a. Mahalagang maunawaan muna ang layunin ng pagsulat ng pananaliksik upang maiugnay ang mga layuning ito sa susulating balangkas. 2. Pagtatala ng mga potensyal na pamagat a. Sa pamamagitan ng pagtatala ng mga posibleng pamagat sa pananaliksik, makakatulong ito upang makapipili ng mas nakakaakit na pamagat sa mga mambabasa. 3. Pagsusuri sa mga nakalistang paksa a. Ang pagsusuri sa mga nakalistang paksa ay nakakatulong upang maihanda ang buong paunang plano ng papel na pananaliksik. 4. Pagpili ng pamagat a. Pumili ng pamagat na madaling makaka akit sa mambabasa. 5. Paglimita ng piniling pamagat
a. Kailangan ilimita ang piniling paksa upang maiwasan ang masaklaw na
pag-aaral. And guro mismo ang pipili ng paksa na inihanda ng mga mag- aaral sa kanilang balangkas.
Magagawa natin
Tips o payo para sa mga mananaliksik
1. Itala ang mga kapaki-pakinabang na nota o notes na maaaring kakailanganin sa
buong proseso ng pagsusulat. Ang mga notes ay dapat na batay ayon sa paksang nasa ilalim nito.
2. Matutunan kung paano makilala ang isang mapagkakatiwalang source.
3. Maging responsible sa itinakdang oras at magkaroon ng time management upang
hindi maghabol sa gawain.
4. Isulat ang unang draft upang magkaroon ka ng isang balangkas ng iyong papel sa pagsasaliksik.