda man ito o hindi sa paningin ko.
If you really like someone, you're willing to show your weakness, strength, as well
as your flaws and perfections to that someone. Kasi doon mo talaga malalaman kung
tanggap ka ba talaga, yung buong ikaw, yung buong pagkatao mo. If you are to love
someone, make sure to accept everything about him, his imperfections and
perfections.
"Wala kang kasama rito?" Takang tanong ko sa kanya. Napansin ko kasing kaming
dalawa lang ang nandito sa isang magarang hapagkainan. "I mean... parents?" Medyo
naiilang kong tanong sa kanya. Baka isipin nito na may pagka-chismosa ako.
"My parents live in States." Tumango-tango naman ako. "I go there every vacation.
Doon dapat ako mag-aaral but I chose to study here." Dagdag pa nito, mukha naming
okay lang sa kanya na pag-usapan ang tungkol sa parents niya. Wala naman siguro
siyang problema sa pamilya niya.
"Bakit?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya.
"Hmm... private matters." Natigilan ako sandali. Nakakahiya naman na yun pa ang
itinanong at mukhang private naman talaga. Ito talagang bibig ko walang preno rin
minsan.
"Sorry, ang daldal ko." Napailing naman siya habang ngiting-ngiti. May kamukha
talaga siya, hindi ko lang masabi kung sino. Nakakainis! Nasa dulo na ng dila ko
kung sino yung kamukha niya... sino nga ba?
"Hey..." He snapped his finger right at my face. "Okay ka lang? You're spacing
out." Muli kong tinuon sa kanya ang atensiyon ko.
"Sorry may iniisip lang ako." Ani ko, dahil iyon naman talaga. Sino ba kasi yung
kamukha niya? Para kasing...lagi kong nakikita yung mukha niya.
"You don't have to think about me." At kinindatan niya pa ako. Sandali akong
natigilan, dahil tungkol naman iyon talaga sa kanya.
"Assuming ka." Biro ko naman sa kanya at sabay pa kaming tumawa. 10:20 AM na nang
maisipan kong umuwi sa mansion. Ayoko na nga sanang umuwi run kaso wala naman akong
ibang matutuluyan. Ang kapal naman ng mukha ko kung dito pa ako mananatili sa bahay
ni Josef. "Thank you ulit." Sabi ko sa kanya.
"Ihahatid na kita." Aniya. Umiling agad ako dahil alam kong masyado na akong
nakaabala sa kanya. At hindi magiging magandang tingnan kung magkasama kami ni
Josef at makikita ni Laxer. Baka sa kanya mabaling ang galit noon. Hindi ko na rin
kasi talaga matantiya pa ang ugali noon, tsaka ilang beses na niya rin kasi akong
pinagsabihan na huwag makipag-kaibigan kay Josef at hindi ko man lang nalaman ang
tunay na dahlia niya.
I'm sure he has reasons.
"Hindi na. Masyado na akong nakaabala sa'yo." Ngumiti ako sa kanya para malaman
niyang okay lang naman kahit hindi na niya ako ihatid pa.
"Wala 'yon. Basta if you need me just call me right away." May kung ano siyang
ginawa sa kanyang latest model of iPhone. Alam ko yun kasi pareho sila ng phone ni
Laxer---hala shit! Oo nga pala. Makikita ko na naman si Laxer. "I can't contact
you." Kinuha ko yung phone ko na mumurahin lang sa bag ko.
"Ay sorry, naka-off pala." Binuksan ko ito at nanlaki ang mga mata ko. I've got
hundreds of messages and missed calls na galing lahat kay Laxer. Bigla namang may
unregistered number ang tumawag.
"Save that... that's my number." Teka, paanong? Paanong nalaman niya ang number ko?
"I've got my ways, just in case you're wondering how I got your number." He winked
right after that.
"Sige na. Isa-save ko na. Thank you ulit. Bye." Ngumiti ako sa kanya at ganoon din
siya sa akin.
"Bye. Take care." Nagmadali akong umuwi sa mansion. Naloloka ako sa dami ng
messages at missed calls ni Laxer. Teka nga, hindi naman ako dapat ma-guilty dahil
siya naman ang dahilan nito.
Nang makarating ako sa mansion, halos mapatulala na lamang ako sa nasasaksihan ko
ngayon. Hindi na nga ako halos makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Anong nangyari?
Bakit may mga pulis? Agad akong pumasok sa mansion at hinanap ng mga mata ko si
Laxer pero si Manang Agnes ang unang nakakita sa akin. "Jusko! Jearri hija! Saan ka
ba nagpunta? Nag-alala kami sayo." And before I could answer someone pulled me and
hugged me.... So tight.
"Fuck! Where have you been? You scared me to death!" Medyo hinihingal pa siya
habang nagsasalita. "You really scared me to death..." Halos pabulong niya itong
sinabi. At narito na naman ako, ang puso ko, ang utak, tila tinatraydor na naman
ako.
With that, parang may kung ano sa loob ko ang nagtatatalon sa saya. Please, if this
is just a dream, please don't wake me up anymore... Inalis niya ang pagkakayakap
niya sa akin at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Are you okay? Saan ka ba
kasi nagpunta? I even called the police and private investigators but damn! I can't
call you... hindi ka rin nagre-reply... I thought..." And before he could finish
talking everything went black.
Nagising ako na nandito na ulit sa kwarto ko. Nilalamig ako kahit may comforter
nang nakabalot sa buong katawan ko. Ang lamig talaga. "Tsk. Tsk. Ang taas ng lagnat
mo." Nilalagnat na naman ako? Hindi na lang ako nagsalita at tinalikuran ko na
lamang siya.
"You're mad." He stated. Napasimangot na lamang ako. Bakit ba kasi ganito siya?
Bakit pinaparamdam na naman niyang may pakialam siya kahit ang totoo ay wala naman
talaga.
"Nakakainis ka. Wag ka ngang magpanggap na may pakialam ka sa akin, na nag-alala ka
sa akin kung hindi naman talaga. Sa ginagawa mo kasi mas umaasa ako." Mahina kong
sabi sa kanya, na sapat na para marinig niya.
"Okay." Naramdaman kong tumayo siya. Ganun lang yun? Narinig ko ang padabog na
pagkasara ng pinto.
"Aish!" Ginulo ko ang buhok ko dahil sa pagka-irita ko sa kanya. Napakagulo niya,
one moment we're okay, the next moment we're back to the way we used to be.
Napabuntong hininga na lamang ako. Kailan ba ako titigil sa kaka-aasa? Kailan ba
ako matatauhan na talagang hindi na talaga? Na hanggang dito na lang talaga.
Mahirap talaga kapag nahulog ka tapos mas mahuhulog ka pa.
Ilang araw din akong hindi nakapasok, mabuti na lang at hindi pa naman
nagsisimulang maglesson yung mga professor. Ngayong araw na ito ang simula ng mga
lessons, pero mukhang tatamarin pa ako dahil sa first subject ba naman namin ay
NSTP.
Naalala ko tuloy noon, kulang na lang ay makatulog ako tuwing NSTP time, mabuti na
lang at hindi ako marunong matulog sa klase, kaya hangang-hanga talaga ako run sa
mga parating natutulog sa klase na hindi man lang nahuhuli ng professor nila.
"Okay ka na? Did you drink your meds already?" Nagulat naman ako sa biglaang
pagsulpot ni Josef sa tabi ko. Naiilang ako kaya tumango at ngumiti na lamang sa
kanya. Dumating na yung professor, sayang nga eh eksaktong 15 minutes na ang
nakalipas nang dumating siya, free-cut na sana kasi 'yun.
Nag-discuss lang siya, ako naman ay kung saan-saan lumilipad ang isip ko. Iniisip
ko pa rin yung sa amin ni Laxer. Hindi na talaga kami nagpapansinan.
Nakakapanghinayan na ganito ang kinahantungan pero siguro mabuting ganito na nga
lang dahil mas lalo lang ako mahuhulog kung ipagpapatuloy niya iyon, patuloy lang
akong aasa na hindi na talaga dapat.
Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mapaisip, bakit ganun na siya makitungo sa
akin, samantalang noong una, okay naman kami...he even kissed me. Nagbago lang
naman lahat simula noong dumating si Shantal sa mansion. Napatulala ako. He
cheated. Niloko niya si Shantal at ako rin? I mean... diba, kung mahal niya nga
talaga si Shantal at ilang beses niya na akong hinalikan, ibigsabihin I'm a
mistress? I never dreamed of becoming a mistress. Napanganga na lang ako sa naisip,
gusto ko na lang matawa kasi kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko na
hindi naman makabuluhan.
Imposible rin dahil wala namang kami.
"We'll have a short quiz next meeting. Class dismissed." Natulala lang ako lalo
nang marinig iyon. I spaced out the whole class. First day na first day at mukhang
magse-self study pa ako.
"You must be thinking about your boyfriend..." Nagulat naman ako kay Josef. Bigla-
bigla ring sumusulpot ang isang 'to kanina pa.
"Wala akong boyfriend. Psh." Padabog kong kinuha ang bag ko. So totoo nga! I'm no
longer the billionaire's maid... kung hindi mistress? My God. Wait... eh diba hindi
naman sila kasal? So paano ako naging kabit? Sinabi ba ni Laxer na mahal niya si
Shantal? I saw them making out. Diba ibigsabihin nun mahal nila ang isa't-isa? Sa
panahon ngayon hindi na uso ang commitment... Napatulala na lang ako sa naisip ko.
Natatawa na talaga ako, para akong baliw na ganito ang iniisip ko. Bakit ba ako
napunta sa ganitong pag-iisip. Epekto ata nang pinapaasa, mas lalo akong napangiwi
sa naisip ko.
"Hey! Sabay tayong mag-lunch." Sumunod pala siya sa akin. "Bakit parang kanina ka
pa problemado, ang lalim din ng iniisip mo." Sinabayan niya akong maglakad at tsaka
siya humarap sa akin, kinakausap niya ako habang naglalakad siya nang patalikod
mula sa mga nakakasalubong niya, mabuti nga at nakakaiwas siya sa mga pwedeng
mabunggo niya, kung sabagay, nasanay siguro siya dahil sa soccer player naman siya.
"Alam mo ang labo mo rin? Ngayon naman ang kulit mo... minsan ang sungit mo. Ano ba
talaga? Para kang si Laxer eh! Bakit ganyan kayong mga lalaki?"Nakakunot naman ang
noo niyang tinitigan lang ako.
"Nadamay pa ako. Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?" Nakangisi niyang tanong sa
akin. Tsaka lumapit sa akin, at ngayon naman ay maayos na akong sinabayan sa
paglalakad.
"Wala nga sabi akong boyfriend eh." Inis kong sabi sa kanya.
"Good. So, can we have lunch together?" Ay ang kulit! Bahala siya riyan.
Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad papuntang field.
"Ano ba! Ibaba mo ako! Josef... isa!" Buhatin ba naman ako in a bridal style. Wala
ba 'tong kahihiyan ang dami nang nakatingin sa amin oh! "Ibaba mo ako!" Sinubukan
kong maglikot-likot para ibaba niya ako pero parang wala man lang siyang pakialam.
"Baka mahulog ka." Natahimik naman ako bigla.
Wala na akong magagawa pa kaya hinayaan ko na lang siyang buhatin ako. Sinubsob ko
na lamang yung mukha ko sa dibdib niya para hindi na lang ako makilala nung mga
nakakasalubong namin. Ang bango niya at ramdam na ramdam ko yung toned chest
niya... Napatigilan ako sa pag-iisip nang ganoon, hindi kasi dapat.
Dahan-dahan niya akong inupo sa loob ng kotse niya. Bago na naman ang kotse niya?
Hindi kasi ito yung sports car na gamit niya nung niyaya niya akong ihahatid niya.
"May baon nga kasi akong lunch kaya ayokong sumabay sayo." Paliwanag ko sa kanya,
there's a hint of irritation in my voice.
"Saan mo gustong kumain?" Parang hindi niya narinig yung sinabi ko. Nang-aasar ba
siya? "Please, just this once... pambawi man lang dun sa pagtulong ko sa'yo."
Kamuntikan ko nang makalimutan na siya nga pala yung tumulong sa akin. Nakaramdam
tuloy ako ng kahihiyan. Hindi ko man lang naisip yung good side niya. Padalos-dalos
na lang ako parati.
"Gusto ko ng chicken joy." Ang tagal ko na rin palang hindi nakakakain nun.
"Okay, Jollibee then..." Inayos niya yung seatbelt ko, nagpigil ako sa paghinga
nang dahil sa sobrang lapit na distansiya sa pagitan namin ngayon.
"Thanks." Mahina kong sabi nang matapos niyang ayusin ang seatbelt ko. Nakaramdam
ako ng kaunting awkwardness. Mabuti na lang at pinaandar niya na ang kotse niya.
Napatingin ako sa labas, ngayon ko lang napansin na bukas pala ang bintana nitong
kotse.... And to my surprise... Si Laxer ba yun? Kumurap-kurap ako... at yun nga
he's looking intently at me...
At bakit kinabahan ako bigla?

[ 12 ChapterEleven ]
-------------------------------

Um-order na si Josef ng chicken joy, yun lang naman kasi ang binabalik-balikan ko
rito sa Jollibee, wala kasi talagang tatalo sa fried chicken ng Jollibee. Naalala
ko tuloy si nanay, kapag kasi matatanggap niya na ang sweldo niya mula sa pamilyang
Del Valle ay lagi niya akong dinadala rito sa Jollibee. Nakakatuwa, kasi yun yung
mga araw na hindi pa uso sa akin ang salitang problema, mga araw na bata pa ako at
ang tanging iniisip lang ay magsaya o maglaro. I wish I could go back from being a
kid. Yung hindi ko pa alam ang salitang pag-ibig.
"You're spacing out again. Akala ko ba wala kang boyfriend?" Nagtataka niyang
tanong habang nilalapag yung mga in-order niya sa table namin.
"Wala nga kasi. Sasama ba ako sayo kung meron?" Loyal naman ako kapag nagkaroon ako
ng boyfriend. And I'm sure I'll have a jealous boyfriend, so being with him is
something I shouldn't cross, kaso wala naman talaga akong boyfriend, at wala muna
akong balak mag-isip tungkol diyan. Love will find it's way back to me.
"So, does it mean you're allowing me to court you?" Nagulat naman ako sa sinabi
niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Biglaan ang pagkakasabi niya nito at hindi ko
maisip ang dapat na isasagot ko.
"You're blushing... and I like it." Nakangiti niya pang sabi sa akin. That eye
smile. Gwapo rin naman kasi 'tong si Josef. "Done checking me out?" Natatawa pa
niyang sabi na mas lalong nakapagpapula sa magkabila kong pisngi. Hindi ko alam
kung ano ba 'tong ginagawa ko.
"Hindi kaya. Tsk. Kain na nga tayo." Kinuha ko na yung chicken joy na in-order
niya. "Libre to ha? Baka mamaya pagbayarin mo pa ako." Biro ko sa kanya.
"Bayad ka na." Sabi niya sabay kagat sa burger niya. "You already paid me by
this... being with me." Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang
pagkain ko. Napatingin ako sa paligid ko, para kasing kanina pa may nagmamasid sa
amin. Naalala ko tuloy yung tingin sa akin ni Laxer kanina... kung si Laxer nga
talaga iyon.
Seryoso. Nakakaba. Nakakatakot. I suddenly feel so guilty about this. Pero kung
iisipin talaga ay hindi naman dapat dahil hindi ko siya boyfriend, walang kami...
It's not like I'm a cheating girlfriend right now. Napailing na lamang ako.
"Thank you nga pala." Sabi ko nang matapos na kaming kumain. Nagulat ako nang
ngumiti siya sa akin. Ang hirap ding tantyahin ng mood ng isang 'to... parang si
Laxer lang.
"Nga pala. Are you free this Saturday?" Is he asking me out? "I'm asking you out."
Mukhang nabasa niya ata ang iniisip ko.
"Kasi ano..." Sasabihin ko bang isa akong personal maid kaya hindi ko alam kung
pwede ako sa Sabado. "Baka hindi ako pwede..." Napatungo ako at tinutok na lamang
ang atensiyon ko sa akin mga daliri na nakapatong sa lap ko.
"Why not?" Bigla namang lumungkot yung tingin niya sa akin nang mag-angat ako ng
tingin sa kanya.
"Ano kasi... may trabaho ako. Kaya hindi ko alam kung makakaalis ako." Medyo
nagulat pa ata siya sa sinabi ko. "Hindi naman kasi ako mayaman katulad mo, ang
totoo nga niyan ay yung boss ko ang nagpapaaral sa akin. Personal maid niya ako.
Kaya nakakahiya kung pati Sabado at Linggo ay aalis pa ako ng mansion. Isa pa mas
marami kasi akong gawain kapag Sabado at Linggo." Dire-diretso kong paliwanag sa
kanya.
Nagulat ako nang ngumiti siya nang sobra. "Damn. I really like you. You are so
honest, you're making me fall so deep." Napaawang ang bibig ko. Hindi malaman ang
dapat itugon sa sinabi niya. "How could you be so real?" Muli siyang ngumiti sa
akin. There was an admiration by the way he looks at me.
"Ipagpapaalam kita." Seryoso ba talaga siya? Nalilito na ako kung papayag ba ako o
hindi. Dahil napag-usapan namin ni Laxer na magiging mabuti ako sa kanya bilang
maid niya.
"Naku! Hindi na! Sa kasungitan nung boss ko, tiyak akong hindi papayag 'yun."
Dagdag ko pa. Kung iisipin din kasi ay hindi rin naman ako sigurado kung papayag ba
si Laxer.
"Kahit Saturday night lang? Sigurado naman akong tapos na ang trabaho mo sa mga
oras na 'yun. Okay lang ba?" Mukhang desidido talaga siya. "I just wanted to know
you more." Hopeful ang pagkakasabi niya nito kaya mas nahirapan akong tumanggi sa
kanya.
"Sige." Hindi naman siguro masamang pumayag ako sa gusto niya since naging mabait
naman siya sa akin. Napatingin kaming pareho ni Josef sa lalaking naka-gray na
hoodie na padabog na umalis sa table niya at dire-diretsong lumabas. Seryoso? Bakit
parang familiar yung lalaking yun? Parang...
"Grabe si Kuya, hindi man lang ginalaw yung in-order niya." Narinig kong bulong
nung babae na nasa malapit na table sa amin. Napatingin nga ako roon sa table ni
Kuyang naka-hoodie, ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata... hindi nga niya
ginalaw man lang yung in-order niya. Jusko! Bilyonaryo ba siya para mag-aksaya ng
pagkain? Wait... bilyonaryo? Could it be...
"Let's go? Baka ma-late pa tayo sa next class natin." Tumayo na ako pero iniisip ko
pa rin hanggang ngayon si Kuyang naka-hoodie, hindi dahil crush ko siya ha? Ni
hindi ko nga nakita yung mukha niya kasi bukod sa naka-hoodie ay naka-shades din
ito at black cap.
Posible kayang si Laxer yun? Pero imposible... hindi mo kasi mapapakain si Laxer sa
isang fast food chain... naalala ko nun, sinama niya ako isang beses sa isang
restaurant at grabe lang sa mahal ng mga pagkain, ginto talaga. At yung mga
pangalan nung pagkain, wala akong naintindihan at natandaan ni isa, ang bongga ng
pangalan ng mga pagkain doon at mahirap talagang i-pronounce, pero hindi ko naman
type yung mga ganung pagkain. Hindi bagay sa isang kagaya kong personal maid lang
niya.
"Parang ayaw ko nang maniwala na wala ka talagang boyfriend." Nakangusong sabi ni
Josef. Hala siya! Marunong din palang magpa-cute ang isang 'to.
"Wala nga kasi." Naiinis kong sabi sa kanya. Paulit-ulit kasi siya sa kakaasabi na
may boyfriend na ako, wala naman kasi talaga. Dire-diretso lang kaming naglakad
hanggang sa makarating na kami sa parking lot.
"Then why are you always spacing out?" Ngumuso siya habang nagkamot ng batok nang
mag-angat ako ng tingin sa kanya.
"Iniisip ko lang si nanay." Sabi ko sa kanya, though si Laxer naman talaga mostly
ang iniisip ko. Since naisip ko naman talaga si nanay kanina. "She died." Malungkot
kong sabi sa kanya. "Lagi niya akong dinadala sa Jollibee. That's why every time na
kakain ako ng chicken joy, siya ang una kong naalala." Sa tuwing maaalala ko si
nanay ay magkahulong saya at lungkot ang nararamdaman ko, masaya kasi hindi na siya
mahihirapan pa, malungkot dahil mag-isa na lang ako.
"You really love your mom so much." He smiled sincerely at me. I'm starting to like
this side of him. Sobrang transparent niya sa nararamdaman niya. I can even read
him easily. Nakakatuwa rin pala na may ganitong mga tao, yung hahayaan kang makita
yung lahat ng side nila, buong-buo pa.
"Sobra. Wala namang anak ang hindi mamahalin ang kanyang mama diba? Or kahit papa
niya." Narinig kong tumunog ang kotse niya senyales na bukas na ito at pwede na
kaming sumakay.
Pinagbuksan niya ako ng pinto. Sumakay na rin agad ako at umikot siya para makaupo
sa driver's seat. "Kayo kamusta kayo ng mommy mo?" Ngumiti siya sandali.
"We're good." Hindi ko alam kung bakit tila may bahid ng lungkot ang kanyang boses
ngayon. "May mga bagay lang talaga minsan na kailangan mo munang tiisin, mga bagay
na kailangang ilihim." Ano raw? Saan naman nanggaling yun? Natigilan ako. Sa tono
nang pagkakasabi niya nito alam kong may problema siya tulad ko.
We tend to think sometimes...that out of those people around us, tayo ang may
pinakamalaking problema. Sa sarili natin, pakiramdam natin tayo lang ang
nahihirapan. But think properly, believe me, out there... there is that someone who
has deeper problem than yours.
"Ha? Bakit isa ka bang malaking sekreto ng pamilya mo?" Biro ko sa kanya, bigla
namang nagbago ang expression ng mukha niya. Did I offend him? Gusto ko lamang
siyang mapangiti dahil ilang beses niya na itong nagawa para sa akin.
"Right now, yes... but I know soon I'm not anymore." He said as he started driving
his car. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko, bakit parang may laman yung
sinabi niya. Bakit pakiramdam ko, I have something to do with it... kahit
kakakilala pa lang namin sa isa't-isa. "And I hope you're still with me when that
happens." Napatingin ako sa kanya bigla, seryoso lamang siyang nagmamaneho.
"I can lose everything now. My world is such a mess now...I can't lose someone like
you either this time." Eksaktong tumigil ang sasakyan nang dahil sa stoplight,
kasabay nito ang pagtunog ng isang sikat na love song mula sa radyo.
Seryoso siyang tumitig sa akin. He held my hand. "It might have shocked you. But
I'm serious. I already liked you the same day I have known you. This might be
crazy...but I really don't know what to do." At sa isang iglap naramdaman ko iyon.
Anong pakiramdam nang may nagkakagusto talaga sa'yo nang totoo? Na alam mong hindi
ka papaasahin? Here it is, Josef just came exactly into my life. I know I'm not yet
in love with him, but I can still give him the chance, right?
Kaysa naman dumating ang isang araw at pagsisihan ko pa, na sana kahit hindi
sigurado ay sumubok pa rin ako. Para akong wala sa sariling nakatanaw sa bintana
nitong bus. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Josef. Isa rin siyang
malaking sekreto? Hindi kaya... ampon lang siya? Parang hindi naman, bakit kaya.
God. Parang mas lalo pa ata akong na-curious.
Isa pa yung gusto niya raw talaga ako. At ramdam na ramdam ko yung sincerity niya.
Sumakay na ako ng tricycle nang makababa na ako sa bus papuntang mansion.
Napabuntong-hininga ako. Grabe... ngayon ko lang napagmasdang mabuti ang lawak
nitong mansion... sobrang layo pala talaga nito sa mga ordinaryong tirahan at sa
sobrang exclusive nito bihira lang ang pumupunta rito.
Napansin ko lang parang nadagdagan ata yung bodyguards ni Laxer kasi may nakasunod
sa akin... wait what? Nakasunod sa akin. Tiningnan ko yung dalawang bodyguard na
nakasunod sa akin. Baka naman nagkataon lang, alangan namang pabantayan pa ni Laxer
yung mga pinupuntahan ko.
"Hija, wag ka munang magpakita kay Cray." Sabi sa akin ni Manang Agnes. "Bad mood
ata, baka mapagbuntungan ka ng galit. Kahit kasi si Ma'am Shantal ay napagbuntungan
niya ng galit." Paliwanag ni Manang.
"Nasaan na po si Ma'am Shantal?" Takang tanong ko kay manang Agnes.
"Umalis nga eh." Hala! Baka kung saan nagpunta yun? Si Laxer talaga! Dapat hindi
niya hinayaang sumama ang loob ni Shantal. Alam ko kasing mahal na mahal siya nito.
"Manang sandali lang po ah." Iniwan ko ang bag ko sa may kusina at agad na
dumiretso sa office ni Laxer, kumatok muna ako tsaka pumasok.
"Fuck! Diba sinabi ko sa inyong wala munang---" Napahinto siya sa pagsasalita nang
mapag-alamang ako ito. "What are you doing here? Hindi ka ba nila sinabihan? I'm
not going to deal with all your shits." Ano bang problema niya? Kunot-noo akong
lumapit sa kanya, pero nagtira pa rin ako ng espasyo sa pagitan naming dalawa.
"Umalis si Ma'am Shantal. Baka kung mapaano yun." Malamig kong sabi sa kanya. Akala
niya ba siya lang ang pwedeng maging cold sa aming dalawa? "Kung mahal mo hindi mo
hahayaang lumipas ang isang araw na masama pa rin ang loob niya sayo." I may sound
bitter pero nag-aalala pa rin ako kay Ma'am Shantal dahil naging mabait ito sa
akin.
"Who the hell told you that I love her?" Ay ewan ko sayo. Bahala ka na riyan.
Tinalikuran ko na lamang siya, grabe! Hindi ko na siya kaya pang makasama sa loob
ng isang kwarto, kumukulo ang dugo ko sa kanya. "Ang hirap kasi sa'yo, ang bilis
mong mag-conclude agad." Wow lang! Ako pa talaga ngayon?
"Sana kasi diba nililinaw mo muna ang lahat, hindi yung papaasahin mo sa wala yung
tao." Pinanlakihan ko siya ng mga mata nang dahil sa inis ko. "Ang gulo mo kasi!
Kung gusto mo talaga, iparamdam mo. Gumawa ka ng paraan. Kung ayaw mo naman pala,
wag mo nang paasahin." Mariin kong sabi sa kanya, nagulat pa siya nang bahagya kaya
hindi agad siya nakapagsalita. Tila may tinatantiya rin siya sa sitwasyon naming
ngayon.
"There are two things you can do to a girl. Love her or break her. Kaya magseryoso
ka naman sana. Ang hirap kasing mag-isip kung ano ba talaga ang totoo sa hindi."
Hindi siya makahanap ng isasagot sa akin. But I saw pain from his eyes.
"It easy for you to say that because you're not in my situation." Mas lalo lamang
akong nainis sa sinabi niya. "You have no idea of what I'm going through right
now...gusto kong maglakad papalapit pero mas makakabuti ko maglakad ako papalayo."
My heart skipped a beat.
"Laxer, I understand. I will understand. I am trying to understand things. So,
don't look so down on me. I'm a girl who's worthy of someone's love. I hope you
know that." At dire-diretso akong lumabas sa office niya. Nakakainis at
nakakalungkot na ganito na ang sitwasyon naming ngayon, hindi na maibabalik pa sa
dati.
You love someone without asking something in return. You love freely. You do not
wish for more as long as a you are happy. It's not being martyr, it's loving
truthfully. For someday, when the time comes, unexpectedly, someone will come your
way, giving the same love. You just have to wait...

[ 13 ChapterTwelve ]
-------------------------------
"Ha? Teka nga?! Bakit ako lang mag-isa ang maglilinis nung grand hall?"  Sabado
ngayon at dapat may lakad talaga kami ni Josef gaya nang napag-usapan namin noong
isang araw. Kaso mukhang hindi ako makakaalis. Bakit naman biglaang ipapalinis ang
grand hall, wala naman akong natatandaang may event ngayon sa mansion ng mga Del
Valle?
Ang lawak-lawak ng buong grand hall at hindi ko sigurado kung malilinis ko ba iyo
nang mag-isa lang ako. Hindi iyon malilinis ng isang araw lang kailangan ko ng
katulong sa paglilinis nito. "Personal maid mo ako, so I work for your personal
things. Is this even a personal thing?" Hindi ko maiwasang magseryoso nang sobra
nang dahil sa pinapagawa niya.
"Baka nakakalimutan mo yung sinabi mo nung pinayagan kitang mag-aral. Magpapakabait
ka sa akin at susundin mo lahat ng utos ko." Seryoso niyang sabi sa akin. Bakit
kasi may grand hall 'tong mansion na 'to, bihira nga akong pumunta rito, kasi lagi
lang naman akong nasa kabilang bahagi ng mansion, kung saan matatagpuan ang kwarto
naming mga katulong at master's bedroom ni Laxer.
Dun sa bahagi kasi ng mansion na yun ay simpleng bongga. Para kasi kay Laxer ay
simple lang yun pero para sa aming mga katulong ay bongga yun, wala kasi dun yung
grand staircase pero bongga pa rin naman yung hagdan dun sa bahaging 'yun.
Si Laxer lang talaga ang nag-iisip na simple yun. Kung bongga na yun para sa amin
mas bongga 'tong bahagi na 'to ng mansion, nandito kasi ang grand hall at
staircase, isama pa ang hindi ko mabilang na kwarto dahil may mga secret doors pa.
Napapatulala pa rin talaga ako sa tuwing magagawi ako rito, bihira na rin kasi
akong mapadpad dito, pwera na lamang kung may ipapakuha si Laxer mula rito.
Noong una talaga halos maligaw-ligaw ako rito sa sobrang laki at lawak. Ang bawat
kwarto kasi ay may intended purpose kagaya ng entertainment room at iba pang
pwedeng maging luho ng isang bilyonaryo.
Naalala ko pang may isang kwarto rito na parang mall na sa dami ng damit, sapatos,
suit, men's cologne at kung ano-ano pang gamit ni Laxer bukod pa yung walk in
closet niya sa master's bedroom.
Pero ang mansion na 'to ay may nakakabinging katahimikan, mas pipiliin ko pang
tumira sa isang simpleng bahay kaysa dito na purong kalungkutan lang ang
nararamdaman ko. Nagkakakulay nga lang ata ito nung mga panahong nagbabangayan at
nag-sisigawan kami ni Laxer. "If I were you, I will start cleaning coz I'm only
giving you a day to clean this whole place." Siya kaya maglinis nito. Hindi na ako
nagreklamo pa sa kanya, dahil puro reklamo na rin naman ang nasa isipan ko ngayon. 

"Psh."Nakasimangot kung hinanda yung mga gagamitin kong panglinis nitong grand hall
na 'to. "May event bang gaganapin dito?" Tanong ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin,
at parang nagkaroon siya ng magandang ideya o kung ano pa man.

"Wala naman. Naisip ko lang ipalinis sayo tutal wala ka namang lakad ngayon diba?"
Parang nang-aasar pa talaga ang tono ng boses niya. Bakit kasi parang sinadya
niyang ipalinis ito ngayon pang may lakad kami ni Josef, ang daming araw na wala
akong lakad, bakit hindi niya ito inuutos sa akin nung mga araw na iyon?

Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o nanadya talaga. "Hindi ko ata kayang
linisin 'to ng buo." Sabi ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo at bumuntong
hininga, akmang lalapit siya pero umatras ako kaya napatigil din siya sa paglapit
sa akin.

"Okay. Linisin mo na lang ang kaya mong linisin until 9 PM." Namilog ang mga mata
ko. 7 PM pa naman sana ang usapan namin ni Josef. Para namang nananadya 'tong si
Laxer. Nanliliit ang mga matang tinitigan ko siya. "Magrereklamo ka pa?" Umiling na
lamang ako. Nakakainis naman 'to!
Tanghali na nang maisipan kong magpahinga muna saglit. Aba't may awa rin pala 'tong
Laxer na 'to at dinalhan niya pa talaga ako ng pagkain. Naku! Baka naman may lason
'to. "Walang lason yan. Tsk." Mind reader. Inirapan ko na lamang siya. "Stop
rolling your eyes at me, mukhang nakakalimot ka ata."  Ang hirap naman kasing
magpakabait sa ugali niyang hindi mo maintindihan. Ang gulo niya kasi talaga
minsan. Ang hirap niyang basahin, ang hirap ding pakisamahan.
Nag-vibrate ang phone ko at tiningnan ko naman agad kung sino itong tumatawag. Sabi
kasi ni Laxer ay i-silent ko raw ang phone ko pero hindi ko siya sinunod kaya ni-
vibrate ko na lang. Sinagot ko agad ang tawag ni Josef. Lumayo pa ako ng kaunti kay
Laxer na ngayo'y masama ang tingin sa cellphone ko, inaano ba siya nitong phone ko.
"Hello Josef... pasensiya ka na talaga.. I can't---" Bago ko pa man matapos ang
dapat sana'y sasabihin ko ay biglang may isang bastos na umagaw ng phone ko.
"She can't come... She's with me and we're busy. Don't call her ever again." I saw
him turning off my phone and before I could protest... hindi ko na lamang tinuloy
dahil sa matalas niyang tingin sa akin. "I told you to stop hanging out with him!"
Singhal niya sa akin.
"I'm not hanging out with him." Pagsisinungalin ko sa kanya. Bakit ba ayaw niya kay
Josef, mabait si Josef? Don't judge one person, when you don't know him yet at all.
Ang hirap kasi sa ibang tao ngayon, ay mabilis silang mag-judge. 
"You really suck at lying." Tinalikuran ko na lamang siya at nagsimulang mag-map
dito sa buong grand hall. Nakakainis talaga! Hindi ko na lang siya pinansin at
nagmadaling linisin 'tong grand hall na ito.
"Nagmamadali ka ata. May date?" Sinamaan ko siya ng tingin nang maabutan ko siyang
nakangisi. Pinanliitan ko siya ng mga mata subalit tila wala lamang ito sa kanya. 
"Mawalang-galang na po sir, bakit po ba kayo nandito?" Pigil na pigil ang inis na
sabi ko sa kanya.
"Baka takasan mo ako eh." Nakangisi niyang sabi. Wala naman akong balak tumakas at
hindi ko na rin naman makausap si Josef kasi na kay Laxer yung phone ko. "I don't
want you get away from me...not even let you go." Seryoso niyang bigkas sa bawat
salitang binitiwan niya.
"Wag kang magmadali, you still have ample of time." Ayoko lang talaga siyang
makasama sa iisang lugar. Nanggagalaiti lang ako sa inis ngayong nakikita ko
siya."When you get tired, you can sit beside me and take a rest." Wala akong
pakialam! Dumadaldal  na lang hangga't gusto niya.
"Hey! Why are you not talking? Parang kanina lang you have lots of complain."
Manigas siya riyan. Patuloy lang ako sa pagma-map hanggang sa naramdaman ko yung
yakap niya sa may likuran ko. Para naman akong nanigas sa pwesto ko dahil sa
pagkakayakap niya. "I'm sorry, please talk to me...baby." Para tuloy siyang
nanglalambing na boyfriend. No! Jearri wake up! Pinapaasa ka lang niyan. I'm
scolding myself right now even if I know it will just betray me at the end.
"Ano ba Laxer!" Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin pero binalik niya rin
ito agad. Siniksik niya pa yung ulo niya sa may leeg ko, para namang nagtaasan ang
mga balahibo ko.
"Damn! I miss you so damn much." Parang may kung anong ewan ang nagdiriwang sa
kaloob-looban ko. Pero hindi! Hindi ako magpapadala, he must be playing with me.
Oh, the billionaire's playing with his maid.
"I can't play with all your shits. I'm sorry." Mahina kong sabi sa kanya at dahan-
dahan kong tinanggal yung pagkakayakap niya sa akin. Hinarap ko siya, halos
malaglag ang puso ko sa nakikita ko ngayon. He's crying. God. He is crying for
real.
"I forgot... you're already done with all my shits. I should be happy by now but
fuck! I would be lying, if I tell you I'm not hurting."Nakatungo lang siya habang
may mga luhang nag-uunahang bumagsak sa kanyang mga mata.
Pinilit kong huwag na lamang itong pansinin dahil alam kong hindi na talaga kami
pwede, na wala nang pag-asa pa. Sometimes it's not about taking the risk, it's
about accepting the fact that some people are just meant to meet but not meant to
be together for the rest of their lives.
"Nasasaktan ako, kahit anong pagtatago ang gawin ko, hindi ko mapigilan ang
nararamdaman ko." Did I hear it right? He's really hurting... And you know what's
more heart breaking... he half kneel in front of me. I just can't afford seeing him
like this. Natutunaw ang kahit ano mang pagmamatigas na gawin ko.
"I know this would happen." Naguguluhan ako sa sinabi niya pero sa hindi malamang
dahilan lumuhod ako sa harapan niya para mapantayan siya. I wiped his tears away.
He must really been hurting inside and I hate to see him like this, mas okay na sa
aking masaktan ako kaysa siya. I'd rather be hurt than hurting someone. But nobody
knows how much I've fallen for this man. Kahit ang gulo niya! Kahit hindi ko siya
maintindihan! Kahit paasa siya! Still I'm so damn in love with him. That's the
truth I can't lie about to myself.
Ganoon ata talaga kapag nagmamahal ka. No matter how imperfect this man may look
for the others, my eyes can perfectly see the real side of him. You love someone
not because he's perfect, but because despite  of his flaws or imperfections, still
you can accept him.
"Wag ka namang ganyan... Mas nasasaktan ako kapag nakikita kang nasasaktan..."
Mahina kong sabi sa kanya. I cupped his face and look into his eyes. I wanna know
what he's thinking about, but still to me...he will always be a puzzle I'm always
having a hard time to solve.
And the next thing I knew we're both looking at each other. His eyes on me, my eyes
on him. My world suddenly stops from moving, it feels like the time stopped also.
Kaming dalawa lang, walang istorbo, walang sagabal. Ako at siya lang... walang
Shantal. For a moment, I want to be selfish... pwede bang ako muna, sa pagkakataong
ito ako naman.
Pwedeng bang maging selfish kahit ngayon lang? Ngayon lang talaga. And I got my go
signal, kahit ngayong araw lang magiging selfish ako. He pulled me closer to him;
he kissed me slowly, passionately. I close my eyes.
No I shouldn't close my eyes! Baka mamaya panaginip lang pala ang lahat nang 'to.
Binuksan ko ang aking mga mata, our eyes met. Then I realized I've been longing for
his kiss..Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbaba ng kanyang mga halik sa leeg ko...
sending me shivers down to my whole system. I can feel his warm breath on my neck
and I think I just lost myself to him.
Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit niya. He made his kisses more
passionate. Napapansinghap ako, dahil pakiramdam ko ay mababaliw ako sa ginagawa
niya.
Nahuhulog pa akong lalo kahit alam kong hulog na hulog na ako sa kanya.
Pero ang sandaling kasiyahan ay may katapusan din agad, nang mabilisan. Always
treasure every moment you could have with your loved ones.
Pareho kaming napalayo sa isa't-isa nang dahan-dahang bumukas ang double doors kung
saan naroroon si Shantal.
Inayos ko ang sarili ko, I can't believe it, I got lost a while ago. "Damn! Where
have you been?" At para naman akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa kinatatayuan
ko ngayon nang marinig ang nag-aalala niyang boses... nag-aalala niyang boses hindi
para sa akin... kundi para kay Shantal.
It feels like I was stab a couple of times. No...a million times. I was confused...
Did I assume that much again?
Nanggigilid ang luha ko.
"I'm sorry..." Halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Shantal. Nagulat ako nang bigla
siyang higitin ni Laxer para sa isang yakap. Sa isang iglap nawala na naman siya sa
akin... sa isang iglap nawalan na naman siya ng pakialam sa akin.
Is she that important to him? Hindi nga naman kasi niya sa akin sinabing mahal niya
si Shantal pero his actions... I'm really confused. "Did I make you worry?" How
about his actions towards me? Alin ang totoo, alin ang dapat kong paniwalaan?
"You did... a lot." And that hit me. Hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar.
"Tapos na po akong maglinis. Pwede na po ba akong umalis. May date pa po kasi ako."
I emphasized the word date. Leche siya! Ayoko nang makita pa ang pagmumukha niya!
Bwisit! Bago pa siya makapagsalita ay kinuha ko na agad sa kanya yung phone ko.
Agad kong tinext si Josef.
Naiinis na naiiyak ako. Kasalanan ko bang umasa kung paulit-ulit niyang
pinaparamdam sa akin na gusto niya rin ako, na posibleng mahal niya rin ako.
To: Josef
Nearest park from D.V.'s mansion. I'll be there at exactly 8 pm.
Bagamat medyo malayo-layo pa talaga ang pinakamalapit na park sa mansion ng mga Del
Valle ay doon ko na lamang napiling makipagkita kay Josef. I know he's familiar
with that park. Who wouldn't? Eh sobrang sikat ng mansion ng mga Del Valle.
Perks of being a billionaire...
"I thought..." Umupo ako sa tabi niya. Eksakto lang ang dating ko pero mas napaaga
pa ata siya sa akin. Medyo napatagal din ako sa pag-aayos, I wear my most decent
dress.

Dress isn't really my thing pero nainis talaga ako dun sa Del Valle'ng yun kaya
siguro ganito ang kinalabasan. "You're really beautiful." His sincerity, I can
always feel it.
"You're such a good liar." Biro ko. Kung maganda ako, eh di sana mas pinili ako ni
Laxer kaysa kay Shantal.
Ang sakit lang maging option. "You'll never be an option to me." Nanlaki ang mga
mata ko. Did I say it that loud? "Hindi bagay sa'yo ang maging option lang." At dun
ako naiyak. I cried hard. I was hurt and broken at the same time. "A lady isn't to
be taken as just an option. You are more than that...to me, you are always more
than that. I just wanted you to be happy, I wanted to chase you, because you
deserve it more than anyone else." I felt his lips touches my forehead. I get so
emotional because of that, and I can't stop myself from crying.
No one deserved to be an option. That's something I realized tonight. Anyone
deserved to have the best, because each of us is special, and unique...each of us
deserved to be love or loved back.

[ 14 ChapterThirteen ]
-------------------------------

Hindi naman talaga kami nag-date ni Josef masyado na akong pagod, physically and
emotionally, that is the reason we stayed at the park for a couple of hours. I just
wanted someone to be with me. I just wanted someone to treat me not as an option.
No girl, wanted to be treated as an option. Every girl wanted to be treated as a
boy's one and only, a prince's princess and a king's queen.
"Ihahatid na kita." He offered but I refused. It's already 10 PM and no one will
care, I guess? Besides I can still handle myself. Tsaka baka lalo lang magalit si
Laxer kapag nakita niya akong kasama si Josef. "You sure you can go home alone?"
Nag-aalala niyang tanong sa akin. Tumango naman ako. "You can stay in my place if
you want." Masuyo niyang inabot ang braso ko para makumbinsi ako, pero umiling na
ako.
"Okay lang ako." Mapakla akong napangiti sa binitiwan kong salita. "Tsaka baka
masermonan na naman ako ng boss ko." Hindi maikukubli ang pait sa tono ng
pagsasalita ko ngayon. Ang sakit-sakit na maramdamang ang ganito, sa una ay
ipaparamdam sa'yo na mahalaga ka subalit sa bandang dulo ay hindi naman pala
talaga. Laging false alarm.
"I wish I was him." I frowned. "You're really in love with him." Am I too obvious?
"Kapag na-realize mo nang hindi siya karapat-dapat. O kapag suko ka na. Lagi lang
akong nandito, I'm giving you the chance to make me as your option." Naiyak ako
lalo. Bakit ngayon lang siya dumating? Bakit hindi na lang natin pwedeng mahalin
yung taong nagmamahal talaga sa atin? Why do we have to fall for someone who are
meant not to love us back? When will our minds and hearts get tired of accepting
that we could just be someone's option?
How cruel it was to live loving someone who you thought love you the same way you
did. Kung pwede lang magkaroon ng switch button ang puso at sabihing, siya ang
dapat mong mahalin...but no, sometimes, it just happened. Mahuhulog ka at mahuhulog
ka kahit anong pilit mong 'wag mahulog.
"Baka isipin mong pinaglalaruan lang kita, kasi ilang linggo pa lang tayong
magkakilala tapos ganito na agad. I'm serious about you. I've never been this
serious before." He pulled me closer to him. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko
at hinalikan ito. "I don't like you anymore... 'coz I just realized I'm falling in
love with you." Namilog ang mga mata ko, kasabay nito ang mabilis na pagtibok ng
puso ko.
"Pero---"
"Alam kong mahal mo siya. Yung boss mo. Hindi mo man sabihin pero alam kong siya
yung iniiyakan mo ngayon. And I'm willing to wipe all your tears away, always..."I
was speechless. I don't deserve this guy. He deserves a girl better than me, for
someone like him, I'm not better neither best at all.
"You don't deserve to be as an option." Sabi ko sa kanya. "I can't make you as my
option. Masyado kang mabait. You deserve more than that." Alam ko kasi ang
pakiramdam na maging option lang, at hindi ko yun hahayaang mangyari sa kanya.
Everybody deserves a love that is given truly and not forcefully.
"I deserved more than that?" Tumango-tango ako. "Then allow me to court you." My
jaw dropped. "I'm dead serious Ms. Artzell Jearri. I know you're two years older
than me but who cares. I'm falling for you and age has nothing to do with this."
Naniniwala naman ako sa age doesn't matter na kasabihan, but the thing is I like
someone else, I love someone else...if I allow him, I might just hurt him because I
know myself I can't move on from that man.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. And the moment he hugged me my eyes
widened. Anong ginagawa ni Laxer dito? Hindi ako makagalaw. Nakatitig lang sa akin
si Laxer na parang nasasaktan and I saw him turning his back away from me.
Hindi ko alam ang gagawin ko, litong-lito talaga ako. Hindi ko alam kung bakit mas
naninikip ang dibdib ko ngayon, masakit para sa akin tuwing tatalikuran niya ako,
masakit para sa akin tuwing nawawala na ako sa isip niya kapag nandiyan na si
Shantal. Ayoko namang maghabol, kung hindi niya ako gusto, wala akong magagawa para
roon.
Hindi kasi maaaring ipagpilitan ang bagay na hindi mo naman talaga gusto, sa umpisa
pa lang.
Umuwi ako nang mansion na gulong-gulo. Naabutan ko pa si Shantal na nakaupo sa may
hagdan. Namilog ang mga nata ko nang mapansin ko na tila umiiyak siya? "Ma'am
Shantal?" Mahina kong tawag sa kanya. Napatingala naman siya sa akin, tama nga ako
umiiyak nga siya. Pero bakit naman kaya?
Umupo ako sa tabi niya.
"Bata pa lang kami kilala ko na siya." Ako rin naman. Bata pa lang kami lagi na
kaming nagbabangayan. Mas una ko siyang nakilala kasi rito naman siya sa Pilipinas
pinanganak.
"Since the first time my dad introduce him to me, I know from that very moment na
siya na talaga hanggang sa tumanda kami. Kahit maikli lang yung buwan kung
magbakasyon sila sa States noon, naging close kami lalo sa isa't-isa." Bakit niya
ba 'to kini-kwento sa akin.
Mas close kaya kami to the point na palagi kaming nagbabangayan. "He always treated
me like a princess." I smiled bitterly. He never treated me that way. "Pero yung
sabihin niya sa akin kanina na kapatid lang ang turing niya sa akin." Napaawang ang
bibig ko, I didn't see that one coming. Ramdam ko kasi ang sakit na nararamdaman
niya ngayon.
Naaawa ako sa kanya pero hindi ko maiwasang maging masaya sa narinig ko. "But
siblings don't kiss or hug." Nawala naman bigla ang kaunting sayang naramdaman ko.
"Kissed?" Wala sa sariling lumabas yan sa bibig ko. Ang tanga ko naman talaga. They
even make out.
"The last time you saw us... he apologized for that. He said it was a mistake. At
ang mas masakit hinalikan niya ako nung isang gabi and thought it was his girl."
His girl? May babae siya? "I envy that girl so much. Kasi nung time na hinalikan
niya ko ramdam na ramdam ko yung pagmamahal niya dun sa babae. He was so drunk that
time." Mas lalo lamang akong nalito, kung ano-ano na nga ang naisip ko pero ayoko
pa ring umasa.
"Hindi ba niya sinabi yung pangalan nung babae?" I wanted to slap my face for still
hoping na ako iyon. Impossible, marahil ay pareho lang talaga kami ng sitwasyon ni
Shantal ngayon.
"Zell... if I heard it right." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Zell...
Artzell... fudge! No! Maraming Zell sa mundo! Ayokong mag-assume. Malay nating
Marizell pala yun... Lizell, o kung ano mang pangalan na may Zell sa dulo.
"Bakit siya naglasing?" Stop your curiosity Jearri! Will you?
"He saw this girl with another guy." My eyes widened and my jaw dropped. "Mahal na
mahal ko siya Jearri... I love him more than anyone else... I love him more than my
life." Para naman akong biglang na-guilty. "Don't I deserve him?" Hindi agad ako
nakasagot.
Sinubukan ko munang hagilapin ang tamang salita.
"Y-you do..." Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Don't I deserve him as well?
"Thank you Jearri, if ever kilala mo yung Zell na yun... pwede bang ipakilala mo
siya sa akin? I won't hurt her. Gusto ko lang siyang paki-usapan... na kung
pwede...kung pwede ibigay niya na lang sa akin si Cray." Mas lalo lamang talagang
naninikip ang dibdib ko sa usapan namin.
I think my heart just stopped beating. "Siya na lang yung masasabi kong akin kung
sakali mang matuloy yung hiniling kong marriage sa daddy ko." Napaawang na lamang
ang bibig ko nang dahil sa mga sinasabi niya. Masyadong marami na hindi ko na ma-
process pang lahat.
Marriage... "I was adopted. Lahat ng meron ako ngayon, someone owns it. At kapag
dumating na siya, I know she'll take everything I have now. Okay lang naman sa akin
as long as I have Cray with me." Hindi ako makapagsalita. How can I give her the
man I love?
"Kaya please... Jearri if ever you know this girl. I may look desperate but I'll
beg her. Si Cray na lang ang aasahan kong matitira sa akin." Hindi ko alam ang
gagawin ko. Naaawa ako sa kanya.
But this is not about pitying someone. We are both loving the same person. Pareho
lang kaming nagmamahal. Magiging unfair ba ako kung ipagkait ko yun sa kanya?
"And please lang... wag mong sabihin sa kanya yung napag-usapan natin. Lalo na yung
tungkol dun sa marriage na hiniling ko kay dad. Malalaman din naman niya yun but it
isn't the right time yet. Hindi ko pa kasi alam kung pumayag si Dad." Napasinghap
na lamang ako at tumango sa kanya. I was beyond speechless. Hindi ko na talaga alam
ang dapat kong sabihin so I remained quiet until she already stop from crying.
Pabalik na ako sa kwarto nang may mga kamay na humila sa akin, I was about to
protest but I tried my best not to. Gabi na kasi at ayoko nang makaabala pa.
Nagpatianod na lamang ako sa paghila niya sa akin hanggang sa nakarating kami sa
kwarto niya.
Dire-diretso kaming dumaan sa may walk in closet niya at pumasok kami sa isang
pinto. I never knew may secret door din pala rito sa walk in closet niya. My eyes
widened and my jaw dropped. Hindi ko na alam kung ilang beses nang nalaglag ang
panga ko ngayong gabi, masyadong mabilis ang mga pangyayari na hindi ko naman
talaga inasahan. This room is full of me...of my pictures.
"Paanong---"
"Let's talk." His jaw clenched. God. Mas lalo siyang gumwapo. "I didn't know when
it started. But I use to take a picture of you since we were kids." Napatakip ako
ng bibig, a tear escaped my eyes and I couldn't help myself to admire the way he
took all the photos of me, most are stolen shots.
"So you're into photography since then?" I asked while he wipes off my tears on my
cheeks. He sincerely smiled at me.
"Not really..." Nahihiya niya pang sabi. "But I developed my skills because of
you." It's my turn to blush now.
"Bakit pinapakita mo sa akin ngayon yan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, although
I have a hint, I wanted it to exactly hear everything from him. "Sa tingin mo ba
mamahalin ulit kita pag nakita ko yan?" I saw pain in his eyes. Bahagya akong
lumayo sa kanya, I wanted to know his real intentions right now. Yes, I've cried
because of these but then I realized I shouldn't make myself lose again because of
him. Just because he'll say this and that. I don't want to assume some more and end
up crying or heart broken again.
"Look. I tried... I tried to avoid you. I tried to stop this stupid thing in my
heart. Fuck! Shit! Damn! I just can't... I can't afford losing you, baby..." Ginulo
niya pa ang buhok niya. "You don't know how jealous I am, seeing you with another
guy." Tumungo siya at tumitig lamang sa sahig. I tried to lift his face up and look
directly into his eyes.
"Josef's nice." I stated.
"I bet he's not." He sounded so bitter this time and almost pouted just because I
defend Josef once again.
"Laxer! Look. I know you're jealous but trust me he's nice." I tried convincing
him, but I know for sure he just won't listen.
"How can I trust you with that guy when he already confessed his feelings for you?"
Seryosong tanong niya sa akin. Kamuntikan ko nang makalimutan na sinundan pala niya
kami kanina. "I hate him." Tsaka siya malalim na napabuntong-hininga, tira sobrang
problemado.
"Eh ano ba ako sayo? Kung makapagselos ka naman akala mo naman sayo ako. "
Napanguso na lang ako sa inis ko sa kanya. Kasi naman! Ni hindi pa nga niya
sinasabing mahal niya rin ako tapos kung makaasta akala mo naagawan ng pag-aari
niya.
"You're mine. I already told you that." He said with confidence.
"But you don't do commitment right?" Natigilan naman siya sa sinabi ko.
"It's a long story. I'll tell you about that in time." Nagtataka naman akong
napatingin sa kanya. "But before that let me mark you as mine." He claimed my lips.
I was shocked. I wasn't able to protest anymore. I got lost again, and I hope I
won't regret this again, ever again.
He kissed me as if there's no tomorrow. Pinaulanan niya ako ng sunod-sunod na sabik
na mga halik. Tila mauubusan ako ng hangin sa katawan. Mariin akong napahawak sa
damit niya, tila mabubuwal kasi ako sa kinatatayuan ko ngayon. Kinuha niya ang
kamay ko at tsaka ito ipinatong sa balikat niya. "You.Are. Mine." He said in
between our kisses. Wala ako sa sariling napatango sa sinabi niya.
"I'm seriously addicted to your lips, baby." Nanlaki naman ang mga mata ko sa
sinabi niya at nagulat na lamang ako nang bumaba ang halik niya sa may leeg ko.
"Perfect." He said as he left a mark on my neck... a love mark telling I'm his. "I
love you." And before I could react, he then claimed my lips once again. Namimilog
pa rin ang mga mata ko nang dahil sa tatlong salitang sa waka'y ay binitiwan niya a
rin.
He loves me and I love him too.
What a wonderful thing to end this night. No matter how mad I could be because of
him I'll still find my way back to him. I smiled in between our kiss. Wala pa ring
bumibitiw sa aming dalawa. Wala akong iba pang maisip, ang gusto ko lang ay yung
pakiramdam na totoo na lahat, na mahal niya rin ako, na hindi lang ako umaasa sa
wala.
I was hurt before. But God knows how much I love this man. I'm not used to second
chances. Ang akin kasi, kapag nasayang na ang first chance, there's no room for
second chances. Some will say...everybody deserved second chances, I say...closure,
to end things right, is needed, once is enough. But then I've realized. I already
gave him second... third...fourth chances...hindi ko na alam kung ilang beses
na...hindi ko alam kung ilang beses na akong umasa.
Ang alam ko lang ay mahal ko siya. Sobra... That no matter how many times he'll ask
for another chance, I wouldn't end the day without giving it to him.
Things you really can do for love. Mag mga bagay kang hindi nagagawa noon, na dahil
sa pagmamahal ay magagawa mo na ngayon. Loving and getting hurt is normal. Darating
tayong lahat sa ganyang punto ng buhay natin. Kapag nagmahal ka, masasaktan
ka...hindi maiiwasan yun. It will make someone stronger and more mature.
You just have to be brave enough to take the risk, and be mature enough to handle
things no matter how tough it could get. 

[ 15 ChapterFourteen ]
-------------------------------

"I have to check something in my office." Aniya. Tumango naman ako sa kanya. "I
meant sa company." Dagdag pa niya kaya tumango lang ulit ako. Ang totoo niyan ay
hindi ko alam kung anong pakikitungo ang gagawin ko ngayong nagkaaminan na kami ng
nararamdaman naming para sa isa't-isa.
"Okay." Simpleng sagot ko sa kanya. Mukhang hindi siya nakuntento sa naging sagot
ko kaya kumunot ang kanyang noo. "Sige na, ipaghahanda kita---" Namilog ang mga
mata ko nang hapitin niya ako papalapit sa kanya eksaktong napaupo naman ako sa lap
niya.
Napalunok ako nang dahil doon. Hindi ako sanay na ganito siya kalapit sa akin.
"You're not used to this." He boyishly smiled. Natawa na lang ako tsaka tumango.
Isiniksik niya ang ulo niya sa may dibdib ko. Pakiramdam ko tuloy ay dinig na dinig
niya ang tibok ng puso ko. "I love you..." Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso
ko.
Sandali siyang nag-angat ng tingin sa akin at saka ngumuso. Muli niyang siniksik
ang ulo niya sa may dibdib ko na parang bata. "Laxer, akala ko ba ay may ichecheck
sa opisina mo." Umiling-iling siya. Marahan kong sinuklay ang buhok niyang gamit
ang kamay ko, pati ba naman buhok niya ay tila naka- conditioner araw-araw dahil sa
sobrang lambot, ang sarap padaanin sa pagitan ng mga daliri.
Napatigil ako ng nag-angat siya ng tingin sa akin. Hindi ba siya nabibigatan sa
akin? "Ayaw mo?" Pagtutukoy sa paghawak sa buhok niya. Umiling siya tsaka ngumiti
sa akin, bumalik na naman siya sa dating posisyon niya.
"I just wanna stay like this with you." Napangiti ako at pinagpatuloy ang ginagawa
ko. Naramdaman ko na lamang na nakatulog na pala siya habang mahigpit nang
nakayakap sa akin.
Months passed, and we stayed that way, he would just be so sweet all of a sudden.
We decided not to tell others and keep quiet about it. Hindi iyon ang gusto ni
Laxer pero wala na rin naman siyang nagawa nang ako na mismo ang nakiusap, na sa
aming dalawa na lang muna ang tungkol dito. Ayoko kasing sumama ang loob ni
Shantal. Alam kong mahal na mahal niya talaga si Laxer, pero kasi paano naman ako?
Mahal ko rin si Laxer, mas mahal ko si Laxer.
I know I deserved him more than she does. Alam kong mali ang ilihim namin 'to, kasi
sa umpisa ay ayaw naman talaga ni Laxer na ilihim 'to. But for now, I know it is
the right thing to do, after all, we're not yet in a relationship, he's still
courting me. If one day, he'll ask me again, I'll say yes for sure.
Kakatapos lang ng last subject ko ngayong Friday, general subject na Psychology. I
checked my phone immediately. Bumungad sa akin ang message ni Laxer na isang oras
na ang nakakalipas.
From: Laxer
I'll fetch you today. We'll have a date. I love you.
I smiled quietly. I am so in love with this man. Laxer became extra sweet although
I am the only one who witnessed it, as long as we are both happy. Ayoko rin kasing
makakuha pa ng maraming atensiyon, sapat na ang atensiyon naming para sa isa't-isa.
Hindi naman nawawala ang pagtatalo pero madali naman naming naaayos. Hindi na ata
kasi maaalis sa amin yun ni Laxer.
"Jearri..." Nanigas ako nang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Ilang
buwan ko na rin siyang iniiwasan, ang dami ko na ring ginawang excuse para lang
makalayo sa kanya. Ayaw kasi ni Laxer, napakaseloso pa naman nun. At ayoko rin
namang paasahin siya lalo na't buo na ang desisyon kong sasagutin ko na si Laxer
kapag muli itong nagtanong.
Dahan-dahan ko siyang nilingon, sinakbit ko na ang bag ko. "You're avoiding me."
It's not a question, it's a statement.
"J-josef." I saw pain pass through his eyes. May mga luha ring nagbabadyang pumatak
sa kanyang mga mata. Tila sumikip ang dibdib ko, nahihirapan akong ganito na kami
ngayon. Nagui-guilty ako, puro kabutihan ang binigay niya sa akin pero ito pa ang
nagawa kong isukli sa kanya.
Mas lumapit siya sa akin kaya naman napaatras ako. "Sana ako na lang ang nauna.
Sana kaya kitang agawin sa kanya." Aniya na halatang-halata ang sakit na
nararamdaman niya. I wanted to say sorry, but I know saying sorry isn't enough.
Nasasaktan ko siya ngayon, at buong buhay ko hindi ko kailanman ginusto na
makasakit ng iba.
Napatungo na lamang siya pagkatapos nito. "How I really wished I was him because
that man is so damn lucky to have you." Mas lalo lamang akong nakaramdam ng guilt
dahil sa sinabi niya. Ang sama ko! How can I hurt this guy? He never deserves any
of this.
"J-josef... I'm s-sorry." At ayun na nga, sunod-sunod na tumakas ang mga luha sa
aking mga mata. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako para sa kanya. "Ang sama-sama ko."
Mahina kong sabi habang nakatungo kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. "You don't
deserve me. There's always someone better than me. I don't wanna see you get hurt.
Kalimutan mo na lang ako. Please..." Tuloy-tuloy kong sabi sa kanya. Nagulat ako
nang lumuhod siya sa harapan ko.
Ano ba 'tong ginagawa niya?
"I can't. Hayaan mo lang akong mahalin ka. Kahit iba ang mahal mo. Hayaan mo lang
akong pagmasdan ka kahit iba ang tinitingnan mo. Hayaan mo lang ako sa tabi mo,
hayaan mo lang akong gawin ang gusto ko, kasi... mahal na mahal kita. Lagi lang
akong nandito para sayo kapag ayaw mo na sa kanya. Kapag nasasasaktan ka na ng
sobra dahil sa kanya. I'm willing to be your option... always remember that. Just
please allow me to be." Halos tumigil ako sa paghinga, hindi makapaniwala sa
nasasaksihan ko ngayon. What did I do in my past life to meet someone like him?
"I'm sorry." Masakit man sa akin, pero iniwan ko siya roon. Iniwan ko siyang
nasasaktan. Sana lang maintindihan niya ako. Sana lang maintindihan niya na walang
makakabago ng nararamdaman ko para kay Laxer. Alam kong ang sama ng dating ko, alam
kong ang unfair ko. Pero kasi... sa umpisa pa lang kay Laxer na talaga ang puso ko.
You can't push yourself to love someone when you really don't in the first place.
Mahirap ipilit ang mga bagay na hindi naman talaga dapat ipagpilitan pa.
Pagkababa ko ng building namin ay eksakto namang naghihintay na si Laxer dala ang
bago niyang kotse. Napakagastos talaga nito sa kotse kahit kailan. Wala sa sariling
sumalubong ako sa kanya nang lumabas siya mula sa kanyang kotse. He's all smiles,
and although I was hurt at Josef's situation, I tried my best to smile back at him.
Mabuti naman at naka-cap na siya ngayon dahil noong nakaraan ay may nakakita sa
kanya na mukhang namukhaan siya. Mabuti na lamang at walang balitang lumabas
tungkol sa aming dalawa o di kaya naman ay ginawan na ito ng paraan ni Laxer.
Everyone knows I'm his personal maid. And to think that we are dating, it might
ruin his image. Women from elite families, wanted to be his wife...kung nagkaroon
lang siguro ng audition ay baka hindi na natapos ang pila sa haba.
Natigilan ako nang halikan niya ako sa noo. Hindi pa rin ako sanay sa sweet
gestures niya. I'm sorry Josef, but I really love this man and there's no way I
would make you as an option. I will just be unfair if I do that. And no one should
be treated as an option to begin with. Alam ko ang pakiramdam na maging option
lang, pamilyar na pamilyar ako sa pakiramdam na iyon, kaya hindi koi yon magagawa
sa kanya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang inaayos niya yung seatbelt ko.
"Secret." At kinindatan niya pa talaga ako, napanguso na lamang ako.
"Para kang baliw." Sabi ko sa kanya. Paano ba naman nakangiti habang nagdra-drive.
"Bakit ka ba ngiting-ngiti riyan?" Nakakunot ang noo kong tanong sa kanya. Sandali
niya akong tinapunan ng tingin at muling ibinalak ang tingin sa daan.
Ngumuso siya at tsaka muling nagsalita. "I'm thinking about you. I may look idiot,
but then I just realized I'm smiling because I'm thinking about you." I blushed.
Naghuhuramentado ang sistema ko nang dahil sa simpleng sinabi niya.
"Eh? Magkasama na nga tayo, iniisip mo pa rin ako?" Panunuya ko sa kanya para man
lang maitago ang kilig na nararamdaman ko.
"It's because I'm so damn in love with you, baby..." Tinitigan niya ako nang nasa
red light na ang stoplight. "I'm still falling for you every day, can't even help
it." And before I could react, muli na namang umandar ang kotse niya. I smiled
secretly.
Habang nasa byahe ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagulat na
lamang ako nang magising sa isang hindi pamilyar na kwarto. Nanlaki ang mga mata ko
nang ma-realize na nasa loob na ako ng isang yacht cabin. Napatingin ako sa tatlong
bintana nitong cabin kung saan matatanaw ang dagat. Naramdaman kong may yumakap sa
may baywang ko. Sa pabango palang niya'y alam ko nang si Laxer ito.
Siniksik pa niya ang ulo niya sa my leeg ko. He gave me soft kisses there. "It's
about time. C'mon." Aniya at iginiya niya ako palabas ng cabin. "How's your sleep?"
He smiled at me, recently I noticed he keeps on smiling most of the time. Mas lalo
tuloy siyang gumwapo sa paningin ko.
"Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong ko habang naglalakad at mahigpit siyang
nakahawak sa kamay ko.
"I guess you're really tired, that's why I didn't bother anymore to wake you up."
He said as he placed his left hand on my waist and moved me closer to him.
"Saan tayo pupunta?" Medyo tinatangay na ng hangin ang buhok ko na agaran niya ring
inayos. He kissed the top of my head after niyang itali ang buhok ko.
"You'll see..." I mouthed thank you. Maayos ang pagkakatali niya sa buhok ko.
Ngumiti ako sa kanya at ganoon din siya sa akin.
Dumako ang tingin ko sa table na naka-set para sa isang dinner date. This part of
the yacht is full of red rose petals. I was beyond speechless. Mukhang isa 'to sa
mga yacht ni Laxer na may tatak pang D.V. "I told you we'll have a date." Hinila
niya yung upuan at pinaupo ako rito. May mga tumutugtog ng instrumental songs.
"Hmm... you don't need to do this." Sabi ko sa kanya nang nagsimula na kaming
kumain.
"I just wanted to make you feel how special you are to me." He held my left hand.
"I love you. I will always do..." Then tears suddenly escaped from my eyes. I know
I deserved this man. More than anyone will. "Hey... why are you crying?" Bigla
siyang tumayo at lumapit sa akin, napatayo na rin ako at sinalubong siya ng isang
napakahigpit na yakap.
From the way you smile
To the way you look
You capture me
Unlike no other
"I love you, I love you..." I said as tears are still escaping from my eyes. No
doubt how much I love this man. "Thank you... thank you for loving me back."
From the first hello
Yeah, that's all it took
And suddenly
We had each other
"No... thank you for loving me. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala kung bakit ako
ang minahal mo. I mean... Ang dami kasing lalaki sa mundo, ang daming pwedeng
magmahal sayo. Kasi believe me or not, kahit saang anggulo, kahit sa paanong paraan
madali kang mahalin." Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya sa akin.
And I won't leave you
Always be true
One plus one, two for life
Over and over again
So don't ever think I need more
I've got the one to live for
No one else will do
And I'm telling you
Just put your heart in my hands
"And I'm so damn lucky to have you. I'm so lucky because you came to my life so
early...when we're just kids. " Dagdag pa nito. Mas lalo akong naiyak sa saya.
I promise it won't get broken
We'll never forget this moment
It will stay brand new
'Cause I'll love you
Over and over again
Over and over again
From the heat of night
To the break of day
I'll keep you safe
And hold you forever
He sighed. "Why do I always make you cry?" He held my face. He looked directly into
my eyes. He wiped all my tears away. "I can't promise that I won't make you cry
again. But I promise to be there always, whenever you cry. I will wipe all your
tears away." Ikinawit ko ang dalawang kamay ko sa may leeg niya. His hands went
down to my waist.
And the sparks will fly
They will never fade
And every day gets better and better
And I won't leave you
Always be true
One plus one, two for life
Over and over again
So don't ever think I need more
I've got the one to live for
No one else will do
Yeah, I'm telling you
Just put your heart in my hands
"Tama na nga! Mas lalo akong naiiyak eh. Bakit kasi ang sweet mo? Hindi ako sanay."
Biro ko sa kanya. Napanguso na lamang ako.
I promise it won't get broken
We'll never forget this moment
It will stay brand new
'Cause I'll love you
Over and over again
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang maglapat ang aming mga labi. "Damn. Stop
pouting." He said in between our kiss. "I may not be able to control myself. You
don't know how much I wanted to always claim those lips of yours." He placed his
thumb on my lips.
Over and over again
Girl when I'm with you
I lose track of time
When I'm without you
You're stuck on my mind
Be all you need
'Til the day that I die
I'll love you
Over and over again
"Ganun ba?" Ngumuso ulit ako lalo. Ang saya lang asarin ni Laxer, halatang
nagpipigil siya nang sobra. "Hindi na ako magpa-pout." Pero ngumuso ulit ako at
nagpigil ng tawa. Ang cute niya.
So don't ever think I need more
I've got the one to live for
No one else will do
Yeah, I'm telling you
Just put your heart in my hands
Ginulo pa niya ang buhok niya. Frustration is evident all over his handsome face. I
move him closer to me and this time I claim his lips. I know he's shocked. I never
initiated our kiss, ngayon lang. Nang maka-recover na siya, he took over our kiss.
He deepened the kiss that made me lost into him again. God. He always made me
forget everything whenever he kisses me.
Promise it won't get broken
We'll never forget this moment
It will stay brand new
'Cause I'll love you
Over and over again
Over and over again
"I love you." He said as he ended our kiss. We both catch our breath. He kissed me
on my forehead. "I love you... Over and over again." He said again as the sun sets.
---
Background music: Over and Over by Nathan Sykes 

[ 16 ChapterFifteen ]
-------------------------------
Nang matapos akong maglinis sa office ni Laxer, ako lang kasi ang hinahayaan niyang
gumalaw ng mga dokumento roon simula pa lang ay umakyat na ako sa kwarto niya para
iyon naman ang malinis ko. Hindi pa rin kasi talaga ako sanay na minsan ay hindi na
talaga personal maid ang trato niya sa akin. Noong isang araw pa nga ay siya ang
tumulong sa akin sa mga ginagawa ko.
"Ako na Jearri." Aniya sa akin, habang nakatingkayad ako dahil hindi ko na nga
maabot yung pinakataas na libro, tinatanggalan ko ng mga alikabok dahil ilang buwan
ko na rin palang hindi ito nalinis. "You can't even reach it." Dagdag pa nito.
Umiling ako sa kanya at tiningnan siyang nanliliit ang aking mga mata.
"Ako na, kaya ko 'to." Ayaw ko namang isipin niya na porke mahal namin ang isa't-
isa ay magte-take advantage na ako roon. Isa pa, siya na nga ang nagpapaaral sa
aki, hindi naman pwedeng pati ito ay iasa ko pa sa kanya. Naramdaman ko siyang
tumayo mula sa swivel chair niya at naglakad papalapit sa akin. "Diyan ka lang! Ako
na rito." Pagpipigil ko sa kanya subalit huli na ang lahat dahil agaran niya akong
hinapit papalapit sa kanya. Ngumisi ito at nilapit niya rin ang mukha niya sa akin,
tila tumigil ako sa paghinga.
"Breathe." Ultimong pagkasabi niya nito ay napahinga talaga ako nang malalim.
Napailing ako para sa sarili ko. "I don't want you get too tired. Baby, you have
class tomorrow, you shouldn't be doing this..." He kissed the top of my head. When
will I get used to him being this close and sweet?
Napangiti ako nang maalala iyon. Nawala na lamang ang ngiti ko nang mapansin ang
isang invitation sa study table niya rito sa kwarto niya. Napakunot ako ng noo,
maganda ang invitation na may temang black and gold, halatang isang mahalagang
event iyon. Para saan naman kaya ito?
It is realy a very fine and elegant invitation for a paintings auction. Pinadaan ko
ang daliri ko sa bawat letrang nakasulat sa invitation, a combination of rough and
smooth. Kung ako si Laxer, malamang ay hindi ko tinanggap ang invitation na 'to,
hindi naman kasi ako sanay sa mga bagay na para lamang sa mayayaman at kilalang
personalidad. Isa pa, wala naman akong hilig sa mga painting. Ang totoo nga niyan
ay hindi ko maintindihan yung kahulugan sa likod ng mga painting.
Naalala ko nung nag field trip kami sa isang lugar na puro paintings, tinitigan ko
na't lahat wala pa rin akong nakuhang kahulugan. Lowest grade ko pa ang Arts noon.
My hands aren't made to at least have an artistic side.
Parang ang ordinaryo lang naman kasi ng mga ito kung titingnan. But for me who sees
it so normal, para sa iba naman ay malalim yun. Maybe because we are born to have
different perspectives and opinions in life.
May mga bagay na para sa iyo ay maganda, para sa iba ay hindi naman maganda o di
kaya'y sakto lang, okay lang ang ganda. On how we see things, sometimes define who
we are as a person.
Binalik ko ang invitation sa dati nitong pwesto. Nagsimula na akong maglinis ng
kwarto ni Laxer, hindi ko rin alam kung bakit halos hindi na naalis sa paningin ko
yung invitation.
"Let's go?" Napakunot ako ng noo kay Laxer isang araw na bigla na lamang niya akong
niyaya matapos kong gawin ang school works ko.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya pero hindi ito sumagot sa halip ay ngumiti
lamang sa akin, inabot niya ang kamay ko, nagulat pa ako nang nagmamadali kaming
sumakay sa kanyang kotse. Mukhang alam din naman ng driver kung saan kami pupunta
kaya naman ay hindi na ako nagtanong pa.
Sa tapat ng isang tanyag na mall dito. It was made for those families who have the
highest status in our country. Siguradong may shares si Laxer sa mall na ito dahil
halos lahat ng nadadanan namin ay tumutungo para lamang mabati siya. "Good morning
Mr. Del Valle, we already closed the boutique you preferred for other regular
customers." Kung tratuhin talaga si Laxer dito ay alam mong pang-VIP talaga.
Tumango lamang si Laxer at bahagyang ngumiti. "Sungit." Puna ko rito habang
naglalakad kami patungo sa boutique na pinasara niya pa talaga, ano naman kayang
gagawin namin doon.
"You have to look professional so they will respect you." Aniya sa isang seryosong
tono, naiilang pa ako dahil pinagtitinginan na talaga kami, bakit kasi ang daming
bodyguards na nakasunod sa amin, bahagya kong tinakpan ang mukha ko, pero ito
namang si Laxer ay inakbayan pa ako. "Baby, did I scare you?" Nagulat ako sa
sobrang lapit ng labi niya sa may tainga ko. "I only wanted to smile at you, but I
don't want you get mad." Nagulat ako nang sa susunod na mga nakasalubong namin ay
sobra na ang ngiti niya. Napanguso ako nang pasimpleng humagikhik ang iba na halata
namang kinikilig.
"Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o ano. Ang daming kinilig sa'yo oh."
Hindi ko sinasadyang maging tunog nagtatampo ang boses ko, pero itong si Laxer ay
mukhang nagustuhan naman iyon.
"Sa'yo lang naman ako. Sa'yong-sa'yo." Bulong niya dahilan nang pagpula ng pisngi
ko. Hindi na ako nakapagsalita pa nang dahil doon. Nang makarating naman kami sa
boutique ay halos matameme na lamang ako, ang daming magaganda at eleganteng damit.
"We will buy all the dress she will fit and all the bags she will choose." Literal
na napanganga ako sa sinabi niya. Umiling-iling ako pero alam kong hindi siya
papayag.
Sa tuwing maaalala ko yung mga bagay na ginagawa sa akin ni Laxer ay hindi ko
maiwasang maitanong sa sarili ko...Do I still deserve this? What if there's someone
more deserving than me?
"Really? I would love that." Masayang wika ni Shantal kasabay nang pagyakap nito
kay Laxer. Bigla naman akong nakaramdam ng kaunting selos. But I have to endure
this because I chose to hide what we have in the first place.
Gusto ko na kapag dumating yung araw na pwede na niya akong ipakilala sa lahat, ay
may maipagmamalaki na ako, I know Laxer deserves the best and I'm not yet on my
best self.
"You really know how much I love paintings." Wait... paitings? Napakunot ako ng
noo. "Uhh... Laxer can you help me find a gown for the painting's auction? I really
need to prepare kasi ikaw ang date ko." Napaawang ang bibig ko, nakaramdam na naman
ako ng kirot na hindi na ako masyadong familiar pa nitong mga nakaraang araw.
Anong date? At talagang mukhang si Laxer pa yata ang nagyaya sa kanya na maging
date sa painting's auction na yun? "Oh! Hi Jearri!" Nag-aalangan akong kausapin
sila ngayon. Mukhang mali na naririto ako. Si Laxer ay seryoso lamang nakatingin sa
akin, kakaiba ang nararamdaman ko ngayon, bakit ba kasi ang hirap basahin ni Laxer?
"Hi po Ma'am Shantal." Ngumiti ako na hindi man lang umabot sa mga mata ko. Pero
wala akong pakialam lalo pa't nagseselos ako ngayon. Sino namang hindi diba?
Pinipigilan ko na nga lang mapataas 'tong kilay ko.
"Jearri..." Mahinang tawag sa akin ni Laxer. His expression softened, tila gumaan
ang pakiramdam ko nang dahil doon.
"Hello po sir Laxer. Ay nga po pala... Hindi pa po ba kayo aalis? Narinig ko po
kasing maghahanap si Ma'am Shantal ng gown para po sa date niyo." Binigyang diin ko
ang bawat salitang sinabi ko. Tinitigan ko si Laxer, sinubukan ko kung makukuha
siya sa tingin at maiintindihan niya ang gusto kong iparating sa kanya. Aba't
nakuha pang ngumisi nito, mukhang balak pa atang mang-asar.
"Thanks for reminding us Jearri." He patted my head. Aba't nang-asar pa lalo.
Humanda ka sa akin mamaya. "Let's go Shantal." Inakbayan pa niya ito hanggang sa
tuluyan na silang nawala sa paningin ko. Nagsalubong nang tuluyan ang kilay ko.
"Oh hija... umuusok na yang ilong mo sa galit." Kumalma naman ako nang marinig ko
ang boses ni Manang Agnes.
"Manang naman eh..." Parang batang sabi ko sa kanya. "Hindi naman umuusok eh."
Napailing na lamang ito sa akin.
"Ikaw talagang bata ka." Natatawang sabi niya at ginulo niya pa ang buhok ko. "Wag
ka nang magalit. Mahal ka nun." Pahabol pa ni Manang na may halo pa talagang pang-
aasar. Namula naman ako lalo dahil sa kahihiyan. Hindi ako makapag-concentrate sa
paggawa ng assignment sa Psychology nang dahil sa Laxer na yun, nakuha niya pa
talagang mang-asar!
"Argh!" Dumapa ako sa kama at sumigaw sa may unan ko. "Nakakainis!" Naglupasay
akong parang bata sa kama dahil hindi ko na talaga maipaliwanag pa ang inis na
nararamdaman ko ngayon. Hindi niya ba maramdaman na nagseselos ako! Nagseselos ako!
Napadako naman ang tingin ko sa cellphone kong nag-vibrate. Tiningnan ko kung sino
ang nag-message. Halos malaglag ang panga ko nang mabasa ang text ni Josef.
From Josef:
Be my date. Saturday night. Paintings Auction. Don't try to refuse. He didn't ask
you to be his date. I'm pretty sure of that.
Ilang minuto rin akong natulala sa message niya. Paano niya nalaman? Papayag ba
ako? Hindi pwede kasi baka magalit si Laxer... Niyaya niya ngang date si Shantal
eh, nagproprotesta na ang dapat kong gawin sa isipan ko. Nalilito na ako.
Nag-isip akong mabuti. Mapakla akong napangiti, mabuti pa si Josef naalala ako...
Some people will make you feel appreciated even with simple things. Napabuntong-
hininga ako, Laxer failed me this time. I know we are not yet in a relationship,
but I guess I have the right to demand? Or not. Nalilito na talaga ako.
Hindi naman masamang pumayag, may date naman si Laxer at hindi ako iyon. Tsaka
siguro ito na ang huling pakikipag-usap ko kay Josef, para naman makabawi ako sa
kanya. I am still his friend I guess, or probably not, but I still wanted to treat
things between as casual as I can.
Okay :)
I replied to agree.
From Josef:
Can I fetch you today? I bet wala naman diyan yung boss mo diba?
Mabilis ang naging reply niya, mukhang hinintay niya ang magiging sagot ko sa
imbitasyon niya.
Paano mo nalaman? Tanong ko sa kanya.
FromJosef:
I told you, I got my own ways. ;)
I'll fetch you okay?
Gumagawa ako ng assignment sa Psychology. Kahit ang totoo ay patapos na ako sa
assignment ko. Isang sentence na nga lang ang ita-type ko. Reaction paper lang
naman kasi 'tong assignment namin. Tinype ko na yung last sentence at mamaya ko na
lang siguro ipro-proofread 'to.
From Josef:
I can help you do that.
Hindi na. Tapos na ako. Kakatapos lang. Reply ko. Kakatapos ko lang din naman kasi
ngayon-ngayon lang. Ginilid ko muna ang laptop ko at tsaka binasa ang reply ni
Josef.
From Josef:
So pwede na kitang sunduin ngayon?
See you when I see you ;)
Pumayag na akong makipagkita sa kanya ngayong araw, wala na rin naman kasi akong
kailangan pang gawin.
I shut down my laptop na binili ni Laxer, he insisted it.
Ayoko naman din kasing isipin niya na pera niya lang ang habol ko sa kanya. Yun din
ang isa sa mga dahilan kung bakit ayokong ipaalam sa iba ang tungkol sa amin, kahit
wala pa namang kami...syempre sa mundong 'to, ano na lang ang iisipin nila.
Yung personal maid niya naging girlfriend niya, gusto ko nga sanang makapagtapos
muna para kahit papaano ay may maipagmamalaki ako. Iba pa rin kasi talaga ang
makapagtapos sa kolehiyo at magkaroon ng sariling degree.
Tinext ko ulit si Josef na sa park na lang kami magkita kasi mahihirapan siyang
makapasok dito sa mansion. Sumang-ayon naman siya sa akin. Wala pang tatlumpong
minuto ay nakapag-ayos na ako ng sarili at umalis na ako papuntang park pero
nagpaalam muna ako kay Manang Agnes.
Nakita ko ang isang pamilyar na kotse. Bumaba ito ng sasakyan na animo'y isang
model. Sa suot ba naman kasi niyang white v-neck shirt with black leather jacket,
casual pants and rubber shoes na halatang mamahalin. At naka-shades pa ang loko,
napatingin naman ako sa suot kong simpleng black off shoulder top at white pants,
parang nagmukha akong personal assistant niya.
Bihira ko rin naman kasing suotin 'to, isa 'to sa pinaka-matinong damit ko.
Binilhan ako ng mga bagong damit ni Laxer pero nahihiya akong isuot ang mga 'yon
dahil sa nakakahilong presyo, ang mamahal kasi.
"You're drooling." I get back to my senses. Napakunot naman ako ng noo. Kinapa ko
ang bandang bibig ko at baka nga tumulo na ang laway ko. Nakakahiya nang sobra kung
ganoon nga.
Hinampas ko siya sa braso, nang-aasar na naman kasi! I'm not drooling over him.
"Joke lang! May pagkasadista ka pala." At tumawa siya nang pagkalakas-lakas. Parang
bumalik kami sa dati, mukhang nawala na rin sa isip niya yung tungkol sa huling
usapan naming. Mas mabuti na rin siguro yun.
"Tsk. Ewan ko sayo. Ikaw nga, matuto kang gumalang sa mas matanda sayo." Piningot
ko ang tainga niya. Namula naman agad ito, naalala kong mabilis nga pala siyang
pamulahan ng tainga.
"Aray ko naman." Sabi niya habang hinihimas ang tainga niyang piningot ko. "Hindi
ka ba naniniwala sa kasabihang age doesn't matter, it's just a number." Sinamaan ko
siya ng tingin. "Ito na nga eh. Sabi ko nga aalis na tayo." Pinatunog niya ang
kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Gentleman as always.
"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ko ang seatbelt ko.
"We'll have a date." Simpleng sagot niya na hindi man lang ako tinitingnan. Nanlaki
naman ang aking mga mata. Hindi ako pwedeng makipag-date sa kanya, magagalit si
Laxer. "Just kidding." He grinned.
Parang si Laxer, ang lakas mang-asar. "We'll get your gown ready... for the
painting's auction." Saglit niya akong nilingon. He gave me a genuine smile.
Narating namin ang shop ng mga gown na sinasabi ni Josef kanina. "Good morning Sir
Josef. Kanina pa po kayo hinihintay ni Madame." Sabi nung babae sa front desk na
halatang-halata ang pagkakilig kay Josef. Nakakapagtaka naman, 18 years old pa lang
'tong si Josef pero parang ang mature niya na. Kung titingnan mo nga parang mas
mature pa siya sa aming dalawa. Tsaka, invited din siya sa paintings auction, ganun
ba talaga siya ka-impluwensiya at kayaman? Parang si Laxer lang.
"Oh my God. Josef! Long time no see." Nakipag-beso siya sa isang magandang babae na
simple lang ang suot na damit subalit halatang elegante, mukhang siya ang may-ari
nitong shop.
"Yeah. Long time no see. Anyway. Marga, I want you to get the best gown you have
here. She's going to try it." Napatingin naman sa akin yung magandang babae. Napa-
whoa pa nga siya at awkward naman akong napangiti sa kanya. Tumawag siya ng isang
staff at may ibinulong dito.
"Come, you two... take a seat." Umupo muna kami sa isang sofa rito sa shop.
"Nga pala Marga, she's Jearri..." May balak pa sanang idugtong si Josef ngunit
pinigilan niya na lamang ang kanyang sarili.
"Oh she's the girl. Maganda nga siya. Kaya naman pala." Kinindatan pa ako ni Marga.
Nahiya naman ako bigla. "I'm Marga, pinsan ko si Josef." Ngumiti siya sa akin at
ganoon rin ako sa kanya.
"Hindi naman pero salamat. Kaibigan naman at kaklase ako ni Josef." Bihira lang
kasi ako makatanggap ng ganyang papuri.
"Aw, friendzoned pala ang pogi kong pinsan." Ang lakas din palang mang-asar nitong
pinsan ni Josef. Nahiya tuloy ako.
"Anyways, naka-ready na ang gown. It's a fitted and flare red applique bodice
illusion back long evening gown." Ano raw? Hindi ko masyadong naintindihan pero
mukhang maganda naman base sa tawag, tsaka halatang pang-mayaman. "Halika..."
Sumunod naman ako sa kanya sa fitting room, may dalawang babaeng staff na umalalay
sa akin sa pagsusuot nitong gown kasi sobrang hirap nitong isuot at may kabigatan
din.
"Ang ganda mo po ma'am."
"Bagay na bagay po sa inyo ang color red dahil sa kaputian mo po."
"Salamat." Na-awkward-an na talaga ako kapag may pumupuri sa itsura ko. Hindi ko
kasi kailanman nakita ang sarili ko bilang isang magandang babae. Umikot ako
paharap sa kurtina at dahan-dahan nilang binuksan ang kurtina. Nanlaki ang mga mata
ko nang bumungad sa akin ang isang lalaking nakangiti sa akin suot ang kanyang
magarang damit.
"Sabi ko na nga ba't babagay sa gown niya itong dark grey flannel three piece wool
suit with oatmeal knitted herringbone bow tie." Umakbay pa si Marga kay Josef.
Okay. I was beyond speechless again.
"Kukunin ko 'to tsaka yung gown niya. It perfectly suits her." Ngumiti ulit siya sa
akin. God. Sobrang bait niya.
"Let's get change Jearri, baka hindi ko na kasi mapigilan pa ang sarili ko at baka
ngayon ay madala na kita sa simbahan para mapakasalan." Napaawang ang bibig ko at
siya naman ay ngumisi muna sa akin bago umalis.
Naghagikhikan naman ang dalawang babaeng staff na tumulong sa akin sa pagsusuot
nito. Ang totoo niyan ay hindi ko alam ang ire-react ko. "Bagay talaga kayo ni Sir,
Ma'am...sana magkatuluyan kayo. Ang swerte niyo po kasi sa isa't-isa kung
mangyayari yun."
Mas lalo tuloy akong nakonsensiya nang maisip ko si Laxer. Siguro mali ang desisyon
ko na sumama kay Josef lalo pa't may Laxer na talaga ako ngayon. Nagiging unfair
din ako kay Josef dahil alam naman namin pareho na hindi ako ang babaeng para sa
kanya, at hindi rin siya ang lalaking para sa akin.
I don't want him too assume, because I am very familiar of how it feels like to
assume and get rejected after. Ano ba itong nagawa ko?

[ 17 ChapterSixteen ]
-------------------------------

Trivia: I got Laxer's surname Del Valle from my classmate's surname, which is also
a close friend of mine :)
---
The paintings auction was beyond how I imagine it was. The black and gold themed
made it more elegant. Wala talaga akong mapaghambingan nito dahil ito ang unang
pagkakataon na dumalo ako sa ganitong okasyon pero alam kong maganda at elegante
talaga ang preparasyon na ginawa nila para rito.
Walang kaalam-alam si Laxer na narito rin ako ngayon.
Halos isang linggo lang naman kasi kaming hindi nagpansinan. Ako ang umiiwas sa
kanya at hindi niya man lang ako nagawang suyuin. Alam kong mali na hindi ko sinabi
ang dahilan ko kung bakit ako naging ganun sa kanya, pero kahit effort naman sana
na alamin niya ay sana man lang ginawa niya.
Pakiramdam ko tuloy ay bumabalik na naman kami sa dati na wala na naman siyang
pakialam. Parang ako lang ang nagmamahal nang sobra sa aming dalawa. Alam kong mali
ang higit na pagmamahal dahil baka wala nang maitira pa para sa sarili ko, pero
alam kong nararapat ito para sa kanya. Kahit naman ganito ang sitwasyon namin ay
mahal na mahal ko pa rin siya.
Hindi ko maiwasan ang pagpupuyos pa rin ng damdamin ko nang kunin ni Josef ang
kamay ko para mailagay sa kanyang braso. Thinking Laxer doing the same thing with
Shantal makes my heart beats so fast. Parang kinukurot ang dibdib ko kapag naiiisip
iyon.
My heart skipped a beat when Josef handed the invitation to one of the staff of
this big event. This auction felt more than elegant that I feel so out of place
right now.
Grabe! Nakakalaglag panga talaga. Halatang mayayaman ang mga bidders mamaya.
Bidders nga eh, natural mayayaman ang mga 'yon. Kinakabahan akong baka makita ni
Laxer, umuwi na lang kaya ako... parang hindi naman kasi talaga ako bagay dito.
Tsaka kahit si Josef, siya ata ang pinakabatang na nandito. He is so influential,
being an eighteen year old and yet invited to this kind of event.
"Relax. Just hold on me tight." Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay kong
nanlalamig na talaga sa sobrang kaba, marahan niyang tinapik-tapik ito. Nagsimula
na kaming maglakad papalapit sa ibang mga bidders. They're talking about things I
don't understand and I'm not even planning to understand, not a single.
Noong unang hakbang namin sa loob ng event hall ay dumako ang tingin sa amin ng mga
naririto. May ilang hinagod ako ng tingin mula ulo pababa. Ngumiti sila sa akin sa
hindi malamang dahilan, nahihiyang ngumiti ako pabalik sa kanila.
May ilang nilapitan si Josef upang makausap niya. At may ilan ding lumapit sa kanya
habang nasa tabi niya ako. Hindi ko maintindihan ang usapan nila kaya tahimik na
lamang ako sa tabi niya. Pinakilala niya naman ako pero sadyang hindi ko talaga
maintindihan ang usapan nila.
"Oh... Mr. Del Valle is here. Excuse us for a while." Magalang na nagpaalam yung
kausap ni Josef. Naagaw ang atensyon ng lahat nang dumating si Laxer kasama ang
date niya. Naka-suot lamang ito ng isang simple subalit elaganteng three piece grey
pinstripe suit. Mas lalo siyang gumwapo.
Nakipag-kamay siya sa halos lahat ng bidders na nandito. Mukhang tuwang-tuwa ang
mga bidder na umattend siya. Ganun din naman si Shantal, medyo naririnig ko pa ang
bawat pasasalamat niya sa mga pumupuri sa kanya dahil sa ganda niya at simple
subalit elegante ring suot niyang black and white fitted halter long gown. Alam ko
ito dahil pinakita rin sa akin ang ganitong style ng pinsan ni Josef.
Ilang sandali pa'y nagsimula nang magsalita ang host nitong event. Mukhang si Laxer
nga lang ang hinihintay dito bago magsimula. Billionaire nga naman talaga. Wala
akong maintindihan sa pinagsasasabi ng emcee dahil sa wala rin naman akong interes
sa mga painting. Tsaka si Laxer lang ang tinitingnan ko na mukhang enjoy na enjoy
kasama ang date niya.
Hindi ko rin maiwasang maidako ang mata ko sa buffet. Parang kakalam pa ata ang
tiyan ko dahil mukhang masasarap talaga ang mga pagkaing inihanda rito. Halatang
pinaghandaan talaga ito ng sobra-sobra.
Pero kahit ibaling ata ang tingin ko sa pagkain ay napabalik pa rin ulit ako ng
tingin kina Shantal. Nakakaselos talaga. Aba't kung makakapit naman 'tong si
Shantal. Alam kong wala akong karapatan na umasta na ganito dahil hindi pa naman
kami, pero kasi naman. Nakakalungkot talaga, binigyan na kasi ng karapatan ang
isa't-isa, hindi pa ba iyon sapat para maramdaman ko ito.
Nagsimula na rin ang paintings auction at wala pa rin akong pakialam. Malay ko ba
riyan. Napadako muli ang tingin ko sa buffet.
Hindi ba pwedeng kumain muna bago mag-bid para sa paintings, mukha pa naman
talagang masasarap yung mga pagkain dito.
"Five hundred thousand pesos, going once... going twice." Yan ang mga naririnig ko
ngayon. Pinapanood ko lang si Laxer at mukhang wala pa siyang balak mag-bid.
Pinagmasdan ko naman ang mga paintings. "One million pesos, going once... going
twice." Napanganga ako sa sobrang laki nung bid nung lalaking malapit sa pwesto
nila Laxer. Tiningnan ko yung painting na pinag-aagawan nila. Okay. Hindi ko gets.
Bakit ang simple lang naman nung painting tapos ganun kalaki ang bid niya.
Rich person be like... Hindi ko talaga sila maintindihan. Napakalumbaba na lamang
ako habang pinapanood ang lalaking tuwang-tuwa dahil wala nang mas mataas na bid sa
one million pesos niya. Tinataasan ako ng balahibo sa tataas ng mga bid nila.
Parang wala nga lang sa kanila ang ganun kalaking pera.
Huling painting na ito. Napabuntong-hininga ako. Kaso, nakakapagtaka kasi hindi pa
nagbigay ng kahit anong bid si Laxer. Pero bahala siya, ang mahalaga ay matapos na
ito. Makakakain na rin ako sa wakas. Natatawa ako sa sarili ko, pinipilit ko
talagang ibaling ang atensiyon ko sa ibang bagay kahit ang totoo ay bumabalik at
bumabalik pa rin talaga kay Laxer ang buong atensiyon ko.
Before revealing the last item, the emcee describe it, making the bidders more
eager to have it. Na-curious ako kaya dumiretso ang tingin ko sa unahan, ano kaya
iyong painting na iyon? Mukhang mahalaga iyon na ang buong event place ay
tumahimik, ang lahat ay nakikinig lamang sa emcee.
Nang tuluyan na itong maipakita sa lahat ay napatulala na lamang ako.
I don't understand most of the painting pero ito, I can't point out what's the
meaning pero alam ko sa sarili ko kung ano. Gets niyo ba? Hindi ko masabi pero dama
ko yung meaning ng painting... it's like the...art of forgetting, moving on and
moving forward. Seryoso! Yan ang pagkakaintindi ko rito. Ewan ko lang sa iba. Pero
diba pwede namang iba-iba ang pagkaka-interpret natin sa meaning ng isang painting.
Ang ganda.
"One million pesos." My jaw dropped nang makita kong naka-half raised ang right
hand ni Josef. Namilog ang mga mata ko. Seryoso ba talaga siya? As in yun! Nagbigay
siya ng bid na one million pesos for that painting, that is a big amount of money!
"One million pesos, going once... going twice." Tugon agad ng emcee.
"One million one hundred thousand pesos." May isa pang nag-bid.
"One million five hundred thousand pesos." Hinigit ko ang suit ni Josef para
pigilan siya. Hindi ko lang talaga makaya na marinig pa ang bid niya.
"One million five hundred thousand pesos, going once...going twice." Mabuti na
lamang at hindi pa napapatingin sa gawi namin si Laxer dahil busy ito sa pagtingin
sa kanyang cellphone at si Shantal naman ay umalis ata para mag-CR.
"One million five hundred fifty thousand pesos." May nag-bid pang isa. Seryoso ba
sila?
"One million five hundred fifty thousand pesos, going once...going twice."
"Two million pesos." My eyes widened.
"Josef. Uy! Tama na! Gusto mo ba talaga yang painting?" Maganda naman kasi talaga
yung painting kaso... nakakaloka yung bidding amount nila.
"I know you like it, that's why." Ngumiti pa siya sa akin. "Please Sir. My fiancée
really wanted to have it so please..." Hala! Ano ba yung pinagsasasabi niya?
"I really love my future wife... I wanted to give her all the best in life. I
wanted to give her what she wants. I wanted to make her happy because making her
happy will make me happier than any other man." Napatakip na lamang ako ng mukha
dahil sa kahihiyan, ngayon kasi ay nasa aming dalawa na ang atensiyon nilang lahat.
Napanganga na lang ako nang hinigit niya ako, kaya sabay kaming napatayo, hinapit
niya ako sa may baywang ko. "Wife, I know how much you wanted it. I can give you
everything, I know you're aware of that. I can always do anything for you." Alam ko
namang umaarte lang siya ngayon. Baka kasi gusto niya talaga ang painting at naisip
niyang gumawa ng kwento para sa kanya na mapunta ang painting. Ano bang pumasok sa
isip ng isang 'to. Naagaw na talaga namin ang lahat ng atensyon dito...
Napatakip ako ng bibig nang ilibot ko ang tingin ko sa buong lugar. Hindi ko alam
kung saan pa ako kukuha ng lakas ng loob para magpang-abot ang tingin naming dalawa
ni Laxer. Shit! Matalim ngayon ang titig na ipinupukol sa akin ni Laxer, napakapit
tuloy ako sa suit ni Josef, at dahil doon ay mas lalo lamang umigting ang kanyang
panga.
"Three million pesos." Naghalf-raised ng right hand si Laxer. May diin sa pagsabi
niya ng kanyang bid. Pero imbis na sa emcee siya nakatingin ay sa akin siya
nakatingin ngayon.Diretso lang siyang nakatingin sa akin, napalunok naman ako.
Kinakabahan na ako lalo.
"Three million five hundred thousand pesos." Napatingin ako kay Josef na ngayon ay
may ngisi sa kanyang mga labi. Mukha pa siyang naghahamon ng away. Bakit ngayon pa?
"Four million pesos." Halata ang inis at pagka-irita sa boses ni Laxer. Halata ring
galit na ito. Hindi lang galit. Sobrang galit.
"Ten million pesos." Oh my God. Tama na Josef! Hindi na ako mapakali. Hindi ko na
alam ang gagawin ko. Naiiyak na ako sa kaba, napakagat na rin ako ibabang labi ko.
"Fifteen million pesos." Muling bid ni Laxer. Grabe! Ano na 'tong nangyayari
ngayon. Paano kami humantong sa ganito?
"Sir... I know this is too much to ask but please... my fiancée wants that painting
so much. Please... allow us to have it. The painting will be her happiness and she
is my happiness." Halata ang pang-aasar nitong si Josef kay Laxer. Napa-face palm
na lang ako, paano na ito? Lalo lamang magagalit si Laxer. Hindi ba kilala ni Josef
kung sino ang kinakalaban niya ngayon?
"Please... Mr. Del Valle, I love her, I love her---" Nagulat ako nang sa isang
iglap ay bumulagta si Josef sa sahig pero agad din naman siyang tumayo at pinahid
ang dugo malapit sa kanyang labi.
"Hala. Josef! Dumudugo yang labi mo." Natataranta kong kinuha ang panyo ko at
pinahid ang dugo sa kanyang labi, napa-aray naman siya kaya dinahan-dahan ko
kaso...
"Fuck you! Damn you! How dare you claim what's mine! She's not your fiancée!"
Nagulat ako nang bigla na namang sinuntok ni Laxer si Josef! Hindi ko na alam ang
gagawin ko. May mga umaawat na sa kanila pero parang nahihilo na ako. "She's mine.
She's my girl. She's not yours! She'll never be yours! So fucking get lost!"
Natatakot ako sa galit na galit boses ni Laxer.
Ngayon ko lang siya nakitang magalit nang ganito.
"Sa ngayon... hindi pa siya sa akin. But I know soon." Ngumisi pa si Josef. Susugod
na ulit sana si Laxer pero pinigilan ko na ito. "I will have her soon, bear that in
mind Del Valle." Seryosong sabi naman ni Josef na siyang ikinagulat ko.
"Tama na please..." Mangiyak-ngiyak kong pagpigil sa kanya. He held my face.
Nagbabadya na ring magsitakasan ang mga luha sa aking mga mata.
"Fuck! Shit!" His jaw clenched. "Come with me. We're going home now." Malamig
niyang sabi sa akin.
"Pero si Josef..." Nanginginig ang labi nang sinabi ko ito sa kanya, nag-aalangan
din akong sumama sa kanya, paano na lang si Josef.
"Fuck it! I said we're going home! Leave that fucking boy alone!" Natakot ako sa
sigaw niya kaya nagpatianod na lang ako sa paghila niya sa akin.
I'm sorry Josef.
Sandali kaming tumigil at wala akong ideya kung nasaan na kami, medyo malayo na ang
distansya nito sa event place. Sa likod ko ay isang pader na lamang. Ang bilis ng
tibok ng puso ko na hindi ko na alam kung paano ba kami humantong sa ganito.
"Why are you with him?" Pumikit siya nang mariin, halata pagpipigil ng sobrang
galit ang ginagawa niya ngayon. "Ano? Fiancé mo na siya ngayon?!" Ngayon ay muling
nag-alab ang galit niya nang hindi ko nasagot ang tanong niya.
"Stop shouting at her! Kaya umaayaw sayo eh, masyado mong kinokontrol." Namilog ang
mga mata ko nang biglang sumulpot si Josef, may pasa siya sa kanyang mukha, naawa
ako sa hitsura niya ngayon, at kung maaari ko lang lapatan ng paunang-lunas ay
ginawa ko na.
Wala naman siyang kasalanan dito.
"Kid. Shut the fuck up." Simpleng sagot ni Laxer at hinila niya na akong muli, agad
namang kinuha ni Josef ang kabila kong kamay kaya nahinto siya sa paghila sa akin.
Nagtiim-bagang si Laxer, ganoon din si Josef, ramdam na ramdam ko ang tensyon sa
kanilang dalawa, lalo pa't nasa gitna lamang nila ako.
"Josef..." Nagsusumamo akong tumingin sa kanya, ayoko nang madamay pa sa kung ano
mang hindi pagkakaunawaan namin ni Laxer ngayon. "I need to fix it. I'm sorry."
Kahit kitang-kita ko kung paano dumaan ang sakit sa kanyang mga mata ay ako na
mismo ang pilit na bumitiw sa pagkakahawak niya.
"Let her go again, I'll make sure you'll never have her again." Siya na mismo ang
tumalikod at naglakad papalayo sa aming dalawa.
I felt upset for him. He never deserved any of these. He's too young to be in this
kind of situation and I felt responsible for everything.

[ 18 ChapterSeventeen ]
-------------------------------

Muli niya akong hinila paalis sa lugar na iyon. "Aray ko... Laxer... nasasaktan
ako." Naiiyak kong sabi sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. Dire-diretso lang
siya sa paghila sa akin kaya kahit nasasaktan na ako ay nagpatianod na lang ako sa
paghila niya.
May nag-abot sa kanya nung susi ng dala niyang kotse. "Get in." Hindi man lang siya
nag-abalang pagbuksan ako. Mas lalo akong naiiyak. "Fuck! I said get in!" Singhal
niya sa akin kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumakay sa kotse.
Ibang-iba ang Laxer na kasama ko ngayon. Tumahimik na lamang ako buong byahe. Hindi
niya man lang ako pinapansin, ni kahit isang beses hindi man lang niya ako
tinapunan ng tingin.
Nang makarating kami sa mansion, hinagis niya lang ang susi sa isang body guard
niya at dire-diretso siyang pumasok sa loob ng mansion, hindi ko mawari ang dapat
kong gawin, hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya kaya hindi ko sure kung dapat
ko ba siyang sundan.
Nagulat na lamang ako nang binalikan niya ako. Hinila niya na naman ako, pero this
time hindi na masakit. Dinala niya ako sa kwarto niya. Umupo siya sa gilid ng kama
sabay gulo sa kanyang buhok. Nanggigilid na naman ang mga luha ko, my heart feels
like about to explode. I just can't contain myself anymore. My heart felt so bad,
so hurt at the same time.
Bakit siya ganito? I know I wasn't thinking right that time. Kung bakit ba naman
pumayag ako sa gusto ni Josef. It's just that, I found it unfair, I was supposed to
be his, but he chose Shantal over me. "I know I'm not that kind of girl you can
display to the whole world, I'm sorry for failing you." Kumawala ang mga luha mula
sa aking mga mata. "I'm sorry if I wasn't enough that you can't even take me to
events like that." Naninikip ang dibdib ko.
Niluwagan niya ang necktie niya, halatang-halata na frustrated siya.
"Putangina talaga!" Mukhang pati yung necktie ay napagbuntungan niya ng galit.
"Damn! Why can't this fucking necktie cooperate with my hand?" Sumasakit na ang
tainga ko sa paulit-ulit niyang pagmumura. Is he that mad?
I'm not sure if he heard what I said.
"Ako n-na..." Nanginginig akong lumapit sa kanya. Para naman siyang lumambot bigla
nang lumapit ako sa kanya. Pinantayan ko siya at dahang-dahang ko inalis ang
necktie niya. Hindi ko siya tinitingnan sa kanyang mga mata. Nate-tense ako, alam
kong galit pa rin siya hanggang ngayon. Nakakainis! Nagpadala kasi ako selos kaya
ayan tuloy.
"S-sorry..." At doon na bumuhos pang lalo ang mga luha ko. I cried. I cried a lot.
"Sorry... sorry... sorry..." Napatakip ako sa aking mukha at mas lalo pa akong
napahagulhol. Nanginginig ang balikat ko dahil sa paghagulhol.
Natatakot ako... Natatakot akong magalit siya sa akin at iwan niya ako. Natatakot
ako na baka paalisin niya na lamang ako sa buhay niya. Natatakot ako na baka ma-
realize niyang mas deserving si Shantal kaysa sa akin.
Nagulat ako nang tumayo siya at dahan-dahan niya rin akong tinayo. Niyakap niya ako
nang sobrang higpit.
"Shhh... stop crying." His voice broke. "Baby, I'm sorry." Parang tumigil sa
pagtibok ang puso, hearing him say that makes my heart felt the worm. Kakaiba sa
pakiramdam, masarap sa pakiramdam. But my heart stays aching, and I don't even know
why. "Please look at me... I'm sorry. Ako dapat ang nagso-sorry sa'yo." He said as
he caressed my back. "I love you... I love you... please stop crying." Halata sa
boses niyang naiiyak na rin siya. "I'm sorry if I got jealous. I'm not mad at you.
I'm jealous and mad at the same time with that fucking guy!" May diin sa
pagkakasabi niya nito, mas lalong humigpit ang yakap niya, ilang minuto akong
sumandal lamang sa dibdib niya habang humihikbi.
"Wag ka nang magalit sa kanya." Umalis ako sa pagkakayakap at tinitigan siya sa
kanyang mga mata. "Kasalanan ko... pumayag akong maging date siya. Nagselos kasi
ako. Nagselos ako kay Shantal kasi siya yung niyaya mong maging date. Hindi mo man
lang naisip na tanungin ako. Pero alam ko namang choice ko 'to eh. Na ilihim 'tong
tungkol sa atin. Sadyang nagpadalos-dalos lang ako. I'm sorry." I know I am the one
responsible for what happened.
Being mature meant that you know when to accept that it's your fault or mistake.
"No... it's my entire fault. I should've asked you first, though I know paintings
are not your thing. Naisip ko lang si Shantal because I treat her like my sister
and she loved paintings so much. It wasn't a date. Siya lang ang nag-isip nun. I
can't just break her heart, kaya pinagbigyan ko na lang. But if you want I can tell
her na ikaw ang mahal ko. Ikaw ang babaeng gusto kong makasama hanggang pagtanda
ko." I was touched. Yung nararamdaman kong insecurities ay nawala sa isang iglap.
We girls, wanted that assurance. That it shouldn't be all actions all the time, we
need to hear the words also. Although actions speak louder than words, we also need
the words for us to trust those actions more.
"Hindi... Mabait si Shantal at ayokong masaktan siya. Kaya please wag mo munang
sabihin sa kanya." Pakiusap ko sa kanya. I know he's against with my idea pero wala
na rin naman siyang nagawa kundi ang pumayag. "Nga pala... si Shantal, naiwan siya
dun sa---"
"She already left. She had an urgent meeting to attend to kaya mas nauna na siyang
umalis." He assured me. Napangiti naman ako sa kanya.
"Eh yung nangyari dun... hindi ba kakalat yun? Paano kung malaman nila yung tungkol
sa atin." Napayakap ulit ako sa kanya at sinandal ko na lamang ang ulo ko sa dibdib
niya.
"Don't worry I'll call someone to fix it." He said as he kisses the top of my head.
Ilang minuto din kaming nanatili sa ganoong posisyon. Silence takes over.
Pero binasag niya rin agad ang katahimikang yon. "Can you sleep with me just for
tonight?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko kaya naman agad ko siyang naitulak.
He grinned at me. Aba't siraulo 'tong lalaking 'to. "What? Hindi ka man lang ba
babawi sa akin?" He pouted and I give him a one swift kiss. Halata namang nagulat
siya.
"Oh ayan bawi na ako. Sige na. Lalabas na ako. Matulog ka na. Good night. I love
you." Dire-diretso kong sabi. Palabas na sana ako nang kanyang kwarto nang bigla
niya akong hapitan palapit sa kanya.
"I'm still mad. Hindi sapat yun." He said huskily. My God! Nang-aakit pa ang loko.
Nagpapaakit ka naman.
"Sabi mo kay Josef ka galit. Eh di sa kanya ka humingi ng pambawi. Yayain mo siyang
matulog kasama ka." Biro ko sa kanya at mukhang hindi naman niya nagustuhan ang
biro ko kaya napanguso na lang ako at nilibot ang tingin sa buong kwarto.
"I'm dead serious. Sleep with me tonight. Please..." Nakikiusap siya at kitang-kita
ang pagsusumamo niya sa kanyang mga mata. Eh kasi... "Baby...please..."
"Ayoko. Di pa ako ready." Bulong ko pero narinig pala niya.
"What?" He frowned. "Hindi ka pa ready'ng matulog?" Ano raw? Diba sabi niya kung
pwede raw akong matulog kasama niya. Oh crap! Matulog lang Jearri! Kung ano-ano na
naman 'yang iniisip mo. Napalo ko naman ang noo ko. Ang advance kong mag-isip bakit
ganun.
"Don't tell me you want us to..." Tinakpan ko ang bibig niya na agad niya rin
namang tinanggal. Nagulat ako nang hilahin niya ako paupo sa lap niya.
"I like that idea of yours." He smirked at napatungo na lamang ako sa kahihiyan.
Nilagay niya ang kamay ko paikot sa leeg niya habang nakaupo ako sa lap niya. He
tried searching for my eyes. Minsan talaga hindi ko gusto 'tong tumatakbo sa utak
ko, lagi na lang akong napapahamak.
"Heh! Ang ibigsabihin ko ay... ano... ano, tama ka hindi pa ako ready... na
matulog. Kasi tingnan mo nga! Naka-gown pa ako." Jusko! Sana paniwalaan niya ako.
"I'm not buying your excuse, baby..." He said seductively before he claimed my
lips.
Sa una'y mabilis niya akong hinalikan hanggang sa bumagal ito. Naramdaman ko na
naman ang panlalambot ng mga tuhod ko. Mabuti na lang at nakasuporta siya sa akin,
mas humigpit ang kapit ko sa may leeg niya. I don't know how to kiss yet, but I'm
learning from him.
God. I'm crazy in love with this man. His hands caressing my exposed back sent
shivers down to my whole system. Mas nanghihina ako sa paraan ng paghalik niya
ngayon. It makes me feel the cold and warm feeling at the same time, and I just
couldn't just stop right here.
Mas lalo akong nanghina tuwing pinapaulit-ulit niya and that's when I lost myself
to him once again. We are both catching our breath, but no one wanted to end this
kiss.
Without breaking the kiss, nagulat ako nang bigla niya akong buhatin in a bridal
style, napahawak ako nang mahigpit sa batok niya. He slowly put me down on the bed.
Namalayan ko na lamang pababa na nang pababa ang halik niya sa leeg ko down to my
chest.
Sinubukan niyang dahan-dahang alisin ang suot kong gown. "Fuck!" Napahiwalay kami
sa isa't-isa. I saw how frustrated he was. Para naman akong ewan na nakaramdam ng
pagkabitin. "Maybe it's better if we should just go to sleep." Sabi niya at tumungo
na siya sa kanyang banyo.
"Ugh! I hate that fucking gown." Ginulo niya pa ang buhok niya. Natawa naman ako.
Mahigpit nga ang pagkakasuot sa akin nitong gown at fitted pa kaya naman mahirap
talagang hubarin.
Ayan pati gown, napagbuntungan ng inis. I laughed at the thought.
Lumabas muna ako sa kwarto ni Laxer at nagtungo kay Manang Agnes para magpatulong
na hubarin 'tong gown ko. Grabe halos kalahating oras din bago namin tuluyang
mahubad 'tong gown ko. Nagpalit muna ako ng pantulog kong oversized t-shirt at
pajama.
Nagpaalam ako kay Manang Agnes na hindi ako sa kwarto namin matutulog, hindi naman
siya nagtanong. Nakakapagtaka na hindi man lang niya ako tinanong kung saan ako
matutulog. Ay basta. Umakyat na ako sa kwarto ni Laxer, mukhang hindi pa umuuwi si
Shantal.
Naabutan kong nagte-text si Laxer gamit ang latest model niyang iPhone, mukhang
importante kaya hindi niya na ako napansing pumasok.
Nang makita ko kung sino yung ka-text niya, nawala naman agad ang ngiti ko sa
labi... Si Shantal pala. Napatingin siya sa akin nang mapansing nakatayo na ako
malapit sa kanya. Busy kasi makipag-text kay Shantal. Okay. nagseselos na naman
ako. Sino ba naman kasing hindi!
"Matulog na tayo." Sabi ko sa kanya nang ilapag niya sa katabing table ng kama ang
kanyang iPhone. Humiga ako sa kabilang side nitong kama, tinalikuran ko siya.
Sobrang laki ng space sa aming dalawa, dahil sa king size itong kama ni Laxer.
Nagtalukbong ako ng kumot, matutulog na nga alang ako.
Wala pang isang minuto ang nakakalipas ay naramdaman ko na agad ang pagyakap sa
akin ni Laxer mula sa likuran ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil nagseselos na
naman ako. "Hey... you mad?" Tanong niya sa akin habang unti-unti niyang
tinatanggal ang kumot ko. Dahan-dahan niya akong hinarap sa kanya.
"Hindi ako galit... naiinis ako sa sarili ko dahil nagseselos ako." My voice broke.
Para saan pa na itago ko ang pagseselos ko kung nagseselos naman talaga ako. Alam
kong wala pa namang kami pero kasi...
"I know. Baby... look at me." He held my face kaya naman napatitig na rin ako sa
mga mata niya. I blushed. This is what you can call a moment. "Can you see a girl
in my eyes?" Tumango-tango ako, he then genuinely smiles. "Yan ang babaeng
pakakasalan ko. Kailan niya kaya ako sasagutin? Ano sa tingin mo? Kasi ilang buwan
na rin akong nanliligaw sa kanya. May idea ka ba?" Napangiti ako.
"Meron..."
"Gusto kong marinig yang idea mo." He smirked. "Come to think of it, she's smart
but why can't she answer me?"
"Hindi ganun kadaling sagutin ang isang palaisipan." I winked.
"So palaisipan pa pala ako ngayon." He grinned. "Dali nga... sa tingin mo kailan
niya ako sasagutin?"
Napatingin ako sa wall clock. "Ngayon." I answered exactly at twelve midnight.
Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat, his jaw dropped. At mas nagulat naman ako sa
sumunod na nangyari, sa sobrang hindi siya makapaniwala ay nahulog siya sa kama.
"Shit! I'm not dreaming." Dali-dali siyang tumayo na medyo hinimas pa ang likuran
niya dahil sa pagkakahulog. Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang sobrang
higpit. "Sorry... sorry... pero pwedeng pakiulit?" Umupo ako sa kama at ganun din
siya. Nasa gitna nga kami ng kama.
"Hmm.. sabi ko, ngayon na." Nginitiin ko siya.
"Yes! Yes! Thank you. I love you." And then he claimed my lips again. "I love you
so much. I love you... I love you..." I can see a man who's very grateful of the
woman he loves. I can see a man who has this never-ending love for his woman right
now. And I will always be thankful of that, my heart just really felt so good right
now.
"I love you more." And we cuddle with each other until we get tired and felt
sleepy.

[ 19 ChapterEighteen ]
-------------------------------

Everything went okay after our finals for the first term. Inaasikaso ko naman ang
clearance ko ngayon. Josef and I barely talk this past few days maybe because of
exam days but now that it's over I really need to talk to him.
Nakokonsensiya ako sa nangyari doon sa paintings auction. I asked him if he's okay
and he said yes when it's obviously not.
I don't understand why we have to say okay or act as if were okay when in fact
we're not... why do we have to pretend everything's okay, we're okay when in fact
we're damn hurting inside. It's okay not to be okay.
Things are really complicated.
I smiled as I left the dean's office. Kakatapos ko lang sa clearance ko at ayos na
ang lahat.
I talked to the dean personally. Sinabihan niya ako tungkol sa pagiging top ko sa
dean's list, at pagbutihin ko pa raw ang pag-aaral ko, I might run for latin
honors. Nakaka-miss din yung mga ganitong achievement sa school. She even told me
that I'll have my application for academic scholarship get approved soon.
Saktong pababa ako nitong building nang magkasalubong kami ni Josef. He stopped for
a moment and that's the sign we're still good. Gusto ko rin siyang makausap. "Uh...
Can we talk?" Nag-aalangan kong tanong sa kanya. Tumango naman siya at sinundan ko
siya pababa nitong building.
There are a lot of eyes focused on us. Obviously, there are lots of rumor about us.
Paano ba naman naging close din kami ni Josef, isama niyo pa yung first meeting and
introduction namin sa unang araw ng klase. Marami ring nag-akala na kami at pagod
na pagod na rin ako sa kakasabing hindi kami.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang mapagtanto kong papuntang soccer field
ang tinutungo naming daan.
"Watch me practice first then we'll talk." Ngumiti siya sa akin na hindi man lang
umabot sa kanyang mga mata. I know he's not okay... or maybe he's trying his best
to be okay.
Kagaya nga nang sinabi niya ay nanood muna ako ng soccer practice niya. Hindi ko
maiwasang mapapalakpak tuwing makaka-goal siya. He's still the star player. Ilang
oras din ang tinagal ng practice niya pero hindi naman ako na-bore.
After all, I really need to talk to him. Inabutan ko siya ng bottled water after
the practice. Kinantiyawan pa nga kami ng co-players niya, hindi ko na lamang
pinansin ang pagkantiyaw nila. Ilang minuto lang din ang nakalipas at kami na lang
dalawa ang natira sa bleachers so we decided na dito na lang din kami mag-usap.
We stayed silent for a while when I decided to break the silence. "I'm so sorry
about last time." Sabi ko habang nakatuon ang tingin ko sa suot kong doll shoes.
"Hey... look at me." Nagulat ako nang hawakan niya ang balikat ko upang pihitin ako
paharap sa kanya.
Nagtagpo ang aming mga mata. At ngayon ko mas malinaw na nakita ang sakit sa
kanyang mga mata. "I'm not okay... I lied... I can't be okay." Halos pabulong
niyang sabi habang may mga luhang nagbabadyang tumakas sa kanyang mga mata. "I
wanted to be happy for you... but I just can't..." At doon na kumawala ang mga luha
sa kanyang mga mata. "Why can't I steal you from him?" Sinubsob niya ang ulo niya
sa balikat ko. Hindi ako nakagalaw dahil tila nakikiliti ang bandang leeg ko, kung
saan ramdam ko ang mainit niyang paghinga.
"It's because I love him. Balang araw mahahanap mo rin siya. Yung babaeng mamahalin
ka pabalik. I'm so sorry... but I'm not that girl and I will never be that girl."
Mas lalo kong nakita ang sakit na nararamdaman niya ngayon matapos kong bitiwan ang
mga salitang iyon. Lumayo siya nang bahagya sa akin.
"Why can't it be me?" Ang pagbigkas niya ng bawat salita ay tila tumutusok sa aking
dibdib na tagos sa aking puso.
"Because you're not him..." I'm so sorry Josef. I just have to tell things straight
and honest. I can't bear seeing him this hurt, but he will be hurt more if I won't
be honest.
"Yeah... I'm not him and I wish I was." Puno nang hinanakit sa kanyang boses. "I
should have made you run away with me during the paintings auction... maybe I
already steal you from him by now." Gumuhit ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.
"Baliw ka talaga." Naiiling kong sabi sa kanya.
"I should have made more efforts to steal you from him." Dagdag pa nito tsaka
gumuhit ang totoong ngiti sa kanyang mga labi.
"Baliw!" At sabay pa kaming natawa.
"After rejections from you I still end up being your good friend." Malalim siyang
napabuntong hininga, nagkibit din siya ng balikat. Napailing akong nangingiti sa
kanya. He has always been this good for me and I am just so grateful about it.
"So...hmm... Are we still good? I mean friends..." Nag-aalangan kong tanong sa
kanya.
"Not unless you allow me to drive you home..." Nagdalawang- isip pa ako, kung
papayag ba ako.
"Eh kasi..." Naisip ko kasi kaagad si Laxer.
"Sabi ko nga may boyfriend ka na, so you're off limits."He even half raised his
both hands.
Natawa na lang kami pareho. Siya lang ang nag-iisang pinagsabihan ko na kami na nga
ni Laxer. Ayoko naman kasi na paasahin pa siya... I know how it feels to assume
something that does not even exist. "Kahit hanggang sa pinakamalapit na park sa
mansion ng mga Del Valle na lang." Kinulit niya ako nang kinulit kaya napapayag
niya rin ako sa huli.
Habang nasa byahe hindi namin maiwasang magkaroon ng awkward moment, dahil na rin
siguro ito sa mga bagay na nangyari sa pagitan naming dalawa. Maswerte na lang ako
at magkaibigan pa rin kami sa kabila ng mga nangyari.
Josef's really a nice guy.
"Gusto mo ba munang kumain? I know a bakeshop near there. Masarap ang red velvet
cake nila roon." His eyes are hopeful. Naisip ko ring pagbigyan na siya dahil sa
rami ng nagawa niyang mabuti sa akin ay hindi ko man lang ito nasuklian nang
maayos.
"Sige..." Ngumiti ako sa kanya.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bakeshop. Nagtingin-tingin ako sa mga
naka-display na cakes. Mukha ngang red velvet cake ang best seller nila rito. "Oh
my Gosh! Long time no see Josef." Isang morena na may mahaba at diretsong buhok ang
nakipagbeso kay Josef. "What brings you here?" Tumingin sa direksyon ko si Josef.
Ngumiti ito sa akin at ganoon din ang ginawa ko.
Lumapit ako sa kanilang dalawa. "I'm Ellaiza." Nakipag-shake hands siya sa akin.
Medyo natutulala pa ako dahil sa pang beauty queen nga talaga ang ganda niya.
"I'm Jearri." Pagkatapos nito ay medyo inikot pa namin ang buong bakeshop. Hindi
naman kasi ito basta bakeshop lamang. It serves also. May mangilan-ngilan pa kaming
nakitang couples na masayang nagde- date rito.
"Maraming customers tuwing Sabado at Linggo. Mabuti na lang ganitong araw kayo
pumunta at naasikaso ko kayo. Monthsary niyo ba ngayon?" Nagkatinginan kami ni
Josef at bahagya kaming natawa sabay ang pag-iling namin.
"She busted me earlier. Your friend needs to be comforted by a red velvet cake."
Biro pa nitong si Josef. Natawa't nailing na lamang si Ellaiza.
"How does it taste?" Napainom agad ako ng green tea dahil sa sobrang sarap ay halos
nakalimutan ko nang kasama ko nga pala si Josef. Natawa siya nang bahagya. "Masarap
'no?" Tumango naman ako. "It was always my dream to bring you here. Sabi kasi ni
Ellaiza, nagkakatuluyan daw ang mga kumakain rito. I'm not hoping for that anymore,
but I hope for one thing." Tumigil ako sa pagkain nitong red velvet cake. "I'm
hoping for your happiness because your happiness is my happiness also." I saw him
genuinely smiled at me.
"Hindi ako ang para sa iyo Josef. But I wanted you to know that I'm more than lucky
knowing someone like you. And I've always wanted to have you as my friend." Nakita
ko ang panghihinayang sa kanyang mga mata, subalit may mga bagay talagang
kailangang nilalagyan ng boundary... May mga taong kahit anong pag-ikot pa ng mundo
ay tinakda para maging magkaibigan lamang.
"I know that I am someone made to your friend. Just friends. And I am now contented
of what you could give me. Because I know you're too good to be true and that you
deserve the best. And for now, I'm not the best for you." Inayos niya ang takas na
buhok sa may pisngi ko at nilagay ito sa likod ng tainga ko. "I am not regretting
meeting someone like you."
Matapos naming maubos ang cake. Dahil sobrang sarap naman talaga ay nagpaalam na
kami kay Ellaiza. "Malay niyo hindi man ngayon pero baka sa huli ay kayo ang para
isa't-isa." Tinawanan na lamang namin siya.
Nakarating kami sa park na walang katao-tao. Wala talagang masyadong nagpupupunta
rito kapag ganitong oras. Magpapaalam na sana ako sa kanya kaso... "Can we stay
here for a while?" Nasusumamong tanong niya sa akin.
Masyado na akong maraming atraso sa kanya kaya pinagbigyan ko na lamang.
We talk and talk and talk.... Random things. And we realized we had lots of
similarity. I almost forgot the time, when I checked my phone. Oh my God. Hundreds
of missed calls and messages from Laxer, nakalimutan kong naka-silent pala ang
phone ko. Lagot!
"Hmm... Josef, kailangan ko nang umuwi sa mansion." Tumayo agad ako at ganun din
ang ginawa niya. Ang kaibahan nga lang ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit, I
was about to protest but...
"Please... just one last time." And I obliged. I was about to end this hug, but
someone made it for me. He punched Josef so hard that he couldn't even make himself
move anymore.
Napatingin ako kay Laxer na sobrang talim ng tingin kay Josef. God. He might kill
him any moment from now.
Tinulungan kong makatayo si Josef because he had no one... nakapalibot na rin kasi
sa amin ang mga bodyguard ni Laxer. And I was so wrong kasi mas lalo itong
ikinagalit ni Laxer. Akmang susuntukin pa sana niya si Josef nang pigilan ko siya,
nakatayo na naman si Josef.
"Tama na... umuwi na tayo." Pagpigil ko sa galit niya.
"Fuck you!"Sinuntok niya pa ulit si Josef pero sinalag naman agad ito ni Josef.
"Mahilig ka talagang magnakaw ng hindi sayo!" His jaw clenched. Para naman akong
natuod sa kinatatayuan ko ngayon.
"Kasalanan mo yun Kuya... hindi ka kasi magaling magbantay. Ang alam mo lang
magparami ng pera!" Kuya? Anong ibigsabihin nito? Tila nablangko ang isipan ko.
Hindi ko malaman ang dapat sabihin ko sa kanilang dalawa.
"Don't you ever call me Kuya. Wala akong magnanakaw na kapatid." Naguguluhan ako.
Nahihilo na ako sa mga nangyayari. "Do you think I don't have any idea about your
fucking shits? You keep on stealing my girl behind my back! Be a man and play
fair!" Nawala naman ngayon ang ngisi sa mukha ni Josef...
"In this world you cannot always fair. And when it comes to the girl...to the first
girl I have ever like, I don't have plans on playing fair my dear brother." Ngumisi
pa si Josef habang pinapalis ang dugo malapit sa gilid ng kanyang labi.
Sa ganitong sitwasyon. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. "Fuck you! Fuck you
and your stupid games. You don't deserve to be love! You don't like her! You just
want to get even with me!" Muling sinugod ng suntok ni Laxer si Josef. Natulala na
lamang ako at hindi na alam kung anong pigil pa ang gagawin ko sa kanila.
"Sige! Magalit ka! I know how much afraid you are right now. I can have her. I can.
Tandaan mo 'yan, kuya!" Mapang-asar na tumawa si Josef kaya muli siyang kwinelyohan
ni Laxer.
At tila natauhan na ako sa mga pangyayari. Ang pagkatulala ko kanina ay nawala na.
At sa dibdib ko, ramdam ko ang kakaibang emosyon na ngayon ko na lang muling
naramdaman.
"Magkapatid kayo..." It's not a question but more like a statement. Hindi ako
makapaniwala sa lumabas sa bibig ko. Nanginginig na ako sa sobrang pagkalito.
Nagpupuyos ang damdamin ko dahil sa halo-halong emosyon.

[ 20 ChapterNineteen ]
-------------------------------

"Jearri..." He called out my name. Lalapit na sana siya sa akin pero pinigilan siya
ni Laxer.
"You planned all of this... all along you acted as if you never knew something
about me when in fact you planned everything! At ako naman 'tong si tanga na
sobrang na-guilty dahil nasaktan kita... Ano bang nagawa ko sayo?!" Galit na sigaw
ko sa kanya habang nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha sa aking mga mata. My
heart hurts so bad right now.
The person whom I think will do no harm on me, just failed me.
"Jearri..." Tawag niya sa akin habang namamaos na ang kanyang boses. "I did love
you... no... I still love you." Mapakla akong napangiti. I don't know anymore. I
don't know whom to believe anymore. Because it's just so not easy to trust again
when you've felt being betrayed, when the one you trusted so much disappointed you.
"You lied... you never loved me." Lubos- lubos na lamang ang pagpupuyos ng aking
damdamin nang dahil sa nalaman ko. What I hate the most is betrayal. I can give you
one-time trust but never dare break it coz I won't really trust you again, if you
did break it.
Lahat naman siguro tayo ay ayaw maloko, o di kaya naman ay mapaglaruan. May mga tao
talagang hindi makukuntento hangga't hindi ka nila masasaktan. May mga taong
nagiging masaya sa tuwing makakapanakit sila ng ibang tao.
That's how human being could get selfish. They only care sometimes about
themselves, not minding how they will affect others.
"Maniwala ka naman sa akin oh. Mahal kita. Mahal na mahal kita." Puno ng
pagsusumamo ang boses niya. Pero tila naging sarado ang puso't isipan ko ngayon sa
ano mang maririnig ko.
Ganito pala ang pakiramdam na iyon. Iyong pakiramdam na dahil sa sobrang sakit
namamanhid ka na lang. Kahit anong subok na pag-intindi mo sa sitwasyon ay kusang
nagsasara ang isipan mo. Ganito kasakit sa pakiramdam ang unang beses kang maloko.
"Love's not selfish." I was about to walk away when Laxer grabbed my hand. "Isa ka
pa. Alam mo 'to diba?" Halata namang nagulat siya sa naging reaksyon ko. Hindi agad
siya nakapagsalita at nakitaan ko rin siya ng takot sa kanyang mga mata.
Ang sakit isipin na lokohin ka nang dalawang taong pinapahalagahan mo. At ang isa
ay ang taong minahal mo ng walang pag-aalinlangan at sobrang tapat. Ang isa ay ang
kaibigang itinuring mo na ring kapamilya.
That's when I realized we are pained differently, with different levels of pain.
Yung iba sobrang nasasaktan ngayon at posibleng maranasan mo naman iyon bukas or sa
susunod na araw at mga sandali. But then being hurt literally felt like someone's
stabbing your chest, again and again. And there would be this thought na sana, kung
pwede lang...wag na lang masaktan. Pero alam mo naman sa sarili mo na hindi iyon
pwede, you'll get hurt by any means, be it intentionally or unintentionally. And
being hurt will help you be matured enough.
"I'm sorry... I got scared." Napangiti ako nang mapakla. "I know that the moment I
said I love you, there's a big possibility that I'm gonna lose you just like the
other girls I had in the past." I was shocked for a moment. That is the reason why
he had flings before but never got one serious relationship.
"I'm aware that I have this brother... this kind of brother who loves to steal
what's mine." Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Come on Jearri... Look at
me...please..." Susubukan kong intindihan pero bumabalik pa rin ako sa katotohanang
matagal na pala nilang alam pero pinili nilang ilihim sa akin. Umiling-iling ako
habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha mula sa mga mata ko.
"Mahal na mahal kita... I just don't realize that earlier because I'm afraid I
might lose you... please... tell me that I still have you... that I won't lose you
right now." Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung magiging tama ang
desisyon ko. Hindi ko alam kung tama bang magdesisyon ako ngayong alam kong paulit-
uliy na nagsasara ang puso't-isipan ko.
Alam ko ang kailangan ko ngayon.
"I need space." At dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Please Jearri... You're not leaving right? I'll give you space pero babalik ka sa
akin diba?" Hindi ko siya binigyan ng konkretong kasagutan. Tumingin ako nang
diretso sa kanyang mga mata.
Ang sakit.
Yesterday, from the previous days, I always wanted to look at his eyes but right
now, my heart aches whenever I will. Pakiramdam ko paulit-ulit akong niloloko
tuwing titingnan ko siya sa kanyang mga mata ngayon.
"I'm sorry. I hurt you a lot of times, so you won't get attached with me. I hurt
you again and again, because that's the only way I can save you from him." Tumingin
ako kay Josef na ngayon ay sobrang namamaga na ang mga mata. Tumingin siya sa akin
na punong-puno ng pagsisisi.
"Please baby...please forgive me." Hindi ko alam kung saan pa ako hahanap ng lakas
ng loob para lumayo pa sa kanila, lalo pa't ngayon ang lalaking sobrang mahal ko ay
nakaluhod sa harapan ko. Nagmamakaawa. "Wala akong ideya sa kung anong gagawin ko,
kapag iniwan mo talaga ako." Sunod-sunod na namang kumawala ang mga luha mula sa
kanyang mga mata. "Mahal na mahal kita."
Masakit para sa akin ang talikuran siya pero kinailangan kong gawin iyon. Hindi
para patunayang ako ang tama sa aming dalawa kundi para makapag-isip nang maayos
upang sa gayon ay hindi ako makagawa ng desisyon na baka pagsisihan ko lamang
habang buhay.
In every decision that we will make, we always have to think about its consequences
so that at the end of the day we wouldn't end up regretting.
Sometimes you have to turn your back from the people who are causing you pain, not
to runaway from being hurt but to think carefully. To have the space we wish to
have, so that we won't be regretting things in the near future.
I am so drained. I'm tired inside and outside. Wala sa sariling naglalakad ako sa
kawalan. Hindi ako umuwi ng mansion at nakituloy muna sa isa kong malapit na
kaibigang babae noong high school pa kami.
Glad that I still have her kahit bihira na lang kaming makapag-usap nitong mga
nakaraang taon. May mga tao kasing mananatiling totoo sa'yo, kahit hindi man kayo
gaanong nag-uusap, and that person is worth keeping for.
"Pasensiya ka na ha. Maliit lang 'tong apartment ko. Kamusta ka na? Ang dami ko rin
kasi talagang inaasikaso kaya bihira na lang tayong makapag-usap. Uy... okay ka
lang ba? Ano ba kasing nangyari?" Hindi ko napigilan ang sarili ko't napayakap na
ako sa kanya habang humahagulhol sa pag-iyak.
"Anne, why does love hurt so much?" Halos pabulong ko na lamang itong sinabi.
Pinaupo niya ako sa sofa at sinandal ko naman ang ulo ko sa kanyang balikat habang
kino-comfort niya ako.
"Love does not hurt... Losing someone hurts, rejection hurts, don't get confused.
Love is the only thing in this world that covers up all the pain we had here." She
pointed out her heart. "You love not to be hurt... some said it's a package deal,
falling in love and then getting hurt... but the thing is love will cover up the
pain when we are hurt." She sincerely told me.
"It's okay. It's love." Dagdag pa nito habang patuloy ang pag-alo niya sa akin.
"I've been there a lot of times and I always get confused about loving and being
hurt. But love means so much to each of us. It will help us to ease the pain we
have here." She added as she pointed her heart. Nakakatuwang isipin na may mga
kaibigan tayong kahit ilang taon pa ata nating hindi makausap ay mananatili pa rin
bilang tunay na kaibigan, ang sarap sa pakiramdam na kahit gaano man kabigat ang
iyong araw ay mayroon ka pa ring matatakbuhan.
Kaya kahit kaunti lang ang maging kaibigan mo, ang mahalaga ay totoo sila sayo.
Dalawang araw akong nakituloy sa apartment ni Anne, babayaran ko sana siya sa pag-
stay in ko pero tinanggihan niya. Real friends are there during good times and even
worst times especially when you really need them in hard situations.
Nagpasalamat na ako sa kanya at nag-desisyon na rin akong makipagkita kay Josef. I
wanted to settle everything. Hindi ko na rin muna nire-reply-an si Laxer kasi uuwi
na rin naman ako sa mansion mamaya. After having a girl talk with Anne, I realized
a lot of things.
Niyaya ako ni Josef na makipagkita sa kanya sa Starbucks. Pumasok ako sa Starbucks
at nakita ko siya sa medyo sulok na parte nitong coffee shop, tahimik at mukhang
malalim ang iniisip.
Napangiti agad siya nang makita niya ako, pero ngiting hindi umabot sa kanyang mga
mata. Naka-order na pala siya ng Frappuccino na inabot niya sa akin. "Hmm... pwede
bang sa ibang lugar na lang tayo mag-usap?" Nag-aalangang tanong ko sa kanya.
Mabuti na lang at pumayag siya.
We need to talk privately. "Hmm... thanks for this." Tinaas ko yung Java Chip
Frappuccino. Umupo kami sa may bench. Nilapag ko muna sa gilid yung iniinom ko,
ganoon din naman siya.
"I'm sorry..." Nakatungo siya nang sabihin ito. "It's true that I've planned
everything. I know my half-brother loves you." Namilog ang mga mata ko.
"Wait... half-brother? Akala ko..." Magkapatid talaga I mean not as half.
"Yes. We have the same mom. I hate him so much because he hated our mom. He doesn't
know how mom got hurt whenever he pushes her away. Mom loves him so much. I know
she loves him more than me. And I envy him a lot, that's why I stole every girl she
had in the past." It seems like a confession and everything became clearer now. "I
made them fall for me." Bahagya siyang napatungo matapos niyang masabi ito
"At isa na ako roon?" I asked while looking intently at him, simula kanina hindi pa
rin niya ako tinatapunan ng tingin, palagi rin siyang nag-iiwas ng tingin.
"Look... yes... I planned everything. From the moment we met but there's one thing
I never planned." He then looked directly into my eyes. "I never planned on loving
you. I never planned falling for you." I saw pain in his eyes... "But I never
regret it." He smiled genuinely."I'm really sorry not for loving you but for lying.
Pero lahat ng pinakita ko, lahat ng pinaramdam ko, lahat iyon totoo."
Mariin siyang napapikit kasabay nito ang paglandas ng mga luha sa kanyang mukha.
This guy is really hurting inside. "Ang sakit lang... ang sakit lang na yung
dalawang babaeng mahal ko mas mahal siya ng sobra kaysa sa akin. I hated him. I
envy him a lot. And I always wish I was him." Napangiti siya ng mapakla. "I lost in
my game for the first time." Hinilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha. I am
seeing how lonely he is right now.
"Josef..."
"You don't have to pity me. Alam ko naman... alam ko namang hindi pwede... alam ko
namang walang pag-asa... Tanggap ko na. I love you and I'm willing to give you up
because I know that'll make you happy. I only want your happiness... always. Kasi
sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagmahal nang ganito." Muli siyang napapikit ng
mariin. "I have loved the right girl at the wrong time and at the wrong chance."
Kasabay nito ang unti-unting pagdilim ng kalangitan, nagbabadya sa pagbuhos ng
ulan.
"Ayokong isipin mong naging unfair ako. But still... Josef you lied to me. Hindi mo
naman ako mamahalin kung hindi mo ako pinasok sa laro mo." I said and stand up. I'm
done.
Hinawakan niya ang kanang kamay ko. "I won't ask you to stay. I won't ask for your
forgiveness. But I still wanted to say sorry... sorry for everything. But I swear,
I love you, I will always do."
"Pinapatawad na kita. Sino ba naman ako para hindi magpatawad. We all have a lot of
second chances. Nasa sa atin na lang yun kung paano natin gagawing worth it ang
bawat pangalawang pagkakataon." Tinap ko ang braso niya.
Nasanay na akong magbigay ng ikalawang pagkakataon dahil kay Laxer. It's okay to
give second chances because I believe every person deserves it.
Hindi masamang magbigay ng ikalawang pagkakataon, hindi man lahat pero may mga tao
pa ring natututo matapos mong bigyan ng ikalawang pagkakataon.
Kung sa ikalawang pagkakataon ay muli nila itong sinayang hindi mo na kasalanan
iyon, choice nila iyon...at iyon ang pinili nila.
"Thank you..." He said almost a whisper.
With that I started walking away from him. May isa pa akong kailangang kausapin. I
need to fix things. I need to put things back to normal again. Ayoko nang gawin
pang kumplikado ang lahat.
Dahil kahit anong gawin ko. Kahit ilang beses pa akong masaktan ng dahil sa kanya,
walang magbabago sa nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko pa rin siya. Siya pa
rin ang mahal ko. Sa kabila man ng mga nanyayari, ang pagmamahal ko sa kanya ay
hindi magbabago. Mas tumitibay pa.
Kung minsan ay mahirap magmahal pero hindi pa rin natin maikakaila na masarap sa
pakiramdam na may minamahal ka at may nagmamahal sayo nang sobra at higit pa sa
inaakala mo.

[ 21 ChapterTwenty ]
-------------------------------

I heard the loud thump of my heart as I headed straight to Laxer's office. I can
see his shadow through the wall. Madilim sa kwartong ito at tanging ang ilaw ay
nagmumula sa buwan na matatanaw sa bintana nitong office niya. It's already eight
in the evening. I can even hear the ticking of the clock right now na naging
dahilan nang mas lalong paglakas ng kabog ng dibdib ko.
Hindi niya ata napansing pumasok ako rito sa opisina niya dahil sa nakatutok lang
ang tingin niya sa bintana. It looks like he's waiting for someone for a couple of
days and I guess that someone was me. He's devastated and wasted at the same time.
Memories flashbacked.
"Jearri! Ano na naman ba 'yan! Balak mo bang ubusin lahat ng cup ko rito? That one
was imported from New Zealand and you just intentionally broke it?!" Alam kong
labis-labis na lamang ang pagpipigil niya ng inis sa akin.
"Fire me then." Paghahamon ko sa kanya. "I'm a careless made. I'm the unworthy
personal maid of the great billionaire Cray Laxer Del Valle. Just fire me at tapos
ang usapan." Ngumisi ako sa kanya pero hindi niya man lang pinansin ang sinabi ko,
bahagya niyang hinilot ang sentido niya, tila nagbibigay ng sign na sumasakit na
naman ang ulo niya nang dahil sa akin.
Ano bang kailangan kong gawin para hindi na siya magdalawang-isip na paalisin ako
rito. "Just clean up the mess and leave." Pagod niyang sabi na tila nawalan na nang
ganang makipagdiskusyon pa sa akin. Ibinalik niya ang tingin sa sandamakmak na
papel sa harapan niya, mula rito ay kinuha niya ang isang folder at seryosong
binasa.
My heart skipped a beat. I felt so guilty all of a sudden.
"Ipagtitimpla ulit kita ng kape." Ani ko sa kanya. Minsan talaga ay padalos-dalos
ako. Hindi ko naman pwedeng gawing rason ulit na palagi naman kaming nag-aaway kaya
okay lang na basagin ko ang mga baso niya rito at para mapalayas niya na rin ako.
Hindi dapat ako sumabay lalo pa't alam kong marami rin siyang dapat asikasuhin sa
company nila.
"Just clean up the mess and leave. Don't bring me coffee starting from now on."
Mariin nitong sabi sa akin. Bumigat ang pakiramdam sa may dibdib ko, pakiramdam
ko'y kasalanan ko ito, kasalanan ko naman talaga lagi, dahil sinasadya kong inisin
siya at mukhang hindi na niya talaga napigilan pa ang inis sa akin ngayon. Labis-
labis na rin kasi ang ginagawa niyang pagtitimpa sa akin, sa lahat ng kapalpakan na
ginagawa ko.
Hindi ko na lamang ito pinansin pa at lumabas sa opisina niya rito sa mansion.
Dumiretso ako sa kitchen counter at tsaka muling nagtimpla ng kape niya, at dahil
kumpleto naman ang mansion sa lahat ng gamit at mga bagay-bagay na kailangan ay
nagawa ko pang lagyan ng design ang coffee niya, natutunan ko iyon kay nanay dati.
Hindi ko pa iyon nasubukang gawin para sa iba, at ito ang unang pagkakataon na
magse-serve ako ng ganung coffee.
Iniwan ko sandali ang coffee sa counter at pumunta sa maid's quarter. May mga
nakatabing stationary papers at small gift card doon. Kumuha ako ng isang gift card
at nagsulat ng I'm sorry. Work well. With those words is a smile emoticon.
Pagkarating ko sa kanyang opisina ay naabutan ko siyang nakatulog na sa kanyang
swivel chair, nakapatong ang isang braso sa kanyang noo na bahagyang natatakpan ang
kaliwang mata niya. His mouth is slightly open, mukhang pagod na pagod talaga siya.
Natampal ko ang noo ko, dahil ngayong araw ko pa talagang napiling inisin siya. "I
love you..." He said. I know it isn't for me, pero hindi ko alam kung bakit tila
mababaliw ang puso ko sa kakaibang pagtibok nito.
That moment, I realized I actually like him, I just don't want to recognize the
feeling because it's impossible for a maid and boss to get romantically attached
with each other.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Halos madurog ang puso ko sa nakikita ko
ngayon. He was damn hurting inside. Lumapit ako sa kanya at napayakap.
Halata naman ang gulat sa kanyang mga mata. "You're back." Halos naghahabol ng
hininga na wika niya. Naramdaman ko ang pagsubsob ng kanyang mukha sa leeg ko,
nagtaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang pagpatak ng kanyang luha sa may
balikat ko. "I thought I lost you..." His breathing is uneven.
"Sorry... sorry..." I held his face. Kahit walang ilaw ay kitang-kita ko ang
pamumugto ng kanyang mga mata. This man cried a lot. "Hindi na kita iiwan."
Tumango-tango siya at parang pagod na pagod habang nakasandal siya sa may balikat
ko.
Tonight, I'll sleep with him.
Tahimik lang kaming dalawa rito sa loob ng kanyang kwarto habang nakaunan ang ulo
ko sa kanyang braso at nakayakap siya sa baywang ko. I feel so much comfort from
his hug. We let the silence took over.
He just hugged me so tight as if he's assuring himself that he won't lose me. I
smiled at the thought. "I miss you so damn much." He said right behind my ears.
"You don't know how afraid I was thinking I might lose you that day. You don't know
how much I hated myself for letting you have that fucking space... I feel alone...
I don't want to be alone anymore. It's killing me to death."
"La-Laxer..."
"Maybe he already told you. Unfortunately, he was my fucking half-brother. " Hindi
na ako nagulat sa sinabi niya. Ang pinagtataka ko lang paano nangyari yun. They
resemble a perfect family. How come he had a half-brother from her mother?
"I was five years old way back then. Sa ganoong edad ay namulat na agad ako sa
katotohanang hindi na magkasundo ang mga magulang ko. Of course no one knows about
this, ayaw masira ni dad ang reputation niya... He asked mom to stay kasi
tatanggapin niya naman yung magiging kapatid ko kahit hindi siya ang ama. My dad's
a great martyr way back then." Mariin siyang napapikit.
"But mom said she fell out of love... and she loves this man, Josef's father. Mom
chose Josef's dad over my dad. I know how my dad's world fell apart. At ayokong
mangyari yun sa akin. Pumayag si mommy na hindi makipag-divorce kay dad for it will
be the hottest talk of the town. They did not stay in States for good, they both
live separate ways there. Nagpanggap lang silang okay every time there are
gatherings and such. God knows how much I always wish na sana araw-araw may
gatherings. Everyone thought we're a picture of a one perfect family. I hated my
mom that time. I kept on pushing her away. Awang-awa ako sa dad ko na mag-isa na
lang ngayon. But I have no choice. I need to manage our business here." Hanggang sa
narinig ko na ang unti-unting paghikbi niya.
"Dumating si Josef. He tried to ruin my life, he envied me a lot and the feeling is
mutual. Naiinggit, nagseselos ako sa kanya, he had our mom by his side. Kumpleto
ang pamilya... samantalang ako. Wala akong matatawag na isang kumpletong pamilya.
He tried to steal every girl I had in the past. I'm sure you're not aware of that,
you hated me a lot way back then, I bet you already killed me in your head." He
half laughed. "I really don't do commitments. That's the truth, yun ang hindi alam
ni Josef. I was afraid of any commitment. Kaya sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay
ko, I don't give them all of me... sayo lang."
"I tried everything to stop this stupid thing in my heart. Kaso wala eh. Ang lakas
mo masyado... I can't resist you. I don't really do commitments, I'm really afraid
of commitments... but I'm more than afraid of losing you." Mga salitang mas lalong
nakapagpabilis ng tibok ng puso ko at nagpalakas ng kabog ng dibdib ko. At isa pa
ulit na rason kung bakit itong bilyonaryong 'to ang minahal ng isang personal maid
na tulad ko.
Nang magising ako ng maaga ay agad din akong lumabas sa kwarto ni Laxer, baka kasi
may makakita sa aming dalawa.
Mabuti na lamang at mukhang busy rin si Shantal. May inaasikaso rin kasi siyang
business kaya bihira lang din itong maglagi sa mansion nitong mga nakaraang araw.
Sinabi rin naman kasi niya kay Laxer na bumili raw siya ng condo malapit sa
kompanya nila.
Nakahinga ako ng maluwag nang payapa akong nakalabas sa kwarto ni Laxer.
"Yes dad! I'll text you the mansion's address. I can't wait to see you dad. Please
tell mom, I miss her also. Sayang nga lang hindi siya makakasama sa pag-uwi rito sa
Pinas." Halatang-halata ang kasiyahan ni Shantal habang kausap nito ang kanyang
daddy sa kabilang linya.
Kung hindi lang siguro kami inabandona ng tatay ko ay marahil mas sweet pa ako kay
Shantal ngayon. Tanging tampo at galit na lang kasi ang naramdaman ko sa kanya
simula noong malaman ko sa nanay na iniwan na niya kami na hindi man lang
nagpapaalam.
Napaisip tuloy ako, ano kayang hitsura niya? Hays. Parang sinampal naman ako ng
katotohanang hindi ko na siya makikita. Mas mabuti na rin siguro yun at baka hindi
ko pa matanggap ang idadahilan niya kung sakaling tanungin ko siya kung bakit niya
kami iniwan.
"Hmm... Jearri." Papunta ako sa kusina nang tawagin ako ni Shantal. She gave me a
genuine smile. "May gagawin ka ba ngayon?"
Tumango ako. "Mayroon po Ma'am Shantal. Sasamahan ko po si Sir Laxer sa kompanya
niya. Bilang personal maid niya ay may mga iuutos raw po siya sa akin." Sabi ko sa
kanya.
"Ganun ba? Uh... Okay. Sa iba ko na lang siguro ipapagawa. Since personal maid ka
naman ni Cray, siya dapat ang una mong sundin." Pinagsawalang-bahala ko na lamang
ang pagsampal niya sa akin ng katotohanang malayo ang agwat namin ni Laxer sa
isa't-isa dahil personal maid niya lang ako.
"Sige po ma'am." Tinalikuran ko na siya at nagsimula na akong magtungo sa kusina.
"Manang Agnes, pinapasama po ako ni Laxer sa kompanya niya." Paalam ko kay Manang
Agnes
"Sige hija. Enjoy." May kumurbang ngisi sa labi ni Manang Agnes na animo'y nang-
aasar o nanunukso. "Oh heto oh..." Inabot niya sa akin ang isang basket ng kung
ano-ano ang lamang mga pagkain.
"Para saan po ito?" Nagtatakang tanong ko kay Manang Agnes.
"Pinahanda yan ni Laxer sa ibang kasambahay. Ako lang ang nag-ayos." Ngumiti siya
sa akin nang makahulugan.
"Ganun po ba? Ako na lamang po ang magbibitbit." Ngumiti ulit siya sa akin. Bakit
parang may mali? Pinagsawalang bahala ko na lamang ito at tumungo na sa parking lot
nitong mansion.
Pinagmamasdan ko ang koleksyon ng mga sasakyan ni Laxer. May bago na naman siyang
binili. Grabe talaga! Hindi ba maaksaya yun sa gas? Kung sabagay... bilyonaryo
naman siya, at kung tutuusin hindi naman nababawasan ang pera niya, nadadagdagan pa
nga sa dami ng negosyo niya.
Pinanindigan ako ng balahibo nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa may baywang ko
mula sa likuran at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa may leeg ko.
My breathing became uneven. "Let's go." My jaw dropped because of his sexy and
husky voice. Seryoso? Is he trying to seduce me? Kung ganoon nga, pwes
nagtatagumpay siya. He had this foreign effect on me. Pinagbuksan niya ako ng pinto
pero parang natuod ako na hindi pa rin makagalaw sa kinatatayuan ko. My eyes got
widened when he gave me one swift kiss. "Get in..." I get back to my senses. Ngayon
ko na nga lang napansin na wala na pala sa akin ang dala kong basket.
Nang makarating kami sa building ng kompanya niya ay halos mahilo pa rin ako sa
taas nito. Ilang beses na akong nakapunta rito dahil sa dami ng inuutos niya sa
akin. Kung alam niyo lang pahirap talaga yang lalaking yan dati kaya puro bangayan
at sigawan na lang ang nangyayari sa amin noon.
Who would have thought that I will fall for this man? Love is just so mysterious.
Wala siyang inuutos sa akin hanggang sa makarating kami sa 50th floor kung saan
makikita ang opisina niya. The interior design of the whole building was an elegant
and high-class combination of glass, metal and natural stone. Hindi ako magaling
tumingin sa mga building pero masasabi kong bukod sa nakakalaglag panga ito ay
kulang ang salitang sobrang ganda para i-describe ito.
Pansin ko rin na ang bawat opisina ay mayroong high ceiling headroom kaya naman
maganda talagang magtrabaho rito. Natural light din ang gamit dito kaya sobrang
comfortable talaga habang nagtratrabaho. Marami pa 'tong features, hindi ko na lang
masabi kasi syempre hindi naman ako yung nag-design at gumawa nito.
Nakakahilo ang mga furnitures dito halatang pangmayaman, ultimong kintab pa nga
lang ng elevator parang matatakot ka nang sumakay kasi baka magasgasan.
Pinagmasdaan ko mula sa glass wall nitong opisina ni Laxer ang kabuuan nitong
lugar. Kung titingnan dito sa floor na 'to, hindi halata ang polusyon dito sa
Pilipinas, yung traffic lang talaga. Sa traffic lang talaga may forever.
This building is seriously an office skyscraper.
Binaling ko naman ang atensiyon ko kay Laxer na busy sa pagpirma ng mga papeles.
Pumasok ang kanyang sekretarya. Bakit parang naiiba ang suot nito sa ibang office
workers dito. Kala mo naubusan ng tela eh. Sige magpapansin ka pa, akala mo naman
papansinin ni Laxer 'yang suot mo.
"Thank you, Ms. Garcia." Natawa ako kasi halatang disappointed 'tong secretary niya
nang hindi man lang siya tapunan ng tingin ni Laxer kaya dire-diretso na lamang
siyang lumabas.
Napatingin ako sa suot kong simpleng floral top and maong shorts, mukha talaga
akong personal maid ni Laxer kahit saang anggulo tingnan.
"Let's go." I get back to my senses. Napansin kong nagpalit na pala siya ng damit.
He's wearing a simple khaki shorts and v-neck t-shirt, naka-black cap rin siya na
may check na marka sa unahan. Pati ang kanyang rubber shoes ay may check ding marka
katulad nung sa akin, siya kasi ang bumili nitong rubber shoes ko.
Nagulat ako nang suotan niya rin ako ng black cap na may check ding marka. He
intertwined our hands. I was about to protest, kasi kinakabahan ako na baka may
makakita sa amin pero mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay ko. Gamit
ang kabila niyang kamay, bitbit naman niya ang basket.
"Laxer... baka may makakita." Halos pabulong kong sabi sa kanya.
"I don't fucking care. Can't I just hold your hands and tell them that you're my
girl and you're mine?" Halata sa boses niya ang pagkairita.
"Eh kasi..."
"Look... I'll just hold your hand, I won't say anything and we're just going to
ignore them. Okay na ba yun?" Napabuntong-hininga siya nang malalim. Tumango na
lamang ako, mukhang hindi rin naman kasi siya magpapapigil. "Thank you." He kissed
the top of my head. Sumakay na kami ng elevator, him still holding my hand.
Everyone looks at us, mga mapanghusgang tingin. And I so hate it. "Teka... bakit
iba ang gagamitin nating sasakyan?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Mas comfortable ako na i-drive 'tong Bugatti Chiron ko sa pupuntahan natin."Laglag
ang panga ko dun ah. Ano raw ang tawag? Bugatti Chiron? Seriously, I don't have any
idea about cars.
Nagulat ako nang ihagis niya yung susi ng kanyang Lamborghini Veneno sa isang
bodyguard niya. Alam ko ang isang yun, dahil madalas niyang banggitin ito. Mabuti
na lang at nasalo nung bodyguard niya. Mukhang susi pa lang nun mamahalin na."Bring
my car at the mansion and don't dare follow us." Seryosong utos niya sa kanyang mga
bodyguard. Sinunod naman agad siya ng mga ito.
"Teka lang..." Napahawak ako sa hem ng t-shirt niya. "Okay lang bang wala kang
bodyguard?"
"I can protect myself and of course you, so don't worry." He grinned at sumakay na
kami, syempre pinagbuksan niya muna ako ng pinto and we're off to go. Hindi ko
mapigilan ang kilig na nararamdaman ko. 

[ 22 ChapterTwentyone ]
-------------------------------

 I was awakened by Laxer's kissed on my forehead. Nag-stretch pa ako ng arms before


finally opening my eyes. My eyes darted to Laxer's red lips which already formed a
genuine smile. "We're here..." At napatingin naman ako sa may bintana. Agad kong
tinanggal ang seatbelt ko at lumabas na ako ng Bugatti ni Laxer.
I spread my arms. The view is just so nice that I wanted to capture every moment of
this. I don't know what they call this place, but it looks exactly like a paradise.
"This is ours." My jaw dropped, and my eyes widened. "This is an eco-friendly park.
My friend let me buy this." Aniya sa isang malambing na tono ng boses.
Seryoso? "You like it?" Tumango-tango ako sa kanya. "Halika rito..." He held my
hand. Naglakad-lakad lang kami.
"There's a myth about that stairway." May tinuro siyang isang matarik na hagdan.
Napatingin ako rito, mukhang matagal-tagal ang lalakbayin bago marating ang tuktok
nito. "They said... when a couple held hands together while going up at that
stairway, they will eventually end up together until their last breath." He
narrated. Natuwa naman ako sa kinwento niya.
"Subukan natin?" Nag-aalangan kong tanong sa kanya.
"Why not?" He smiled widely, and we started going up at the stairway. Wala pa ata
kami sa kalahati nitong inaakyat namin pero napapagod na ako. "Pagod ka na? We can
take a rest first if you want." Nag-aalala niyang sabi sa akin.
"Hindi... hindi..." Umiling-iling pa ako. "Okay lang. I know it will be worth the
effort." Ngumiti ako sa kanya at mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa kamay
ko.
I really did my best not to stop, kasi pakiramdam ko masasayang ang bawat minuto
kung pahinto-hinto kami, pero hanggang ngayon wala pa rin kami sa kalahati.
Iniisip ko na lang, maybe the myth is true, so I probably need to exert all my
effort. Nagulat ako nang bigla akong ni-piggy back ride ni Laxer na hindi
binibitawan ang kamay ko, kung paano niya nagawa yun, hindi ko alam. Masyado siyang
mabilis at malakas. "Ibaba mo na ako Laxer, mas mapapagod ka niyan eh." Pag-aalala
ko sa kanya. Hindi naman sa sobrang bigat ko pero nakakapag-alala na baka ang
siyang mahirapan at mapagod.
"I won't... just hold my hand tight." Alam ko namang hindi magpapatalo 'tong si
Laxer kaya pinabayaan ko na lamang siya, siguro naman ibababa niya rin ako kung
sakaling mapagod siya.
"Laxer... ibaba mo na kaya ako." Sabi ko malapit sa may tainga niya. Hindi niya ako
pinansin sa halip patuloy lang siya sa pag-akyat. "Sige ka baka hindi magkatotoo sa
atin yung alamat. Kasi diba sabi mo kailangang sabay akyatin 'to ng couple, eh
paano yan ni-piggy back ride mo ako. Dapat mag-effort din ako." Napanguso ako.
"Childish." Binaba niya ako pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.
"Sus! Mas childish ka kaya!" Sabi ko sa kanya at akmang hihigitin ko na ang kamay
ko mula sa pagkakahawak ko sa kanya kaso nahila niya agad ako payakap sa kanya.
"Behave. Baka hindi magkatotoo yung alamat." Aniya.
Pinagpatuloy na naming dalawa ang pag-akyat. At totoo nga! Worth it talaga sa huli
ang mga bagay na pinaghirapan mo nang sobra.
The view above here was beyond beautiful. It is breathtaking. Kulang ang salitang
maganda para i-describe ito. In fact, like I said a while ago it looks like a real
paradise. From the green trees, clean surroundings, falls and other eco-friendly
things, I want to cherish every moment here.
Nilabas ni Laxer ang iPhone niya at nagulat ako nang kuhanan niya ang magkahawak
naming kamay habang nakapatong sa railings. He posted the picture on Instagram.
Kahit iPhone lang ang ginamit niya, he really had this talent in photography.
My heart just skipped a beat when I read the caption.
Cherishing every moment with her 'coz I love her. I'll love her until our last
breath.
"This is my private account, so don't worry. Only my relatives follow me here." He
sighed. Alam kong gustong-gusto niya nang isapubliko ang tungkol sa amin.
"I know you're not yet ready and I understand that." He gave me a sweet smile.
Napansin kong pinagtitinginan na rin kami kaya niyaya ko na siyang bumaba.
We took a lot of pictures using his iPhone. Pabalik kami ngayon sa Bugatti niya
kasi nakalimutan niya yung DSLR niya at yung basket. We'll be having a picnic kaya
nagpahanda siya ng aming kakainin. Pinili namin ang puno kung saan matatanaw ang
falls. Nilatag ko yung malapad na telang hinanda ni Manang Agnes kanina at doon
kami naupo ni Laxer.
Isa-isa naming nilabas ang mga hinanda nilang pagkain. Fresh fruits yung una kong
kinain bago ang sandwich, nag-crave kasi ako bigla sa fresh fruits. "Gusto mong
maligo?" Kung alam ko lang na may falls dito sa pupuntahan namin, eh di sana
nakapaghanda man lang ako ng pamalit na damit.
"Hindi na. Sa susunod na lang... babalik pa naman tayo diba?" I think my eyes just
got hopeful right now. I am honestly astonished of the beauty of this place.
It's like a perfect picture of again a paradise we usually see in most of the
paintings and drawings. A blue sky with all the white clouds and birds from above.
Falls with clear blue water that will mesmerize your eyes. The green trees that
felt like home and so relaxing and all the flowers that bloom so much. This has
been an escape place for at least one day, from all heartaches and pain.
"Anytime you want. I told you it's ours." Napangiti naman ako. "Ipapabago ko na rin
ang pangalan nito." Nagulat ako sa sinabi niya habang nakasandal ako sa balikat
niya.
"CrayArt." Ano raw? Anong CrayArt? Pagkain ba yun? Nagtataka akong napatingin sa
kanya. "I thought of combining our first names and I got CrayArt, coming from Cray
and Artzell." And that made me blushed. How can I not fall for this man, when he's
always giving me the best reason to fall for him everyday?
"Bagay nga..."Komento ko at namumulang ngumiti sa kanya.
"Parang tayo lang bagay na bagay." Kininditan pa niya ako. "Kasi diba tingnan mo,
Cray parang galing sa crayon and yung Artzell naman ay parang galing sa art. Eh
diba crayons are also used to create an art? Parang Cray lang... Cray is born to
love Artzell." Yes, for some, it may look corny but for someone who loves him so
much, it really touched my heart.
Hindi ko napigilang ngumiti. Hindi ako na-inform na babanat pala ang isang 'to.
Wala na naman ako sariling nangingiti.
"Ang corny mo!" Biro ko sa kanya para maitago ang pamumula ng mukha ko sa sobrang
kilig. Kumuha na lang ako ng sandwich at dire-diretsong kinain 'to.
"You can't hide it. Your face is just like a tomato right now... pulang-pula." God.
Oo na! Why does he have to point it out? "Baby... okay lang yan. Hindi masamang
ilabas ang kilig, sige ka baka hindi ka makahinga niyan." Pang-aasar pa niya na mas
lalo kong ikinapula.
Inikot pa namin ang buong park. At halos lahat ng magandang view dito ay may
picture kami.
Ginawa ba naman akong model ni Laxer, para raw may idadagdag na siya sa mga
pictures ko na nasa secret room niya.
Ako naman ay pinipilit siyang mag-selfie kami gamit ang iPhone niya. Marami kaming
shots na sweet ni Laxer at most of the time siya lang talaga ang sweet sa picture
kasi nahihiya ako. At ang boyfriend ko ilang beses na akong ninakawan ng halik sa
pisngi. Sana araw-araw laging ganito.
"You will always be my favorite view." Aniya habang nakayakap sa akin at nakatitig
sa mga mata ko. Inayos niya ang buhok na tumatabon sa mukha ko nang dahil sa
malakas na hangin. "I will never get tired looking at you, always..." He kissed me
on my forehead.
"You really know how much I love forehead kisses..." Bulong ko sa kanya at mas lalo
pang humigpit nang pagkakayakap sa kanya.
"Forehead kisses are more than special than a million kisses on the lips. My dad
always told me that. " He then kissed me again on my forehead. "It meant my
sincerity on loving you this much." He kissed me again for the last time.
This is my kind of fairytale...him holding my hand so tight while walking late at
night. Him being there by my side when the sun rises and when the sun sets. Him
being my man...him being my Laxer.
Nakarating kami sa mansion na halos madaling araw na. Mabuti na lang at tulog na
ang lahat kaya hindi na namin kailangang maghiwalay agad sa pagpasok sa mansion.
May mga bodyguard na nakakita sa amin pero mukhang wala naman silang pakialam dahil
na rin siguro sa trabaho nila.
Nagulat kaming dalawa ni Laxer nang maabutang nakatulog na pala si Shantal sa may
sofa. Mukhang hinintay ata si Laxer. Parang may kung anong kumirot sa parte ng puso
ko.
"Sige na... puntahan mo na siya." Mahina kong sabi sa kanya. Pinili ko naman 'to
kaya kailangan kong magtiis. Hindi pa rin gumagalaw si Laxer sa pwesto niya at
hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko.
"Ayaw mo bang sa kwarto ko matulog?" Tanong niya sa akin pero umiling na lang ako.
Tinalikuran ko na siya para pumunta na sana sa kwarto namin pero ilang sandali pa'y
hinila niya ako palapit sa kanya. "I love you..." He whispered and kissed the top
of my head.
Pinuntahan na niya si Shantal, hindi ko alam kung bakit pero nagtago ako sa isang
madilim na bahagi nitong mansion kung saan tanaw ko pa rin silang dalawa.
Dahan-dahang tinapik-tapik ni Laxer si Shantal at agad din namang nagising si
Shantal. Halata ang pagkagulat sa mukha nito at agad naman siyang napayakap kay
Laxer.
At alam niyo kung anong masakit, niyakap siya pabalik ni Laxer, alam kong kapatid
lang ang turing ni Laxer sa kanya... pero wala eh, masakit pa rin pala. Nasa akin
na nga, may kahati pa rin ako.

[ 23 ChapterTwentytwo ]
-------------------------------

Maaga akong nagising para tulungan si Manang Agnes sa paghahanda dahil darating daw
ang daddy ni Shantal. Actually, noong nakaraang araw pa ito dumating kaya halos
lagi ring wala si Shantal sa mansion nitong mga nakaraang araw. Pabor naman ako
roon kasi hindi kami nahihirapang magtago ni Laxer.
Kami ang mag-aayos ni Manang Agnes ng hapagkainan. Samantalang nagluluto na ang
personal chef ni Laxer. Oo may personal chef sila pero ako ang laging gusto niyang
magluto ng agahan niya, inis na inis talaga ako sa kanya noon kaya ultimong bacon
and egg na nga lang ay sinusunog ko pa.
Napangiti ako sa naalala ko, ngayon alam ko na kung bakit gustong-gusto ni Laxer na
ako ang gumagawa ng mga bagay-bagay para sa kanya, maliban sa pagiging personal
maid ko sa kanya... siguro kasi dati pa lang crush na niya talaga ako. Napangiti na
naman ako. Laxer talaga oh! Para-paraan... Gusto kong kurutin ang sarili ko dahil
sa nakakahiyang pinag-iisip ko ngayon.
"Hija, mamaya ka na ngumiti riyan at baka mapagkamalan ka pang nababaliw na."
Napakamot ako ng ulo at ngumiti kay Manang Agnes. Nababaliw na naman talaga ako...
nababaliw kay Laxer.
Nang matapos na kami sa pag-aayos ay tumungo muna ako sa kwarto namin para magpalit
ng isang maayos na damit. Saglit lang naman akong nagpalit at lumabas na rin ako.
"Jerard..." Nanginginig ang labi na tawag ni Manang Agnes sa... mukhang daddy ni
Shantal kasi magkatabi sila ngayon. Napatakip pa ng kanyang bibig si Manang Agnes.
Hindi ko pa masyadong makita ang mukha ng daddy ni Shantal kasi nakatalikod sila
mula sa pwesto ko. Na-curious ako bigla sa naging reaksyon ni Manang Agnes at
mukhang ganoon din si Laxer. Napatingin sa akin si Manang Agnes na tila ba maiiyak
na siya. "Jearri..."
"P-po?" Bigla akong nakaramdam ng isang matinding kaba at eksaktong pagkasabi ko
nun ay napatingin sa akin ang daddy ni Shantal.
Nanlaki ang mga mata ko ngayon... bakit nakikita ko ang sarili ko sa kanya. At sa
hindi malamang dahilan ay biglang nagsiunahan sa pagbagsak ang aking mga luha.
Pinalis ko agad ito. Why am I even crying for unknown reason?
Lumapit sa akin si Manang Agnes. Hinawakan nito ang kamay ko. Napatingin ako kay
Laxer na puno na rin ng pagtataka. "Agnes... kamusta si Almira?"
At doon na ako tuluyang naiyak. Posible kaya? "Nagka-anak ba kami?" And my heart
just skipped a beat.
"B-bakit mo po kilala ang nanay ko?" Nanginginig ang labi kong tanong sa kanya.
"Hmm... dad?" Tawag ni Shantal sa kanyang daddy pero mukhang hindi man lang siya
narinig nito.
Nagulat ako nang dahan-dahang lumapit sa akin ang daddy niya. Hindi ako nakagalaw
sa pwesto ko at parang dumikit ang mga paa ko sa sahig nang dahan-dahan siyang
lumapit sa akin at niyakap ako nang sobrang higpit. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko
at ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Ikaw ba... ikaw ba ang anak namin ni Almira?" Tumango-tango ako. Hinawakan niya
ang magkabilang pisngi ko.
Nakita ko ang mga luhang patuloy na bumabagsak sa kanyang mga mata. Ang mga mata
niya, ang mga mata ko... parehong-pareho at walang pinagkaiba.
"Anak... ako ang tatay mo." Aniya. Lahat ng galit at inis ko sa kanya ay nawala,
napalitan ito ng pangungulila at pagka-miss sa tatay ko.
Bakit ba hindi ko siya naisipang hanapin? Siguro kasi nabulag na ako ng inis at
galit ko sa kanya noong nalaman kong inabando niya kami ni nanay. Pero sadyang
mabuti ang Panginoon at pinagtagpo niya kaming dalawa.
Totoong hindi matatawara ang pagmamahal natin sa ating mga magulang. Ilang beses
man tayong magtanim ng galit o di kaya ay tampo sa kanila, ang magulang ay magulang
pa rin. Sila ay mahal natin sa kabila ng lahat.
We must always be thankful of our parents. You know not everyone could live with
the. Ako na mismo ang patunay, ilang taon akong nangulila sa tunay kong ama. At
ngayong nasa harapan ko na siya, hindi ko mawari ang labis na sayang nararamdaman
ko ngayon. Totoong iba pa rin talaga kung nariyan ang iyong mga magulang para
gabayan ka.
Matapos ang pagyakap niya sa akin ay agad akong napatingin kay Manang Agnes.
Tiningnan ko siya na puno nang pagtataka. "Oo hija... Siya si Jerard Vergara, totoo
ang sinabi niya...siya ang tatay mo." Ani Manang Agnes, ramdam kong masaya rin siya
para sa akin. Ramdam kong matagal na rin niya itong ninanais. At ngayon nga ay
kasama ko na siya.
"Dad...Jearri..." Para naman akong binuhusan ng nagyeyelong tubig ng marinig kong
muli ang boses ni Shantal.
Bakas sa kanyang mukha ang sobrang lungkot... at doon ko muling naalala lahat ng
pinag-uusapin namin noong isang gabi.
Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Pero ramdam ko ang lungkot niya, ramdam ko ang
takot niya, na baka agawin ko ang mga bagay na nakasanayan niya na. Pero hindi ako
ganoon, sapat na sa aking malaman na buhay pa ang tatay ko. Sapat na sa akin na
malamang nandito siya sa harapan ko, at kinilala niya ako bilang anak niya.
"Shantal anak... She's your sister." Pakilala sa akin ni tatay. Mapakla siyang
napangiti.
"Bakit ikaw pa?" Napapikit siya nang mariin matapos niya akong tingnan. Kumawala
ang luha mula sa kanyang mga mata. Nang muli siyang tumitig sa akin ay labis-labis
ang lungkot sa kanyang mga mata. Sana ay maisip niyang wala akong balak kunin ang
mga bagay na nakasanayan niya na, noon pa man.
Kinuha niya ang bag niya at tuloy-tuloy na lumabas ng mansion.
"Shantal anak!" Tawag ni tatay sa kanya subalit hindi man lang siya nito
pinakinggan. "Anak... we'll talk okay? Kakausapin ko lang ang ate mo." Tumango
naman ako kahit gusto ko pa siyang makasama.
Siya na naman ang kaagaw ko sa isa pang lalaki sa buhay ko... ang tatay ko.
Pero sa ngayon, nararapat lamang siguro na bigyan ko sila ng oras, dahil kahit ako,
ay naiintindihan ko ang sitwasyon ni Shantal. She probably thinks I'll get
everything she has right now, knowing that I'm the real daughter. Naalala ko pa
iyong kinwento niya sa akin nung isang gabing nagka-usap kami, ibigsabihin ba noon
ay dapat pagbigyan ko siya Laxer.
Nanikip ang dibdib ko, thinking of letting Laxer hurts me so bad. I can't let him
go because I know myself I love him more than anyone else.
"Jearri..." Lumapit sa akin si Laxer at niyakap ko siya nang mahigpit. Sa oras na
ito parang nawalan ako ng pakialam sa mundo. Wala na akong pakialam kung makita
kami ng iba pang katulong dito, bodyguards, hardinero, personal chef at iba pang
trabahador.
Ayoko nang magtago, ayoko na... pagod na ako. Dapat pala naging matapang na ako sa
umpisa pa lang. He's mine, I'm his. Yumakap lang ako sa kanya at sinandal ko ang
ulo ko sa dibdib niya. Hinayaan kong kumawala ang mga luha mula sa aking mga mata
habang yakap-yakap niya.
Nakatayo ako rito sa veranda ng kwarto ni Laxer habang nakayakap siya sa likuran
ko.
Pagabi na rin kaya ang sarap magpahangin dito. Nagulat ako nang bigla siyang
bumitaw sa pagkakayakap sa akin at may kung anong kinuha sa bulsa niya. Naramdaman
ko na lamang na may sinuot siyang... Nanlaki ang mga mata ko.
It was a solid gold infinity name necklace. Para naman akong biglang kinapos ng
hininga, tiningnan kong mabuti ang nakasulat dito. "LaxJea naman, may CrayArt na
kasi tayo. Just like CrayArt, I got it from our second name, Laxer and Jearri."
Hinalikan niya ang pisngi ko mula sa likuran.
Hindi pa rin ako makapag-react dahil bukod sa solid gold ito ay may diamond din ito
na nakalagay sa bawat letra nang pinagsamang pangalan naming dalawa. "Don't you
like it?" Bakas sa boses niya ang lungkot. Agad din naman akong humarap sa kanya at
ngumiti.
"Hindi... Gustong-gusto ko kaso, mukhang masyado 'tong mahal at---"
"Don't think about the price. Think about the one who gave it to you. I want you to
have the best in life because I love you so much. Alam kong ayaw mong gastusan kita
nang sobra, kasi lagi ka namang tumatanggi. Pero isipin mo na lang that this
necklace symbolizes my love for you, kasi walang katapusan ang pagmamahal ko sayo."
He claimed my lips right after he said those words.
The kiss started from a slow one, until it was mixed with a hard kiss. Soft-hard
kiss, if that was possible. I can even hear the loud beating of my heart.
My hands found its way to the hem of his shirt. Doon ay mas mariin ang naging kapit
ko. The kiss became gentle again, so sweet...tila nagkaroon kami ng pakpak.
Malaya...sobrang laya, sa lipunang maaaring husgahan kami.
Napatigila kami sandali dahil pareho kaming kinapos ng hininga, subalit pagkatapos
noon ay muli niya akong hinalikan. I tip toed and encircled my arms around him. He
kissed me with so much love and care. And I was kiss like I am the best thing that
ever happened to him.
"C-Cray... J-Jearri?" My heart skipped a beat. Napabitiw agad ako kay Laxer at
sabay kaming napatingin kay Shantal na gulat na gulat sa nakikita niya ngayon.
"K-kayo..." Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa aming dalawa at doon na tuluyang
bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. "I'm so stupid... h-how come I didn't
notice it..." Nanginginig ang labi niyang sabi. Tinakpan niya ang bibig niya at
halatang pinipigil ang pag-iyak.
"Shantal... I already told you. Kapatid lang ang turing ko sayo." Napapikit ng
mariin si Laxer. Bahagya niya ring hinilot ang sentido niya.
"L-Laxer..." Mahina kong tawag sa kanya, masyado naman kasing masakit ang binitiwan
niyang salita.
"She's my girlfriend. She's mine and I love her." Tuloy-tuloy na sabi ni Laxer at
napansin kong parang nahihirapang huminga si Shantal.
Nilapitan ko siya para sana maalalayan kaso tinabig niya ang kamay ko.
"Don't touch me. Hindi ko kailangan ng awa mo." Mariin niyang sabi sa akin. "Mang-
aagaw ka. You stole him behind my back." That hit me. Iniwan niya akong nakatulala
dahil sa mga sinabi niya. Ako? Mang-aagaw? Para naman akong biglang nakaramdam ng
hilo... hanggang sa unti-unti na ring nanlabo ang paningin ko.
"Jearri!" Yan ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.
I felt someone stroking my hair. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.
Napatingin ako sa pintuan kung saan nakita kong papalabas ang isang doctor. "Over
fatigue daw sabi ng doctor. Kailangan mong inumin yung nireseta niyang gamot
sayo..." Halata ang pag-aalala sa mukha ni Laxer.
"Lagi na lang kitang binibigyan ng problema." Napabuntong-hininga siya. "Tell me...
am I still worth your love?" Bakas ang lungkot sa kanyang boses. I reached for his
face. I traced from his eyes to his lips. God. I love this man so much. I never
thought that loving him this could actually be possible.
"You are always worth it." Ngumiti ako sa kanya. "I love you." Sabi ko kahit
nanghihina pa talaga ako.
"I love you most..." He kissed my forehead. "I'll talk to Shantal. Don't worry I'll
fix everything and after that ipapakilala na kita. Ipapaalam ko sa buong mundo na
ikaw ang babaeng mahal ko." May mga luhang unti-unting bumagsak mula sa mga mata
ko. "I'm sorry if I always make you cry." He wiped my tears away.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Siguro nagsimula ito noong mga bata pa lang
kami, hanggang sa nagdalaga na ako. Na kahit paulit-ulitin ko sa sarili ko na hindi
ko siya gusto, bumabalik pa rin ako sa katotohanang oo, gustong-gusto ko siya.
Ngayon naman ay mahal na mahal ko na.
"Thank you for always wiping my tears..." I said almost a whisper, kasabay nang
patuloy na pagbagsak ng mga luha ko.
This is what love is all about. This also about the pain. And that pain would be
covered by that love. Kahit nasasaktan man ako, nangingibaw pa rin ang pagmamahal
ko kay Laxer.
And how do we define love? You just knew. Mararamdaman mong kusa, mare-realize mo
na, tama ito nga ang lalaking nakikita kong kasama ko sa hinaharap. Ito nga ang
lalaking gusto kong hindi pangmatagalang relasyon lamang subalit panghabambuhay.
Mahal ko si Laxer. Iyan ang totoo. Mahal ko siya higit pa sa sobra. I know I
deserve him, and I'm the one for him. And I know myself, whatever happens I will
always fight for him.

[ 24 ChapterTwentythree ]
-------------------------------

Nandito kami ngayon ni Shantal at tatay sa opisina ng kompanya nila. Tahimik lang
akong nakatungo at nakaupo rito sa sofa habang nilalaro ang mga daliri ko. Habang
si Shantal naman ay malayo sa akin.
"Dad... sige na po. She can have everything I have. Those are all hers to begin
with. Si L-Laxer na lang po ang itira niyo sa akin." She cried harder.
Nagulat ako nang humarap siya sa akin at mas ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa.
Lumuhod siya sa harapan ko habang humahagulhol sa pag-iyak.
"I'm giving up all I have to you. Wag lang si Cray... I can't. Alam kong mahal ka
niya at ganun ka rin sa kanya. Pero kasi... hindi ko kaya. Siya lang ang lalaking
mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Siya lang... Jearri... Nakikiusap ako
sayo." At tuluyan na ring bumagsak ang mga luha sa mga mata ko.
Nasasaktan ako. Nahihirapan ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung bakit sa
dami ng pwedeng niyang hilingin sa akin ay ang isang 'to pa.
"Shantal anak... tama na yan. Tumayo ka na." Hindi ako makapagsalita. I'm so out of
words right now. Hindi rin ako makagalaw, parang sa isang iglap nawalan ako ng
buhay. Oo buhay na buhay ako ngayon pero sa mga sinabi niya parang pinapatay niya
rin ako habang buhay ako.
"No dad..." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak at hindi siya nagpapatinag sa
pagkakaluhod. "If she wants me to beg her forever, gagawin ko... ibigay niya lang
sa akin si Laxer." She looks so determined and at the same time so desperate right
now. .
Ngayon ko nalaman na ito pala ang pwedeng maging resulta ng labis na pagmamahal.
Nagiging sobrang depende sa isang tao, na kahit kaya mo namang mabuhay nang wala
siya, ay pakiramdam mo hindi mo na ulit kakayanin pa sa oras na iwan ka niya nang
tuluyan.
"Hindi laruan si Laxer na basta ko na lang ipamimigay. You can have everything I
have to begin with na sinasabi mo. But I'm sorry you can't have Laxer. He's mine."
Mariin kong sabi sa kanya.
Kailangan kong maging matapang para sa amin ni Laxer. Sometimes no matter how good
you are, you have to be selfish. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sasang-ayon ka na
lang palagi. When you know you deserve that person, when you know that person is
truly right for you and when that person loves you the same way you love him,
sometimes you have to be selfish of him. Ang sa'yo ay para sa'yo.
"You're so cruel. How can you say that? Vergara din ako. So technically magkapatid
tayo kahit sa apelyido lang. How can you treat your older sister like this?"
Mangiyak-ngiyak pa rin niyang sabi sa akin. Nagbago ang kanina'y nagsusumamo niyang
boses, ang boses niya ngayon ay puno na ng galit.
Napatingin ako kay tatay na halatang litong-lito sa mga nangyayari. Alam kong
nahihirapan din siya sa sitwasyon naming dalawa. Kahit ako ay nahihirapan din
talaga pero ngayon, determinado na ako sa desisyon.
"Ate... tumayo ka na riyan." Unang beses ko siyang tinawag na ate. "Kasi kahit
anong gawin mo hindi na magbabago ang desisyon ko." Tumayo ako at akmang aalis na
sana nang yakapin niya ako sa may binti ko.
Tila nanlalambot ako sa paraan ng pagyakap niya sa mga binti ko. Pakiramdam ko
tuloy ay masyado akong nagmamataas ngayon.
"Sabihin mo, anong kailangan kong gawin, ibigay mo lang sa akin si Cray?" Awang-awa
na ako sa hitsura niya ngayon. How can she manage to do this? Hindi ba ako pwedeng
maging makasarili kahit ngayon lang. "Wag ka namang maging selfish." Natigilan ako
nang lumabas iyon mula sa kanyang labi.
"Hindi ba ako pwedeng maging makasarili? Sa buong buhay ko ibang tao na lang lagi
ang inuuna at iniisip ko. Hindi ba ako pwedeng maging masaya kahit ngayon lang?
Hindi ba pwedeng maging akin yung lalaking sa umpisa pa lang alam kong akin na."
Nagmatigas ako. Pero unti-unti niya akong pinapatay sa pagmamakaawa niya.
"How can you say I'm selfish and cruel when from the beginning inisip ko yung
mararamdaman mo. Laxer's courting me for months. Pero lahat ng yun patago. Bakit?"
Mapakla akong napangiti at napapikit nang mariin. Kailangan ko ring ipaunawa sa
kanila ang side. I know not everyone will understand me. But I hope she will
listen, that's all I need now.
Diretso akong tumingin sa kanya at pagod na ngumiti.
"Kasi iniisip kita... iniisip ko yung mararamdaman mo, kaya kahit labag sa loob ko,
nakiusap akong ilihim muna namin yung tungkol sa amin. Selfish pa bang matatawag
yun? Kung sa araw-araw na gumigising ako, gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na
siya yung lalaking mahal ko." Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko.
Naramdaman ko naman ang pag-aalala ni tatay sa akin. Sana naman ngayon, yung
nararamdaman ko naman ang isipin nila. Sana naman sa pagkakataong ito ako naman.
"Oo selfish ka! Selfish ka! Kasi kung iniisip mo ang nararamdaman ko eh di sana sa
umpisa pa lang tinigil mo na!" Tumayo siya mula sa pagkakaluhod niya.
Mariin siyang tumitig sa akin na puno ng galit.
"Alam mong mahal ko si Cray... I even told you everything... nakikiusap naman ako.
Kahit bilang ate mo na lang, please...hayaan mo nang sa akin si Cray." Muling
pagmamakaawa niya subalit buo na ang desisyon ko. Why would I let go someone I
love? Mahal namin ang isa't-isa.
Humarap naman siya ngayon kay tatay. "Dad... please. Pumayag ka na sa marriage
namin ni Cray. Dad... never akong humiling sayo. Naging mabuti akong anak sayo at
kay mommy. Ngayon lang ako humiling nang ganito." Humawak siya sa braso ni tatay.
Alam kong nahihirapan nang magdesisyon ngayon si tatay. Alam kong tulad ko ay
mahalaga rin si Shantal sa kanya.
"I'm sorry anak... Pero kailangan kong bumawi sa kapatid mo. Mahal nila ang isa't-
isa, just let them be." Naiyak ako sa sinabi ni tatay. Sa unang pagkakataon
nakaramdam ako nang saya na mula sa isang ama.
Hindi ako humiling sa tatay ko ngayon, pero nalaman niya ang totoong gusto ko.
Nalaman niya ang panghambuhay na nanaiisin ng puso ko.
"Dad please... Kahit kunin mo na lahat sa akin. Wag lang si Cray... Dad hindi ko
kaya. Dad please...." Hindi ko maintindihan kung bakit si Laxer pa, ang daming
lalaki sa mundo.
"Sa buong buhay ko hindi ko inakalang may Cray na dadating sa buhay ko." Nakatungo
niyang sabi habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang mga luha.
"That day, I made a promise. I'll always love that guy. At sisiguraduhin kong
mamahalin niya rin ako. Okay naman lahat eh. I don't know that there's Jearri in
his life. Tuwing magbabakasyon siya sa States, I'm sure I always made him happy...
pero hindi ko akalaing may mas magpapasaya pa pala sa kanya na higit sa akin."Sa
pagkakataong ito lumuhod siya sa harapan naming dalawa ni tatay.
My God. I can't breathe.
"Tama na ate..." I started crying so hard this time. "Tama na... please. Hilingin
mo na lahat sa akin, wag lang si Laxer. He's my everything and I can't imagine
myself without him. Ako ang makikiusap sayo ngayon... tama na... itigil mo na 'to
please..."
Tila may bumabara sa dibdib ko. Kasama ng barang iyon ay ang tila punyal na paulit-
ulit na tumutusok sa dibdib ko tagos sa aking puso.
"Look... I don't care if I look so damn desperate right now... please, one more
time, I'm begging you Jearri... " Lumuhod ako para pantayan siya. Nilebel ko ang
sarili ko sa kanya, para malaman niyang nakikinig ako. Naiintindihan ko ang
sitwasyon niya pero sa pagkakataong ito. Hindi na mababago ang desisyon ko.
"Ate... I'm sorry..." Buong puso kong paghingi ng tawad sa kanya. Sana naman
maintindihan niya ako.
"I won't take no for an answer, I won't, I ---" Halos maubusan ako nang dugo ng
makita ko kung paanong unti-unting nawalan ng malay si Shantal sa harapan ko.
"Ate!!!" Anong gagawin ko? Tila natulala na lamang ako sa nangyari.
"Shantal anak..." Dali-daling binuhat ni tatay si Shantal. She's so unconscious
right now.
Tumawag na rin ng ambulansya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanatili ako sa
posisyon na tila naliliyo sa nangyari. Parang umiikot na ang mundo ko.
Tulala akong umuwi ng mansion. Naiiyak ako. Naiiyak ako na kaunti na lang bibigay
na ako. "Baby..." Hearing his voice makes me stronger. Makes me stronger na ayoko
nang kumawala pa sa kanya. Bakit kasi kailangang siya pa yung hilingin ni Shantal.
Bakit siya pa? Selfish ba talaga ako?
"Am I too selfish to want you so much...to need you so bad?" Nanghihina akong
napayakap sa kanya. "Hindi ba kita pwedeng ipagdamot sa kanya?"
"Of course you can. You already have me. I'm yours. Please stop crying..." Sinubsob
ko lang ang mukha ko sa dibdib niya. Mahigpit akong yumaka sa kanya. I can't stop
fighting for him. I can't walk away or even run away from him. And if ever I'll
walk away, I know I'll regret it forever.
"Hindi ba pwedeng maging masaya na lang tayo?" Kung sana ay hindi na lang ganito
kakumplikado ang sitwasyon.
"I'm sorry Jearri... I'm sorry, I tried to talk to her but she won't listen. I love
you but I feel so stupid I can't do anything about this." Naramdaman kong umiiyak
na rin siya. My heart melted. This man cried for me.
"Hindi ba pwedeng magmahal ang isang personal maid sa isang bilyonaryo? Sana noon
ko pa nakilala si tatay. Maybe we had crossed our paths the other way around. Maybe
the world would never be against us anymore. Maybe they will see me worth your
love." Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.
"Don't say that... you were always worth my love." He caressed my back and that's
when I cried even more. "You have me. You'll always have me." Masuyo niyang sabi sa
akin. He kissed the top of my head. Paulit-ulit na parang dinuduyan ako.
"Nakakapagod na..." My voice broke.
"Look at me..." Umiling-iling ako. "Please... damn! Look at me..." I can't, I'm
tired... I'm tired physically and emotionally. "Hey... I love you so much. I love
you. I love you that it fucking hurts to see you like this. Please... wag mo muna
akong sukuan oh." The next thing I knew he's already kneeling in front of me while
he's holding my hands.
Mas lalo akong naiyak. Why do they have to kneel in front me? Am I being too
selfish? Dahan-dahan kong pinantay ang sarili ko sa kanya. I held his face and I
kiss him, full of love.
"Nakakapagod na... pero hangga't kaya ko pa. Hinding-hindi kita susukuan. " And he
claimed my lips this time.

[ 25 ChapterTwentyfour ]
-------------------------------

"Hindi kita pipilitin na ibigay si Laxer kay Shantal. I know you love him that
much. Ayokong matulad ka sa akin. Ayokong balang araw pagsisihan mo yung mga
desisyon mo. I should have chosen your mom before. I got scared that time and I'm
so sorry for that. I'm so sorry you have to endure all of these. But whatever your
decision is I'm giving you my full support. I'm doing this because I love you as
much as I love your mom. Sana noon pa kita nakita anak... Patawarin mo si tatay."
Niyakap ko siya nang mahigpit. Maswerte pa rin ako na dumating si tatay sa buhay
ko.
"Maraming salamat po tatay." Nagulat ako nang bigla siyang napaluha at mas niyakap
pa niya ako nang mahigpit.
Hinatid ako ni tatay para i-enroll sa university na pinapasukan ko, masaya akong
binalita sa kanya na natanggap ako sa academic scholarship kaya hindi na ganoon
kalaking halaga ang babayaran ni tatay.
Sa isang linggo rin kasi ay pasukan na namin. Tinuruan pa nga akong mag-drive ni
tatay nitong mga nakaraang araw, ipapasok niya sana ako sa driving school kaso sabi
ko wag na lang. Kahit papaano ay natuto naman ako ng basic driving skills kay
tatay.
Mabilis akong nakapag-enroll, nakakapagtaka nga lang na hindi kami nagkita ni
Josef. Nalungkot tuloy ako bigla. Nakaka-miss din naman kasi siya. After all naging
isang mabuting kaibigan pa rin naman siya sa akin kahit pinasok niya ako sa kanyang
laro. "Gusto mo bang bisitahin ang ate mo sa ospital?" Tumango naman ako kay tatay.
Bago kami bumalik ng mansion ay dadaan muna ako sa ospital para bisitahin si
Shantal, aalis na rin kasi ako sa mansion sa kadahilanang gusto na ni tatay na
magkasama kami.
Nakausap ko na naman si Laxer tungkol dito, alam kong tutol siya rito pero wala na
rin naman siyang nagawa. I assured him nothing will change so as with my love for
him.
Nakarating kami sa kwarto ni Shantal, may isang matandang nagbabantay sa kanya.
Mukhang mas bumuti na ang kalagayan niya ngayon habang kumakain siya ng mansanas.
Napatigil siya sa pagkagat sa kanyang mansanas nang mapansin niyang nandito ako.
"Jearri..."
"Ate..." Nagulat ako nang ngumiti siya sa akin.
"Pumapayag ka na ba?" Nagulat ako sa naging tanong niya kaya hindi agad ako
nakapagsalita. "Mukhang pumapayag ka na nga, kung ganoon maraming salamat. Pwede mo
nang kunin lahat ng meron ako, basta wag lang si Cray ah?" Ano? Ano bang
pinagsasasabi niya? Para siyang bata. Maging ang paraan ng kanyang pagsasalita ay
tila tulad sa nagsusumamong bata.
"Mahal na mahal ko talaga si Cray." Teka nga! Wala naman akong sinasabi sa kanya na
pumapayag na ako sa gusto niya.
Bago pa man ako makapagsalita ay bigla namang nagsalita ang matandang nagbabantay
kay Shantal. "Sir Jerard, sabi ng doctor pwede na raw siyang lumabas ngayong
hapon." Tumango-tango naman si tatay.
Dahil sa inis ko na hindi man lang ako hinayaang makapagsalita ni Shantal kahit
ilang beses kong sinubukan, palihim akong nagpaalam kay tatay na babalik na muna
ako ng mansion at bukas na lang ako aalis doon. Mabuti naman at agad na pumayag si
tatay.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" Natatawang tanong ni Laxer sa akin pagkapasok na
pagkapasok ko sa kwarto niya. Dahil huling araw ko na rito sa mansion ay
nagpadesisyunan kong dito na lang matulog sa kwarto niya.
"Eh kasi..." Napanguso ako at umupo sa kama niya habang siya ay prenteng-prenteng
nakahiga. Masayang-masaya ngayon na tabi kaming matutulog.
"Kasi...?" Sasabihin ko ba? Napanguso na lang ulit ako nag-aalangang tumingin sa
kanya. Nagulat ako nang hilahin niya ako papalapit sa kanya dahilan para maglapat
ang mga labi namin at sa isang iglap ay nasa ibabaw ko na siya.
Inayos niya ang buhok na bahagyang tumakip sa mukha ko. Marahan niyang pinasadahan
ng kanyang daliri ang mukha ko, mula mata hanggang sa labi ko. Napalunok ako sa
kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko ngayon.
Hinalikan niya ako nang marahan at parang nagkaroon na naman ng sariling buhay ang
mga labi ko nang tugunan ko ang bawat paghalik niya. "Stop pouting it makes me want
to make love with you."Aalis na sana siya nang hawakan ko ang braso niya at masuyo
ko siyang tiningnan. Napagkagat ako sa ibabang labi ko. Sinusubukang lumabas sa
bibig ko ang mga katagang iyon pero tila nagkaroon ng sariling buhay ang bibig ko.
"T-then... make love with me." Hindi ko alam kung bakit ko ito nasabi pero
pakiramdam ko... pakiramdam ko...
Nagulat ako nang ang pagkagulat niyang ekspresyon ay napalitan ng mapang-akit na
tingin. He kissed me fully once again. It was combination of soft and hard kiss.
Pakiramdam ko'y nililipad na naman ako. Sobrang bilis ng tibok ng puso tulad ng
malakas na kabog ng dibdib ko.
Bahagya siyang tumigil dahil pareho na kinakapos sa hangin. Namuo ang mapaglarong
ngiti niya sa kanyang mga labi.
"As you wish my love." He started kissing me again from my lips down to collarbone
down to my chest. Napadaing ako nang dahil sa paraan ng paghalik niya sa akin,
hindi ko na mapagsama-sama pa ang mga ideya sa utak ko.
The way he kisses me tonight is so foreign to me and it sent shivers down to my
whole system. I can feel how much he cares for me. The way he kissed makes me feel
I'm the only girl of his life. The way he looks at me while kissing me with all the
love, makes me feel I'm the luckiest to have been loved by a billionaire like him.
Mariin akong napakapit sa kanyang bisig. Nawawala ako sa aking sarili. Dinadala
niya ako sa mundong, tila kaming dalawa lang. Sa mundong, walang pagpapanggap,
walang panghuhusga, sa mundong sigurado kaming hindi mali ang mahalin ang isa't-
isa. Sa mundong, ako ay para sa kanya at siya ay para sa akin lamang.
The way he traced every inch of me was so foreign and I'm totally out of words. It
feels like he's memorizing every bit of me. Hindi ko mapigilan ang sayang
nararamdaman ko ngayon, dahil alam ko, siya na talaga ang lalaking para sa akin.
Paaano mo nga ba malalamang siya ang para sayo? Simple lang, sa pag-iisip ng
hinaharap, walang ibang lalaki kang nakikita kundi siya lang...siya na kasama mo sa
hinaharap...mararamdaman yun ng puso mo na sasang-ayunan ng isipan mo.
Siya. Si Laxer, yung nag-iisang lalaki na nakikita kong kasama ko sa hinaharap. Si
Laxer yung naiisip kong bubuo ng pamilya kasama ako. Hindi ko makita ang sarili ko
na sa ibang lalaki ako nakatakda.
He traced every inch of me with my clothes on, I don't know what it is but there's
something I can feel in between my thighs. Everything's so foreign, so new to me,
really... He was sweet and aggressive at the same time if there's such a thing like
that.
"L-Laxer..." I let out a soft moan. I don't know what's happening to me. Yes, we do
kiss a lot but this situation we are in right now is so unfamiliar to me. Am I even
ready for this?
"I love you..." He said as he started undressing me. Dahan-dahan niyang hinawakan
ang hem ng t-shirt ko, I gasped. "Hands up...baby..." Sinunod ko ang gusto niyang
mangyari.
Hindi na pantay ang paghinga ko. Sa parehong pagkakataon ay nasasabik at
kinakabahan ako.
Bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Kaya agad ko rin siyang pinigilan at
napatakip ako ng kamay sa sarili ko. Ano bang pumasok sa isip ko at niyaya ko
siyang gawin ito."It's okay if you're not yet ready." Aniya. Sinubukan niyang
ngumiti sa akin subalit halatang-halata ang panghihinayang at pagkabitin sa kanyang
mukha. I want to give him all of me, kaso... mukhang hindi pa talaga ako handa.
"I love you... I'm sorry..." Naiiyak kong sabi sa kanya. Ako yung humiling nito
tapos ako rin naman pala ang aatras. "I'm sorry... akala ko kasi..." Tuluyan nang
bumuhos ang mga luha ko sa aking mga mata. Gustong-gusto ko nang ibigay ang sarili
ko na buong-buo dahil alam kong hindi ko naman ito pagsisisihan.
"Shhh... It's okay. Don't worry about me." He sincerely smiled at me. "I'm willing
to wait. Always remember that. Hindi naman dito nasusukat ang pagmamahal mo sa
isang tao. So please stop crying." Inayos niya yung suot ko at pinalis niya ang mga
luha ko sa aking mukha. "I love you." He kissed my forehead. "I love you so much."
Niyakap ko siya nang mahigpit. "I love you, I will wait for you, until you're
ready.." He whispered again until we both fell asleep.
Nagising kami pareho ni Laxer dahil sa ingay nang pagkabagsak ng isang bagay na
hindi namin mawari kung ano.
Yung mamahaling vase ata ni Laxer.
Napabangon agad kami ni Laxer, nagising ang buong diwa ko nang makita ko si Shantal
sa may pinto habang may mga luhang bumabagsak sa kanyang mga mata.
"How dare you? Ang kapal ng mukha mong sabihin na pumayag ka sa gusto ko pero heto
ka't nilalandi si Cray! Napakasama mo! Makasarili ka! Kaligayahan mo lang ang
iniisip mo!" Mariin niyang sabi sa akin. "You are so selfish Jearri. You wanted
everything just for yourself." Puno ng galit ang paraan nang pagtingin niya sa
akin. Kung nakakamatay ang tingin ay paniguradong nakahandusay na ako rito.
"Sabihin mo nga sa akin... narinig mo bang lumabas sa bibig ko na pumapayag ako?"
Iritadong sabi ko sa kanya. Rumehistro ang pagkagulat sa kanyang mukha. "Ni isang
beses ba kahapon hinayaan mo man lang akong makapagsalita? Diba hindi naman? You
just assumed it." Matapang kong sagot sa kanya. Hindi agad siya nakabawi sa naging
tugon ko.
"Ang sama mo talaga! Akala mo kung sinong anghel ka! Mukha ka lang anghel sa
panlabas na anyo." Singhal niya sa akin.
"Shut the fuck up Shantal! Stop all your crazy shits!" Nagulat ako sa biglaang
pagsigaw ni Laxer, ganoon din si Shantal. Ngayom ko lang nakitang ganito kagalit
so Laxer. Hinawakan ko siya sa braso niya para sa ganoon ay kumalma siya kahit
paano.
Mas lalo siyang napaghagulhol sa pag-iyak. Marahil ay ito ang unang beses na
nagalit sa kanya si Laxer. "Alin ba sa kapatid lang ang turing ko sayo ang hindi mo
maintindihan?" His jaw clenched.
"L-Laxer..." Natatakot kong tawag sa kanya. Napansin kong patuloy pa rin sa
paghagulgol si Shantal. Sinubukan kong lumapit sa kanya pero tinulak niya lang ako.
"You can't have Cray, tandaan mo yan..." Galit na galit niyang sabi sa akin na
naging dahilan para manigas ako sa pwesto. Hindi ako makagalaw dahil tila binuhusan
niya ako ng malamig na tubig at nagkaroon na mismo ng hindi maipaliwanag na espasyo
sa sikmura ko. Tila nilalamon ng matinding pangamba ang dibdib ko.
"Tama na Shantal..." Sa pagkakataong 'to, si Laxer naman ang lumapit sa kanya.
Hindi niya pinagtulakan si Laxer. "Please..."
"No... She can't have you. Ako lang dapat. Ako lang Cray... I'm your princess and
soon to be your queen. Ako lang dapat. Ako lang!" Hinampas-hampas niya sa dibdib si
Laxer, wala akong magawa. Thoughts keep on running in my head. "Ako lang... ako
lang Cray..." Unti-unting humina ang paghampas niya sa dibdib ni Laxer hanggang
sa...
"Shit! Shantal. Shit! Shit! Fuck! Wake up!" Tinapik-tapik niya ang mukha ni Shantal
para magising but it's no use at all, tuluyan nang muling nawalan ng malay si
Shantal.
Dali-dali niyang binuhat si Shantal na hindi man lang ako tinapunan ng tingin at sa
isang iglap parang nawala na naman ako sa buhay niya, nakalimutan niya na naman
ako. Magsisinungalin ako kung sasabihin kong okay lang yun sa akin, okay lang kasi
kapatid lang naman ang turing niya, na hindi ako nasasaktan. Pero shit lang!
Nasasaktan ako! Sobra...
Napalugmok na lang ako sa sahig. Wala nang luhang bumagsak mula sa mga mata ko,
pati ang mga luha'y napagod na rin parang ako lang...Pagod na pagod na talaga ako.

[ 26 ChapterTwentyfive ]
-------------------------------

This the last chapter! Thank you ❤


----
Nanlalambot ang mga tuhod ko habang tinutungo ang daan patungo sa kwarto ni Shantal
dito sa ospital kung saan siya naka-confine.
Nanginginig ang kamay kong pinihit ang doorknob. Para akong sinaksak ng paulit-ulit
sa nakikita ko ngayon.
Pinagbabalat ni Laxer si Shantal ng mansanas at mukhang okay na silang dalawa. In
fact, tumatawa na ngayon si Shantal kasama si Laxer. "Jearri..." Tawag sa akin ni
Shantal, wala nang bakas ng galit sa kanyang boses. Para naman akong natuod ng
bigyan ako nang malalamig na titig ni Laxer.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Sana hindi tama ang iniisip ko
ngayon. Laxer won't let go of me right?
Tuluyan na akong pumasok sa kanyang kwarto. "K-kamusta?" Nag-aalangan at nauutal
kong tanong sa kanya. Ngumiti siya sa akin na siya ring ikinagulat ko.
"Okay na ako Jearri... Mas magaling pa sa doctor 'tong si Cray eh." Para siyang
teenager na kinikilig ngayon. Bahagya siyang tumawa na tila sobrang nasisiyahan
siya sa nangyayari ngayon, ang pagtawa niya ay tila pagtarak ng ilang punyal sa
dibdib ko tagos sa aking puso. Paulit-ulit ko na laman bang mararamdaman ito?
"Mukha nga..." Halos pabulong ko na lang na sabi. Binaling ko naman ang tingin ko
kay Laxer ngayon. "L-Laxer can we talk?" Kabadong tanong ko sa kanya. Halos hindi
na ata ako makahinga ngayon.
Nagulat ako nang hawakan ni Shantal ang kamay ni Laxer. Walang kabuhay-buhay na
tumingin sa akin si Laxer. Tila kakapusin ako ng hangin. Ito na ba ang
kinatatakutan kong mangyari?
"Cray..." Maamong tawag ni Shantal kay Laxer. "Please don't leave..." At para na
naman akong sinaksak nang paulit-ulit.
Tatanggalin na sana niya ang pagkakahawak sa kanya ni Shantal subalit pinigilan
siya nito. "Cray... wag mo akong iwan..." Bigla namang nag-unahan sa pagbagsak ang
mga luha ni Shantal, para namang nanghina si Laxer na hindi niya alam ang dapat
gawin.
"L-Laxer..." Tawag kong muli sa kanya. "C-choose." Wala akong ideya kung paano ko
nagawang sabihin yun sa kanya.
Alam kong malaki ang posibilidad na piliin niya si Shantal kasi kailangan siya
nito. Nalaman kong mahina pala ang puso ni Shantal at ilang beses na rin itong
nagpabalik-balik sa ospital.
Si Laxer lang ang may kakayahang magbigay ng saya sa kanya, kaya ganoon na lamang
ang pagkadesperada niya mapasakanya lang si Laxer. Hindi pwedeng sobrang malungkot
si Shantal, hindi rin ang sobrang saya, katamtaman lamang at si Laxer lamang pala
ang nakakagawa nito para sa kanya.
Pero paano naman ako? Mahal ko siya... kailangan ko rin siya. Mahal ko siya dahil
mahal ko siya.
"Jearri..." Sa wakas ay binanggit niya na rin ang pangalan ko.
"No...no...no... Cray..." Parang hirap na hirap na naman sa paghinga si Shantal.
Nanlulumo ako sa sitwasyon ngayon. Mas lalo akong kinakabahan sa bawat paglipas ng
segundo.
Naghahabol na rin ako ng hininga sa sobrang kaba.
"Jearri... just... just leave." Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Kung
akala ko'y ubos na ang luha ko, hindi pa pala dahil ngayo'y kusa na silang
bumabagsak habang nakatitig ako kay Laxer.
He just gave me cold stares. Tangina! Ang sakit! Napahawak ako sa dibdib ko para
mapakalma ang sarili ko. Never in my entire life had I imagined Laxer choosing
Shantal over me.
"I... I wish I had a weaker heart." Patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko.
"I wish I could just kill myself right now for you to choose me over her."
Tiningnan ko siya sa mata, walang emosyon, ni hindi ko man lang mabasa ang iniisip
niya. "Ang sakit Laxer! Ang sakit! Ang sakit-sakit na parang unti-unti mo na rin
akong pinapatay." Sandali akong tumigil at pinunasan ko ang mga luhang nag-uunahan
sa pagpatak mula sa mga mata ko. "Kapag ba namatay ako... ako ang pipiliin mo?"
"Jearri---"
"Kapag ba ako ang nasa sitwasyon niya ngayon, ako ang pipiliin mo?" He's still
expressionless, ganoon din si Shantal. "Akala ko ba mahal mo ako? O akala lang
talaga yun?" Labis-labis na lamang ang pagkawala ng mga luha ko mula sa aking mga
mata.
I cried harder, but there's no Laxer who wipe my tears away for me. "Kung ganyan
din naman pala, sana pareho na lamang kami ng kalagayan. Siguro kahit awa ay baka
naibigay mo rin sa akin." With that, I turned my back away from them, kasabay pa
rin ang pagpatak ng mga luha ko.
Sandali akong tumigil nang mahawakan ko ang doorknob. Nanghihina na talaga ako pero
umaasa pa rin ako na susundan niya ako.
Pero masakit pa rin talaga ang umasa. Hindi niya ako sinundan o kahit man lang ang
pangalan ko'y hindi niya nagawang banggitin sa huling pagkakataon.
"Cray... please... stay."
"I will..." At tuluyan na akong lumabas ng kwartong iyon kasabay ng pagguho ng
mundo ko. Napasandal ako sa may pinto, napahawak ako sa dibdib ko. Shit! Ang sakit!
Ang sakit-sakit.
That's the last sign and I'm no longer the billionaire's maid.
Umuwi ako sa condo unit na binili sa akin ni tatay. Ilang araw na rin ang
nakakalipas simula noong piliin ni Laxer si Shantal at hanggang ngayon nakabaon pa
rin sa puso ko ang sakit.
Bawat araw na lumilipas ay parang parusa sa akin. Mas lalo lang akong nalulungkot.
Hindi ko kayang mag-isa... para akong pinapatay sa matinding katahimikan ngayon.
Niyakap ko ang mga tuhod ko at hinayaan ang mga luhang pumatak mula sa mga mata ko.
"Anak... anak..." I get back to my senses when my tatay hugged me so tight.
Kamuntikan ko nang makalimutan na nandiyan pa nga pala ang tatay ko.
Hindi ako nag-iisa. "I'm sorry." Napayakap ako sa kanya nang mahigpit. Hindi ako
nagsalita, I let the silence took over again and again.
Hindi naman ako pinilit ni tatay na magsalita. Simula kanina sa classroom ay ganito
rin ako, ni hindi nga ako makausap ng maayos ng professor namin, mabuti na lamang
at orientation per subject pa lang naman ngayong linggo. "Let tatay know what you
need."
"I need him..." Awtomatikong lumabas sa bibig ko ang mga salitang yan. "Ang sakit-
sakit tatay... ang sakit-sakit na kahit buhay na buhay pa naman ako ay para na rin
akong unti-unting pinapatay." May mas titindi pa pala mula sa mga luhang iniluha ko
nitong mga nakaraang araw.
"Bakit hindi siya pwedeng maging sa akin? Minahal niya ba talaga ako tatay o umasa
na naman ako sa wala." Masakit isipin na akala ko sapat na ang pagmamahal niya
sayo, na sobra-sobra pa ito pero hindi pala. Ang pagmamahal ni Laxer ay naging
kulang para ako ang piliin niya.
Kung mahal mo, hindi mo pakakawalan. Ang sakit lang na yung taong pinag-alayan mo
ng buong pagmamahal mo ay siya ring unang taong nagwasak nito. Kung sino pa yung
taong akala mong mananatili sa tabi mo hanggang dulo ay siya ring unang bibitiw
sayo. Yung kahit pinili mong kumapit pa ay siya na mismong humawak sa kamay mo para
maialis ang pagkakakapit mo sa kanya.
"Patawarin mo ako anak. Kung sana'y naging matapang ako noon, marahil ay hindi mo
'to nararanasan ngayon." Pati na rin si tatay ay naiyak na rin. Yumakap pa ako nang
mahigpit kay tatay. Paulit-ulit pa ring nagre-replay sa akin ang buong pangyayari,
paulit-ulit na bumibitiw sa akin si Laxer.
"Patawarin mo ako kung wala akong magawa, sana maintindihan mo na mahina ang puso
ng ate mo. Pero hindi ibigsabihin nun pinipili ko siya mula sayo." Panay ang hikbi
ko. Wala nang makakatalo pa sa sakit na nararamdaman ko.
"Mayroon na pong siyang Laxer eh..." Parang binibiyak ang puso ko ngayon. "Minsan
naisip ko sana ako na lang siya. Sana mahina rin ang puso ko..." Hindi makakatakas
ang tampo na nararamdaman ko. Kung bakit ba kasi kailangang maging kumplikado ng
buhay. Kung bakit kasi kailangan ko pang magmahal ng sobra. At kung bakit sa tila
maling tao pa nga ako nagmahal.
"Anak wag mong sabihin yan...everything happens for a reason. May mga magbabago
para matuto kang pakawalan sila. May mga mawawala para ma-appreciate mo yung halaga
nila. Maniniwala ka sa kasinungalin para matuto ka na magtiwala sa iyong sarili
lamang. May mga magandang bagay na masisira, mawawala para sa gayon ay makabuo ng
mas magandang bagay na higit pang magpapasaya sayo." Ngumiti sa akin si tatay para
i-cheer up ako.
"At kung hindi man kayo para sa isa't-isa marahil ay may mas deserving pang
dadating para sayo." And that hit me, may mas deserving pa ba kay Laxer? I bet no
one. Hindi ganoon kadaling kalimutan na sobrang minahal ko siya subalit hindi ako
ang pinili niya.
I tried to get things back to its normal places. I haven't seen Shantal and Laxer
for weeks. Masakit pa rin oo, pero wala eh. Mukhang hanggang dito na lang talaga.
Nagpalit na ako ng pantulog na damit at humiga sa kama. Araw-araw naman akong
binibisita rito ni tatay at may nagbabantay nitong condo ko tuwing nasa eskwelahan
ako.
Nakatulog na pala ako subalit nagising ako nang maramdamang may mga kamay na
sumusuklay sa buhok ko.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, at halos malaglag ang puso ko sa nakikita
ko ngayon. Nasa tabi ko si Laxer habang nakatitig sa akin.
Sa hindi malamang dahilan ay muling bumagsak ang mga luha sa mga mata ko. Kailan ba
ako tumigil sa pag-iyak?
"Stop crying..." He said softly and sweetly. "I'm always here, wag mong kakalimutan
yan." Naramdaman ko ang marahanang pagdampi ng kanyang labi sa mga labi ko. If this
is just a dream please don't wake me up. "Sleep..."
"Wag mo na akong iiwan ulit ha?" He just smiled at me pero dahil antok na antok pa
rin ako ay agad din akong nakatulog.
Masaya akong gumising at kinapa-kapa ang tabi ko. Napabalikwas ako ng bangon nang
mapansing wala naman akong katabi. "It was just a dream... a beautiful one." I
whispered to myself.
At muling nag-uunahang kumawala ang mga luha sa mga mata ko. Kumuha ako ng unan at
niyakap ito. Tahimik akong umiyak. I can't bear this pain anymore.
Tinahak ko ang daan paakyat sa bundok dito sa Bulacan. Nakasunod lamang sa akin si
Josef.
"Sabi nila kapag aakyat ka sa bundok na ito, parang hawak mo na rin ang buong
mundo, parang sayo ang buong mundo." Aniya nang sa wakas ay marating namin ang
tuktok ang makita ang kabuuhan ng lugar.
Humahampas ang hangin sa aking balat. Napangiti ako, mula sa sunod-sunod na araw na
pag-iyak ko ay ngayon lang ako muling nakahinga nang maluwag. "Breathe. Remember
that you own this. This is your world. This is your life. And you are the only
who's in control of your life." He smiled at me.
"Hindi mo kailangang habang buhay mabuhay sa nakaraan. You have to move forward.
Let those people live the life of not choosing you. Laxer, may not be the man for
you. But still he leaves you with a lesson." Hinawakan niya ang kamay ko at
masinsinang tumingin sa akin. "He deserved your tears before, but not now that he
didn't choose you." Inayos niya ang buhok kong hinahangin at tsaka niya ito
inipitan gamit ang panali na nasa palapulsuhan ko.
"Thank you Josef." I know these words aren't enough yet but I want him to feel my
sincerity.
"I'm not asking you to love me back now but let me love you the way I want to. You
are a diamond he let to slipped away. And I'm picking you up, because this time I
know I deserve you more than any other man." He kissed the top of my head and I
just let him too.
Maybe one day, I'll be able to love again. Maybe one day, I'll choose to open my
heart for someone again. Maybe one day, maybe one day...I won't waste any more
tears for a man who might be less deserving of the love I could give.
Hopefully one day.

[ 27 Epilogue ]
-------------------------------

I stared blankly at my car tatay bought me. My mind's arguing if I should meet
Laxer or not. Alam kong napag-usapan na namin ni Josef na dapat magpahinga muna
ako. Sobra-sobra na kasi ang sakit na naramdaman ko at kung gagawin ko pa ang
makipagkita kay Laxer ay mas masasaktan pa rin ako.
My heart says I should, but my mind says the opposite. Wala sa sarili akong bumalik
sa condo at kinuha ang susi ng kotse ko.
I don't want to lose this chance. I don't want to regret things like this. Alam
kong baka piliin niya na naman si Shantal sa pangalawang pagkakataon pero kailangan
ko pa ring sumubok. I know this isn't a good idea.
Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagsasabi sa akin ni Josef ng katotohanan ay
heto pa rin ako babalik na naman kay Laxer. Ganito ba talaga kapag nagmamahal ka?
But then I realized, in love we should take the risks when we know the one is worth
risking for. Is Laxer still worth risking for? Hindi ko malalaman kung hindi ko
susubukan
Being hurt is inevitable. Nagmahal tayo nang wagas at totoo, kaya ganoon.
Huminga ako ng malalim. Sana tama ang desisyon ko ngayon. One last chance, if he
chose her again, I'm gonna let go this time for real. Kahit masakit ay bibitiw ako.
I erase the thought that I'm not a good driver. It's five in the morning at pasikat
na rin ang araw, I start the engine and I'm off to go.
Kinakabahan akong mangneho, ayoko kasing hintayin na lang si tatay para sana
magpahatid na lang sa kanya.
Kaso alam kong pagod naman si tatay tuwing bumibisita siya sa akin at isa pa
ayokong sayangin ang bawat segundo ng oras ko.
Napailing naman ako. Bakit ba hindi ko man lang naisip na gawin 'to dati pa.
Hinintay ko pang sampalin ako ng mga realizations na yan.
Ayokong magsisi hanggang sa huling hininga ko. Ayokong mabuhay sa what ifs and what
could have beens. Mababaliw ako kung ganoon nga.
I've been too quiet for days thinking about Laxer again. Bakit ganun? Kahit ang
sakit na pinili niya si Shantal ay hanggang ngayon mahal ko pa rin siya?
Sabi sa akin ni Anne noon the thing about love is that, love covers all the pain
when we are hurt. But why am I still hurting inside and loving him at the same
time?
Kung gaano nga naman ka-magical ang love ay ganoon din ito ka-complicated.
Parang dati lang naman hindi ganito ka-kumplikado ang mga bagay-bagay. I'm just a
personal maid way back then until I fell for the billionaire.
Napahawak ako sa bigay na kwintas ni Laxer. "LaxJea." Napangiti ako, ngayong araw
na ito babawiin ko ang sa akin. Pinahid ko ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak
sa mga mata ko.
My vision become blurry pero may nakikita pa rin naman. Naiiyak pa rin ako sa saya
dahil ngayong araw na 'to ay hindi ko sasayangin para mabawi ko ang dapat sa akin.
I was about to turn my car left when I suddenly see a light. Ang sakit sa mata ng
liwanag. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang liwanag na yun dahil nanlalabo pa
rin ang paningin ko dahil sa pag-iyak.
Subalit may nagbago, sobrang bumilis ang tibok ng puso ko... hanggang sa unti-unti
kong naramdaman ang kaba at kasabay nito ang malakas na pagbangga ng kotse ko sa
isang pang sasakyan dahilan para tumilapon ang kotse ko... n-nanghihina ako,
pinilit kong makalabas ng kotse kahit nakataob na ito, hindi pwede 'to... may
nalalasahan na akong dugo na nanggaling mula sa may ulo ko, nahihirapan na rin
akong huminga...
I tried to dial Laxer's number one last time.
"...please leave your message after the beep." At higit pa akong nanlumo sa
kalagayan ko ngayon, kasabay ng tuloy-tuloy na pagpatak ng mga luha ko ay ang pag-
agos ng dugo mula sa ulo ko.
Sinubukan kong lumabas pero nahihirapan talaga ako dahil sa naipit ang paa ko.
Nakaamoy ako ng nakakahilong amoy ng gas na hindi ko mawari kung saan nagmula...at
tuluyan na nga akong nawalan ng pag-asa.
Napapikit ako at mapait na ngumiti. "I l-love y-you L-Laxer... B-baby, si-siguro n-
ngayon...a-ako n-naman a-ang p-pipiliin m-mo." Dahan-dahan kong ipinikit ang mga
mata kong may ngiti sa aking mga labi kasabay nito ang pagkarinig ko sa isang
malakas na tunog
---
Isang tulalang Laxer ang kasalukuyang pinagmamasdan kung paano binuhat ang dalawang
stretcher kung saan kasalukuyang nakahimlay ang sunog na katawan ng isang babae at
lalaki.
Hindi makapaniwala si Laxer sa nakikita niya ngayon na tila ba tinakasan na siya ng
lakas.
Kasalukuyan ding nakiki-isyuso ang ilang tao sa nangyaring aksidente. Dalawang
kotse ang nagbanggaan at nagliyab kasabay nito ang pagkatagpo sa dalawang sunog na
katawan.
Huli na nang dumating si Laxer sapagkat tanging ang dalawang binubuhat na stretcher
na lamang ang kanyang naabutan.
Hindi makapagsalita si Laxer kasabay nang paulit-ulit na pakikinig niya sa mensahe
ni Jearri. "I l-love y-you L-Laxer... B-babe, si-siguro n-ngayon...a-ako n-naman a-
ang p-pipiliin m-mo."
Napatingin siya sa kalangitan at kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan at
doon na nga tuluyang bumagsak ang kanyang mga luha na tila ba kanina pa humahanap
ng pagkakataon.
Nagsilungan muna ang mga police at investigators dahil sa lakas ng pagbuhos ng ulan
na tila ba may paparating na bagyo.
Nagsiliparan naman ang iba't-iba kagamitan kung saan mang parte ng lugar dahil sa
biglaang paglakas ng hangin. Tila ba hindi na muling nakisama pa ang panahon
sapagkat mas lalo pang lumakas ang pagbuhos ng ulan kaya minabuting itigil muna
pansamantala ang imbestigasyon.
Samantalang si Laxer ay parang natuod na lamang at hindi na makagalaw sa kanyang
pwesto. Sinubukan siyang kausapin ng kanyang mga bodyguard subalit wala siya sa
kanyang sarili para mapansin pa ito.
Halos ilang oras siyang nanatili sa ilalim ng ulan kasama ang kanyang mga bodyguard
na hindi man lang niya hinayaan upang siya'y payungan
Halos ilang oras siyang nanatili sa ilalim ng ulan kasama ang kanyang mga bodyguard
na hindi man lang niya hinayaan upang siya'y payungan.
At sa isang iglap tumila ang malakas na pagbuhos ng ulan at kasabay nito ang
paghinto ng kanyang mga luha sa pagpatak ng maaninag ng kanyang mga mata ang isang
kumikinang na bagay.
It was a solid gold infinity name necklace. LaxJea was written on it, na nabahiran
na rin ng kaunting dugo. Para namang unti-unti siyang sinaksak at dahan-dahang
pinapatay.
"Aaaaaaaaahhh! Jearri!" At muli na namang bumagsak sa kanyang mga mata ang mga
luhang akala niya'y tumigil na. Hindi siya tanga para hindi malaman na si Jearri
ang nagma-may ari nito. For it was his gift for her. It was the symbol of his
unending love for Jearri.
Pinulot niya ang kwintas at mahigpit niyang hinawakan ang kwintas
Pinulot niya ang kwintas at mahigpit niyang hinawakan ang kwintas. Sinuntok niya
ang lupang walang kalaban-laban, hinayaan niyang patuloy na dumanak ang dugo sa
lupa na nagmumula sa kanyang kamao.
"Fuck this life! J-jearri... B-baby... Ba-bakit?! Kung kailan handa na akong
ipaglaban ka tsaka naman ganito?! Have I ever been worth your love... I bet
not."Tuluyan na siyang nanghina at napalugmok sa lupa. Wala sa sariling paulit-ulit
niyang sinisi ang kanyang sarili sa nangyari.
"C-Cray..." Tawag sa kanya ni Shantal nang makarinig ang dalaga nang sunod-sunod na
pagkabasag ng kagamitan sa kwarto ni Laxer. Tila ba walang naririnig si Laxer.
"I l-love y-you L-Laxer... B-baby, si-siguro n-ngayon...a-ako n-naman a-ang p-
pipiliin m-mo." Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin niya itong pinakikinggan.
At sa hindi malamang dahilan ay biglang napahugulhol si Shantal. Lumapit ito kay
Laxer at niyakap ang binata subalit wala nang lakas ang binata upang magsalita o
ipagtabuyan pa siya. May dugo rin ang kanyang mga kamay na marahil ay nakuha niya
sa pagbabasag na ginawa niya.
"I'm sorry... I'm sorry..." Parang batang paulit-ulit na nagsorry si Shantal.
Subalit ang sorry na 'to ay wala nang magagawa pa upang ibalik ang isang taong
nawala na. Kumawala siya sa pagkakayakap niya kay Laxer.
"I just lost her. I should have chose her or died instead of her." Nakatulala lang
na sabi ni Laxer.
Mas lalo namang naiyak si Shantal at guilty'ng-guilty sa nangyari. Kitang-kita ang
mugto nitong mga mata."I should have kissed her, hugged her instead of watching her
from afar. Kung alam ko lang sana na yun ang huling beses na masisilayan ko ang
babaeng pinakamamahal ko, I should have held her hand tighter." Puno nang pagsisisi
at hinanakit na wika ni Laxer.
"I'm sorry..." Nakatungong sabi ni Shantal.
"If only that word can bring her back... if only I could go back in the past and
correct everything. But I feel so stupid I can't do anything. I've been so coward,
akala ko matapang na ako, kasi sa buong buhay ko siya lang naman ang babaeng
minahal ko pero hindi pa pala. Sa aming dalawa, siya lang ang naging
matapang."Humugot siya ng isang malalim na paghinga kasabay ng pagpatak ng mga luha
sa kanyang mga mata.
"Mas gugustuhin ko pang sumunod na lang sa kanya kaysa mabuhay pa na wala naman
siya sa tabi ko
"Mas gugustuhin ko pang sumunod na lang sa kanya kaysa mabuhay pa na wala naman
siya sa tabi ko."
"C-Cray... wag mo namang sabihin yan."
"Sana ako na lang. She never deserved to suffer like that. I shouldn't have claimed
her mine na hindi ko naman napanindigan." Tunay ngang nasa huli ang pagsisisi. "And
there's only one thing I could do for her, that is to never stop loving her until
my last breath." Tumungo siya upang pagmasdan ang kwintas na binigay niya kay
Jearri.
Kasalukuyan siyang nakaharap sa cremation jar kung saan nakalagay ang abo ni
Jearri. Nakiusap siya sa tatay ni Jearri na kahit ngayon lang ay hayaan niyang
makasama si Jearri kahit sa ganoong paraan na lamang.
Pagkahawak pa lamang niya sa cremation jar ay agad ding nag-unahan ang mga luha sa
pagbuhos mula sa kanyang mga mata.
Napahagulhol siya kasabay nang mahigpit na yakap sa cremation jar. This man really
cried a lot. Umihip ang malakas na hangin.
"Alam kong kulang ang salitang sorry, patawad para patawarin mo ako. I never
deserved your love and I'm so sorry for that. Hindi ko hinihiling na patawarin mo
ako pero gusto kong humingi ng tawad at habambuhay kong pagsisisihan ang lahat."
"I l-love y-you L-Laxer... B-baby, si-siguro n-ngayon...a-ako n-naman a-ang p-
pipiliin m-mo." Pinakinggan niyang muli ang boses ni Jearri kasabay ng pagdampi ng
kanyang mga labi sa cremation jar.
"Mahal na mahal din kita Baby... Mahal na mahal kita Jearri." Hindi pa rin
tumitigil ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang mga mata. "I promise you in our next
life, I wouldn't hesitate to choose you over anyone else. I would hold you tighter.
I wouldn't be coward anymore. In our next life, sisiguraduhin kong sa pagkakataong
yun ikaw na talaga at ako." Napapikit siya ng mariin.
"In our next life, I would make you feel how much I love you even more..."
"I l-love y-you L-Laxer... B-baby, si-siguro n-ngayon...a-ako n-naman a-ang p-
pipiliin m-mo."
"Hindi kita pinipili ngayon dahil sa umpisa pa lang ikaw na ang pinili ko. Maybe my
mind told you I chose her over you but my heart always chooses you, no one but
you." Ngumiti siya habang inaalala lahat ng masayang alaala niya kasama si Jearri.
"I promise in our next life that I would spend forever in a lifetime with you."
Dahan-dahan niyang inilapag ang cremation jar sa dati nitong pwesto. "I love you
Jearri forever in a lifetime." Ngumiti siya at pinalis ang mga luha sa kanyang mga
mata. Sa ikalawang pagkakataon muling umihip ang malakas na hangin.
Believe that everything happens for a reason; things happened according to God's
will. Learn to appreciate the worth of someone until she's there for one day she
might leave. Don't wait to realize the worth of someone when she's already gone.
Good things might fall apart but don't worry because better things will surely
come.
THE END
---
Finished: April 13, 2016
Book 2 is up already and completed.
Title: A Lifetime with a Billionaire
check my profile to read the book 2.
Thank you so much for coming this far 💖💖💖

[ 28 UntoldChapterOne ]
-------------------------------

Hindi po part ng book 2 ang untold chapters. These are the chapters na hindi
nakwento sa book 1 sa side ni Laxer. Bale lahat po ng untold chapters ay POV ni
Laxer.
---
I was happy when mom told me yaya Almira's pregnant. I was 3 years old way back
then and I'm so excited to have a younger brother from a different mother. Yaya
Almira's the best yaya in the world that's why her son would be as kind as her for
sure. We're gonna play toy cars dad bought from different countries.
Until mom and yaya told me it was a girl. I don't like girls. They're usually
spoiled brat. Kung hindi madaldal ay sobrang tinis naman ng boses na nakakairita sa
tainga.
Jearri and I became playmates. She played with my toy cars. Is she really a girl?
And why is she so fond of toy cars? She doesn't even wear dress just like most
other girls in our age wear.
I was 15 years old and she was 12 years old way back then. We are in the same
school. She will be graduating in Grade 6 while I'm a third-year high school
student. Wala pang K to 12 noon.
Bata palang kami ay marami nang nagka-crush sa kanya. She's effortlessly beautiful
in her own way. Hindi niya ito alam o sadyang hindi niya lang ito pinapansin.
Maging ang ilan sa mga kaklase ko ay nagpaparamdam sa kanya kapag dadaan siya sa
classroom namin para hintayin ako dahil sabay kaming uuwi.
At para lang umalis siya ay aawayin ko siya. Ayokong maraming nagkakagusto sa
kanya. Doon ko na na-realize kung bakit nga ba ayaw ko. Dahil gusto ko...ako lang
ang para kay Jearri.
"Diba sabi ko sayo wag mo na akong hintayin dito?" Napanguso lamang siya. Fuck. Ang
ganda pa rin. "Tsaka ayokong makita ang pangit mong mukha pagkalabas ko ng room."
Batid kong nasaktan siya sa sinabi ko pero hindi niya ito pinahalata.
"Sungit! Ang pangit mo rin." Angil niya sa akin at tsaka naglakad paalis.
Pinagmasdan ko siyang naglalakad palayo habang busangot ang mukha.
"Uy Cray nasaan na si Jearri?" Tanong ni Migo na isa sa mga kaibigan ko.
"Tsk. Ayoko ng pangit." Masungit kong sabi sa kanya.
"Pangit? Sino?" Hindi ko na lamang siya pinagtuunan ng pansin. Tsaka tinapik ang
balikat niya. "Alis na ako." Walang ganang sabi ko sa kanya at nagtungo sa parking
lot.
Nakasalubong ko pa ang dalawa pa sa mga kaibigan namin ni Migo. Babalik ata sa
classroom.
"Cray bro. Si Jearri?" Bungad sa akin ni Zander. Napailing ako. Why are they always
looking for Jearri? Hindi naman sila nito kilala.
"Oo nga? Bakit hindi mo kasabay ngayon?" Ani Keith.
"Tsk. Anong meron kay pangit?" Walang emosyong tanong ko sa kanilang dalawa.
"Pangit? Si Jearri ba yan?" Ngumisi ako. "Pa-check up ka muna ng mata pre." Sabay
tapik ni Keith sa balikat ko. Napailing na lamang silang dalawa.
Nakakainis! Hindi pa nga nagdadalaga si Jearri pero ngayon ay may mukhang puporma
na agad sa kanya. Paano pa kaya kapag naka- graduate na yun ng elementary,
paniguradong madadagdagan na naman ang mga lalaking magkakagusto sa kanya.
"Ayan na po ang masungit." Umismid siya sa akin. Tumabi ako sa kanya sa backseat
pero bahagya siyang lumayo sa akin.
"Galit ka na niyan?" Pang-aasar ko pa. "I've got new toy cars from New York."
Dagdag ko pa. Hindi niya ito pinansin. Himalang walang pakialam sa mga bago kong
toy car.
"I'm not gonna play with you anymore." Pagsusungit niya. Kulang na naman siguro sa
lambing.
Pinisil ko ang pisngi niya at agad naman niyang tinabig ang mga kamay ko. "Pangit
diba? Nakakahiya naman po sayo." She rolled her eyes. Damn! Beautiful!
"Oo nga 'no?" I held her face between my hands. Tinitigan kong mabuti ang mukha
niya.
Napansin kong natigilan siya. Paniguradong naapektuhan dahil kitang-kita ko ang
pamumula ng buong mukha niya.
"Pangit ka nga talaga." Pang-aasar kong muli sa kanya.
Agad akong nakatanggap ng matinding suntok sa braso mula sa kanya. Babae ba talaga
'to? Ang sakit nun ah!
"Ang kapal mo! Porke gwapo ka!" Singhal niya sa akin nang makababa kami sa kotse.
"So inamin mo rin na nagagwapuhan ka sa akin?" Patuya kong sabi sa kanya. Matalim
niya akong tiningnan. Pulang-pula ang pisngi niya at ang tainga. Pulang-pula sa
inis.
"Di ka naman gwapo talaga." Pagbabawi niya sa sinabi niya. Lumapit siya sa akin at
bahagyang tumingkayad. "Kung titingnang mabuti." Pinagmasdan niya ang buong mukha
ko. Hindi agad ako nakagalaw. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at pilit niya pa
talagang pinapantayan ang tangkad ko kahit hindi niya naman talaga magawa.
"Pangit ka pala talaga sa malapitan." Humagalpak siya sa tawa. At imbes na mainis
ay napangiti ako. Ang ganda niya talaga, walang kaarte-arte sa katawan.
Tinatapos ko ang assignment ko sa Math nang bumukas ang pinto nitong library ng
mansion namin. Sumungaw ang ulo ni Jearri sa pinto, pansin kong nakapantulog na
siya. "Tapos ka na sa assignment mo Laxer." Hindi niya ako tinatawag na kuya. Dahil
yun ang sabi ko.
Ayokong ma-kuya zoned.
"Isang number na lang." Ngumisi siya bigla. Parang nakaisip ng magandang ideya.
"Pwedeng magpa-drawing?" Ngingisi-ngisi niyang sabi. "Ayoko talaga ng arts eh."
"Ayoko nga. Pangit mo eh." Seryosong sabi ko sa kanya. Napalitan ang ngisi niya ng
pagkasimangot.
"Dati naman, pinagdraw-drawing mo ako ah." Ngumuso siya at pinakita sa akin ang
sketch pad niya.
"Ayoko." Pagsusungit ko. At tsaka sinagutan ang huling number sa assignment ko.
Akala ko'y umalis na siya pero hinintay niya lang pala akong matapos sa ginagawa
ko. "Sige na please..." Nagpa-cute pa talaga. Alam na alam ang kahinaan ko.
Sigurado akong aasarin niya ako kung naririnig niya lang ang iniisip ko.
Tumabi siya sa akin, hinila niya ang isang upuan at doon naupo. Pinatong niya sa
study table ko ang sketch pad niya.
"Sige na...please..." Pumangalumbaba siya at tsaka ako tinitigan. Sinundot-sundot
niya ang pisngi ko. "Gwapo mo pala talaga." Ngumisi siya sa akin. Kitang-kita ko
ang mukha niya dahil sa lampshade na malapit lang sa kanya.
"Alam mo namang may mga gwapong hanggang mukha lang...pero ikaw gwapo na nga,
matalino pa." Pambobola niya pa sa akin.
"Sige na. Iwan mo na yan. Ayokong nakakakita ng pangit na mukha." Ngumuso lamang
siya.
"Thank you." Tsaka siya lumabas ng silid.
Nang masiguro kong lumabas na talaga siya ay tsaka ako napangiti. Marahan kong
pinadaan ang daliri ko sa pangalan niyang nakasulat sa sketch pad.
Artzell Jearri Lacsmana.
Balang araw magiging Del Valle ka na. Fuck lang! Pero kinilig ako. Hindi na
tuluyang naalis ang ngiti sa mga labi ko.

[ 29 UntoldChapterTwo ]
-------------------------------

Pumunta ako sa kwarto nila ni Yaya Almira nang matapos ko ang pinapagawa niya.
Napangiti ako nang makitang mahimbing ang tulog niya. Katabi niya si yaya at
mahigpit siyang nakayakap rito.
She's a loving daughter. Kaya kahit wala siyang tatay na kinagisnan ay sapat na
sapat naman ang pagmamahal sa kanya ni yaya.
Nilapag ko sa mesa malapit sa kama ang kanyang sketch pad.
"Thank you! Thank you!" Papasok na ako sa kotse nang mapansin ko ang pagtakbo niya
palapit sa akin habang tinataas-taas ang sketchpad niya. Sumasayaw ang buhok niya
kasabay sa pag-ihip ng hangin.
Ngumiti siya sa akin nang sa wakas ay makalapit na siya. "Thank you talaga."
Bahagyang nasinagan ng araw ang mukha niya. Ang ganda talaga.
Umiling ako tsaka ngumisi. Pumasok na ako sa kotse at ganoon din siya.
Pinagmamasdan niya ang ginawa ko habang ako nama'y siya ang pinagmamasdan. Hindi
maalis ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Ang galing mo talaga." Aniya habang pinapadaan ang kanyang mga daliri sa ginuhit
ko sa kanyang sketch pad.
"Ihahatid na kita." Sabi ko nang makababa kami ng kotse. Halata ang gulat sa
kanyang mga mata.
"Akala ko ba ayaw mong makakita ng pangit na mukha?" Ngumisi siya sa akin. Nag-iwas
ako ng tingin at nag-isip ng idadahilan. "Maganda kasi talaga ako." Oo alam ko.
"Hindi. Don't assume too much." Sabi ko sa kanya. "Titingnan ko lang kung ipapasa
mo yang ginawa ko." Pagdadahilan ko. She bought my excuse.
Habang naglalakad kaming magkasama ay hindi na na halos maalis ang tingin sa amin
ng ilang estudyanteng nakakasalubong namin.
"Si Jearri at Laxer ba yun?"
"Oo, alam ko yaya ni Laxer ang mom ni Jearri eh." I glared at them. Halatang
nagulat sila.
"Omygash. Oh my! Tumingin siya sa akin. I need oxygen." Maarteng sabi ng isa sa
kanila
Really huh?
"Huy! Huy! Ang bingi mo naman. Sabi ko, dito na tayo!" Ani Jearri na nasa likuran
ko na pala. Lumampas na ako sa classroom nila.
"Tsk." Pagsusungit ko. She rolled her eyes at me. "That's what I get after
drawing---"
"Shh...wag kang maingay." Tinakpan niya ang bibig ko. Nakapulupot ang isa niyang
braso sa may batok ko habang ang isang kamay niya naman ay nakatakip sa bibig ko.
Hindi niya ata pansin na mukha kaming magkayakap sa isa't-isa at pinagtitinginan na
kami.
Napangisi na lamang ako. Pinulupot ko ang braso sa baywang niya upang masuportahan
siya. Hirap na hirap kasi siyang abutin ako. So clueless.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at dahan-dahang tinanggal ito.
"Don't make me fall for you..." Ani ko dahilan kung bakit napabitiw siya at tsaka
ako tinulak. Pahabol niya pang sinuntok ang braso ko.
"Asa! Hinding-hindi ako magkakagusto sayo!" Angil niya sa akin.
"Right. Ang pangit mo kasi." Tsaka ako humagalpak sa tawa, kulang na lang ay
sumabog siya sa sobrang inis. Pulang-pula ang buong mukha niya. "Tsk. Pumasok ka na
nga." Ginulo ko ang buhok niya tsaka naglakad paalis. Lihim akong napangiti.
Lunch time. May ilang babaeng nakapalibot sa table namin ng mga kaibigan ko.
Magkasalubong ang kilay ko dahil sa pagka irita ko sa kanila. Hindi ko makita si
Jearri, dahil nakaharang ang mga ito.
"Cray, ikaw pala yung representative para sa Math Quiz Bee?" Tumango lang ako,
nagbabasakaling umalis na sila. "Wow. Really? Ang galing mo talaga. Can you help me
with my math assignment kapag may time ka?" Napailing na lang ako nang hawakan niya
ang kamay ko.
"Wala akong time." Ani ko tsaka kinuha ang tray ng pagkain ko. "Lipat lang ako."
Ani ko kina Migo. Nagngisian lang ang mga loko.
Hindi ko na pinansin ang mga babaeng ito. Ang dadaldal. Ang sakit sa tainga ng
boses.
Napawi ang pagkainis ko nang makita si Jearri kasama ang kaibigan niyang si Anne.
Lagi silang magkasamang dalawa, at kung minsan naman ay may dalawa pa silang
babaeng kasama.
"Pangit, pashare ng table. Daming nanliligaw sa akin doon eh." Napansin ko ang
pagka-ilang ni Anne nang umupo ako sa tabi ni Jearri at ngayo'y katapat ko na siya.
"Ang hangin." Bulong ni Jearri na narinig ko naman.
"Jea...Una na ako. May nakalimutan ako sa room eh." Ani Anne, tsaka nagmadaling
umalis.
"Teka...sasama---" hinigit ko ang kamay niya nang akmang tatayo na siya. Dumako ang
tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kamay niya.
Binitawan ko rin naman agad ito. "Hindi ka pa tapos kumain. Susumbong kita kay
yaya. Nagpapalipas ka ng gutom." Pagdadahilan ko...please stay....
"Tsk. Kakatapos ko lang kasi dito sa activity. Nagpapalipas agad?" Mataray niyang
sabi sa akin.
Nagsimula na siyang kumain. Parang gusto ko lang siyang panoorin habang kumakain.
"Nakakailang Laxer. Para kang baliw! Kumain ka na nga." Nang isusubo niya na ang
kutsarang may pagkain ay agad kong ibinaling ang kamay niya sa akin, tsaka sinubo
ang dapat sanay kakainin niya.
"Mas masarap yung sayo." Ani ko. Tsaka pinagpalit ang plato naming dalawa.
"Laxer naman!" Singhal niya sa akin at tsaka muling inagaw ang plato niya. Nang
muli niyang isusubo ang kutsara na may pagkain niya ay agad ko itong inagaw sa
kanya.
Sa inis niya ay nahampas niya ang table namin. Ang ganda pa rin talaga. Gusto ko
ako lang ang napapansin niya. Ayokong titingin siya sa iba. Gusto kong
makakalimutan niya ang paligid niya sa tuwing nasa tabi niya ako.
Selfish na kung selfish. Pero gusto ko ako lang. Wala nang iba pa.
"Ayoko na nga!" Padabog niyang kinuha ang books niya at wallet. Nagmartsa siya
palabas ng cafeteria. Agad ko siyang sinundan.
"Uy...sorry na." Paglalambing ko sa kanya habang nakasandal siya ngayon sa ilalim
ng puno. "Sorry na kasi...sorry na." Ngumisi ako. Nakapikit ang kanyang mga mata na
kunwari'y walang naririnig.
Hindi niya ako pinapansin. Ganyan pala ha!
Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Pinagmasdan ko siyang mabuti.
Nakatulog na pala.
Sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko at hinayaang matulog rito.
Graduation day. Katulad ko ay Valedictorian din siya ng batch niya.
"Never stop dreaming and keep on believing. And if you feel like giving up, please
don't...you can take a rest but you can't give up just like that. It's okay to take
a rest when you're tired. You may fail sometimes, but instead of giving up make it
as a motivation. I'm not always on the top, I fail sometimes. And what's important
is that after failing we learned something and we still stand up no matter how many
times we might fail." She said as she was ending her speech. "To all the graduates
congratulations!"
They give her a round of applause. Napapalakpak din ako.
"Congrats!" Inabot ko sa kanya ang isang paper bag na may lamang box.
"Wow! Nag-effort ka pa talaga." Aniya nang makita ang box. Pandora was written on
it.
"Nakita ko lang sa kwarto ko, pakalat-kalat. Wala namang gagamit niyan kaya sayo na
lang." Nagkibit ako ng balikat.
"Okay. Sabi mo eh." May halong pang-aasar sa tono ng boses niya. "Thank you."
Natigilan ako nang tumingkayad siya para yakapin ako.
Fuck. Hulog na hulog na nga ata talaga ako.

[ 30 UntoldChapterThree ]
-------------------------------

"The usual." Ani ko kay Jack habang iniintay ko ang red wine ko. I have been a
regular customer of this famous bar in the Philippines recently.
"A terrazas single vineyard malbec for our Mr. Billionaire." Sinamaan ko ng tingin
si Jack dahil nakuha niya pa talagang magbiro.
"Hey!" I saw a fair-skin lady waving her hand at me. Tumango lang ako. I don't even
know her. "I've been curious about you since the day you came here." Bungad niya
agad sa akin nang makalapit na siya.
Jack served my red wine at agad kong ininom ito. "Thanks Jack!" I put blue bills on
the counter.
"Hey! Cray wait up!" Ang babaeng iyon pala ay sumunod sa akin. I don't have time to
entertain another fling. My half-brother would eventually try to steal them from
me. Pagod na akong lagi na lang naaagawan, that's why I don't have time anymore to
fall for someone except for her.
I will never let Kyron know that I like Jearri.
Hindi ko pinansin ang babaeng iyon at sumakay na ako sa kotse ko. Wala sa sariling
nagdrive ako sa kung saanman. I've been like this for many years, simula noong
naghiwalay sila mommy at daddy at nagpapanggap na lamang na masayang magkasama sa
ibang bansa.
At a young age I learned to be independent and work hard for myself.
Others picture us as a happy and perfect family, we were back then. We can never go
back in the past again, we had to learn that past will only remain in our memories.
"Sunog na naman?!" Singhal ko sa kanya. Alam kong sinasadya niyang huwag akong
pagsilbihan nang maayos. Alam kong inis na inis na rin siya sa akin.
I am certain she already killed me in her mind. "What the fuck?! Wala ka na bang
ibang matinong gagawin?" Napansin kong nanonood na naman pala ang mga bodyguard ko,
at iba pang empleyado dito sa mansion. Sinamaan ko silang lahat ng tingin kaya agad
din silang bumalik sa kani-kanilang trabaho.
Jearri became my personal maid. That was my wish from Yaya Almira, although Jearri
thought it was just for the contract but the thing is I can't let her go just like
that. I will never let her go.
"Eh di wag mong kainin!" Sumasakit ang ulo ko sa pagmamatigas na ginagawa niya. She
really hates me that much.
Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Niluwagan ko ang necktie ko, nakita
kong unti-unting namula ang pisngi niya pati na rin ang tainga niya.
"Kakainin ko yun..." Ngumisi ako. "Ikaw ang nagluto kaya kakainin ko." Ngayon ko
lang naisipang kainin ang niluluto niya para sa akin.
Sa lahat ng niluto niya ay ito na ata ang mapagtitiisan ko pa.
"K-ka-kainin m-mo?" Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Why Jearri? Gusto mo
rin ba ako? Kasi kung oo, you're giving me the courage to tell the world that I am
really falling for you deep. "Teka! Ano...uh...magluluto na lang ulit ako!" Tinulak
niya ako. Bahagya akong tumawa.
Tinotoo niya nga ang sinabi niya. Alam ko namang masarap magluto itong si Jearri,
sinasadya niya lang na sunugin o di kaya naman ay papangitin ang lasa ng mga
niluluto niya, para paalisin ko na siya.
That won't happen. I promised Yaya Almira that I'll live with her forever...I'll be
with her without her noticing it.
"Tsk. Ang dami-dami mong babae, bakit hindi ka magpaluto sa kanila." Reklamo niya
habang nilalapag ang niluto niya sa long table na ako lang mag-isa ang kumakain.
"Kasi ikaw ang gusto ko. Kasi hindi sila ang gusto ko. Would that be an enough
reason?" Kinuha ko ang kamay niya. "Can you get one more plate and glass?"
Nalilitong sumunod siya sa utos ko.
"Oh!" Iaabot niya sana sa akin pero umiling ako.
"We had a deal, right? Magpapakabait ka na sa akin?" Tumango naman siya. "Lagi mo
kasing nakakalimutan kaya ipapaalala ko ulit sayo." Ngumiti ako sa kanya at dahan-
dahang inilapit ang mukha ko sa mukha niya.
"Hawakan mong mabuti baka mahulog." Pagtutukoy ko sa plato at baso na nasa
magkabilang kamay niya.
"Ano ba kasi---" I kissed her. Damn! Her lips tasted like red wine...I guessed I'm
getting addicted on it.
I hold her hands for support. I continued kissing her while she's still in shocked.
Damn! How can I make her fall for me?
"Ayokong kumain mag-isa." Pinaghila ko siya ng upuan tsaka pinaupo rito. Tulala pa
rin siya kaya hindi ko maiwasang asarin siya. "Masarap ba?" Nag-angat siya ng
tingin sa akin.
"Aish! Bakit ba lagi ka na lang nanghahalik bigla?! Nakakainis---"
"Tinatanong ko kung masarap ba 'tong luto mo?" Sinamaan niya lang ako ng tingin
tsaka kami nagsimulang kumain.
"Shit!" Napamura ako sa inis nang makita kong magkasama si Kyron at Jearri sa
university na pinapasukan niya ngayon.
This can't be! Alam na ba ni Kyron? Alam ba niyang gusto ko si Jearri kaya aagawin
niya na rin ito sa akin? Fuck it.
"Himala! Anong meron at bakit sinundo mo pa ako ngayon?" Natatawang sabi niya
habang inaayos ang seatbelt niya. "Ano ba yan?! Bakit ayaw?" Iritadong pagtutukoy
niya sa seatbelt.
"Tsk." Inayos ko ang seatbelt niya at hindi ko sinasadyang mapalapit ang mukha ko
sa mukha niya. Seryoso akong tumitig sa kanya. "What's with you and that guy?" Alam
kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko.
"Sino? Si Kyron?" Hindi ako nagsalita, hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.
"Mabait naman siya. He looks like a playboy but he's really kind." Natigilan ako,
para siyang teenager na may crush kay Kyron.
"D-do you like him?" Play say no. Just please say no...
"Si Kyron? Yup! I like him." Napaatras ako. Tila may bumara sa may dibdib ko. Ano
ba itong nararamdaman ko? I've been bad to Jearri recently...she hates me a lot.
She wouldn't like me. "He's like a younger brother to me." Dagdag niya dahilan para
mabuhayan ako ng loob. Nang lingunin ko siya ay nag-iwas siya ng tingin sa akin.
"Younger brother..." Wala sa sariling ani ko. I'm sure he wouldn't find a way to
get Jearri away from me. Nagkataon lang siguro ang lahat.
"Saan tayo pupunta? Hindi naman ito ang daan pauwi sa mansion." Nagtatakang tanong
niya. Nagkibit ako ng balikat. "Wow!" Manghang sabi niya nang itaas ko ang roof
nitong kotse ko. Good think I brought this one.
Itinaas niya ang kamay niya. "Ang saya! Tingnan mo Laxer! Ang ganda nung dagat! May
ganito pa pala dito..." Nakangiting sabi niya habang tinatanaw ang karagatan.
"Glad you liked it." Napangiti rin ako.
"Parang good mood ka ngayon..." She looked at me curiously. "Last day mo na ba?"
Biro niya pa sa akin kaya pareho kaming tumawa. "Hala! Tumawa ka!" At mas lalo pa
kaming tumawa.
"Sabihin mo nga. Ilan ba yung resort niyo? Bakit ngayon ko lang nalaman 'to?" She
crossed her arms. "Tsk. Dito mo siguro dinadala ang mga babae mo 'no?!" Gigil na
sabi niya sa akin.
I smirked. "Ikaw lang ang babaeng dinala ko rito. So babae na rin kita?"
Nakatanggap ako ng sunod na sunod na hampas mula sa kanya.
"Mr. Cray Laxer Del Valle! Huwag na huwag mo akong itutulad sa mga babae mo!
Sinasabi ko sayo, malayong-malayo ako sa kanila!" Singhal niya habang hinahangin pa
ang buhok niya. Ang ganda niya talaga.
"Iba ka sa kanila." Inayos ko ang buhok niya, kinuha ko ang ponytail sa
palapulsuhan niya at itinali ang buhok niya. "Una maganda ka. Pangalawa, mas
maganda ka. Pangatlo, pinakamaganda ka." So babe will you fall for me too?
"Tsk! Alam ko! Pero wag mo akong idadaan sa ganyan. Wag mong gustuhin dahil sa
panlabas na---"
"First, you're true to yourself. Second, you're simple. Third, you're not trying to
please everyone." Will you accept my feelings now?
"Ewan ko sayo! Inaantok na ako. Nasaan ba ang magiging kwarto ko?" Tumalikod siya
mula sa akin at nagsimulang humakbang palayo sa akin.
"First, try to turn your back from me. Second, you will fall for me. Third, you
will accept my feelings." Natigilan siya habang ako naman ay tinawid ang distansiya
naming dalawa.
"Laxer..." Haharap sana siya sa akin pero pinigilan ko siya. Niyakap ko siya mula
sa likuran niya. I know how much she likes back hugs.
"Let's stay like this. Can you at least pretend you like me? Kahit ngayon lang..."
Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Will this way make you like me too?
"Ano ba yan! Para ka namang bata." Pinilit niyang humarap sa akin pero hindi ko
siya hinayaan. "Ano ba! Gusto kitang makita!"
"Bakit nahuhulog ka na rin ba?" Natatawa kong sabi sa kanya. Itinuro ko sa kanya
ang paglubog ng araw. "I have always wished to watch the sunset with you." I
sincerely told her.
"Ilang babae na ang nasabihan mo niyan?" Umiling ako kahit hindi ko sigurado kung
nakikita niya ba.
"Ikaw pa lang." Pag-amin ko sa kanya. "Teka nga. Sabi mo magiging mabait ka na sa
akin. A deal is a deal." Bahagya niyang sinandal ang ulo niya sa dibdib ko. Fuck!
My heart's fluttering again.
"Tsk. Oo na po. Laxer..." Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. "Kapag tapos na
akong mag-aral pwede na ba akong mag-resign bilang personal maid mo?" Umiling ako.
"I will make you mine for a lifetime. I'll never let you go. So don't you dare run
away from me..." I kissed the top of her head.
"Teka nga!" Nagulat ako nang bigla siyang kumawala sa akin at nakapamaywang na
humarap sa akin, tinaas niya ang kanang kilay niya. "Nilalandi mo ba ako?"
"Flirting is different from making you fall. I'm not flirting with you." Lumapit
ako sa kanya habang siya naman ay atras nang atras. "I'm making you fall..."
"Tigilan mo nga ako!!! Laxer ibaba mo ako!!!" Natatawa ako habang nagpupumiglas
siyang makababa nang buhatin ko siya.
"May tanong muna ako." Natigilan siya sandali at tsaka tumitig sa mga mata ko.
You're making me fall without even knowing it. "Are you making me fall for you?"
"Ano?!" Namilog ang mga mata niya at namula ng sobra ang mga pisngi niya.
"Kasi kung oo...hulog na hulog na ako sayo." Sa bilis nang pangyayari ay nabitiwan
ko siya. Good thing this is a white sand beach. Shit! Laxer, get a hold of your
feelings or else you'll ruin this. "Joke lang!" At sinabayan ko pa ng malakas na
tawa.
"Hindi magandang biro yan Mr. Del Valle." Seryoso niyang sabi. Tumayo siya para
pagpagan ang kanyang sarili bago siya tumalikod at naglakad palayo sa akin.
Gusto ko siyang sundan pero hindi ko magawa.
Napapikit ako nang mariin at napasalampak na lamang sa buhangin. Gusto kong tumakbo
papunta sa kanya, pero hindi ko magawa. Dahil sa oras na gawin ko yun. I know I'll
eventually lose her soon.

[ 31 UntoldChapterFour ]
-------------------------------

Shantal came unexpectedly. I was close with her especially those times I was in
America, thinking of the things why'd my parents had to separate ways.
"Kamusta ka?" Tanong ni Shantal. She's truly like a sister to me. And I know she's
always giving me this hint that she likes me. But I'm certain that I like someone
else.
I saw how Jearri rolled her eyes. I smirked and then there's this unfamiliar
feeling that I'm feeling right now.
"I'm good." I smiled at Shantal.
"By the way. Mom told you right? I'll be staying here." Oh that. Tita told me about
it but I have been surprised she's coming earlier than expected.
"Yeah." Tumango-tango naman ako sa kanya habang iniisip ang iniisip ngayon ni
Jearri. Is she Jealous? I will be the happiest if she truly is.
Padabog niyang nilapag yung juice at sandwich na hinanda ni Manang Agnes. Sabay
kaming napatingin ni Shantal sa kanya. Hindi siya tumingin sa akin sa halip ay nag-
iwas pa siya ng tingin.
Nabigla ako nang bigla na lamang siyang umalis. Why do I feel so happy knowing she
might actually be jealous? Did she likes me already? Oh damn! I'll be the happiest
if she is.
"Sandali lang Shan..." Ani ko kay Shantal at sinundan ko si Jearri patungo sa
kusina.
"Jearri." Nilingon niya ako at tsaka niya ako sinamaan ng tingin. Napangisi na
lamang ako. Bakit lalo siyang gumaganda kapag nagsusungit.
"Pakisamahan naman si Shantal doon sa katabing kwarto ng kwarto ko." Let's see
then. Kaso mukhang ako pa ata 'tong nagulat ng ngumuso lang siya. "Stop pouting."
Wala sa sariling ani ko sa kanya.
Nag-iwas naman siya ng tingin sa akin.
"Bakit hindi ikaw ang sumama sa kanya?" That's my girl. I shrugged my shoulders,
she rolled her eyes at me. "Tutal naman. Magkatabi naman kayo ng kwarto." Tumikhim
ako, pansin ko ang pamumula ng pisngi at tainga niya.
"What did you just say?" Nagtaas ako ng boses, kunwari ay galit ako. "Okay. Look. I
still have things to finish. Please baby...Don't be jealous." Hindi ko makilala ang
sarili kong boses. She won, she will always win. How can I even resist this angel
in front of me?
Marahan ko siyang hinawakan sa kanyang magkabilang braso. Puno ng pagsusumamo ang
boses ko ngayon. And this is so not me. Baby, please stop being jealous...
"Hindi ako nagseselos! Wag kang assuming!" Singhal niya sa akin. Bahagya akong
tumawa at mukhang hindi niya ito nagustuhan.
Hinawi niya ang mga kamay ko.
"Your tone of voice says it all." Ngumisi pa ako. Bago ko siya tuluyang iniwan
doon. Baby you should really admit it. I'll be the happiest if you did.
Maaga akong pumasok sa kumpanya dahil tambag ang documents na kailangan ko ring i-
review.
Dumiretso ako sa conference room. "I'm giving you all 20 minutes to discuss your
ideas about this new resort in Batangas."
Nagkukumahog sila sa pagrereport ng kani-kanilang mga idea. Samantalang ako ay
nakatitig sa timer na ni-set ko para sa kanila. This is how I work. I want things
done precise and accurate.
"I'm thinking of adding pools that are---"
"Next."
"Sir, what about having playground water-themed for kids. Since parents would
usually---"
"Next."
Tumunog ang timer natahimik sila sa sobrang lakas ng tunog nito. Who bought this
timer? Ang sakit sa tainga. Napailing ako at tiningnan ko si Kord, na head
bodyguard ko. Nagkibit lamang siya ng balikat. "Okay we're done." Tumayo ako.
"Sir but---" I looked at my employee with straight face. "Uh...Enjoy your lunch
sir." Ngumiti na lamang ako at tsaka lumabas ng conference room.
"Did you call Jearri?" Tanong ko kay Kord habang nakasunod sa akin.
"Yes Mr. Del Valle." Aniya. Napangiti pa ako lalo, excited na akong makita siya.
Dumiretso ako sa opisina ko at tinanggal ang coat ko. Tinupi ko hanggang siko ang
sleeves ng polo ko.
I checked my watch
I checked my watch. "You sure you did call her? Siya ba ang nakausap mo---"
Sabay kaming napalingon ni Kord sa pintuan kung saan pumasok si Jearri. "Ano na
naman itong gusto mo akong makita at ipagluluto ka pa? Paki-explain." Bungad niya
sa akin. Nagsusungit pa rin. Paniguradong galit pa rin yan nang dahil sa nangyari
kahapon.
Paniguradong galit pa rin yan nang dahil sa nangyari kahapon
Sinenyasan ko si Kord na lumabas muna.
"You mad?" Lumapit ako sa kanya. Hinuli ko ang mga kamay niya bago pa siya tuluyang
makalayo sa akin. "Please stop being mad, it makes me want to kiss you right now."
Namilog ang singkit niyang mga mata. "Stop being cute and pretty at the same time.
You're making me miss you the whole day." She rolled her eyes.
"Ano ba kasing gusto mong mangyari?" Halata ang iritasyon sa tono ng boses niya.
"Magkaroon ng tayo." Fuck. I'm being corny just for her. Napansin ko ang pamumula
ng pisngi niya maging ang magkabilang tainga niya.
"Ewan ko sayo!" Singhal niya kahit halatang nagpipigil lamang siya ng ngiti. "Aalis
na ako kung wala ka namang iuutos." Tinalikuran niya ako pero agad ko rin namang
hinila ang braso niya para humarap siya sa akin. Sinamaan niya agad ako ng tingin.
"Why are you mad?" Hindi ako yung tipo ng lalaki na susuyuin ang isang babae. But
being with Jearri, I'm doing things I didn't notice I'm doing.
"I'm always mad at you. Hindi ka pa ba nasanay?" Nagkibit siya ng balikat na tila
normal lang ito. That stings baby.
"The deal." Nagbago agad ang expression ng mukha niya nang marinig niya ito.
"Why do you always have to bring that up all the time?" Aniya. Ngumisi lamang ako.
"Because that's the only excuse I can say so you won't get mad at me." Seryosong
sabi ko sa kanya. Tumitig lamang siya sa akin. "I don't like it when you get mad at
me." Tumungo ako tsaka pinadausdos ang kamay ko sa braso niya patungo sa kamay
niya. Marahan kong hinawakan ang kamay niya tsaka muling nag-angat ng tingin sa
kanya. "I can't concentrate every time I get you mad at me. But I feel so happy
sometimes because it feels like you have so much time paying attention at me."
Ngumuso lamang siya at nag-iwas ng tingin sa akin. "Para kang bata. Ano ba kasi
yung iuutos mo?" Napangiti ako. She's obviously smiling, hindi niya lang
pinapahalata sa akin.
"When will you let me know that you actually like me too?" Bulong ko sa sarili ko
na mukhang hindi naman niya narinig dahil nagkunot lamang siya ng noo sa akin. "I
want you cook lunch for me. Let's go?" I extended my hand for her but she refuse
it.
"Baka may makakita, kung ano pang isipin nila." Tumango na lamang ako at nirespeto
ang gusto niya. Nauna siyang maglakad sa akin.
Bumaba kami sa cafeteria. Lumayo siya sa akin ng kaunti ng mapansin niya ang
pagbati sa akin ng mga empleyado. Agad ko siyang hinila patungo sa vacant area
nitong kusina. I corned her in between my arms. Nag-angat siya ng tingin sa akin. I
think I lost myself the moment she innocently looked at me. I swallowed hard. She's
such a tease without her knowing that she actually is.
"Akala ko ba ipagluluto kita?" Seryosong tanong niya sa akin.
"Just stop." Napapikit ako ng mariin. I can't help it but look at her eyes down to
her lips. I'm losing this. "Damn. I'm not sorry for this." Agad ko siyang inatake
ng halik. That was supposed to be just a short kiss but she responded unconsciously
and I obliged.
Pareho kaming naghahabol ng hininga pagkatapos. She blushed. Pulang-pula ang buong
mukha niya. Marahan kong hinawakan ang labi niya. "You don't need to cook for me.
Let's have a lunch date instead." Hinila ko siya at bahagyang niyakap para
matabunan ang mukha niya habang palabas kami ng company. Mabuti na lang at maagap
itong si Kord kaya dumating ang security team para matulungan kami palabas.
Mas lalong dumami ang naki-isyuso. At alam kong hindi gugustuhin ni Jearri na
malamang siya ang kasama ko ngayon. Eksaktong pagkalabas naman namin ng company ay
nakaabang na ang kotse ko.
"You almost gave me a mini heart attack! Pwede namang lumabas tayong magkahiwalay.
Why'd you have to be that close to me?" Reklamo niya habang inaayos ang seatbelt.
"I just wanted them to know..." That I like you without you knowing it. "Never
mind. Where'd you like to eat?" Hindi agad siya umimik. Tila may iniisip. "Jearri?"
"Ha? Ano? Uh...kahit saan." Nagkibit siya ng balikat. "Uh... I have school papers
to finish. Can you just eat your lunch alone? At magco-commute na lang ako pauwi sa
mansion."
"I want you to eat lunch with me." Seryosong ani ko sa kanya.
"Si Shantal...bakit ayaw mong yayain? You both seems close." Aniya. That's
obviously she'd say when she gets jealous.
"Stop being jealous." Nagtiim-bagang ako. "I'm gonna eat lunch with you. Just me
and you. No more buts okay?" And I drove the car with the two of us being silent.
Tahimik siyang bumaba ng kotse, ni hindi niya ako hinintay na pagbuksan pa siya.
"Sorry na please." Wala sa sariling niyakap ko siya mula sa likuran. Pinatong ko
ang noo ko sa balikat niya.
"Laxer baka may makakita sa atin." Pagpipigil niya sa ginagawa ko.
"I don't care. Let's forget the whole world and enjoy our moment together." Hinarap
ko siya sa akin. For a moment, nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya.
"You're making me confuse all the time. Tara na! Nagugutom na ako." She tried to
make her voice livelier. But why do I feel like she's having doubt with her
feelings?
She once smiled at me sincerely. Just fall for me please baby...

[ 32 Lastuntoldchapter ]
-------------------------------

Dahil sa kagustuhan ni Shantal, ay ako na nagbantay sa kanya nang ma-confine siya


rito sa hospital. I badly wanted to see my love, but I can't just leave Shantal
here.
She's getting weaker. It felt like her life depended on me right now. I can't
really choose Jearri over her. God knows how much I love her, but then this is
life. Life sucks sometimes.
"Cray, I want an apple." Ngumiti ako kay Shantal. Hindi ko makita ang sarili ko na
balang araw siya ang pakakasalan ko. I can only see her as my little sister or
younger sister and nothing more than that. If I were to marry someone while I still
live, that would always be Jearri.
I've been in love with her, dati pa...it's just too late for me to discover about
it. I like everything about her...I just love her, in all possible ways, in every
way. If I were to die today, I would always thank God, for I have never loved
anyone like this, si Jearri lang ang mahal ko na sobra pa sa sobra. Kung mamamatay
ako ngayon ay ayos lang magiging masaya ako, masaya ako kasi hanggang sa huling
paghinga ko, ay si Jearri lamang ang lubos kong mamahalin.
"Okay." Pinagbalat ko si Shantal ng mansanas. I'm glad she's smiling again. Pero
napapawi ito kapag naiisip ko kung ilang luha na naman ang nasayang ni Jearri para
sa akin, sa akin na walang magawa para sa kanya ngayon. Na hindi man lang siya
kayang ipaglaban pa.
Tumawa si Shantal. "I'm so happy to have you by my side now. Ang swerte ko talaga
sayo." She's lucky but I'm blessed to have Jearri, sana...sana kayanin pa ni
Jearri, at kapag kaya ko na siyang ipaglaban ay babawiin ko siya. She's mine to
begin with, she's mine till the end. I love her since the beginning and I'm gonna
love her until the end.
"Jearri..." Natigilan ako sa pagbabalat nitong mansanas nang tawagin ni Shantal si
Jearri. She's here. Bumilis ang tibok ng puso ko, and only her can make me feel
that way.
But I have to be firm. Hindi pa ngayon Jearri, I'm sorry. Binigyan ko siya ng
malamig na titig. Alam kong hindi niya iyon inaasan. Baby, I'm sorry, I'll make it
up to you...I will, I promise you that one thing. Baby, babawi ako sa'yo just
please bear it till now.
I have to let you go now. I'm sorry. Babawiin kita. I must settle things first, for
you, for us. I love you baby...
Tuluyan nang pumasok si Jearri, binalewala ang naging malamig kong titig sa kanya.
She's still the same Jearri I knew...yung kahit nasasaktan ay lalaban pa rin. "K-
kamusta?" Nag-aalangan at nauutal na tanong niya kay Shantal. Ngumiti si Shantal sa
kanya na mukhang ikinagulat nito.
Alam kong sa pagkakataong ito ay hindi na muling magagalit pa si Shantal o
magtatanim ng sama ng loob sa lahat ng nangyari.
"Okay na ako Jearri... Mas magaling pa sa doctor 'tong si Cray eh." Bakas ang kilig
sa boses ni Shantal. Nasasaktan ako para sa babaeng mahal na mahal ko. She doesn't
deserve this. She deserve the world, my world.
"Mukha nga..." Halos pabulong na tugon nito. Binaling niya naman ang tingin niya sa
akin, muntik na akong mawala sa sarili dahil sa inosente niyang titig sa akin, pero
hindi pwede, I have to be strong enough to let her go for now. "L-Laxer can we
talk?" Kabadong tanong niya sa akin. Alam kong mas nahihirapan na siya ngayon. Kaya
mas mabuting pakawalan ko muna siya. Baby, kapag wala na ako sayo...you still need
to be strong. No one will ever replace you in my heart. You have to remember of the
days that I have showed you, how much I love you.
Hinawakan ni Shantal ang kamay ko, alam ko na ang gagawin ko. Walang kabuhay-buhay
na tumingin ako kay Jearri. I saw fear on her eyes, I know she has a clue right
now. Baby, I love you... I'm sorry, please hear my heart now.
"Cray..." Maamong tawag ni Shantal sa akin. "Please don't leave..." Nakita ko ang
nanggigilid na luha ng babaeng mahal na mahal ko. I can't bear to see her like
this. Gusto ko na lamang siyang yakapin ngayon. Gusto kong sabihin na hindi ko siya
pakakawalan pero hindi ko magawa, nanghihina ako. Tila may kadenang nakakabit sa
akin ngayon. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko.
Tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak ni Shantal sa akin subalit pinigilan ako
nito. "Cray... wag mo akong iwan..." Bigla namang nag-unahan sa pagbagsak ang mga
luha ni Shantal, mas lalo lamang akong natuod sa pwesto ko.
Right person at a wrong time. Baby, I'll let you go today...I hope you'll still
wait for me...baby please hear my heart.
"L-Laxer..." Tawag niyang muli sa akin. "C-choose." Naninikip ang dibdib ko na
makita siya sa ganung ayos. My love, shouldn't be the one suffering right now, and
here I am, feeling so useless. Wala akong magawa para sa kanya.
"Jearri..." Baby, I love you so much. So mad. So bad. I'm sorry...will you still
forgive me right? After this, after everything?
"No...no...no... Cray..." Parang hirap na hirap na naman sa paghinga si Shantal.
Nanghihina ako sa sitwasyon namin ngayon. Mas lalo akong kinakabahan sa bawat
paglipas ng segundo.
Kaba at takot na rin ang nararamdaman ko ngayon.
"Jearri... just... just leave." Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya ngayon.
Bumuhos pa lalo ang mga luha mula sa kanyang mga mata at wala akong magawa. Fuck!
Tangina. I can't bear seeing her like this.
Humigpit ang hawak sa akin ni Shantal. Why do I have to let her go? Why do I have
to choose another girl over her? Why it isn't the right time yet? And when will be
the fucking right time comes?
I just gave her cold stares. Tangina! Ang sakit! Never in my lifetime that I
imagined myself choosing Shantal over her. This is crazy! Can't I just run to her.
Baby please don't cry. I'm sorry that I can't wipe your tears away this time. And
I'm sorry because I'm the one making you cry.
"I... I wish I had a weaker heart." Patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha sa
kanyang mga mata. Mas lalo lamang akong nanghihina. Paano ko nagawa ito sa kanya.
I'm stupid. I'm useless. It hurts to see her hurting so much and I was the reason
behind it.
"I wish I could just kill myself right now for you to choose me over her."
Tiningnan niya ako sa aking mga mata, walang emosyon akong tumingin sa kanya, hindi
niya mababasa ang nasa isip ko ngayon pero sana marinig niya ang sinisigaw ng puso
ko. "Ang sakit Laxer! Ang sakit! Ang sakit-sakit na parang unti-unti mo na rin
akong pinapatay." Sandali siyang tumigil at pinunasan ang mga luhang nag-uunahan sa
pagpatak mula sa kanyang mga mata. "Kapag ba namatay ako... ako ang pipiliin mo?"
Baby, please don't say that...please you have to be strong for now. I will get you
back. I love you so much, and if only I have the courage to take steps close to
you, I would have done it right now.
Baby I'm sorry, your lover isn't enough right now.
Baby I'm sorry, I have to let you go.
Baby I'm sorry for making you cry.
Baby I'm sorry because I was never enough for you, you deserve the world, my world
but I can't give it to you as of now.
Baby, when the time comes, I promise to you...I won't let myself choose another
girl over you.
Baby when the right time comes, ikaw at ikaw ang paulit-ulit kong pipiliin. I'm
sorry for all the heartaches, I'm sorry for all the pain.
I will let you go not because I don't love you anymore, I'll let you go because I
cant bear you seeing in pain again.
Baby, I know we're meant for each other...hindi pa lang sa ngayon.
"Jearri---" I tried calling her out to stop everything she's trying to say. But she
cut me off.
"Kapag ba ako ang nasa sitwasyon niya ngayon, ako ang pipiliin mo?" I'm still
expressionless, ganoon din si Shantal. "Akala ko ba mahal mo ako? O akala lang
talaga yun?" She cried so hard, mas lalo lamang akong nagiging walang kwenta para
sa kanya ngayon.
"Kung ganyan din naman pala, sana pareho na lamang kami ng kalagayan. Siguro kahit
awa ay baka naibigay mo rin sa akin." With that, She turned her back away from us,
kasabay nito ang pagpatak ng mga luha ko.
Gusto ko siyang sundan, gusto kong bawiin ang ginawa ko. Gusto ko siyang yakapin.
Gusto ko siyang itakas para kaming dalawa na lang pero...
"Cray... please... stay." Ani Shantal.
"I will..." Kahit masakit sa akin ay wala na talaga akong nagawa pa. Sana...kapag
maayos na ang lahat ay may babalikan pa. Baby if ever you find someone else, I'll
surely regret this. But I won't ever love again if it wasn't you.
That's the last sign and she's no longer mine.
Hindi ko matiis kaya pinuntahan ko siya sa condo niya. Nakiusap ako kay Tito na
kahit ngayon lang, sa huling pagkakataon.
I watched her fell asleep. Umupo ako sa gilid ng kama niya. She looks like an angel
while sleeping. She's always my angel without wings. I combed her hair using my
hand. Marahan kong dinampian ng halik ang kanyang noo.
Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata, ngumiti ako sa kanya. Nakatitig
lamang ako sa kanya. Alam kong gulat na gulat siya ngayon, gusto ko lamang bantayan
siya sa pagtulog niya...kahit sa huling pagkakataon.
Sa hindi malamang dahilan ay muling bumagsak ang mga luha sa mga mata niya. When
will my love stop from crying? Siguro kapag tuluyan na akong nawala sa buhay niya.
"Stop crying..." I said softly. "I'm always here, wag mong kakalimutan yan." I
close the gap between us. I gave her one swift kiss. "Sleep..." I smiled at her and
she did the same thing. I want to see her everyday to be like this. I want to sleep
seeing her by my side and wake up seeing her first among others.
"Wag mo na akong iiwan ulit ha?" I just smiled at her before she finally closes her
eyes again and fell asleep.
I wait till she's fully asleep.
"Mahal na mahal kita Jearri. If I were to be given a second life, I will ask God to
be with you...paulit-ulit kong hihilingin sa kanya na ikaw lang ang babae na para
sa akin. For now, I'm sorry that I have to let you go and I'm sorry for being weak.
I'm sorry that you have to cry so many times for me. I won't be there for you
anymore...you won't see me again but please baby...you have to continue living,
I'll ask God to watch over you every day. One day will come, I won't have to choose
someone over you again. One day will come and I'll get you back...I love you baby,
so bad. You are my life...letting you go feels like taking away my life...You are
my everything, and for now, I have to lose everything. I love you and I will always
do... but I have to let you go. Please baby, remember that I love you and I won't
ever love another woman other than you." I close my eyes and kisse her on her lips.
Tumayo na ako. Kahit masakit, kahit sobrang sakit ay naglakad ako papalayo sa
kanya. Tonight, I let go of her for real...but I'm not letting go of my love for
her. My baby, my love, my life, my everything...Jearri...

[ 33 ANNOUNCEMENT ]
-------------------------------

It's a trap. Hahahahahahha


Hahahahahah hi guys. First of all I love you, second is I love you, third is I love
you. THIS IS A SHAMELESS PLUGGING OF MY ON GOING STORY;
Beautifully Tragic
This is a true to life story of yours truly.  I will give you my new of way
writing. Charot. There's nothing really special, pero gusto kong ishare kasi if you
learned so much from this story of mine sa story ni Laxer and Jearri, ayun mas
marami kang matutunan sa BT.
Philline Kathrisse- is the wattpad version of myself. Ako na talaga yanNavine
Joschbed- he's not my ex or what (NBSB pa rin ako) pero he happened to be my
greatest love
In case you wanted to know more about me and my kadaldalan feel free to read it.
Uwaaahhh. This is shameless plugging pero promise na promise, it's a love and hate
the character type of story. And then promise hindi super nakakaiyak. Hahaahahah
joke. Nakakaiyak pero, I'll just justify why it has to be. Pag may time kayo ah?
Basahin niyo rin. I know I'm not one of your favorite writer *le pouts* pero sana
bigyan niyo ng chance. Hehhehehehehe sana may tiwala pa rin kayo sa akin kahit
sinaktan kayo ng story in Jearri and Laxer pero seryoso. Sana tulad nito na may
high rank  ay maka achieve rin ang BT ng rank bago ako mag intern hehehehehe.
Regular updates na promise bago ang internship. I love you all sobra sobra. Salamat
sa support! 😍😍😍😊😍😍😊😍😊
Ito yun, check niyo sa stories ko. Nakakahiya pero ito kasi yung story an nag
improve na talaga at dahil true to life siya. Which I don't usually do, kaya
literal na nakakakilig pero di naman puro kilig, life Lessons, fam and friends pa
rin with touch of love.
Salamat in advance talaga. Hintayin KO kayo run. Tapos makipag kulitan na rin kayo
sa comment sections. Love lots. XOXO. SEE YOU SOON 😍😊💖

You might also like