You are on page 1of 2

TUKURAN TECHNICAL – VOCATIONAL HIGH SCHOOL

TUKURAN, ZAMBOANGA DEL SUR


LEARNING ACTIVITY SHEETS NG ARALING PANLIPUNAN- GRADE 7
Unang Markahan – Pang-limang Linggo

Name of Learner: ________________________________________ Grade Level: _____________________


Section: __________________________ Date: _________________Contact Number: __________________

I. Nilalaman: Mga Pinagkukunang Yaman

II. Panimula o Susing Konsepto:

Pagsasaka at Panustos na Pagkain sa Timog-Asya

Bigas ang pangunahing pagkain sa buong rehiyon ng Timog-Silangang Asya. Dalawang uri ng palay ang
itinatanim ditto-palay sa matubig na bukid at palay sa burol ng bundok. Ang aning palay sa matubig na bukirin ay higit na
Malaki kaysa sa mga burol at bundok. Dahil dito, karamihan sa mga pagkain sa rehiyon ay nagmumula sa pagsasaka ng
mga matubig na kapatagan.

Mga Suliranin ng Timog-Silangang Asya

Nahaharap ang Timog-Silangang Asya sa malaking suliranin ng panustos ng pagkain dahil sa napakabilis na
paglaki ng bilang ng populasyon nito,. Bagaman nagsisikap ang mga bansang magdagdag ng mga bagong pananim,
maglagay mga irigasyon at gumamit ng makabagong paraan sa pagsasaka.

Kalagayan ng Pagsasaka sa Asya

Dalawa sa bawat tatlong Asyano ang nabubuhay sa pagsasaka. Karamihan sa kanila ay nagmamay-ari ng maliliit
na lupa ng kanilang tinatamnan ng sapat na pagkain para sa kanilang mga sariling pamilya. Ang iba ay gumagawa para
sa mayayamang haciendero, samantalang ang iba pa ay naglilingkod sa mga bukirin.

Ang Kalagayan ng Pangingisda sa Asya

Pangunahing pagkain ang isda sa mga baybayin at pulo ng Silangan Asya. Namamahala nag Tsina at Hapon ng
malalaking pangkat ng mga Bangka sa pangingisda na naglalayag sa dagat ng Hilagang Pasipiko sa paghuli ng isda. Ang
pangingisda sa ilog at lawa ay pangunahing hanapbuhay sa maraming bahagi ng Timog-Silangang Asya lalo na sa mga
bungad nag malalaking ilog tulad ng Mekong.

III. Kasanayang Pampagkatuto at koda:

Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano noon
at ngayon. (AP7HAS-If-1.6).

IV. Panuto:
Ang mga sumusunod ay mga mahalagang bagay na dapat tandaan:
a. Gamitin ng maayos ang Learning Activity Sheet/ Gawaing Pagkatuto;
b. Basahing mabuti at sundin ang mga panuto sa bawat gawain;
c. Isulat ang inyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.

V. Gawain:
Gawain 1
Punan ang cloud call out ng mga solusyon sa suliraning kapaligirang pisikal sa pamumuhay ng mga Asyano.

Solusyon…
Solusyon….

Suliranin ng panustos ng pagkain dahil sa


napakabilis na paglaki ng bilang ng populasyon
Gawain 2:

Basahin at suriin ang teksto upang masagutan ang gawain. Isulat sa kanan na kolum ang iyong sagot ukol sa
kalagayan ng mga hanapnuhay sa Asya.
Hanapbuhay sa Asya Kalagayan
Pagsasaka

Pangingisda

Gawain 3:
Pagsusuri ng Larawan. Nakahanay ang iba’t ibang larawan na nagpapakita ng ugnayan ng tao at ng kalikasan.
Pansinin at suriin ang bawat isa. Pagkatapos ay sagutan ang pamprosesong mga tanong.

VI. Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano-anong uri ng likas na yaman ang nakikita mo sa larawan? Paano ito nililinang ng mga tao?
2. Ano-ano ang mabuti at di-mabuting naidudulot ng paglinang ng ating kapaligiran?
3. Sa iyong palagay, ano sa tingin mo ang mainam na solusyon kung paano matutugunan ng likas na yaman ng
isang bansa ang lumalaking dami ng populasyon nito gayong ang lupa naman ay hindi lumalawak?

VII. Rubrik sa Pagpupuntos:

RUBRIK sa Pagmamarka ng Gawain 1, 2, 3 at pamprosesong tanong


KRITERYA 4 pts 3 pts 2 pts 1 pts
Kaalaman sa Ang pangunahing Ang mga pangunahing Hindi lahat ng Ang pangunahing
Paksa kaalaman ay nailahad at kaalaman ay nailahad pangunahing kaalaman ay hindi
naibigay ang subalit hindi wasto ang kaalaman ay nailahad at natalakay.
kahalagahan. ilan. nailahad
Organisasyon Organisado ang mga Organisado ang paksa Hindi masyadong Hindi organisado ang
paksa at maayos ang subalit hindi maayos organisado ang paksa at presentasyon
presentasyon. ang presentasyon. paksa at
presentasyon

VIII. Repleksiyon/Pangwakas:

Bilang isang kabataan, paano mo maipapakita ang iyong pagpapahalaga sa likas na yaman?

IX. Mga Sanggunian:

1. Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd – IMCS). Asya: Pagkakaisa sa
Gitna ng Pagkakaiba. Quezon City: Enduresources Publishing, Inc., 2014.

Inihanda ni: Naitala ni: Inaprobahan ni:

GYNE KURL A. PASANTING MERCEDITA I. FRIAS LUTHER D. CASTELO, EdD


Guro Head Teacher – I Secondary School Principal – IV

You might also like