You are on page 1of 1

R E P L E K S Y O N

ANG KUBA NG NOTRE DAME


Sa kwentong “Ang Kuba ng Notre Dame”, gusto ni Victor

Hugo na sa pamamagitan ng kanyang isinulat na kwento na

maramdaman ng mga tao na kahit anong pisikal na katangian

meron ang isang tao ay tao parin ito, humihinga, tumatawa,

umiibig at nakakaramdam ng sakit. Kaya naman kung pwede ay

tigilan na ang pagpapasakit o di kaya ay huhusga sa kanila.

Napansin kong kakaiba ang akdang ito sa iba dahil ang napili

na bida ng may akda ay yaong isang kuba na tila pinandiriian

ng lahat. Mabuti na lamang at inampon siya ng Isang pari, si

padre Frollo. Naiiba talaga ang akdang ito sapagkat marami

siyangaral na maibibigay tulad ng madaling magpatawad na

ipinakita ni La Esmeralda na tatatak sa puso’t isipan ng

mambabasa. Mahirap ang mabuhay tulad ni Quasimodo, lagi

siyang hinuhusgahan kahit napakabait nito na sinunod lang ang

gusto ng pari. Naranasan ko din ang maging api. Hindi nga lang

tulad ni Quasimodo ka saklap dahil maswerte ako at meron

akong mga kaibigan; mga taong tumanggap saakin ng buo at

dahil doon gumaan ang bigat na pasan ng aking puso at natuto

akong bumangon mula sa pagkakadapa. Nilagay ko na lang sa

aking isip na ito’y isang pagsusulit lamang upang ako’y

tumatag. Naramdaman din kaya ng may akda ang sakit ng

Panghuhusga kaya niya sinulat ang kwentong ito? Siguro Oo,

tayo naman siguro lahat nakaranas nang pangungutya. Bakit

kaya Kuba ang ginamit na bida? Siguro dahil isa ito sa pinaka

masasaklap na sakit na laging kinukutya. Bakit kaya pinatay ng

may akda ang bidang si Quasimodo? Siguro, isa yaon sa mga

paraan upang maipakita kung gaano ka mahal ni Quasimodo si

La Esmeralda.

You might also like