You are on page 1of 6

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN

IKA-SAMPUNG BAITANG
Pangalan: Petsa: Marka :
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot
at isulat ang titik nito bago ang bilang. (50 puntos)

1. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga


suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.

B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor
sa lipunan.

C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa


pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.

D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga
suliraning pangkapaligiran nito.

2. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top down approach sa pagbuo ng Disaster Risk
Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga
kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.

B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung
paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.

C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang
pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.

D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang


makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t
ibang kalamidad.

3. Alin sa sumusunod ang HINDI bahagi ng unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction
and Management Plan?
A. Capacity Assessment C. Loss Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assessment

4. Basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang tanong sa baba.


Impact of Natural Disasters Natural disasters can cause considerable loss of lives, homes, livelihood
and services. They also result in injuries, health problems, property damage, and social and economic
disruption. From 2000 to 2012, natural disasters in the Philippines caused the death of 12,899 people and
injury to 138,116 persons. These disasters also affected more than 71 million individuals and rendered almost
375,000 persons homeless. The socioeconomic damages are estimated at US$3.37 billion with average
annual damages of US$251.58 million.
Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?
A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan B. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
C. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura

5. Ano ang unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?
A. Disaster Prevention and Mitigation B. Disaster Response
C. Hazard Assessment D. Recovery and Rehabilitation

6. Tumutukoy ito sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga
basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi
nakakalason.
A. solid waste B. electronic waste C. commercial waste D. residual waste
7. Ang pinakamalaking bahagdan na tinatapong basura ng mga Pilipino ay nagmumula sa?
A. recyclables B. industrial waste C. commercial waste D. residual waste

8. Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang Pilipinas sa solid waste. Alin sa
mga sumusunod ang pinakaunang dahilan?
A. walang habas na pagtatapon ng basura kung saan-saan.
B. hindi pagsunod sa batas pangkapaligiran
C. pagtatapon ng electronic waste o e-waste tulad ng computer, cellphone, at tv.
D. kawalan ng disiplina sa sarili
9. Para sa bilang na ito, basahin ang talata tungkol sa isyung personal at isyung panlipunan.

Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?


A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi.

B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung
personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.

C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan.

D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinahaharap ng indibiduwal.

10. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t-ibang desisyon at
proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. RA9003 B. RA 8742 C. RA 7942 D. RA 7586

SITUATIONAL ANALYSIS
Panuto: Basahin ang sumusunod na situwasiyon. Tukuyin kung anong konsepto na may kaugnayan sa
Disaster Risk Reduction and Management ang inilalarawan.
11. Maagang umuwi ng bahay si Jerone mula sa kanilang paaralan dahil sa paparating na malakas na
bagyo.
A. NH – Natural Hazard C. D- Disaster
B. AH – Anthropogenic Hazard D. V - Vulnerability
12. Nangangamba si Andrei na magkasakit ang kaniyang buntis na asawa at dalawang taong gulang na
anak dahil sa maruming tubig baha sa kanilang lugar.
A. NH – Natural Hazard C. D- Disaster
B. AH – Anthropogenic Hazard D. V - Vulnerability
13. Isa ang pamilya ni Ernest sa mga nakaligtas mula sa pinsalang dulot ng malakas na lindol na
tumama sa
kanilang pamayanan.
A. NH – Natural Hazard C. D- Disaster
B. AH – Anthropogenic Hazard D. V - Vulnerability
14. Ipinasara ni Sec. Fajardo ang isang establisimyento dahil pinadadaan nito sa ilog ang mga kemikal
na kanilang ginagamit sa paggawa ng produkto.
A. NH – Natural Hazard C. D- Disaster
B. AH – Anthropogenic Hazard D. V - Vulnerability
15. Nakipagpulong si Mayor Basco sa mga kinatawan ng bawat barangay upang magkaroon sila ng
sapat na kaalaman sa panahon ng kalamidad.
A. NH – Natural Hazard C. D- Disaster
B. AH – Anthropogenic Hazard D. V - Vulnerability
16. Bakit mahalagang malaman ng mag-aaral ang kanyang gampanin sa mga suliraning panlipunan?
A. Sapagka’t tungkulin nila ito sa ating bansa.
B. Upang maiba naman ang kanilang Gawain.
C. Dahil nararapat lang na alam ng bawat isa ang kaniya-kaniyang gampanin.
D. Dahil bahagi ito ng ating buhay at kailangans sumabay sa agos.
17. Ang mga mamamayang mulat at tumutugon sa kanilang mga tungkulin ay kailangan sa
A. Pagkamit ng ganap na transpormasyon ng indibiduwal at lipunan.
B. Pagtugon sa mga kailangang gawain ng mga mamamayan.
C. Maisakatuparan ang mga minimithi.
D. Makapagbigay ng kasiyahan.
18. Mahalaga ang ekonomiya sa lipunan
A. Dahil nakakapagbigay ito ng satisfaction.
B. Dahil pinag-aaralan dito kung paano matutugunan ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan.
C. Dahil nakakadagdag ito sa kaganapan ng pagkatao.
D. Dahil sa pamamagitan nito nararanasan natin ang karangyaan ng buhay.
19. Sa pagtupad mo sa iyong pang-araw-araw na tungkulin,ikaw ay…..
A. naghahangad ka ng kaligtasan,
B. Nagdarasal ka na maging tagumpay ang iyong mga gawain,
C. Naghahahangad ng kaligtasan ng mga mahal sa buhay
D. Makipagtagisan sa kapwa.
20. Sinasabing ang mga gampaning (Roles)ay…
A. Nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan.
B. Bumubuo sa kaganapan ng pagkatao.
C. Naisasagawa ng mas maayos ang mga tungkulin sa iba.
D. Nagiging marunong ang tao sa buhay.
21. Ang pagbabago sa lipunan na magdudulot ng….
A. Pagbabago sa asal ng tao
B. Pagbabago sa roles ng bawat isa.
C. Pagkaaksaya ng panahon.
D. Pagsalungat ng mga tao sa batas.
22. Hindi maiiwasan sa ating lipunan ang pagkakaroon ng hindi pagkakasundo o pagkakaunawaan ng
mga institusyon, DAHIL sa…
A. May pagkakaiba ng pagpapahalaga at paniniwala
B. May pagkakaiba ng opinion ng mga taong kabilang sa magkaibang social groups
C. May kompetisyon
D. Likas sa tao ang pagiging magulo.
23. Kapag nalinang sa atin ang abilidad na Sociological Imagination.
A. Masusuri natin ang koneksiyon at interseksiyon ng mga isyung personal at isyung panlipunan.
B. Mas madaling magabot ang mga pangarap.
24. Alin sa mga sumusunod na suliraning panlipunan ang malaki ang epekto sa buhay ng tao?
A. Noise Pollution C. Deforestation
B. Digmaan D. Climate Change
25. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran?
Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor
sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa
mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga
suliraning pangkapaligiran nito.
26. Bakit may mga pagkakataon na malaki ang pinsalang dulot ng mga kalamidad sa ari-arian at
buhay?
A. Kapag hindi nanood ng balita ang mga tao.
B. Dahil hindi naging disaster-resilient ang mga tao.
C. Kulang sa kaalaman at paghahanda ang mga tao.
D. Dahil walang paki-alam ang mga tao
27. Gaano nga ba kahalaga ang likas na yaman?
A. Mahalaga ito dahil dito kumukuha ng mga hilaw na materyales
B. Mahalaga ito dahil bigay ito ng Diyos.
C. Mahalaga ito dahil kailangan natin ito upang mabuhay.
D.Mahalaga ito dahil bahagi ito ng buhay ng tao.
28. Bakit kinakailanagn ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga polisiya na nagbibigay proteksiyon
sa mga pinagkukunang-yaman.
A. Upang mapamahalaan ang kakapusan
B. Upang mabigyang pansin ang mga bagay na kailngan ng pagbabago.
C. Upang maihanda para sa darating na kalamidad.
D.Wala sa mga nabanggit.
29. Alin sa mga ss. ang dahilan ng suliranin sa Solid Waste sa Pilipinas?
A. Kawalan ng lugar na pagtataponan
B. Walang hakbang na ginagawa ang Pamahalaan.
C. Kulang sa kaalaman ang mga tao
D. Kawalan ng Disiplina ng mga tao.
30. Alin sa mga ss. ang maaring gawin upang maibsan ang suliranin sa kapaligiran.
A. Pagkakanya kanyang paglilinis.
B. Pagsama sa mga welga kontra sa maling pagtatapon ng basura.
C. Suporta ng ibat-ibang sector ng lipunan.
D. Pabayaan nalang magkukusang mawawala ang mga suliranin ng yan.
31. Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng Prevention and Mitigation?
A. Ito ay dahil kailangang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga hazard,
mga risk, at sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad
B. Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o maapektuhan ng hazard
C. Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard
D. Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano ito umusbong sa isang
lugar.
Piliin ang letra ng mga maaring maging epekto ng mga sumusunod na Pangyayari/Gawain.

32. Illegal logging


A. Pagbaha B. Soil erosion C. Pagkasira ng tahanan D. Digmaan
33. Migration
A. Pagbaha B.Pagkakalbo ng kagubatan C.Soil Erosion D.Digmaan
34. Fuel wood harvesting
A. Pagbaha B.Pagkakalbo ng kagubatan C.Soil Erosion D.Digmaan
35. Ilegal na Pagmimina
A. Pagbaha B.Pagsira ng kagubatan C.Soil Erosion D.Digmaan
Modified TAMA O MALI
36. Pahayag 1 Tungkulin ng lahat ang paglutas sa Suliraning Pangkapaligiran.
Pahayag 2 Ang mga NGOs ang siyang mamumuno sa pagbuo ng Disaster Management Plan.
A.Tama ang pahayag 1, Mali ang pahayag 2 C. Parehong tama ang mga pahayag
B.Mali ang pahayag 1, Tama ang panayag 2 D. Parehong mali ang mga pahayag.
37. Pahayag 1 Hinihingi ang tulong ng lahat ng sektor ng lipunan sa pagbuo ng Disaster
Management Plan.
Pahayag 2 Sa pamahalaan nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang maging disaster-resilient ang
buong bansa
A. Tama ang pahayag 1, Mali ang pahayag 2 C. Parehong tama ang mga pahayag
B. Mali ang pahayag 1, Tama ang panayag 2 D. Parehong mali ang mga pahayag.
38. Pahayag 1 Community-Based Disaster Risk Management ay isang pamamaraan kung saan ang
mga
Pahayag 2 Pamayanang may banta ng hazard at kalamidad.
A. Tama ang pahayag 1, Mali ang pahayag 2 C. Parehong tama ang mga pahayag
B. Mali ang pahayag 1, Tama ang panayag 2 D. Parehong mali ang mga pahayag.
39. Pahayag 1Maaari ding dahilan ng kabiguan ng implementasyon ng Disaster Risk Management
Plan ang kawalan ng interes ng mga mamamayan na makilahok sa pagpaplano nito.
Pahayag 2 Kung ang isang komunidad ay hindi handa, maaaring mas maging malubha ang epekto ng
hazard at kalamidad.
A. Tama ang pahayag 1, Mali ang pahayag 2 C. Parehong tama ang mga pahayag
B. Mali ang pahayag 1, Tama ang panayag 2 D. Parehong mali ang mga pahayag.
40. Pahayag 1 Sa konsepto ng bottom-up approach kung saan ay nagsisimula sa mga mamamayan
at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga
suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.
Pahayag 2 Ang top-down approach sa disaster management plan ay tumutukoy sa situwasiyon kung
saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
A. Tama ang pahayag 1, Mali ang pahayag 2 C. Parehong tama ang mga pahayag
B. Mali ang pahayag 1, Tama ang panayag 2 D. Parehong mali ang mga pahayag.

Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot.

A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag;

B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa;

C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama angikalawa;

D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

41. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
B. SA pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang maunawaan ang bumubuo,
ugnayan, at kultura ng isang lipunan.

42. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga taong may magkakawing na ugnayan at
tungkulin.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa isang lipunan, makakamit ang
kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan

43. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa matatag at organisadong sistema
ng ugnayan sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa kabiguan ng isang institusyong
maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito.

44. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary group.


B. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibiduwal na may malapit at impormal na ugnayan sa
isa’t isa.

45. A. Ang bawat indibiduwal ay may posisyon sa isang social group. Ang posisyong ito ay may
kaukulang gampanin o roles.
B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa isang social group ay nakapagdudulot
ng isyu at hamon na makaaapekto sa bawat isa sa nasabing grupo.
46-50. Buuin ang konsepto ng sumusunod na pahayag tungkol saCommunity-Based Disaster Risk
Management Approach sa pamamagitan ngpaglalagay ng angkop na salita o parirala. Isulat ang letra ng
tamang sagot bago ang bilang.
A. aktibong partipasyon ng mga mamamayan upang magamit ang kanilang kaalaman sa pagbuo ng
DRRM plan.
B. magtutulungan ang pamahalaan, iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng mga mamamayan, NGO, at
business sectors.
C.dahil hinihikayat nito ang partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan,
mamamayan, businesssectors, at NGO.
D.kabilang sa framework ng Philippine National Disaster Risk Reduction and Management ang
paghihikayat sa aktibong partisipasyon ng mga mamayan at paggamit ng lokal na kaalaman sa
pagbuo ng DRRM Plan.
E. pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong
nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari
nilang maranasan.
46. Ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ay tumutukoy sa .

47. Magiging matagumpay ang CBDRM Approach kung .

48. Magkaugnay ang National Disaster Risk Reduction and Management Framework at ang Community-
Based Disaster Risk Management Approach dahil .

49. Ang pinakasentro ng CBDRM Approach ay ang .

50. Makatutulong ang CBDRM Approach sa paglutas ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran

You might also like