You are on page 1of 2

PAGBASA 2ND QUARTER (WEEK 7)

Ang Daga at ang Leon

Sa isang kagubatan ay may isang leon na ubod ng yabang. Parati niyang ipinagmamalaki na
matapang daw siya at hindi umuurong sa anumang laban.

Isang araw, habang naglalakad sa gubat si Leon. Nakita niya ang isang maliit na daga na
nakaipit sa isang malaking kahoy.

Tinulungan niya ito upang makaalis sa pagkakaipit sa kahoy. “ Salamat, butihing Leon! Maraming
salamat sa pagtulong mo. Asahan mo na kapag dumating ang panahon ay ikaw naman ang tutulungan ko,”
ang sabi ng daga. “Hahaha! Ikaw? Paano mo ako matutulungan sa liit mong iyan?” ang natatawang sagot ng
leon. Malungkot na umalis ang daga dahil sa sinabi ng leon.

Isang araw, habang namamasyal ang leon ay nahuli ito sa bitag ng mangangaso. Pinilit ng leon na
makatakas ngunit lalo lamang humigpit ang bitag na nakapulupot sa kanyang katawan. Habang ito ay
nagpupumiglas, napadaan ang daga. Mabilis na kinagat ng daga ang mga tali sa bitag upang makalaya ang
leon.

Bilugan ang tamang sagot sa bawat tanong.

1. Bakit mayabang ang leon?


a. Siya ay mabait.
b. Siya ay matapang.
c. Siya ay malaki.

2. Paano tinulungan ng leon ang daga?


a. Tinawanan niya ang daga.
b. Binigyan niya ang daga ng pagkain.
c. Tinulungan niyang makatakas sa pagkakaipit sa malaking kahoy.

3. Ano naman ang ginawa ng daga upang matulungan ang leon?


a. Kinagat ng daga ang mga tali ng bitag para makawala ang leon.
b. Tumawag ang daga ng tulong para sa leon.
c. Iniwanan niya ang leon sa kagubatan.

4.Ano ang aral na nais iparating ng kuwento?


a.Walang makahihigit sa lakas ng isang Leon.
b.Di dapat sukatin ang kakayahan ng isang maliit na bagay.
c. Ang pagtanaw ng utang na loob ay dapat lamang isaisip ng tao.

5.Sino ang maituturing na tauhang lapad sa kuwento?


a.Ang Daga
b.Ang Leon
c. Ang Daga at ang Leon
PAGBASA 2ND QUARTER (WEEK 8)

Sa Aking mga Kabata


Ni Dr. Jose P. Rizal

Kapagka ang baya'y sadyáng umiibig


Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo't mga kaharián,
At ang isáng tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaán.

Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ


Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,
Kayâ ang marapat pagyamaning kusà
Na tulad sa ináng tunay na nagpalà.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,


Sa Inglés, Kastilà at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingín
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y tulad din sa iba


Na may alpabeto at sariling letra,
Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ
Ang lunday sa lawà noóng dakong una.

1. Sino ang tinutukoy na kababata sa tula?


a. Kalaro c. kasintahan
b. Kaibigan d. kababayan

2. Ano ang ipinahihiwatig nito?.....sanlang kalayaan nasa ring masapit….


a. Nais nating mapalawak an gating kaalaman.
b. Nais ng bawat isang magkaroon ng kalayaan
c. Nais nating umunlad sa sariling pamamaraan
d. Nais ng bawat isang pagyamanin ang sariling wika.
3. Ano ang ibig ipahiwatig ng Ikaapat na saknong?
a. Dapat nating mahalin at pagyamanin ang Wikang Tagalog, tulad ng pagpapahalagang ibinibigay sa
wikang banyaga.
b. Dapat nating baguhin ang mga salitang hindi na angkop sa makabagong panahon.
c. Dapat nating matutunan ang iba’t ibang wika.
d. Dapat nating ipagmalaki ang wikang Tagalog.
4. Anong pangkalahatang impresyon ang ipinahahayag ng tula?
a. Maaari nating ariin ang wikang banyaga.
b. Mahalin natin ang sariling wika.
c. Kailangan nating matutunan ang lahat ng wika.
d. Medaling matutunan ang sariling wika.
5. Ano ang intensyon ng may akda sa tulang binasa?
a. Pag-aralan ang iba’t ibang wika.
b. Pagyamanin at mahalin ang wikang sarili.
c. Magpasalamat sa Panginoon sa pagkakaroon ng iba’t ibang salita.
d. Ang sariling wika ang makapagpapalaya sa atin.

You might also like