You are on page 1of 11

BANGHAY ARALIN

ARALING PANLIPUNAN 7
HEOGRAPIYA AT KASAYSAYAN NG ASYA

Ika 19 ng Nobyembre,2018
I. LAYUNIN
A. Natutukoy ang kinaroroonan ng Asya sa pamamagitan ng mapang pandaigdig.
B. Naihahambing ang sukat at hugis ng Asya sa ibang kontinente.
C. Nababatid ang pagkakapangkat –pangkat ng mga rehiyon sa Asya.

II. NILALAMAN
A. PAKSA: Konsepto ng Asya
B. PANAHON: Dalwang oras
C. KAGAMITAN: Modyul Baitang 7, Mapa,
D. PINAGKUHANAN: DepEd Modyul Baitang 7, Padayon Araling Asyano (Phoenix), Pagtanaw at Pag-
unawa: Asya (Diwa)

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
a. Pagganyak:
 Itanong: Ano ang pagkakaalam nyo sa Asya?
B. PAGLINANG NG GAWAIN
a. Talakayan
 Ipaliwanag ang Asya bilang isang kontinente.
 Ipatukoy sa mga mag-aaral ang lokasyon ng Asya sa pamamagitan ng pag-alam
ng konsepto ng lokasyong absolute at relatibo. (Pabalikan ang mga
imahinaryong guhit ng daigdig sa mga mag-aaral.)
 Tukuyin ang iba pang kontinente sa daigdig at ihambing rito ang sukat at hugis
ng Asya.
 Talakayin ang mga bumubuong rehiyon sa Asya.
b. Gawain
 Ipakumpleto ang talahanayan sa mga mag-aaral. Isulat ang mga pangalan ng
bansa ayon sa kinabibilangan nilang bansa.
Hilagang Asya Silangang Asya Timog- Timog Asya Kanlurang Asya
Silangang Asya

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
a. Paglalahat
 Maaaring tumawag ng isa o dalawang mag-aaral at ipalagom ang natapos na
aralin.
b. Paglalapat/Pagpapahalaga
 Sa pagkakabatid ng ilang kaalaman tungkol sa Asya, ano ang iyong naramdaman
bilang isang Asyano?/Mahalaga bang may kaaalaman ka sa Asya?
IV. EBALWASYON
I. Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap sa pamamagitan ng tamang pagpili ng
salita na nasa saknong.
1. Ang Asya isang (kontinente, bansa).
2. Ang (ekwador, prime meridian) ay zero degree latitude na humahati sa hilaga at timog
ng globo.
3. Ang (ekwador, prime meridian) ay zero degree longhitude na humahati sa kanluran at
silangan ng globo.
4. Ang Hilagang Asya, Silangang Asya, Timog Silangang Asya, Timog Asya at Kanlurang Asya
ay mga (bansa, rehiyon) ng Asya.
5. Ang lokasyon ng isang lugar ay maaaring matukoy sa pamamagitang ng longhitud at
latitude. Ang tawag rito ay (Absolutong Lokasyon, Relatibong Lokasyon)

II. Tukuyin kung saang rehiyon nabibilang ang mga sumusunod na bansa

6. Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan


7. Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan
8. Malaysia, Vietnam, Philippines
9. India, Bangladesh, Pakistan
10. North Korea, South Korea, Japan

V. TAKDANG ARALIN
1. Magbigay ng mga halimbawa ng anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan sa Asya
2. Ano ano ang iba’t ibang klima na nararanasan sa Asya
BANGHAY ARALIN
ARALING PANLIPUNAN 7
HEOGRAPIYA AT KASAYSAYAN NG ASYA

Ika 20 ng Nobyembre,2018
I. Paksa
Mga Relihiyon sa Asya
II. Mga Inaasahang Bunga
A. Nabibigyang-hinuha ang kahulugan ng Relihiyon
B. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong nakapaloob sa aralin.
C. Nakikilala ang iba’t ibang relihiyon sa Asya.
III. Proseso ng Pagakatuto
A. Panimulang Gawain/ Pagganyak
Hatiin sa apat na pangkat ang klase. Bawat pangkat ay pag-uusapan ang kanilang mga
relihiyon at ipasulat sa papel ang paniniwala sa kanilang relihiyon.
Pagkatapos ng itinakdang oras ay pupunta sa harap ang leader ng bawat grupo upang
ilahad ang kanilang napag-usapan.
B. Pagtalakay sa Aralin
1. Kahulugan ng relihiyon 5. Budhismo
2. Hinduismo 6. Islam
3. Hudaismo 7. Shintoismo
4. Kristiyanismo
C. Pagpapalalim ng Kaalaman
Tumawag isa isa ng mag aaral at papiliin ng isang relihiyong nais nilang ipaliwanag.
IV. Ebalwasyon
Magbigay ng pagsusulit.
V. Takdang Aralin.
Ibigay ang mga kontribusyon ng mga sumusunod na kabihasnan:
1. Tsina 2. India 3. Hapon 4. Arabe
BANGHAY ARALIN
ARALING PANLIPUNAN 7
HEOGRAPIYA AT KASAYSAYAN NG ASYA

Ika 21 ng Nobyembre,2018

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. nalalaman kung paano umusbong ang unang sibilisasyon sa Asya;
B. napapahalagahan ang mga kontribusyon hatid ng sibilisasyong ito; at
C. nakabubuo ng isang dula na nagpapakita kung paano mabubuo ang isang matatag na
sibilisasyon.
II. Nilalaman
A. Paksa: Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya (Ang mga Sumerian)
B. Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig III ni Estela C. Mateo, PH.D., et al, pahina 42
PSSLC: 1.8 Nasusuri ang pagsulong ng mga unang kabihasnan sa Asya
(Sumer/Mesopotamia, Indus at China), Africa (Egypt), South-America (Aztec, aya, at
Inca)
C. Kagamitan:

D. Konsepto:

ANG MGA SUMERIAN

Mga Kontribusyon Paraan ng Pamumuhay

Cuneiform Chariot Pagpapastol Pagmimina


Bronse Ziggurat
Paggawa ng Paggawa ng
paso sandata
Araro at
gulong Pagpapautang
E. Ika-21 Siglong Kasanayan:
F. Pagpapahalagang Pangkatauhan: Maisapuso ang tunay na diwa ng pagkakaisa.
G. Halagang Pang-asignatura: Edukasyon sa Pagpapahalaga

III. Pamamaraan/ Pamukaw sigla


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Lahat ay tumayo para sa ating
panalangin.
Sino ang nais magpasimula para sa Ako po sir!
panalangin?
Sige Sarah pangunahan mo. Sa ngalanng Ama, ng Anak, at ng Spiritu
Santo. Purihin nawa ang ngalan ng
Diyos.
(Lahat) Ngayon at magpakailanman,
Amen. siya nawa. Amen.

Maupo ang lahat. Salamat po.


Magandang umaga sa inyo aking Magandang umaga din po maam/sir.
mga mag-aaral. Kumusta ang
inyong umaga? Ayos lang po!

Mabuti naman!

2. Pagtatala ng liban
(Titingnan ang seat plan)
Kung may liban: Bakit liban s klase
si_____? (Maaari/posibleng maging sagot)
Pakisabing pumasok na siya May sakit, may pinuntahan kasi po…
bukas/magpagaling siya upang
makapasok na siya sa susunod na
araw.
(kung walang liban) Very good!
Keep up the good work!

3. Pagtitsek ng takdang aralin


(Ang bawat grupo ay magpapalitan (Magpapalitan ng mga kwaderno at
ng kanilang kwaderno upang iwasto titsekan ang takdang aralin)
ang mga ginawang takdang aralin).

B. Pagganyak
(Gamit ang laptop, projector at
speaker, manunuod ang mga mag-
aaral ng 3min. video presentation
tungkol sa unang sibilisasyon sa Asya.)
Ngayong araw, manunuod tayo ng
isang video presentation tungkol sa
ating magiging aralin.

Bigyang pansin ang mga Yeheay!!!


mahahalagang pangyayari sa palabas
lalong lalo na sa mga kontribusyon (manunuod ang mga mag-aaral)
nito sa ating henerasyon.

C. Paglinang ng Aralin
Ngayong tapos na nating panoorin ang
palabas, ano ba ang inyong masasabi?
Tungkol saan ba ang ating pinanuod?
(iba’t ibang sagot ang manggaling sa
Mahusay! Bigyan sya ng masigabong estudyante)
palakpakan…..
Studyante 1: Sumerian sir!
Bweno paano mo nalaman na tungkol
sa Sumerian ang ating pinanauod? (magpapalakpakan ang mga
estudyante)
Magaling!
Studyante 1: Dahil nabasa ko po ito sa
Kaya ngayong umaga, tatalakayin natin may hulihang bahagi ng palabas..
ang tungkol sa unang sibilisasyong
umusbong sa Asya at ito ang
Sumerian.
D. Talakayan
1. Gawain
Para matuto pa tayo ng maigi,
gawin natin ang activity na ito:

Bago ang lahat bumuo ng


limang grupo na binubuo ng (magbibilang ang mga mag-aaral)
sampung myembro sa
pamamagitan ng pagbibilang
mula isa haggang lima.

Pagka tapos ninyong maigrupo


ang mga sarili, pumili ng isang
mamumuno. (pipili ng mamumuno ang mga mag
Ang inyong gagawin ay: bumuo aaral)
ng 5min. na dula dulaan na
magpapakita ng pag kakaisa.

Ngayon tapos naba ang lahat? (gagawin ng mga estudyante ang


iniutos ng guro)
Ngayon ang kada grupo ay mag
tatanghal sa unahan ng klase. Lahat: tapos na po sir!
Meron ako ditong 5 piraso ng
papel na nag lalaman ng mga
bilang mula isa hanggang lima,
dito natin babatayan kung
sinong grupo ang unang mag (Sir alin ang una? Pag 1 ang nabunot?)
tatanghal.

Oo! Kung sino ang makaka


bunot ng 1 iyon ang unang
grupo na mag tatanghal.

Lahat ng pinuno ng kada grupo


ay pumunta sa unahan para
bumunot.
(ang mga pinuno ng kada grupo ay
Ngayon simulan na natin ang pupunta sa unahan at bubunot ng
pag tatanghal. The floor is now numero)
open to the presenter. Wala ba
kayong mga kamay?
(mag papalak pakan ang mga mag
aaral)
2. Analisis (mag tatanghal ang mga mag aaral,
Alam ninyo ba kung bakit ko hanggang sa kahulihulihang grupo)
kayo pinagawa ng dula dulaan
na nag sisimbolo ng
pagkakaisa? (iba’t iba ang sagot ng mga estudyante)
Studyante 1: Dahil sa pinanuod nating
video sir, tumutukoy ito sa pag kakaisa
Mahusay! Tama ang sagot ng ng mga Sumerian sir!
bawat isa. At karagdagan, ang
konsepto ng pag kakaisa ay
napapanahon upang talakayin,
dahil sa nalalapit na Pebrero ay
may mahalagang tayong
okasyon na dapat alalahanin.
Mayroon ba kayong naaalala na
okasyon ngayong Pebrero
maliban sa araw ng mga puso?

Mahusay! Bigyan angating mga


sarili ng EDSA clap, Studyante 4: sa pag kakatanda ko po
Alam niyo ba kung paano gawin mayroon akong nabasa sa libro na
ang EDSA clap? ngayong Pebrero 20-25

Ok ngayon tuturuan ko kayo (gagawin ng mga istudyante ang


kung paano gawin ang EDSA nasabing clap)
clap.

Ganito gawin ang clap na iyan,


sundan ninyo ako at
matututunan niyo ito, tatlong
padyak, tatlong palakpak at
sigaw ng EDSA. (May sasagot na mag-aaral)
Estudyante: maganda po ang dulot ng
Sa ginawa niyong dula, pagkakaisa sa ating buhay. Nagiging
naipamalas niyo ang katangian madali po ang gawain dahil
ng pagkakaisa. Ngayon, sa nagtutulungan ang bawat isa.
tingin niyo ano ba ang dulot ng
pagkakaisa sa ating buhay?

Tama ang iyong sagot.


Dahil sa
pagkakaisa,nagkakaroon ng
katuparan ang minimitihing (Estudyante 1. may tanong po ako sir.)
tagumpay ng ating mga Student 1; noong panahon po ng
kababayan, ito ay ang kalayaan. sibilisasyong Sumerian, nagkaisa din po
ba sila?

Ano iyon ______? (ako po sir)


Estudyante 2; sa tingin ko po,
nagkaroon din ng pagkakaisa ang mga
Ano sa tingin niyo? Sinong tao sa Mesopotamiya upang buuin at
makapagpapaliwanag ng maging matatag ang sibilisasyong iyon.
katanungan ni ______.

That is a great answer, Tumpak! Ah ganun pala iyon. Ang laki po pala ng
Dahil sa pagkakaisa ng mga tao nagagawa ng pagkakaisa ng lahat.
roon, nakabuo sila ng matatag
na sibilisasyong unang
umusbong sa Asya na galing sa (sagot ng mga istudyante) dahil sa pag
mesopotamiya. kakaisa po sir!
(sasagot ang mga mag aaral)
Kaya ngayon ang tanong ko
sainyo, bakit kayo nakabuo ng
magandang dula- dulaan?

Mahusay! Lipat tayo sa EDSA


ano kaya ang koneksyon ng
EDSA sa mga Sumerian at sa
mga dulang ginawa ninyo? (Iba’t iba ang sagot ng mga estudyante
tungkol sa kung paano umusbong ang
3. Abstraksyon Sibilisasyon ng Sumerian)
Paano umusbong ang unang Dahil po sa pagkakaisa ng bawat tao
sibilisasyon sa Asya? roon.
(Nagtaas ng mga kamay ang mga
Estudyante)

Estudyante 1; Sa tingin ko sir, dahil ang


Tama ang inyong mga mesopotamia ay napapa gitnaan ng
kasagutan. dalawang ilog, iyon ay ang Tigris at ang
Euphrates.
Sa inyong palagay, bakit kaya sa
Mesopotamia unang nagkaroon
ng sibilisasyon sa Asya?
(tinawag si Estudyante 1)

Bakit mo naman nasabi iyan?


Estudyante 1: Sapagkat noong panahon
ng Neolitiko sa ilog isinasagawa ang
kalakalan ng mga mangangalakal.

Estudyante 1:Dahil ang transportasyon


noong unang panahon ay Bangka
lamang, doon sila nagkaisang bumuo ng
Tama iyan. Sino pa ang sibilisasyon na nakapagbago sa aspekto
maykaragdagang ideya. ng panlipunan, pampolitika, at
panrelihiyon.
Mahusay ang iyong sagot.
May iba pa bang katanungan?

Sino ang makakasagot sa


katanungan ni ______? Estudyante 1; Ano kaya ang paraan ng
pamumuhay ng mga tao sa
Mesopotamia?

Estudyante 2; Sa aking palagay sir,


Tama, iyon ang pamamaraan ng pangingisda at pagsasaka ang kanilang
kanilang pamumuhay, ang pamamaraan ng pamumuhay dahil
pangangalakal. kanilang ikinakalakal ang mga ito.

Sino pa ang maykatanungan?

4. Aplikasyon
Paano kaya natin Wala na po.
mapapahalagahan ang mga
ambag ng sinaunang tao sa
kabihasnan?
Ikaw Estudyante 1 anung (Nagsitaasan ang mga kamay ng mga
masasabi mu. estudyante)

Estudyante 1; Sa aking sariling opinyon


sir, mapapahalagahan ko ang mga
ambag ng sinaunang tao sa kabihasnan
sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga
proyekto ng gobyerno na
makakatulong sa pagpapabago at
pagpapalago ng ating bansa.
Very good!
Sino pa?
O ikaw naman estudyante 2,
mukhang meron kang
sasabihin. (nagtaas ng kamay si estudyante 2)

Estudyante 2; Ako naman po sir,


sisikapin kung maging isang mabuting
mamamayan at makikiisa po ako sa
pagpapatalsik sa mga tiwaling
gobyerno sa ating lipunan na
nakakasagabal sa pag-usbong ng ating
bansa.

Mahusay ang inyong mga


kasagutan, mukhang natuto
kayo sa ating pinag-aralan
ngayong araw.

IV. Pantiyak na Pagsubok

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot, ibigay ang hinihingi sa tanung at ipaliwanag ang
binigay na katanungan.

1. Saang rehiyon matatagpuan ang Mesopotamia?


a. Fertile Crescent
b. Mediterrenean sea
c. Persian Gulf
d. Silt
2. Aling sibilisasyon ang unang umusbong sa Asya na nagmula sa Mesopotamia?
a. Babylonian
b. Akkadian
c. Sumerian
d. Assyrian

3-4. Ang malawak na lupain ng Mesopotamia ay napapaligiran ng dalawang ilog, anu-ano ang
mga ito?
5-7. Ipaliwanag kung paano nagsimula ang sibilisasyong Sumerian.
8-10. Anu ang kahalagahan ng pakakaisa sa ating buhay?

V. Kasunduan

 Sa kalahating cartolina, gumawa kayo ng isang collage na nagpapakita ng simbolo ng


pakakaisa. Ipaliwanag kung bakit iyon ang naging bunga ng kanilang collage.

(NOTE: Hindi natuloy dahil walang pasok dulot ng masamang panahon at


ito ay ipagpapatuloy sa ika 26 ng Nobyembre taong 2018)

You might also like