You are on page 1of 2

Mga Problema sa Edukasyon sa Pilipinas

Una sa lahat ay dapat nating magbigyang pansin ang mga isyu kaugnay sa estado ng edukasyon
sa Pilipinas. Ang una sa mga ito ay ang parte ng edukasyon sa pagpapaunlad ng ating bansa.
May ilang mga pananaliksik na nagsasaad na ang edukasyon ang sagot sa napakaraming
problema ng isang lipunan. Ang edukasyon ang nagiging daan upang ibsan ang nakaambang
kahirapan sa nakakarami, mabawasan ang laganap na krimenalidad, tumulong sa pagpapaunlad
ng ekonomiya ng basa at higit sa lahat, maging tulay sa pagpapayabong ng kabuhayan ng mga
Pilipino. Sa mga kadahilanang ito, patuloy ang pagpupuhunan ng ating gobernyo sa ibat ibang
aspetong pangedukasyon. Ngunit dadaptwat, dahil sa komplesidad ng edukasyon hindi pa rin
maiiwasan ang ibat ibang suliranin.

Kaakibat ng isyung ito ay ang kahandaan ng ating mga estudyante mula sa elementarya
hangggan sa kolehiyo. Malaking aspeto ang sapat ng makinarya ng ating mga paaralan sa
paglinang ng kakayanan n gating mga estudyante. Nakakalungkot man ngunit sa sampung
estudyanteng pumapasok sa unang baitang, pito lamang ang nagtutuloy sa hasykul, at mula sa
pito, tatlo lamang ang nakakakompleto ng kurikulum. Mula sa tatlong pumapasok sa tersyarya,
iisa lamang ang nakakapgtapos dito. Mula sa nasabing pangyayari, paano natin aasahan ang
ating mga estudyante sa pagtulong sa pagpapaunlad ng ating bansa kung wala silang sapat na
karunungan at kaalaman?

Ang ating pormal na edukasyon ngayon ay malayo sa kung anu nga ba talaga dapat ang na
makamtan nito. Ang ating mga paaralan ngayon ay nagugulumihanan kung papaano pa nila
mapapanatili ang mga mag-aaral sa paaralan sa kabila ng tumataas na datos ng mga “school
drop-outs”. Ang “functional literacy” ng mga Pilipino ay nasa minimum lamang na nagpapakita
ng tunay na estado ng ating edukasyon. Laganap din ang problemang “child labor”, kung saan
ang mga bata na dapat ay nasa mga paaralan ay naghahanapbuhay upang matulungan ang
pangangailangan pinansyal ng kanilang pamilya. Ang “unemployment rate” din ay patuloy na
tumataas sa bawat taong may mga estudyante nagtatapos ngunit hindi makapasok sa labor
market. Laganap din ang “underemployment” kung saan ang mga bihasa sa napipilitang
tumanggap ng trabahong malayo sa kanilang pagkabihasa sa kadahilanang kailangan nila
masustentuhan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Ang pagitan ng mga mayayaman at
ng karamihang mahihirap ay patuloy na lumalaki at lumalawak. Ngayon, anu nga ba ang
kaugnayan ng edukasyon sa mga ito? At kung sa mga pananaliksik at sinasabing ang edukasyon
ang magpapaunlad sa isang bansa, saan dito nagkaproblema?

Karadagang suliranin pa ay ang hindi na aankop na kurikulum sa pangunahing


pangangailangan ng ating bansa. Kung kaya’t sa ilalim ng termino ni Pangulong Benigno Aquino
III ay ipinatupad ang K-12 program. Kaakibat ng pagpapatupad nito ay ang pag linya ng ating
basic education kurikulum sa pang-internasyonal na pamantayan.

Dahil sa patuloy na pagbabago ng ating kurikulum, ang mga guro ay kailangan din sumailalim sa
ibat ibang kasanayan upang maipatupad ito ng maayos. Kabilang sa mga kasanayang ito ay ang
pag dalo sa ibat ibang tranings at seminars. Ngunit sa kasalukuyang kondisyon, mangilan-ngilan
lamang sa ating mga guro ang may kakapasidad na magbayad para dito maliban na lamang
kung ang ating gobyerno ay magsasagawa nito ng libre. Hindi rin maipagkakaila na madaming
magagaling na guro sa Pilipinas, ngunit dahil sa mabababang pagpapasahod sa kanila, marami
rin ang mas pinipiling mangibang bansa na lamang upang matugunan ang kanilang
pangangailangan.

Isa pa rin sa mga suliranin ng ating edukasyon ay ang hindi masusing pagmomonitor ng mga
pagbabagong implementasyon sa programa ng ating edukasyon. Isang konkretong halimbawa
ay ang “Bridge Program” na ipinatupad ilang taon na ang nakakalipas. Nasasaad sa proyektong
ito na ang mga estudyanteng nasa ika-anim na baitang ay sasailalaim sa isang eksaminasyong
bago sila makatungtong sa hayskul. Ang mga estudyanteng hindi pinalad sa pagsusulit ay
kailangan mag-enrol ulit sa ika-anim na baitang upang magsilbing tulay bago sila makapasok sa
hayskul. Dahil sa kaganapan, madaming estudyante ang hindi pinalad sa eksaminsayon at nag-
enrol muli sa ika-anim na baitang, dagdag na isang taon sa kanilang elementary. Ngunit,
madami ang tumaligsa sa nasabing proyekto kung kayat ito ay hindi na ding naisakatupan pa sa
mga susunod na taon. Dadapwat papaano na laman ang mga karagdagang gastos ng mga
magulang? Paano na lamang ang nadagdag na isa pang taon sa karamihan ng mag-aaral? Sino
dapat ang managot sa nangyari? Isa laman ba ang programng ito sa mga sinubukan lamang
ipatupad? Nakikita na isa lamang ito sa mga proyektong hindi nabusisi at napaghandaan
mabuti.

Masasabing patuloy naman talaga ang pagtugon ng ating gobyerno sa mga pangangailang pang-
edukasyon, ngunit hindi rin naman maikukubli na dahil sa patuloy rin na paglago ng ating
populasyon kung kayat hindi nagiging sapat ang mga klasrum, pasilidad at paaralan.

You might also like