You are on page 1of 2

1) Ano ang paksang pinagtalunan sa balagtasan? Makabuluhan ba itong pag-usapan?

Bakit?
Ang paksang pinagtalunan sa balagtasan ay kung tunay nga bang mayroong forever. Maari itong
maging makabuluhan para sa iba, ngunit para saakin ay maaaring mapag-usapan pero hindi
kailangan ng seryosong usapan.
2) Isa-isahin ang katangian ng isang mambabalagtas sa pamamagitan ng mga saknong sa
balagtasan.
Ang mga mambabalagtas ay maayos ang pagsasalita at may klarong lakas ng boses sa
balagtasan.
Ang mga mambabalagtas ay medyo mali dahil may mga parteng silang nagsasapawan at
nagreresulta ito ng hindi angkop sa pandinig ng mga manonood.
Ang mga mambabalagtas ay hindi ganong kakalmado sa entablado.
3) Patunayan na may sukat at tugma ang pinanood at binasang balagtasan.

4) Sino sa dalawang mambabalagtas ang nagpahayag ng mas mabigat na katuwiran? Bakit


mo ito nasabi?
Para saakin, ang nagpahayag ng mas mabigat na katuwiran ay ang binata, dahil sinabi nya roon
na hindi lamang para sa pag-ibig ang salitang “forever”. Alam naman natin na makikita rin natin
ito sa iba’t ibang klase ng bagay dito sa mundo.

5) Anong saknong ang naibigan mo sa balagtasan? Bakit?


Sabi nga ni jose rizal "ang kabataan ang pagasa ng bayan"
Paano natin mapapatunayan
Kung laging pagibig ang nasa isip ng kabataan
Kaya salitang forever, malabo yan
Ang saknong na ito ang aking naibigan sapagkat ito’y para sa’kin ay makabuluhan. Sa panahon
ngayon, halos lahat ng kabataan ay nakatuon sa usaping pag ibig. Mas pinaglalaanan nila ito ng
oras kaysa sa pag aaral o ibang bagay.

6) Kung ikaw ang susulat ng piyesa, saan ka papanig at bakit?


Kung ako ang susulat ng piyesa papanig ako sa panig na may forever, dahil bilang isang anak at
apo nasaksihan ng aming pamilya ang matatag at tunay na pagmamahalan.

7) Ano-anong kaisipan ang angkop pa rin sa kasalukuyang panahon? Pangatuwiran.


"Pagsubok ay parte lamang saating buhay
Kapit lang, gawin ang lahat, tiyak ikay mabubuhay."

Maliwanag na angkop ang kaisipan na ito sa panahon ngayon dahil kailangan mong magsumikap
upang magtagumpay.

8) Maayos bang naipahatid ng mg mambabalagtas ang mensahe ng piyesa? Patunayan.


Hindi gaanong maayos naipahatid ng mga mambabalagtas ang kanilang mensahe sa piyesa, sa
kadahilanang sila ay nag sasabay sapagsasalita kaya nag hahalo halo ang kanilang sinasabi.

9) Anong mahalagang papel ang ginampanan ng mga manonood sa balagtasang pinanood?


Mahalaga ang naging papel ng manonood sa naganap na balagtasan, dahil sila ang naging
tagahusga sa kung sino ang nagwagi sa nasabing balagtasan.

10) Paano dapat kumilos ang lakandiwa at mambabalagtas sa entablado?


Ang lakandiwa ay dapat lamang na kumilos ng angkop gaya ng wala dapat syang pinapanigan sa
parehong panig ng mambabalagtas at nararapat na pumagitna siya sa dalawang panig. Karagdan pa na
dapat ay ipakilala n’ya ng ayos ang mga mambabalagtas

Ang mga mambabalagtas ay dapat kumilos ng kaaya-aya at hindi dapat tumatakikod sa mga manonood.
Nararapat na ipahayag nila ng ayos at maliwanag ang kanilang panig.

You might also like