You are on page 1of 1

Sa kwentong “Ang Kuba ng Notre Dame”, gusto ni Victor Hugo na sa pamamagitan ng kanyang isinulat na

kwento na maramdaman ng mga tao na kahit anong pisikal na katangian meron ang isang tao ay tao
parin ito, humihinga, tumatawa, umiibig at nakakaramdam ng sakit. Kaya naman kung pwede ay tigilan
na ang pagpapasakit o di kaya ay huhusga sa kanila.

Napansin kong kakaiba ang akdang ito sa iba dahil ang napili na bida ng may akda ay yaong isang kuba na
tila pinandiriian ng lahat. Mabuti na lamang at inampon siya ng Isang pari, si padre Frollo. Naiiba talaga
ang akdang ito sapagkat marami siyangaral na maibibigay tulad ng madaling magpatawad na ipinakita ni
La Esmeralda na tatatak sa puso’t isipan ng mambabasa.

Mahirap ang mabuhay tulad ni Quasimodo, lagi siyang hinuhusgahan kahit napakabait nito na sinunod
lang ang gusto ng pari. Naranasan ko din ang maging api. Hindi nga lang tulad ni Quasimodo ka saklap
dahil maswerte ako at meron akong mga kaibigan; mga taong tumanggap saakin ng buo at dahil doon
gumaan ang bigat na pasan ng aking puso at natuto akong bumangon mula sa pagkakadapa. Nilagay ko
na lang sa aking isip na ito’y isang pagsusulit lamang upang ako’y tumatag.

Naramdaman din kaya ng may akda ang sakit ng Panghuhusga kaya niya sinulat ang kwentong ito? Siguro
Oo, tayo naman siguro lahat nakaranas nang pangungutya.

Bakit kaya Kuba ang ginamit na bida? Siguro dahil isa ito sa pinaka masasaklap na sakit na laging
kinukutya.

Bakit kaya pinatay ng may akda ang bidang si Quasimodo? Siguro, isa yaon sa mga paraan upang
maipakita kung gaano ka mahal ni Quasimodo si La Esmeralda.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1604672#readmore

You might also like