You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Philippine Normal University


The National Center for Teacher Education
Mindanao
The Multicultural Education Hub
Prosperidad, Agusan del Sur

2SFIL-10
PAG-AARAL NG MGA OBRA MAESTRANG PILIPINO

Mary Grace B. Villarta


BFE-III
Prof. Fe A. Quisil

IBARRA
 Dumalaw sa bahay ni Maria Clara at umalis na
may kaguluhan sa isip at damdamin.
 Tinanggal na ang kaniyang pagiging
ekskomulgado
 Handing tumulong sa mga mamamayan para sa
bayan
 Nuno niya ang lumikhaa ng matinding kasawian
sa buhay ni Elias
 Sinabing siya ang pasimuno sa ginawang pag-
aklas ng mga sawimpalad.
 Siya ay pinagbuntunan ng sisi at tinawag pang
duwag, erehe at dapat mabitay.
 Nadama niya ang mawalan ng inang bayan, pa-
ibig, tahanan, kaibigan at magandang
kinakabukasan

MARIA CLARA

 Maganda at magalang na babae


 Nalulungkot at nagdadalamhai dahil sa sinapi ni
Ibarra
 Napilitan lamang na ipakasal kay Linares at si
Ibarra talaga ang kaniyang tuna na iniibig.
 Hiniling niy kay Padre Damaso na sirain ang
kasunduan ng kaniyang kasal kay Linares
 Pumasok siya sa kombento upang maging
monghe
ELIAS
 Nagmungkahi na mamangka sila ni Ibarra sa lawa
para mapag-usapan ang isang napakahalagang
bagay.
 Siya ang sugo ng mga sawimpalad
 Sinalaysay niya ang kaniyang pinagmulan para
malaman ni Ibarra na siya ay kabilang sa mga
sawimpalad.
 Pumunta sa bahay ni Ibarra upang siya ay
tulungan dahil alam niya na pangalan ni Ibarra
ang isisigaw ng mgagustong lumusob at mag-
aklas laban sa mga Kastila.
 Sinunog niya ang silid ni Ibarra bago pa man
makarating ang mga kawal
 Nagligtas kay Ibarra mula sa mga sibil
 Namaa siya dahil sa sugat na naamo mula sa mga
sibil na humabol sa kanya.

DON FILIPO

 May sakit at sobrang nanghihina kaya balak na


niyang bumitaw sa kanyang katungkulan
 Sa kabia ng kaniyang sakit ay ang bayan pa rin
ang kaniang iniisip at inaalala

KAPITAN TIYAGO

 Ama ni Maria Clara


 Tuwang tuwa dahil hindi siya hinuli o natanong
hinggil sa nangyaring kaguluhan.
 Nilimot na ng Kapitan ang lahat ng santo at santa
at inatupag na lamang ang paglalaro ng liyempo,
sabong at paghitit ng marijuana.
DONYA VICTORINA

 Isang mapagbalat-kayo
 Ang nakaaway ni Donya Consolacion
 Mainisin
 Inalipusta ang alperes at sinugo niya ito at
nagkaroon ng balitaktakan.

DONYA CONSOLACION

 Ang nakaaway ni Donya Victorina


 Kinuha ang latigo ng asawa at
sinugod si Donya Victorina

PADRE SALVI

 Masayang ibinalita ang tungkol sa


pag-alis ng ekskomunyon kay Ibarra
 Ipinagbunyi siya at sinabing karapat-
dapat na bigyan ng isang mitra
Maraming aral at kaalaman ang ating makukuha at makukuha mula sa nobelang Noli Me

Tangere na maaari nating gamitin sa pang araw-araw na pakikipagsapalaran. Mula sa mga

kabanatang isinulat ay ramdam mo ang lahat ng emosyon- awa, galit, saya, pighati at lungkot na

ating mababasa mula sa mga kabanata.

Mula sa mga kabanatang nakapaloob, para akong ibinabalik sa nakaraan na kung saan ay

ramdam ko ang paghihirap ng ating mga kababayang Pilipino mula sa mga mapanupil na mga

Kastila. Ang daming mga pangyayari na sobrang nakakaantig ng puso isa na doon ang ginawang

pagligtas ni Elias kay Ibarra mula sa mga sibil na kung saan ay ibinuwis niya ang kaniyang sarili

para sa kaniyang kaibigan na kahit pa man nuno ni Ibarra ang nagpahirap sa kaniyang pamilya

dati ay kaniya itong isinantabi at patuloy pa rin na iniligtas sa Ibarra hanggang sa kaniyang

huling hininga. Sa panahon ngayon ay kakaunti na lamang ang iyong maituturing kaibigan at

bhihira na lang makakakita na kasingtulad ni Elias na kayang ibuwis ang buhay para sa iyong

kaligatasan. Isa pang nagpaantig sa aking damdamin ay yaong parte na mas pipiliin na lamang ni

Maria Clara na maging tagasilbi sa simbahan o ang pagmomonghe kaysa ipakasal sa taong hindi

niya naman mahal. Sa parteng ito ito nadama ko ang totoong pagmamahal ng isang babae para sa

kaniyang minamahal na si Ibarra at kahit sa kaniyang paghinga ay kahit sino ay walang

makakapantay at makakakuha ng puwesto ni Ibarra sa kaniyang puso. Ang pagmamahal o ang

pag-ibig ay mas matimbang pa kaysa sakit na nararamdaman nilang dalawa kung kaya’t kahit

anong mangyari, ang kanilang puso ay nakatali pa rin sa isa’t isa. Dagdag pa, yaong parte na

nag-aklas ang mga sambayanang Pilipino o mga sawimpalad laban sa mga taong nagpahirap sa

kanilang buhay ay isa rin na pumukaw sa aking puso na gagawin talaga ng isang pamilya ang

lahat makuha lang ang hustisya, pagkapantay-pantay na pagtingin sa mga tao, at ang kanilang

kalayaan. Tayong mga Pilipino, likas na sa atin ang pagiging mapagmahal at matapang na

gagawin ang lahat makamit lang ang kasarinlan ng Inang bayan. Kahit pa man buhay natin ang

ating ilaan basta lang makamit ang kalayaan ay malaki na itong tulong para sa kinabukasan ng

ating bayang sinilangan.


Sa buhay, huwag tayong papayag na maliitin, api-apihin, abusuhin at saktan tayo ng

ibang tao sapagkat mayroon tayong karapatan bilang Pilipino na lumaban at ipagtanggol ang

sarili laban sa mga taong manlulupig at walang ibang ginawa kundi ang pahirapan, paslangin,

abusuhin at alipustahin ang ating mga kapwa Pulipino. Kaya kinakailangan na lumaban tayo at

huwag nang payagan ang mga dayuhan na sakupin tayo ulit sapagkat kailangan nating ingatan,

pahalagahan at mahalin ang ating Inang bayan.


Sumulat ng reaksiyon batay sa nabuong larawan.

Mula sa mga larawan at ang mga katangian ng bawat tauhan ay masasabi ko na hindi
madali ang kanilang mga pinagdaanan mula sa mga dayuhan sapagkat ito ang naging dahilan ng
kanilang pagkawasak at pagkamatay. Sa kabilang banda, ako ay nasisiyahan saoagkat kahit hindi
ito ay kanilang totoong mga mukha ay nabibiswwalays ko pa rin sila. Nakikita ko pa rin ang
kakisigan ni Ibarra, ang kagandahan ni Maria Clara, ang pagiging mayabang ni Padre Damaso,
ang pagiging tapat ni Elias at marami pang iba. Malaki ang aking pasasalamat sa mga taong
nagbigay ng effort upang kahit papaano ang nakikita natin ang mga tauhan mula sa mga
kabanata na kanilang binibigyan ng buhay upang mas maging makatotohanan ang bawat kwento
dahil sa mga tauhan na siyang nagdadala ng pinakaimportanteng gampaanin sa bawat kwento.

You might also like