You are on page 1of 2

ANG TATLONG ISYUNG PANG AGRIKULTURA

Ang pangunahing isyung pang agrikultura ay ang pagsasaka. Ang pagsasaka ang sentro ng industriya ng
mga sinaunsang pilipino. Nagtatanim sila ng mais, palay, niyog, at abaka, tubo at saging pati na rin mga
gulay at punong namumunga. Nakasalalay dito ang pambansang agrikultura. Samo’t saring isyu na ang
kinakaharap ng mga magsasaka sa panahon ngayon. Ilan sa mga kadahilan ay ang mga sumusunod:
kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya, ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng
mga lumang kagamitan sa pagsasaka katulad ng araro at kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal na
gawain kaya’t bumabagal din ang produksiyon sa agrikultur; kakulangan ng sapat na impraspaktura at
puhunan, maraming produkto ang hindi napakikinabangan dahil nasisira, nabubulok at nalalanta tulad ng
gulay at prutas. Dahilan rin nito ang pagkasira ng mga produktong bunga ng kawalan ng pagiimbakan o
storage at maayos na transportasyon; pagbibigay prayoridad sa sektor ng industriya, na napakalaking
problema sapagkat ang mga maruming mga manggagawa at namumuhunan sa sektor ng agrikultura ang
nawawalan ng kita at nalulugi kaya’t nagiging dahilan nito ang pagbaba ng produksiyon; pagdagsa ng
dayuhang produkto sa Pilipinas, ang pagdagsa ng dayuhang produkto o imported goods na nagdudulot ng
kompetensya sa pagitan ng lokal na produkto at dayuhang produkto sa bansa; at pagliit ng lupang
pangsakahan, na ang problema ay ang paglaki ng populasyon at pagiging moderno ng ating bansa dahil
maraming nga gusali, komersiyo, at subdibisyon ang pinapatayo kaya’t patuloy na lumiliit ang mga lupa na
maaari sanang isaka at ang patuloy na pagkasira ng ating kapaligiran.

Solusyon: Para matugunan ang mga problema ng mga magsasaka ay dapat bigyan sila ng gobyerno ng mga
bagong teknolohiya upang di sila mahirapang magtanim o mag-araro. Bigyan dapat sila ng impormasyon at
pagtuturo sa mga magsasaka ukol sa paggamit ng makabagong kagamitan. Turuan din ang mga magsasaka
tungkol sa paraan kung paano protektahan ang kanilang mga tanim. Dapat taasan ang presyo ng produkto
o kaya babaan ang mga taxes ng magsasaka. Iwasan natin ang paglagay ng mga nakakalasong dumi at
kemikal sa lupa bunga ng polusyon.

Ang pangalawang isyung pang agrikultura ay ang pangingisda. Ang pangingisda ay isa sa mga mahalagang
hanapbuhay sa iba’t ibang lugar. Isa din ito sa mga pangunahing pinagkukunan ng panganagailangan ng
mga tao. Mahalaganag hanapbuhay ito sa mga lugar na malapit sa baybayin o dagat. Ito ay pwede nilang
pagkakakitaan sa mga lugar na napaligiran ng tubig, malaki ang mapapakinabangan nila dito. Malaki ang
naitulong ng pangingisda sa ating bansa kaya dapat wag natin itong pababayaan, wag natin hayaan na
maging marumi ito dahil maraming tao ang nagtatapon ng mga basura sa karagatan at dahilan nito ay
maaapektuhan ang mga isda at magiging sanhi nito ang pagkamatay nila. Kapag ang mga isda ay mamatay,
maapektuhan din ang mga mangingisda. May mga isyu na ikainakaharap ang sektor na ito. Ang mga isyu
nito ay ang paggamit ng ilegal na paraan sa pangingisda, halimbawa ay traw fishing, paggamit ng mga
dinamita, mga lambat na may maliliit na butas, at mga makakalasong kemikal.

Solusyon:Para masolusyonan ito, huwag tayong magtapon ng mga basura kahit saan upang di mapahamak
ang mga isda upang maiwasan ang polusyon. Huwag tayung gumamit ng ilegal na pamamaraan kagaya
lamang ng trawl fishing dahil nakakasira ito ng mga coral reefs. Huwag tayung gumamait ng mga dinamita
dahil nakakasira ito sa tirahan ng mga isda at iba pang yanmang dagat. Iwasan ang paggamit ng mga
lambat na may maliliit na butas dahil nahuhuli ang mga maliliit na isdana hindi dapat kasali sa mga
hinuhuling isda. At huwag gumamit ng mga makakalasong kemikal. Dapat hindi masyado inaabuso ang
pangingisda upang hindi mapahamak ang mga nakatira sa dagat at hindi rin maaapektuhan ang mga
nagingisda at mga taong nagtitinda ng mga isda.
Ang panghuling isyung pang agrikultura ay ang panghahayupan. Ang panghahayupan ay ang pag-supply ng
ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ang panghahayupan ay binubuo ng pag-aalaga ng
kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Ito ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating
tagapag-alaga ng hayop. Ang mga problema o mga isyu na ikinakaharap nito ay pagkaubos ng mga hayop,
pagkakaroon ng mga sakit, pagtaas ng presyo ng mga feeds at iba pang pagkain ng mga hayop, at
pagbabago ng panahon o climate change. Sa pagkakaroon nito ng mga sakit at ang epekto nito ay ang
pagkamatay ng mga hayop at maapektuhan din ang mga taong naghahanapbuhay. Mawawalan ng supply
ng mga karne. Problema din ng mga taong nag- aalaga ng mga hayop ang pagpapakain sa kanila dahil
mataas ang presyo ng mga feeds. Sa pagbabago ng mga panahon, ang pagbabago ng klima at pag-init ng
temperatura. Maaaring mamatay ang mga hayop sa sobrang init ng panahaon.

Solusyon: Upang maiwasan ang pagkaubos ng mga hayop ayy dapat magpatayo ng breeding center kung
saan ang mga hayop ay dumarami ang mga hayop. Upang maiwasan ang mga sakit ay dapat magbigay sila
ng libreng bakuna at mga gamot para sa hayop. Sa problemang pagpapakain sa mga alagang hayop ay
gumamit lamang ng organic feeds. Dapat hindi makakuha ng sakit ang mga hayop para hindi maapektuhan
ang pag-supply ng mga karne at hindi maapektuhan ang mga taong bumibili ng mga karne.

You might also like