You are on page 1of 4

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 5

W5-6 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Pag usbong ng Nasyonalismong


Pilipino
II. MOST ESSENTIAL Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag
LEARNING COMPETENCIES usbong ng nasyonalismong Pilipino.
(MELCs) MELC pahina 42, AP5 PIlipinas Bilang Isang Bansang Malaya,
AP5-Q3-SLM4-V2 Ikatlong Markahan – Modyul 4: Ang Pag-usbong ng
Nasyonalismong Pilipino
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipapaliwanag ang mga konsepto ng nasyonalismo
Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag
usbong ng nasyonalismong Pilipino

Sa araling ito, matutunan mo ang kahalagahan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag usbong ng
nasyonalismong Pilipino.
Kaya bilang mag-aaral ikaw ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang konsepto ng nasyonalismo
2. Nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag- usbong ng nasyonalismong
Pilipino
3. Naipapamalas ang pagpapahalaga sa nasyonalismong Pilipino

Ano ang Nasyonalismo?


Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang politikal na lumaganap sa bansang England noong noong
ika-18 siglo kung saan ang pagkakakilanlan ng isang tao ay kaniyang ibinabatay o ibinabahagi sa
bansang pinagmulan o sinilangan (Gabuat et al. 2016). Ito ay ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino sa
panahon ng pananakop ng kolonyalismong Espanyol na kung saan buong tapang nilang nilabanan ang
mga mananakop na Espanyol sa kabila ng kanilang kakulangan sa armas at kasanayan. Ang mga
pagbabagong ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nagtulak sa mga Pilipino upang mag-alsa at
magsagawa ng pakikipaglaban sa kolonyalismong Espanyol. Tinutulan ng mga Pilipino ang mga maling
pamamalakad at pagmamalabis sa kapangyarihan ng mga pinunong Espanyol. Ang mga mapang-
abusong patakaran at mga kaganapan sa loob ng bansa ay nagpaigting sa kamalayan ng mga Pilipino
na kumawala sa kapangyarihan ng Espanya at magsagawa ng mga pag-aalsa at pakikipaglaban. Ang
ipinamalas na kagitingan sa pakikipaglaban ng mga Pilipino ay nagpamalas ng matinding pagmamahal
sa bayan. Ang pagnanais na muling maibalik ang nawalang kalayaan laban sa mga mananakop na
Espanyol at muling mamuhay ng payapa at may dangal maging kapalit man ito ng kanilang sariling
mga buhay ay sadyang hindi matatawaran.

Subuking sagutin ang mga pamprosesong tanong sa iyong sagutang papel.


1. Ano ang nasyonalismo?
2. Ano ang naging bunga ng mga pang-aabuso ng mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino?
3. Ano ang ipinamamalas ng mga sinaunang Pilipino nang kanilang kalabanin ang mga mananakop
na Espanyol

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Pagsusuri ng pahayag. Basahin at unawaing mabuti ang ipinahahayag ng bawat pangungusap.
Isulat ang salitang NASYONALISMO kung ang pahayag ay lumilinang sa konsepto ng nasyonalismo at
HINDI NASYONALISMO kung hindi lumilinang sa konsepto ng nasyonalismo. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ito ay ideolohiyang politikal na lumaganap sa England noong ika- 18 siglo.
2. Paggamit ng kapangyarihan sa marahas na paraan.
3. Pagtutol at paglaban sa kalabisan na nararanasan laban sa mga makapangyarihang bansa.
4. Ang pagkakakilanlan ng isang tao ay iniuugnay sa lugar na pinagmulan.
5. Pagpapatupad ng mga patakarang kokontrol sa mamamayan.
6. Pagsasamantala sa kahinaan ng maliliit na bansa.
7. Pagpapasailalim sa kagustuhan ng mas makapangyarihang bansa.
8. Pagpapamalas ng malalim na pagmamahal para sa bayang sinilangan.
9. Pagtatanggol ng karapatang mamuhay nang malaya upang mapaunlad ang pagkakakilanlan.
10. Pagpapanumbalik ng hangaring pamunuan ang sariling bayan sa pamamagitan ng mga pag-
aalsa.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Pag-aanalisa ng mga pangyayari. Basahin at unawaing mabuti ang ipinahahayag ng bawat
pangungusap. Isulat ang mga titik na PNP kung lumilinang sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino at
HPNP naman kung hindi lumilinang sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Pagsuway sa mga patakarang ipinatutupad ng kolonyalismong Espanyol.
2. Pagbabayad sa mga ipinapataw na buwis ng mga Espanyol.
3. Pagkilala sa taglay na kapangyarihan at pagsunod sa mga namumunong Espanyol.
4. Hindi paglimot sa kinagisnang pagkakakilanlang pangkultura at panlipunan.
Paglunsad ng iba’t ibang pag-aalsa upang makawala sa kapangyarihan ng mga mananakop.

Ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag usbong ng nasyonalismong Pilipino l. Basahin ang teksto sa
ibaba.

Ang Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino


Ang mga Espanyol ay naging masigasig sa pagpapalaganap ng kolonyalismo sa Pilipinas. Ginamit
nila ang Kristiyanismo at iba’t ibang mga patakaran tulad ng reduccion, polo y servicio, tributo, at ang
sistemang encomienda upang mapasunod ang mga sinaunang Pilipino at mapasailalim sa kapangyarihan
nito.
Dahil sa kahirapang naranasan sa mga patakarang ipinatupad ng kolonyalismong Espanyol ay maraming
mga Pilipino ang nagnais makawala sa kapangyarihan ng Espanya. Nagbigay daan ang kolonyalismong
Espanyol upang matuklasan ng mga Pilipino ang kaya nilang gawin. Hinamon nito ang kanilang katatagan
at nagbigay daan upang mapaunlad ang pagkakakilanlang Pilipino.

Iyong balikan ang mga isinagawang sinaunang pakikipaglaban at ang mga dahilan ng
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol na nagpakita ng kanilang pagmamahal sa
bayan at simula ng pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino bilang paghahanda sa pag-aaral ng modyul
na ito. Tunghayan at suriing mabuti ang nilalaman ng bawat teksto at subuking sagutin ang mga
pamprosesong tanong sa iyong sagutang papel.

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang naging epekto ng monopolyo ng tabako sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino?
2. Bakit tinutulan ng mga ilang katutubo ang Kristiyanismo?
3. Paano nakaapekto ang mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa
pamumuhay ng mga Pilipino?
4. Bakit mahalaga sa mga Pilipino na mabawi ang kanilang karangalan at kalayaang muling
mamuno?
5. Paano pinaalab ng Okupasyon ng British sa Maynila ang hangaring makipaglaban ng mga
Pilipino?
6. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga isinagawang pag- aalsa ng mga sinaunang Pilipino?
Bakit?

Panuto: Tunghayan at suriin mo ang Pambansang Awit na nasa ibaba. Subuking sagutin ang mga
pamprosesong tanong sa iyong sagutang papel.

Lupang Hinirang
ni Julian Felipe

Bayang magiliw, Perlas ng silanganan, Alab ng puso,


Sa dibdib mo’y buhay.
Lupang hinirang, Duyan ka ng magiting, Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw, May dilag ang tula,
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo’y Tagumpay na nagniningning; Ang
bituin at araw niya, Kailan pa ma’y di magdidilim.
Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na ‘pag may mang-aapi, Ang mamatay nang dahil sa iyo.

Pamprosesong tanong:
1. Sino ang tinutukoy na Perlas ng Silanganan sa pambansang awit?
2. Ano ang nilalaman ng ikalawang saknong?
3. Ano ang ipinamamalas ng huling linya ng awit?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Panuto: Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pahayag ang bubuo sa paksang napag-aralan. Itala
ang mga pangyayari na nagbigay daan sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino sa panahon ng
kolonyalismong Espanyol. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Mga pagbabagong ipinatupad ng mga


Pagbibigay ng Espanyol Maling
labis na gawaing pamamalakad ng
pampamahalaa mga pinunong
n sa mga Pilipino Espanyol
DAHILAN NG
PAG-USBONG NG NASYONALISMON G PILIPINO

Pagmamalabis sa Pagnanais ng mga


kapangyarihan Pilipino na muling
ng mga Espanyol Mapang-abusong maibalik ang
patakaran na kalayaan ng bansa
pinairal sa Pilipino

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Panuto: Ipaliwanag mo kung paano naipamalas ng mga sinaunang bayaning Pilipino ang
kanilang pagmamahal sa bayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Diego at Gabriela Silang (1762-1763) Pag-aalsa ni Diego Silang nang dahil sa mabibigat na pagpapataw
ng buwis, pagsikil sa kalayaan at pag-aabuso ng alcalde-mayor. Nag-alsa si Diego Silang kasama
ang kanyang pangkat sa pamahalaang Espanyol noong 1762 ipinagpatuloy ng kanyang asawa na si
Gabriela ang pag-aalsa ng siya ay masawi.
2. Francisco Maniago (1660-1661) Pinangunahan ni Francisco Maniago mula Mexico, Pampanga ang
pag-aalsa sa Lingayen at Pampanga. Sumiklab ang pag-aalsang ito dahil sa mga pagpapahirap ng
mga Espanyol sa mga Pilipino, tulad ng pagpapatupad ng polo y servicio, bandala at sapilitang
paggawa.
Juan Sumuroy (1649-1650) Taong 1649 nang ipag-utos ng mga Espanyol na magpadala ng mga polista na
taga-Samar sa Cavite upang gumawa ng mga barko ngunit ito ay tinutulan ng mga taga-Samar. Sa
pamumuno ni Juan Ponce Sumuroy, lumaban sila sa mga Espanyol. Sinunog nila ang mga simbahan at
namundok bilang mga rebelde.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang na lilinang sa paksang nakalahad. Piliin ang
angkop na salita sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
A. Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang na lumaganap sa bansang England noong noong ika-
18 siglo. Kung saan ang ng isang tao ay kaniyang ibinabatay o ibinabahagi sa
bansang pinagmulan o _ . Ito ay ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino sa panahon
ng pananakop ng kolonyalismong Espanyol. Kung saan buong tapang nilang ang mga
mananakop na Espanyol sa kabila ng kanilang kakulangan sa armas at .

pagkakakilanlan politikal kasanayan


sinilangan nilabanan

B. Naipamalasng mga sinaunang Pilipino ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng


pagsasagawa ng mga sa mga Espanyol upang sa malupit na pamamahala ng mga ito.
Handa nilang ang kanilang mga buhay maibalik lamang ang pamumuhay na
at ng bansa.

makawala pakikipaglaban kalayaan


ibuwis mapayapa

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6


Panuto: Suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang Tama kung kahalagahan ng pagtatanggol ng
mga Pilipino ang isinasaad at Mali naman kung hindi.

1. Nakipagkasundo ang mga katutubong Pilipino sa mga Espanyol.


2. Sinuway ng mga katutubo ang patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa bansa.
3. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga ginawang kabayanihan ng mga
katutubong Pilipino.
4. Ipagsawalang bahala ang kabayanihang ginawa ng mga Pilipino,
Ipinamalas ang kagitingan ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol.

You might also like