You are on page 1of 6

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

1
Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos (Voluntariness of
Human Act)

Naipaliliwanag na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula


ito sa kalooban na malayang isinagawa sa pamamatnubay ng
isip/kaalaman (EsP10MK-IIa-5.1)

Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan (EsP10MK-IIa-5.2)

Napatutunayan na gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng


tao ang makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kawastuhan o
kamalian nito (EsP10MK-IIb-5.3)

Layunin

1. Natutukoy ang kahulugan ng makataong kilos at kilos ng tao;


2. Nasusuri ang tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan; at
3. Naipaliliwanag:
a. Ang layunin bilang batayan ng kabutihan at kasamaan; at
b. Obligasyon at makataong kilos.

Kagamitan
ballpen bond Laptop Learner’s notebook EsP
paper computer Module Grade 10
Self-
Learning
Modules

1
GAWAIN

Gawain 1

Panuto: Magbigay ng tig-limang halimbawa ng makataong kilos at kilos ng tao.


Gawin ito sa template sa ibaba. (10 puntos)

Makataong Kilos Kilos ng Tao


Paghinga
1. Pagsunod sa magulang.
Paglalakad
2. Pagpapahalaga sa
kalikasan.
Pag-ubo
3. Pagsasalita ng may
paggalang sa kapwa.
4. Pagkakaroon ng malasakit Pagtibok ng puso
sa kapwa.
Pagkurap ng mata
5. Pagiging mapagkumbaba
at pagtanggap ng pagkakamali.

Gawain 2

Panuto: Sa talahanayan sa ibaba, tukuyin kung ang kilos sa unang kolum ay (a)
kusang-loob, (b) di kusang-loob at (c) walang kusang-loob. Lagyan ng tsek (/) ang
angkop na kolum. Sa huling kolum, tukuyin kung mayroong papanagutan ang
tao sa kaniyang kilos. Lagyan ng M kung mayroon at W kung wala. (10 puntos)

Kilos Kusang-loob Di kusang Walang Pananagutan


-loob kusang loob sa Kilos
Pagdala ng
drayber ng
taxi sa M (Buo)

2
ospital sa
kaniyang
matandang
pasahero na
inatake sa
puso.
Pagsasalita W
habang
natutulog.
Pagsunod sa M
utos ng
(Bawas)
magulang
ngunit
nakailang
“Wait lang”.
Sapilitan na
pagsama sa
kaibigan na
maglaro sa
computer
shop dahil M
ayaw mo (Bawas)
itong
magtampo
siya sa iyo.
Pagtuturo ng
guro sa
kaniyang
klase nang
handa at may
pagnanais na
magbahagi
ng
kaniyang
M
(Buo)
kakayahan
ayon
sa learning
competency
ng kaniyang
aralin

3
Gawain 3: Pagsusuri sa Sitwasyon

Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon sa ibaba. Tukuyin ang sumusunod: (a)
layunin ng tao sa paggawa ng kilos, (b) kung ang kilos ay mabuti o masama.
Ipaliwanag ang iyong sagot. (10 puntos)

Kabilang si Sean sa nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa Social


Amelioration Program (SAP), isang programa ng pamahalaan sa ilalim DSWD
noong panahon ng pandemya. Nang natanggap na niya ang walong libong
pisong ayuda, naisip niyang gamitin ito na puhunan sa sugal. Sakaling manalo
siya, mas maraming pagkain at pangangailangan ng pamilya ang kanyang
mabibili. Sinubukan niyang tumaya ngunit agad din siyang natalo at naubusan
ng pera.
Ano ang layunin ni Sean?

-Ang nais o layunin ni Sean ay mas mapalago at mas lumaki ang perang
natanggap upang mas marami po siyang mabiling pagkain at iba pang mga
pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Maitururing ba na mabuti o masama ang kilos ni Sean batay sa kaniyang


layunin? Ipaliwanag ang iyong sagot.

-Para sa akin, hindi maituturing na masama ang layunin ni Sean sa kaniyang


ginawa. Ang nais niya lamang ay mas maraming pagkain at pangangailangan
ang kaniyang mabili para sa kaniyang pamilya. Ang paraan kung paano niya
ginawa ang kaniyang layunin ay ang masama at hindi tama. Ang pagsusugal
ay bukod sa mali, maaari pa na maubos at masayang lamang ang pera sa halip
ng kumita. Sa tingin ko po, mas marami pang pamamaraan upang magamit ni
Sean ang pera ng makubuluhan at mapalago po ito. Maaari niya pong hatiin
ang pera at gamitin ang kalahati bilang puhunan sa negosyo o hindi naman ay
maaari niya na lamang po ito na itabi na lamang.

4
Mga Tanong: (10 puntos)

1. Ano ang kahulugan at pagkakaiba ng makataong kilos at kilos ng tao?

-Ang kilos ng tao ay sumasalamin sa mga kilos na ayon sa kalikasan ng isang


tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Walang pananagutan ang tao
sa kaniyang isinagawang kilos, samantalang ang makataong kilos naman ay
sumasalamin sa mga kilos ng tao na ginagamitan ng isip, at kilos-loob. Ito ay
isinasagawa ng may kaalaman, malaya, at kusa. Mula sa mga depinisyong ito,
ang pagkakaiba ng kilos ng tao sa makataong kilos ay ang kilos ng tao ay hindi
ginagamitan ng isip at kilos-loob kung kaya’t walang pananagutan ang tao sa
kaniyang isinagawang kilos, na kabaligtaran naman ng makataong kilos na
ginagamitan ng isip at kilos loob, isinasagawa ng may kaalaman,malaya, at
kusa, at may pananagutan ang taong nagsagawa nito.

2. Sa iyong palagay, maaari bang maging makataong kilos ang isang kilos ng
tao? Paano? Ipaliwanag ang iyong sagot gamit ang isang halimbawa.

Opo, maaaring maging makataong pagkilos ang kilos ng tao sa pamamagitan


ng paggamit ng kilos ng tao sa makubuluhan at sa paggawa ng
mabuti.Halimbawa po ang kilos ng tao na pagsasalita. Maaari po itong maging
makataong kilos sa pamamagitan ng paggamit ng ating pagsasalita sa tama
at mabuting paraan. Maaari nating gamitin ang pagsasalita ng may
paggalang, hindi nakakasakit sa kapwa, pagsasabi ng totoo at pagpapakita ng
pagmamahal. Isa pa pong halimbawa ay ang kilos ng tao na paglalakad.
Maaari nating gawing itong makataong pagkilos sa pamamagitan ng
pagtulong sa mga matatanda sa pagtawid sa kalsada, gamit ang ating mga
paa na ginagamit po natin sa paglalakad.

3. Bakit mahalaga na magpakita ng kapanagutan sa mga kilos na ginagawa?

- Dahil tayo ay may responsibilidad sa bawat kilos na ating ginagawa. Ang


ating piniling kilos ay maaaring magdulot ng negatibo o positibo sa atin
at sa mga taong apektado nito. Nararapat lamang na maging
mapanagutan tayo sa bawat kilos na ating ginagawa,gawin natin ang
bawat kilos ng may pagmamahal, pagkukusa at buong puso. Sa tuwing
bawat maling kilos na ating ginagawa, nararapat na tayo ay matuto mula
rito at hindi na natin ito ulitin pa. Mahalaga ang pagsasagawa ng
pagninilay sa ating sarili at gawin nating itong aral sa ating buhay.

4. Maaari bang gamitin ang layunin bilang sukatan ng kabutihan at kasamaan


ng kilos? Ipaliwanag ang iyong sagot.

5
-Opo, ang layunin ay maaaring gamitin bilang sukatan ng kabutihan at
kasamaan ng kilos. Ang layunin ay ang maituturing na motibo o personal na
intensyon ng tao sa paggawa ng kaniyang kilos. May mga kilos ang tao na
maituturing na mabuti ngunit ang intensyon ay taliwas sa kaniyang ginawa,
at may mga kilos naman na maituturing na mali, ngunit ang intensyon ay
mabuti at nasa tama. Samakatuwid, ang layunin o intensyon ng tao kung bakit
niya ginawa ang kilos ay ang nararapat na maging batayan sa paghuhusga
kung mabuti o masama ang kilos ng isang tao.

5. Paano magiging mapanagutan ang isang tao sa kaniyang piniling kilos?


-Magiging mapanagutan ang isang tao sa kaniyang piniling kilos kung
gagawin niya ang kaniyang kilos ng may pagmamahal, buong katapatan
may pagkukusa , may kalayaan at may kagustuhan sa kaniyang ginagawa.
Maipapakita rin ang pagiging managutan sa kilos sa pamamagitan ng
pagninilay sa ginawang kilos, pagkatuto mula sa mga ginawang
pagkakamali, at pag-ako ng responsibilidad sa kaniyang ginawang kilos.

Sanggunian
Dibisyon ng Lungsod ng Pasig, Kagawaran ng Edukasyon, Modyul para sa
Sariling Pagkatuto - Baitang 10. Lungsod ng Pasig: Awtor, 2020.

Kawanihan ng Paglinang ng Kurikulum, Kagawaran ng Edukasyon, Mga Modyul


sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Baitang 10. Lungsod ng Pasig: Awtor,
2015.

You might also like