You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR


Polomolok, South Cotabato

JENA HINALAO PESCADOR,


Complainant,
NPS NO. XII-08a-INV-210-00088
- versus - For: RA9262 ( Economic Abuse)

JUPITER SAN FERRAREN ESPITAL,


Respondent.
x-----------------------------------x

SINUMPAANG KONTRA-SALAYSAY

Ako si JUPITER SAN F. ESPITAL, 32 taong gulang, Filipino, may asawa at


nakatira sa Purok 2 Brgy. Polo, Polomolok, South Cotabato, matapos
mapanumpa ayon sa batas ay malaya at kusang loob na naghahayag ng mga
sumusunod:

1. Na aking pinasisinungalingan ang mga bintang ng aking asawa na si Jena


Hinalao Pescador. Na mariin ko pong itinatanggi ang mga bintang niya sa
akin dahil ito ay pawang gawa-gawa lamang. Ang mga sumusunod ang
tunay na kaganapan:

2. Na sa simula pa lamang ng kaniyang pagbubuntis ay nagbibigay na ako


ng pinansiyal na suporta sa kaniya kahit noong ako ay nag-aaral po ako
ng kolehiyo sa Mindanao Polytechnic College of GenSan. Hanggang sa
ipinanganak niya ang aming anak noong December 1, 2011 na doon pa
sila nakatira sa Brgy. Upper Klinan, Polomolok, South Cotabato ay
nagbibigay ako ng P400 piso bawat Linggo na galing sa aking baon na
P500 piso isang Linggo;

3. Nang pitong buwan na ang aming anak ay dinala niya ang bata sa akin sa
boarding house na aking tinutuluyan at iniwan niya ang bata sa akin ng
higit sa isang buwan st humingi pa ako ng tulong noon sa aking kaklase
na si Richard Diaz at Dlare Nov Suplente na pagtulungan namin bantayan
si ang aking anak na si Lloyd at nagpalit-palit kami ng pagbabantay sa
kaniya at pag-aalaga hanggang sukdulang ako ay lumiban sa aking klase
nang walang pupuwedeng magbantay sa kaniya at nagcoconflict sa aming
oras sa isang subject kaya napilitan ako noon na iuwi ang bata sa amin
dahil sa walang mag-aalaga sa kaniya at di ako makapasok ng husto sa
aking klase;

4. Nang iuwi ko an gaming anak ay ang mama at papa ko ang nag-alaga sa


bata habang nag-aaral ako. Ang kapatid at aking magulang ang
nagtulong-tulong sa mga kailangan ng bata tulad ng gatas, diaper at mga
bitamina hanggang sa umabot ng mahigit dalawang taon mahigit ang bata
ay naisipan nilang hiramin at ng hiniram nila ang bata ay hindi na nila
ibinalik at napag-usapan namin na hayaan na lang at ipaubaya ang bata
sa kanila pero patuloy pa rin an gaming pagsuportang pinansiyal sa bata,
nagpapadala ang magulang ko ng mga gatas, diaper at mga damit sa
bata sa tulong ng kapatid ko na si Maricar Espital Bitantos sa pagbili nito
ngunit sinasauli nila ito noon at binabalik sa amin hanggang sa nawalan
na ng gana na ang mga magulang at kapatid ko sa pagbibigay dahil
napapahiya sila sa pagbalik nila ng mga tulong galing sa amin;

5. Nang lumaki na ang bata ay pag nakakasalubong nila ang bata ay


inaabot-abutan naman nila ang bata ng pera at minsan ay dumadalaw ito
sa bahay. Noong 2013 hanggang 2014 ay nagtatrabaho ako sa DOLE
bilang Pest Control ay doon ako sa kanila nakatira at ako ang
nagsusuporta sa pangangailangan ng bata. Noong Marso 2020 ay ganap
akong nawalan ng hanap-buhay dahil sa pandemyang COVID-19.
Gustuhin ko man po na sumuporta sa panahong iyon ay wala akong
magawa.

6. Kaya hinihingi ko po sa kagalang-galang na taga-usig na i-dismiss ang


kasong isinampa laban sa akin dahil wala itong basehan at ang salaysay
ay pawang kasinungalingan lamang.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, aking nilagdaan nag Salaysay na ito


ngayong ika-11 ng buwan ng May 2021 dito sa Lungsod ng Quezon.

JUPITER SAN FERRAREN ESPITAL


Nagsasalaysay

SINUMPAAN AT NILAGDAAN, sa aking harapan ngayong ika-11 ng


buwan ng May 2021 dito sa Lungsod ng Quezon.

You might also like