You are on page 1of 5

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level V

W1 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Paraan ng Pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol


II. MOST ESSENTIAL Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa
LEARNING kolonyalismong Espanyol (Hal. Pag-aalsa, pagtanggap sa
COMPETENCIES (MELCs) kapangyarihang kolonyal/ kooperasyon)
BOW ph.283, MELC ph.41.AP5 Pilipinas Bilang Isang Bansang
Malaya.ph 178-181 Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang Alternative
Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Tugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol Unang Edisyon, 2020.
III. CONTENT/CORE Natatalakay ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa
CONTENT kolonyalismong Espanyol.

Sa Araling ito ay dadalhin sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. Dito matutuhan mo ang


mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol.

Bilang isang mag -aaral ikaw ay inaasahang;


1. Naipapaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol..
2. Natalakay ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol
3. Napapahalagan ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong
Espanyol

Ngayon muli mong balikan ang mga patakarang Espanyol na nagpabago sa tahimik
na pamumuhay ng mga Pilipino at nagdulot ng hirap at pasakit sa kanila.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Ayusin mo ang mga letra upang mabuo ang tamang salita. Isulat ang tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Lahat ng kalalakihang edad 16-60 taong gulang ay nagtrabaho ng malayo sa kanilang
pamilya at walang bayad na tinanggap.
YOIC POSROLV E
2. Kinolekta ito sa mga katutubong Pilipino nang sapilitan.
BITUROT
3. Tanging sa pamahalaan lamang magbebenta ng produkto na may takdang dami ang
mga Pilipino.
LADANAB
4. Paglilipat sa mga Pilipino sa bagong panirahan na tinawag na pueblo
CIONECDUR
5. Sa mga piling lalawigan sa Luzon ay isang uri ng pananim lamang ang ipinatanim ng
pamahalaang kolonyal sa mga magsasaka at tanging sa pamahalaan lamang ito
ibebenta.
YOLPONOMO AS BOKATA

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Lagyan ng Tsek(/) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paraan ng pagtugon
ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
1. Lumaban at nag-alsa
2. Nanahimik at nagtiis
3. Tinanggap ang mga patakaran ng mga Espannyol
4. Tumakas at nanirahan sa kabundukan
5. Ginamit ang lakas ng panulat.

Ngayon ay basahin mo at unawain ang nilalaman ng teksto upang malaman kung anu ano
ang mga naging paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol.
Tatlong daan at tatlumpu’t tatlong (333) taong nananatili ang mga Pilipino sa animo’y
hawla ng walang sapat na naaaninag na liwanag ng pag-asang makawala sa kamay ng mga
dayuhang Espanyol. Iba’t iba ang naging paraan ng pagtugon nila sa sitwasyong
mailalarawan sa pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob… matira ang matibay! Halos
karamihan sa mga katutubo ay nanatiling tahimik at sunud-sunuran sa mga dayuhan dahil sa
takot na naramdaman. Tinanggap nila na ang mga Espanyol ang nasa kapangyarihan at
walang magagawa kundi manahimik na lamang. Alam nila sa kanilang pananahimik ay
katumbas ng kanilang buhay at ng pamilya. Mayroon din namang mga katutubong
nagpumiglas at umayaw sa mga patakaran na nagpahirap sa kanila. Mas ginusto nilang
tumakas at mamundok kaysa maging bulag na sunud-sunuran sa mga dayuhan. Sila ay
namuhay nang tahimik sa kabundukan. Malayo at mahihirapang marating ng mga
sundalong Espanyol. Tinawag silang kalaban ng pamahalaang kolonyal at binansagang mga
tulisan.

May mga Pilipino na nakipagsabwatan sa mga dayuhan. Pansariling kapakanan ang pilit
na isinalba kahit na ang kapalit nito ay ang kaligtasan ng kapwa Pilipino. Sila ang
binansagang mga mersenaryong katutubo. Mga taksil sa bayan! Ang iba ay yumakap o
nagpasailalim nang tuluyan sa kapangyarihan ng mga dayuhan dahil sa takot na
mapahamak ang kanilang buhay. Ang mga mayayaman ay Ang kanilang yaman o
kabuhayan ang pinoproteksyonan. Nagsawalang-kibo at nagbingi-bingihan sa hiling na
suportang salapi ng kapwa Pilipino para matustusan ang pangangailangan ng kanilang
samahang nagsasagawa ng pag-aalsa. Si Lapu-Lapu na hari ng Mactan ay binansagang
kauna-unahang bayaning Pilipino dahil mas pinili niyang talikuran ang mga dayuhan kaysa
tanggapin ang alok na pakikipag-kaibigan. Mayroon ding sumunod sa kanyang mga yapak na
hindi rin nagsawalang-kibo sa kalupitan ng mga Espanyol. Sila ang magigiting na Pilipino na
nagmula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. Mga dating datu na nawalan ng karangalang
mamuno at nagnais na maibalik ang dating posisyon sa lipunan. Kasama na rin ang iba’t-
ibang sektor ng lipunan tulad ng mga kalalakihan at mga kababaihan na walang takot na
sumabak sa digmaan. Mga katutubo na nabibilang sa mga magsasaka na tinutulan ang mga
patakaran sa agrikultura, mangangalakal na inagawan ng kabuhayan, mga propesyonal,
mga babaylan at mga katutubong nagnais maging pari. Diskriminasyon ang naranasan at tila
naging dayuhan sila sa sariling bayan. Humantong na sa hangganan ang kanilang pagtitiis
kaya bumuo sila ng mga magkakahiwalay na pangkat at nanghikayat ng mga kasapi na
handang lumaban at manindigan laban sa mga dayuhan. Pag-aalsa ang tanging solusyon
para sa kanila. Sa paglipas ng panahon hindi rin maikakaila na mayroon ding magandang
nangyari sa ating bansa lalo na sa kabuhayan ng mga iilang mga Pilipino. Nagkaroon ng
magandang pagkakataon at pagnanasang makapag-aral ang mga kabataang nabibilang sa
panggitnang-uri o middle class. Mga kabataang nakapag-aral sa kolehiyo, sa Pilipinas man o
sa Espanya. Sila’y tinawag na mga ilustrado o mga naliwanagan ang pag-iisip. Ang taglay na
dunong bunga ng edukasyon ang nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan at nagaganap
sa bansa. Hindi nila hinayaan na manatiling sunud-sunuran na lamang ang mga Pilipino.
Kailangang nang gisingin ang manhid na pakiramdam ng mga katutubo. Ginamit nila ang
karunungang taglay bunga ng edukasyong mayroon sila. Lakas ng panulat ang tugon ng mga
ilustrado.
Nagsilbi silang tanglaw na nagsumikap na mabigyan ng liwanag ang kapwa at gabayan ang
nasa kadiliman. Hindi idinaan sa dahas kundi sa malumanay na paraan. Sa pagsusulat ng
pahayagan at aklat nila idinaan ang tugon sa mga Espanyol. Ang ating pambansang bayani
na si Jose Rizal ay isa sa mga ilustrado na sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Layunin nito na tuligsain ang pamahalaang Espanyol at maging ang mga palalong prayle.
Gisingin ang damdaming manhid upang sumibol ang diwang makabansa ng mga Pilipino,
walang armas na hawak, walang dugo na pumatak. Kalayaan ang isinisigaw! At sa oras ng
pagbangon tanging sandata ay ang pagmamahal sa bayan na kusang nag-aalab at
umuusbong. Tulad sila ng ibong matagal na panahong nakulong sa hawla ay uhaw na
makawala at makalipad nang ubod ng laya at sa paglaya nila ay sabay-sabay sa paglipad.
Malayang naipapagaspas ang mga pakpak. Sinasamantala ang sariling lakas at ang liwanag
na nagbibigay ng gabay upang makita ang paroroonan. Hindi alintana ang pagod, sakit ng
katawan maging buhay ay inialay sa pag-asang iyon lamang ang paraan upang makawala
ang bayang sinilangan sa bagsik ng mga dayuhan.

Tanong:
 Anu ano ang naging tugon ng mga Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol?
 Ano ang dahilan ng pag-aalsa ng ibang Pilipino?
 Bakit may mga Pilipinong nakipagsabwatan ns mga Espannyol?
 Bilang isang Pilipino may naisip ka bang paraan para tumugon sa Kolonyalismong
Espanyol.? Bakit?
 Sa palagay mo ba alin ang higit na nakatulong para lumaya ang bansa sa mga
Espanyol?
Ang mga gabay na tanong ay maaring magamit ng mga magulang upang maproseso at
maunawaan ng mag-aaral ang teksto na binasa.

Sa pamamagitan ng mga prosesong gabay na tanong ay nagkaroon ka ng kaunawaan ng


mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol. Upang higit mong
maunawaan ang aralin sagutan mo ang mga sumusunod na gawain:

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa na nagsasaad ng paraan ng pagtugon sa
kolonyalismo at malungkot na mukha naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Ginamit ng mga ilustrado ang dunong upang gisingin ang diwang makabansa ng
mga katutubo.
2. Nagtanim ng mga gulay ang mga katutubo sa bakuran nila.
3. Tinanggap ang pamahalaang kolonyal sa pamamagitan ng pagsasawalang-kibo
sa nagaganap na kalupitan ng mga dayuhan.
4. Nagalit ang mga prayle sa mga Pilipino.
5. Ninais ng mga datu na maibalik ang dating posisyon at dangal kaya sila ay bumuo ng
pangkat at nag-alsa.

Gawain Bilang 2
Panuto: Sipiin sa sagutang papel at punan ang graphic organizer ng mga paraan ng
pagtugon ng mga Pilipino sa kolanyang Espanyol.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Panuto: Sipiin ang tsart sa sagutang papel.Isulat sa kahon ang S kung sanhi
ang isinasaad ng pangungusap at B kung bunga.
Pagkatapos mong malaman ang mga paraan ng pagtugon ng mga Pilipino sa
kolonyalismong Espanyol, linangin mo pa ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon upang mabuo mo ang talata. Isulat mo ang iyong
sagot sa sagutang papel.

Nanahimik, samahan, nag-alsa, mersenaryo tugon Espanyol

Nagkaroon ng iba’t ibang 1 ang mga Pilipino ukol sa mga nararanasang


pagmamalabis ng mga Espanyol. May mga 2 at sumunod sa
patakarang Espanyol para sa kanilang kaligtasan. Ang iba ay
3hindi sila nagpasailalim sa mga patakarang ipinatupad sa kolonya. Hindi rin mawawala ang
mga _4 na naging kasabwat ng mga dayuhan para supilin ang mga lumalaban sa
pamahalaang kolonyal. Maging ang mga katutubo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ay
naghangad na matuldukan ang nararanasang kalupitan ng mga Espanyol kaya bumuo sila ng
5 at nag-alsa.

Gawain Bilang 2
Panuto: Gumuhit ka ng isang puso at sa loob ng puso ay ipaliwanang ang sagot sa tanong na
ito. Kung ikaw ay nasa tamang gulang na at maari mo ng gawin ang mga bagay na nais
mong gawin, Alin sa mga tugon o reaksiyon ng mga Pilipino na iyong napag-aralan ang
maaaari mong maging tugon sa kasalukuyang nagaganap sa ating pamahalaan?

Gawain Bilang 3
Panuto: Gumawa ka ng isang poster na nagpapakita ng mga tugon ng mga Pilipino sa mga
Espanyol. Gawin mong gabay sa iyong pagguhit ang rubrik na nasa ibaba

PAMANTAYAN INDIKADOR PUNTOS


Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang maayos ang
ugnayan ng lahat ng konsept sa paggawa ng poster.
Kaangkupang Maliwanag at angkop ang mensahe sa
konsepto paglalarawan ng konsepto
Pagkamalikhain Orihinal and ideya sa paggawa ng poster
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang presentasyon
presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon ng kulay upang
maipahayag nilalaman konsepto, at mensahe.
kabuuan

You might also like